Napamaang siya nang makilala ang lalaki. Ito ang nakabungguan noong nakaraang linggo. Kung minamalas ka nga naman. Teka anong ginagawa nito roon at nakasuot pa ng uniform? Ibig sabihin ba, schoolmates, sila nito? Bakit ito nakasuot ng uniform, eh sabado ngayon?
Napasigaw siya nang malakas ng tumama ang bola ng volleyball sa mukha niya.
"Zynteria, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Klea, kaibigan at kakampi niya.
Pakiramdam niya ay nayanig ang buong campus sa sobrang lakas ng pagkakatama ng bola sa kanyang mukha. Muntik na ata siyang mawalan ng ulirat. Bakit ba sa tuwing nakikita niya ang lalaking iyon ay tila nagiging accident prone siya?
Nasaktan man ay nagawa pa rin niyang tingalain ang lalaki. Ngunit wala na ito roon.
"Ano ba ang nangyari, girl? Ang dali lang dapat n'ong tira mo, ah."
"Did you see that girls? Di naman pala talaga ganun ka galing ang pinagmamalaki nilang varsity ng volleyball. Masakit ba Zynteria? Ang mamukha ng bola?" tumatawang singit ni Patricia habang nagkumpolan sa tabi ni Zynteria ang mga kaibigan nito.
"Sampolan kaya kita ng spike sa mukha, Patricia? Para naman malaman ng buong campus na ang muse ng basketball team ng college department ay peke ang ilong." pagtatanggol naman ni Klea sa kaibigan. Agad namang napamaang ang tatlong alipores na kasama nito matapos na marinig ang kagimbal-gimbal na katotohanan patungkol sa ilong nito.
Sabay-sabay na tinalikuran nila Zynteria at ng mga kaibigan nito ang grupo ni Patricia. At nagpatuloy na uli sila maglaro.
"Time-out muna ako, ang sakit ng ulo siguro ay dahil to kanina sa pagkakatama ng bola sa mukha ko." Hinilot hilot niya ang noo natamaan.
"Gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic, Zyn?"
"Okay lang ako, Klea. Medyo nawala kasi ang concentration ko."
"Ha? Bakit? Ano bang tinitingnan mo do'n?" tanong nito nang tumingala uli siya sa itaas ng building.
"Wala." I just saw a jinx, dagdag ng isip niya.
"Are you sure you're okay?"
"Oo. Mauuna na muna ako sa inyo. Baka hinihintay na ako ni Tiya Selena at mag-aalas kwatro na." Tumayo na siya upang kunin ang mga gamit niya na nasa bench. Dumiretso siya sa restroom sa loob ng gym subalit puno iyon kaya minabuti niyang maghanap ng ibang restroom na bakante at di masyadong matao upang makapagpalit ng damit. Bawat building ay may restroom sa dulo ng bawat palapag. Dumiretso siya sa Commerce Building dahil iyon ang pinakamalapit.
Palabas na siya ng restroom pagkatapos niyang makapagbihis nang makita niya ang taong naging dahilan kung bakit siya tinamaan ng bola at kinutya ni Patricia. Babalik na sana siya sa loob ngunit nakita na siya ng lalaki. Magmumukha siyang umiiwas dito kung babalik siya sa loob, kaya minabuti nalang niyang dumeritso ng lakad at umaktong hindi ito nakikita.
"Hi." Humarang ito sa daraanan niya.
"Bakit?" mataray na angil niya. Masakit pa rin ang mukha niya.
"Nasaktan ka ba?"
"Mukha bang hindi at nagtanong ka pa?" Nanininingkit ang mga matang hinarap niya ito. "Ano naman ngayon sa'yo kung nasaktan ako? Bakit, close ba tayo?"
"Nag-aalala lang kasi ako, baka napasama ang pagtama ng bola sa mukha mo. Kung saan-saan ka kasi tumitingin."
"Aba't—"
"I'm just kidding. Gusto ko lang pagaanin ang loob mo, mukha kasing namamaga ang buong mukha mo," nakangiting saad nito.
Pero dahil napahiya nanaman siya kanina ay tinarayan pa rin niya ito. "Pwede ba, huwag kang humarang harang sa daraanan ko at baka malasin uli ako!"
