Nagkunwaring nag-isip si Amber. “Hindi naman imposible. Basta papayag ka muna.”
Isang gabi ulit ng pag-iisa ng kanilang mga katawan? Kumpara sa mana na nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, wala ‘yon sa kalingkingan ng makukuha niyang saya. Kung may nangyari na sa kanila, anong masama kung mangyari ulit?
Napangisi si West at binitiwan siya.
Kilalang-kilala si Amber sa Milchester sa pagiging palabiro, pero hindi siya nakakakuha ng kahit anong simpatya mula kay West.
“Attorney, huwag ka munang umalis! Pwede nating pag-usapan ‘to. Kung hindi ka pa rin masaya, mag-iisip ako ng ibang paraan.”
Hindi siya pinansin ni West at tinanggal ang kanyang wrist guard, handa nang umalis sa golf course. Pero bago pa siya makalayo, nakita ni Amber si Adam sa di kalayuan. Agad siyang lumapit kay West at hinawakan ang braso nito.
“Amber?”
“Kuya, aba’t ang swerte naman! Nagkita tayo rito.”
Nagbago ang ekspresyon ni Adam. Napako ang tingin niya sa braso ni Amber na nakapulupot kay West. “Kilala mo si Atty. Lancaster?”
“Ah!” Mapanlokong bumuntong-hininga si Amber. “Nakalimutan kong ipakilala siya sa ‘yo, Kuya. Boyfriend ko siya.”
Napakunot-noo si Adam. Ang babaeng ito… naunahan siya?
“Pinalitan mo na naman?”
Nagtaka si Amber. “Anong ibig mong sabihin na ‘pinalitan na naman’?”
Malamig na ngumiti si Adam. “Si Atty. West ay isa sa pinakakilalang batang abogado sa Milchester. Dapat mo siyang pakitunguhan nang maayos. ‘Wag kang pabago-bago ng isip, ha? Alam ko namang palit ka nang palit ng boyfriend.”
Itinuon niya ang tingin kay West, waring binibigyan ito ng babala.
Ngunit hindi nagpaapekto si Amber. Bagkus, lalo pa niyang idinikit ang sarili kay West, inilapat ang baba sa balikat nito. “Huwag kang mag-alala, Kuya! Gusto ko namang magpalit, pero sa boyfriend lang, hindi ko kailangang makipaghatian sa mana sa kung sino-sino.”
Hindi tulad mo, gago. Tatlong beses ka nang nagpakasal, at bawat isa sa mga asawa mo ay niloko ka ng tig sampung milyon.
“Sige, Kuya. Maglaro ka na lang. Paalis na kami.”
Sabay hila kay West papuntang lounge.
“Pwede mo na akong bitiwan.”
“Walang kwenta.”
Napangiti si West sa inis. Kapag may kailangan ito, sobrang tamis, parang asukal. Pero pagkatapos niyang pagbigyan, bigla siyang natatapakan ng kasungitan nito.
“O, ‘di sige. Maghanap ka ng ibang tutulong sa’yo sa kaso mo.”
Hindi man lang ito nag-abalang magpalit ng damit pang-sports. Basta kinuha niya ang kanyang mga gamit at naglakad palayo.
Pero hindi siya tinantanan ni Amber. Hanggang parking lot, nakasunod ito.
“Sigurado ka bang hindi mo talaga tatanggapin ang kaso ko? Pwede nating pag-usapan ang bayad.”
“That’s just money. Or maybe you want to be with me all night and day?” Napailing si West. “Alam mo ba kung bakit hindi kita tinutulungan?”
“Bakit?”
“Kasi ang hirap mong pakisamahan.”
Napakunot-noo si Amber. “Talaga? Kung mahirap akong pakisamahan, bakit tayo nagkakasundo sa kama?”
Narinig iyon ni Chito at nagulat. “Sandali, kama? Kailan pa?!”
Napatingin si West. “Bakit nandito ka pa rin? Lumayas ka.”
“Lumayas ka.” Ulit ni Amber.
