Home / All / Love is Onboard / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Astripen
last update Last Updated: 2021-09-05 14:09:07

Five years ago.

Lakad-takbo ang ginagawa ni Zynteria dahil sa pagmamadali. Kagagaling lang niya ng karinderya nila at male-late na siya sa pagpasok sa eskwelahan. Maraming customer kanina sa karinderya at nahiya siyang iwan mag-isa roon ang kanyang Tiya Selena na nagkukumahog sa pag-eestima sa mga kumakain. Madalang lang mangyari sa kanilang karinderya ang ganoon na maaga pa lang ay puno na nang customer ang kanilang karinderya.

Sa wakas ay graduating na siya sa kanyang two-year course na Information Technology. Natigil siya nang isang taon bago nakapag-aral uli sa kolehiyo kaya sa edad na nineteen ay ngayon pa lamang siya ga-graduate.

Pangarap niyang maging isang tanyag na chef pero IT ang kinuha niyang kurso dahil iyon lang ang kayang tustusan ng kanyang Tiya Selena na kumupkop sa kanya mula ng mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Gayunman, masaya siya dahil kahit papaano ay nakakapag-aral siya kahit vocational course.

Exams na nila mamaya at deadline na din ng pagbabayad ng tuition fee. Installment basis ang pagbabayad niya ng tuition. Alam niyang mahaba at magiging matagal umusad ang pila sa dami ng mga estudyanteng magbabayad sa registrar's office kaya naman nagmamadali na siya dahil isang oras na lang ay mag-uumpisa  na ang klase niya sa kanyang unang subject. Ilang minuto pa siyang naglalakad bago niya narating ang gate ng eskwelahan.

"Aray! Ano ba?" angil niya dahil tinamaan ang ulo niya ng kung anong bagay. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang makakasalubong niya. Kung kaya naman tumama sa ulo niya ang siko nito.

"I'm sorry."

"Wala ka bang mga mata, ha?" galit na baling niya sa kung sino mang nakabungguan niya habang hinahagud-hagod ang kanyang ulo. Napatunganga siya ng makitang isang napakaguwapong lalaki pala ang nakabungguan niya na may pasang malaking gulong ng truck.

Matangkad itong kompara sa height niyang five-three at halos tingalain niya ito sa sobrang tangkad. Wala itong suot na damit pang-itaas sa halip ay nakasuot lamang ito ng lumang pantalon na medyo hapit sa kanyang mga binti. Kumikislap ang mga pawis sa magandang hubog ng katawan nito sa sinag ng pang-umagang araw. Napalunok siya.

Hindi niya naiwasang hagurin ng humahangang tingin ang katawang ng lalaki papunta sa mga malapandesal nito mga abs. Katulad ng mga nakikita niya sa billboard ng mga male models. Kung hindi siya nagkakamali ay anim na piraso ang bilang niya sa umbok ng muscles sa tiyan nito.

"Pasensya na, Miss. Nagmamadali ka kasi kaya hindi mo ako napansin," nakangiting hinging paumanhin nito. Halatang na-amuse ito sa lantarang pagsuri niya sa katawan nito mula ulo hanggang paa. Nalantad sa kanya ang pantay-pantay at mapuputing mga ngipin nito dahil sa pagkakangiti nito.

"Ako pa talaga ngayon ang may kasalanan?" angil niya upang pagtakpan ang pagkapahiya. Sigurado siyang kasing-pula na ng kamatis ang mga mukha niya nang mga sandaling iyon. "Ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinaraanan, eh."

"Like I said, I'm really sorry." ibinaba nito hawak na gulong at ipinunas ang mga kamay sa pantalong may bahid ng grasa.

Hindi niya maiwasang humanga sa pag-galawan ng mga muscles nito sa katawan habang ibinababa nito ang hawak na gulong na parang slow-motion sa pelikula.

