Home / Romance / Love Under Legal Terms / Chapter 6: The Hand That Holds the Weapon

Share

Chapter 6: The Hand That Holds the Weapon

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-03-22 20:38:50

Ginamit ni Amber lahat ng nalalaman niya para masuri ang batasan ni West, kalmado at mapanukala. Parang kalkulado nito lahat ng kanyang galaw bago pa man ito mangyari, lahat ng kanyang salita bago ito lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya interesado dito noon, pero ngayon ay nakuha na nito ang interes niya.

Suwail si Amber noong nag-aaral pa siya. Habang ang lahat ay abala sa pag-aaral nang mabuti, naubos ang oras niya sa pakikipagrelasyon sa mga guwapo sa high school. Ayon sa paniniwala niya, mas marami mabuti.

Isang araw, nakita niya si West sa palaruan. Sinulatan niya ito ng love letter, at dalawang letra lang ang sinagot sa kanya ni West. OK.

Akala niya’y pumayag ito, kaya nagpacute siya dito at binigyan niya ito ng masarap na pagkain. Pero isang araw, napagtanto niyang NO pala ito at dahil sa ginamit niyang ballpen. Akala niya ay bagay sila, tipikal na magkarelasyon, malamig ang lalaki at sweet ang babae, pero iba pala. Hindi niya noon naisip na nagmukha siyang kulang sa atensyon.

Dati pa niya gustong gumanti sa ginawa nito sa kanya, pero sa tuwing sinusubukan niya, lagi lang siyang sumasablay dahil masyadong matalino si West.

“Kung susubukang babaliin ni Atty. Lancaster ang binti ko, sisiguraduhin kong puputulin ko rin ang maliit niyang junior.” Balik niya dito.

Umikot siya dito habang hinihimas-himas ang kuwelyo nito. “Namimiss mo na ba ang gabing pinagsaluhan natin, Atty.? Kanina mo pa ‘to tinitingnan.”

Agad naman niyang iniangat ang binti niya sa mesa, sa harap ni West.

Hindi gumalaw si West at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kuwelyo nito. Tiningnan siya nito sa mata, hindi man lang pinansin ang binti niyang bahagyang nakikita dahil sa slit ng dress niya.

“Ms. Harrington, alam ba ng mga fans mo na wala kang hiya?” tanong niya. “Pure little white flower? Karapat-dapat ka ba sa titulong ‘yan?”

Bulag na ba ang mga fans ngayon o pili lang ang pagiging bulag nila?

“So, what does Atty. Lancaster thinks of me?” tanong niya. “Perhaps a yellow flower?”

“You’re not a flower.”

“Pornographic books are still books though.” Inosenteng sagot ni Amber.

Hindi niya alam kung anong punto nito. Pinaglalaruan lang ba siya nito? Pero isa lang ang alam niya, ginagalit siya nito.

Hindi man lang siya makapagsalita dahil nakatali siya sa katotohanang abogada siya at may imahe siyang dapat protektahan, hindi katulad ng kausap niyang sanay na sa laylayan ang dignidad nito.

Narito ito para talunin siya at mukhang hindi sa korte siya unang matatalo.

-

Natuwa si West nang may matanggap na tawag dahil akala niya’y magkakaroon na ng rason para maghiwalay sila ni Amber ng landas, pero mula pala ito sa police station. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang isama rin ito bilang parte ng imbestigasyon.

At hindi nga siya nagkamali sa inaasahan, nagmistula siyang bodyguard nito dahil sa puti nitong suot at akala mo’y magbebeach na awra. Sa mata ng nasa police station, isang dyosa si Cerise na bumaba para biyayaan ang kanilang istasyon.

Napalingon si West nang may tumikhim, at ganun din ang iba.

Si Lazaro, kaibigan ni West, ay lumapit sa kanya at tahimik na bumulong, “Bangag ka ba?”

Hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito. “Bakit ba ang suplada mo? Pinahihirapan mo pa ang sarili mo e kung pumayag ka niyan, gumagawa na sana kayo ng bata. Suwerte kang pinili ka ng pinakamagandang babae sa Milchester.”

Hindi pa rin ito tumigil sa pagsasalita. “Noong gabing ‘yun ba, ikaw ba ang gumawa ng lahat ng serbisyo?

“Asan na ‘yung tao?” pagdisturbo ni West.

