Halos hindi ako nakatulog, pakiramdam ko ay lumulutang ako. Ang saya-saya ko at hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang hiniling ko lang naman ay magustuhan ako ni Jacob, pero higit pa doon ang binigay ng tadhana. Pakakasalan niya ako.
Maaga akong bumangon upang makapaghanda. Pupunta ngayon sina Jacob para pag-usapan ang gaganapin naming kasal.Nagsuot ako ng pants at tshirt. Hindi ako makapag-dress dahil pumuputok ang bilbil ko. Alangan naman na magsuot ako ng maternity dress, e di, magmumukha lang akong malaki lalo.Naglagay ako ng polbo at liptint. Hindi na ako nag-make up dahil mangangati lang ang mukha ko. Baka mag-break out na naman ako. Wala ng space sa aking mukha ang mga tagyawat. Labi at mata ko na lang ata ang hindi tinutubuan ng tagyawat. Maganda naman ako, e. Nang bata ako. Kaso habang lumalaki ako, literal na lumalaki ako dahil padagdag nang padagdag ang aking timbang. Tapos mula nang magkaroon ako hindi na din ako nawawalan ng tagyawat."Good morning, Nanay Sion," bati ko sa matandang katiwala namin. Siya na ang tumayo kong ina, dahil namatay ang mommy ko nang ipanganak niya ako. Hindi na din nag-asawa si Daddy. Pinili niyang alagaan ako at palaguin ang mga business niya. Single mother si Nanay Sion. At kasama niya na ding tumira dito sa bahay ang kaibigan kong si Cora. Sabay kaming lumaki, para na kaming magkapatid. Siya lang ang kaibigan na mayroon ako.Gising na din si Cora. Naghahanda siya ng almusal namin. Sabay-sabay kaming kumain nina Daddy. Masaya si Daddy ngayon, pero hindi niya kayang itago sa akin ang kaba na nararamdaman niya.Niyakap ko siya. "Huwag kang mag-alala, Daddy. Dito naman kami titira ni Jacob after the wedding, e.""May bahay si Jacob at mas malapit iyon sa trabaho niya, Anak.""Mami-miss kita, daddy." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko."Masanay ka na, Anak. Hindi naman habang buhay na narito ang daddy. Masaya ako na lalagay ka na sa tahimik."Bigla ko tuloy naisip ang bagay na gumugulo sa aking isipan mula pa kagabi. Bakit biglang nagpropose si Jacob? Did something happened that I didn't know?Nag-tea kami ni Daddy sa kaniyang study room. At doon ko naisipang itanong sa kaniya ang nasa isipan ko."Dad, pinagkasundo niyo ba kami ni Jacob?"Napaubo si Daddy. "Nakita mo na ba ang isang property natin na 'to, Anak?""Daddy?" Taas kilay ko siyang tiningnan.Tumikhim siya at nakangiti akong pinagmasdan. "He likes you and he ask me your hand for marriage. I know that you likes him, so..." Nagkibit balikat siya. "You're at the right age to get married. Hindi na ako mag-aalala kapag nawala ako sa mundo.""Daddy! Don't say that. Mabubuhay ka pa ng mahaba. Hanggang 100 years old." Tumawa siya."I hope so. Gusto kong makita pa ang mga apo ko. Gusto kong mag-alaga ng mga apo.. damihan niyo ang anak niyo, huh.""Grabe naman ang damihan.""Kayang-kaya niyo naman silang palakihin ng maayos. Kahit ilan pa iyan."Kasal. Tapos ngayon anak. Hindi pa nagsi-sink in sa aking utak ang lahat. Hindi ko nga alam kung gusto na ni Jacob na magkaanak kami. At ilang anak naman kaya ang gusto niya?Dumating sina Jacob ng lunch time. May meeting pa daw kasi siya kanina kaya lunch na sila nakapunta.Nagplano kami ng tungkol sa kasal. Gusto ni Daddy na enggrandeng church wedding, but Jacob wants a beach wedding at pili lang ang imbitado. Iyong mga kamag-anak lang namin. Gusto ko din iyon, dahil wala naman akong mga kaibigan. Magandang ikasal sa sunset. Ito ang idea ni Jacob. Ngayon ko lang nalaman na romantic pala siya. Seryoso kasi siyang tao. Nagkaroon naman siya ng mga girlfriends pero parang