KABABALIK lang ni Tanya galing palengke dala ang mga pinamiling hilaw na karne at gulay. Mayamaya lang ay pinunasan niya ang nagtatagataktak na pawis gamit ang bimpo na nakasabit sa kaniyang balikat.
Nang agad kumunot ang noo niya nang mapansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng kabahayan.
"Miko!" tawag niya sa nakababatang kapatid. "Naku, 'yong batang 'yon talaga. Sinabi ko ng bago ako umuwi ay magsimula ng maligo at maghain ng agahan. Siguradong tulog pa 'yon sa taas," galit niyang usal sa sarili.
Nanggagalaiting hinubad niya ang suot na tsinelas at pumanhik sa taas ng bahay.
Hindi nga siya nagkamali, naabutan niyang tulog pa rin hanggang ngayon ang kapatid na si Miko habang yakap-yakap ang unan nito.
Nilapitan niya ito. "Miko, ano'ng sabi ko sa 'yo bago ako umalis kanina?!" galit na sigaw niya. Sa lakas ng kaniyang boses nagsimulang hampasin ng kapitbahay ang dingding na manipis na plywood lamang ang nagsisilbing pagitan.
Mayamaya, pumupungay pa ang mga mata ng kapatid at saka bumangon. Nakapameywang na siya at taas pareho ang kilay nang lapitan niya itong maigi at simulang tanggalin ang nakabalot na kumot sa katawan nito.
"Ikaw pala Ate Tanya," inaantok na wika nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Sa edad nitong labinpitong taon, sising-sisi siya na hinayaan itong ma-spoiled nang husto.
Nagtaas siya ng isang kilay at hindi mawari ang gagawin dito. Gusto na sana niyang kaltukan ito pero baka mamaya ay magalit tulad dati at gawin pang dahilan ang pagsakit ng ulo para hindi pumasok sa paaralan.
Bumuntong-hininga siya. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na maligo ka na bago ako umalis kanina?" singhal niya nang sundan ito hanggang makababa silang dalawa ng hagdan.
Humikab pa ang mokong niyang kapatid at sandaling tinapunan siya ng tingin bago pumasok ng banyo.
"Galit ka na naman Ate Tanya. Sabi ko naman sa 'yo madali kang tatanda niyan kapag palagi mo akong pinagagalitan. Kaya hindi ka na nagkanobyo. Walang ibang lalaki ang tatagal sa ugali mong 'yan." Narinig niyang sabi ni Miko sa loob ng banyo.
"Nagsalita ang taong araw-araw na may bagong nobya at puro na lamang pasa ang mukha kapag umuuwi sa gabi," bulong niya sa sarili.
Iiling-iling siya nang buhatin ang mga pinamili at ilagay iyon sa mesa sa loob ng kusina na marahil isang bagyo na lang na darating ay siguradong tatangayin na ang bubong at mga kagamitang naroon.
Ayaw na lang din niyang patulan ang mga sinasabi ng kapatid. Mauubos lang ang laway niyang walang mapapala na pagsabihan ito.
Dalawa na lamang silang magkapatid, namatay na kasi pareho ang mga magulang nila. Nagkasakit ang kaniyang ina habang nasangkot naman sa isang aksidente ang kaniyang ama bago pa man siya magkolehiyo.
Noong mga panahon na 'yon, wala siyang alam na ibang paraan upang matugunan pareho ang mga pangangailan nilang magkapatid. Kaya nagdesisyon siyang huminto na lang sa pag-aaral at ituloy na lang ang karinderya ng yumaong ina.
Apat na taon na ang nakararaan at masaya niyang tinanggap sa sarili na marahil hanggang pangarap na lang siguro niya ang makatuntong ng kolehiyo, ang mahalaga ay may nakakain siya at nakapag-aaral si Miko.
Pero kung papalarin handa naman siyang maghintay lalo't sabi nga ng iba hindi kailangan magmadali may oras sa lahat ng bagay. Kaya lang duda rin siya sa bagay na iyon ngayong hindi na niya maiwanan ang karinderya na nasa harap lang ng kaniyang bahay. Dahil kasi sa negosyong ito nakapagpundar siya ng appliances tulad ng telebisyon at laptop na minsa'y nagagamit niya sa panonood ng mga video kung paano madaragdagan ang kaniyang menu.
