Salamat sa lahat ng matiyagang nag-aabang. At salamat sa pag-iintindi kung hindi ako agad agad nakakapag-update dahil marami rin po akong inaasikaso sa buhay. Sana patuloy niyo pa rin itong suportahan sa pamamagitan na rin ng pagboto gamit ang inyong mga gems. Godbless us all! Love yahhh!
( Amina's POV )Mula sa mahabang pagkakatulog ay nagising ako sa isang maaliwalas na kwartong purong puti, puting pintura at puting kurtina."Nasaan ako?" Nagtatakang usal ko sa aking sarili habang inilibot ang aking mata sa kabuuan ng malaking kwarto. Alam kong hindi pa ito ang langit kaya hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay matapos ang matinding bangungot ko ng gabing iyon.Hinaplos ko ang umbok ng aking sinapupunan kaya agad nagtubig ang aking mga mata. Imposible! Napakaimposible!"Buhay tayo anak! Buhay tayo!" Di makapaniwalang sambit ko kasabay ng mahinang paghikbi. Sadya ngang totoong may himala dahil isang napakalaking milagro ang nangyari sa kung paano ako nakaligtas sa trahedyang iyon.At ang pinakamalaking mga katanungan sa isip ko ay ang kung sinong nagligtas sa akin? At paano niya ako nagawang iligtas?Tiningnan ko ang aking sarili. May marka pa ng mga pasa at sugat ang aking braso at katawan na dulot ng pagtama sa pader ngunit wala na akong maramdamang sakit.Nakasuo
( Drake's POV )Umagang-umaga nang mapabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na doorbell sa maindoor. Tila ba hindi ito makapaghintay na buksan."Fuck!" I cursed habang marahang bumabangon. Hinihilot ko pa ang kumikirot na sintindo dahil sa nararamdamang sakit nito. Sobra ang kalasingan ko kagabi, ni hindi ko na magawang umakyat sa kwarto ko at dito na ako sa sofa nakatulog."Sino ba 'to? Aga aga istorbo!" Asik ko habang humahakbang patungo sa pintuan.At nang mabuksan ko ito ay gayun na lamang ang pagkagulantang ko.Agad na magkasalubong ang kilay nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa na tila ba hindi nagugustuhan ang kanyang nakikita."What are you doing here!?" Ang gulat na reaksyon ko ay napalitan agad ng poot dahil sa inaakto nito."Is that how you welcomed your father? Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" Seryosong sambit nito ngunit nilagpasan din ako kahit hindi ko siya inanyayahang pumasok.Umangat ang sulok ng labi ko at sarkastikong natawa."C'
Kita ko rin ang labis na pagkagulat sa mukha niya habang nakatingin sa direksyon ko. "A---Amina." Mahinang sambit niya sa pangalan ko sa nauutal na boses.Hindi na rin ako nakapagsalita. Bahagya akong napahawak sa pader para kumuha ng lakas at nang hindi ako matumba sa pagkakatayo.Sino ba namang hindi magugulantang gayun ang lalaking nagligtas sa akin ay matalik na kaibigan ng lalaking ayaw ko ng makita at maalala pa!?Si Zander at Señorito Tres ay iisang tao lang at hindi ito panaginip!Nilapitan niya ako kaagad nang mapansin niya ang panghihina ko at iginiya paupo sa couch. Hawak-hawak ko ang aking sintido habang hinihilot ito sa biglaang pagsakit.Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago ako naglakas loob na nagsalita. Napakaraming katanungan ang gumulo sa isipan ko at gusto ko na ng kasagutan ngayon din."So ikaw nga si Señorito Tres? Papaano--?" Naguguluhang tanong ko habang seryosong nakatutok sa kanya.Marahan lang siyang tumango bago nagpaliwanag."Alexander Montegra
Mabilis lumipas ang maraming buwan. Naging maayos ang buhay ko sa pananatili sa ancestral house ni Zander dito sa Bulacan kasama si Manang Celia.Si Zander naman ay madalas na ring umuuwi rito. Tuwing weekends lang siya nag-oovernight sa Manila para atupagin ang mga bar na pagmamay-ari niya, ganoong mga araw daw kasi ang sobrang busy.Iniiwasan na rin naming pag-usapan ang hinayup*k niyang kaibigan na ayon sa kanya ay bihira nalang daw niya makasama. Hindi na ako nagtanong kung bakit kaya wala rin siyang naikukwento.Pilit kong binabaon sa limot ang bangungot na naranasan ko sa kamay ng hinayup*k na Drake Lukas Wilson na iyon. Pipilitin ko kahit pa man nagbunga ang ilang beses na pag-angkin niya sa akin, sapilitan man o kusang loob akong nagpaubaya.Hindi ko kailanman idadamay ang anak ko sa kawalangyaan ng ama niya. Mangangako akong mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko.Kaya naman sa ilang buwan na pananatili ko rito ay nakatuon lang ang atensyon ko sa pamumuhay rito at sa magiging