"Wala naman akong ginagawang masama, ah."
"Anong wala? Para ka ngang sumpang buntot ng buntot sakin, dahil lagi akong minamalas kapag nasa paligid ka."
"Gusto lang kitang makilala."
"Hindi ba obvious? Ayaw kong makipagkilala sa'yo."
"Bakit naman?" Mukhang hindi pa rin ito natitinag sa pagsusuplada niya. Parang nag-e-enjoy pa nga ito sa nakikitang inis sa mukha niya dahil nakukuha pa nito ngumiti!
Mas lalong kumulo ang dugo nito sa sobrang pagkainis dahil tila nawawala ang galit niya sa ganda ng ngiti nito. "Kailangan bang may dahilan? Basta ayaw kong makipagkilala sa'yo. Period!" angil pa rin niya rito.
"Ikaw rin, baka hindi mo alam kung ano ang mami-miss mo."
"Alam mo bang kasing kapal ng Merriam's Dictionary ang mukha mo? Bakit? Sa tingin mo ba, lahat ng babae gusto kang makilala?"
Walang pakundangang tumango ito. "Well, medyo." Hayun na naman ang ngiti nito at pakiramdam niya'y matutunaw na siya.
"Kung balak mo akong pormahan, huwag mo ng ituloy dahil hindi ako pumapatol sa amoy-grasa na, mayabang pa!"
"At ano namang klaseng lalaki ang gusto mo, mayaman?"
"Eh, ano naman sa'yo kung 'oo'? Masama ba yun?"
Tumawa ito ng malakas kung kaya naman sandali itong napamaang. Shit Zynteria ang pogi niya tumawa!
"Hindi naman. Pasensiya na, hindi ko lang talaga mapigilang maaliw."
"Hoy! FYI, ang gusto ko sa lalaki ay mabait, sweet, gentlemanly, at higit sa lahat hindi mayabang. Apparently, mukhang wala ka ni isa man sa mga qualities na 'yon. Meaning, I don't like you!"
" Aray! Ang sakit mo namang magsalita." Nakangiwing hinawakan pa nito ang dibdib na kunwari ay nasaktan.
"Aba, dapat lang! Mahirap na sa panahon ngayon. Marami nang sinungaling at manloloko, ano."
"And I'm definitely not one of them."
"Whatever. At isa pa nga pala, ayoko sa kagaya ko ring mahirap. Driver ka lang ng truck, ano'ng bukas ang mapapala ko sa'yo, aber?" Hindi siya mapanlait ng kapwa, wala lang siyang maisip na isasagot dito. Talagang nasaling nito ng husto ang pride niya.
Inaakala niyang magagalit nito sakanya dahil sa pang-iinsulto niya kaya nagulat siya nang humagalpak ito ng tawa. "Teka, may sinabi ba akong liligawan kita? Nakikipagkaibigan lang naman ako, 'di ba?" anito.
Mas pipiliin nalang niyang lamunin na lang siya ng lupa nang mga sandaling iyon dahil sa sobrang katabilan ng kanyang dila ay mas lalo pa siyang napahiya. Tama ito, dahil sa pagtataray niya ay napasobra tuloy siya.
"Alam mo, mga walang kuwenta ang mga mayayaman. Paiiyakin ka lang nila. Hindi sila marunong magmahal dahil mas ipa-priority nila ang pera kesa sa sayo. Dahil pera lang ang sinasamba nila." makahulugang saad nito. May ilang sandaling inakala niyang galit ito dahil sa paniningkit ng mga mata nito subalit daglit ring nawala iyon at muli itong tumawa.
Lumapit pa ito sa kanya at bumulong malapit sa tainga niya. Nanayo ang kanyang mga balahibo sa batok at naramdaman uli niya ang pagkabog ng dibdib kasabay ng mga paro-parong nagsisisayawan sa loob ng tiyan niya. "Kung hahayaan mong magkalapit tayo, sisiguruhin kung sa iyo na hindi ka magsisisi." Kinindatan pa siya nito bago ito tuluyang tumalikod at umalis.
Naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala...
