IVANA nodded and said, “Adela told me it was Harold who gave her the information,”
Graciela frowned, “And how reliable is it? Hmm, something’s wrong. I can’t understand the logic of this entire event,”
“Iyon na nga rin po ang ipinagtataka ko talaga, saka diba sinabi niyo sa akin dati na napanood niyo sa balita na pumanaw na si Carl? Paanong nangyaring pupunta si Denise rito gayong nakaalis na ang pamilya ni Carl at bumalik na ang mga iyon sa Pilipinas,” nahihiwagaang tanong niya.
“Ang tanong ko lang din naman nasawi nga ba si Carl? Wala namang nakakita sa atin na may naganap na burol at paglibing diba, biglang binalita nalang. Malay ba natin sa totoong nangyari,” anito.
Ivana was stunned, &ldqu
NASA harapan na ng pinto ng kwarto ni Reymond si Catherine ngunit nag-aalangan pa rin siyang kumatok. Ayaw din niyang patagalin ang hindi nila pag-iimikan dahil nakakadagdag lamang ito sa depresyon ng pinsan niya.Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago kumatok. Walang imik mula sa loob kaya’t naisipan niyang pihitin ang doorknob. Hindi naman ito nakasara kaya pumasok na siya, nagulat na lamang siya ng makitang tanging ang computer lamang ang bukas na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na paligid. Isinara kasi ni Reymond ang mga bintana na natatakpan ng makapal na kurtina.Saka lamang niya napansin na may suot pala itong headset kaya hindi nito naririnig ang katok niya mula sa labas. Ni hindi rin nito namalayan ang pagpasok niya dahil abala ang mga kamay nito sa pagtipa ng keyboard habang nasa screen ng computer ang mga mata. Nasa likuran na siy
ANG sigla sa labas ng bintana ay tila bagong pag-asa sa kanya. Naglakad pabalik sa kanya si Catherine, maaliwalas na rin ang ngiti nito.“Tingnan mo naman ang sigla sa labas. Summer na summer na,”Sinuklian din niya ng ngiti ito, “Oo nga kaya panay ang anyaya sa akin ni Nate kahapon na bumaba kami sa swimming pool area at maligo raw. Wala naman ako sa mood,”Nang makalapit, inakbayan siya ni Catherine, “Gusto mo ba mamayang gabi magkaroon tayo ng barbecue party sa swimming pool area? Pagbigyan naman natin si Nate, nakakaawa naman din ang batang iyon. Namana niya rin ang ugali mo, tahimik at matalino,”Sumang-ayon siya sa sinabi nito, “Buti nga sa akin nagmana hindi kay Kuya Simon,”
SHANTAL heaved a deep sigh and walked to the bathroom. Kaarawan ngayon ng apo nila at tulad ng mga nakaraang taon ng selebrasyon ng kaarawan nito sila-sila lamang din ang naroon. Nasanay na rin itong nasa loob lamang sila ng mansyon. Lumalabas lamang si Brent pamin-minsan upang bilhan ito ng mga gamit at laruan.Makalipas ang isang oras lumabas na rin siya ng banyo at nagbihis. Matapos tuyuin ang buhok lumabas agad siya ng kwarto at binaybay ang hallway patungo sa kwarto ng bunsong anak. Pagpasok niya nadatnan niyang binihisan na ito ng nurse na nag-aalaga rito.Nang makita siya nito nginitian siya at binati, “Magandang umaga po Ma’am Shantal,”“Good morning too, you can leave now. Go downstairs and have your breakfast,”Th