Binuksan ni West ang pinto ng kotse, pero bago niya ito maisara, agad siyang pinigilan ni Amber, mahigpit na hinawakan nito ang pinto. “Dahil seryoso akong humihingi ng tulong, pwede bang pagbigyan mo na ako?”
Kapag humihingi ng tulong ito, palagi itong mayabang—parang sinasabing, Pinapayagan kitang tulungan ako, bakit hindi mo pa ako sinasamba?
Tinitigan siya ni West, at saglit, bumalik sa isip niya ang alaala ng kanilang kabataan.
Lintek. Muntik na naman siyang mahulog sa bitag ng babaeng ito.
Dahil sa mukha nito, nawasak siya kagabi. Kung hindi, paano niya ipapaliwanag kung bakit niya ito pinaglingkuran nang todo-todo, para lang sipain sa mukha pagkatapos?
“Amber, may tae ang sasakyan ko. Gusto mo pa ring kumapit diyan?” agad namang binitawan ni Amber ang pintuan ng sasakyan niya.
Mabilis na isinara niya ang pinto, inapakan ang gas, at umalis.
“Tsk, tsk. Miss Harrington, hindi ganyan ang tamang paghingi ng tulong.” Pilyong natawa si Chito. “Kapag humihingi ka ng pabor, dapat marunong kang s******p.”
“Hayop ka—”
Hindi pa natatapos ni Amber ang mura nang biglang sumulpot ang tunog ng nagmamadaling mga makina.
May paparating na mga motorsiklo.
Mabilis siyang umilag, pero bumalik ang isa at sumugod ulit.
Dumukwang siya sa likod ng sasakyan, binuksan ang trunk, at kinuha ang baseball bat. Isang mabilis na galaw, at binanatan niya ang motoristang paparating.
“P*ta! May batas tayo sa bansang ‘to!” sigaw ni Chito habang sumugod para tumulong. “May nakagalit ka ba?”
Humagikhik si Amber. “Ako? Galit?”
Napasinghap si Chito. “Ibig mong sabihin… anak ng tatay mo ang isa sa kanila?”
“Ayoko nang hulaan. Gusto ko pang mabuhay.”
Samantala, malayo na si West sa gulo, pero napansin niyang walang sumusunod sa kanya. Muli niyang narinig ang tunog ng mga makina.
Nag-iba ang pakiramdam niya.
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan pabalik.
At doon, nakita niya ang eksena—si Amber at Chito, napapalibutan ng mga nagmomotorsiklo.
Walang pag-aalinlangan niyang inapakan ang gas at sinagasaan ang dalawa.
Bumaba siya, kinuha ang b****a mula kay Amber, at lumingon sa kanya.
“Kailangan mo ba talaga ng ganito, eh mas malaki pa ‘to sa’yo.”
“Akin na, sandata ko ‘yan!”
“Tss. Sa likod ka.”
Nang hindi naghihintay sa sagot niya ay agad siyang bumwelo at buong lakas na pinalo ang papalapit na lalaki sa balikat.
Kung hindi mababasag ang helmet, nababali naman ang buto.
Hangang-hanga naman si Amber sa paggalaw ni West, ni isa sa mga nakapalibot sa kanila ay walang nakakalapit sa kanya.
He looked good when fighting, much better than he was moving his hips. Mahalay niyang isip.
Sa loob ng ilang minuto ay napatumba lahat ni West ang kaninang nakapalibot sa kanila.
May tinapik itong nakatumbang lalaki at tinanggal ang helmet nito. “Any idea?”
Umiling lang si Amber. “No clue.”
Dumating naman ang tinawagang pulis ni Chito, at sumama sila sa istasyon upang kunan sila ng statement sa nangyari.
Nang makaalis sila ay madilim na, lagpas alas dyes ng gabi.
“Let’s get a late-night snack. Libre ko. Pagpapasalamat kay Atty. West sa pagligtas niya sa buhay ko.” Suhestyon ni Amber.
