Mr. Black
Tulala kong pinagmamasdan ang mga sasakyan na nagsisiksikan para lang mapabilis ang kanilang biyahe upang makauwi ng maaga sa kani-kanilang pamilya. Dumadaan lamang ang kanilang mga imahe sa aking mata.
Napangiti ako ng mapakla.
Pamilya? Ano nga ba ang ibig sabihin ng pamilya?
Pamilya na kung ituring ka ay para ka lang hangin?
O pamilya na dapat respetuhin mo kahit ilang beses ka nilang saktan at pinakitaan ka na para bang hindi ka parte nito?
O baka pamilya na mahal ka lang kung kailangan ka nila at kapag wala ka nang halaga'y ididispatsya ka na lang kasi... Wala ka nang pakinabang?
O nagkukunwaring pamilya pero hindi naman talaga?
"Once you meet Mr. Black, watch out for your words. Do not provoke him if you still want to live. You don’t have the privilege to talk back to him just because he favors you,” he warned me and paused, "Mr. Black is a cold blooded man. If I were you, I'd stop being stubborn and just do your job as a contract wife. Don't blame me that I didn't warn you if something bad happened to you in the future because of your shits," he added in a plain tone. I didn’t look at him nor listen to him.
Binaliwala ko lang siya at pinanood ko ang mga tao at mga sasakyan sa labas ng bintana. Kanina pa kami bumabyahe at kung 'di ako nagkakamali ay pasado alas sais na ng hapon. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ngunit hinayaan ko na lang ang lahat.
Kulay kahel na ang kalangitan, hudyat na oras na para lumubog ang haring araw. Makukulay na rin ang bawat gusali at mga sasakyan. Ang karamihan ay bukas na ang mga ilaw na siyang mas nagbigay buhay sa mga ito.
Maingay, magulo, siksikan, at maraming naglalako sa pali-paligid upang kumita ng pera para lamang may ipangkain sa kanilang pamilya. Ang lahat ay ginagawa ang lahat upang itaguyod ang mga mahal nila sa buhay.
Tila ba ang sarap mamuhay kahit ganyan lang ka simple ang kanilang buhay. Kapos man ngunit masaya sila sa kanilang ginagawa. Nakakainggit ang mga ito. Siguro ay kay tibay ng kanilang samahan.
Isinandal ko ang ulo sa bintana at pumikit. Gustuhin ko man itulog na lang lahat ng bumabagabag sa akin at pilit iniwawaksi ang kirot sa aking puso. Hindi pa rin talaga ako lubos akalain na magagawa nila ito sa akin.
Umaasa ako na sana ay isa lang itong bangungot at bumalik sa normal ang lahat.
Pero hindi— Dahil tumigil ang sinasakyan naming BMW sa tapat ng matayog na gusali na ang pangalan ay Tsukasa Diablo Hotel. Pinagmasdan ko ito at nakitang may naka-ukit na Japanese word. Nakasulat ito sa malalaking letra at kitang-kita ito kahit pa sa malayo. Nasa baba nito ang kahulugan ng mga letra. Wala iba kung hindi ang salitang hotel.
"We're here," anito at bumaba na noong pagbuksan siya ng pinto ng katulad nitong nakasuot ng itim. Ang ilan rito ay nakatoka sa main entrance sa labas ng lobby. Pumunta na rin ang ilan sa kanilang mga posisyon.
Pinagbuksan din ako ng pinto kaya wala na akong nagawa kung 'di ang bumaba. Yung tatlong sasakyan na nakasunod sa amin kanina'y nag-sibabaan na rin bago pumalibot dito sa labas ng hotel. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang mukhang prestihiyoso ang hotel na ito.
Hindi na ako magtataka na bigaten si Mr. Black. Pangalan niya pa lang pati ang hotel na ito ay alam ko nang hindi ito mabuting tao. Sigurado ay isa itong business tycoon at maraming kapit maging kakilala. Baka marami ring tao ang takot sa kanya.
Kung mabuti siyang tao, hindi dapat ako sapilitang kinuha at ipinangbayad sa utang ni papa. Dapat inisip muna niya ang mararamdaman ko bago siya nagdesisyon ngunit hindi. Pare-parehas silang isinawalang bahala ang nararamdaman ko.
O… Baka ako yung nagkakamali, sapagkat hindi ako ang hinahanap kung ‘di ang ate kong si Davina? Hindi ko alam. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Hanggang ngayon ay litong-lito pa rin kasi ako.
And if ever that’s true, I don’t have any idea as to why he needs Davina as his contract wife. For what? To make her his trophy or just to fulfill his desire? I don’t know. All I know is that he is sick and evil.
Umalis na ang sasakyan na sinakyan namin papunta rito. Sumunod na naman ang limang nakaitim na siyang nakasunod sa amin sa buong byahe. "Kindly proceed, Ms. Davina," iminuwestra niya ang kanyang kamay patungo sa pinto ng main entrance.