hindi siya sweet sa mga ito. O siguro hindi lang siya seryosong sa kanila noon. I'm a lucky bitch.Two weeks lang ang preparation namin, bago ang kasal. Kinikilig ako dahil parang nagmamadali na si Jacob na ikasal kami."Bukas, sasamahan kita na magsukat ng dress," sabi ng kaniyang mommy na magiging mother in law ko na soon."Sige po, T-Tita," nahihiya kong sambit."Mommy, hija." Namumula ang pisngi ko dahil sa hiya."Oh, siya mauna na kami. Sunduin na lang kita bukas dito.""Sige po, M-Mommy." Sumama din sa kanila sa pag-alis si Jacob. May meeting daw ulit ito. Gusto ko pa man din sana siyang makausap. Pero di bale na nga lang, sa oras na ikasal na kami araw-araw na kaming magkasama. At magkatabi pa kami sa pagtulog.Impit akong napatili sa kilig."Grabe naman iyan! Ano'ng iniisip mo, huh?" Tukso sa akin ni Cora."W-Wala.""Ikaw talaga. Aalis pala ako. Bibili ako ng regalo para kay Nanay."."Gusto mong samahan kita?""Hindi na. Kaya ko na 'to, saka di ba, may gagawin ka pa na work?""Oo nga pala. Pero sure ka na hindi kita samahan? Puwede ko namang gawin iyong trabaho ko mamayang gabi.""Ano ka ba, kayang-kaya ko na iyon. Sige na."Nagmamadali na itong umalis. Nag-book siya ng grab. Hindi niya ginamit ang kaniyang sasakyan. Regalo ko sa kaniya nang birthday niya last year.Umakyat na din ako sa taas. Madami akong gagawin at hindi ako puwedeng matambakan ng trabaho, lalo at plano kong magpahinga ng ilang linggo after ng wedding. Gusto kong pagsilbihan si Jacob. Wala pa pala kaming napag-usapan about honeymoon. Nag-init ang aking mukha. Honeymoon. Gagawin namin ang bagay na iyon.Dapat pala magpa-wax ako bukas, para honeymoon ready ako. Magpapa-salon din ako at magpapa-body scrub para tanggal ang mga libag ko sa katawan.Excited na ako. Ganado akong nagtrabaho at hindi ko namamalayan na gabi na pala.Nagugutom na ako pero naisipan ko na kailangan kong mag-diet kaya hindi na lang ako kakain ngayong gabi. Iinom na lang ako ng madaming tubig tapos itutulog ko na lang.Naligo na muna ako at habang nagpapaantok ay nag-text ako kay Jacob."Hi, nakauwi ka na ba?"Habang naghihintay ako ng kaniyang reply, pinalitan ko ang naka-register niyang pangalan sa aking contacts.Hubby... Iyan ang pinalit ko."Pauwi pa lang."Kumunot ang aking noo. Hindi man lang tinanong kung ano ang ginagawa ko. Pero okay na din 'to na nag-reply siya. Dati never siyang nag-text sa akin. Kahit nang binati ko siya nang Christmas, new year, valentines day at birthday niya. Pati nang birthday ng mommy at daddy niya t-in-ext ko din siya para batiin ang mga 'to pero hindi man lang siya nag-reply.Bumuntong hininga ako. Matutulog na nga lang ako.Nag-beep ang celphone ko. Hindi ko na sana titingnan ito pero nasilip ko ang pangalan ni hubby."Go to sleep. Goodnight, wife." Napatili ako sa kilig. Grabe, ang sweet naman ng hubby ko.Halos mapunit ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko habang nagtitipa ako ng reply."Goodnight too, hubby." Naglagay din ako ng emoji kisses at hearts.Hindi ako nasamahan ni Jacob sa pagsusukat ng mga wedding dress pero naintindihan ko naman, alam ko kung gaano siya ka-busy. Mabuti na lang at sinamahan ako ng kaniyang mommy. Hindi nakasama si Cora ngayon. Masama ang kaniyang pakiramdam, kaya sinabi ko na magpahinga na lang siya. Gusto kong maiyak dahil halos walang magkasya sa akin na wedding gown dahil sa laki ko. At ang mga big sizes na available dito sa boutique ay hindi pa mga wedding gown. Nagpatahi na lang kami kaysa lumipat pa ng ibang boutique. Baka ganoon din sa iba, magsasayang lang kami ng oras. Napakasimple lang ng pinagawa kong wedding gown. Sinunod ko na lang si Mommy at ang sinabi ng designer. Sabi nila bagay daw iyon sa akin. Masyadong mabilis. Kung next year pa ang kasal, baka pumayat na ako n'on. Kung alam ko lang na magpapakasal ako this year, sana sinunod ko ang new years resolution ko na mag-da-diet at magwo-work out ako, kahit na napakahirap gawin. Pumili din kami ng shoes. Flat lang dahil masyado akong ma
