Halos isang oras din kaming nag-usap ni Kyla bago namin napagdesisyonang umuwi ni Zander. Nangako siyang mananatiling lihim ang tungkol sa akin. Wala ng iba pang dapat makaalam na buhay ako at nagtatago dahil tiyak, isang maling galaw lang namin malalaman na ng Drake na iyon lalo pa't marami iyong galamay.Binigyan rin ako ni Kyla ng contact number niya para magkaroon kami ng komunikasyon sa isa't-isa.At dahil wala akong cellphone ay naisipan kong bumili na lang ng de keypad kapag nakarating na kami ni Zander sa Bulacan. Sa bayan ko nalang balak na bumili para maging tuloy tuloy na ang biyahe namin pauwi."Nagugutom ka ba? Gusto mo bang dumaan tayo ng drive thru at ng makapagtake-out tayo ng pagkain?" Tanong ni Zander matapos ang halos isang oras na biyahe.Napakamaalalahanin talaga niya. Habang tumatagal na nakakasama ko siya, mas lalo kong nakikita kung gaano kabuti ang puso niya."Ayos lang ako, wag mo na akong alalahanin. Ikaw ba? Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya pabalik. Pina
( Drake's POV )"Here's your drink Mr. Wilson." Malandi at nang-aakit na wika ng entertainer sabay lapag ng dala nitong luxury vodka. But I just smirked while pouring vodka on my empty glass, showing that I am not interested. Di ko na mabilang kung pang ilan na 'to sa mga babaeng nagtangkang lumandi sa akin ngayong gabi.But even the hottiest and prettiest didn't succeeded."Leave me alone!" Inis na pagtataboy ko nang hindi pa rin ito umaalis sa harapan ko.Napayuko naman ito sa pagkapahiya at agad na umalis.Sa ngayon mas komportable akong mag-isa and I don't need any companion. That's why dito sa isang exclusive bar sa Makati ako nagpunta coz I don't want my friends o mga kakilala ko to see me kung gaano ako kalugmok ngayon.Zander, that jerk, hindi ko alam kung nagbubusy-busyhan o sadyang iniiwasan lang talaga ako. While Logan and Steffi are also busy with their married life. Especially now that they are expecting their first baby. Well, good for them!Habang ako? Heto at muling ni
( Drake's POV )Hirap na hirap man ay pinilit ko pa ring pumasok sa opisina. Ilang buwan ko rin itong napabayaan kaya ngayo'y susubukan kong makabawi. Kung ikukulong ang sarili ko sa alaala ni Amina ay tiyak yun ang ikalulugmok ko. Baka sunod na mawala sa akin ang kompanyang pinaghirapan ko at ayaw ko namang mangyari iyon.Bigo na nga ang puso ko, hahayaan ko rin bang malugmok ang mga negosyo ko? The heck no!Nakatuon ngayon ang mga mata ko sa mahalagang dokumento na binabasa ko nang biglang nagbukas ang pintuan nitong opisina ko. Nakuha ang aking atensyon nang iniluwa roon ang seryosong mukha ni Luna. Kapag ganito kasi ang ekspresyon ng mukha niya ay may isang mahalagang bagay siyang sasabihin o ibabalita."Mr. Wilson, may isang babaeng nangungulit sa labas at gustong pumasok dito." Pahayag nito na ikinakunot ng noo ko."Damn Luna, It's not new so alam mo na ang gagawin." Baritonong tugon ko. Ilang babae na ba ang nagtangkang pumasok nitong building para makausap lang ako? Well hin
Napag-usapan din namin ni Ms. Amanda na sa Bulacan na muna ako uuwi, sa ancestral house ni Zander dahil mas safe ako roon kumpara dito sa syudad ng Maynila. Naintindihan naman niya at nangakong bibisitahin niya nalang ako palagi hangga't hindi pa niya naaasikaso ang mga papel na kakailanganin para madala niya ako sa ibang bansa.Sinabi na rin namin kay Zander ang lahat at nangako siyang tutulong para makita at makausap ni Ms. Amanda ang kakambal kong si Amari. Napagkasunduan din kasi namin na siya nalang muna ang haharap at kakausap kay Amari dahil sa kalagayan ko. Isa pa nagkakilala na si Amari at ang hayop na Drake na iyon kaya dapat lang na magdoble ingat ako sa pakikipagkita sa kakambal ko kahit ang totoo'y gustong-gusto ko na siyang makilala.Pagdating namin kanina ay naikwento ko rin kay Manang Celia ang lahat at maging siya ay gulat na gulat rin. Kahit naman ata sino ay talagang magugulantang, lalo na ang realidad na ang kagaya kong laki sa hirap ng buhay ay isa palang anak may