Nahinto naman ang tsismis Lazaro, at nang makita ang paninilim ng mata ni West, ay napahinto siya.

“Tara.”

Narinig ni Amber ang bulungan nila. Kaya nang tumalikod si Lazaro ay agad niyang inangkla ang braso niya kay West. “Atty. Lancaster, bakit ba ang kipot mo? Blessing na magustuhan kita, okay?”

“Let go,” tumingin si West sa nakakapit na kamay ni Amber sa braso niya.

Samantalang si Amber naman ay ganap na ganap sa ginagawa niya. Alam niyang may kumukuha ng litrato sa kanila kaya kung bibitaw siya, ang susunod na makikita niya sa internet ay ang balita ng paghihiwalay nila. Kahapon ay nagcheck-in palang sila, at ngayon ay magiging isang katatawanan na naman siya.

Hindi man ito ang una, pero nakakasawa ring maging sentro ng atensyon na hindi naman niya kailangan lalo na kung hindi kagandahan.

Sa loob ng madilim na silid, nakita ni Amber si Abilene. Sa limang kapatid niya mula sa dalawang sumunod na asawa ng daddy niya, hindi niya alam kung mas matanda o mas bata siya dito. Hindi naman niya rin ito madalas makita at wala siyang pakialam dito.

Kinuha niya ang katawid nitong upuan at umupo sabay krus ng binti. Kahit sa kakaunti lang ang ilaw na silid, hindi maitatago ng pagiging elegante ni Cerise ang kanyang paubos nang pasensya.

“Ikaw si Amber, tama ba?”

Napangiti naman si Amber. “Hindi ako sigurado kung pa’no mo nagawang pagdiskitahan ako sa ganyang kalagayan.”

“Wala akong magagawa, kalaban kita.” Mapanghamon nitong sabi.

Masyadong malaki rin ang naibigay ng matanda sa loob ng ilang taon, pero pakiramdam nila’y hindi pa rin nila nararamdaman ang tratong karapat-dapat na para sa kanila. Sa kabilang dako, nasa kay Amber ang lahat, ang mabuting trato at pera.

Kung tutuusin, ang pagiging artista niya ay isa lang sideline.

“Tsk! Ngayon lang ako nakarinig niyan ah.” Inayos ni Amber ang kanyang upo. “Kalaban? Ang dapat mong ituring na kalaban ay ang doseng anak sa labas. Ayon sa batas, ako ang legal na tagapagmana at hindi iyon mabubura. Anong magagawa ng panggugulo mo sa’kin.”

Nanilim naman ang mukha ni Abilene.

May inilabas siyang dokumento. “Tsk, how pitiful. Kung ako sa’yo, uunahin ko ang doseng anak sa labas, at saka na ang mga taong nasa loob. As for those outside, I’ll deal with them one by one based on age and ability. Exclude those who are unable to do a paternity test. At ang lima, they’re the same as you.”

Kinuha niya ang pitong papel na naglalaman ng impormasyon ng mga hindi nakapagpaternity-test at itinara ang limang nagbabalak rin ng mana, sa parehong pamamaraan ni Abilene.

Sa likod ng salamin ay napabuntong-hininga si Lazaro. “Totoo ngang huwag kang manghuhusga ng tao base sa mukha. Sinong mag-aakalang ang magandang mukha na ‘yan ay kayang baliktarin ang sitwasyon para sa sarili niyang kalamangan. Hindi ba ang lupit?”

Sumulyap ito kay West bago magsalita ulit, “Una, tinuruan niya muna ng leksyon si Abilene, kinuha ang loob nito, at hindi ito pinanagot sa ginawa nito. Basically, para na rin niyang inutos dito na siya ang gumawa ng maruruming bagay para sa kanya, parang…”

Napahinto naman si Lazaro nag magsalita si West.

“…murdering someone with a borrowed knife.”

