Lumabas si Awi sa aking opisina nang dumating si Cora. Nakasimangot ang aking kaibigan. Hindi ko alam pero tingin ko ay nagseselos ito dahil nadatnan niya kami ni Awi na kumakain habang nagtatawanan. "Ba't ka nakabusangot?" nakangiti kong tanong. Ubos na ang pagkain ko kaya niligpit ko na muna. Naupo si Cora sa chair na nasa aking tapat. Mula sa busangot na mukha ay naging maaliwalas ito. Ngumiti siya. Nagpahid din muna ako ng alcohol sa kamay bago ko nilabas mula sa drawer ang aking check book. "Pag-aralan mo ng maigi ang mga business na papasukin mo," pangaral ko sa kaniya in a very nice way para hindi siya ma-offend. "Oo. Napag-aralan ko na iyon. Ilang buwan ko na ding binabalik-balikan ang property na iyon.""Okay." Nagsulat na ako. Ten million pesos. "Goodluck...""Salamat, friend." Tinanggap niya ang cheke. Tumayo siya at yumakap muna sa akin bago siya magpaalam na aalis na. Agad namang pumasok si Awi nang makaalis si Cora. May dala siyang pakwan. "May dumaan na magpu-pru
Alas-kuwatro nang magkamalay si Cora. Nang makita niya ako ay napaiyak siya at nagsimula siyang magkuwento sa nangyari. "Para bang alam nila na may dala akong malaking halaga..." She was sobbing. She look so terrified that's why I tried to calm her down. "Paano na ang business na plano kong buksan?" "Huwag mo na munang isipin iyan. Ang mahalaga ay buhay ka. You should be grateful for your second life. Pera lang iyon, maari mo pang kitain ulit.""That's ten million.""Yeah. At hindi mo iyon kikitain kapag nawala ka na. Magpahinga ka na... Tulog ka ulit."Maaga nagpunta ang Nanay ni Cora dito sa ospital. The old woman was crying but when she found out about the money she began scolding her. "Bakit ka may ganoon kalaking pera?" Nakayuko lang si Cora. Maging siya ay nanghihinayang din sa pera. Iyon pa ang mas iniyakan niya. "Humiram ka kay Precious? Ang lakas naman ng loob mo na humiram ng ganoon kalaking halaga!""'Nay! Huwag ka ng magalit. Nai-stress na nga ako, e. Gusto ko lang na
Two days na ang lumipas mula nang umalis si Jacob. Hindi pa din ako bumabalik sa trabaho. Wala akong gana sa lahat. Napapraning ako at hindi maubos-ubos ang aking mga luha. Kaya naman namumugto ang aking mga mata at halos hindi ko na nga maidilat. Ano kaya ang ginagawa niya? Kasama kaya niya ang kaniyang ex? Cora was texting me from time to time too but I didn't reply. Ayaw ko ng kausap. Ayaw kong kaawaan lang niya ako. "Hija, may bisita ka.""Sino daw po, Manang?" Hapon na. Ilang minuto na lang ay gabi na ulit. Hanggang kailan akong ganito? Bakit pakiramdam ko walang patutunguhan itong buhay ko. "Awi daw po." Bakit nagpunta si Awi dito? At paano niya nalaman ang address ko dito? "Saglit lang po." Ayaw ko naman siyang pauwiin na lang. Nag-effort iyong tao para puntahan ako. May dalang mga prutas si Awi. Akala ata niya ay may sakit ako kaya hindi ako nakakapasok. "Hi, nag-ambagan kami para rito..." Tinuro niya ang malaking fruit basket. "Thank you. Hindi na sana kayo nag-abala
Maaga akong nag-out sa work ngayon, para magpunta sa spa. Medyo nag-improve na ang aking skin. May mga dark spot, marks at scars na naiwan pero hindi na ako nag-break out uli, though may mangilan-ngilan pa ding pimples kaso hindi na ganoon kalala. Ginabi na ako ng uwi dahil may appointment din ako sa OB at sa aking dentist. Pagdating ko sa bahay nagulat ako nang madatnan ko ang ilang sasakyan na naka-park sa labas ng bahay. Nandito na si Jacob? "Manang, nasaan si Jacob?" Nadatnan ko ito sa kusina. Nagluluto siya ng pagkain kasama ang kinukuha ni Jacob na maglinis once a week dito sa bahay. "Nasa labas, kasama niya ang mga kaibigan niya nag-iinom sila."Nag-isip pa ako ng madaming beses kung pupuntahan ko siya o huwag na lang. Gusto ko siyang makita, kaso kapag naaalala ko ang mga ilang beses na pag-uusap namin na nauuwi sa sakitan ay nag-alangan ako. Umakyat ako sa aking kuwarto upang makapagpahinga na. Binuksan ko ang bintana dahil mahangin dito kapag gabi, kaso sa tapat lang p
