Pagkatapos ng pag-uusap ni Calex at ng maharot na babaeng engineer ay agad din siyang tumayo para balikan si Krissy sa kwarto. Hindi niya maipaliwanag kung bakit mas lalong nag-iba ang pakiramdam niya pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi. Hindi lang pala kagabi dahil ilang linggo niya na ring napapansin na parang lumalambot na ang puso niya para kay Krissy. At may malaking kinalaman ang nangyari sa kanila noon sa kubo, ang effort ng babae na palagi siya nitong pinupuntahan sa Batangas at nung nakasama niya ito ng ilang beses sa condo nito, kung saan nakita at nakilala niya ang ibang side ng pagkatao ng babae. Na maalaga pala ito at may kaweirduhan.His mind is literally confused but his heart knows."Damn! Why am I appreciating her this way?" Tanong ng kanyang naguguluhang isip. Gusto niyang matawa sa kanyang sarili dahil sa totoo lang halos isumpa niya si Krissy noon, na napakarami pa niyang gustong gawin sa babae para saktan at gantihan ito.Ngunit ngayon, napakahimala na nagsi
Kapwa pagod at hinihingal sina Krissy at Calex matapos ang makailang beses na pagtatalik.Kahit napakalamig ng aircon ay pawisan ang lalaking nakahiga ngayon sa kama. Ganoon rin si Krissy na napapikit habang pinapakiramdaman ang napakalakas na kabog ng kanyang damdamin. Full of lust and love ang kanyang nararamdaman ngayon.Pangalawang araw pa lang nila dito sa resort ngunit pangalawang beses na rin siyang inangkin ni Calex. Bagay na hindi niya inaasahan at pinaghandaan.Aaminin niyang napakasaya niya kahit marahas ang naging kilos ng lalaki. Ngunit hindi rin maalis sa isipan niya ang kalituhan kung bakit ginagawa ito ni Calex sa kanya.She really wanted to ask him now, kung tutuusin kanina pa dapat niya ito tinanong sadyang pinapangunahan lang siya ng hiya at kaba lalo pa't abala ang lalaki kanina.Speaking of 'kanina' ay bigla nalang naalala ni Krissy ang pakikipagharutan nito sa babaeng engineer. Tapos siya pa itong pinagbibintangan na kalandian daw niya si Wesley gayung sumama nga
Talagang tinagalan pa ni Krissy ang pagnguya sa kanyang pagkain para manmanan ang mga malalanding babae, lalo na ang nagngangalang Pinky na may malaking balak na akitin ang kanyang asawa.At nang nagsitayuan ang mga ito hudyat para umalis ay saka naman siya tumayo. Umaakto siyang normal lang na humahakbang para hindi mahalata ng mga babae ang plano niyang pagsunod.Buti na lamang nakaligo at nakapag ayos na siya kaya kahit papaano ay mataas ang kumpyansa niya sa sarili na kaya niyang makipagsabayan sa kung sinuman ang aattend ng nasabing party.Alam niyang hindi kabawasan ang pagbubuntis niya sa kanyang kagandahan. Na kahit hindi na siya sobrang maarte at conscious sa kanyang sarili gaya ng dati ay kampante pa rin siya na tawagin ang kanyang sarili na maganda!'Sobrang confident lang ganern!'Nagtungo ang mga babae sa beach at palihim niyang sinusundan ang mga ito. At nang makita niya ang maraming torch sa paligid at may banda pang nakahanda ay narealize niya na mukhang dito gaganap
Nabigla si Krissy sa mapwersang paghatak sa kanya ni Calex. Aawatin sana ni Wesley ang lalaki ngunit agad ding iniharang ni Krissy ang kanyang kamay, pahiwatig na hayaan na muna silang mag-asawa.Kaya kahit bakas man sa mukha ng lalaki ang pag-aalala ay wala na rin itong nagawa pa para pigilan si Calex.Habang papalayo ay pahigpit naman ng pahigpit ang pagkakahawak ni Calex sa braso ni Krissy. Tahimik na napadaing ang babae dahil sa sakit na dulot nito. Kung hawakan kasi siya nito ay para siyang laruan na walang pakiramdam."Cal--Calex!" Marahang tawag niya sa lalaki. Feeling niya magkakapasa na siya sa ginagawang ito ni Calex.Ngunit imbes na sagutin ay bigla na lamang itong napahinto sa paghakbang. Nanlilisik ang mga mata ng lalaki na humarap sa kanya at marahas na hinawakan ng isang kamay nito ang kanyang magkabilaang pisngi! Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Calex na mas masakit pa kung tutuusin sa ginawa nitong paghawak sa kanyang braso.Halos hindi na makapagsalita si Krissy sa