Di ko alam kung ilang oras ang naging biyahe namin ni Mama Amanda dahil nakatulog ako. Basta alam ko lang napakahaba ng oras dahil nakaramdam agad ako ng pagod pagkalapag ng eroplano sa airport ng Los Angeles."Ayos ka lang?" Concern na tanong niya habang inalalayan ako."Opo mama, medyo pagod lang po. Ngayon lang po kasi ako nakasakay ng eroplano." Pagtatapat ko na ikinangiti niya."Ganoon ba. Hayaan mo, ngayong kasama mo na ako, kahit araw arawin pa natin ang pagsakay." Pagbibiro niya kaya napangisi nalang ako.Agad kaming tumungo sa sinabi ni mama na sundo namin. May nabili raw kasi siyang unit dito sa Los Angeles noon at kapitbahay lang din daw namin ang matalik niyang kaibigan.Inabot din kami ng halos isang oras sa biyahe gawa ng traffic bago namin narating ang unit niya."We're here anak." Masayang turan niya kaya napangiti ako.Sabay kaming bumaba ni mama nang pagbuksan kami ng driver.Kapwa kami napangiti nang salubungin kami ng dalawang babae na kaedaran lang ni mama."Welco
( Amina's POV )Gaya nga ng inaasahan ko ay naging maayos ang kalagayan ko dito sa mga sumunod na araw at linggo kasama sina Tita Melba at Manang Rosa. Walang araw na hindi ako napapangiti sa dalawang ginang na parehong palakwento at palabiro.Si Mama Amanda naman ay babalik na sana sa Pilipinas para asikasuhin ang tungkol kay Amari. Kaso hindi natuloy dahil ginulantang kami isang araw sa balita na itinawag ni Zander.Ayon sa kanya, ay nakausap niya na si Amari ng masinsinan matapos pumanaw ang ginang na umampon sa kakambal ko. Hindi raw nakayanan ng ginang ang operasyon dahil na rin sa mahina na ang puso nito, na naging dahilan ng pagpanaw nito.At dahil wala ng ibang itinuring na pamilya si Amari ay mabilis siyang napapayag ni Zander tungkol sa pagsama sa kanya papunta rito sa Amerika. Ang nabanggit lang ni Zander sa kanya ay isasama lang siyang magbakasyon dito. Wala na munang binanggit si Zander na naririto kami, na tunay niyang pamilya dahil binalak na rin namin siyang surpresahin
Matapos iyon sabihin ni Zander ay natahimik ang lahat. Ngunit di nakaligtas sa mga mata ko ang pinipigilang galit sa mukha ni Amari na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan.Ako naman ay hindi makapagsalita dahil sa lubhang pagkagulat. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ito ni Zander at kung ano ang dahilan niya para magsinungaling."Nakahanda na ang pagkain!"Naagaw ang atensyon naming lahat nang magsalita si Manang Rosa para ayain kami sa kaunting salo-salo na hinanda nila ni Tita Melba. Unang tumayo si Amari."Food is serve so let's eat!" Mahinang sambit niya lang at tuloy-tuloy na naglakad patungong dining table.Puno naman ng katanungan ang mga mata ni Mama Amanda nang tumingin sa gawi namin ni Zander ngunit ngumiti pa rin siya at inakay na kaming dalawa. Alam ko namang makakapaghintay siya ng kasagutan dahil kahit ako'y hindi alam ang dahilan kung bakit nagsinungaling si Zander kay Amari.Balak kong kausapin nalang ang lalaking ito mamaya ng masinsinan. Yung kami lang munang da
Mabilis lumipas ang mga araw at gaya nga ng pangako ni Zander ay nanatili na muna siya sa tabi ko para iparamdam ang pagmamahal niya ng walang anumang kapalit.Ayoko sana maging unfair sa kanya ngunit yun lang din naman ang tanging hiling niya bago siya bumalik ng Pilipinas kaya hinayaan ko nalang.Balak niya pa sanang magrenta nalang upang manatili rito ng ilang linggo ngunit inalok siya ni Mama Amanda na dito na muna siya sa bahay pansamantalang makituloy kaya pumayag din siya kalaunan kahit pa man nakakaramdam ng hiya.Araw ngayon ng lunes at sa araw na ito ang schedule ng pagpunta ko sa clinic. Walang pagdadalawang isip na sinamahan ako ni Zander dahil yun din talaga ang nais niya. Gustong-gusto rin sana akong samahan ni mama kaso nagpasama si Amari sa kanya upang magtungo sa salon ni Tita Melba kaya pinasama ko nalang siya sa kakambal ko total kasama ko naman si Zander."Amari and you are very opposite. Look at your twin, sa loob ng ilang linggong pananatili rito ay walang ibang
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an