Tumaas ang isang kilay niya. Napansin niya ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada na mukhang na flat ang gulong. May nalalaman pang pa-ingles-ingles itong kumag na ito eh samantalang mukha namang isang pipityuging driver lang ito ng truck. Hindi siya snob o mapangmata ng kapwa subalit naunahan na siya ng pagkapahiya kaya naman mas pinili nalang niyang magsuplada.

"Tingnan mo nga itong uniform ko, muntik ng mahawa sa grasa ng katawan mo. Ang aga-aga, mangangamoy-pawis na ako." Alam niyang OA na ang sinabi niyang iyon. Dahil kahit pawis na pawis na ito sa kakabitbit ng malaking gulong ng truck ay kataka-takang hindi ito nangangamoy pawis. At kahit may grasa ang pantalon at katawan nito ay hindi pa rin ito mukhang gusgusin o marumi. Napailing siya. She must be crazy!

"Aba, ayaw mo ba n'on, maghapon na ako ang maaamoy mo? Amoy baby yata ito." Tumatawang pagkasabi nito.

"Aba't hindi ka rin mahangin, ano? FYI, Mister, kung ikaw rin lang ang maaamoy ko sa boung maghapon, aba'y mas gugustuhin ko pang mangamoy bawang at sibuyas, 'no!"

"Really? Hahahaha that's new. Are you sure?" Gusto nang umusok ng bunbunan niya sa sobrang inis dito. Ang antipatiko! Gwapo nga mayabang naman, ang kapal pa ng mukha!

"Kung tama ang hula ko, driver ka ng truck na yan," aniya, sabay nguso sa truck. "Hindi ba dapat ugali mo na ang tumingin muna sa dinaraanan mo bago ka sumulong? Napakalaking porsiyento ng mga road accidents ay dahil sa mga reckless drivers na hindi isinasaalang-alang ang buhay ng ibang tao," nakapamaywang pang lintaya niya.

"Ano? Teka, ano naman ang koneksiyon n'on sa pagkakabungguan natin, aber?"

"Everything! Ibig sabihin kasi, may tendency kang maging reckless driver kaya hindi ka dapat nagmamaneho."

"Whoa! Wait up, lady. Hindi kaya nago-overreact ka nanaman? Besides, ikaw itong hindi nakatingin sa dinaraanan mo at hindi ako," Humalukipkip pa ito at lalong lumuwag ang pagkakangiti nang maningkit ang mga mata niya dahio sa sinabi nito. "Hindi ba, totoo?"

"Ang alam ko, Miss, isang malaking porsiyento ng mga nabubundol sa kalye ay mga pedistrian na hind muna tumitingin sa magkabilang panig ng kalsada kaya sila nabubundol." Nakakalokong ngumiti ito na tila aliw na aliw sa kanya. Alam niyang tinutudyo siya nito at nagtatagumpay naman ito dahil mas lalong umiinit ang ulo niya. Mukhang magaling mangatwiran ang herodes!

"Ewan ko sayo. Madapa ka sana tse!" aniya, sabay belat dito. Lakad-takbo uli ang ginawa niya at hindi na lumingon dito kahit narinig niya ang malakas na pagtawag nito sakanya. Alam niyang umakto siyang parang bata sa harap ng poging lalaki na yun pero wala siyang pakialam dahil masyado na siyang napahiya. Kahit siya ay hindi maintindihan ang inakto niya.

Pagkatapos ng klase ni Zynteria ay dumeritso siya sa karinderya ng tiyahin niya kung saan malapit sa palengke. Naabotan niyang aligaga sa pag-aasikaso sa mga customer ang kanyang mahal na Tiyahin kung kaya naman ay agad niya itong tinulungan. Mag-aalas otso na ng gabi sila nakauwi dahil sa daming customer na kumain pero parang hindi man lang dinapuan ng pagod si Zynteria dahil agad itong tumungo sa kusina upang magluto ng kanilang kakainin.