Tahimik lamang ako at hindi na ako nagtanong pa. Sinunod ko na lamang ang gusto niyang mangyari at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan ng hotel. Noong lumakad ako ay sumunod din siya kasama ang lima pang men in black. Sinulyapan ko sila at nakitang para silang mga robot na hindi man lamang marunong ngumiti. Blangko ang mga mukha nito at walang emosyon. Seryoso ang kanilang ekspresyon at walang imik. Samantalang ito namang nasa aking gilid ay nagsimulang kumalikot sa kanyang iPhone.
Yumuyuko ang bawat staff ng hotel na aming nadadaanan. Tumitigil sila sa kanilang ginagawang trabaho upang batiin ang taong nasa gilid ko. Siguro ay respetado rin itong tao.
Hindi tuloy ako mapalagay. Isa pa ay ang garbo ng hotel na ito pati. Makikita mo rin na sobrang galante ang mga tao rito at may narating sa buhay. Wala kang maipipintas sa kanila. Napakaganda ng loob ng hotel at maraming mamahaling bagay ang nasa loob nito.
Pinindot ng isang men in black na kasama namin ang button up ng elevator. VIP USE ang nakaukit kaya halos hindi inabot ng segundo bago magbukas ang pinto ng elevator. Naglikha ito ng mahinang tunog na siyang bumasag sa katahimikan.
"I'm sure you are familiar with this place," pag-papaalala nito sa akin nang magsara ang pinto ng elevator. Pumasok din ang limang nagbabantay sa akin. Akala 'ata nila ay may balak akong tumakas.
Tinanguan ko siya dahil naalala ko ay dinala ni papa si ate rito para sa trabaho. Ngunit sino ang mag-aakala na ibinenta niya si Davina kapalit ang pera. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Ngayon ay napagtanto kong si Davina ang ginawa niyang bayad utang. Kahit pa sabihin natin na isa lamang iyong utang ay katumbas na din ito ng pagbebenta kay Davina sa demonyo. Hindi ko alam kung bakit pumayag si papa at ayokong isipin na planado ito. Pilit ko na lamang inalis sa isip ko ang mga ito.
"Huwag mong kalimutan ang babala ko sa 'yo. Dahil walang magliligtas sa 'yo kung ginalit mo si Mr. Tsukasa," sabi nito sa akin habang diretso ang tingin sa harap.
Nilingon ko siya dahil sa binanggit niyang pangalan o apelyido. Medyo kumunot ang noo ko dahil dito.
"Tsukasa?" patanong kong aniya.
"Yes. Mr. Black is a half Japanese and has a really bad temper. One wrong move and your head will surely be detached from your body. In short, just a snap from his finger can make a certain person lose his life, " he explained and is probably trying to scare the hell out of me.
Napasandal ako bigla sa gilid ko't mahigpit na humawak sa hawakan ng sinasakyan namin ngayong elevator. Bigla akong kinain ng takot na baka malaman niyang nilinlang sila ni papa na akala nila na ako si Davina. Malamang ay dito na rin matatapos ang buhay ko kapag nalaman nila ang sikretong iyon.
Katulad ng aking kinatatakutan noong umpisa ay nalaman kong planado nga ang lahat. Noong araw na sinabihan niya akong kailangan kong gayahin si ate maging ang lahat ng kanyang mga galaw, pananamit, at ang pagiging kilos babae nito ay doon na nga nagsimula ang kanyang plano. Parang inihahanda niya ako sa pagdating ng araw na ito. Pinagpalit niya rin kami ni ate upang maisakatuparan ang lahat ng mga plano niya. Hindi ako makapaniwala.
Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Kung bakit tila ba nagbago si papa at laging pinapaalala sa akin na mahal na mahal niya ako. Siguro ay nakokonsensya siya sa lahat ng ginagawa niya. Nakakatawa.
Kaya pala parang sobrang nagsisi siya sa hindi ko malaman na kung anong rason. Ito rin pala ang dahilan kung bakit gusto niyang gayahin ko ang kapatid ko at kung bakit magkaparehong damit ang binibili niya para sa amin. Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Napagtagpi-tagpi ko na ang lahat ng mga pangyayari.
My mother wants me to hide everything about me but my father said otherwise. He wants me reveal my identity.
It's like Mama doesn't want me to get hurt and Papa wants me to face it.
But still, I don't get it. What exactly do they want me to do?
Hanggang kailan ko ba dapat sila paglingkuran?
Hanggang kailan ako dapat magbayad ng utang ng loob na dahil sa kanila ay buhay ako.
Hanggang kailan ko dapat pagbayaran ang pagkamatay ni mama?
Hanggang kailan ko dapat protektahan si Davina para sa kanila?
Paano ako?
Gusto ko lang naman na kahit kaunti o kakarampot ay sumagi rin naman sa kanilang isipan na kailangan ko sila. Na hindi lang ang kapatid ko ang nangangailangan sa kanila sa lahat ng oras. Na may damdamin din naman ako at nasasaktan.
But then, I have to repay everything they have done to me with my own life. I just hope that in my next life, I don’t owe them this anything anymore.
Napatingin ako sa pinto ng elevator nang bumukas na ito. Ikatlong palapag kung saan bumakas ang elevator. Katulad kanina ay tahimik lamang ako.
Naunang lumabas ang limang bantay. Hinawakan ng lalaking katabi ko ang braso ko at hinila palabas ng elevator. Nagulat ako dahil maski rito ay may reception katulad sa ground floor. Nakakalat din ang mga men in black sa palapag na ito at may tatlong babae at tatlong lalaki na nakapwesto sa front desk. Nakasuot din sila ng uniporme katulad sa mga nasa baba kanina.
"Good evening, Mr. Rodriguez," bati sa kanya ng babae na mukhang flight attendant sa suot niyang itim na uniporme. Mayroon itong maliit na sombrero at scarf sa leeg. Nagmukha siyang flight attendant. Nagsimula akong ilibot ang tingin sa buong palapag. May mga ibang kwarto pa rito ngunit mukhang pribado rin ang mga ito.
"Did the Boss arrive?" tanong niya at chineck ang relo niyang mamahaling na Rolex at mukhang limited edition pa ito. Ibang klase din pala ang lalaking ito.
"Yes. He's actually waiting for you inside," malambot na boses tugon ng babae at matamis na ngumiti. Mukhang sanay na sanay na ito sa kanyang trabaho.
"Alright," responde niya at hinila na ako patungo sa isang kwarto. Hindi naman ito nalalayo sa kung nasaan ang reception. May dalawang naglalakihan ang katawan ang siyang nakabantay sa magkabilang bahagi ng pinto na nakasuot din ng itim. Katulad ng iba ay wala ring emosyon ang mga ito.
Binuksan noong lalaking nasa kanan ang pinto nang makalapit kami sa tapat nito. Sa pintuan pa lang ay mahahalata mong VIP ang nasa loob nito. Mas magarbo kasi ito kumpara sa iba.
Kumalabog ang dibdib ko't nakaramdam ng panginginig sa tuhod. Nagsimula akong makaramdam ng takot at kaba. Gusto ko mang tumakas pero masyado silang marami at malalakas para takasan sila. Humakbang ako patalikod dahil kapag pumasok ako riyan sa loob ay hindi ko masisiguro kung makakalabas pa rin ba akong buhay at kung nasa akin pa ang ulo ko. Napalunok ako dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.
Mahigpit akong hinawakan noong nasa gilid ko. "We should come in inside. Masamang pinaghihintay ang demonyo," mahina ngunit malamig na saad niya at sapilitan akong pinasok sa loob ng kwarto. Parang hindi ako makahinga at kinakain na ako ng kaba.
Nagpatinod ako kaya pahinto-hinto siya sa paghila sa akin. Pilit kong ipinapako ang sarili sa aking pwesto upang hindi niya ako mahila papasok. Ngunit wala rin itong kwenta dahil masyado siyang malakas kompara sa akin. Napakagat na lamang ako sa aking labi noong tuloy-tuloy niya akong naipasok sa loob ng kwarto.
"Huwag ka nang maglaban pa dahil sa huli magkikita't magkikita pa rin kayo," angil niya't buong puwersa akong hinila patungo sa sala at marahas na pinaupo sa loveseat leather couch na kulay chocolate na pahaba. "Dito ka lang. 'Wag kang aalis sa puwesto mo. Tatawagan ko lang si Boss," turo niya sa akin saka naglakad patungo sa kung saan. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso at nanlalambot pa din ang aking mga tuhod.
Napahawak ako sa kanang braso ko kung saan niya ako mahigpit na hinawakan at napakagat sa ibabang labi sa sobrang inis. Hindi ko inaasahan na labis pala akong magdurusa sa araw na ito.
Namayani ang inis ko sa aking ama at sa putangnang Black na 'yan. Pati sa kulugo na 'yon! Pare-pareho silang walang pakialam sa nararamdaman ko.
Ginala ko ang mga mata ko para tingnan ang kabuuan ng silid na ito.
Isa lang ang masasabi ko, napakaperpekto ang pagkakagawa sa bawat sulok. Mula sa TV, disenyo ng kwarto na malamang sa malamang ay milyon ang ginastos para magawa ito. Sobrang nakakamangha ang disenyo ng bawat sulok ng kwartong ito. Ang mga obra na nakasabit sa dingding ay sinisigaw ang mga presyo nito. Humigit kumulang daang libo siguro ang mga iyon dahil mga sikat na pintor ang siyang gumawa nito.
Itim na hinaluan ng abo at puti ang disenyo ng buong kuwartong ito. Nakakapanglalaki ang itsura at sa bawat kagamitan ay hindi mo maiwasan ang hindi mamangha at mag-ingat dahil sa mahal ang mga ito at ang iba ay limited edition. Siguro nga ay ganito kayaman si Mr. Black.
The floor is covered with a gray colored fur carpet. A modern wood table is also there and atop of it is a magazine. Even the leather loveseat is shouting its own price. There are also several rooms in its basement and of those is where Mr. Rodriguez went. The room is quite big, nice and tidy, everything is properly arranged. Everything is prestigious, from the television right to the appliances and furniture. Everything inside is pricey and will probably cost a fortune. Nothing is missing neither out of place.
The architects and interior designer did a very great job in designing and building this. I didn't clearly see the ground floor that much because I was too preoccupied with my thoughts and of the things that happened to me. It's just happened all too fast. I was also panicking and too terrified earlier which made me not appreciate everything.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa 'di ko malaman na dahilan. Napakalakas ng pintig nito at parang lalabas na sa dibdib ko.
May halong kaba at galak na makita kung sino man itong si black.
Umiling-iling ako. Kung ano-ano na lang ang iniisip ko.
Kahit sinabihan akong 'wag umalis sa inuupuan ko'y sinaway ko pa rin siya at naglakad kung saan tanaw na tanaw mo ang buong siyudad ng Manila. Tila mga bituin na kumikinang sa kalawakan ang mga ilaw sa bawat bahagi ng kamaynilaan. Pati ang mga ilaw ng sasakyan na parang pagong kung gumalaw. Nagmistulang laruan sila sa aking paningin sapagkat nasa matayog akong gusali nakatayo. Matagal-tagal din mula noong huling beses kong nakita ang ganitong tanawin. Mula noong lumipat kami sa probinsya ay hindi na ako nakasaksi pa ng ganito.
Lubog na ang araw at lumutang na si haring buwan. Napakakalmado ng kalangitan at tahimik din ang buong silid na tanging tunog lang ng aircon ang siyang maririnig mo. Niyakap ko ang katahimikan at medyo pinakalma nito ang dibdib ko.
Nakakamangha talaga ang tanawin mula dito sa glass wall kung saan makikita ang siyudad. Lumingon ako at sinubukan maghanap ng picture frame upang sana ay makita ko kung ano ang mukha ni Mr. Black na sa tingin ko ay kulang sa aruga. Ngunit iba ang nakita ko.
Larawan ni Davina?!
Sobrang dami ng mga larawan niya at nakalagay ang mga ito sa iba't ibang frame. Kung 'di ako nagkakamali ay halos lahat ng larawan niya'y kuha sa Japan. May ilang taon din kasi kaming tumira sa bansang iyon. Ang pinaka-malaking larawan ay yung pumunta siya rito sa hotel kasama si papa. Nakasuot ito ng puting damit at nakaupo ito sa pabilog na upuan sa loob ng bar habang nakangiti. Kumunot ang noo ko sa lahat ng nakita.
Anong—
"Who gave you the permission to touch my things?" isang malamig at nakakatakot na boses ang siyang nagbigay sa akin ng matinding kaba. Parang na estatwa ako sa aking kinatatayuan.
Ayoko man siyang lingunin ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa aking sikmura na may kung ano ang kumiliti sa akin. Para bang bigla nagreak ang sarili kong puso nang marinig niya ang baritonong boses na 'yon. Malamig iyon at mapanganib pero mas tumindi ang galak na 'di ko maipaliwanag kung bakit. Ano ang mayroon sa kanya at bakit nagiging balisa ako?
My heart pounded violently when I turned around to look at him. My jaw dropped as soon as I landed my eyes on him— "Who the fuck are you? What are you doing here in my safe house?" I almost couldn't breathe when I heard his second question. I am doomed.
Nakatitig lang ako sa kanya at 'di ko namalayan na nakanganga na pala ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, kung sasagutin ko ba siya? Tila ba nalunok ko ang sariling dila rason para hindi makapagsalita. Hindi ko rin maigalaw ang buong katawan ko dahil sa nakakatakot niyang presensya.
Tinikom ko ang aking bibig at lumunok ng mapagtanto kong nasisiraan na ako ng bait. Ramdam ko na ang pangangatog ng mga tuhod ko. Hindi dahil natatakot ako sa kanya kung 'di dahil alam kong 'di madali itong lokohin. Mukhang hindi na 'ata ako makakalabas ng buhay.
Ngunit— hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Sa lahat ng binanggit ko tungkol sa kanya ay ni isa sa mga 'yon ay wala man lang tumama. Bagkus ay kabaliktaran pa sa nabanggit ko. Malayong malayo ito sa inakala ko.
I gulped as I roamed my eyes from his torso up to his face. He looks so raw, I mean so matured. He has a golden brown complexion, ruthlessly jet black hair, strong jaw, and is disturbingly handsome. I can actually see his biceps even though he's wearing his smart casual attire. My eyes darted on his orbs and it held me captive. It's hypnotizing me. There's something on it that makes me want to stare all day long.
I can't take my eyes away from him. It’s like it is glued and fixated on that deep brown color.
Hindi siya panot dahil ang ganda ng ayos ng buhok niyang clean cut. Iyong balbas naman niya sa baba ng ilong ay bagay na bagay sa kanya. Hindi siya nagmukhang matanda bagkus ay pinagmukha pa siya nitong mas maskulado.
Hindi makapal at 'di rin manipis. Shoot!
Siya yung matatawag na, tall, dark and handsome, at napakalakas ng kanyang tindig. Kahit sinong babae hindi ito tatanggihan. Napakagwapo niya at dinaig pa ang mga aktor na makikita sa pelikula.
Nababaliw na ako! Bakit ko ba siya nilalarawan! Hindi ko siya gusto at hinding-hindi mangyayari 'yon!
"Are you done fantasizing me?" Doon lang ako natauhan dahil sa sobrang hambog ng kingina na 'to. Napataas ang isa kong kilay dahil sa mga sinabi niya.
"Err, siya si Ms. Davina. Nakalimutan mo na ba, Boss? She’s your wife." Halos hindi pa sigurado itong kulugo na ito sa tanong niya na medyo nalilito. Sana lamang ay maniwala siya sa kanya. Gusto ko pang makalabas ng buhay.
Buong tapang ko siya tinitigan. Nakatingin din kasi sa akin si Mr. Black at matatalas ang mga ito. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa kagwapohan niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkainteres ako sa lalaki. Pambihira naman kasi ang itsura ng lalaking ito.
Hindi dahil sa magandang lalaki siya kung 'di dahil sa mga mata niyang maraming tinatagong sakit. Mukha siyang nakakatakot pero sa totoo lang, hindi. Para bang may tinatago siyang sikreto sa likod ng lahat ng ito.
Hindi siya gano'n nakakatakot. Kahit papaano tao pa rin siya, nakakaramdam ng lungkot at pagkabigo. Magaling lang siya magtago ng mga nararamdaman niya.
Parang katulad ko rin siyang nagtatago sa suot niyang maskara at pilit isinasantabi ang nararamdaman.
Sa buong buhay ko, sa tingin ko ay nahanap ko na yung taong kulang sa akin. Na para bang siya ang bubuo sa akin.
Hindi ko alam kung anong pakiramdam 'to pero... Hindi ako magpapatalo sa kanya kahit alam kong delikado siyang tao. Hindi ko hahayaan na mabalewala ang lahat ng mga pinaghirapan ko.
"Are you fuckin' trying to make me laugh, Rodriguez? Did you even hear yourself? Her? My wife?" his face darkened with anger while glaring at me, "Are you damn nuts? Look at her again closely and tell me if she's Davina that I'm asking you to bring here. She’s a fucking copy cat, dimwit," he said through gritted teeth. He is fuming with anger.
"Imposible! Mismong si Mr. Montenegro ang siyang personal na naghatid niyan sa akin, at..." nilingon niya ako at kunot akong tinitigan bago kinapa ang iPhone niya sa suot na slack niya. May pinindot siya rito at may tingnan na kung ano. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa iPhone na para bang kinukumpara niya ako sa larawan ng babaeng nasa iPhone nito at sa akin. Nakakunot din ang noo nito habang ginagawa iyon.
"Shit!" malutong na mura bago binulsa ang iPhone at naglakad patungo sa akin.
Mahigpit niya akong hinawakan sa aking baba at masinsinan akong tinitigan. "Who the f*ck are you?!" bulalas niya na halos malukot ang mukha niya noong mapagtantong totoo ang sinabi ng amo niya. Nag-igting ang aking panga dahil sa mga nangyayari.
Ito na nga ang sinasabi ko.
Nabuko na.
"My name is Anna and not Davina. And most of all, I am not a copycat because Davina is my twin. It is not my fault if you’re fooled because you're an idiot." I insulted him while clenching my teeth. Because of that, he slapped me hard. It is full of force and I fall on the carpet which is covering the floor. This doesn’t stop me from glaring at him.
"You bitch!" he cursed at me.
Hinablot niya ang baril nito sa likod ng suot niyang tuxedo saka tinutok sa akin ito, "Magsalita ka. Saan tinago ng papa mo ang totoong Davina?!" pagalit na utos niya habang gigil na gigil sa akin.
Tumingala ako para makita ang mukha niya. "Kahit pa patayin mo ako ngayon, hindi ko alam kung nasaan sila at kung alam ko man, hindi ko rin sasabihin sa inyo," taim-bagang na tugon ko. Wala talaga akong ideya kung saang lupalop ngayon ang pamilya ko. Tiyak din naman na tumakas na ang mga iyon.
Nanggigil siya at lumapit sa akin. Nagdekwatro siya para pantayan ako at hinila ang buhok ko. " 'Wag mong sayangin ang pasensya ko at baka makalabit ko ang gatilyo at mapatay kita," hindi pa rin nito inaalis ang pagtutok niya ng baril sa akin. Anumang oras ay maaari niyang iputok sa akin ang hawak niyang baril na may silencer ngunit ayoko magmukhang mahina.
"Katulad ng sinagot ko sa 'yo no'ng una, hindi ko alam kung saan sila nagtatago dahil inutusan niya lang kami ni ate na magpalit ng damit at wala na akong alam," mahinang aniya ko habang masama pa rin siyang tinitignan.
"Sinungaling!" angil niya at ginamit ang hawakan ng baril upang isampal sa kaliwang pisngi ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa loob ng bibig sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Pero hindi ito dahilan upang matakot ako sa kanya.
"Kahit anong gawin mo sa akin ay pareho pa rin ang isasagot ko sa 'yo," mariin na salaysay ko habang nakatagilid ang mukha ko gawa ng pagkakasampal niya. Wala siyang makukuhang impormasyon dahil maski ako ay hindi ko alam na ibabayad niya kapalit ng utang nito.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nilingon niya ang Boss niya na ngayon ay nakaupo na sa single leather loveseat. Nakadekwatro ito ng pangbabae, nakapatong ang parehong kamay niya sa sandalan ng inuupuan nito at tahimik lang kaming pinapanood. Mukhang wala siyang pakialam kung mamatay man ako ng kulugong 'to. Hindi nga ako nagkamali, pare-pareho silang masama ang ugali.
My heart felt heavy for no damn reason. What if, just what if. If I'm Davina, will he let his men treat me like this? Of course not. He will never let his wife get hurt. He won't spend billions for nothing because right from the very start, it is Davina whom he really wanted. But destiny fooled him and instead, we've been switched without our consent. Who could have thought that a disaster like this would ruin all his plans? No one.
"Boss, what should we do with her?" he asked him and tilted his body to look at him.
"Kill her," he said heartlessly while staring at me blankly.
Hindi ako nagpatinag at tinitigan siya pabalik bago ako kainin ng kadiliman.
PagtakasAnim na oras ang nakalipas.Mariin na pumikit si Denver nang tawagin siya ng kanyang anak na si Anna, umaasang lingunin siya nito pero buong lakas niya 'yung nilabanan na huwag maging mahina. Maaari man masama ang gagawin niya pero maiintindihan din siya ng anak niya balang araw. Rinig narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng bunso nitong anak sinisigaw ang pangalan niya.Ito na lang ang sa tingin niya ang paraan para pare-pareho silang mabuhay.Kung sa iba mali ang desisyon niya pero bilang padre de pamilya kailangan niya ng mamili para sa ikakabuti nilang tatlo.Malakas si Anna sa lahat ng bagay, 'di siya mar
Hinawakan siya ni Denver sa magkabilang kamay niya. "Maraming salamat, tatanawin ko itong malaking utang na loob ito sa 'yo," malambing ang tono ng pananalita niya bago niya niyakap ang ginang rason upang mamula ang mga pisngi ng ginang.Matagal na siyang may gusto sa matanda noong nag-aaral pa lang siya subalit hindi niya magawang sabihin sapagkat natatakot ito na hindi sila pareho ng nararamdaman. Kuntento na siya na tulungan ang matanda sa malayo na 'di humihingi ng kapalit. At maliit lang na bagay ang ginawa niyang pag tulong dahil itinuturing na rin niyang totoong anak si Davina 'di lang bilang kaibigan, at pinakamalapit sa puso niya.Anak siya ng taong tinitibok ng kanyang puso. Kaya masaya siya na pagsilbihan ang mga ito kahit pa hindi masuklian ang pagmamahal niya sa matanda.
"What?!!! 6 billion??? That's huge, dad. How can you owe them like that! It's not just a million but a billion, dad!" she said unbelievably while her eyes widened."I know, sweetie. But what can I do? Malaki ang utang ko sa bangko at 'di lang 'yon dahil marami pa akong pinagkakautangan," kanyang paliwanag.She already knew this will happen but hindi niya ito pinansin because she thought her dad can handle this and hinihintay na rin sila ang magsabi sa kanila. That’s why she always asked her dad’s money para mismo sa bibig niya marining ito since she’s just waiting them to tell her about their financial problem yet mas gusto nila siyang itago sa dilim. That made more look like selfish buying and asking money for them. Her chest tightened and nakaramdam na sobrang kirot at sakit dito.
She took a deep breathe multiple times in silent para makuha ng energy si Davina para 'di marinig ng dad and calmed herself down. Bumalik sa normal ang paghinga nito. This is how her doctor taught her kapag may problema sa paghinga. Para 'di siya mahimatay.Nang kalma ang sarili, pumikit siya at kumuha ng lakas bago hinarap muli ang dad nito. "Let’s go back dad. Balikan natin si Anna, hindi ko hahayaan na gawin mo siyang pangbayad sa utang mo. Tao si Anna, hindi siya bagay na pwede mong ibigay kung kailan mo gusto, dad. Anak mo siya at kapatid ko siya!" mariin nitong anyaya.Datapuwat hindi siya pinakinggan ng ama at mas binilisan pa nito ang pagmamaneho patungo sa airport para lisanin ang Pilipinas.Galit niyang nilingon ang dad niya, "dad!!" S
Hamon. Nagising ako sa dalawang taong nag-uusap. Gising na ang diwa ko ngunit 'di ko pa rin nagagawang imulat ang mga mata upang makinig sa usapan nila. "Ano gusto mong gawin natin sa babaeng ito?" tanong ng kulugo. "She's nothing, so why should I keep her?" walang gana niyang tugon ng lalaking kulang sa aruga. Psh. Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga 'yang kulugo ng kanang kamay mo na 'di makita kung ano ang pinagkaiba namin ni Davina? But, I can't stop but to be amused to him (Black) he can distinguish who is who. "Paano naman yung totoong Davina?" sunod
Napatigil siya nang tawagin ko ang huling pangalan nito. Alam ko maaaring magalit ito dahil wala ako ni isa sa kanila narinig na tinawag siya ng gano'n pero 'di ako papayag na patayin ako nang 'di man lang lumalaban. He deadly glared at me. "Did you just...call me by my last name?" he asked unimaginably. "Binalik ko lang kung paano mo tawagin ang mga tauhan mo." Hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis ito sa akin dahil sa pagtagis ng mga bagang niya. "You think I wouldn't dare to kill you because you look like the woman that I wanted?" kalmado ang boses niya ngunit mapanganib. "Hindi mo ako pwedeng patayin,” mariin kong saad. Nakasalubong ang mga
Alaala."Dito ka titira," wika ng Kulugo nang buksan ang isa sa mga tauhan niya nakasuot ng men in black ang pinto ng bago kung tirahan.Pansin ko lang lahat ng nagtatrabaho kay Tanda, mas bagay sa kanya. Dahil talagang matanda na siya pero... Tss.Paano rin kasi mas lalo siyang tumatanda kapag nagsusungit.Thou not that old like my papa. It's just fun calling him that way. Wait—why am I thinking about that old man? Hah!Na una siyang pumasok sa loob ng bahay ng aking titirahan. Pero parang hindi naman ito bahay para itong bahay ng isang preso dahil gawa sa yero ang ginamit nila para itayo ang aking kulungan. Daig ko pa ang kri
Tatalikod na sana siya nang may maalala siya, "Nga pala," untag niya nang lingunin niya ako habang hinihimas-himas pa nito ang baba na waring nag-iisip. "May nakalimutan akong gawin, " angil niya at walang sabi-sabi niya akong sinampal ng buong lakas na ikina-higa ko sa sahig, sa sobrang tindi ng pagkakasampal nito sa kanang pisngi ko.Ramdam na ramdam ko ang pamumula at hapdi na para bang hindi pa rin naalis ang palad niya sa aking pisngi.Nag-dekwatro siya para pantayan ako at marahas na hinila ang kuwelyo ko palapit sa mukha niya. May dugo sa gilid ng labi ko kung saang parte niya ako sinampal. Mababakas sa mukha niya ang pagiging walang puso at walang sinasanto maski babae na walang kalaban-laban ay kaya niyang patusin.Mariin niyang hinawakan ang baba
P R E S E N T T I M E. "That’s how my life became. It’s because of me. That’s why I don’t blame Dad and Davina for leaving me behind. And I won’t blame you either if you use me against them." I spoke with warmth when I recalled the past while staring at the blue ocean. The place is already quiet since our yacht is turned off, the waves have calmed, and the air is so refreshing. I could stay here all day admiring the scenery. "How did you overcome all that kind of suffering? It must be hard for you to endure all of that. I don't understand why the child always pays for the parent's wrongdoings. I thought I was the only one who was having a hard time growing up, but no. It was actually okay since I'm a man, but you... do you want to live with me instead?" Mabilis akong napatingin sa kanya ng biglang niyang itanong yun sa akin. Ito lang napakahabang sinabi at sa tuwing magsasalita ito ay lagi akong iniiwanan ng surpresa sa mga binibitawan niyang mga salita. "Hindi ba nakatira na ako
THE BEGINNING OF ROMANCE: Be My Real Wife. Tahimik kong pinagmamasdan ang karagatan at maya-maya lang ay doon na nagsimulang lumabas ang mga dolphin at parang isdang tumatalon sa tubig. Hindi ko na malayan na tinabihan pala ako ni Kaito dahil masyadong lang ako nakatutok sa panonood ng mga dolphin. Nandito kami sa labas ng yate nakaupo sa lapag sa pinakadulo ng nguso ng yate. A glass of orange juice was offered while a glass of wine was held in his hand. I was about to reach for the wine glass when he stretched his hand away from me. “Be good. Drink this now, and later you'll take vitamins after we eat." On rare occasions, his voice is as tranquil as the ocean. Wala na akong nagawa kung ‘di tanggapin na lang ito at binalik ang atensyon sa dagat. Wala nang mga dolphin ang tumatalon at tahimik na ang karagatan wala rin gaanong alon kaya payapa, nakapatay din ang makina ng yateng sinasakyan namin at sa ‘di kalayuan mga speedboat ng taohan niya ang nakabantay sa amin sa malayo. Nasa gi
