MATAMAN lamang siyang tiningnan ni Brielle at hindi na ito kumibo. Laking pasalamat na rin ni Brielle na sa tuwing kailangan niya ng kasama natataon na narito si Harold. Kusa nitong nahuhulaan na kailangan niya ng kasama habang ganito ang pakiramdam niya.
Marahil nga dahil sa tagal nitong pagtatrabaho sa kanya bilang assistant kabisado na nito ang takbo ng isip niya. He finished his tea and stood immediately. He walked back to his working table, while Harold left behind.
Pagkaupo niya sa lamesa saka lamang siya nagsalita. “Hindi ka ba natatakot sa akin kapag hindi maganda ang mood ko?”
Napaangat ng mukha si Harold, umiling, “Sanay na po ako sa inyo. Alam ko namang kailangan ninyo ng karamay kapag tensyunado ang pakiramdam niyo. Saka kahit di naman kayo nagsasalita okay lang din pa
BRIELLE stood akimbo, staring at Harold’s pale face. He can only scold him but dared not to fire him as his assistant. Aminin man niya’t sa hindi magaling ito sa trabaho at hindi na siya makakahanap ng kapalit pa nito, iyong taong masipag at mapagkakatiwalaan dangan nga lamang minsa lumalampas ito sa mga bagay na dapat ay hindi na nito pakikialaman. Bagay na minsan o mas madalas niyang kinakainisan.Tiningnan ni Brielle ang relong pambising, halos mag-aalas-dose na ng tanghali. Biglang kumalam ang sikmura niya.“Ano pang hinintay mo dyan, ayusin mo na ang pagkain nagugutom na ako,”Napaangat ng mukha si Harold, alanganing tumingin at ngumiti kay Brielle. “O- Opo- Opo!” kandautal nitong tugon at inilang hakbang lamang nito ang center table. Inisa-isang inihain ang
HE hadn’t seen Harold like this before, and he wanted to burst into laughter while looking at him. Unfortunately, Brielle had put on an act too much for Harold to look pale and scared.“Sa susunod kapag gumawa ka pa ng hakbang na hindi mo sinasabi sa akin malilintikan kana talaga,” aniya habang niluluwagan ang necktie.Lumiwanag ang mukha ni Harold at ibinalik sa ibabaw ng lamesa ni Brielle ang tseke na binigay niya rito kani-kanina lang.“Kunin mo na iyan, para talaga sa iyo iyan. Pasalamat ka at natuwa ang magulang ko sa ginawa mo kung hindi sasamain ka lalo sa akin,” tiningnan niya ito ng seryoso.Halos magtatatalon sa tuwa si Harold ng marinig ang sinabi ni Brielle. Matulin pa sa alas-kwatro ng dinampot nito pabal
IVANA nodded and said, “Adela told me it was Harold who gave her the information,”Graciela frowned, “And how reliable is it? Hmm, something’s wrong. I can’t understand the logic of this entire event,”“Iyon na nga rin po ang ipinagtataka ko talaga, saka diba sinabi niyo sa akin dati na napanood niyo sa balita na pumanaw na si Carl? Paanong nangyaring pupunta si Denise rito gayong nakaalis na ang pamilya ni Carl at bumalik na ang mga iyon sa Pilipinas,” nahihiwagaang tanong niya.“Ang tanong ko lang din naman nasawi nga ba si Carl? Wala namang nakakita sa atin na may naganap na burol at paglibing diba, biglang binalita nalang. Malay ba natin sa totoong nangyari,” anito.Ivana was stunned, &ldqu
