Magdamag na hindi bumalik si Calex sa kanilang kwarto kaya't magdamag ding dilat ang mga mata ni Krissy sa paghihintay. Gustuhin man niyang puntahan ang lalaki ay hindi niya naman pwedeng gawin dahil una sa lahat, galit na galit si Calex sa kanya kagabi kaya't malamang hindi talaga siya nito masisikmurang makasama.Magang-maga na rin ang mga mata ni Krissy sa kakaiyak. Marahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan, ramdam niyang naaapektuhan na rin ang kanyang anak sa loob dahil sa stress na nararamdaman niya."Sorry baby kung napakamartir ni mommy ha. I really need to do this para sayo. Mahal na mahal ko lang ang daddy mo kaya kailangan muna nating magtiis okay. Kapit ka lang diyan anak. Mahal na mahal din kita." Emosyonal niyang kinakausap ang kanyang sinapupunan kasabay ng muling pag-agos ng kanyang mga luha. Hanggang sa pag-iyak nalang kasi naiibsan ang nararamdaman niya lalo pa't wala siyang mapagsabihan. Ni hindi niya naman pwedeng ekwento ito sa madaldal niyang pinsan na si Brenda
Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si Calex bago niya napagpasyahang magdoorbell. Para naman hindi gaanong halata ay idadahilan niya na lamang ang iilang gamit na naiwan niya.Ngunit nakakailang pindot na siya ay wala pa ring nagbubukas. May kung anong kaba ang sumibol sa kanyang puso habang marahang pinipihit ang doorknob, nagbabakasakali siyang bukas ito.At nang mapagtantong bukas nga ito ay nakaramdam naman siya ng kaunting inis dahil sa hindi pag-iingat ng babae. Gusto na naman niya itong pagalitan for being so careless gayung mag-isa lang ito sa kwarto."Hey, bakit hinahayaan mong hindi nakalock ang pinto?" Agad na bulalas niya nang tuluyan itong mabuksan.Ngunit walang sagot magmula sa babae. Naabutan niya lang itong mahimbing na natutulog sa couch.Napailing na lamang si Calex habang marahang papalapit sa babae. Ni hindi pa nito nagawang takpan ng kumot ang sarili gayung pansin niyang para itong nilalamig dahil sa nakabaluktot na posisyon.Gayun na lamang ang pagta
"Manang Rosario, may hihilingin po sana ako sa inyo." Ani Calex sa ginang matapos ang kanilang mahabang usapan. Nagpasya na rin kasi itong bumalik ng resort."Ano po yon sir?" Tanong nito."Kung pwede sana wala munang ibang makakaalam ng mga nalaman niyo manang. Lalo na po si daddy at kuya Brandon. Pag maayos na po kami ni Krissy saka ko po sasabihin sa lahat ang tungkol sa amin." Seryosong bilin ni Calex na ikinatango ng ginang. Sa tagal nanilbihan ng nanay ni Manang Rosario sa pamilya Cabwell ay hindi na lingid sa mga ito ang katotohanan, na anak siya ni Mr. Cabwell sa ibang babae. Ngunit nanatili ring tikom ang kanilang mga bibig alang-alang sa privacy ng pamilya Cabwell."Makakaasa po kayo sir. Ipagdarasal ko po na sana tuluyan na kayong magkaayos ni ma'am Krissy. Para magkaroon po kayo ng masayang pamilya." Nakangiting sambit ni Manang Rosario na agad din naman siyang naunawaan."Salamat po manang." Tugon ni Calex bago tuluyang nagpaalam ang ginang.Ngayon ay silang dalawa na la
"Couz ano na? Kumusta ka na diyan? Bakit hindi kana tumatawag simula pagkarating niyo diyan sa La Unio? Hindi mo ba namimiss ang maganda mong pinsan slash bff?" Pagtatampo ni Brenda sa kabilang linya. Sa sobrang abala niya sa panunuyo kay Calex ay nakalimutan niyang tumawag sa dalaga, pati na rin sa kanyang daddy Henry.Kasalukuyang nasa labas ng kanyang kwarto si Krissy ngayon habang ninamnam ang preskong hangin. It's been three days since nakalabas siya ng ospital. At dahil ayaw ni Calex na magpagod siya ay matindi ang utos nito na dumito lang siya at magpahinga.'You heard it right! Ganoon na kaconcern ang lalaki sa kanya.'"Pasensiya na couz busy lang. But I'm glad na ikaw mismo ang tumawag. Kumusta ka na? Si daddy ba napasyalan mo?" Pagdadahilan ni Krissy. Iniiwasan niya talagang wag magkwento sa kanyang pinsan tungkol sa mga nangyayari sa kanya these past few days dahil sa napakataklesang bibig nito. She trusted her naman kaso, kadalasan kasi ay nagsasalita si Brenda ng hindi n
Lumipas ang mga araw at linggo na wala na ulit naging problema at hidwaan sina Krissy at Calex. At wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ngayon ni Krissy lalo pa't ramdam niya na ang unti-unting pagtanggap ni Calex sa kanya at sa kanilang baby sa kanyang sinapupunan.Hindi siya makapaniwalang unti-unti ng natutupad ang isa sa kanyang mga kahilingan. Kulang nalang talaga ay ang opisyal na isasapubliko ng lalaki ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Hinihintay niya lang kasi ang hudyat ni Calex pagkat sa kanilang dalawa, ito ang nagdedesisyon. At sana mangyari na iyon, bago tuluyang lumubo ang kanyang tiyan.Dapit hapon na at kasalukuyang nagmumuni-muni si Krissy sa labas ng kanyang kwarto nang makatanggap siya ng tawag.Nakaramdam siya ng kaba nang magpop-up sa screen ang pangalan ng katiwala ng orphanage. Ang bilin niya kasi sa ginang ay tawagan siya kung may problema sa orphanage kaya niya ito binigyan ng kanyang contact number.Huminga muna ng malalim si Krissy bago sinagot ang t
WARNING: SPG ALERT! THIS CHAPTER INCLUDES SEXUAL LANGUAGES AND EXPLICIT CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED.Katatapos lang ni Krissy sa kanyang half bath. Nagbihis siya at nagsuklay ng kanyang buhok bago naisipang humiga na sa kama. Simula ng lumipat si Calex ng kwarto ay sa kama na siya natutulog at hindi na sa couch. Kailangan niyang matulog ng maaga para makapag-ipon ng lakas sa malayong biyahe bukas.Tanging dim light na lamang ang pinailaw niya para magbigay liwanag sa kanyang kwarto. Ipinikit niya na sana ang kanyang mga mata nang tumunog ang doorbell ng kanyang kwarto.Nagtataka siyang bumangon at tiningnan ang orasan na nasa bedside table."Alas nuebe na ng gabi ah. Sino naman kaya 'to." Nagtatakang usal niya sa sarili bago humakbang papalapit sa pintuan.At gayun na lamang ang paglukso ng puso niya nang mabuksan ang pintuan at makita ang nakatayong si Calex. Seryoso ang mukha ng lalaki na medyo namumula pa habang nakahalukipkip an
Nagising si Calex gawa ng sinag ng araw na tumama sa bintana ng kwarto. He's naked at tanging kumot lamang ang nakatakip sa kanyang hubad na katawan.Nag-unat siya ng kamay at dahan-dahang bumangon nang marealize niyang nag-iisa na lang pala siya sa kama."Fuck! Where is she? Umalis na ba siya? Bakit hindi niya man lang ako ginising!" Natatarantang usal niya sa sarili nang mapagtantong wala na si Krissy sa kwarto.Agad siyang tumayo at isinuot ang kanyang Tshirt at shorts na ngayon ay maayos na nakalagay na sa ibabaw ng table. Mukhang si Krissy na rin ang nagligpit nito. Sakto namang patapos na siya sa pagbibihis nang bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon si Krissy na may dalang tray ng pagkain."Goodmorning. Breakfast in bed?" Nakangiting bati nito kay Calex. Bagong ligo at napakafresh ng awra ng babae kaya mas lalong lumantad ang maamo at napakagandang mukha nito na walang anumang bahid ng kolorete sa mukha.Nakaramdam naman ng ginhawa si Calex nang makita si Krissy. Ewan ba niya ngun
Gumanti naman ng mapusok na halik si Calex. Napayakap na rin ng tuluyan si Calex sa katawan ni Krissy habang nagsimula ng maglakbay ang isa niyang kamay sa dibdib ng babae.Kapwa dalang-dala ang dalawa sa kanilang nag-aalab na emosyon while french kissing.Ngunit bigla na lamang silang natigil dahil sa katok na nagmumula sa labas ng windshield ng sasakyan ni Calex. "Fuck!" Dismayadong usal ni Calex. Muntik na niyang makalimutan na wala sila sa tamang lugar para paligayahin ang sarili. At kung hindi pa dahil sa katok na ito ay baka tuluyan na silang nakalimot at nadala sa init ng kanilang katawan.Kapwa hingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Agad namang inayos ni Krissy ang sarili at bahagya pang nasuklay ang magulong buhok. Ganoon rin si Calex bago binuksan ang bintana ng sasakyan para makausap ang taong kumatok, na napag-alaman niyang guard ayon na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga po sir. Pasensiya na po. Ipinagbabawal po kasi ang pagpapark dito." Magalang na tu