"Pasensya na talaga, Ate Tanya. Hindi na po mauulit," wika ng humahangos na bagong dating na si Anne ang kaniya sanang katuwang kanina nang mamalengke siya.
Nagtext kasi ito na hindi siya masasamahan matapos na dalhin ang anak nito sa ospital kagabi dahil sa mataas na lagnat. "Ano ka ba? Hindi mo kasalanan 'yon," aniya at kinuha ang sangkalan at ilagay iyon sa malaking mesa. "Kumusta na pala si Angelo?" tanong niya kalaunan.
"Iniwan ko na muna sila sa ospital kasama si Danny," sagot nito. Si Danny ang asawa nitong isang tricycle driver.
Dahil hindi sapat ang kita ng asawa sa pamamasada nakiusap si Anne na kahit papaano'y pumasok muna sa kaniya. Naawa naman siya sa kaibigan kaya hindi niya rin ito tinanggihan, masipag at mapagkakatiwalaan naman ito.
"Ayos lang naman ako dito kahit mag-isa, kaya ko naman," aniya.
Sunod-sunod ang pag-iling nito. "Nahihiya na ako sa 'yo dahil ilang beses mo na akong pinapahiram ng pera ‘tapos hindi mo pa ako mapapakinabangan. Sinigurado ko naman na ayos ang mag-ama bago ko sila iwan sa ospital," pahayag nito.
Inilabas nito sa bayong ang mga gulay at ilagay ang mga iyon sa mga tray na naroon.
Masuwerte na marahil siya kung tutuusin dahil nakatira siya sa harap lang ng isang malaking pabrika sa kanilang lungsod. Maayos naman ang kita niya at palagi rin nauubos ang mga ulam na niluluto niya.
"Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Noong oras nga na mangailangan din ako ay hindi mo ako tinanggihan," bigla niyang sabi at nilapitan ang kaibigan.
"Salamat talaga, ‘wag kang mag-alala oras na makahanap ng maayos na trabaho si Dan makababayad din kami ng utang sa 'yo."
Napangiti siya sa itsura ng kaibigan nang malapit na itong maiyak. "Naku, Ane. Hindi naman kita pinagmamadaling magbayad sa akin at saka naiintindihan ko naman ang sitwasyon ninyong mag-asawa."
Lumiwanag naman ang anyo ng mukha ng kaibigan nang marinig iyon sa kanya.
Kinuha niya ang mga bawang at sibuyas na nasa tray at simulang balatan ang mga iyon at hiwain. Sanay na siya sa ugali nito, magkababata kasi silang dalawa at halos lahat na yata tungkol sa buhay nito ay alam niya.
Nag-iisa lang itong anak at dahil hindi madalas umuwi ang mga magulang ay nadala ng tukso ng pag-ibig. Nagbunga iyon sa edad nitong labing-anim may anak na ito.
Mayamaya lang ay lumabas ng banyo ang kapatid. Kumunot na naman ang noo niya nang mapansing wala na naman itong dalang saplot at tuwalya lang ang ibinalot sa bahaging baba ng katawan nito. "Miko!" galit na bulyaw niya.
Nanggagalaiting nilapitan niya ito. "Oh, bakit Ate Tanya?" bungad nito sa kaniya nang tuluyang makalapit siya. "Naligo na ako tulad ng sinabi mo," dugtong nito.
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong magdala ka na ng damit kapag pumapasok ka ng banyo kaysa nakaburles kang ganiyan na naglalakad sa buong bahay."
Kaunti na lang talaga ay mababatukan na niya ang kapatid, nakasasanayan na kasi nitong maglakad sa loob ng bahay na walang pag-aalinlangan na ganoon lang ang suot kahit puro babae silang naroon. Hindi rin kasi nalalayo ang edad nito kay Anne at baka mamaya ay mapaaway na lang ito sa asawa ng kaibigan.