Magdamag na hindi bumalik si Calex sa kanilang kwarto kaya't magdamag ding dilat ang mga mata ni Krissy sa paghihintay. Gustuhin man niyang puntahan ang lalaki ay hindi niya naman pwedeng gawin dahil una sa lahat, galit na galit si Calex sa kanya kagabi kaya't malamang hindi talaga siya nito masisikmurang makasama.Magang-maga na rin ang mga mata ni Krissy sa kakaiyak. Marahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan, ramdam niyang naaapektuhan na rin ang kanyang anak sa loob dahil sa stress na nararamdaman niya."Sorry baby kung napakamartir ni mommy ha. I really need to do this para sayo. Mahal na mahal ko lang ang daddy mo kaya kailangan muna nating magtiis okay. Kapit ka lang diyan anak. Mahal na mahal din kita." Emosyonal niyang kinakausap ang kanyang sinapupunan kasabay ng muling pag-agos ng kanyang mga luha. Hanggang sa pag-iyak nalang kasi naiibsan ang nararamdaman niya lalo pa't wala siyang mapagsabihan. Ni hindi niya naman pwedeng ekwento ito sa madaldal niyang pinsan na si Brenda
Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si Calex bago niya napagpasyahang magdoorbell. Para naman hindi gaanong halata ay idadahilan niya na lamang ang iilang gamit na naiwan niya.Ngunit nakakailang pindot na siya ay wala pa ring nagbubukas. May kung anong kaba ang sumibol sa kanyang puso habang marahang pinipihit ang doorknob, nagbabakasakali siyang bukas ito.At nang mapagtantong bukas nga ito ay nakaramdam naman siya ng kaunting inis dahil sa hindi pag-iingat ng babae. Gusto na naman niya itong pagalitan for being so careless gayung mag-isa lang ito sa kwarto."Hey, bakit hinahayaan mong hindi nakalock ang pinto?" Agad na bulalas niya nang tuluyan itong mabuksan.Ngunit walang sagot magmula sa babae. Naabutan niya lang itong mahimbing na natutulog sa couch.Napailing na lamang si Calex habang marahang papalapit sa babae. Ni hindi pa nito nagawang takpan ng kumot ang sarili gayung pansin niyang para itong nilalamig dahil sa nakabaluktot na posisyon.Gayun na lamang ang pagta
"Manang Rosario, may hihilingin po sana ako sa inyo." Ani Calex sa ginang matapos ang kanilang mahabang usapan. Nagpasya na rin kasi itong bumalik ng resort."Ano po yon sir?" Tanong nito."Kung pwede sana wala munang ibang makakaalam ng mga nalaman niyo manang. Lalo na po si daddy at kuya Brandon. Pag maayos na po kami ni Krissy saka ko po sasabihin sa lahat ang tungkol sa amin." Seryosong bilin ni Calex na ikinatango ng ginang. Sa tagal nanilbihan ng nanay ni Manang Rosario sa pamilya Cabwell ay hindi na lingid sa mga ito ang katotohanan, na anak siya ni Mr. Cabwell sa ibang babae. Ngunit nanatili ring tikom ang kanilang mga bibig alang-alang sa privacy ng pamilya Cabwell."Makakaasa po kayo sir. Ipagdarasal ko po na sana tuluyan na kayong magkaayos ni ma'am Krissy. Para magkaroon po kayo ng masayang pamilya." Nakangiting sambit ni Manang Rosario na agad din naman siyang naunawaan."Salamat po manang." Tugon ni Calex bago tuluyang nagpaalam ang ginang.Ngayon ay silang dalawa na la
"Couz ano na? Kumusta ka na diyan? Bakit hindi kana tumatawag simula pagkarating niyo diyan sa La Unio? Hindi mo ba namimiss ang maganda mong pinsan slash bff?" Pagtatampo ni Brenda sa kabilang linya. Sa sobrang abala niya sa panunuyo kay Calex ay nakalimutan niyang tumawag sa dalaga, pati na rin sa kanyang daddy Henry.Kasalukuyang nasa labas ng kanyang kwarto si Krissy ngayon habang ninamnam ang preskong hangin. It's been three days since nakalabas siya ng ospital. At dahil ayaw ni Calex na magpagod siya ay matindi ang utos nito na dumito lang siya at magpahinga.'You heard it right! Ganoon na kaconcern ang lalaki sa kanya.'"Pasensiya na couz busy lang. But I'm glad na ikaw mismo ang tumawag. Kumusta ka na? Si daddy ba napasyalan mo?" Pagdadahilan ni Krissy. Iniiwasan niya talagang wag magkwento sa kanyang pinsan tungkol sa mga nangyayari sa kanya these past few days dahil sa napakataklesang bibig nito. She trusted her naman kaso, kadalasan kasi ay nagsasalita si Brenda ng hindi n