Nagpa-wax na lang ako at body scrub, para hindi masayang ang paglabas ko. Pagkatapos ay naisipan kong tumingin ng mga magandang night gown sa mall. May mga nanghuhusgang tingin ang ilan sa mga sales staff, pero pinili ko na lang na huwag pansinin. Kailangan ko ng night gown. Sanay na ako sa tshirt at short kapag natutulog pero ngayon dapat masanay na ako sa mga proper night dress dahil magkakaroon na ako ng asawa. Dalawa lang ang nabili ko dahil nahirapan akong pumili. Siguro o-order na lang ako online. Mas madaming choices doon para sa isang plus size na kagaya ko. Before the wedding ay made-deliver na din siguro iyon. Nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang naramdaman pagkirot ng aking pang-ibaba dahil sa wax, kaya pinili kong umuwi na. Wala pa din si Cora pagdating ko. Nakakapanibago na hindi siya umuwi kagabi. May boyfriend na kaya siya? O baka may lalake na siyang natitipuhan. Hindi naman niya gawain iyong hindi uuwi. Alam niyang mag-aalala ang kaniyang Nanay sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang pagkalabog ng aking dibdib ngayon. Natatakot na ako dahil baka mamaya ay may sakit na pala ako sa puso. Bukas na ang kasal namin ni Jacob. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nanghihina ako at matamlay. Wala din akong makausap dahil wala si Cora. Umalis ito. Kahapon pa. Hindi pa din umuuwi hanggang ngayon. Nagagalit na nga yata ang Nanay niya. Tinatanong ako nito kung may nobyo na ang kaniyang anak. Wala namang sinasabi si Cora sa akin. Sasabihin n'on kung may nobyo siya kung sakali. Ang sabi naman niya wala. Busy daw siya sa work at nagpaplano siyang mag-open ng business kaya mawawala-wala siya. Hindi ko na lang gaanong pinapakialaman ang kaibigan ko. Maganda din na nagpupursigi siya para maging successful. Pangarap niyang magpatayo ng bahay, magkaroon ng sariing condo. Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mamasukan ng kaniyang Nanay dito. Pagpapahingain na daw niya. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho ng kaniy
Natapos na ang kasal namin at nagsimula na ding umuwi ang ilan sa aming mga bisita. Sumama din sa pag-uwi sina Daddy at parents ni Jacob. Ilan naman sa mga pinsan ni Jacob ay nag-stay muna. Plano nilang mag-night swimming, kaya nagpaiwan na din muna si Cora. Ayaw sana niya dahil may importante daw siyang lakad bukas pero nadaan ko naman sa pangongonsensya at pamimilit ko sa kaniya. "Mauna ka na sa villa natin," utos sa akin ni Jacob. Kanina pa ako inaantok. Isang baso pa lang naman ng wine ang nainom ko, pero ewan ko kung bakit parang tinablan na agad ako. "Susunod ka ba?" "Yes. Ubusin lang namin ang isang bote.""Hindi ka pa inaantok, Cora?" tanong ko sa aking kaibigan. Tahimik kasi ito. Umiinom pero hindi gaano nakikisali sa usapan. Hindi naman siya ganito. Palakaibigan siya at magaling makisama, magkaibang-magkaiba kami. Jacob's cousin was nice kaya naman hindi ako na-OP. Pinasamahan ako ni Jacob sa isa sa mga pinsan niya hanggang sa villa. Nang makapasok ako sa kuwarto ay uma