“Timing. Gutom na’ko.” Agad namang sagot ni Chito.
Habang nagmamaneho, napatanong si West, “Sa tingin mo ba ay pinadala iyong mga lalaking iyon ng anak sa labas ng Daddy mo?”
Sumandal naman si Amber bago sumagot. “Baka?”
Napatingin siya sa pasa sa balikat niya.
“May labindalawang anak sa labas at limang tunay na anak ang matandang ‘yun. Walang will, walang verbal testament. Kaya lahat ay nag-aaway away ng makukuha nila. Syempre, kung maliit lang ang maghahati-hati, mas malaki ang makukuha.”
Hindi naman nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni West.
Isa ang daddy ni Amber sa top 50 na pinakamayaman sa bansa. Napakalawak ng kayamanan nito.
Napangisi naman si Amber. “Dapat yata habaan ko ang pasensya ko at makipagtulungan kay Adam at nang makumbinse siyang magsanib-puwersa laban sa mga gagong ‘yun.”
“That’s illegal.”
“Then, it’s a good thing everyone thinks I’m your girlfriend. Kung babagsak ako, kasama ka.”
Tila nagsisi naman si West kung bakit pa siya nakikipag-usap dito.
Nang sumunod na araw, natutulog pa rin si Amber nang tumawag si Gideon.“Gising ka na ba?” tanong nito.“Kalahating gising, kalahating tulog,” halos pabulong niyang sagot.“Then go approve your memorial,” tuyong sabi nito.Napasimangot si Amber. “Anong ibig mong sabihin?”Dahan-dahan siyang napaupo.“Kalat na kalat sa internet. Bakit hindi mo tingnan at asikasuhin?”Agad naman niyang binuksan ang social media niya. Kulang nalang ay ingudngod niya ang mukha sa hawak niyang cellphone.Shock! Isang sikat na baguhang aktres nahuling nagtotwo-time!Basa niya sa isip ng headline.Isa ay picture nila ni West, at ang isa ay si Chito. Ibig sabihin ang dalawang iyon ay mula sa nangyari kahapon. Hindi siya nagulat na nahagip ito ng media, pero hindi niya inasahang sa dalawa siya malilink.Wala ba talaga akong taste sa lalaki? Mapait niyang tanong sa sarili.Bago pa siya makapunta sa comments ay tumawag ang kanyang ina.“Nasa huling hantungan na niya ang Daddy mo at nasa’n ka? Nasa labas naghahabo
Ginamit ni Amber lahat ng nalalaman niya para masuri ang batasan ni West, kalmado at mapanukala. Parang kalkulado nito lahat ng kanyang galaw bago pa man ito mangyari, lahat ng kanyang salita bago ito lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya interesado dito noon, pero ngayon ay nakuha na nito ang interes niya.Suwail si Amber noong nag-aaral pa siya. Habang ang lahat ay abala sa pag-aaral nang mabuti, naubos ang oras niya sa pakikipagrelasyon sa mga guwapo sa high school. Ayon sa paniniwala niya, mas marami mabuti.Isang araw, nakita niya si West sa palaruan. Sinulatan niya ito ng love letter, at dalawang letra lang ang sinagot sa kanya ni West. OK.Akala niya’y pumayag ito, kaya nagpacute siya dito at binigyan niya ito ng masarap na pagkain. Pero isang araw, napagtanto niyang NO pala ito at dahil sa ginamit niyang ballpen. Akala niya ay bagay sila, tipikal na magkarelasyon, malamig ang lalaki at sweet ang babae, pero iba pala. Hindi niya noon naisip na nagmukha siyang kulang sa atensyon.