MASIGABONG palakpakan ang pumailanlang sa paligid. At sabay-sabay na bumati ulit ang mga ito kay Andrei.“HAPPY BIRTHDAY, ANDREI!”“Thank you, guys!” The child wittily replied, smiled at them, and waved his tiny hands.“Sige na, pwede na po kumain ang lahat,” masayang deklara ni Brent. Si Shantal naman abala sa paghihiwa ng cake at natatakam na tumitingin sa kanya si Andrei. Tulad ng normal na mga bata, ramdam ang kasiyahan nito na nababakas sa maaliwalas nitong mukha.“Mommy La, lakihan mo po ang cake ko,” angil nito ng mapansing maliliit na hiwa lamang ang ginawa ni Shantal.“Ay sorry naman. Gusto mo pala ang malaking hiwa ng cake. Tumatanda
LUMAPIT si Brent sa kanya matapos nitong ilapag si Andrei sa sofa. Inakbayan siya nito at marahang kinabig paloob sa mga braso nito.“Love, kailangan ng anak natin ng pahinga,” anang mahinang boses ni Brent habang nakatingin ang mga mata nito kay Denise.Tumingala si Shantal at ngumiti ng bahagya kay Brent subalit naroon ang lungkot sa mga mata nito, “Dito nalang ako sa tabi niya, Love, babantayan ko nalang ang anak natin. Narinig mo naman ang sinabi ng mga doctor niya diba na meron siyang temporary memory loss,”Walang maapuhap na tamang salita si Brent dahil maging siya ay labis ring nalungkot sa narinig nila. Bumuntong huminga muna siya at marahang tumango.“Kung iyan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita. Lalabas na
AN hour later, Harold arrived at HUO GROUP. Hindi na siya umakyat pa ng opisina ni Brielle at tinawagan na lamang niya ito. Sinabi niya rito na sa parking area nalang niya ito hihintayin. Wala pang sampung minuto dumating na rin si Brielle.Agad niyang nakita si Harold, bitbit nito ang dalawang bouquet ng bulaklak na ipinasuyo niya rito.“Halika na iyong kotse ko ang gamitin natin,” naglalakad na si Brielle patungo sa sarili niyang sasakyan. Sumunod naman sa kanya si Harold.“Ako na po ang mag-drive,” presenta niya ng tumapat na sila sa kotse nito.Tumango lamang si Brielle. Kinuha mula sa kamay ni Harold ang dalawang bouquet at inabot naman rito ang susi ng sasakyan. Agad nitong binuksan ang pintuan sa likurang bahagi ng k
KINABIG ni Brent ito at niyakap ng mahigpit. Maging siya ng marinig ang sinabi nito ay halos madurog din ang puso. Hanggat maaari ayaw niyang maramdaman ng kahit alinman sa mga apo niya inaapi ang mga ito.“Hush, tahan na. Narito naman si Daddy Lo sa tabi mo. Saka dapat masaya ka ngayong araw na ito dahil kaarawan mo,” marahang kumbinsi niya rito.Patuloy ang hikbi nito hanggang sa tuluyang kumalong na ito kay Brent.“Ayaw naman po nila sa akin eh. Si Mommy baka ayaw rin sa akin kasi di niya ako kilala. Kayo nalang ni Mommy La ang kakampi ko,”Lalong ikinagulat ni Brent ang sinabi nito dahil sa murang edad naramdaman na nito ang rejection galing sa mga anak niya.“Hi
The sudden movement made by Denise has caught Brielle’s attention. Brielle was shocked, looking at his sister. She’s now wide awake, staring at him intently.Umaliwalas ang mukha ni Brielle ng magkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Umahon siya mula sa upuan at dumukwang upang yakapin ang kapatid. Hindi makagalaw si Denise ng yumakap sa kanya si Brielle.Litung-lito ang isip niya dahil nahihiya siya ng mga sandaling ito. Hindi niya alam ang pangalan ng gwapong lalaki na nasilayan niya. Kamukha ito lalaking nagpakilala sa kanya kanina na ama nila at mas bata lamang itong tingnan.“Denise! Denise natutuwa ako at nagising kana bunso,” di mapigilan ni Brielle na maiyak dahil sa labis na tuwa. Lumipas ang ilang sandali at ganoon lamang silang dalawa. Ni hindi niya magawang guma