( Amina's POV )Halos buong araw lang akong nasa loob ng resthouse dahil sa masamang panahon. At ang napakalakas na alon na sinamahan pa ng malakas na hangin at ulan ay nagbibigay sa akin ng labis na kaba at pag-aalala.Pumasok ako sa kwarto na siyang tinutulugan ng hinayup*k noong nandito siya at nagtalukbong ng kumot. Takot na takot ako sa kulog at kidlat na pakiramdam ko matatamaan ang bahay na ito anumang oras.Di ko mapigilang humagulhol sa maaaring sapitin ko rito ngayon. Nag-aalala ako sa kahihitnan namin ng anak ko dahil alam kong walang sinuman ang makakatulong sa akin sa lugar na ito!"Panginoon ko ihinto niyo na po ang bagyong ito! Iligtas mo pa kami!" Paulit-ulit akong nagdarasal, umaasang may himalang mangyari at huminto ang galit na galit na panahon.Ngunit nagwala pa ito lalo. At halos mapasigaw ako nang marinig ang napakalakas na kidlat at kulog na animo'y may natamaang isang malaking punong kahoy dahil sa tunog ng pagkakatumba nito.Napahawak ako sa maliit na umbok ng
Halos buong gabi akong nakatunganga sa loob ng opisina, naghihintay kung kailan huhupa ang ulan at ng makabiyahe na ako patungong Batangas.Tinawagan ko si Zander para sana makahingi ng pabor ngunit hindi rin sumasagot ang loko. Si Logan at Steffi naman ay hindi ko pwedeng abalahin kaya mag-isa ako ditong hindi mapakali sa kakaisip."Mr. Wilson, dito lang po ba kayo? Nagpabook na po ako ng VIP room para sa inyo." Biglang bungad ni Luna. Wala na rin ang mga empleyado ko rito at nasa hotel na kalapit nitong building."Later Luna." Tipid na sagot ko lang at muling sumalampak ng upo sa couch habang hawak-hawak ang aking sintido."Incase po gusto niyo ng magtungo sa hotel para makapagpahinga, nainform ko na po ang frontdesk." Mariing tugon ni Luna bago tuluyang lumabas.Sinundan ko nalang siya ng tingin palabas. Hindi ko alam kong kaya ko pang matulog ng mapayapa ngayon dahil sa labis na pangambang nararamdaman ko. Na tila ba gusto ko nalang bilangin ang pagdaan ng bawat segundo hanggang sa
( Amina's POV )Mula sa mahabang pagkakatulog ay nagising ako sa isang maaliwalas na kwartong purong puti, puting pintura at puting kurtina."Nasaan ako?" Nagtatakang usal ko sa aking sarili habang inilibot ang aking mata sa kabuuan ng malaking kwarto. Alam kong hindi pa ito ang langit kaya hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay matapos ang matinding bangungot ko ng gabing iyon.Hinaplos ko ang umbok ng aking sinapupunan kaya agad nagtubig ang aking mga mata. Imposible! Napakaimposible!"Buhay tayo anak! Buhay tayo!" Di makapaniwalang sambit ko kasabay ng mahinang paghikbi. Sadya ngang totoong may himala dahil isang napakalaking milagro ang nangyari sa kung paano ako nakaligtas sa trahedyang iyon.At ang pinakamalaking mga katanungan sa isip ko ay ang kung sinong nagligtas sa akin? At paano niya ako nagawang iligtas?Tiningnan ko ang aking sarili. May marka pa ng mga pasa at sugat ang aking braso at katawan na dulot ng pagtama sa pader ngunit wala na akong maramdamang sakit.Nakasuo
( Drake's POV )Umagang-umaga nang mapabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na doorbell sa maindoor. Tila ba hindi ito makapaghintay na buksan."Fuck!" I cursed habang marahang bumabangon. Hinihilot ko pa ang kumikirot na sintindo dahil sa nararamdamang sakit nito. Sobra ang kalasingan ko kagabi, ni hindi ko na magawang umakyat sa kwarto ko at dito na ako sa sofa nakatulog."Sino ba 'to? Aga aga istorbo!" Asik ko habang humahakbang patungo sa pintuan.At nang mabuksan ko ito ay gayun na lamang ang pagkagulantang ko.Agad na magkasalubong ang kilay nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa na tila ba hindi nagugustuhan ang kanyang nakikita."What are you doing here!?" Ang gulat na reaksyon ko ay napalitan agad ng poot dahil sa inaakto nito."Is that how you welcomed your father? Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" Seryosong sambit nito ngunit nilagpasan din ako kahit hindi ko siya inanyayahang pumasok.Umangat ang sulok ng labi ko at sarkastikong natawa."C'
