Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang pagkalabog ng aking dibdib ngayon. Natatakot na ako dahil baka mamaya ay may sakit na pala ako sa puso. Bukas na ang kasal namin ni Jacob. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nanghihina ako at matamlay.
Wala din akong makausap dahil wala si Cora. Umalis ito. Kahapon pa. Hindi pa din umuuwi hanggang ngayon. Nagagalit na nga yata ang Nanay niya. Tinatanong ako nito kung may nobyo na ang kaniyang anak. Wala namang sinasabi si Cora sa akin. Sasabihin n'on kung may nobyo siya kung sakali.Ang sabi naman niya wala. Busy daw siya sa work at nagpaplano siyang mag-open ng business kaya mawawala-wala siya. Hindi ko na lang gaanong pinapakialaman ang kaibigan ko. Maganda din na nagpupursigi siya para maging successful. Pangarap niyang magpatayo ng bahay, magkaroon ng sariing condo. Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mamasukan ng kaniyang Nanay dito. Pagpapahingain na daw niya. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho ng kaniyang Nanay dito sa amin. Pamilya ang turing namin sa mga tauhan namin, kaya nga madami sila para hindi sila mahirapan ng husto sa trabaho. At maganda din ang pasahod ni Daddy sa kanila. Pero alam ko naman na hindi sila habang buhay na magtatrabaho para sa amin. May mga sarili din silang mga pamilya at kapag nakapagpatapos sila ng mga anak, tiyak na mag-re-retire na sila.Hindi ako kumain ngayon. Nag-fruit shake lang ako, bilang preparasyon para bukas."Jacob, puwede ba tayong magkita?" Baka kapag nakita ko siya ay kumalma ang pakiramdaman ko. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Hindi din gaano nagt-text.Isa ito marahil sa dahilan kung bakit ganito na lang ang kaba na nararamdaman ko ngayon.Ilang oras pa ang lumipas pero wala pa ding reply si Jacob. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya ma-contact.Kailangan ko si Cora."Cora, ano'ng oras ka uuwi? Kailangan kita ngayon."Malungkot akong naupo sa sofa. Hindi ko din alam kung bakit ako malungkot, imbes na masaya.Alas sais gabi, dumating si Cora. Natuwa ako dahil may mapagsasabihan ako ng nararamdaman ko."Bakit ganiyan ang mukha mo?" puna niya sa akin habang inaayos ang mga dala niyang paper bags. Ang dami niyang pinamili."Dami niyan, ah. Nag-withdraw ka ba sa crypto?"Tumawa siya."Parang ganoon na nga..." Kakaiba ang kaniyang mga ngiti."Ang init!" reklamo niya. Hindi kasi bukas ang aircon dito sa sarili niyang silid dito sa maid's quarter. Tinaas niya ang pagkakatali ng kaniyang buhok.Napakunot noo ako nang makita ko ang mga pulang marka sa kaniyang batok at leeg. Meron na naman siya nito?"Kumain ka ba ng sea food?""Huh? Bakit?" Nilingon niya ako. Binuksan niya ang aircon saka muling inayos ang mga dala niya."May pantal ka kasi sa leeg at batok.""Ay, oo..." Kinapa niya ito. Ngumiti na may kasama pang kagat labi."Sige pahinga ka na muna." Parang wala siya sa sarili kasi at wala sa mood na makipag-usap kaya lumabas na muna ako at nagpunta ng garden. Mami-miss ko ang bahay namin. Na-empake ko na pala ang mga damit ko kanina. Dalawang maleta lang iyon."Hija..." Tinabihan ako ni Daddy dito sa sun lounger. Pinasadya niyang palakihan 'to para kasya kaming dalawa. Minsan tumatambay kami dito ni Daddy. Nagkuwentuhan tungkol sa mga business niya at tungkol sa namayapa kong ina.Inakbayan niya ako at niyakap ko naman siya."Mamimiss kita, Daddy."Hinaplos niya ang buhok ko. "Parang kailan lang, nang