“Exactly!” pagsang-ayon ni Lazaro.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Love Under Legal Terms   Chapter 7: Checkmate  

    Pagkatapos magsalita ni Lazaro ay isa-isa namang nilabas ni Amber ang alas niya. “Bakit naman kailangang pahirapan ng babae ang kapwa niya babae. Walang nakuha si Mommy sa kakasunod sa matandang iyon buong buhay niya. You can say she was already a widow. Pero nang malaman niyang mamamatay na ang matanda, ayaw na niya halos iwan ‘to. Do you get my point? Women are often kinder than men.”Saad ni Amber, dahan-dahang tumayo at tumingin kay Abilene. “Makakaalis ka na pagkatapos nito.”“Hindi mo ‘ko ipapakulong?” gulat nitong tanong.“Anong magandang maidudulot sa’kin ng pagpapakulong sa’yo? Habang buhay ka, may hati ka sa yaman ng matanda. At kung hindi, hindi ba ako naging kriminal n’yan? Ako makukulong? It’s not worth it.” Madiing sabi ni Amber bago lumabas ng interrogation room.Nang makalabas ito, agad niyang inangkla ang kamay sa braso ni West. “Mukhang hindi na kailangan ng abogado ni Ms. Harrington.”Sinuot niya muna ang sunglasses niya bago nagsalita, “Atty. Lancaster, you may not

    Last Updated : 2025-03-23
  • Love Under Legal Terms   Chapter 8: Games of Power and Desire  

    "Atty. Lancaster!" Nang makita ni Lilith si West, tila bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Araw-araw niyang naririnig si Amber na nagrereklamo tungkol kay ‘Señor Ginto’ kaya't nabuo sa isip niya ang imahe ng isang elitista at materyalistang lalaki. Pero ngayong nakikita niyang patakbong papalapit si West, hindi ito mukhang kalaban, parang kamag-anak pa nga. Isang mabait na napadaan din ang lumapit at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan. Ngunit si West, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso itong umakyat sa bubong ng nawasak na sasakyan, hinahanap ang isang tao. "Nasaan si Amber?" tanong niya, malamig ang boses. Samantala, sa kabilang kalsada, si Amber ay papara na sana ng taxi. Ayaw niyang maantala ang kanyang hapon para lang sa isang aksidente. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, isang trak ng pandilig ng halaman ang bumangga rito. Ngayon, mula sa overpass, dinig na dinig niya ang galit na sigaw ni West. Natawa siya nang

    Last Updated : 2025-04-02
  • Love Under Legal Terms   Chapter 9: The Art of Playing Men  

    "Tangina! Mas marami pang anak sa labas ang tatay mo kaysa sa mga nakafling ko."Malalim na bumuntong-hininga si Amber habang walang sawang nag-scroll sa kanyang cellphone, hinahanap ang Instagram ni West. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin siyang makita. Nasaan na ba ‘yon?Kahit bahagyang naiinis, nagpalit siya ng diskarte at hinanap na lang si Chito sa kanyang contacts at tinawagan ito."Mr. Rossi, puwede bang magtanong kung ano ang Instagram ni West?" Ipinatong niya ang mga daliri sa kanyang tuhod habang hinihintay ang sagot.Halos agad namang nag-reply si Chito, ngunit ang sagot nito ay mas nakakainis pa sa hindi pagsagot. "Hindi puwede."Napangisi si Amber, mabilis na nakaisip ng sagot. "Parang nasa iisang spa kami ng nanay mo. Itatanong ko na lang sa kanya sa susunod. At habang nandito na tayo sa usapang ‘to, pag-usapan natin ang mga bago mong kaganapan sa love life mo, gusto mo?"Sa kabilang linya, may narinig siyang sunod-sunod na mura mula kay Chito. Halatang inis

    Last Updated : 2025-04-03
  • Love Under Legal Terms   Chapter 10: Temptation in Silk  

    Ang pribadong silid ay puno ng usok. Sa ganitong klase ng pagtitipon, kung saan mga lalaki ang naghahari, may tatlong bagay na tiyak nandodoon: sigarilyo, alak, at mga babae. Ngayong gabi, dalawa sa tatlo ang makikita sa pagtitipon.Isang maingat na katok ang bumalot sa mabigat na pintuan. Pumasok ang manager ng restaurant, bitbit ang pinakamahal na alak sa kanilang tindahan. Dumeretso siya kay West Lancaster, yumuko nang bahagya, at mahinang sinabi, “Mr. Lancaster, ito po ay mula kay Ms. Amber. Ipinadala niya ito nang personal.”Sandali siyang nag-alinlangan bago idinagdag, “Huwag daw po kayong masyadong uminom, sabi ni Ms. Harrington.”Pagkatapos ng kanyang sinabi, unti-unting nagbago ang hangin sa silid. Ang ilang lalaki ay biglang nanigas; ang iba naman ay nagtinginan na parang may alam silang sikreto. Halos nakakatawa ang kanilang reaksyon, para silang mga hayop na natuklasan na ang "pagkaing" kanilang kinain ay matagal nang patay.“So, totoo nga pala?” May isang natawa, ang bose

