“Sorry, nagulat ba kita?”Sandaling natigilan si Tori. Nang ma-realize niya na boses ni Xander ang narinig niya, agad siyang lumingon dito.“Xander. Sorry–”“No, I should be the one saying sorry. Nagulat yata kita big time. Sorry. Na-excite lang kasi ako nung natanggap ko ang message mo,” paliwanag ni Xander.Hindi sinasadyang napalingon si Tori kay Mocha. Nagkataong nakatingin din si Mocha sa kanya.Actually… etong aso na 'to ang nag-message nun. Pagkausap ni Tori sa sarili niya. “Tori?”Muling nilingon ni Tori si Xander.“Yes? Ah! Ah… wala ‘yun. Okay lang. Nagulat lang talaga kasi ako. Alam mo na, marami kasi akong iniisip pagpasok ko pa lang sa entrance n’yo.”At saka may tinakbuhan ako. Muling sabi ni Tori sa isip niya.Tumango-tango lang si Xander habang nakatingin kay Tori. “Ahm… may meeting lang ako in…” tiningnan ni Xander ang relo niya sa palapulsuhan niya, tapos ay muling tumingin kay Tori, “in ten minutes.”“Ah, sure! Okay lang ako rito. Marami akong kailangang i-check si
“Hi!”Sandaling natigilan si Tori sa kaharap. Mataman niyang tiningnan ang dalawang taong nasa harap niya.“H-Hi.”“Miss Tori, aalis na po ako…” paalam nung guard sa kanya. Tumango lang si Tori. Pagkatapos ay binalingan niya ang dalawang taong nasa harapan niya ngayon. “Y-Yes?” tanong niya sa mga ito habang salitan silang tinitingnan.Hindi alam ni Tori kung magpapasalamat ba siya dahil hindi sila ang mga taong iniiwasan niya, pero hindi rin naman niya sila kilala.“Ahm, I’m Amy. And this is Kenneth,” pakilala nung babae sabay turo sa kasama niyang lalaki.Tumango-tango si Tori.“Okay…”“We are from the other branch of this company. I am from the Purchasing Department while si Kenneth is from the Building and Admin Department. Pinapunta po kami ngayon dito ni Sir Xander para raw po makita namin ‘yung coffee corner nila rito and para matanong na rin kayo sa mga need namin i-purchase bago mag-start ang construction sa kabila.”Napaawang ang bibig ni Tori nang marinig niya ang pangalan
MAY limang minuto na ring nagbi-biyahe sila Tori ng maisipan ng dalaga na tanungin si Xander.“Saan mo pala kami pakakainin ni Mocha?”Sinulyapan pa ni Tori ang aso sa likurang upuan. Prente itong nakahiga roon.“May bagong bukas na resto si Tito Zyrus dun sa bagong mall. You know us, we always support each other.”Palihim na nag-panic si Tori. Mall. May posibilidad kaya na magkita sila dun nila Ruther at Chandra ngayon? Pwede. Lalo pa at isang high-end mall iyong sinasabi ni Xander na iyon. And since galing din sa Madraullo Motors ang dalawa, posible rin na doon dumaan at kakain ang dalawa. And worse, baka doon din sa restaurant na sinasabi ni Xander dahil bagong bukas nga ito. Knowing Chandra?Isip, Tori, isip… hindi kayo pwedeng makarating dun…Sa kakaisip, napalingon si Tori kay Mocha.“Ahm… can we go somewhere else?” tanong ni Tori habang nakalingon pa rin kay Mocha.Mabilis na napasulyap si X
“Okay, thanks for the idea, Tito!”Ni-release na ni Xander ang handbrake, paghahanda sa pag-abante ng sasakyan niya.[“You know what, mahusay sa kitchen iyang si Xander. Ang asawa ko ang nag-train diyan, si Ysa. Pero hindi ko pwedeng sabihin na mas magaling si Xander sa Ysa ko, Tori. Eh di,--”]“Tito, gutom na kami ni Tori. Bye na.”[“Bakit? Pwede namang mag-usap pa, ah? Di ba naka-loudspeaker naman ako? Di ba, Tori?”]Napalingon si Tori kay Xander. Lumingon din sa kanya si Xander, and mouthed sorry. Marahang tumango si Tori. Pinaabante naman na ni Xander ang sasakyan.“Yes,Tito. Pwede pa naman po tayong mag-usap habang nasa biyahe kami.”[“Di ba? Masyado lang dinadaga ‘yang si Xander. Natatakot siguro ‘yan na may masabi ako sa ‘yo. Eh, wala naman akong pwedeng masabi. No girlfriend since birth ang batang ‘yan.”]