pinanganak ka. Hindi ko alam kung paano kita palalakihin na mag-isa." Napaiyak kaming dalawa."You did a great job, daddy. You're a selfless father. You're the best dad in the universe."Tumawa siya. "You're the best daughter, hija. Kahit paano mapapanatag na ako kapag nawala na ako sa mundong 'to.""Dad! Pinapalungkot mo ako...""Lahat naman tayo papunta doon. Alam mo namang matanda na ang daddy.""May sakit ka ba na hindi ko alam? May taning na ba ang buhay mo?"Humalakhak siya. "Wala, anak. Your dad is healthy.""Sure ka, huh? Dad... Please lang. If you're ill or something please tell me. Ayaw kong nagugulat.""Wala, promise.""Sure ka ha...""Yes. One hundred percent."Nag-alala tuloy ako. Para makasigurado, tatawagan ko ang doctor niya mamaya.Bukas pa ng hapon ang kasal sa isang private at isolated island. Nandoon na ang mga wedding coordinator at lahat ng mga mag-aayos para sa kasal namin.Bukas ng umaga ay mauuna doon sina Jacob. At kami naman ni Daddy ay hapon na susunod. Dito ako aayusan. Bababa ako sa mismong venue na nakaayos na, sakay ng chopper.Bukas na. I'm so excited and scared, honestly. Hindi ko kasi naranasang magkaroon ng karelasyon. Hindi ko alam kung paano maging isang girlfriend at lalong-lalo ng walang idea kung paano maging isang asawa.Hindi ko nasabi ang nararamdaman ko kay Cora dahil maaga pa lang ay tulog na siya. Hindi na siya nakakain ng dinner. Parang pagod na pagod siya. Hindi ko din ito na-open kay Daddy dahil ayaw ko siyang mag-alala.Before lunch, inayusan na ako ng HMUA na kinuha ni Dad. Ang mga ilang staff namin ay nauna ng ihatid ng chopper. Nauna na din sina Cora at kaniyang Nanay doon."Ang ganda mo, hija. Kamukhang-kamukha mo ang iyong mommy."Gumanda ako dahil sa ayos ko, pero hindi ko makita ang pagkakahawig namin ni Mommy, lalo at napakataba ko.Nasa chopper na kami at tanaw ko na ang venue. Hindi pa ako nakakababa pero nagsimula na akong umiyak.Ang kaba at takot ko kahapon ay napalitan na ng saya. Masaya ako dahil ikakasal ako ngayon sa lalakeng mahal ko.May hinanda akong vow pero hindi ko iyon nasabi dahil hindi kasama sa program. Iyong salita lang na pinapagaya ng nag-officiate ng kasal namin ang sinabi namin sa isa't isa.At ilang ulit din akong napatulala dahil sa mantsa sa kuwelyo ng suot na damit ni Jacob. Pula. Ano iyon?"You may now kiss the bride..."Heto na. Heto na. Pumikit pa ako pero sa pisngi ko lang dumampi ang labi ni Jacob.Bakit hindi sa labi?Natapos na ang kasal namin at nagsimula na ding umuwi ang ilan sa aming mga bisita. Sumama din sa pag-uwi sina Daddy at parents ni Jacob. Ilan naman sa mga pinsan ni Jacob ay nag-stay muna. Plano nilang mag-night swimming, kaya nagpaiwan na din muna si Cora. Ayaw sana niya dahil may importante daw siyang lakad bukas pero nadaan ko naman sa pangongonsensya at pamimilit ko sa kaniya. "Mauna ka na sa villa natin," utos sa akin ni Jacob. Kanina pa ako inaantok. Isang baso pa lang naman ng wine ang nainom ko, pero ewan ko kung bakit parang tinablan na agad ako. "Susunod ka ba?" "Yes. Ubusin lang namin ang isang bote.""Hindi ka pa inaantok, Cora?" tanong ko sa aking kaibigan. Tahimik kasi ito. Umiinom pero hindi gaano nakikisali sa usapan. Hindi naman siya ganito. Palakaibigan siya at magaling makisama, magkaibang-magkaiba kami. Jacob's cousin was nice kaya naman hindi ako na-OP. Pinasamahan ako ni Jacob sa isa sa mga pinsan niya hanggang sa villa. Nang makapasok ako sa kuwarto ay uma