( Amina's POV )Nang matapos kami ni Manang Celia sa mga gawaing bahay ay napagpasyahan kong tumambay muna sa terrace para magpahangin at magpahinga na rin.Nakangiti ako habang nakatanaw ang mga mata sa magandang tanawin ng kapaligiran. Kita kasi mula rito ang malawak na palayan. Di ko mapigilang hindi maalala ang naging buhay ko noon sa Cavite."Kumusta na kaya si Kyla at Nanay Mercy ? Tsaka si Nanay Pasing? Naalala kong may utang pa ako sa kanya." Di mapigilang tanong ko sa sarili. Kahit wala na si Tiyang ay may malalapit na mga tao pa akong gustong makita muli, lalo na si Kyla na bestfriend ko."Amina, ayos ka lang?"Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ni Zander. Pangalawang araw niya ng nakalagi rito dahil wala pa raw siyang balak bumalik ng Maynila.Napalingon ako sa gawi niya at pansin ko ang mamasa-masang buhok niya. Nakasuot lang siya ng short na pambahay at white sando. Di ko mapigilang mapalunok ng mapansin ang bakat niyang muscles. Kagaya ng sa hinayup*k
Halos isang oras din kaming nag-usap ni Kyla bago namin napagdesisyonang umuwi ni Zander. Nangako siyang mananatiling lihim ang tungkol sa akin. Wala ng iba pang dapat makaalam na buhay ako at nagtatago dahil tiyak, isang maling galaw lang namin malalaman na ng Drake na iyon lalo pa't marami iyong galamay.Binigyan rin ako ni Kyla ng contact number niya para magkaroon kami ng komunikasyon sa isa't-isa.At dahil wala akong cellphone ay naisipan kong bumili na lang ng de keypad kapag nakarating na kami ni Zander sa Bulacan. Sa bayan ko nalang balak na bumili para maging tuloy tuloy na ang biyahe namin pauwi."Nagugutom ka ba? Gusto mo bang dumaan tayo ng drive thru at ng makapagtake-out tayo ng pagkain?" Tanong ni Zander matapos ang halos isang oras na biyahe.Napakamaalalahanin talaga niya. Habang tumatagal na nakakasama ko siya, mas lalo kong nakikita kung gaano kabuti ang puso niya."Ayos lang ako, wag mo na akong alalahanin. Ikaw ba? Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya pabalik. Pina
( Drake's POV )"Here's your drink Mr. Wilson." Malandi at nang-aakit na wika ng entertainer sabay lapag ng dala nitong luxury vodka. But I just smirked while pouring vodka on my empty glass, showing that I am not interested. Di ko na mabilang kung pang ilan na 'to sa mga babaeng nagtangkang lumandi sa akin ngayong gabi.But even the hottiest and prettiest didn't succeeded."Leave me alone!" Inis na pagtataboy ko nang hindi pa rin ito umaalis sa harapan ko.Napayuko naman ito sa pagkapahiya at agad na umalis.Sa ngayon mas komportable akong mag-isa and I don't need any companion. That's why dito sa isang exclusive bar sa Makati ako nagpunta coz I don't want my friends o mga kakilala ko to see me kung gaano ako kalugmok ngayon.Zander, that jerk, hindi ko alam kung nagbubusy-busyhan o sadyang iniiwasan lang talaga ako. While Logan and Steffi are also busy with their married life. Especially now that they are expecting their first baby. Well, good for them!Habang ako? Heto at muling ni
( Drake's POV )Hirap na hirap man ay pinilit ko pa ring pumasok sa opisina. Ilang buwan ko rin itong napabayaan kaya ngayo'y susubukan kong makabawi. Kung ikukulong ang sarili ko sa alaala ni Amina ay tiyak yun ang ikalulugmok ko. Baka sunod na mawala sa akin ang kompanyang pinaghirapan ko at ayaw ko namang mangyari iyon.Bigo na nga ang puso ko, hahayaan ko rin bang malugmok ang mga negosyo ko? The heck no!Nakatuon ngayon ang mga mata ko sa mahalagang dokumento na binabasa ko nang biglang nagbukas ang pintuan nitong opisina ko. Nakuha ang aking atensyon nang iniluwa roon ang seryosong mukha ni Luna. Kapag ganito kasi ang ekspresyon ng mukha niya ay may isang mahalagang bagay siyang sasabihin o ibabalita."Mr. Wilson, may isang babaeng nangungulit sa labas at gustong pumasok dito." Pahayag nito na ikinakunot ng noo ko."Damn Luna, It's not new so alam mo na ang gagawin." Baritonong tugon ko. Ilang babae na ba ang nagtangkang pumasok nitong building para makausap lang ako? Well hin