Share

Kabanata 6

last update Huling Na-update: 2020-09-09 14:31:24

SINILIP ni Tanya ang nangyayari sa loob ng silid kung saan pumasok ang dalawang sinundan na babae. Ang buong akala niya ay tulad ng inaasahan ang nasa loob niyon tulad ng mga naunang kuwarto na nakita kanina.

Napalagok siya ng laway. Magkagayonman, hindi pa rin niyon maiaalis ang takot sa puso niya at sa buong pagkatao.

Pero hindi siya dapat matakot, tao lang din ito at maraming maaaring makakita sa kaniya. Sumagi na agad sa isip niya ang susunod na mangyayari, mamamatay siya at ang kapatid kung basta na lang siyang aalis.

Nakagat niya ang ibabang labi at agad pinalis ang mga luhang muling nagbadya sa kaniyang mga mata. Naglakad siya sa loob ng silid na iyon nang muntik na siyang mapamura dahil sa malamig na airconditioning na naroon.

Walang nakapansin sa kaniya dahil kapwa abala ang mga tao. Napakislot na siya sa lamig. Hindi siya sanay sa ganoong temperatura lalo't napakanipis ng suot niya at halos kita na ang lahat sa kaniya.

Hindi na talaga niya kinaya kaya sunod-sunod ang pagbahing niya, napatakip na siya ng ilong at bibig. Nang matapos niyang maihulma ang sarili lalo na nang muling ipagpatuloy ang kaniyang naunsiyami plano, nagulat na lamang siyang makitang nakatuon sa kaniya ang lahat ng mga mata ng mga tao na naroon.

Naisip niya tuloy na baka may tao lang na dumating na nasa kaniyang likuran kaya nilingon niya iyon subalit wala naman.

"Excuse me, pwede ko bang makausap si Mr. Isidore Lanchester?" magalang niyang tanong. 

Bahagyang ngumiti siya na hindi naman umabot sa kaniyang mga mata dahil kaya niya lang din hinahanap ito ay upang maisalba ang buhay niya at ng kapatid. 

Nakarinig siya ng impit na pagtawa kung hindi niya lang nakita na ang babae iyon sa bandang dulo ay maiisip niyang may sinasakal na butiki sa loob niyon.

"Who are you?" mariing tanong ng isang babae na mahaba ang buhok. Ito lang ang malapit ngayon sa lalaking pakay.

"Bago lang ba siya?" nagtatakang usisa ng isa na naglakas loob na lapitan siya at hawakan sa braso. "I don't think that you should be here," anito. Ramdam niya ang matalim nitong kuko na halos bumaon na sa kaniyang balat, hindi niya maiwasang mapasinghap. Pilit na kumawala siya sa pagkakahawak nito.

Pero bago man niya iyon na magawa, bumahing na naman siya. Hindi pala dahil sa malamig na airconditioning kung bakit siya nagkakaganoon. Napagtanto niya na bunga iyon ng nakahihilong amoy na matapang na pabango ng mga babaeng naroon.

"Nandito ako para kausapin si Mr. Lanchester," pahayag niya nang hindi nililingon ang walang habas na babae sa tabi. 

Ngunit naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya. "Gusto mo na bang mamatay?" galit na bulong nito.

"Hindi," agad niyang sagot at lumapit sa lalaking batid niyang kanina pa nakamasid sa kaniya. 

Pilit niyang tinanggal ang ano mang bikig na pumipigil sa kaniyang magsalita. Natameme kasi siya nang mapagmasdan mabuti ng personal ang lalaki sa litratong hawak. Malayo kasi ang hitsura nito na ngayo'y nasa harap na niya kumpara kuhang larawan.

Maganda ang kakaibang kulay ng mga mata nito, matangos ang ilong, at may mala-perpektong hugis ng mukha. Bumagay din dito ang medyo tan na kulay ng balat. Kung may tamang salita upang madali itong i-describe–hot, iyon ang palaging bukang-bibig ni Anne sa kaniya sa tuwing nakakakita Ito ng magandang lalaki.

Tumikhim siya upang tanggalin ang ano mang bara sa lalamunan niya kahit alam niyang wala naman.

Hindi rin yata ito mukhang pilipino kaya duda siyang maiintindihan siya nito. Pero bahala na, medyo may kaunting alam naman siya sa wikang ingles basta hindi lang deretso at saka pilipit ng kaunti ang dila niya. Kaya puwede ng pagtiyagaan. 

Nang akmang magsasalita na siya nagtaka siya nang bigla itong tumayo at lumapit sa kaniya.