Kinabukasan ay wala silang pasok kaya naman naisipan niya at ng mga kaibigan niya na maglaro ng volleyball. Dati siyang varsity player ng volleyball noong high school siyang. Naroon sila sa open court ng campus at siya ang kasalukuyang magse-serve ng bola. Mula pa ng kanina ay hindi na mapakali si Zynteria dahil pakiramdam niya na tila may nanunuot na titig na ipinupukol sa kanya.

She positioned herself and hit the ball after the whistle sounded off. Agad siyang bumalik sa kanyang p'westo pagkatapos niyang tumira. Nagpalipat -lipat ng ilang beses ang bola sa dalawang magkaibang panig ng court. Isa sa mga opponents ng team nila ang nag-spike at deritsong sakanya papunta ang bola. Madali lang sana ang depensa roon dahil nasa tama at hindi mahirap ang posisyon ng bola. 

Saktong papaluin na niya ang bola nang pagtingala niya ay agad niyang nakita ang isang lalaki sa terrace ng second floor ng engineering building. Nakaupo ito sa barandilya habang may subo-subong lollipop. Kumaway ito sakanya sabay kuha ng lollipop sa bunganga at sa pangilalas niya ay nagflying kiss pa! 

Related chapters

  • Love is Onboard   Chapter 4

    Napamaang siya nang makilala ang lalaki. Ito ang nakabungguan noong nakaraang linggo. Kung minamalas ka nga naman. Teka anong ginagawa nito roon at nakasuot pa ng uniform? Ibig sabihin ba, schoolmates, sila nito? Bakit ito nakasuot ng uniform, eh sabado ngayon? Napasigaw siya nang malakas ng tumama ang bola ng volleyball sa mukha niya. "Zynteria, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Klea, kaibigan at kakampi niya. Pakiramdam niya ay nayanig ang buong campus sa sobrang lakas ng pagkakatama ng bola sa kanyang mukha. Muntik na ata siyang mawalan ng ulirat. Bakit ba sa tuwing nakikita niya ang lalaking iyon ay tila nagiging accident prone siya? Nasaktan man ay nagawa pa rin niyang tingalain ang lalaki. Ngunit wala na ito roon. "Ano ba ang nangyari, girl? Ang dali lang dapat n'ong tira mo, ah." "Did you see that girls? Di naman pala talaga ganun ka galing ang pinagmamalaki nilang varsity ng volleyball. Masakit ba Zynteria? Ang mam

    Last Updated : 2021-09-05
  • Love is Onboard   Chapter 1

    "Wow! She's beautiful," hindi makapaniwalang bulalas ni Zynteria habang iniikot niya ang tingin sa boung yate. Animnapu't limang talampakan ang laki niyon at sa gitna ng sikat ng araw ay nagrereflect ang puting kulay niyon sa tubig ng dagat. Stainless steel ang fittings at makapal na salamin ang mga bintana niyon. It was a doble engine yacht and a power cruiser. Bahagyang gumegewang ang yate dahil sa alon habang nakatali iyon sa pantalan.Matalik na kaibigan niya si Sebastian. Ayon dito, pag-aari ng kaibigan nitong si Kirito Ryuta ang yate at property ng pamilya nito ang kinaroroonan nilang resort. Kilala niya si Kirito Ryuta. How could she not? It had been...Ipinilig niya ang kanyang ulo. Isa sa mga negosyo ng mga Ryuta ang kompanyang gumagawa ng cookware. Kilala ang brand ng mga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bukod doon, kasosyo rin ito ng ama ni Sebastian sa ilang negosyo. May bagong cookware line na ilalabas ang kompanya at siya ang kinuh