Hindi na kami ulit nagkausap pa ni Jacob bago ako umalis ng bahay. Nandito na kami ngayon sa Cebu. Nagtatrabaho kami ni Awi sa araw at sa gabi naman ay tuloy pa din kami sa pag-wo-work out sa gym dito sa condo kung saan kami naka-check in. Hindi na din ako nakapagpaalam pa kay Cora dahil hindi ko siya mahagilap ng ilang araw, kaya ngayon ay panay ang tawag at nagtatampo ang babae. "Sumunod ka dito kung gusto mo, kaso busy kami talaga..." Sinisingit ko din sa gabi ang pagbabasa ng ilang mga mahalagang dokumento. "Huwag na. By the way, nagkausap kayo ng asawa mo before you left?" "Hindi na. Pagbalik ko na lang. Kausapin ko siya ulit no'n." Ayaw ko nga sanang isipin muna ang tungkol sa problema kong 'to dahil mas lalo lang akong malulungkot. "Sige na, Cora. May gagawin na ako.""Okay. Ingat ka diyan."Kinuha ko ang aking duffle at sinunod na kay Awi. Pabagsak akong nahiga sa sahig nang makabalik kami sa aming silid ni Awi. Ang aking sekretarya ay umuuwi after work sa bahay ng kaniyan
Last day namin ngayon dito sa Singapore, kaya after ng meeting ay pinagbigyan namin ang paanyaya ng chinese na investor na kumain at mag-chill na rin sa bar. Mga babae sila kaya hindi ako nailang na sumama. Isang goblet lang ang iinumin namin ni Awi, dahil hindi naman kami sanay uminom, mabuti na lang din at hindi din naman malakas mag-alak ang mga kasama namin. Gusto lang nilang mag-relax, kaso ewan ko kung nakaka-relax ba dito. Ang ingay-ingay at nakakahilo din ang lights. "Come on, let's dance!" Dinaan ko na lang sa tawa ang paanyaya nila dahil hindi ako marunong sumayaw. Nahihiya ako. Ang laki-laki ko baka mamaya may mabangga pa ako sa dance floor. "Sama ka sa kanila," sabi ko kay Awi. "Masakit ang balakang ko," nakangiwi naman niyang sagot. Ako nga din masakit ang buo kong katawan. Walang araw na hindi masakit ang katawan ko dahil sa puspusan naming pagwo-work out. It was past eleven pm already, but we're still here. Lasing na ang mga kasama namin and they're enjoying. Hin
Mula sa pagkabigla ay unti-unti akong nadala sa kaniyang mga halik. Ang lakas ng kalabog ng aking dindib at ang aking tiyan ay animoy hinahalukay. Nang marahang gumalaw ang kaniyang mga labi ay napapikit ako at napahawak sa kaniyang damit. Hindi ko alam kung paano sabayan ang kaniyang labi. It's my first real kiss and it is really happening right now. Pinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Napaungol ako at napayakap sa kaniya. Kinakapos na ako ng hangin dahil sa kaniyang ginagawa. Kung hindi lang nag-ring ang kaniyang celphone ay hindi pa ito titigil. Kumalas siya, lumayo at tumalikod ng wala man lang ni isang salita na sinabi sa akin. Nanghihina akong napaupo sa dulo ng aking kama. Kinapa ko ang aking dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa din kumakalma. He kissed me! Oh my God! We kissed! Sa sobrang saya ko, para bang nawala ang antok ko. Ilang oras na akong nakahiga ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Parang nai-imagine ko pa din ang nangyari. Parang pana
"Jacob..." Napahiga na ako sa kama dahil nanghihina ako sa kaniyang mga halik. Nakakapaso at nakakadala ang mapusok na mga halik niya. Sa sobrang pagkabigla at saya ay napakabilis ng tibok ng aking puso. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na namnamin ang tamis ng kaniyang mga labi. Unti-unti kong dinala ang aking mga kamay sa kaniyang balikat. Sinamantala ko ang pagkakataon na yakapin siya. Ang tagal ko 'tong pinangarap. At akala ko noon ay hanggang pangarap na lang, pero ngayon ay totoong nangyayari na. Ginantihan ko ang kaniyang halik. I'm not a good kisser but I tried my best to mimic the movement of his lips. It was the best feeling ever. Being kissed by the man of your dreams.Nanigas ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking dibdib. Pinisil niya ito habang patuloy pa din sa mapupusok niyang mga halik. Mangyayari na ba ang first night namin? Patuloy ang paghaplos at pisil niya sa aking dibdib. Wala akong suot na bra kaya naninigas na ang tuktok ng aki