NASA harapan na ng pinto ng kwarto ni Reymond si Catherine ngunit nag-aalangan pa rin siyang kumatok. Ayaw din niyang patagalin ang hindi nila pag-iimikan dahil nakakadagdag lamang ito sa depresyon ng pinsan niya.Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago kumatok. Walang imik mula sa loob kaya’t naisipan niyang pihitin ang doorknob. Hindi naman ito nakasara kaya pumasok na siya, nagulat na lamang siya ng makitang tanging ang computer lamang ang bukas na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na paligid. Isinara kasi ni Reymond ang mga bintana na natatakpan ng makapal na kurtina.Saka lamang niya napansin na may suot pala itong headset kaya hindi nito naririnig ang katok niya mula sa labas. Ni hindi rin nito namalayan ang pagpasok niya dahil abala ang mga kamay nito sa pagtipa ng keyboard habang nasa screen ng computer ang mga mata. Nasa likuran na siy
ANG sigla sa labas ng bintana ay tila bagong pag-asa sa kanya. Naglakad pabalik sa kanya si Catherine, maaliwalas na rin ang ngiti nito.“Tingnan mo naman ang sigla sa labas. Summer na summer na,”Sinuklian din niya ng ngiti ito, “Oo nga kaya panay ang anyaya sa akin ni Nate kahapon na bumaba kami sa swimming pool area at maligo raw. Wala naman ako sa mood,”Nang makalapit, inakbayan siya ni Catherine, “Gusto mo ba mamayang gabi magkaroon tayo ng barbecue party sa swimming pool area? Pagbigyan naman natin si Nate, nakakaawa naman din ang batang iyon. Namana niya rin ang ugali mo, tahimik at matalino,”Sumang-ayon siya sa sinabi nito, “Buti nga sa akin nagmana hindi kay Kuya Simon,”
SHANTAL heaved a deep sigh and walked to the bathroom. Kaarawan ngayon ng apo nila at tulad ng mga nakaraang taon ng selebrasyon ng kaarawan nito sila-sila lamang din ang naroon. Nasanay na rin itong nasa loob lamang sila ng mansyon. Lumalabas lamang si Brent pamin-minsan upang bilhan ito ng mga gamit at laruan.Makalipas ang isang oras lumabas na rin siya ng banyo at nagbihis. Matapos tuyuin ang buhok lumabas agad siya ng kwarto at binaybay ang hallway patungo sa kwarto ng bunsong anak. Pagpasok niya nadatnan niyang binihisan na ito ng nurse na nag-aalaga rito.Nang makita siya nito nginitian siya at binati, “Magandang umaga po Ma’am Shantal,”“Good morning too, you can leave now. Go downstairs and have your breakfast,”Th
MASIGABONG palakpakan ang pumailanlang sa paligid. At sabay-sabay na bumati ulit ang mga ito kay Andrei.“HAPPY BIRTHDAY, ANDREI!”“Thank you, guys!” The child wittily replied, smiled at them, and waved his tiny hands.“Sige na, pwede na po kumain ang lahat,” masayang deklara ni Brent. Si Shantal naman abala sa paghihiwa ng cake at natatakam na tumitingin sa kanya si Andrei. Tulad ng normal na mga bata, ramdam ang kasiyahan nito na nababakas sa maaliwalas nitong mukha.“Mommy La, lakihan mo po ang cake ko,” angil nito ng mapansing maliliit na hiwa lamang ang ginawa ni Shantal.“Ay sorry naman. Gusto mo pala ang malaking hiwa ng cake. Tumatanda
LUMAPIT si Brent sa kanya matapos nitong ilapag si Andrei sa sofa. Inakbayan siya nito at marahang kinabig paloob sa mga braso nito.“Love, kailangan ng anak natin ng pahinga,” anang mahinang boses ni Brent habang nakatingin ang mga mata nito kay Denise.Tumingala si Shantal at ngumiti ng bahagya kay Brent subalit naroon ang lungkot sa mga mata nito, “Dito nalang ako sa tabi niya, Love, babantayan ko nalang ang anak natin. Narinig mo naman ang sinabi ng mga doctor niya diba na meron siyang temporary memory loss,”Walang maapuhap na tamang salita si Brent dahil maging siya ay labis ring nalungkot sa narinig nila. Bumuntong huminga muna siya at marahang tumango.“Kung iyan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita. Lalabas na