Sandaling sinulyapan nito si Anne sa kaniyang likod na ngayo'y marahil pinapanood ang kapatid niya. Kumaway pa ang hudyo bago binalik ang atensyon sa kaniya.
Pero bago pa man siya makapagsalita nahagip ng paningin niya ang mga pasa nito sa leeg.
Agad bumanaag sa mukha niya ang pag-aalala at agad iyon siniyasat mabuti. Hinawakan niya iyon at nakitang mapangiwi ang kapatid.
"Saan galing ang mga 'to? Sinaktan ka na naman ba ng nobya mo? Hindi ba't sobra naman yata at napakarami?" nag-aalalang sunod-sunod na tanong niya. Laking gulat niya ng mayroon din ito kahit sa likod. "Hoy, Miko. Sino gumawa nito sa 'yo?" magkadikit na ang kilay na kastigo niya sa kapatid.
Hindi niya kayang ipagsawalangbahala lang ang mga iyon. Masyado naman atang sumobra ang mga pasang iyon, para bang binugbog ang kapatid niya. Ngunit imposible namang mapaaway ito gayong mabait at kilala niyang palakaibigan ito.
Nagtaka siya nang tanggalin ng kapatid niya ang kamay na nakahawak sa braso nito. "Wala lang 'yan Ate Tanya, mawawala rin 'yan," usal nito dahilan upang lalong kumunot ang noo niya. "Aakyat na ako para magbihis. Baka ma-late na 'ko," dagdag nito.
Wala siyang nagawa kung hindi pagmasdan ang papanhik na pigura ng kapatid, kahit hanggang sa likod nito ay may mga pasa rin. Halatang hindi iyon mula sa hampas ng matigas na bagay at hindi rin galing sa kung ano man.
Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala nang bumalik siya sa kusina at tapusin ang marami pa niyang gagawin. Katuwang niya si Anne sa paghihiwa habang siya ang nagluluto.
Mayamaya ay narinig na niyang bumaba ang kapatid na si Miko. Agad niyang dinampot ang wallet at kumuha roon ng singkwenta para baon nito.
Masigla pa rin ito tulad dati kaya kahit papaano ay naibsan ang pag-aalala niya.
Nang iabot niya ang pera saka ito humalik sa pisngi niya. "Salamat po, Ate Tanya," nakangiting wika nito at nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Naku, bumabait ka lang sa akin sa tuwing binibigyan kita ng baon," ungot niya. Batid niyang narinig siya nito dahil nagawa pa ng mokong na humalik pa sa hangin para lalo lang siyang inisin.
Tatawa-tawa na tuloy siya nang bumalik ng kusina at makitang tinatanggal na ni Anne ang mga lutong ulam sa kalan. Pinagtulungan nilang ilagay ang mga iyon sa pwesto sa tapat ng karinderya.
Maaga pa naman kaya maaari pa niyang dagdagan ang mga paninda.
***
TULAD ng nakasanayan ni Tanya, pila na naman ang mga customer niya sa harap ng karinderya.
"May kaldereta ba tayo d'yan?" tanong ni Ben ang isa sa kaniyang suki na hindi nagsasawa na paulit-ulit na um-order ng paborito nitong luto niyang kaldereta.
"Oho, hindi tayo mawawalan niyan," nakangiting sabi niya at nilagay ang isang cup ng rice sa plato.
Malakas na tumawa ang malaking lalaki. "Kaya gustong-gusto ko dito kumain, palaging masarap ang luto. Maganda rin ang nagluto at nagtitinda," masayang wika nito at naupo kung nasaan ang mga kasama nito.
"Hay, naku Kuya Ben. Makakalimutan ko ba ang paborito ninyo?" Inilapag niya sa mesa ng mga ito ang mga plato at mangkok.
"Hulog ka talaga ng langit sa amin dito sa Sitio Talib. Kung wala ka paano na lang kaming hanap ang mga lutong bahay."
Nagsimulang mapuno ang lugar ng halakhakan. Sa katunayan, kailan lang talaga sila lumapit na magkapatid sa lugar na iyon dahil nademolish na ang dati nilang tinitirhan nang bumalik ang may-ari ng lupa at paalisin sila.