Ngumiti si Tori, “why so defensive?”“Of course not! I am just correcting you.”“Correcting me?” nangingiting tanong ni Tori, “wala pa naman akong sinabi, so what is to correct?”Itinaas ni Xander ang isang kamay niya sa ere na tila sumusuko.“Okay, fine… I rest my case, your honor.”Bahagyang natawa si Tori sa panggagaya ni Xander sa isang pamosong linya ng mga abogado sa korte. Nakitawa na rin si Xander sa kanya.Nang pumasok sa isip ni Tori ang salitang korte, bigla siyang may naalala. Isang salita, pero napakaraming alaalang nabuksan sa isip niya.“Tori? Are you okay?”Napakurap-kurap si Tori. Pansamantala siyang nawala sa sarili.“Y-Yeah… yeah,” tumango-tango pa si Tori, “gutom lang siguro,” katwiran pa niya.“Okay, wait. Manood ka muna ng TV diyan,” sab
Hindi alam ni Tori kung gaano katagal na silang magkatitigan ni Xander. Naroroon pa rin ang daliri nito sa mukha niya. Sa pisngi na niya to be exact sa side ng pinahid ni Xander na sauce ng gravy.But Tori must admit it, she’s enjoying the moment. At mukhang ganun din naman kasi si Xander. Simpleng pagpahid lang ng daliri habang nakatitig sa mga mata niya pero abot-abot ang kaba at kilig na nararamdaman ni Tori. Hinayaan lang ni Tori si Xander sa mabining paghaplos ng daliri nito sa pisngi niya. There’s something magical with those soft brushes of Xander’s finger to her skin. Sabayan pa ng salitan nitong pagtitig sa kanyang mga mata at sa mga labi.“You know what, Tori? I enjoy every moment that you are by my side. I enjoy moments with you like this. Call it crazy but that’s how I feel,” halos pabulong na sabi ni Xander.Bumuka ang mga labi ni Tori. Gusto niyang isagot kay Xander na ganun din ang nararamdaman niya. Pero biglang nagbago an
[“Hey Tori, I'm on my way now.”]“Pwede bang hindi na ako pumunta?”[“Ha? Bakit naman?”]“Nakakahiya kasi. Hindi naman ako kasali sa circle ng mga pamilya n'yo.”[‘Hey! You have been invited by Tito Zyrus. And one more thing, they all agreed that you can come and join every Saturdays.”]“Tsk! Nahihiya talaga ako,sa totoo lang.”[“Ano'ng nakakahiya dun? And besides, it would be a great opportunity to be close with the Fantastic Four. Isipin mo na lang iyong mga referrals na makukuha mo from them sa interior design projects mo.”]Sandaling natigilan si To
Namilog ang mga mata ni Clover pagkakita sa reaksyon ni Tori.“Oh my! Don't tell me na hindi pa nanliligaw sa iyo ang apo ko?”Tipid na ngumiti si Tori. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin sa ginang.“Ahm? We are treating each other professionally. Iyon lang po ang namamagitan sa amin ng apo n'yo. He's just being friendly with me since I am Xia's friend.”Saka naman biglang pumasok sa isip ni Tori ang mga eksena nila ni Xander na halos mapunta na sa paghahalikan. Professionally ba talaga, Tori?Nagsalin ng kape si Clover sa dalawang tasa na kinuha niya mula sa cupboard, pagkatapos ay hinarap si Tori at saka nakangiting umiling-ilin
“Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&
“Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors.Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia.Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa
Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo