Share

Kabanata 2

last update Huling Na-update: 2020-09-08 14:40:31

"KUMUSTA na raw po si Miko?" bungad na tanong ni Anne kay Tanya pagdating nito sa ospital na pinagdalhan sa kapatid.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maitago ang takot at panginginig ng mga kamay. Hindi niya magawang umiyak dahil baka makita siya ng kapatid na pinanghihinaan ng loob. 

Mabuti na lang at mabilis siyang nakahingi ng tulong kanina kaya agad nadala ang kapatid niya sa pinakamalapit na ospital. 

Kasalukuyang inaasikaso ang kapatid sa loob, ayaw niya ring makita ang hitsura nito dahil natatakot siya. Para bang sirang plaka na paulit-ulit na lang ang mga nasasaksihan niyang nangyayari sa kaniyang pamilya.

Ganitong-ganito rin nang isugod nila noon ang ina sa ospital subalit huli na at agad din itong binawian ng buhay dahil sa sakit. Ang sumunod nama'y ang ama niyang namatay apat na taon na ang nakararaan, biktima ito ng hit and run. Kung naging madali lang sa kaniya na lumuwas mula rito hanggang Manila baka nakita pa niya ang ama na buhay. Pero wala siyang ganoong pera kaya nagkasya na lang siyang hintayin ang balita kung okay na ba ito. Ngunit tila pinagsakloban siya ng langit at lupa dahil imbes na magandang balita, isang envelope ang kaniyang natanggap na naglalaman ng death certificate at ilan pang papeles sa ama.

Naiyukom niya ang mga kamay at nakagat ang ibabang labi. Pakiramdam niya ano mang oras ay bibigay na ang sarili niya. Impit na nais niyang umiyak pero wala ng lugar para malungkot siya. Lahat ng iyon ay tapos na, ang kailangan na lang niya ngayon isipin ay ang kapatid na si Miko.

Sabay pa silang napatayo ni Anne nang lumabas ang isang doktor mula sa silid kung saan naroon ang kapatid. Nilakasan niya ang loob na huwag iiyak o magpapakita ng kahinaan.

"Are you his sister?" bungad na tanong ng doktor at nagtanggal ng suot na face mask.

Tumango siya. "Opo, kapatid niya po ako," agad niyang sagot.

"Your brother has leukemia. Kailangan na niyang sumailalim sa lalong madaling panahon ng bone marrow transplant," anito.

Leukemia? Kung hindi siya nagkakamali may ganoon din ang kaniyang ina subalit inilihim nito kaya nalaman lang nila noong lumabas ang resulta ng pagkamatay nito.

Naglihim ba sa kaniya si Miko?

Mariing napapikit siya. Wala na siyang oras para isipin pa ang mga bagay na iyon.

Hindi na siya umimik nang iginaya siya ng isang nurse at kuhanan ng iba't ibang impormasyon tungkol sa kaniya. Ni hindi niya naramdaman ang pagtusok ng karayom sa kaniya, namanhid na ang buong katawan niya. 

***

"ATE Tanya," narinig niyang tawag sa kaniya ni Anne.

Huminto siya sa paglalakad hawak ang ibinigay sa kaniyang hospital bill. Hindi pa niya iyon nakikita dahil pabalik na sana siya sa labas ng silid ng kapatid.

"Bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo?" tanong niya kay Anne. Naiwan niya ito kanina matapos siyang sumama sa isang nurse.

"Ate naman, alam kong kailangan mo ako ngayon. Tinawagan ko na si Dan na hindi ako makakauwi ng bahay."

"Nakauwi na ang mag-ama mo?"

"Opo, kanina lang. At saka napainom ko na rin si Angelo ng gatas at naipagtabi kung sakaling magutom siya habang wala ako."

Naupo siya sa tabi nito. Wala siyang ideya kung ano'ng oras na ngunit kahit papaano ay natutuwa siya sa simpleng effort ng kaibigan. "Salamat Ane," mahinang usal niya.

Naramdaman niya ang pag-alo ng kaibigan sa kaniyang likod. "Ano ka ba naman Ate Tanya, sabi ko naman sa inyo nandito lang ako."

Tumango-tango siya. Saka niya naalala ang hawak pa ring papel na hanggang ngayon ay hindi pa tinitingnan. 

Nanginig ng buong katawan niya nang makita ang hospital bill para sa ngayong araw pa lang at hindi pa ginagawa ang transplant na sinabi kanina ng doktor. 

Rinig na rinig niya ang malalim na pagsinghap ni Anne sa kaniyang tabi. Nagsimulang mangilid ang mga luha nito. "Ate!" 

Kahit siya ay gusto na ring maiyak pero walang maitutulong ang pagiging negatibo niya. "Ayos lang, makakahanap din ako ng pera bukas."

"Ate, saan niyo naman po kukunin ang ganiyang kalaking halaga ng pera?!" 

Hindi rin niya alam. 

Mapait na napangiti siya at sandaling sinulyapan ang kapatid sa loob ng intensive care unit na ngayon ay wala pa ring malay. 

Ipinapangako niya sa sariling hinding-hindi siya iiyak ano man ang mangyari. Magiging malakas siya para sa kapatid. 

Batid niyang hindi siya puwedeng manatili pa roon, kailangan niyang makahanap agad ng pera.

***

HINDI na nagawang matulog ni Tanya nang makauwi siya kasama si Anne. Pero hindi rin nagtagal ang kaibigan matapos magkape ay nagpaalam na rin ito sa kaniya.

Sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Habang tumatagal na hindi agad siya nakahahanap ng pera ay batid niyang nalalagay sa panganib ang buhay ng kapatid.

Bagsak pareho ang balikat niya nang lumabas ng pawnshop at isanla ang mga naiwang kwintas at singsing ng mga magulang. Laking dismaya niya ng malamang maliit lamang ang halaga ng mga iyon. Mas malaki pa ang pera na naitabi niya sa tuwing kumikita ang karinderya niya.

Malalim na napabuntong-hininga siya. Marami pa siyang dalang maibebenta kaya hindi siya dapat panghinaan ng loob. Nasa loob ng backpack niya ang laptop na binili para sa kapatid ngunit aanhin naman niya iyon kung mas higit na kailangan ng kapatid ang pera. Bibili na lang siya ng bago kapag nakaipon muli at nakalabas na ng ospital ito.

Pauwi na siya nang makita sa labas ng bahay ang kapitbahay na si Harold. "Mabuti at nakauwi ka na Tanya," bungad na sabi nito sa kaniya. Mayamaya ay may inabot itong dalawang libo. "Heto nga pala ang bayad sa TV," anito.

Bahagyang napangiti siya. "Salamat talaga Harold," aniya.

"Naku, Tanya. Hindi ko naman talaga tatanggapin iyon kung hindi lang din nangulit si Inang na gusto niya ng TV sa kaniyang maliit na tindahan," malungkot na amin nito.

"Okay lang, ano ka ba? At saka hindi naman din akong mahilig manood at maging si Miko."

Lalong bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha ng kaibigan. "Pasensya na talaga kung hindi kita matutulungan, gipit din kami ngayon."

Kailan lamang nang makilala niya ito na kaibigan at nakatatandang kapatid ng kaklase ni Miko. Natutuwa na siyang malaman na sinubukan nitong makatulong sa kaniya.

Nagpaalam din ang binatang uuwi na kaya nagpasya siyang pumasok na ng bahay. Tulad ng inaasahan niya hindi naging sapat ang lahat ng pera. Ni hindi man lang iyon mababayaran ang unang araw na bill nila sa ospital.

Nagsimulang mangilid ang luha niya ngunit agad niyang pinunasan iyon gamit ang likod ng kamay.

"Ano ba Tanya?! Wala kang oras umiyak!" saway niya sa sarili.

Nang balak na niyang ilagay sa loob ng isang maliit na bag ang pera saka naman niya narinig ang yabag ng mga paa na pumasok ng kaniyang bahay. 

"Ate Tanya!" sigaw ni Anne habang hinihingal pa itong lumapit sa kaniya.

Nag-aalalang tiningnan niya ang tumutulo pa nitong pawis marahil sa pagtakbo patungo sa kaniyang bahay.

"Bakit?" pagtataka niyang tanong.

"Narinig ko kay Tatay na nagtatrabaho ngayon sa malaking mansyon sa kabayanan na puwede raw mangutang ng pera sa matandang senyora na nakatira roon," wika nito.

Kumunot naman ang noo niya. "Sigurado ka ba?"

"Oo, hindi ako gumagawa lang ng kuwento. Narinig ko sina Tatay kanina na nag-uusap tungkol sa kakilala niyang nangutang ng kalahating milyon at hindi man lang daw nag-alinlangan ang senyora na pautangin 'yon!"

Hindi niya maiwasang kutoban sa mga naririnig. May tao pa bang magpapautang ng ganoong kalaking pera sa isang simpleng nagtatrabaho lang dito?

"Naku, Ane. ‘Wag na, at saka hindi ko rin naman kilala 'yong tinutukoy mo malay ko ba ano ang ugali niyon."

"Ate naman, hindi ba't kailangan mo ng pera? Sasamahan kita. Hindi naman ito para sa atin, para naman iyon kay Miko. Maaatim mo bang paghintayin siya sa ospital?"

Gusto niya tuloy kaltukan si Anne sa mga sinasabi nito. Pakiramdam niya sinasabihan siya nitong mataas ang pride niya kaya ayaw iyon gawin. Hindi naman iyon dahil doon, natatakot lang siyang baka hindi makapagbayad lalo't hindi biro ang halagang kailangan niya at uutangin sa senyora.

Iniwan din siya agad ng kaibigan matapos itong makatanggap ng text sa asawang na gutom na ang anak nito.

Saka niya naalala ang sinabi sa kaniya ng kaibigan. Hindi naman para sa kaniya ang pera kung hindi sa kay Miko, ayaw niyang oras na magising ito ay agad bubungad ang malaking bayarin sa ospital.

***

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
sabi na eh maysakit si miko kaya sya may mga pasa sa buong katawan nia
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 3

    BAHAGYANG madilim na nang magdesisyon si Tanya na tunguhin ang mansyon umano ng senyora na tinutukoy ng kaibigan.Batid niya sa sariling balot ng takot ang buong sarili, pero hindi niyon kayang pigilan

    Huling Na-update : 2020-09-08
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 4

    ITINABI muna ni Tanya ang sobre kung saan niya inilagay ang naipon niyang fifty thousand pesos. Kung tutuusin, napakalaking halaga na niyon at maaari na siyang makapagbukas ng mas malaking puwesto para sa kaniyang karinderya. Kaya lang nangako siya na magbabayad at iyon sana muna ang kaniyang paunang hulog dahil kahit sa ano'ng hinuha niya imposibleng mabayaran ang kalahating milyon ng isang tulad niya.

    Huling Na-update : 2020-09-08
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 5

    NAPAKALAKAS ng kabog ng puso ni Tanya habang lulan siya ng isang itim na van kasama ang dalawang lalaking balak sana siyang patayin kanina. Hanggang ngayon namamawis pa rin ang kamay niyang itinakip sa slit ng suot.Dahil din sa matinding sakit ng buong katawan wala siyang ibang nagawa kung hindi isandal kahit sandali ang sarili

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 6

    SINILIP ni Tanya ang nangyayari sa loob ng silid kung saan pumasok ang dalawang sinundan na babae. Ang buong akala niya ay tulad ng inaasahan ang nasa loob niyon tulad ng mga naunang kuwarto na nakita kanina.Napalagok siya ng laway. Magkagayonman, hindi pa rin niyon maiaalis ang takot sa puso niya at sa buong pagkatao.

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 7

    UNTI-unting nagdilat ng mata si Tanya, pero imbes na matigas at sa malamig na sahig niya matatagpuan ang sarili. Pakiramdam niya ngayon ay nakahiga siya sa mga alapaap sa lambot ng pinaglalagyan ng kaniyang katawan. Marahil nasa langit na siya ngayon at makakapiling na ang mga magulang.Ipinatong niya ang braso sa noo. Nagsimula

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 8

    BINIGYAN muna ng pamalit na damit si Tanya kaya lubos-lubos ang pasasalamat niyang maitatapon at hindi na muling makikita ang kasuklam-suklam na bodycon dress na ipinasuot sa kaniya.Iginagaya niya ang paningin sa mga nadaraanan sa loob ng hotel hallway papuntang elevator. May ipinadala na tao sa kaniya kanina upang samaha

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 9

    HANGGANG ngayon nakatingin pa rin si Tanya sa magkahawak nilang kamay ni Isidore. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito nagrereklamo sa magaspang niyang palad na mabilis dapat nitong napansin simula pa kanina nang umalis sila ng boutique.Sa liit ng bawat mga hakbang niya hindi siya makasabay rito at palaging kailangan pa

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 10

    NAPAKISLOT sa lamig si Tanya habang papasok ng isang grand villa kasama sa kaniyang tabi si Isidore. Muntik na siyang mawalan ng malay nang makita niya ito kanina na suot ang isang itim na tuxedo. Lalo tuloy siyang humanga sa kakaibang karismang taglay nito sa kahit ano'ng damit na suotin."Before I forgot," biglang wika ng bina

    Huling Na-update : 2020-09-09

Pinakabagong kabanata

  • Love Over Hate – FILIPINO   Extra 1

    Extra 1BITBIT ni Tanya ang dalang lunch boxes para sa asawang si Isidore noong tanghaling iyon. Sinadya niyang magtungo sa opisina nito upang sorpresahin ang asawa na walang ideya sa kaniyang plano na pagpunta roon.Pinlano niyang mabuti ang lahat, kinasabwat niya ang matapat na tauhan ng asawa na si Moises para maisakatuparan iyon. Siguro'y iniisip ni Sid na nakalimutan o wala siyang ideya na kaarawan nito ngayong araw. Wala rin kasi itong binanggit nang magpaalam kaninang umaga upang pumasok ng trabaho. Nagulat nga siya na mukhang nakalimutan din nito ang mahalagang okasyon ng buhay nito. Kaya todo ang preparasyong ginawa niya para maging memorable ang kaarawan nito. Isinuot na rin niya ang regalo nitong dress sa kaniya na kung dati-rati ay grabe niyang isumpa iyon lalo't batid niyang ni minsan ay hindi iyon babagay sa kaniya. Isinabay na rin niya ang kuwintas na pasikreto kuno nitong isinilid noon sa kaniyang mga gamit dahil tiyak daw kasi itong hindi niya iyon tatanggapin. Totoo

  • Love Over Hate – FILIPINO   Epilogue

    Epilogue"SIGURADO ka bang sinabi ni Faustina na ang ama ko ang nag-utos na ipadala sa akin si Tanya?" mariing tanong ni Isidore sa kaibigang si Lander.Marami itong nakalap na impormasyon matapos na dakpin ng mga pulis si Faustina. Itinimbre kasi nila ito sa tulong na rin ng ilang araw nilang pagkalap ng ebidensya na siguradong magpapatagal dito sa kulungan. Lahat na yata ng kaso na maaaring ipataw ay ikinaso na rito para talagang hindi na makalabas maging makapagpiyansa ay napakaimposible na.Kung kinakailangan pa niyang magbayad ng malaki sa mga kukunin nitong abogado ay ayos lang sa kaniya upang mabulok lang ito sa kulungan.Laking pasasalamat na lang siguro niya na hindi na niya kinailangan pa si Tanya upang tumestigo sa mga kasamaang ginagawa ng kaniyang step-mom. Iyon ang tiniyak niya kaya kahit napakamapanganib ay sinuong niya.Minalas nga lang ng akala niya ay ayos na an

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 30

    Kabanata 30HINDI mapakali si Tanya sa kaniyang upuan habang hinihintay ang resulta ng operasyon kay Isidore. Natamaan daw ng bala ng baril ang kaniyang asawa sa isang engkuwentro.Wala raw kasing hawak na ebidensya ang kaniyang asawa upang ipahuli si Faustina kaya't napilitan itong nanatili sa lugar para maghanap ng puwedeng gamitin laban sa step-mom. Hindi naman ito nabigo dahil nahulihan ito ng mataas na kalibre ng baril na itinatago sa basement ng bahay nito.Pero wala na siyang pakialam pa kay Faustina, ang sa kaniya na lamang ngayon ay kung maayos na ba ang lagay ng asawa na sabi sa kaniya ay nawalan ng malay matapos na maraming dugo ang nawala.Gusto na niyang maglulumpasay ngayong wala siyang mag