Natapos ang araw na halos hindi ko nakasama ang aking asawa. Hindi man lang siya sumunod sa amin. Ginugol niya ang buong maghapon sa harap ng kaniyang laptop at kung kailan nakaalis na ang mga pinsan niya at sina Cora, akala ko makakapag-solo na kami, kaso inaya niya akong umuwi. "Kailangan kong humabol sa flight mamayang ala-una," aniya. Wala akong nagawa kung hindi mag-empake ng aking mga damit. Umuwi kami sa kaniyang bahay. Isang two storey modern type house na tamang-tama lang para sa nagsisimula ng pamilya. May swimming pool pero walang tanim na halaman ang garden area. Nakaalis na siya at ako naman ay naiwan na mag-isa. Hindi ako makatulog kaya nilibot ko na lang ang buong bahay. Hindi man lang kami nakapag-bonding. Wala din nangyari sa amin sa supposed to be first night namin. Malungkot ako pero pilit kong nililibang ang aking sarili hanggang sa makaramdam ako ng antok. Kinaumagahan, maaga akong umalis upang um-attend ng meeting sa kompanya ni Daddy. Nalipat na ni Dad ang
Isusubo ko na sana ang pagkain na nilagay ko sa aking plato nang maalala ko na kailangan ko nga palang mag-diet. Ang hirap panindigan lalo kung ang pagkain na ang nagiging comfort mo kapag stress ka. Para sa akin din naman 'to. Para sa amin ni Jacob, kaya kailangan kong tiisin. Naggatas na lang ako at ilang piraso ng grapes. Hindi nakakabusog pero kalaunan ay masasanay din ako. Umakyat na ako sa aking silid. Muli na naman akong nakaramdam ng kalungkutan. Ayos naman ako nang single ako, ang nagpapalungkot lang naman noon sa akin ay ang kaisipan na hindi ako gusto ni Jacob. Pero ngayon na kasal na ako, siya pa din ang nagpapalungkot sa akin. Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw dahil sumasakit ang aking tiyan. Naninibago siguro dahil hindi na ako kumakain ng madami kaya sumasakit ngayon. Bumaba ako upang kumuha ng hot water, para makainom ako ng tea at gamot. Paakyat na ako nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Ngayon lang umuwi si Jacob? Hinintay ko ito at nang mak
Pagbalik ko ng bahay, nadatnan ko si Cora sa aking kuwarto. Nakahiga ito sa kama pero basa ang buhok. Naligo na siya. It's still five in the morning. Suot niya ang aking tshirt. Malaki ito sa kaniya kaya nagmukhang bestida. May baon siyang extra panties sa kaniyang bag lagi, iyon ang gamit niya. "Saan ka galing at ang aga mo yatang naligo? Hinanap kita kanina.""Ikaw, saan ka galing? Ba't ang aga mo atang umalis?""Ah, nag-jogging ako." "Talaga? Kailan ka pa nagsimulang mag-jogging?""Kailan lang... I want to lost weight para naman gumanda ako kahit kaunti." Inikot niya ang kaniyang mata. "Is this for your husband?" Ngumiti ako. "Yeah. Para na din makabuo kami agad. I'm an only child kaya gusto ko ng anak."Napangiwi siya. She sighed and shook her head. "Gusto ba ng asawa mong magkaanak? And paano mangyayari iyon kung hindi kayo tabi matulog?" Natahimik ako. "Kaya nga I'm working on my weight and my skin. Maligo na muna ako. And then matutulog ulit ako." "K.""By the way, saan
Lumabas si Awi sa aking opisina nang dumating si Cora. Nakasimangot ang aking kaibigan. Hindi ko alam pero tingin ko ay nagseselos ito dahil nadatnan niya kami ni Awi na kumakain habang nagtatawanan. "Ba't ka nakabusangot?" nakangiti kong tanong. Ubos na ang pagkain ko kaya niligpit ko na muna. Naupo si Cora sa chair na nasa aking tapat. Mula sa busangot na mukha ay naging maaliwalas ito. Ngumiti siya. Nagpahid din muna ako ng alcohol sa kamay bago ko nilabas mula sa drawer ang aking check book. "Pag-aralan mo ng maigi ang mga business na papasukin mo," pangaral ko sa kaniya in a very nice way para hindi siya ma-offend. "Oo. Napag-aralan ko na iyon. Ilang buwan ko na ding binabalik-balikan ang property na iyon.""Okay." Nagsulat na ako. Ten million pesos. "Goodluck...""Salamat, friend." Tinanggap niya ang cheke. Tumayo siya at yumakap muna sa akin bago siya magpaalam na aalis na. Agad namang pumasok si Awi nang makaalis si Cora. May dala siyang pakwan. "May dumaan na magpu-pru
Alas-kuwatro nang magkamalay si Cora. Nang makita niya ako ay napaiyak siya at nagsimula siyang magkuwento sa nangyari. "Para bang alam nila na may dala akong malaking halaga..." She was sobbing. She look so terrified that's why I tried to calm her down. "Paano na ang business na plano kong buksan?" "Huwag mo na munang isipin iyan. Ang mahalaga ay buhay ka. You should be grateful for your second life. Pera lang iyon, maari mo pang kitain ulit.""That's ten million.""Yeah. At hindi mo iyon kikitain kapag nawala ka na. Magpahinga ka na... Tulog ka ulit."Maaga nagpunta ang Nanay ni Cora dito sa ospital. The old woman was crying but when she found out about the money she began scolding her. "Bakit ka may ganoon kalaking pera?" Nakayuko lang si Cora. Maging siya ay nanghihinayang din sa pera. Iyon pa ang mas iniyakan niya. "Humiram ka kay Precious? Ang lakas naman ng loob mo na humiram ng ganoon kalaking halaga!""'Nay! Huwag ka ng magalit. Nai-stress na nga ako, e. Gusto ko lang na
Two days na ang lumipas mula nang umalis si Jacob. Hindi pa din ako bumabalik sa trabaho. Wala akong gana sa lahat. Napapraning ako at hindi maubos-ubos ang aking mga luha. Kaya naman namumugto ang aking mga mata at halos hindi ko na nga maidilat. Ano kaya ang ginagawa niya? Kasama kaya niya ang kaniyang ex? Cora was texting me from time to time too but I didn't reply. Ayaw ko ng kausap. Ayaw kong kaawaan lang niya ako. "Hija, may bisita ka.""Sino daw po, Manang?" Hapon na. Ilang minuto na lang ay gabi na ulit. Hanggang kailan akong ganito? Bakit pakiramdam ko walang patutunguhan itong buhay ko. "Awi daw po." Bakit nagpunta si Awi dito? At paano niya nalaman ang address ko dito? "Saglit lang po." Ayaw ko naman siyang pauwiin na lang. Nag-effort iyong tao para puntahan ako. May dalang mga prutas si Awi. Akala ata niya ay may sakit ako kaya hindi ako nakakapasok. "Hi, nag-ambagan kami para rito..." Tinuro niya ang malaking fruit basket. "Thank you. Hindi na sana kayo nag-abala
Maaga akong nag-out sa work ngayon, para magpunta sa spa. Medyo nag-improve na ang aking skin. May mga dark spot, marks at scars na naiwan pero hindi na ako nag-break out uli, though may mangilan-ngilan pa ding pimples kaso hindi na ganoon kalala. Ginabi na ako ng uwi dahil may appointment din ako sa OB at sa aking dentist. Pagdating ko sa bahay nagulat ako nang madatnan ko ang ilang sasakyan na naka-park sa labas ng bahay. Nandito na si Jacob? "Manang, nasaan si Jacob?" Nadatnan ko ito sa kusina. Nagluluto siya ng pagkain kasama ang kinukuha ni Jacob na maglinis once a week dito sa bahay. "Nasa labas, kasama niya ang mga kaibigan niya nag-iinom sila."Nag-isip pa ako ng madaming beses kung pupuntahan ko siya o huwag na lang. Gusto ko siyang makita, kaso kapag naaalala ko ang mga ilang beses na pag-uusap namin na nauuwi sa sakitan ay nag-alangan ako. Umakyat ako sa aking kuwarto upang makapagpahinga na. Binuksan ko ang bintana dahil mahangin dito kapag gabi, kaso sa tapat lang p