Natapos ang araw na halos hindi ko nakasama ang aking asawa. Hindi man lang siya sumunod sa amin. Ginugol niya ang buong maghapon sa harap ng kaniyang laptop at kung kailan nakaalis na ang mga pinsan niya at sina Cora, akala ko makakapag-solo na kami, kaso inaya niya akong umuwi. "Kailangan kong humabol sa flight mamayang ala-una," aniya. Wala akong nagawa kung hindi mag-empake ng aking mga damit. Umuwi kami sa kaniyang bahay. Isang two storey modern type house na tamang-tama lang para sa nagsisimula ng pamilya. May swimming pool pero walang tanim na halaman ang garden area. Nakaalis na siya at ako naman ay naiwan na mag-isa. Hindi ako makatulog kaya nilibot ko na lang ang buong bahay. Hindi man lang kami nakapag-bonding. Wala din nangyari sa amin sa supposed to be first night namin. Malungkot ako pero pilit kong nililibang ang aking sarili hanggang sa makaramdam ako ng antok. Kinaumagahan, maaga akong umalis upang um-attend ng meeting sa kompanya ni Daddy. Nalipat na ni Dad ang
Isusubo ko na sana ang pagkain na nilagay ko sa aking plato nang maalala ko na kailangan ko nga palang mag-diet. Ang hirap panindigan lalo kung ang pagkain na ang nagiging comfort mo kapag stress ka. Para sa akin din naman 'to. Para sa amin ni Jacob, kaya kailangan kong tiisin. Naggatas na lang ako at ilang piraso ng grapes. Hindi nakakabusog pero kalaunan ay masasanay din ako. Umakyat na ako sa aking silid. Muli na naman akong nakaramdam ng kalungkutan. Ayos naman ako nang single ako, ang nagpapalungkot lang naman noon sa akin ay ang kaisipan na hindi ako gusto ni Jacob. Pero ngayon na kasal na ako, siya pa din ang nagpapalungkot sa akin. Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw dahil sumasakit ang aking tiyan. Naninibago siguro dahil hindi na ako kumakain ng madami kaya sumasakit ngayon. Bumaba ako upang kumuha ng hot water, para makainom ako ng tea at gamot. Paakyat na ako nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Ngayon lang umuwi si Jacob? Hinintay ko ito at nang mak
Pagbalik ko ng bahay, nadatnan ko si Cora sa aking kuwarto. Nakahiga ito sa kama pero basa ang buhok. Naligo na siya. It's still five in the morning. Suot niya ang aking tshirt. Malaki ito sa kaniya kaya nagmukhang bestida. May baon siyang extra panties sa kaniyang bag lagi, iyon ang gamit niya. "Saan ka galing at ang aga mo yatang naligo? Hinanap kita kanina.""Ikaw, saan ka galing? Ba't ang aga mo atang umalis?""Ah, nag-jogging ako." "Talaga? Kailan ka pa nagsimulang mag-jogging?""Kailan lang... I want to lost weight para naman gumanda ako kahit kaunti." Inikot niya ang kaniyang mata. "Is this for your husband?" Ngumiti ako. "Yeah. Para na din makabuo kami agad. I'm an only child kaya gusto ko ng anak."Napangiwi siya. She sighed and shook her head. "Gusto ba ng asawa mong magkaanak? And paano mangyayari iyon kung hindi kayo tabi matulog?" Natahimik ako. "Kaya nga I'm working on my weight and my skin. Maligo na muna ako. And then matutulog ulit ako." "K.""By the way, saan
Lumabas si Awi sa aking opisina nang dumating si Cora. Nakasimangot ang aking kaibigan. Hindi ko alam pero tingin ko ay nagseselos ito dahil nadatnan niya kami ni Awi na kumakain habang nagtatawanan. "Ba't ka nakabusangot?" nakangiti kong tanong. Ubos na ang pagkain ko kaya niligpit ko na muna. Naupo si Cora sa chair na nasa aking tapat. Mula sa busangot na mukha ay naging maaliwalas ito. Ngumiti siya. Nagpahid din muna ako ng alcohol sa kamay bago ko nilabas mula sa drawer ang aking check book. "Pag-aralan mo ng maigi ang mga business na papasukin mo," pangaral ko sa kaniya in a very nice way para hindi siya ma-offend. "Oo. Napag-aralan ko na iyon. Ilang buwan ko na ding binabalik-balikan ang property na iyon.""Okay." Nagsulat na ako. Ten million pesos. "Goodluck...""Salamat, friend." Tinanggap niya ang cheke. Tumayo siya at yumakap muna sa akin bago siya magpaalam na aalis na. Agad namang pumasok si Awi nang makaalis si Cora. May dala siyang pakwan. "May dumaan na magpu-pru
