BINIGYAN muna ng pamalit na damit si Tanya kaya lubos-lubos ang pasasalamat niyang maitatapon at hindi na muling makikita ang kasuklam-suklam na bodycon dress na ipinasuot sa kaniya.
Iginagaya niya ang paningin sa mga nadaraanan sa loob ng hotel hallway papuntang elevator. May ipinadala na tao sa kaniya kanina upang samaha
HANGGANG ngayon nakatingin pa rin si Tanya sa magkahawak nilang kamay ni Isidore. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito nagrereklamo sa magaspang niyang palad na mabilis dapat nitong napansin simula pa kanina nang umalis sila ng boutique.Sa liit ng bawat mga hakbang niya hindi siya makasabay rito at palaging kailangan pa
NAPAKISLOT sa lamig si Tanya habang papasok ng isang grand villa kasama sa kaniyang tabi si Isidore. Muntik na siyang mawalan ng malay nang makita niya ito kanina na suot ang isang itim na tuxedo. Lalo tuloy siyang humanga sa kakaibang karismang taglay nito sa kahit ano'ng damit na suotin."Before I forgot," biglang wika ng bina
INILIBOT ni Tanya ang paningin sa loob ng opisina ni Isidore na ngayon ay abala sa ginagawa sa harap ng monitor nito. Kanina pa siya roon pero ayaw niya kasing maabala ito sa ginagawang trabaho kaya hindi pa siya nagsasabi. Naupo siya sa couch na naroon sa may kanan niya at lihim na lamang na pinanood ang binata sa ginagawa nit
Kabanata 12HINDI sukat akalain ni Tanya na halos bilihin na ni Isidore ang mall sa sobrang dami ng binili nitong iba't ibang gamit para sa kaniya.Sa lahat ng pinasukan nilang shop sa loob ng isang mall, maglalakad lang ito sandali at magtututuro na ng kahit ano mula sa mga iyon.Hindi niya tuloy maiwasang mailang sa mga taong napapatingin sa direksyon nila, takang-taka marahil kung bakit may mga tao sa likod na nakasunod sa kanila."You go first," biglang sabi ni Sid sa mga lalaking may bitbit ng mga pinamili. Sandaling tinapunan siya ng tingin nito. "Halika na," anito.Bumakas man ang pagtataka sa kaniya pero wala siyang ibang nagawa kung hindi sundan ito. Liban kay Moises na palaging nakasunod sa kaniya ay nanatiling nakabantay pa rin sa likod.Pumasok sila sa isang shop na makikita agad mula sa labas ng salamin niyon na harang na bilihan iyon ng ki
SANDALING nakatulala si Tanya matapos ang maalab na eksenang iyon sa pagitan niya at ni Isidore. Ang buong akala niya ay hindi ito titigil, pero nang magmatigas siya ay huminto rin ito. Nagpaalam ang lalaki na iiwan muna siya. Siguradong nainis ito sa kaniya lalo't ikatlong beses na iyon.Hindi niya hinayaang madala ng agos ng s
"YOU go first," wika ni Isidore.Napatitig si Tanya sa mukha ng lalaki na ngayon ay nasa likod lang niya. Hindi ba sila sabay papanhik sa taas?
Kabanata 15"NATANGGAP ba niya?" bungad na tanong ni Isidore nang pumasok ang kaniyang sekretarya na si Reese.Tumango ito. "Yes sir," magalang na sagot nito."Good, then, what is her reaction when she opened my gift?" Inikot niya ang swivel chair upang makita ang tanawin sa likod.Kitang-kita sa labas ng kaniyang opisina ang malawak na syudad at mga gusali nagtataasan. He can't help but to admire the view while waiting for his secretary's answer."She was surprised and tried to decline." Like what he had expected.Gumuhit sa kaniyang mga labi ang isang munting ngiti. Pipi niyang hiniling na nawa'y nakita niya ang reaksyon ni Tanya nang matanggap nito ang emerald necklace na pinadala niya. Balak sana niyang personal na ibigay iyon, pero dahil tulog na ito sa tuwing umuuwi siya sa gabi ay hindi na niya nagawa.Walang araw
KANINA pang umaga masama ang pakiramdam ni Tanya. Pero dahil batid niyang kailangan na muna niyang ipagluto si Sid bago magpahinga ipinilit niya ang katawan. Medyo nahihilo na siya nang kunin niya ang isang malaking bowl sa lalagyan.Nasapo na niya ang sentido at napasandal siya sa pinakamalapit na kabinet. "Manang Gina," tawag
Extra 1BITBIT ni Tanya ang dalang lunch boxes para sa asawang si Isidore noong tanghaling iyon. Sinadya niyang magtungo sa opisina nito upang sorpresahin ang asawa na walang ideya sa kaniyang plano na pagpunta roon.Pinlano niyang mabuti ang lahat, kinasabwat niya ang matapat na tauhan ng asawa na si Moises para maisakatuparan iyon. Siguro'y iniisip ni Sid na nakalimutan o wala siyang ideya na kaarawan nito ngayong araw. Wala rin kasi itong binanggit nang magpaalam kaninang umaga upang pumasok ng trabaho. Nagulat nga siya na mukhang nakalimutan din nito ang mahalagang okasyon ng buhay nito. Kaya todo ang preparasyong ginawa niya para maging memorable ang kaarawan nito. Isinuot na rin niya ang regalo nitong dress sa kaniya na kung dati-rati ay grabe niyang isumpa iyon lalo't batid niyang ni minsan ay hindi iyon babagay sa kaniya. Isinabay na rin niya ang kuwintas na pasikreto kuno nitong isinilid noon sa kaniyang mga gamit dahil tiyak daw kasi itong hindi niya iyon tatanggapin. Totoo