Malaki naman ang pagpapasalamat niya sa yumaong ina dahil namana niya yata ang husay nito sa pagluluto.
"Hindi ba't nang dumating din si Tanya saka naman may bumili ng pabrika kaya hindi ito nagsara," sabat ng isa sa mga katrabaho ni Ben. Kung hindi siya nagkakamali ang tawag dito ay si Kilay dahil na rin sa makapal nitong kilay.
Napasinghap si Ben. "Oo nga ‘no? Isang linggo lang matapos kang lumipat dito ay may isang itim na sasakyan na kinausap ang employer namin na nais bilhin ang pabrika."
"Sa tingin ko talaga hulog ka ng langit sa aming mga nagtatrabaho dito. Napakaraming mga magagandang bagay ang nangyari matapos kang dumating dito sa amin," segunda ni Kilay.
"Oo, gumanda talaga ang mga araw namin simula ng dumating ka," biro ni Uno.
"Kayo naman, baka maniwala po ako niyan," aniya at bumalik sa puwesto.
Sapat nang malaman niya na maganda ang serbisyong naibibigay niya sa mga customer. Sa tagal na niyang kakilala ang mga ito, wala pa naman siyang masamang karanasan o mga hindi magagandang bagay sa mga ito. Pakiramdam niya respetadong-respetado siyang babae at malaki ang pasasalamat niya sa bagay na iyon.
"Ane, pakikuha nga ginawa kong leche flan kagabi," pakiusap niya sa kasama.
Tumango naman ito bilang tugon. "Heto po," wika ni Anne nang bumalik ito dala ang mga lanera.
Inabot niya ang tatlo sa mga iyon kay Anne. "Sa inyo 'yang mag-asawa, sana magustuhan niyo," aniya.
"Talaga, Ate?" paniniguro nito.
Tumango siya. "Pero ‘wag ka masyadong mag-expect kasi first time ko lang gumawa niyan."
Humagikgik naman ito mula sa narinig sa kaniya. "Kayo pa ba, lahat naman ng lutuin niyo Ate Tanya ay masarap."
Tumawa na siya. "Tigilan mo na ako at baka maniwala ako sa 'yo." Nakita niyang sumenyas si Ben na isa pa raw na order ng kanin. "Oh, balik na sa pagtatrabaho. Tama na muna ang bolahan," natatawa niyang sabi at dinala sa mesa nina Ben ang iba sa mga gawa niyang leche flan.
Ibinigay niya kina Ben iyon at lumobo naman ang puso niya nang makita ang masayang reaksyon ng mukha ng mga ito nang matikman ang gawa niya.
Gumuhit sa mga labi niya ang isang munting ngiti at bumalik sa puwesto niya sa loob ng karinderya. Marahil maraming bagay ang hindi niya naranasan ngayon dalawampu't limang taong gulang na siya kung ikukumpara sa mga kaedaran niya. Pero ang makita ang mga mukha ng mga satisfied niyang mga customer ang lubos na nagbibigay sa kaniya ng kagalakan.
***
HALOS maghahating gabi na pero wala pa rin ang kapatid ni Tanya kaya hindi na niya malaman ang gagawin. Saka lang kasi niya napansin na wala pa si Miko nang matapos siyang mag-inventory.
Hinagilap niya ang cellphone na naalalang ipatong sa mesita sa sala. "Hindi man lang siya nagtext sa akin na gagabihin siyang umuwi," galit niyang usal at sinubukang tawagan ang kakilala niyang tindahan na madalas tambayan ng kapatid at mga kaibigan nito.
Sinagot naman agad ang kaniyang tawag ni Aling Susan. "Oh, bakit Tanya? Gabi na napatawag ka?" bungad sa kaniya nito.
"Pasensya na po sa abala, Aling Susan. Itatanong ko lang po kung nandiyan po ba sa tapat ninyo sina Miko at mga kaibigan niya," nag-aalalang tanong niya.
"Naku, wala rito. Kanina pa ako nagsarang maaga at patay na rin ang ilaw sa labas. May nangyari ba?"
