"Masyado ka talagang nagpakasubsob sa trabaho. Here, ipinagtimpla na kita ng kape anak." Concern na sambit ni Mommy Aida nang maabutan ako nito sa kwartong ginagawa ko ng opisina. Dahil tutok na tutok ang mga mata ko sa monitor ng laptop ay di ko kaagad napansin ang pagpasok nito. Lumipad agad ang
At ngayong si mommy mismo ang nag udyok sa akin na bumalik ng Pilipinas para masimulan na ang paghahanap sa hustisyang kay tagal kong inasam ay lumakas lalo ang loob at determinasyon ko para lumaban. Panatag na panatag na akong aalis dahil alam ko namang mahal na mahal niya ang anak ko at hinding hi
Napakabilis lumipas ng araw at gamit ang pribadong eroplanong pagmamay- ari nina Adam ay basta ko nalang namalayan ang muling pag apak ng aking paa sa bansang sinilangan. Sumalubong sa akin ang malamig at sariwang hangin pagkalapag ng eroplano sa airport ng Negros kaya magkahalong galak at lungkot
"That's right, kuhang kuha mo. Ganyan nga ang mukha ng babaeng ipapahanap ko sa inyo. Sa naaalala ko nasa Visayas din iyon, specifically sa Cebu kaya sana mahanap niyo agad siya." Salaysay ko dahil sariwang sariwa pa sa isipan ko na doon kami nagtungo ng halimaw noon. Ang araw na di ko rin malilimut
( Maximus POV ) "In one, two, three, say cheese!" The photographer smiled widely after he clicked his camera. "Next naman is yong magkadikit ang mommy at daddy habang kandong ni mommy si baby pogi." Sunod na suhestiyon naman nito kaya mas lalong inilapit ni Krista ang sarili sa akin. "Like thi
"I'm fine with my son. I already have my heir. Ngayon ko pa ba iisipin ang bagay na yan?" Seryosong wika ko. Kung noon nga wala na sa isip ko ang magpatali, ngayon pa kaya na may magiging tagapagmana na ako? "Ang sabihin mo kasi broken hearted ka pa. At hanggang ngayon hindi ka pa nakakapagmove
( Thalia's POV ) "Thalia, ipinagtimpla na kita ng kape." Nakangiting sambit ng kakapasok lang na si Isabel saka nito inilahad ang bitbit na tasa. Kasalukuyan kaming nasa terrace ngayon ng aking kwarto dito sa mansyon. Matapos makipagvideocall kay Mommy Aida at Natalie at maasikaso via email ang mg
Walang paglagyan sa pagwawala ang dibdib ko habang tinatahak namin ang kahabaan ng kalsada. Magkahalong poot at pagkagalak ang nararamdaman ko ngayon. Poot dahil hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa sa isipan ko ang ginawa niyang kasinungalingan at pagdiin sa akin sa isang kasalanan na hindi ako
"May kailangan ka Sheena?" Tunog irritableng tanong ni Vincenzo sa babae kaya bigla naman itong napaayos ng tayo saka marahang tumango. "Ah, hindi po ba at kayo ang may kailangan sa akin Sir? Nagtext po kayo sa akin kanina na may mahalagang bagay kayong ipapagawa." Diretsahang sagot ni Ms. Sheena.
All eyes on me. Pakiramdam ko nasa akin ang mga mata ng mga empleyadong nadadaanan namin ni Vincenzo dahilan para makaramdam ako ng lalong pagkailang at hiya na rin. Lahat ng mga ito ay magalang na yumuyuko habang binabati ang lalaki ngunit para itong bingi at pipi na walang narinig at hindi man l
[To be is all I gotta be. And all that I see. And all that I need this time. To me the life you gave me. The day you said goodnight....] This time ay huminto na si Vincenzo kaya ako na lamang ang mag isang nagpatuloy. [If you could only know me like your prayers at night. Then everything between
"Hindi ka man lang ba kinakabahan sa pagsisinungaling natin Señorito? Kaibigan po pala ni Ma'am Natalie si Ms. Tanya kaya paniguradong magkukwento po iyon." Salaysay ko habang lulan na kami ng sasakyan papunta sa opisina niya. "Don't worry okay? Hindi naman alam ni Ate Tanya ang pangalan mo and be
Nag aalangan sana akong sumunod ngunit dahil marahan akong tinanguan ni Vincenzo na para bang pinapahiwatig nito sa akin na ayos lang ay marahan nalang din akong humakbang para sumunod kay Ms. Tanya patungo sa loob ng isang parang opisina nito. "Uhmmm please come in!" Paanyaya nito matapos buksan
Para akong tuod na nakatayo habang mariing nakatitig sa akin ang isang babae mula ulo hanggng paa. Iyong tipo pa ng titig na nakakatunaw. At kung maihahalintulad ako sa prutas ay para na ako nitong binabalatan. Nakahalukipkip pa ito habang magkasalubong ang mga kilay kaya mas lalo akong nakaramdam
Nakapagbihis na ako at nakapag ayos ayos na rin kahit papaano ng mukha pero yung dibdib ko ay literal na napakalakas ng kabog dahil sa nararamdamang kaba at kagalakan na rin. Ayaw kong isipin na magde- date kami pero hindi ko mapigilang mag assume lalo pa at gusto niyang nakabihis ako ng maayos.
"Naku! Maraming salamat po Señorito. Sino po bang nagsabi na masama kayo? Naku ang bait niyo nga po eh, tsaka ang gwapo gwapo pa." Walang prenong bulalas ko na ngingiti- ngiti pa. "What are you saying again? Na gwapo ako?" Biglang tanong nito kaya napakurap ako ng ilang beses at saka pa lamang nap
Habang nakaupo sa couch ay di magkamayaw ang puso ko sa di mapigilang pagkagalak. Alam ko na kasi na ang mahalagang pag uusapan namin ay tungkol sa pekeng relasyon namin. Kaya siguradong bukas ay ang unang araw na magiging nobyo ko ang nag iisang Vincenzo Villaroman. "First rule, sa mata ng publik