Pagkatapos magsalita ni Lazaro ay isa-isa namang nilabas ni Amber ang alas niya. “Bakit naman kailangang pahirapan ng babae ang kapwa niya babae. Walang nakuha si Mommy sa kakasunod sa matandang iyon buong buhay niya. You can say she was already a widow. Pero nang malaman niyang mamamatay na ang matanda, ayaw na niya halos iwan ‘to. Do you get my point? Women are often kinder than men.”Saad ni Amber, dahan-dahang tumayo at tumingin kay Abilene. “Makakaalis ka na pagkatapos nito.”“Hindi mo ‘ko ipapakulong?” gulat nitong tanong.“Anong magandang maidudulot sa’kin ng pagpapakulong sa’yo? Habang buhay ka, may hati ka sa yaman ng matanda. At kung hindi, hindi ba ako naging kriminal n’yan? Ako makukulong? It’s not worth it.” Madiing sabi ni Amber bago lumabas ng interrogation room.Nang makalabas ito, agad niyang inangkla ang kamay sa braso ni West. “Mukhang hindi na kailangan ng abogado ni Ms. Harrington.”Sinuot niya muna ang sunglasses niya bago nagsalita, “Atty. Lancaster, you may not
"Atty. Lancaster!" Nang makita ni Lilith si West, tila bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Araw-araw niyang naririnig si Amber na nagrereklamo tungkol kay ‘Señor Ginto’ kaya't nabuo sa isip niya ang imahe ng isang elitista at materyalistang lalaki. Pero ngayong nakikita niyang patakbong papalapit si West, hindi ito mukhang kalaban, parang kamag-anak pa nga. Isang mabait na napadaan din ang lumapit at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan. Ngunit si West, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso itong umakyat sa bubong ng nawasak na sasakyan, hinahanap ang isang tao. "Nasaan si Amber?" tanong niya, malamig ang boses. Samantala, sa kabilang kalsada, si Amber ay papara na sana ng taxi. Ayaw niyang maantala ang kanyang hapon para lang sa isang aksidente. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, isang trak ng pandilig ng halaman ang bumangga rito. Ngayon, mula sa overpass, dinig na dinig niya ang galit na sigaw ni West. Natawa siya nang
"Tangina! Mas marami pang anak sa labas ang tatay mo kaysa sa mga nakafling ko."Malalim na bumuntong-hininga si Amber habang walang sawang nag-scroll sa kanyang cellphone, hinahanap ang Instagram ni West. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin siyang makita. Nasaan na ba ‘yon?Kahit bahagyang naiinis, nagpalit siya ng diskarte at hinanap na lang si Chito sa kanyang contacts at tinawagan ito."Mr. Rossi, puwede bang magtanong kung ano ang Instagram ni West?" Ipinatong niya ang mga daliri sa kanyang tuhod habang hinihintay ang sagot.Halos agad namang nag-reply si Chito, ngunit ang sagot nito ay mas nakakainis pa sa hindi pagsagot. "Hindi puwede."Napangisi si Amber, mabilis na nakaisip ng sagot. "Parang nasa iisang spa kami ng nanay mo. Itatanong ko na lang sa kanya sa susunod. At habang nandito na tayo sa usapang ‘to, pag-usapan natin ang mga bago mong kaganapan sa love life mo, gusto mo?"Sa kabilang linya, may narinig siyang sunod-sunod na mura mula kay Chito. Halatang inis