Doon na siya lalong kinabahan sa maaaring nangyari sa kapatid. "Hindi pa ho kasi siya umuuwi."
"Wala ba siyang sinabi sa 'yo kung saan siya nagpunta o kung sino mga kasama niya?"
"Hindi ho." Sapo na niya ang sentido ng bigla na lamang iyon sumakit.
"Sige, tatawag na lang ako kapag nakita ko siya Tanya."
"Salamat po, Aling Susan. Pasensya na po ulit sa abala."
"Ayos lang, ano ka ba naman? Hindi na kayo bago sa akin."
In-end na niya ang tawag at sunod na tinawagan ang number ng isa sa mga kaibigan nito.
"Hindi ho namin siya nakasama kanina. Humiwalay na po siya sa aming nagkakabarkada nang mag-uwian na po kami," sagot ng isa sa mga kaibigan ni Miko.
Halos pagsakloban siya ng langit at lupa sa narinig. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na kabog ng puso. Takot siya, iyon ang marahil ang sigurado.
Hindi niya tuloy maiwasang mainis sa sarili kung bakit ba hindi niya ito binilhan ng cellphone. Salitan lang kasi silang dalawa na magkapatid sa paggamit na keypad niyang cellphone. Ang sabi kasi nito sa kaniya noon ng balak niya itong bilhan ay unahin na lamang ang laptop na mas kailangan nito sa paaralan.
Nagsimulang mamawis ang mga palad niya sa matinding pag-aalala. Sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa hindi kalayuan.
Nang hindi na siya makatiis ay nagdesisyon siyang hanapin na ito sa labas. Pipi siyang nagdarasal na sana ay nasa maayos na kalagayan ang kapatid niya.
Napakadilim sa buong lugar at hindi maiwasang mahagip ng paningin niya ang isang itim na sasakyan sa kabilang kalsada. Subalit hindi iyon ang pakay niya, dere-deretso lang siya sa paglalakad kahit sa madilim na eskinita malapit sa bahay ni Aling Susan.
Natigilan siya sa paglalakad nang may maaninag sa hindi kalayuan na katawang nakahiga sa gilid. "Miko?" tawag niya.
Nakagat niya ang ibabang labi sa sobrang takot. Nagsimulang mangilid ang mga luha niya sa mata nang patakbong lapitan niya iyon.
"Miko!"
***
"KUMUSTA na raw po si Miko?" bungad na tanong ni Anne kay Tanya pagdating nito sa ospital na pinagdalhan sa kapatid.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maitago ang takot at panginginig ng mga kamay. Hindi
BAHAGYANG madilim na nang magdesisyon si Tanya na tunguhin ang mansyon umano ng senyora na tinutukoy ng kaibigan.Batid niya sa sariling balot ng takot ang buong sarili, pero hindi niyon kayang pigilan
ITINABI muna ni Tanya ang sobre kung saan niya inilagay ang naipon niyang fifty thousand pesos. Kung tutuusin, napakalaking halaga na niyon at maaari na siyang makapagbukas ng mas malaking puwesto para sa kaniyang karinderya. Kaya lang nangako siya na magbabayad at iyon sana muna ang kaniyang paunang hulog dahil kahit sa ano'ng hinuha niya imposibleng mabayaran ang kalahating milyon ng isang tulad niya.
NAPAKALAKAS ng kabog ng puso ni Tanya habang lulan siya ng isang itim na van kasama ang dalawang lalaking balak sana siyang patayin kanina. Hanggang ngayon namamawis pa rin ang kamay niyang itinakip sa slit ng suot.Dahil din sa matinding sakit ng buong katawan wala siyang ibang nagawa kung hindi isandal kahit sandali ang sarili
SINILIP ni Tanya ang nangyayari sa loob ng silid kung saan pumasok ang dalawang sinundan na babae. Ang buong akala niya ay tulad ng inaasahan ang nasa loob niyon tulad ng mga naunang kuwarto na nakita kanina.Napalagok siya ng laway. Magkagayonman, hindi pa rin niyon maiaalis ang takot sa puso niya at sa buong pagkatao.
UNTI-unting nagdilat ng mata si Tanya, pero imbes na matigas at sa malamig na sahig niya matatagpuan ang sarili. Pakiramdam niya ngayon ay nakahiga siya sa mga alapaap sa lambot ng pinaglalagyan ng kaniyang katawan. Marahil nasa langit na siya ngayon at makakapiling na ang mga magulang.Ipinatong niya ang braso sa noo. Nagsimula
BINIGYAN muna ng pamalit na damit si Tanya kaya lubos-lubos ang pasasalamat niyang maitatapon at hindi na muling makikita ang kasuklam-suklam na bodycon dress na ipinasuot sa kaniya.Iginagaya niya ang paningin sa mga nadaraanan sa loob ng hotel hallway papuntang elevator. May ipinadala na tao sa kaniya kanina upang samaha
HANGGANG ngayon nakatingin pa rin si Tanya sa magkahawak nilang kamay ni Isidore. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito nagrereklamo sa magaspang niyang palad na mabilis dapat nitong napansin simula pa kanina nang umalis sila ng boutique.Sa liit ng bawat mga hakbang niya hindi siya makasabay rito at palaging kailangan pa
Extra 1BITBIT ni Tanya ang dalang lunch boxes para sa asawang si Isidore noong tanghaling iyon. Sinadya niyang magtungo sa opisina nito upang sorpresahin ang asawa na walang ideya sa kaniyang plano na pagpunta roon.Pinlano niyang mabuti ang lahat, kinasabwat niya ang matapat na tauhan ng asawa na si Moises para maisakatuparan iyon. Siguro'y iniisip ni Sid na nakalimutan o wala siyang ideya na kaarawan nito ngayong araw. Wala rin kasi itong binanggit nang magpaalam kaninang umaga upang pumasok ng trabaho. Nagulat nga siya na mukhang nakalimutan din nito ang mahalagang okasyon ng buhay nito. Kaya todo ang preparasyong ginawa niya para maging memorable ang kaarawan nito. Isinuot na rin niya ang regalo nitong dress sa kaniya na kung dati-rati ay grabe niyang isumpa iyon lalo't batid niyang ni minsan ay hindi iyon babagay sa kaniya. Isinabay na rin niya ang kuwintas na pasikreto kuno nitong isinilid noon sa kaniyang mga gamit dahil tiyak daw kasi itong hindi niya iyon tatanggapin. Totoo
Epilogue"SIGURADO ka bang sinabi ni Faustina na ang ama ko ang nag-utos na ipadala sa akin si Tanya?" mariing tanong ni Isidore sa kaibigang si Lander.Marami itong nakalap na impormasyon matapos na dakpin ng mga pulis si Faustina. Itinimbre kasi nila ito sa tulong na rin ng ilang araw nilang pagkalap ng ebidensya na siguradong magpapatagal dito sa kulungan. Lahat na yata ng kaso na maaaring ipataw ay ikinaso na rito para talagang hindi na makalabas maging makapagpiyansa ay napakaimposible na.Kung kinakailangan pa niyang magbayad ng malaki sa mga kukunin nitong abogado ay ayos lang sa kaniya upang mabulok lang ito sa kulungan.Laking pasasalamat na lang siguro niya na hindi na niya kinailangan pa si Tanya upang tumestigo sa mga kasamaang ginagawa ng kaniyang step-mom. Iyon ang tiniyak niya kaya kahit napakamapanganib ay sinuong niya.Minalas nga lang ng akala niya ay ayos na an
Kabanata 30HINDI mapakali si Tanya sa kaniyang upuan habang hinihintay ang resulta ng operasyon kay Isidore. Natamaan daw ng bala ng baril ang kaniyang asawa sa isang engkuwentro.Wala raw kasing hawak na ebidensya ang kaniyang asawa upang ipahuli si Faustina kaya't napilitan itong nanatili sa lugar para maghanap ng puwedeng gamitin laban sa step-mom. Hindi naman ito nabigo dahil nahulihan ito ng mataas na kalibre ng baril na itinatago sa basement ng bahay nito.Pero wala na siyang pakialam pa kay Faustina, ang sa kaniya na lamang ngayon ay kung maayos na ba ang lagay ng asawa na sabi sa kaniya ay nawalan ng malay matapos na maraming dugo ang nawala.Gusto na niyang maglulumpasay ngayong wala siyang mag