Kita ko rin ang labis na pagkagulat sa mukha niya habang nakatingin sa direksyon ko. "A---Amina." Mahinang sambit niya sa pangalan ko sa nauutal na boses.Hindi na rin ako nakapagsalita. Bahagya akong napahawak sa pader para kumuha ng lakas at nang hindi ako matumba sa pagkakatayo.Sino ba namang hindi magugulantang gayun ang lalaking nagligtas sa akin ay matalik na kaibigan ng lalaking ayaw ko ng makita at maalala pa!?Si Zander at Señorito Tres ay iisang tao lang at hindi ito panaginip!Nilapitan niya ako kaagad nang mapansin niya ang panghihina ko at iginiya paupo sa couch. Hawak-hawak ko ang aking sintido habang hinihilot ito sa biglaang pagsakit.Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago ako naglakas loob na nagsalita. Napakaraming katanungan ang gumulo sa isipan ko at gusto ko na ng kasagutan ngayon din."So ikaw nga si Señorito Tres? Papaano--?" Naguguluhang tanong ko habang seryosong nakatutok sa kanya.Marahan lang siyang tumango bago nagpaliwanag."Alexander Montegra
Mabilis lumipas ang maraming buwan. Naging maayos ang buhay ko sa pananatili sa ancestral house ni Zander dito sa Bulacan kasama si Manang Celia.Si Zander naman ay madalas na ring umuuwi rito. Tuwing weekends lang siya nag-oovernight sa Manila para atupagin ang mga bar na pagmamay-ari niya, ganoong mga araw daw kasi ang sobrang busy.Iniiwasan na rin naming pag-usapan ang hinayup*k niyang kaibigan na ayon sa kanya ay bihira nalang daw niya makasama. Hindi na ako nagtanong kung bakit kaya wala rin siyang naikukwento.Pilit kong binabaon sa limot ang bangungot na naranasan ko sa kamay ng hinayup*k na Drake Lukas Wilson na iyon. Pipilitin ko kahit pa man nagbunga ang ilang beses na pag-angkin niya sa akin, sapilitan man o kusang loob akong nagpaubaya.Hindi ko kailanman idadamay ang anak ko sa kawalangyaan ng ama niya. Mangangako akong mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko.Kaya naman sa ilang buwan na pananatili ko rito ay nakatuon lang ang atensyon ko sa pamumuhay rito at sa magiging
( Amina's POV )Nang matapos kami ni Manang Celia sa mga gawaing bahay ay napagpasyahan kong tumambay muna sa terrace para magpahangin at magpahinga na rin.Nakangiti ako habang nakatanaw ang mga mata sa magandang tanawin ng kapaligiran. Kita kasi mula rito ang malawak na palayan. Di ko mapigilang hindi maalala ang naging buhay ko noon sa Cavite."Kumusta na kaya si Kyla at Nanay Mercy ? Tsaka si Nanay Pasing? Naalala kong may utang pa ako sa kanya." Di mapigilang tanong ko sa sarili. Kahit wala na si Tiyang ay may malalapit na mga tao pa akong gustong makita muli, lalo na si Kyla na bestfriend ko."Amina, ayos ka lang?"Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ni Zander. Pangalawang araw niya ng nakalagi rito dahil wala pa raw siyang balak bumalik ng Maynila.Napalingon ako sa gawi niya at pansin ko ang mamasa-masang buhok niya. Nakasuot lang siya ng short na pambahay at white sando. Di ko mapigilang mapalunok ng mapansin ang bakat niyang muscles. Kagaya ng sa hinayup*k
Halos isang oras din kaming nag-usap ni Kyla bago namin napagdesisyonang umuwi ni Zander. Nangako siyang mananatiling lihim ang tungkol sa akin. Wala ng iba pang dapat makaalam na buhay ako at nagtatago dahil tiyak, isang maling galaw lang namin malalaman na ng Drake na iyon lalo pa't marami iyong galamay.Binigyan rin ako ni Kyla ng contact number niya para magkaroon kami ng komunikasyon sa isa't-isa.At dahil wala akong cellphone ay naisipan kong bumili na lang ng de keypad kapag nakarating na kami ni Zander sa Bulacan. Sa bayan ko nalang balak na bumili para maging tuloy tuloy na ang biyahe namin pauwi."Nagugutom ka ba? Gusto mo bang dumaan tayo ng drive thru at ng makapagtake-out tayo ng pagkain?" Tanong ni Zander matapos ang halos isang oras na biyahe.Napakamaalalahanin talaga niya. Habang tumatagal na nakakasama ko siya, mas lalo kong nakikita kung gaano kabuti ang puso niya."Ayos lang ako, wag mo na akong alalahanin. Ikaw ba? Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya pabalik. Pina
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an