"Wow! She's beautiful," hindi makapaniwalang bulalas ni Zynteria habang iniikot niya ang tingin sa boung yate. Animnapu't limang talampakan ang laki niyon at sa gitna ng sikat ng araw ay nagrereflect ang puting kulay niyon sa tubig ng dagat. Stainless steel ang fittings at makapal na salamin ang mga bintana niyon. It was a doble engine yacht and a power cruiser. Bahagyang gumegewang ang yate dahil sa alon habang nakatali iyon sa pantalan.Matalik na kaibigan niya si Sebastian. Ayon dito, pag-aari ng kaibigan nitong si Kirito Ryuta ang yate at property ng pamilya nito ang kinaroroonan nilang resort. Kilala niya si Kirito Ryuta. How could she not? It had been...Ipinilig niya ang kanyang ulo. Isa sa mga negosyo ng mga Ryuta ang kompanyang gumagawa ng cookware. Kilala ang brand ng mga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bukod doon, kasosyo rin ito ng ama ni Sebastian sa ilang negosyo. May bagong cookware line na ilalabas ang kompanya at siya ang kinuh
Hindi mapakali si Kirito habang patungo siya sa resort. Sa araw na iyon makikita uli niya si Zynteria. He didn't know what to expect after more than five years. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nagkita uli sila.More than a month ago ay kompleto na ang bagong cookware brand na ipakikilala ng STR Corporation, ang kompanyang itinayo niya together with a few collagues halos isang taon na ang nakararaan. Bilang parte ng first year anniversary nila ay maglalabas sila ng bagong line ng cookware brand.The cookware line would be their biggest project this year. At kailangan nila ng isang renowned chef na maaaring magdala ng kanilang produkto. Ayon sa kanyang sekretarya ay rekomendado mismo ng anak ng isa sa kanilang board of directors si Zynteria.Yes, he was happy, but a little nervous, too. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na makikipagdate sa secret crush niya.'You're hardly a teenager, Kirito Ryuta, for crying out loud!'
Five years ago.Lakad-takbo ang ginagawa ni Zynteria dahil sa pagmamadali. Kagagaling lang niya ng karinderya nila at male-late na siya sa pagpasok sa eskwelahan. Maraming customer kanina sa karinderya at nahiya siyang iwan mag-isa roon ang kanyang Tiya Selena na nagkukumahog sa pag-eestima sa mga kumakain. Madalang lang mangyari sa kanilang karinderya ang ganoon na maaga pa lang ay puno na nang customer ang kanilang karinderya.Sa wakas ay graduating na siya sa kanyang two-year course na Information Technology. Natigil siya nang isang taon bago nakapag-aral uli sa kolehiyo kaya sa edad na nineteen ay ngayon pa lamang siya ga-graduate.Pangarap niyang maging isang tanyag na chef pero IT ang kinuha niyang kurso dahil iyon lang ang kayang tustusan ng kanyang Tiya Selena na kumupkop sa kanya mula ng mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Gayunman, masaya siya dahil kahit papaano ay nakakapag-aral siya kahit vocational course.Exams na nila mamaya at
Napamaang siya nang makilala ang lalaki. Ito ang nakabungguan noong nakaraang linggo. Kung minamalas ka nga naman. Teka anong ginagawa nito roon at nakasuot pa ng uniform? Ibig sabihin ba, schoolmates, sila nito? Bakit ito nakasuot ng uniform, eh sabado ngayon? Napasigaw siya nang malakas ng tumama ang bola ng volleyball sa mukha niya. "Zynteria, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Klea, kaibigan at kakampi niya. Pakiramdam niya ay nayanig ang buong campus sa sobrang lakas ng pagkakatama ng bola sa kanyang mukha. Muntik na ata siyang mawalan ng ulirat. Bakit ba sa tuwing nakikita niya ang lalaking iyon ay tila nagiging accident prone siya? Nasaktan man ay nagawa pa rin niyang tingalain ang lalaki. Ngunit wala na ito roon. "Ano ba ang nangyari, girl? Ang dali lang dapat n'ong tira mo, ah." "Did you see that girls? Di naman pala talaga ganun ka galing ang pinagmamalaki nilang varsity ng volleyball. Masakit ba Zynteria? Ang mam