[ Meghan's POV ]Lulan ng eroplano ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang naging rebelasyon ni Calex."Please, bigyan mo pa ng chance si kuya. One of these days ay baka pumunta na siya ng US at baka doon na siya tumira for good. Wag mo hayaang manaig yung galit at paghihiganti sa puso mo Meg bago pa mahuli ang lahat. I know you still love him and he loves you so much too!" Buong-pusong payo ni Calex habang marahan na hinawakan ang nanginginig kong kamay. Di ako makapagsalita pero walang humpay sa pag-agos ang aking mga luha. Para akong nagising sa isang bangungot na ako lang din ang may kagagawan. Masyado akong nagpabulag sa poot. Hindi ko man lang nagawang e-appreciate lahat ng effort ni Brandon. Naging sarado ang utak kong paniwalaan ang mga paliwanag niya. Hindi ko siya binigyan ng chance kasi akala ko yun yung nararapat kahit na ang totoo'y nasasaktan din ako everytime pinagtatabuyan ko siya.Agad akong tumayo and the next thing I know ay nagpabook ako ng ticket for tomorrow
[ Meghan's POV ]Pagkapasok sa loob ay agad din akong nagtanong sa staff kung saan ang venue ng event dito sa hotel. Napakalaki ng hotel at tiyak aabutin ako ng siyam-siyam kung hindi ako magtatanong."Nasa fourth floor po ma'am." Magalang na sagot nito at nagpasalamat ako bago umalis.Habang nasa loob ng elevator ay hindi ko maexplain yung kakaibang kabog sa dibdib ko. Sobrang excited na akong makita at makausap si Brandon. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko hanggang sa dumating na nga ako sa floor kung saan ginaganap ang event.Napakaraming mga bisita at lahat ay pormal at sosyal ang mga suot na parang napakaspecial ng event na ito.Nagdadalawang-isip tuloy ako kung papasok ba ako o hindi lalo na't may mga guard pa na nakaabang sa ginawang entrance.Pilit na hinahanap ng aking mata si Brandon ngunit sa dami ng tao ay bigo akong makita siya.Sa kagustuhang makausap na siya ay naglakas-loob akong pumasok.Hinarang ako ng isang guard at marahang tinanong. "May invitation card po b
"Meghan's POV""So anong balak mo ngayon bakla? Babalik ka pa ba dun? Ako yung nag-aalala sayo eh, baka may gawing masama sayo yung epokritang fiance ni Brandon." Nag-aalalang sambit ni Gail habang kumakain kami ng breakfast. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi na niya ako pinauwi sa hotel na tinutuluyan ko. Dumiritso na kami dito sa apartment niya at dito na niya ako pinatulog. Mamaya nalang daw niya pupuntahan yung boyfriend niya dahil mas kailangan ko raw siya ngayon. Nakakataba sa puso na magkaroon ng kaibigang kagaya niya. "Ewan ko Gail, mukhang napakalabo na makausap ko pa si Brandon. Mukhang laging nakabantay yung fiance niyang mukhang tuko kong makakapit. Tapos nagkasagutan pa kami kagabi, mas lalong mapapraning yun." Pahayag ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Talagang alam ko na kung gaano kaparanoid si Krissy, naalala ko pa noon ang pagtapon niya ng mainit na sopas sa suot ko dahil lang sa pagseselos niya."Bakit ba kasi kailangan mo pang makausap si Brandon?
