I know na yung iba ay nakahula na sa mga naunang chapter na totoong buhay at nasa foundation ni Maximus ang lola ni Thalia haha congrats ahh ang gagaling ninyo. Pero mahulaan niyo pa kaya ang susunod na daloy ng kwento? We'll see.
( Thalia's POV ) Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog. Hindi ko man alam kung ilang oras na ngunit ramdam kong mahaba haba na dahil sa dami ng nangyari sa aking panaginip na hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang ibang mga eksena. Ang halimaw na Maximus, si Krista at ang malditang mommy niy
"She!???? Babae po siya dok?" Puno ng kagalakang tanong ko at nakangiting tumango si dok. "Yeah and you're going to give birth next month." Natutuwang balita nito kaya mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon sa sobrang daming emosyong bumalot s
( Krista's POV ) "Let's celebrate for our victory mom! Cheers!" Abot tainga ang ngiti ko habang itinaas ang hawak na baso na may lamang wine. Dahil nasa Manila pa si Maximus ay umuwi na muna ako sa lumang mansyon na tinitirhan pa rin ngayon ni mommy para ipagdiwang ang tagumpay ng aming mga plan
( Thalia's POV ) "Are you ready?" Tanong ni Doc Adam matapos nitong pumasok sa aking kwarto. Ngayo'y bitbit na nito ang malaking maleta na naglalaman ng mga gamit namin. Oo namin pagkat binilhan niya ako ng mga bagong gamit maging ang baby ko. Nakabihis na rin ako ng maternity dress at handa
[ Makalipas ang anim na taon ] ( Thalia's POV ) "Malaki na si Natalie anak, napakabibong bata at napakaganda. Sayang, dahil hindi mo man lang siya nakikitang lumalaki." Emosyonal na sambit ni Mommy Aida. Kinakausap nito ang puntod ni Adam at ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa tinig niya, pa
Kaya ngayong may sapat na akong kaalaman at determinasyon, inako ko na rin ang responsibilidad at pinagpahinga na si Mommy Aida. Hindi biro ang pamamalakad at pamamahala ng mga naiwanang negosyo ni Adam dahil talaga namang nakakalula sa laki at dami. Nagmamay ari lang naman sila ng malalaking ospi
"Masyado ka talagang nagpakasubsob sa trabaho. Here, ipinagtimpla na kita ng kape anak." Concern na sambit ni Mommy Aida nang maabutan ako nito sa kwartong ginagawa ko ng opisina. Dahil tutok na tutok ang mga mata ko sa monitor ng laptop ay di ko kaagad napansin ang pagpasok nito. Lumipad agad ang
At ngayong si mommy mismo ang nag udyok sa akin na bumalik ng Pilipinas para masimulan na ang paghahanap sa hustisyang kay tagal kong inasam ay lumakas lalo ang loob at determinasyon ko para lumaban. Panatag na panatag na akong aalis dahil alam ko namang mahal na mahal niya ang anak ko at hinding hi
"Nasa conference room pa si Boss Vincenzo pero ibinilin niya na sa akin kanina na pagdating na pagdating mo ay huwag ka munang paaalisin dahil nga palilinisan niya pa sayo ang opisina niya." Salaysay ng sekretarya ni aroganteng Vincenzo na nagpakilala kanina na si Ms. Sheena Go. Oo, Ms. pa dahil s
"Baka naman manlilimos ito o manghihingi ng donasyon. Naku! Modus na naman! Mabuti pa umalis ka nalang bago ka pa namin ipadakip sa mga pulis." Mariing turan ng mga ito na halatang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. At kahit pa may mga suot itong salamin, alam na alam ko ang pangungutya sa
"A--- ako po Manang Martha? Ba-- bakit naman po ako?" Di magkandaugagang tanong ko sa nauutal na boses habang nakaturo ang isang daliri sa aking sarili para makasigurado. Makailang beses na tumango si Manang Martha kaya mas lalo akong tinambol ng kaba. "Ikaw na ikaw nga Lucy! At kung bakit ikaw
Matapos akong pagsabihan ng ganoon ng aroganteng Señorito ay tuluyan na talaga itong umalis at hindi na muli pang bumalik. Dahil nga wala naman akong pagpipilian ay tinapos ko nalang ang sinabi ng doktor na manatili na muna rito ng tatlong araw. Bayad na rin naman lahat kaya sulitin ko nalang lalo
Pagkalabas nito ay hindi na ito ulit bumalik. Para bang pumasok lang iyon sa kwarto hindi para kumustahin ako kundi para paalalahanan ako na hindi libre itong pagdala niya sa akin dito at para ipaalala na rin na bawal ang lampa at tanga sa mansyon nila! Na sa kabila ng lahat na nangyari na muntikan
"Ouch!" Marahan akong napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Hindi ko pa man lang tuluyang naibuka ang aking mga mata ay ramdam na ramdam ko pa rin ang parang pag ikot ng aking paningin. At nang tuluyan at buo kong naibuka ang aking mga mata ay saka ko pa lang napansin ang buong pa
Agad akong nag iwas ng tingin at walang pasabing tumalikod para kunin ang mop. Sa tipo ng tingin ng aroganteng Señorito ay ramdam kong may masama na naman itong interpretasyon sa akin. "Mukha ba akong may nakakahawang sakit para madapuan ang kaibigan niya na nakikipag usap lang naman sana sa akin
Saktong natapos kami ni Claire sa pag iihaw at nagsimula na rin ang kasiyahan nina aroganteng Vincenzo. "Pwede bang samahan mo na rin akong ihatid ito kina Señorito?" Tanong ni Claire na marahan ko lang na tinanguan kahit na nag aalangan ako dahil sa pangungutya sa akin ng lalaking iyon kanina. An
Napahagikhik naman ng tawa si Claire. "Gusto mo ng palayasin kaagad? Ayaw mo bang makakita ng libre ng isang gwapong nilalang?" Tunog panunudyo na tanong nito na siyang ikinasimangot ko. "Kung ganoon naman ka arogante at mapanglait at huwag nalang." Walang prenong sagot ko kaya mas lalo itong na