( AMINA'S POV )"Amina pasensiya ka na. Maghahalf day ka lang ngayon dahil walang pasok ang isang anak ko at siya na muna ang katulong ko rito. Sayang naman kasi yung ipapasahod ko sayo, napakatumal pa naman ng benta natin." Malungkot na sambit ni Nanay Pasing, ang may-ari ng gulayang pinapasukan ko bilang tindera sa palengke. Mabait naman ito yun nga lang, talagang may pagkakuripot."Ayos lang po iyon nay. Tatapusin ko lang itong paghihiwa ng kalabasa at pagkatapos ay uuwi na rin ako." Malumanay na sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.Tiningnan ni Nanay Pasing ang oras sa suot nitong relos bago sumagot."Mag-aalas dose na Amina. Ako na ang bahalang tumapos niyan at nakakahiya na sayo." Anito at may kinuhang pera sa kanyang maliit na bag."Kakaunti lang naman ito nay. Tapusin ko na po." Tugon ko ngunit nilapitan ako nito para awatin."Okay na yan, bukas nalang ulit Amina. Tsaka ibibigay ko na itong sahod mo ngayong araw at ng makabili ka ng uulamin ninyo." Aniya sabay abot ng hawak
Huling Na-update : 2023-01-01 Magbasa pa