Hindi agad umalis sila Erik at Niknok sa bahay nila Mang Karding. Habang natutulog sila ay may biglang dumating na dalawang lalaki. “Attorney Rene, may bahay po doon puwede po tayong makahingi ng tubig kung nauuhaw na kayo, medyo malayo-layo na rin ang nalakad natin mula noong humiwalay po tayo sa grupo,” wika ng guide na kasama ng matandang abogado. “Salamat naman may nakita tayong bahay. Sana may tayo para may makausap tayo,” wika ni Atty. Rene na halos naliligo sa pawis dahil sa pagod at init na dulot ng araw. Sakto naman na nagising si Erik nang may marinig itong nag-uusap na papalapit sa kanila. Mabilis na ginising nito ang kasamang binatilyong natutulog na si Niknok. “Nok, gumising ka kailangang magtago tayo may tao sa labas,” pabalong na wika ni Erik habang inuuga niya ang binatilyo para mas mabilis na mabigising. Walang tanong-tanong ay agad na tumakbo si Niknok sa isang butas na dinaanan ni Erik kagabi. Sinilip muna ni Erik ang mga parating na lalaki bago nito sundan si
Upang gumaan ang nararamdaman ni Gwen ay nakipagkita ulit ito sa bestfriend niyang si Leslie at isinama sa kaniyang bahay. Dumating ni Leslie sa bahay ni Gwen ay nabalitaan nito ang pagkamatay ni Mang Karding. Nabalitaan niya rin na sobrang galit si Aling Cecilia kay Erik. Dahil doon ay nakahanap nang dahilan si Leslie upang ayain si Erik na doon muna tumuloy sa inuuwian niya upang hindi muna siya makita ni Aling Cecilia nang mabawasan ang galit ng matanda sa binata. “Maganda naman ang suggestion ko di ba Bestfriend? Anong tingin mo?” tanong ni Leslie sa kaibigang si Gwen na halatang may sariling motibo. Hindi agad nakaimik si Gwen sa gustong mangyari ng kaibigan dahil kilala ang kaibigan alam nito na gusto lang nitong masolo si Erik. Nag-iisang anak lamang si Leslie kaya lumaki ito sa luho, kahit anong gustuhin nito ay kanyang nakukuha kaya gagawa rin ito ng paraan upang makuha rin si Erik. Kahit itinatanggi at pinaglalabanan ni Gwen ang sarili na gaya ng kaibigan niyang si Lesl
Tsinita si Leslie na medyo balingkinitan ang katawan, may kaputian at makinis ang balat kaya naman marami ang humahanga dito na mga kalalakihan sa kanyang pinapasukang trabaho at kahit saang lugar man ito magtungo. Madalas ang mga lalaking humahanga sa kanya ay nagdadalawang-isip bago magtapat dahil may pagkaprangka ang ugali ng dalaga. Sasabihin niya agad na ayaw niya ang isang lalaki sa mismong oras kung kailan nagtapat ng pag-ibig o paghanga sa kanya.Sa unang tingin pa lang ng dalaga kay agad itong nahulog sa kagwapuhan at kakisigan ni Erik samahan pa ng likas na kabaitan. Gumaan ang loob ni Erik kahit paano sa mga birong ginawa sa kanya ni Leslie.Habang kumakain sila ay patuloy pa rin sa pagkukuwento ang pilyang dalaga tungkol sa kanyang mga nakaraang relasyon. Nakangiti at nakikinig lamang si Erik sa mga birong binibitawan ni Leslie. Sa maikling panahon ay mabilis na nagkakilanlan ang dalawa kaya naging kampante si Leslie na kahit anong gawin niyang biro sa binata ay hindi i
Matapos ang ligtas na pagbisita ng mag-inang Aling Cecilia at Gwen kasama ni Niknok at sa tulong ng ilang kapulisan sa libingan ni Mang Karding, agad na nagpahinga sina Aling Cecilia at Niknok sa kani-kanilang higaan samantalang nanatili si Gwen sa sala na may malalim na iniisip.“Kumusta na kaya si Erik?” maikling tanong ni Gwen sa sarili.“Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko na imbes isipin ang ama kong kamamatay lang mas iniisip ko pa ang kalagayan ng taong naging dahilan upang mawala ang ama ko, although hindi naman niya kasalanan at hindi dapat siya ang sisihin dahil wala naman talaga siyang ginawang masama,” bulong ni Gwen sa sarili habang binabalensa ang pangyayari.Maya-maya ay may narinig si Gwen na tumatawag sa kanyang pangalan. “Gwen! Gwen!” tawag mula sa boses ng isang lalaki. Mabilis na binuksan ng dalaga ang pinto upang silipin kung sino ang tumatawag sa kanya.Dahil hindi naman kalayuan ang bahay ni Leslie sa bahay ni Gwen ay mabilis na natandaan ni Erik ang da