[ Meghan's POV ]"Calex!" Nakangiting tawag ko habang nakataas ang isang kamay nang matanaw siya sa arrival area. He's wearing a black hooded jacket and blue fitted pants na bumagay sa astig, rugged pero napakahot niyang looks. Di maikakailang nakaw-atensyon siya ng mga kababaihan na nasa paligid. Kung hindi ko lang mahal si Brandon ay di ako magdadawang-isip na ibigay kay Calex yung buong puso ko.I admired him for being true with his words. Hindi niya ako binigo dahil tinupad nito ang pangakong pupunta siya dito para matulungan ako. "Meg!" Gumanti din siya ng kaway at ngiti habang naglalakad papunta sa direksyon ko. At nang tuluyan na siyang makalapit ay di ko napigilan ang sarili na yakapin siya bilang pasasalamat sa pagpayag niya.Agad din naman akong bumitiw at nagsalita. "So, lunch muna tayo bago dumiritso ng hotel. Anong gusto mong kainin? Treat na kita." Offer ko. Since naman na ako ang nagpapunta sa kanya rito ay sasagutin ko na rin ang gastos niya pati sa tutuluyan niyang
[ Meghan POV ]"If may kailangan ka katokin mo lang ako total magkatabi lang naman yung room natin." Tugon ko kay Calex pagkatapos itong tulungan sa pag-aayos ng mga dala niyang gamit.Tumango ito at ngumiti. "Thank you Meg. Pahinga kana muna. Pag-uusapan nalang natin mamaya ang magiging plano." Saad niya. Tumango ako bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.Pagkapasok ko naman sa kwarto ko ay nagpahinga ako saglit. Nahiga ako sa kama habang iniisip ang unang hakbang na gagawin namin ni Calex. Actually, marami na akong ideya na naiisip sana lang talaga gumana ito.Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. "Bahala na, effective man o hindi basta susubukan namin." Bulong ko sa sarili bago naisipang maligo para marefresh ang utak.Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng cream sa mukha nang tumunog ang doorbell ng kwarto ko.Agad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito. Abot-tainga ang ngiti ko nang tumambad sa akin ang nakangising si Gail."Surprise!" Aniya sabay taas ng kanyang mga d
[ Meghan's POV ]"Meg, do you think okay na tong suot ko?" Nag-aalangang tanong ni Calex dahil hindi ito sanay sa ganito kabonggang outfit. Nasa kwarto niya kami ngayon at abala sa kakahanap sa mga gamit niya ng magandang isusuot na babagay sa kanya.Finally ay napanatag rin ang loob ko ng masukat niya ang bagong binili namin.He's wearing a Navy Blue longsleeves na hanggang siko ang cut paired with fitted Khaki trousers and a Dark Brown Versace leather shoes. Di halatang pinaghandaan ko pati ang isusuot niya. For him to be look expensive and formal pag humarap kay Brandon.Naikuwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa akin noon na muntikan na akong ayaw papasukin ng guard dahil lang sa suot kong napakasimple. Isama pa ang mga mapanglait na mga empleyado roon na kikilatisin ka mula ulo hanggang paa.I smiled at nilapitan si Calex para ayusin ang kwelyo nito."Bagay na bagay nga sayo eh. Mas lalo kang pumogi." Puri ko sa kanya and I mean it. Kahit rugged ang looks ni Calex na nakatali pa
[ Brandon's POV ]"What? Nandito sa Manila si Meghan at Calex?" Di makapaniwalang tanong ni Jhant sa kabilang linya. Naikwento ko sa kasi sa kanya ang nangyari last time nang makita ko si babae at Calex na magkasamang kumakain sa restaurant kung saan nandoon din ako to meet Architect Suarez."Oo nga. Paulit-ulit kana naman eh." Naaasar na sagot ko sa naging reaksyon niya."Small world huh. Anyway, don't tell me affected ka pa?" Pang-aasar pa nito na may kasamang halakhak."What do you think? Tinatanong mo pa talaga ako eh alam mo na nga kung anong isasagot ko." Napailing na lamang ako at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Sabi na eh but anyway, alam mo ba kung bakit sila nandito? May nakapagsabi ba?" Muling tanong ni Jhant mabuti nalang this time tunog seryoso na ang loko."Akalain mo ba namang si Calex pa mismo ang pumunta sa office ko kanina para lang magtanong kung saan may magandang location dito good for tourist vacation. So definitely, nagbabakasyon nga ang dalawa." N
Kabanata 63[ Meghan's POV ]Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga bisitang dumalo ng tawagin ng host si Krissy at Brandon. Parang nanumbalik lang yung nasaksihan kong nangyari nung engagement party nila. Parang may kung anong pinipiga sa puso ko habang tinitingnan ang dalawang magkaholding-hands sa maliit na entablado.Masakit. Sobrang sakit na animo'y tinutusok ito ng ilang libong karayom.Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kamay ni Calex sa balikat ko at marahan itong hinaplos. Hindi man siya nagsasalita ay alam kong pag-aalo ang ginagawa niya para damayan ang nagdadalamhati kong puso.Lalong tumagos sa kaibuturan ng puso ko yung sakit nang magsalita si Brandon."Me and my future wife are thanking everyone of you here for celebrating with us! Cheers for the future Mr. and Mrs. Cabwell." Masayang pahayag ni Brandon habang nakahawak ito sa bewang ni Krissy. Yumapos naman si Krissy kay Brandon at malambing itong nagpahayag ng kanyang damdamin. "I love you so much sweetheart! Napaka