Ang pribadong silid ay puno ng usok. Sa ganitong klase ng pagtitipon, kung saan mga lalaki ang naghahari, may tatlong bagay na tiyak nandodoon: sigarilyo, alak, at mga babae. Ngayong gabi, dalawa sa tatlo ang makikita sa pagtitipon.Isang maingat na katok ang bumalot sa mabigat na pintuan. Pumasok ang manager ng restaurant, bitbit ang pinakamahal na alak sa kanilang tindahan. Dumeretso siya kay West Lancaster, yumuko nang bahagya, at mahinang sinabi, “Mr. Lancaster, ito po ay mula kay Ms. Amber. Ipinadala niya ito nang personal.”Sandali siyang nag-alinlangan bago idinagdag, “Huwag daw po kayong masyadong uminom, sabi ni Ms. Harrington.”Pagkatapos ng kanyang sinabi, unti-unting nagbago ang hangin sa silid. Ang ilang lalaki ay biglang nanigas; ang iba naman ay nagtinginan na parang may alam silang sikreto. Halos nakakatawa ang kanilang reaksyon, para silang mga hayop na natuklasan na ang "pagkaing" kanilang kinain ay matagal nang patay.“So, totoo nga pala?” May isang natawa, ang bose
Pagkapasok na pagkapasok ni West sa kanyang apartment, habang hinuhubad pa ang kurbata’t blazer, bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Walang pasakalye, diretsong nagsalita ang nasa kabilang linya, si Harvey.“Atty. Lancaster,” aniya, seryoso ang boses. “May motibo ng pagpatay.”Napahinto si West sa pintuan, hawak pa nito ang kanyang coat. “Anong pagpatay?”“’Yung truck ng sprinkler na pina-trace mo kanina. Ayon sa pulis, hindi aksidente ‘yon. Plinano talaga. Target ng attempted murder ay ang asawa ng boss.”Tumahimik si West. Kumunot ang noo. “Asawa ng boss…?”Doon niya lang na-gets.Si Amber.Lately, tinatawag na siyang asawa ng boss sa opisina niya, kalahating-biro, kalahating-seryoso. Gano’n talaga ang dating ni Amber. Marunong dumiskarte, magpa-cute, at lumaban. Wala kang ibang makikitang katulad niya.“Kawawa naman si Miss Harrington,” dagdag ni Harvey. “Dalawang araw na sunod-sunod siyang pinagtangkaan. Parehong planado. Pinag-uusapan na ng pulis kung dapat ba siyang bantay
Ang venue ng kumpetisyon ay nasa ikaanim na palapag, isang maliit na boxing ring sa ilalim ng matitinding ilaw, napapalibutan ng mga camera at audience na halong interesado at nag-aalalang manonood.Nakatayo sa gilid ng ring si Amber, suot ang puting sportswear at dahan-dahang inaayos ang kanyang gloves. Tamad ang kanyang postura, halos walang pakialam, pero may ningas sa kanyang mga mata, parang alam na niya ang kahihinatnan ng laban.Sa gilid ng ring, nakakapit sa lubid si Gideon, puno ng pag-aalala ang boses nito. “Amber, huwag matigas ang ulo. Lumayas ka na d’yan habang hindi pa bugbog-sarado ang mukha mo,” sabi niya nang nakakunot ang noo. “Kung gusto mong magmatigas, siguraduhin mong walang makakabugbog sa’yo. Hindi basta-basta ang halaga mo. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mukha mo?” Tahimik lang si Amber at pinagalaw lang ang kanyang mga daliri sa loob ng gloves.Nagpatuloy si Gideon, tumataas na ang tono niya. “Kung matalo ka, edi matalo. Walang kahihiyan dun. Ibitin
Pagkapasok na pagkapasok ni West sa loob ng sasakyan, agad niyang binigkas ang destinasyon sa malamig at tuwid na tono.“Villa Crest.”Walang tanong-tanong si Harvey. Tahimik siyang tumango habang inaayos ang GPS. Ngunit bago pa man niya maipasok ang direksyon, bigla na lang bumukas ang pinto sa kabilang gilid ng kotse.Halos lumundag si West sa gulat nang makita si Amber.Magulo ang buhok, namumula ang pisngi, at halatang pagod ang katawan, pero nananatiling mapang-akit ang anyo nito. Bago pa man siya makapagsalita, hinila ni Amber ang kanyang kurbata at mariing hinalikan siya sa labi.Tumigil ang mundo ni West.At si Harvey? Parang estatwa sa harap ng manibela.Napatingin siya sa rearview mirror, nagtataka kung kailan pa naging audience ng isang live show ang trabaho niya bilang driver.“Uh…”Nanlaki ang mata ni Harvey habang pinagmamasdan ang dalawa sa likod ng sasakyan. Si West, walang magawa. Si Amber, dominante, hawak ang kwelyo ng lalaki para hindi ito makagalaw.Tangina. Sobra