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 29

    Kabanata 29NAKAABANG lang si Tanya sa kaniyang asawa na ngayon ay may kausap sa telepono. Kanina kasi naudlot ang balak nitong sabihin matapos niyang may maalala.Hindi siya sigurado pero mukhang dati na silang nagkita ni Sid. Lalo na ang pagtawa nito at pagngiti tila napakapamilyar sa kaniya.Napapitlag siya nang harapin siya nito marahil tapos na ang pakikipag-usap sa tumawag kani-kanina lang. Kung hindi siya nagkakamali si Lander iyon, medyo nag-alala lang siya nang makita ang kakaibang reaksyon ng asawa ng may mabanggit ito sa tawag at agad naman na lumayo sa kaniya."Mauna ka na muna sa loob ng bahay," wika nito. Binuksan uli nito ang pinto ng sasakyan. Lalong nadagdagan ang pag-aalala niya nang tila nagmama

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 28

    Kabanata 28SA maikling sandaling iyon na hindi umimik ang asawa ni Tanya ay nilukob ang puso niya ng matinding pag-aalala.Ngumiti rin ito. Mayamaya'y pinagsiklop ang kamay nila. "Alam mo ba

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 27

    Kabanata 27"YOU'RE glowing," puna ni Madge kay Tanya, magkasama sila ngayon sa paglilibot sa isang restaurant na pagmamay-ari nito.Nilingon niya ito sa kaniyang tabi. Nahuli niyang kanina pa ito nakamasid sa kaniya habang abala siyang libutin ng paningin ang napakagandang lugar. Ganito niya kasi ini-imagine noon ang restaurant na gusto niyang ipatayo oras na makapag-ipon siya at makapagsimulang mapalaki ang maliit na puwesto.Hindi naman mahalaga kung maging tunay na ang pangarap niya noong nagsisimula siya subalit ngayon ay sobrang excited na niyang makita ang kalalabasan ng design na binuo niya kasama si Madge. Laking gulat niya na malaman na dalawang beses itong grumaduate at may hawak na dalawang diploma, hindi lang kasi ito tapos ng restaurant management, isa rin pala itong arkitekto na lubhang hinangaan niya.Sa totoo lang, lahat naman ng nakilala niya na malalapit na kakilala ng asawa ay pawang hindi

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 26

    (If you are underage. Please skip this part.)Kabanata 26NAKATULONG ang tama ng alak sa sistema ni Tanya para hindi mag-alinlangan na tugunin ang bawat halik ni Isidore. Hindi siya tumigil n

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 25

    Kabanata 25WALANG ideya si Tanya sa sinabi ng kapatid kay Isidore kahit nang umalis na ito sa bansa. Wala rin siyang lakas ng loob upang tanungin ang asawa lalo't may malaking nagbago sa pagitan nilang dalawa.Noong una, iniisip niya baka guni-guni niya lang iyon ngunit nadagdagan ang pagdududa niya nang ilang gabi na simula nang palagi ng natutulog si Sid sa guest room. Isa marahil ang sigurado, iniiwasan siya nito matapos na may sabihin ang kapatid niya rito.Malalim na napabuga siya ng hangin. "Yes, Mrs. Lanchester? Is my subject boring?" tanong ng professor sa kaniya.Ilan lamang sila sa naturang silid noong araw na iyon. Matapos kasing umalis ng bansa ang kapatid nagsimula na rin siyang bumalik sa pag-aaral

  • Love Over Hate – FILIPINO   Kabanata 24

    Kabanata 24"ARE you Sid's wife?"Agad na nilingon ni Tanya ang direksyon nang nagsalitang iyon. Bumungad sa kaniya ang tatlong babae na hindi niya matandaan kung saan niya nakita. Agad niyang napasin na nasa likod si Dra. Sui na abala na nakatutok ngayon ang buong atensyon sa hawak nitong cell phone na inaalalayan lang na makapaglakad ng maayos ng isa sa mg

DMCA.com Protection Status