Nakauwi na sina Aling Cecilia at Gwen sa bahay ng dalaga ngunit halos hindi pa rin sila nag-uusap dahil naramdaman ng ina na parang mas pinipili ng anak niya si Erik kaysa sa kanya.“Alam mo anak, mas maganda siguro kung uuwi muna ako sa probinsya, doon muna ako sa bahay ng kapatid ko at mas ligtas ako doon kaysa dito sa bahay mo na nasa gitna ng siyudad kung saan napakarami ng tao na nakapalibot. Hindi natin alam baka isa sila sa mga pumatay sa ama mo,” ani Aling Cecilia na hinahanda ang mga gamit para ilagay sa maleta.“Ina, alam ko kung bakit mo ito ginagawa, mas iniisip mo na mas mahalaga sa akin si Erik kaysa sa iyo. Wala naman kaming relasyon ni Erik kaya imposible ang iniisip mo na mas pipiliin ko siya kaysa sa iyo. Hindi makatarungan na pagpiliin po ninyo ako sa inyong dalawa dahil wala naman pong ibang pagpipilian kundi kayo,” usal naman ni Gwen.“Kaya nga hindi mo ako sinusunod dahil hindi mo kayang pumili sa aming dalawa? Ganoon na ba si Erik sa iyo na halos magkasinghalaga
Nagulat si Claire sa pagbalik agad ni Nathan kaya hindi agad nakasagot. “Wala ‘yon pre, binibiro niya lang ako, sinabihan ko kasing kursunada ko ang isa niyang barkada. Sabi ba naman ni Claire na boobs lang daw ang gusto ko doon kaya sinabihan niya akong manyakis,” palusot ni Gilbert upang hindi sila mahalata ni Nathan sa kanilang totoong pinag-uusapan.“Ganoon na nga Hon,” pagsang-ayon ni Claire sa palusot na naisip ni Gilbert. “Bakit ka pala bumalik agad? Akala ko ba maliligo ka muna?” tanong ni Claire upang maiba ang usapan.“Nagbago na isip ko, balak ko sana kanina ayain si Gilbert para uminom man lang kaya lang naisip ko may lakad pala ako mamaya dahil pinapatawag ako ni Donya Margareth sa mansyon nila. Kaya naisip ko na mamaya na lang muna ako maliligo,” paliwanag ni Nathan sa pagbabagong isip.“Buti na lang Pre may meeting kayo ni Donya Margareth kasi kahit ayain mo ako mamaya ay hindi kita mapagbibigyan dahil may kikitain akong magandang babae. May dadalaw sa condo ko mamaya
Maagang tinapos ni Leslie ang kanyang trabaho upang makauwi agad sa kanyang pamamahay dahil sa sobrang kasabikan na muling makasama at masolo ang binata.Halos kalahating oras lang ang ginugol ni Leslie sa pagbiyahe para marating ang sariling bahay mula sa kanyang pinapasukan.“Erik, may dala pala akong makakain natin para hindi na tayo lumabas ng ba---” naputol ang pagsasalita ni Leslie nang mapansin niyang wala si Erik sa sala. Agad na pinuntahan ng dalaga ang kuwartong tinutulugan ng binata at nang walang makita ay huling pinuntahan nito ay ang kusina. Nang bigo pa rin na mahanap ang makisig na binata ay mabilis na sumakay sa kanyang kotse at agad niya itong pinaandar nang mabilis.“Tinakasan na naman ako Erik, sigurado akong pumunta na naman iyon sa bahay ni Gwen,” bulong na wika ni Leslie sa sarili.Mabilis na nakarating si Leslie sa bahay ni Gwen. Papasok na sana si Leslie sa loob ng bahay nang mapansin nitong hindi masyadong nakasara ang pinto kaya sa hindi inaasan ay narinig
Nakauwi si Leslie sa kanyang tinutuluyan. Matamlay, malungkot at nakatitig lamang sa sahig na nakaupo sa sopa matapos manggaling sa bahay ni Gwen.Doon niya lang napatunayan sa sarili na kahit hindi aminin nila Gwen at Erik ay halatang may nararamdaman sila sa isa’t isa na hindi na kailangan pang sabihin ng kanilang mga bibig na siyang nagdudulot nang sakit sa dibdib ng dalaga.Habang nakaupo si Leslie nang biglang makita niya ang maliit na notebook na ipinatago sa kanya ni Erik. Agad niyang nabasa ang pangalang Larry Evangelista kaya naisip nito na i-search ang pangalan sa isang apps sa social media.Nanlaki ang mata nito at kinusot ang mata upang linisin at siguraduhin kung tama ba ang nakita niya na kamukha ni Erik ang mga larawan ni Larry Evangelista. Doon niya lang napagtanto na si Larry Evangelista at Erik ay iisang tao. Nalaman niya na kaya pala marami ang gustong pumatay kay Erik ay isa pala itong anak hindi lang basta mayaman kundi bilyonaryo at tanging tagapagmana ng may-ari
Pagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw
Nakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag
Matamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate
Sa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang
Matapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun
Nakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata. Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan. Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista. Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email. “Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man
Matapos tulungan ni Leslie si Erik na magkatrabaho ay hinatid naman niya si Niknok sa bahay ni Gwen. Nagkataon naman na papasok pa lang si Gwen sa kanyang trabaho kaya nagkita sila ni Leslie habang pababa ng sasakyan si Niknok. “Best, saan ka pupunta?” maikling tanong ni Leslie sa kaibigan. “Papasok pa lang ako Best. Bakit pala sakay mo si Niknok nasaan si Erik?” tanong nang magtaka si Gwen na hindi kasama ni Niknok si Erik. “Nok, di ba sinabihan na kita na hindi mo dapat iniiwan si Kuya Erik mo!” pagalit na dugtong ni Gwen nang pakiramdam nito na hindi siya sinunod ni Niknok. Agad na sumagot si Leslie nang makita nitong hindi makasagot si Niknok upang hindi tuluyang magalit si Gwen. “Best, huwag mo nang pagalitan si Niknok, katunayan ako na ang nagsabi kay Niknok na huwag na niyang hintayin si Erik dahil kakilala ko naman ang may-ari ng pinapasukan niyang trabaho,” pagpapaliwanag ni Leslie sa kaibigan. “Talaga Best, may trabaho na si Erik?” nagulat na tanong ni Gwen. “Oo Best,
Sinimulan nang maglakad nila Erik at Niknok upang subukan ang kapalaran kung aayon ba ang suwerte sa binata. “Kuya Erik, saan mo ba balak maghanap? Masyadong magulo ang lugar dito. Pakiramdam ko mawawala ako dito. Ok lang sana kung kagaya sa bundok na lagi nating nilalakad na kapag kinabisado mo lang ang itsura ng mga puno siguradong hindi na tayo maliligaw. Hindi tulad dito nagtataasan ang buong paligid. Mahirap nito baka bumagsak pa ang mga iyan habang naglalakad tayo,” wika ni Niknok na halatang nag-aalala sa mga nakikita niya sa paligid. “Nok, hindi naman basta-basta babagsak ang mga nagtataasang gusali. Maaari pa siguro kung lumindol nang napakalakas,” usal ni Erik. “Daan nga pala muna tayo sa bahay ni Leslie hindi pa kasi ako nakakapagpaalam doon at para makapagpasalamat na rin sa tulong na ginawa niya,” dugtong ni Erik. “Alam mo ba Kuya, tingin ko doon kay Ate Leslie may gusto ‘yon sa iyo,” hinala ni Niknok. “Ikaw talaga Nok, kung anu-ano ang naiisip mo. Siguro likas lang t
Kinaumagahan agad na nagtungo si Gwen sa kusina upang magluto sana para sa kakainin niya at sa dalawa niyang bisita na sina Erik at NIknok, ngunit nabigla ito nang makita niya sa mesa na mayroon nang nakahain ng almusal. “Magandang umaga po Ate Gwen!” masigasig na pagbati ni Niknok habang nakaupo na at hinihintay ang dalaga sa pag-upo upang sabayan sa pagkain. “Sino nagluto? Bakit hindi ninyo ako ginising?” tanong nang naguguluhan na si Gwen. “Si Kuya Erik po ang nagluto, sabi niya kasi huwag ka nang gisingin dahil nagpapahinga ka pa at puyat kaya inako na lang niya ang pagluluto,” sagot na mahinahon ni Niknok. “Nasaan na ang Kuya Erik mo ngayon?” muling tanong ng dalaga. “Kung hindi po ako nagkakamali nasa palikuran po upang maligo,” magalang na sagot ni Niknok. “Sabi rin po pala ni Kuya Erik kumain na lang daw tayo kasi hindi na po siya sasabay sa atin ibabaon na lang daw niya ung almusal sa pupuntahan niya,” dugtong na usal ng binatilyo. “Saan siya pupunta?” pagtatakang tanon