Nahigit niya ang hininga nang tumayo ito sa harap niya. Ibinaba niya tuloy ang tingin, nailang kasi siya sa mga mata nitong kulay abo nang makita niya ang sariling repleksyon mula roon.

Mayamaya lang ay naramdaman niya ang kamay nito na nakahawak ngayon sa braso niya. Dumaiti sa balat niya ang init nito at sigurado siyang nakaramdam ng kakaibang sensasyon.

Teka, kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya samantalang may mas higit pa siyang kailangang gawin!

Marahas siyang kumawala sa pagkakahawak nito. Humugot siya ng lakas ng loob upang masabi ng tama ang lahat ng salitang sinabi sa kaniya kanina, pero wala talaga sa hinuha niyang basta na lang tatangayin nito.

"Two months ago, may nangyari sa ating dalawa," mariing simula niya. Medyo pumiyok siya dahil hindi naman totoo ang mga bagay na iyon. Nagtaas siya ng mukha, gusto niyang tumakbo nang muling matunghayan ang napakaguwapo mukha ng lalaking kaharap. Nakagat niya tuloy ang mga labing batid niyang sugat-sugat na. "I'm pregnant," pagsisinungaling niya.

Rinig na rinig niya ang malakas na kabog ng dibdib sa mga salitang tinuran pero iyon ay base lamang sa mga pinag-uutos sa kaniya. 

Nakita niya ang malalim na pagkunot ng noo nito dahilan upang makaramdam siya ng hiya. Pero imbes na magalit ito, nagtaka siya nang ilang sandali itong natahimik.

Nang iangat niyang muli ang mukha upang tingnan ang reaksyon nito nagulat na lang siyang bigla na lamang nitong siniil ng isang malalim na halik sa mga labi. Nanlaki ang mga mata niya at pilit itong itinutulak palayo sa kaniya. Nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon na nagdulot sa kaniyang hindi iyon payagan lalo't hindi ito nakontento sa kaniyang mga labi may nais pa itong tikman.

Naging mas mapusok ang mga halik nito at wala na siyang ibang nagawa kung hindi hayaan ito.

Nagsimulang manghina ang mga tuhod niya at unti-unting nawalan ng lakas. Habol niya ang hininga nang matagal nitong sinakop ang kaniyang mga labi.

Pagod siya, at masakit na ang buong katawan. Wala na siyang lakas upang makaalis sa mga bisig nito na ngayon nga'y hawak na siya.

***

"Why are you here?" mariing tanong ni Isidore habang pinagmamasdan ang mapayapang mukha ng babae na ngayo'y walang malay. Ito ang dahilan kung bakit siya bumabalik sa naturang lugar kahit hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung ano'ng puwedeng mangyari sa kaniya. 

This woman is the main reason why he can't have a normal night. He lusted her for so many years, but how the hell did she end up there!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
so sya pala ang bumili noong pabrika kung saan malapit ang tirahan nila tanya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 7

    UNTI-unting nagdilat ng mata si Tanya, pero imbes na matigas at sa malamig na sahig niya matatagpuan ang sarili. Pakiramdam niya ngayon ay nakahiga siya sa mga alapaap sa lambot ng pinaglalagyan ng kaniyang katawan. Marahil nasa langit na siya ngayon at makakapiling na ang mga magulang.Ipinatong niya ang braso sa noo. Nagsimula

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 8

    BINIGYAN muna ng pamalit na damit si Tanya kaya lubos-lubos ang pasasalamat niyang maitatapon at hindi na muling makikita ang kasuklam-suklam na bodycon dress na ipinasuot sa kaniya.Iginagaya niya ang paningin sa mga nadaraanan sa loob ng hotel hallway papuntang elevator. May ipinadala na tao sa kaniya kanina upang samaha

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 9

    HANGGANG ngayon nakatingin pa rin si Tanya sa magkahawak nilang kamay ni Isidore. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito nagrereklamo sa magaspang niyang palad na mabilis dapat nitong napansin simula pa kanina nang umalis sila ng boutique.Sa liit ng bawat mga hakbang niya hindi siya makasabay rito at palaging kailangan pa

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 10

    NAPAKISLOT sa lamig si Tanya habang papasok ng isang grand villa kasama sa kaniyang tabi si Isidore. Muntik na siyang mawalan ng malay nang makita niya ito kanina na suot ang isang itim na tuxedo. Lalo tuloy siyang humanga sa kakaibang karismang taglay nito sa kahit ano'ng damit na suotin."Before I forgot," biglang wika ng bina