One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin
Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab
ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na
"Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'
Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y
"Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon
Maaga daw kumakain ng agahan dito sa bahay nina Ziyad kaya maaga din akong bumangon. Naligo ako at nag-ayos. Sinuot ko ang bigay ng maid na isang Bronx and Banco na dress. Magaling talagang manamit ang Mommy niya. Mahilig din siya sa mga diamonds. Kahit nasa bahay lang ay nakasuot pa din siya ng jewelries. Hindi tulad ko na sobrang simple lang. Sabagay, si Daddy lang naman kasi ang mag-isang nagpalaki sa akin. Hindi din ako nakaranas ng glow up nang dalaga pa lang ako. Nang magkakilala kami ni Ziyad, sa kaniya lang ako nagsimulang mag-ayos ng husto. trinato niya ako na parang isang reyna. Nakaayos na ako nang magising si Ziyad. Nakangiti siyang yumakap sa akin at humalik. "Hmmm, ang bango naman at ang ganda ng asawa ko."Ang lapad tuloy ng ngiti ko. Ang ganda agad ng umaga ko dahil sa bolerong lalake na 'to. "Good morning, Ziyad.""Morning, baby. Hmmm..." Hinaplos niya ang aking bewang paakyat sa aking dibdib. Humagikgik ako na nauwi sa malakas na tawa. Patuloy naman siya sa paghim
Sa sobrang saya na nararamdaman ko hindi na matigil-tigil ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Pauwi na kami ngayon ni Ziyad sa kaniyang hotel. Kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong pisngi. "Tahan na," masuyo niyang sambit habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Tumawa naman ako at muling umiyak. "Ikaw kasi, e. Bakit ba ang suwerte ko sa'yo? Ano bang nagawa ko at sobra mo akong mahalin?"Matamis siyang ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinalik-halikan. "Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, isang beses lang akong magmamahal. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa'yo na tatanda akong binata." Tumawa ako. "Hindi ka tatandang binata. Tatanda ka kasama ako at ng mga magiging anak natin. Gusto ko ng madaming anak, Ziyad."He smirked and then grinned, and ended up with a chuckle. "Why are you laughing?""Nothing. I want more kids too."Kinagat ko ang aking labi. Ngayon na napunta doon ang topic, naisip ko kung ano ang puwed
It was too sudden and too soon but it doesn't feels wrong. Everything feels right. I love him and he loves me dearly too. Nakatingin ako sa singsing na suot ko habang yakap naman ako ni Ziyad at hinahalik-halikan ang aking balikat. "Para sa akin ba talaga ang singsing na 'to?" nagdududang tanong ko, making him chuckle. "Of course. Ikaw lang naman ang babaeng gusto ko, mahal ko at handa akong pakasalan at makasama habang buhay."Napabungisngis ako. "Kailan mo 'to binili?" "Bago ako bumalik ng Pinas. Umaasa ako na mahuhulog ka na sa akin." Tumawa ako dahil sa galak. Tapos halos ayaw niya akong pansinin noon. Akala ko bumalik lang siya para ipamukha sa akin na siya lang naman ang lalakeng sinayang ko. Nilingon ko siya at hinalikan. "I love you, Ziyad. At oo nga pala, paano kung hindi ako tanggap ng mga magulang mo?" Baka mamaya kausapin niya ako para sabihin na layuan ko ang anak niya. "Bakit naman hindi?" Kumunot ang kaniyang noo. "Mula pa nang nine years old ako, alam na nilang m