Hindi inakala ni Zynteria na magtatagpo pang muli ang mga landas nila ni Kirito. Natagpuan niya ang sariling nagsisilbi bilang shef sa barko nito. Aminado siyang may pagtingin pa rin siya para dito pero hanggang kaya niya ay sinusupil niya iyon. Ngunit ano ang pumasok sa isip niya at tinanggap ang alok nitong week-long cruise na sila lang dalawa? Hindi lang iyon, naniwala rin siya rito nang sabihin nitong mahal pa rin siya nito. Umasa siyang magkakaroon na ng magandang wakas ang kanilang love story. Pero namatay ang kaniyang pag-asa nang malaman niyang ikakasal na pala ito....
View MoreNapamaang siya nang makilala ang lalaki. Ito ang nakabungguan noong nakaraang linggo. Kung minamalas ka nga naman. Teka anong ginagawa nito roon at nakasuot pa ng uniform? Ibig sabihin ba, schoolmates, sila nito? Bakit ito nakasuot ng uniform, eh sabado ngayon? Napasigaw siya nang malakas ng tumama ang bola ng volleyball sa mukha niya. "Zynteria, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Klea, kaibigan at kakampi niya. Pakiramdam niya ay nayanig ang buong campus sa sobrang lakas ng pagkakatama ng bola sa kanyang mukha. Muntik na ata siyang mawalan ng ulirat. Bakit ba sa tuwing nakikita niya ang lalaking iyon ay tila nagiging accident prone siya? Nasaktan man ay nagawa pa rin niyang tingalain ang lalaki. Ngunit wala na ito roon. "Ano ba ang nangyari, girl? Ang dali lang dapat n'ong tira mo, ah." "Did you see that girls? Di naman pala talaga ganun ka galing ang pinagmamalaki nilang varsity ng volleyball. Masakit ba Zynteria? Ang mam
Five years ago.Lakad-takbo ang ginagawa ni Zynteria dahil sa pagmamadali. Kagagaling lang niya ng karinderya nila at male-late na siya sa pagpasok sa eskwelahan. Maraming customer kanina sa karinderya at nahiya siyang iwan mag-isa roon ang kanyang Tiya Selena na nagkukumahog sa pag-eestima sa mga kumakain. Madalang lang mangyari sa kanilang karinderya ang ganoon na maaga pa lang ay puno na nang customer ang kanilang karinderya.Sa wakas ay graduating na siya sa kanyang two-year course na Information Technology. Natigil siya nang isang taon bago nakapag-aral uli sa kolehiyo kaya sa edad na nineteen ay ngayon pa lamang siya ga-graduate.Pangarap niyang maging isang tanyag na chef pero IT ang kinuha niyang kurso dahil iyon lang ang kayang tustusan ng kanyang Tiya Selena na kumupkop sa kanya mula ng mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Gayunman, masaya siya dahil kahit papaano ay nakakapag-aral siya kahit vocational course.Exams na nila mamaya at
Hindi mapakali si Kirito habang patungo siya sa resort. Sa araw na iyon makikita uli niya si Zynteria. He didn't know what to expect after more than five years. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nagkita uli sila.More than a month ago ay kompleto na ang bagong cookware brand na ipakikilala ng STR Corporation, ang kompanyang itinayo niya together with a few collagues halos isang taon na ang nakararaan. Bilang parte ng first year anniversary nila ay maglalabas sila ng bagong line ng cookware brand.The cookware line would be their biggest project this year. At kailangan nila ng isang renowned chef na maaaring magdala ng kanilang produkto. Ayon sa kanyang sekretarya ay rekomendado mismo ng anak ng isa sa kanilang board of directors si Zynteria.Yes, he was happy, but a little nervous, too. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na makikipagdate sa secret crush niya.'You're hardly a teenager, Kirito Ryuta, for crying out loud!'
"Wow! She's beautiful," hindi makapaniwalang bulalas ni Zynteria habang iniikot niya ang tingin sa boung yate. Animnapu't limang talampakan ang laki niyon at sa gitna ng sikat ng araw ay nagrereflect ang puting kulay niyon sa tubig ng dagat. Stainless steel ang fittings at makapal na salamin ang mga bintana niyon. It was a doble engine yacht and a power cruiser. Bahagyang gumegewang ang yate dahil sa alon habang nakatali iyon sa pantalan.Matalik na kaibigan niya si Sebastian. Ayon dito, pag-aari ng kaibigan nitong si Kirito Ryuta ang yate at property ng pamilya nito ang kinaroroonan nilang resort. Kilala niya si Kirito Ryuta. How could she not? It had been...Ipinilig niya ang kanyang ulo. Isa sa mga negosyo ng mga Ryuta ang kompanyang gumagawa ng cookware. Kilala ang brand ng mga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bukod doon, kasosyo rin ito ng ama ni Sebastian sa ilang negosyo. May bagong cookware line na ilalabas ang kompanya at siya ang kinuh
"Wow! She's beautiful," hindi makapaniwalang bulalas ni Zynteria habang iniikot niya ang tingin sa boung yate. Animnapu't limang talampakan ang laki niyon at sa gitna ng sikat ng araw ay nagrereflect ang puting kulay niyon sa tubig ng dagat. Stainless steel ang fittings at makapal na salamin ang mga bintana niyon. It was a doble engine yacht and a power cruiser. Bahagyang gumegewang ang yate dahil sa alon habang nakatali iyon sa pantalan.Matalik na kaibigan niya si Sebastian. Ayon dito, pag-aari ng kaibigan nitong si Kirito Ryuta ang yate at property ng pamilya nito ang kinaroroonan nilang resort. Kilala niya si Kirito Ryuta. How could she not? It had been...Ipinilig niya ang kanyang ulo. Isa sa mga negosyo ng mga Ryuta ang kompanyang gumagawa ng cookware. Kilala ang brand ng mga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bukod doon, kasosyo rin ito ng ama ni Sebastian sa ilang negosyo. May bagong cookware line na ilalabas ang kompanya at siya ang kinuh...
Comments