Kabanata 29NAKAABANG lang si Tanya sa kaniyang asawa na ngayon ay may kausap sa telepono. Kanina kasi naudlot ang balak nitong sabihin matapos niyang may maalala.Hindi siya sigurado pero mukhang dati na silang nagkita ni Sid. Lalo na ang pagtawa nito at pagngiti tila napakapamilyar sa kaniya.Napapitlag siya nang harapin siya nito marahil tapos na ang pakikipag-usap sa tumawag kani-kanina lang. Kung hindi siya nagkakamali si Lander iyon, medyo nag-alala lang siya nang makita ang kakaibang reaksyon ng asawa ng may mabanggit ito sa tawag at agad naman na lumayo sa kaniya."Mauna ka na muna sa loob ng bahay," wika nito. Binuksan uli nito ang pinto ng sasakyan. Lalong nadagdagan ang pag-aalala niya nang tila nagmama
Kabanata 28SA maikling sandaling iyon na hindi umimik ang asawa ni Tanya ay nilukob ang puso niya ng matinding pag-aalala.Ngumiti rin ito. Mayamaya'y pinagsiklop ang kamay nila. "Alam mo ba
Kabanata 27"YOU'RE glowing," puna ni Madge kay Tanya, magkasama sila ngayon sa paglilibot sa isang restaurant na pagmamay-ari nito.Nilingon niya ito sa kaniyang tabi. Nahuli niyang kanina pa ito nakamasid sa kaniya habang abala siyang libutin ng paningin ang napakagandang lugar. Ganito niya kasi ini-imagine noon ang restaurant na gusto niyang ipatayo oras na makapag-ipon siya at makapagsimulang mapalaki ang maliit na puwesto.Hindi naman mahalaga kung maging tunay na ang pangarap niya noong nagsisimula siya subalit ngayon ay sobrang excited na niyang makita ang kalalabasan ng design na binuo niya kasama si Madge. Laking gulat niya na malaman na dalawang beses itong grumaduate at may hawak na dalawang diploma, hindi lang kasi ito tapos ng restaurant management, isa rin pala itong arkitekto na lubhang hinangaan niya.Sa totoo lang, lahat naman ng nakilala niya na malalapit na kakilala ng asawa ay pawang hindi
(If you are underage. Please skip this part.)Kabanata 26NAKATULONG ang tama ng alak sa sistema ni Tanya para hindi mag-alinlangan na tugunin ang bawat halik ni Isidore. Hindi siya tumigil n
Kabanata 25WALANG ideya si Tanya sa sinabi ng kapatid kay Isidore kahit nang umalis na ito sa bansa. Wala rin siyang lakas ng loob upang tanungin ang asawa lalo't may malaking nagbago sa pagitan nilang dalawa.Noong una, iniisip niya baka guni-guni niya lang iyon ngunit nadagdagan ang pagdududa niya nang ilang gabi na simula nang palagi ng natutulog si Sid sa guest room. Isa marahil ang sigurado, iniiwasan siya nito matapos na may sabihin ang kapatid niya rito.Malalim na napabuga siya ng hangin. "Yes, Mrs. Lanchester? Is my subject boring?" tanong ng professor sa kaniya.Ilan lamang sila sa naturang silid noong araw na iyon. Matapos kasing umalis ng bansa ang kapatid nagsimula na rin siyang bumalik sa pag-aaral
Kabanata 24"ARE you Sid's wife?"Agad na nilingon ni Tanya ang direksyon nang nagsalitang iyon. Bumungad sa kaniya ang tatlong babae na hindi niya matandaan kung saan niya nakita. Agad niyang napasin na nasa likod si Dra. Sui na abala na nakatutok ngayon ang buong atensyon sa hawak nitong cell phone na inaalalayan lang na makapaglakad ng maayos ng isa sa mg