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 11

    INILIBOT ni Tanya ang paningin sa loob ng opisina ni Isidore na ngayon ay abala sa ginagawa sa harap ng monitor nito. Kanina pa siya roon pero ayaw niya kasing maabala ito sa ginagawang trabaho kaya hindi pa siya nagsasabi. Naupo siya sa couch na naroon sa may kanan niya at lihim na lamang na pinanood ang binata sa ginagawa nit

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 12

    Kabanata 12HINDI sukat akalain ni Tanya na halos bilihin na ni Isidore ang mall sa sobrang dami ng binili nitong iba't ibang gamit para sa kaniya.Sa lahat ng pinasukan nilang shop sa loob ng isang mall, maglalakad lang ito sandali at magtututuro na ng kahit ano mula sa mga iyon.Hindi niya tuloy maiwasang mailang sa mga taong napapatingin sa direksyon nila, takang-taka marahil kung bakit may mga tao sa likod na nakasunod sa kanila."You go first," biglang sabi ni Sid sa mga lalaking may bitbit ng mga pinamili. Sandaling tinapunan siya ng tingin nito. "Halika na," anito.Bumakas man ang pagtataka sa kaniya pero wala siyang ibang nagawa kung hindi sundan ito. Liban kay Moises na palaging nakasunod sa kaniya ay nanatiling nakabantay pa rin sa likod.Pumasok sila sa isang shop na makikita agad mula sa labas ng salamin niyon na harang na bilihan iyon ng ki

    Huling Na-update : 2020-09-11
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 13

    SANDALING nakatulala si Tanya matapos ang maalab na eksenang iyon sa pagitan niya at ni Isidore. Ang buong akala niya ay hindi ito titigil, pero nang magmatigas siya ay huminto rin ito. Nagpaalam ang lalaki na iiwan muna siya. Siguradong nainis ito sa kaniya lalo't ikatlong beses na iyon.Hindi niya hinayaang madala ng agos ng s

    Huling Na-update : 2020-09-13
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 14

    "YOU go first," wika ni Isidore.Napatitig si Tanya sa mukha ng lalaki na ngayon ay nasa likod lang niya. Hindi ba sila sabay papanhik sa taas?

    Huling Na-update : 2020-09-14

Pinakabagong kabanata

  • Love Over Hate – FILIPINO   Extra 1

    Extra 1BITBIT ni Tanya ang dalang lunch boxes para sa asawang si Isidore noong tanghaling iyon. Sinadya niyang magtungo sa opisina nito upang sorpresahin ang asawa na walang ideya sa kaniyang plano na pagpunta roon.Pinlano niyang mabuti ang lahat, kinasabwat niya ang matapat na tauhan ng asawa na si Moises para maisakatuparan iyon. Siguro'y iniisip ni Sid na nakalimutan o wala siyang ideya na kaarawan nito ngayong araw. Wala rin kasi itong binanggit nang magpaalam kaninang umaga upang pumasok ng trabaho. Nagulat nga siya na mukhang nakalimutan din nito ang mahalagang okasyon ng buhay nito. Kaya todo ang preparasyong ginawa niya para maging memorable ang kaarawan nito. Isinuot na rin niya ang regalo nitong dress sa kaniya na kung dati-rati ay grabe niyang isumpa iyon lalo't batid niyang ni minsan ay hindi iyon babagay sa kaniya. Isinabay na rin niya ang kuwintas na pasikreto kuno nitong isinilid noon sa kaniyang mga gamit dahil tiyak daw kasi itong hindi niya iyon tatanggapin. Totoo

  • Love Over Hate – FILIPINO   Epilogue

    Epilogue"SIGURADO ka bang sinabi ni Faustina na ang ama ko ang nag-utos na ipadala sa akin si Tanya?" mariing tanong ni Isidore sa kaibigang si Lander.Marami itong nakalap na impormasyon matapos na dakpin ng mga pulis si Faustina. Itinimbre kasi nila ito sa tulong na rin ng ilang araw nilang pagkalap ng ebidensya na siguradong magpapatagal dito sa kulungan. Lahat na yata ng kaso na maaaring ipataw ay ikinaso na rito para talagang hindi na makalabas maging makapagpiyansa ay napakaimposible na.Kung kinakailangan pa niyang magbayad ng malaki sa mga kukunin nitong abogado ay ayos lang sa kaniya upang mabulok lang ito sa kulungan.Laking pasasalamat na lang siguro niya na hindi na niya kinailangan pa si Tanya upang tumestigo sa mga kasamaang ginagawa ng kaniyang step-mom. Iyon ang tiniyak niya kaya kahit napakamapanganib ay sinuong niya.Minalas nga lang ng akala niya ay ayos na an