    Last Updated : 2025-04-03
  • Love Under Legal Terms   Chapter 11: A Blessing or A Burden  

    Pagkapasok na pagkapasok ni West sa kanyang apartment, habang hinuhubad pa ang kurbata’t blazer, bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Walang pasakalye, diretsong nagsalita ang nasa kabilang linya, si Harvey.“Atty. Lancaster,” aniya, seryoso ang boses. “May motibo ng pagpatay.”Napahinto si West sa pintuan, hawak pa nito ang kanyang coat. “Anong pagpatay?”“’Yung truck ng sprinkler na pina-trace mo kanina. Ayon sa pulis, hindi aksidente ‘yon. Plinano talaga. Target ng attempted murder ay ang asawa ng boss.”Tumahimik si West. Kumunot ang noo. “Asawa ng boss…?”Doon niya lang na-gets.Si Amber.Lately, tinatawag na siyang asawa ng boss sa opisina niya, kalahating-biro, kalahating-seryoso. Gano’n talaga ang dating ni Amber. Marunong dumiskarte, magpa-cute, at lumaban. Wala kang ibang makikitang katulad niya.“Kawawa naman si Miss Harrington,” dagdag ni Harvey. “Dalawang araw na sunod-sunod siyang pinagtangkaan. Parehong planado. Pinag-uusapan na ng pulis kung dapat ba siyang bantay

    Last Updated : 2025-04-04
  • Love Under Legal Terms   Chapter 12: Don’t Judge the Flower

    Ang venue ng kumpetisyon ay nasa ikaanim na palapag, isang maliit na boxing ring sa ilalim ng matitinding ilaw, napapalibutan ng mga camera at audience na halong interesado at nag-aalalang manonood.Nakatayo sa gilid ng ring si Amber, suot ang puting sportswear at dahan-dahang inaayos ang kanyang gloves. Tamad ang kanyang postura, halos walang pakialam, pero may ningas sa kanyang mga mata, parang alam na niya ang kahihinatnan ng laban.Sa gilid ng ring, nakakapit sa lubid si Gideon, puno ng pag-aalala ang boses nito. “Amber, huwag matigas ang ulo. Lumayas ka na d’yan habang hindi pa bugbog-sarado ang mukha mo,” sabi niya nang nakakunot ang noo. “Kung gusto mong magmatigas, siguraduhin mong walang makakabugbog sa’yo. Hindi basta-basta ang halaga mo. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mukha mo?” Tahimik lang si Amber at pinagalaw lang ang kanyang mga daliri sa loob ng gloves.Nagpatuloy si Gideon, tumataas na ang tono niya. “Kung matalo ka, edi matalo. Walang kahihiyan dun. Ibitin

    Last Updated : 2025-04-09
  • Love Under Legal Terms   Chapter 13: The Devil and The Lawyer  

    Pagkapasok na pagkapasok ni West sa loob ng sasakyan, agad niyang binigkas ang destinasyon sa malamig at tuwid na tono.“Villa Crest.”Walang tanong-tanong si Harvey. Tahimik siyang tumango habang inaayos ang GPS. Ngunit bago pa man niya maipasok ang direksyon, bigla na lang bumukas ang pinto sa kabilang gilid ng kotse.Halos lumundag si West sa gulat nang makita si Amber.Magulo ang buhok, namumula ang pisngi, at halatang pagod ang katawan, pero nananatiling mapang-akit ang anyo nito. Bago pa man siya makapagsalita, hinila ni Amber ang kanyang kurbata at mariing hinalikan siya sa labi.Tumigil ang mundo ni West.At si Harvey? Parang estatwa sa harap ng manibela.Napatingin siya sa rearview mirror, nagtataka kung kailan pa naging audience ng isang live show ang trabaho niya bilang driver.“Uh…”Nanlaki ang mata ni Harvey habang pinagmamasdan ang dalawa sa likod ng sasakyan. Si West, walang magawa. Si Amber, dominante, hawak ang kwelyo ng lalaki para hindi ito makagalaw.Tangina. Sobra

    Last Updated : 2025-04-14
  • Love Under Legal Terms   Prologue

    Sa loob ng isang silid ng Apex Hotel Suites kung saan ay nabalot ng hiyaw at ungol kagabi ay bahagya nang dumungaw ang sikat ng araw sa pagitan ng kurtina. Ang paghiyaw at hingal ay nahinto na, pero ang bakas ng kuko ni Amber sa likod ng isang binata, ay hindi naglaho.Ano nga ba ang nangyari kagabi? Sa mismong engagement party sana ni Amber ay nagplay ang isang video ng fiancé niya at ang ex nito na nagtatalik.Imbes na makuha ang simatya ng mga dumalo ay nagawa pa siyang maging katatawanan ng mga ito.Linunod niya ang lungkot sa paglalasing at pakikipagtalik sa isang lalaki na kung tawagin sa larangan niya ay… King of Hell.Diablo?At ang pinakaimportante pa sa lahat ay inalok niya itong maging boyfriend niya ng isang araw, at nakipaghiwalay rin siya kalaunan.At dahil sa ginawa niyang ito, pakiramdam niya ay babagsak na ang hindi pa nga nasisimulan niyang karera sa industriya.“Gising ka na pala?” saad ni West Lancaster, ang abogadong wala ni isang talo sa lahat ng kaso na hinawaka

    Last Updated : 2025-03-13

Latest chapter

  • Love Under Legal Terms   Chapter 13: The Devil and The Lawyer  

    Pagkapasok na pagkapasok ni West sa loob ng sasakyan, agad niyang binigkas ang destinasyon sa malamig at tuwid na tono.“Villa Crest.”Walang tanong-tanong si Harvey. Tahimik siyang tumango habang inaayos ang GPS. Ngunit bago pa man niya maipasok ang direksyon, bigla na lang bumukas ang pinto sa kabilang gilid ng kotse.Halos lumundag si West sa gulat nang makita si Amber.Magulo ang buhok, namumula ang pisngi, at halatang pagod ang katawan, pero nananatiling mapang-akit ang anyo nito. Bago pa man siya makapagsalita, hinila ni Amber ang kanyang kurbata at mariing hinalikan siya sa labi.Tumigil ang mundo ni West.At si Harvey? Parang estatwa sa harap ng manibela.Napatingin siya sa rearview mirror, nagtataka kung kailan pa naging audience ng isang live show ang trabaho niya bilang driver.“Uh…”Nanlaki ang mata ni Harvey habang pinagmamasdan ang dalawa sa likod ng sasakyan. Si West, walang magawa. Si Amber, dominante, hawak ang kwelyo ng lalaki para hindi ito makagalaw.Tangina. Sobra

  • Love Under Legal Terms   Chapter 12: Don’t Judge the Flower

    Ang venue ng kumpetisyon ay nasa ikaanim na palapag, isang maliit na boxing ring sa ilalim ng matitinding ilaw, napapalibutan ng mga camera at audience na halong interesado at nag-aalalang manonood.Nakatayo sa gilid ng ring si Amber, suot ang puting sportswear at dahan-dahang inaayos ang kanyang gloves. Tamad ang kanyang postura, halos walang pakialam, pero may ningas sa kanyang mga mata, parang alam na niya ang kahihinatnan ng laban.Sa gilid ng ring, nakakapit sa lubid si Gideon, puno ng pag-aalala ang boses nito. “Amber, huwag matigas ang ulo. Lumayas ka na d’yan habang hindi pa bugbog-sarado ang mukha mo,” sabi niya nang nakakunot ang noo. “Kung gusto mong magmatigas, siguraduhin mong walang makakabugbog sa’yo. Hindi basta-basta ang halaga mo. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mukha mo?” Tahimik lang si Amber at pinagalaw lang ang kanyang mga daliri sa loob ng gloves.Nagpatuloy si Gideon, tumataas na ang tono niya. “Kung matalo ka, edi matalo. Walang kahihiyan dun. Ibitin

  • Love Under Legal Terms   Chapter 11: A Blessing or A Burden  

    Pagkapasok na pagkapasok ni West sa kanyang apartment, habang hinuhubad pa ang kurbata’t blazer, bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Walang pasakalye, diretsong nagsalita ang nasa kabilang linya, si Harvey.“Atty. Lancaster,” aniya, seryoso ang boses. “May motibo ng pagpatay.”Napahinto si West sa pintuan, hawak pa nito ang kanyang coat. “Anong pagpatay?”“’Yung truck ng sprinkler na pina-trace mo kanina. Ayon sa pulis, hindi aksidente ‘yon. Plinano talaga. Target ng attempted murder ay ang asawa ng boss.”Tumahimik si West. Kumunot ang noo. “Asawa ng boss…?”Doon niya lang na-gets.Si Amber.Lately, tinatawag na siyang asawa ng boss sa opisina niya, kalahating-biro, kalahating-seryoso. Gano’n talaga ang dating ni Amber. Marunong dumiskarte, magpa-cute, at lumaban. Wala kang ibang makikitang katulad niya.“Kawawa naman si Miss Harrington,” dagdag ni Harvey. “Dalawang araw na sunod-sunod siyang pinagtangkaan. Parehong planado. Pinag-uusapan na ng pulis kung dapat ba siyang bantay

  • Love Under Legal Terms   Chapter 10: Temptation in Silk  

    Ang pribadong silid ay puno ng usok. Sa ganitong klase ng pagtitipon, kung saan mga lalaki ang naghahari, may tatlong bagay na tiyak nandodoon: sigarilyo, alak, at mga babae. Ngayong gabi, dalawa sa tatlo ang makikita sa pagtitipon.Isang maingat na katok ang bumalot sa mabigat na pintuan. Pumasok ang manager ng restaurant, bitbit ang pinakamahal na alak sa kanilang tindahan. Dumeretso siya kay West Lancaster, yumuko nang bahagya, at mahinang sinabi, “Mr. Lancaster, ito po ay mula kay Ms. Amber. Ipinadala niya ito nang personal.”Sandali siyang nag-alinlangan bago idinagdag, “Huwag daw po kayong masyadong uminom, sabi ni Ms. Harrington.”Pagkatapos ng kanyang sinabi, unti-unting nagbago ang hangin sa silid. Ang ilang lalaki ay biglang nanigas; ang iba naman ay nagtinginan na parang may alam silang sikreto. Halos nakakatawa ang kanilang reaksyon, para silang mga hayop na natuklasan na ang "pagkaing" kanilang kinain ay matagal nang patay.“So, totoo nga pala?” May isang natawa, ang bose

  • Love Under Legal Terms   Chapter 9: The Art of Playing Men  

    "Tangina! Mas marami pang anak sa labas ang tatay mo kaysa sa mga nakafling ko."Malalim na bumuntong-hininga si Amber habang walang sawang nag-scroll sa kanyang cellphone, hinahanap ang Instagram ni West. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin siyang makita. Nasaan na ba ‘yon?Kahit bahagyang naiinis, nagpalit siya ng diskarte at hinanap na lang si Chito sa kanyang contacts at tinawagan ito."Mr. Rossi, puwede bang magtanong kung ano ang Instagram ni West?" Ipinatong niya ang mga daliri sa kanyang tuhod habang hinihintay ang sagot.Halos agad namang nag-reply si Chito, ngunit ang sagot nito ay mas nakakainis pa sa hindi pagsagot. "Hindi puwede."Napangisi si Amber, mabilis na nakaisip ng sagot. "Parang nasa iisang spa kami ng nanay mo. Itatanong ko na lang sa kanya sa susunod. At habang nandito na tayo sa usapang ‘to, pag-usapan natin ang mga bago mong kaganapan sa love life mo, gusto mo?"Sa kabilang linya, may narinig siyang sunod-sunod na mura mula kay Chito. Halatang inis

  • Love Under Legal Terms   Chapter 8: Games of Power and Desire  

    "Atty. Lancaster!" Nang makita ni Lilith si West, tila bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Araw-araw niyang naririnig si Amber na nagrereklamo tungkol kay ‘Señor Ginto’ kaya't nabuo sa isip niya ang imahe ng isang elitista at materyalistang lalaki. Pero ngayong nakikita niyang patakbong papalapit si West, hindi ito mukhang kalaban, parang kamag-anak pa nga. Isang mabait na napadaan din ang lumapit at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan. Ngunit si West, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso itong umakyat sa bubong ng nawasak na sasakyan, hinahanap ang isang tao. "Nasaan si Amber?" tanong niya, malamig ang boses. Samantala, sa kabilang kalsada, si Amber ay papara na sana ng taxi. Ayaw niyang maantala ang kanyang hapon para lang sa isang aksidente. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, isang trak ng pandilig ng halaman ang bumangga rito. Ngayon, mula sa overpass, dinig na dinig niya ang galit na sigaw ni West. Natawa siya nang

  • Love Under Legal Terms   Chapter 7: Checkmate  

    Pagkatapos magsalita ni Lazaro ay isa-isa namang nilabas ni Amber ang alas niya. “Bakit naman kailangang pahirapan ng babae ang kapwa niya babae. Walang nakuha si Mommy sa kakasunod sa matandang iyon buong buhay niya. You can say she was already a widow. Pero nang malaman niyang mamamatay na ang matanda, ayaw na niya halos iwan ‘to. Do you get my point? Women are often kinder than men.”Saad ni Amber, dahan-dahang tumayo at tumingin kay Abilene. “Makakaalis ka na pagkatapos nito.”“Hindi mo ‘ko ipapakulong?” gulat nitong tanong.“Anong magandang maidudulot sa’kin ng pagpapakulong sa’yo? Habang buhay ka, may hati ka sa yaman ng matanda. At kung hindi, hindi ba ako naging kriminal n’yan? Ako makukulong? It’s not worth it.” Madiing sabi ni Amber bago lumabas ng interrogation room.Nang makalabas ito, agad niyang inangkla ang kamay sa braso ni West. “Mukhang hindi na kailangan ng abogado ni Ms. Harrington.”Sinuot niya muna ang sunglasses niya bago nagsalita, “Atty. Lancaster, you may not

  • Love Under Legal Terms   Chapter 6: The Hand That Holds the Weapon

    Ginamit ni Amber lahat ng nalalaman niya para masuri ang batasan ni West, kalmado at mapanukala. Parang kalkulado nito lahat ng kanyang galaw bago pa man ito mangyari, lahat ng kanyang salita bago ito lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya interesado dito noon, pero ngayon ay nakuha na nito ang interes niya.Suwail si Amber noong nag-aaral pa siya. Habang ang lahat ay abala sa pag-aaral nang mabuti, naubos ang oras niya sa pakikipagrelasyon sa mga guwapo sa high school. Ayon sa paniniwala niya, mas marami mabuti.Isang araw, nakita niya si West sa palaruan. Sinulatan niya ito ng love letter, at dalawang letra lang ang sinagot sa kanya ni West. OK.Akala niya’y pumayag ito, kaya nagpacute siya dito at binigyan niya ito ng masarap na pagkain. Pero isang araw, napagtanto niyang NO pala ito at dahil sa ginamit niyang ballpen. Akala niya ay bagay sila, tipikal na magkarelasyon, malamig ang lalaki at sweet ang babae, pero iba pala. Hindi niya noon naisip na nagmukha siyang kulang sa atensyon.

  • Love Under Legal Terms   Chapter 5: Fortune’s Pawn  

    Nang sumunod na araw, natutulog pa rin si Amber nang tumawag si Gideon.“Gising ka na ba?” tanong nito.“Kalahating gising, kalahating tulog,” halos pabulong niyang sagot.“Then go approve your memorial,” tuyong sabi nito.Napasimangot si Amber. “Anong ibig mong sabihin?”Dahan-dahan siyang napaupo.“Kalat na kalat sa internet. Bakit hindi mo tingnan at asikasuhin?”Agad naman niyang binuksan ang social media niya. Kulang nalang ay ingudngod niya ang mukha sa hawak niyang cellphone.Shock! Isang sikat na baguhang aktres nahuling nagtotwo-time!Basa niya sa isip ng headline.Isa ay picture nila ni West, at ang isa ay si Chito. Ibig sabihin ang dalawang iyon ay mula sa nangyari kahapon. Hindi siya nagulat na nahagip ito ng media, pero hindi niya inasahang sa dalawa siya malilink.Wala ba talaga akong taste sa lalaki? Mapait niyang tanong sa sarili.Bago pa siya makapunta sa comments ay tumawag ang kanyang ina.“Nasa huling hantungan na niya ang Daddy mo at nasa’n ka? Nasa labas naghahabo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status