Epilogue"SIGURADO ka bang sinabi ni Faustina na ang ama ko ang nag-utos na ipadala sa akin si Tanya?" mariing tanong ni Isidore sa kaibigang si Lander.Marami itong nakalap na impormasyon matapos na dakpin ng mga pulis si Faustina. Itinimbre kasi nila ito sa tulong na rin ng ilang araw nilang pagkalap ng ebidensya na siguradong magpapatagal dito sa kulungan. Lahat na yata ng kaso na maaaring ipataw ay ikinaso na rito para talagang hindi na makalabas maging makapagpiyansa ay napakaimposible na.Kung kinakailangan pa niyang magbayad ng malaki sa mga kukunin nitong abogado ay ayos lang sa kaniya upang mabulok lang ito sa kulungan.Laking pasasalamat na lang siguro niya na hindi na niya kinailangan pa si Tanya upang tumestigo sa mga kasamaang ginagawa ng kaniyang step-mom. Iyon ang tiniyak niya kaya kahit napakamapanganib ay sinuong niya.Minalas nga lang ng akala niya ay ayos na an
Kabanata 30HINDI mapakali si Tanya sa kaniyang upuan habang hinihintay ang resulta ng operasyon kay Isidore. Natamaan daw ng bala ng baril ang kaniyang asawa sa isang engkuwentro.Wala raw kasing hawak na ebidensya ang kaniyang asawa upang ipahuli si Faustina kaya't napilitan itong nanatili sa lugar para maghanap ng puwedeng gamitin laban sa step-mom. Hindi naman ito nabigo dahil nahulihan ito ng mataas na kalibre ng baril na itinatago sa basement ng bahay nito.Pero wala na siyang pakialam pa kay Faustina, ang sa kaniya na lamang ngayon ay kung maayos na ba ang lagay ng asawa na sabi sa kaniya ay nawalan ng malay matapos na maraming dugo ang nawala.Gusto na niyang maglulumpasay ngayong wala siyang mag
Kabanata 29NAKAABANG lang si Tanya sa kaniyang asawa na ngayon ay may kausap sa telepono. Kanina kasi naudlot ang balak nitong sabihin matapos niyang may maalala.Hindi siya sigurado pero mukhang dati na silang nagkita ni Sid. Lalo na ang pagtawa nito at pagngiti tila napakapamilyar sa kaniya.Napapitlag siya nang harapin siya nito marahil tapos na ang pakikipag-usap sa tumawag kani-kanina lang. Kung hindi siya nagkakamali si Lander iyon, medyo nag-alala lang siya nang makita ang kakaibang reaksyon ng asawa ng may mabanggit ito sa tawag at agad naman na lumayo sa kaniya."Mauna ka na muna sa loob ng bahay," wika nito. Binuksan uli nito ang pinto ng sasakyan. Lalong nadagdagan ang pag-aalala niya nang tila nagmama
Kabanata 28SA maikling sandaling iyon na hindi umimik ang asawa ni Tanya ay nilukob ang puso niya ng matinding pag-aalala.Ngumiti rin ito. Mayamaya'y pinagsiklop ang kamay nila. "Alam mo ba
Kabanata 27"YOU'RE glowing," puna ni Madge kay Tanya, magkasama sila ngayon sa paglilibot sa isang restaurant na pagmamay-ari nito.Nilingon niya ito sa kaniyang tabi. Nahuli niyang kanina pa ito nakamasid sa kaniya habang abala siyang libutin ng paningin ang napakagandang lugar. Ganito niya kasi ini-imagine noon ang restaurant na gusto niyang ipatayo oras na makapag-ipon siya at makapagsimulang mapalaki ang maliit na puwesto.Hindi naman mahalaga kung maging tunay na ang pangarap niya noong nagsisimula siya subalit ngayon ay sobrang excited na niyang makita ang kalalabasan ng design na binuo niya kasama si Madge. Laking gulat niya na malaman na dalawang beses itong grumaduate at may hawak na dalawang diploma, hindi lang kasi ito tapos ng restaurant management, isa rin pala itong arkitekto na lubhang hinangaan niya.Sa totoo lang, lahat naman ng nakilala niya na malalapit na kakilala ng asawa ay pawang hindi
(If you are underage. Please skip this part.)Kabanata 26NAKATULONG ang tama ng alak sa sistema ni Tanya para hindi mag-alinlangan na tugunin ang bawat halik ni Isidore. Hindi siya tumigil n
Kabanata 25WALANG ideya si Tanya sa sinabi ng kapatid kay Isidore kahit nang umalis na ito sa bansa. Wala rin siyang lakas ng loob upang tanungin ang asawa lalo't may malaking nagbago sa pagitan nilang dalawa.Noong una, iniisip niya baka guni-guni niya lang iyon ngunit nadagdagan ang pagdududa niya nang ilang gabi na simula nang palagi ng natutulog si Sid sa guest room. Isa marahil ang sigurado, iniiwasan siya nito matapos na may sabihin ang kapatid niya rito.Malalim na napabuga siya ng hangin. "Yes, Mrs. Lanchester? Is my subject boring?" tanong ng professor sa kaniya.Ilan lamang sila sa naturang silid noong araw na iyon. Matapos kasing umalis ng bansa ang kapatid nagsimula na rin siyang bumalik sa pag-aaral
Kabanata 24"ARE you Sid's wife?"Agad na nilingon ni Tanya ang direksyon nang nagsalitang iyon. Bumungad sa kaniya ang tatlong babae na hindi niya matandaan kung saan niya nakita. Agad niyang napasin na nasa likod si Dra. Sui na abala na nakatutok ngayon ang buong atensyon sa hawak nitong cell phone na inaalalayan lang na makapaglakad ng maayos ng isa sa mg