One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin
Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab
ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na
"Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'
Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y
"Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon
Maaga daw kumakain ng agahan dito sa bahay nina Ziyad kaya maaga din akong bumangon. Naligo ako at nag-ayos. Sinuot ko ang bigay ng maid na isang Bronx and Banco na dress. Magaling talagang manamit ang Mommy niya. Mahilig din siya sa mga diamonds. Kahit nasa bahay lang ay nakasuot pa din siya ng jewelries. Hindi tulad ko na sobrang simple lang. Sabagay, si Daddy lang naman kasi ang mag-isang nagpalaki sa akin. Hindi din ako nakaranas ng glow up nang dalaga pa lang ako. Nang magkakilala kami ni Ziyad, sa kaniya lang ako nagsimulang mag-ayos ng husto. trinato niya ako na parang isang reyna. Nakaayos na ako nang magising si Ziyad. Nakangiti siyang yumakap sa akin at humalik. "Hmmm, ang bango naman at ang ganda ng asawa ko."Ang lapad tuloy ng ngiti ko. Ang ganda agad ng umaga ko dahil sa bolerong lalake na 'to. "Good morning, Ziyad.""Morning, baby. Hmmm..." Hinaplos niya ang aking bewang paakyat sa aking dibdib. Humagikgik ako na nauwi sa malakas na tawa. Patuloy naman siya sa paghim
Sa sobrang saya na nararamdaman ko hindi na matigil-tigil ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Pauwi na kami ngayon ni Ziyad sa kaniyang hotel. Kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong pisngi. "Tahan na," masuyo niyang sambit habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Tumawa naman ako at muling umiyak. "Ikaw kasi, e. Bakit ba ang suwerte ko sa'yo? Ano bang nagawa ko at sobra mo akong mahalin?"Matamis siyang ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinalik-halikan. "Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, isang beses lang akong magmamahal. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa'yo na tatanda akong binata." Tumawa ako. "Hindi ka tatandang binata. Tatanda ka kasama ako at ng mga magiging anak natin. Gusto ko ng madaming anak, Ziyad."He smirked and then grinned, and ended up with a chuckle. "Why are you laughing?""Nothing. I want more kids too."Kinagat ko ang aking labi. Ngayon na napunta doon ang topic, naisip ko kung ano ang puwed
It was too sudden and too soon but it doesn't feels wrong. Everything feels right. I love him and he loves me dearly too. Nakatingin ako sa singsing na suot ko habang yakap naman ako ni Ziyad at hinahalik-halikan ang aking balikat. "Para sa akin ba talaga ang singsing na 'to?" nagdududang tanong ko, making him chuckle. "Of course. Ikaw lang naman ang babaeng gusto ko, mahal ko at handa akong pakasalan at makasama habang buhay."Napabungisngis ako. "Kailan mo 'to binili?" "Bago ako bumalik ng Pinas. Umaasa ako na mahuhulog ka na sa akin." Tumawa ako dahil sa galak. Tapos halos ayaw niya akong pansinin noon. Akala ko bumalik lang siya para ipamukha sa akin na siya lang naman ang lalakeng sinayang ko. Nilingon ko siya at hinalikan. "I love you, Ziyad. At oo nga pala, paano kung hindi ako tanggap ng mga magulang mo?" Baka mamaya kausapin niya ako para sabihin na layuan ko ang anak niya. "Bakit naman hindi?" Kumunot ang kaniyang noo. "Mula pa nang nine years old ako, alam na nilang m