One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin
Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab
ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na
"Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'
Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y
"Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon
Maaga daw kumakain ng agahan dito sa bahay nina Ziyad kaya maaga din akong bumangon. Naligo ako at nag-ayos. Sinuot ko ang bigay ng maid na isang Bronx and Banco na dress. Magaling talagang manamit ang Mommy niya. Mahilig din siya sa mga diamonds. Kahit nasa bahay lang ay nakasuot pa din siya ng jewelries. Hindi tulad ko na sobrang simple lang. Sabagay, si Daddy lang naman kasi ang mag-isang nagpalaki sa akin. Hindi din ako nakaranas ng glow up nang dalaga pa lang ako. Nang magkakilala kami ni Ziyad, sa kaniya lang ako nagsimulang mag-ayos ng husto. trinato niya ako na parang isang reyna. Nakaayos na ako nang magising si Ziyad. Nakangiti siyang yumakap sa akin at humalik. "Hmmm, ang bango naman at ang ganda ng asawa ko."Ang lapad tuloy ng ngiti ko. Ang ganda agad ng umaga ko dahil sa bolerong lalake na 'to. "Good morning, Ziyad.""Morning, baby. Hmmm..." Hinaplos niya ang aking bewang paakyat sa aking dibdib. Humagikgik ako na nauwi sa malakas na tawa. Patuloy naman siya sa paghim
Sa sobrang saya na nararamdaman ko hindi na matigil-tigil ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Pauwi na kami ngayon ni Ziyad sa kaniyang hotel. Kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong pisngi. "Tahan na," masuyo niyang sambit habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Tumawa naman ako at muling umiyak. "Ikaw kasi, e. Bakit ba ang suwerte ko sa'yo? Ano bang nagawa ko at sobra mo akong mahalin?"Matamis siyang ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinalik-halikan. "Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, isang beses lang akong magmamahal. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa'yo na tatanda akong binata." Tumawa ako. "Hindi ka tatandang binata. Tatanda ka kasama ako at ng mga magiging anak natin. Gusto ko ng madaming anak, Ziyad."He smirked and then grinned, and ended up with a chuckle. "Why are you laughing?""Nothing. I want more kids too."Kinagat ko ang aking labi. Ngayon na napunta doon ang topic, naisip ko kung ano ang puwed
It was too sudden and too soon but it doesn't feels wrong. Everything feels right. I love him and he loves me dearly too. Nakatingin ako sa singsing na suot ko habang yakap naman ako ni Ziyad at hinahalik-halikan ang aking balikat. "Para sa akin ba talaga ang singsing na 'to?" nagdududang tanong ko, making him chuckle. "Of course. Ikaw lang naman ang babaeng gusto ko, mahal ko at handa akong pakasalan at makasama habang buhay."Napabungisngis ako. "Kailan mo 'to binili?" "Bago ako bumalik ng Pinas. Umaasa ako na mahuhulog ka na sa akin." Tumawa ako dahil sa galak. Tapos halos ayaw niya akong pansinin noon. Akala ko bumalik lang siya para ipamukha sa akin na siya lang naman ang lalakeng sinayang ko. Nilingon ko siya at hinalikan. "I love you, Ziyad. At oo nga pala, paano kung hindi ako tanggap ng mga magulang mo?" Baka mamaya kausapin niya ako para sabihin na layuan ko ang anak niya. "Bakit naman hindi?" Kumunot ang kaniyang noo. "Mula pa nang nine years old ako, alam na nilang m