    Last Updated : 2021-09-05
  • Love is Onboard   Chapter 2

    Hindi mapakali si Kirito habang patungo siya sa resort. Sa araw na iyon makikita uli niya si Zynteria. He didn't know what to expect after more than five years. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nagkita uli sila.More than a month ago ay kompleto na ang bagong cookware brand na ipakikilala ng STR Corporation, ang kompanyang itinayo niya together with a few collagues halos isang taon na ang nakararaan. Bilang parte ng first year anniversary nila ay maglalabas sila ng bagong line ng cookware brand.The cookware line would be their biggest project this year. At kailangan nila ng isang renowned chef na maaaring magdala ng kanilang produkto. Ayon sa kanyang sekretarya ay rekomendado mismo ng anak ng isa sa kanilang board of directors si Zynteria.Yes, he was happy, but a little nervous, too. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na makikipagdate sa secret crush niya.'You're hardly a teenager, Kirito Ryuta, for crying out loud!'

    Last Updated : 2021-09-05

Latest chapter

  • Love is Onboard   Chapter 3

    Five years ago.Lakad-takbo ang ginagawa ni Zynteria dahil sa pagmamadali. Kagagaling lang niya ng karinderya nila at male-late na siya sa pagpasok sa eskwelahan. Maraming customer kanina sa karinderya at nahiya siyang iwan mag-isa roon ang kanyang Tiya Selena na nagkukumahog sa pag-eestima sa mga kumakain. Madalang lang mangyari sa kanilang karinderya ang ganoon na maaga pa lang ay puno na nang customer ang kanilang karinderya.Sa wakas ay graduating na siya sa kanyang two-year course na Information Technology. Natigil siya nang isang taon bago nakapag-aral uli sa kolehiyo kaya sa edad na nineteen ay ngayon pa lamang siya ga-graduate.Pangarap niyang maging isang tanyag na chef pero IT ang kinuha niyang kurso dahil iyon lang ang kayang tustusan ng kanyang Tiya Selena na kumupkop sa kanya mula ng mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Gayunman, masaya siya dahil kahit papaano ay nakakapag-aral siya kahit vocational course.Exams na nila mamaya at

  • Love is Onboard   Chapter 2

    Hindi mapakali si Kirito habang patungo siya sa resort. Sa araw na iyon makikita uli niya si Zynteria. He didn't know what to expect after more than five years. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nagkita uli sila.More than a month ago ay kompleto na ang bagong cookware brand na ipakikilala ng STR Corporation, ang kompanyang itinayo niya together with a few collagues halos isang taon na ang nakararaan. Bilang parte ng first year anniversary nila ay maglalabas sila ng bagong line ng cookware brand.The cookware line would be their biggest project this year. At kailangan nila ng isang renowned chef na maaaring magdala ng kanilang produkto. Ayon sa kanyang sekretarya ay rekomendado mismo ng anak ng isa sa kanilang board of directors si Zynteria.Yes, he was happy, but a little nervous, too. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na makikipagdate sa secret crush niya.'You're hardly a teenager, Kirito Ryuta, for crying out loud!'

  • Love is Onboard   Chapter 1

    "Wow! She's beautiful," hindi makapaniwalang bulalas ni Zynteria habang iniikot niya ang tingin sa boung yate. Animnapu't limang talampakan ang laki niyon at sa gitna ng sikat ng araw ay nagrereflect ang puting kulay niyon sa tubig ng dagat. Stainless steel ang fittings at makapal na salamin ang mga bintana niyon. It was a doble engine yacht and a power cruiser. Bahagyang gumegewang ang yate dahil sa alon habang nakatali iyon sa pantalan.Matalik na kaibigan niya si Sebastian. Ayon dito, pag-aari ng kaibigan nitong si Kirito Ryuta ang yate at property ng pamilya nito ang kinaroroonan nilang resort. Kilala niya si Kirito Ryuta. How could she not? It had been...Ipinilig niya ang kanyang ulo. Isa sa mga negosyo ng mga Ryuta ang kompanyang gumagawa ng cookware. Kilala ang brand ng mga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bukod doon, kasosyo rin ito ng ama ni Sebastian sa ilang negosyo. May bagong cookware line na ilalabas ang kompanya at siya ang kinuh

DMCA.com Protection Status