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 30

    Kabanata 30HINDI mapakali si Tanya sa kaniyang upuan habang hinihintay ang resulta ng operasyon kay Isidore. Natamaan daw ng bala ng baril ang kaniyang asawa sa isang engkuwentro.Wala raw kasing hawak na ebidensya ang kaniyang asawa upang ipahuli si Faustina kaya't napilitan itong nanatili sa lugar para maghanap ng puwedeng gamitin laban sa step-mom. Hindi naman ito nabigo dahil nahulihan ito ng mataas na kalibre ng baril na itinatago sa basement ng bahay nito.Pero wala na siyang pakialam pa kay Faustina, ang sa kaniya na lamang ngayon ay kung maayos na ba ang lagay ng asawa na sabi sa kaniya ay nawalan ng malay matapos na maraming dugo ang nawala.Gusto na niyang maglulumpasay ngayong wala siyang mag

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 29

    Kabanata 29NAKAABANG lang si Tanya sa kaniyang asawa na ngayon ay may kausap sa telepono. Kanina kasi naudlot ang balak nitong sabihin matapos niyang may maalala.Hindi siya sigurado pero mukhang dati na silang nagkita ni Sid. Lalo na ang pagtawa nito at pagngiti tila napakapamilyar sa kaniya.Napapitlag siya nang harapin siya nito marahil tapos na ang pakikipag-usap sa tumawag kani-kanina lang. Kung hindi siya nagkakamali si Lander iyon, medyo nag-alala lang siya nang makita ang kakaibang reaksyon ng asawa ng may mabanggit ito sa tawag at agad naman na lumayo sa kaniya."Mauna ka na muna sa loob ng bahay," wika nito. Binuksan uli nito ang pinto ng sasakyan. Lalong nadagdagan ang pag-aalala niya nang tila nagmama

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 28

    Kabanata 28SA maikling sandaling iyon na hindi umimik ang asawa ni Tanya ay nilukob ang puso niya ng matinding pag-aalala.Ngumiti rin ito. Mayamaya'y pinagsiklop ang kamay nila. "Alam mo ba

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 27

    Kabanata 27"YOU'RE glowing," puna ni Madge kay Tanya, magkasama sila ngayon sa paglilibot sa isang restaurant na pagmamay-ari nito.Nilingon niya ito sa kaniyang tabi. Nahuli niyang kanina pa ito nakamasid sa kaniya habang abala siyang libutin ng paningin ang napakagandang lugar. Ganito niya kasi ini-imagine noon ang restaurant na gusto niyang ipatayo oras na makapag-ipon siya at makapagsimulang mapalaki ang maliit na puwesto.Hindi naman mahalaga kung maging tunay na ang pangarap niya noong nagsisimula siya subalit ngayon ay sobrang excited na niyang makita ang kalalabasan ng design na binuo niya kasama si Madge. Laking gulat niya na malaman na dalawang beses itong grumaduate at may hawak na dalawang diploma, hindi lang kasi ito tapos ng restaurant management, isa rin pala itong arkitekto na lubhang hinangaan niya.Sa totoo lang, lahat naman ng nakilala niya na malalapit na kakilala ng asawa ay pawang hindi

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 26

    (If you are underage. Please skip this part.)Kabanata 26NAKATULONG ang tama ng alak sa sistema ni Tanya para hindi mag-alinlangan na tugunin ang bawat halik ni Isidore. Hindi siya tumigil n

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 25

    Kabanata 25WALANG ideya si Tanya sa sinabi ng kapatid kay Isidore kahit nang umalis na ito sa bansa. Wala rin siyang lakas ng loob upang tanungin ang asawa lalo't may malaking nagbago sa pagitan nilang dalawa.Noong una, iniisip niya baka guni-guni niya lang iyon ngunit nadagdagan ang pagdududa niya nang ilang gabi na simula nang palagi ng natutulog si Sid sa guest room. Isa marahil ang sigurado, iniiwasan siya nito matapos na may sabihin ang kapatid niya rito.Malalim na napabuga siya ng hangin. "Yes, Mrs. Lanchester? Is my subject boring?" tanong ng professor sa kaniya.Ilan lamang sila sa naturang silid noong araw na iyon. Matapos kasing umalis ng bansa ang kapatid nagsimula na rin siyang bumalik sa pag-aaral

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 24

    Kabanata 24"ARE you Sid's wife?"Agad na nilingon ni Tanya ang direksyon nang nagsalitang iyon. Bumungad sa kaniya ang tatlong babae na hindi niya matandaan kung saan niya nakita. Agad niyang napasin na nasa likod si Dra. Sui na abala na nakatutok ngayon ang buong atensyon sa hawak nitong cell phone na inaalalayan lang na makapaglakad ng maayos ng isa sa mg

DMCA.com Protection Status