VACATION. Naalingpungatan ako ng gising at marahan kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kesame. Napahawak ako sa aking ulo ng maramdam kong kumirot ito pero sumalubong ang aking kilay nang may makitang dextrose na nakakabit sa likod ng aking kanang palad. “You’re awake now?” malamig ang boses nito habang nakadekwatrong nakaupo sa may biranda na humihigop ng kape. Nakasuot pa rin ito ng kanyang karaniwang sinusuot sa trabaho ang tinanggal niya lang ay ang blazer at kurbata. Seryoso ang mukha niyang humihigop ng kape na nakatingin sa akin samantala ako ay tinitigan ko lamang siya babalik. Iniisip kung paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat? At kung paano ako makakatakas sa kanya? "Did you plan to shoot yourself just for the sake of the deal?" "Yes," I answered directly. There’s no use lying to him. In the end, the truth will reveal itself, and knowing him, he has many ways to find the truth, whether I’m telling the truth or not. I know I have a lo
I’m done dressing up. My belongings are also present, as is my makeup kit, which contains everything I require. It seems like the old man planned it beforehand after I looked around where we were staying. I also put on light makeup to make me appear normal because I look like a corpse with my pale face since I got shot. Kaya habang hinihintay si Tanda na dumating ay nagpasya muna ako na lumabas ng kwartong tinutuluyan namin at halos magulat ako na private villa pala ang lugar na ito. May mga trabahente akong nadaanan at lahat sila'y pare-pareho ang tawag sa akin ay Mrs. Tsukasa. Nang magtanong ako sa isang lalaking nagbabawas sa may garden kanina kung saan lugar ito sabi Boracay daw. Napangiwi ako. Ano kaya ang binabalak ng matandang ‘yon? Bigla akong napatakip sa bibig at nanlaki ang mga mata nang maalala ang sinabi niga. “Huwag mong sabihin na totohanin niya ang sinabi niya?!” kausap ko sarili ko. “Hindi naman sana! Ang pangit mag-aral na malaki ang tiyan!” napatampal ako sa noo
MABIBIGAT ANG TALUKAP NG MATA KO, subalit nagawa ko pa ring magising sa kabila ng tama ng bala sa aking tiyan. Ramdam ko ang bilis ng patakbo ng ambulansyang sinasakyan namin. “Stay with us, Anna,” I heard Lazaro calmed me while holding where I got shot. Nanghihina na ang pandinig ko, maski buong sistema ko ay malapit nang sumuko na kapag bumigay ako ay baka hindi na ako magising pa. Halos wala na akong maintindihan sa nangyayari pero rinig ko pa rin ang mga kapulisan, marahil pinalilibutan ang buong Cebu ng mga pulis para lang mahuli kami. Akala ko no'ng tumigil ang sasakyan ay nakarating na kami sa destinasyon namin ngunit mali ako dahil pinara kami para sa inspeksyon at maski ambulansya ay ‘di nila pinalampas. “Anong mero'n, boss? May malubha kaming pasyente na kailangan ng agarang operasyon,” paliwanag ng drayber ng ambulansya. “Inspeksyon lang sir, pakibuksan lang ang pinto sa likod. Makipag-cooperate muna tayo, sir,” tugon ng pulis. Marahan akong tinapik ni Lazaro kaya tin
MAKALIPAS NG MGA ILANG MINUTO ay nakarating na rin kami sa wakas sa kaya naman nagsihandaan na ang mga tao para sa pagbaba at pagkuha ng kanilang mga kagamitan, at dahil ang bagahe naman ay nasa baba ng barko ay halos bag lang namin ang dala-dala naming tatlo. [ Anna, the white van is already there to pick you up. They are one of my men so you don’t have to worry—] Hindi niya naituloy ang sasabihin nito nang magulantang ang lahat ng nandirito sa barkong sinasakyan namin nang marinig ang lakas ng ingay ng serena na ang ibig sabihin lang no’n ay maraming pulis ang nandito na nagroronda.[ Kasu! I knew it. This is going to happen but why in Hades they knew about this transaction?! Rodriguez! Immediately investigate this matter, faster!] I heard Kaito cursed. “Shit! What will we do?” I heard Mickey uttered nervously. “Putangina! Mukhang natunugan tayo, kapatid,” bulong din ni Ethan. Halos hindi lang sila ang kinakabahan sa mga kapulisan na pumapaligid ng buong lugar. “Check niyo lahat
PINAGMAMASDAN ko ang malawak na karagatan dito sa barkong aming sinasakyan, malakas ang hampas ng hangin sa akin kaya naman nililipad ang buhok ko maski ang suot kong paldang uniporme habang sa pangtaas naman ay pinatungan ko rin ng itim na jacket upang maibsan ang lamig. Nang biglang may kamay ang lumapat sa balikat ko. “The information you gave me, was it true?” mababa ang tono ng boses nito kumpara sa sigla niya tuwing kausap ako. Tumango lang ako sa kaniya nang ‘di inaalis ang paningin sa magandang tanawin dito sa barko kung saan papuntang Cebu. Narinig ko ang malalim nitong hininga at tinanggal ang kamay sa balikat ko saka sinandal din nito ang mga siko sa rehas ng barko na nagsisilbing panangga upang hindi kami mahulog. “You really are something, Anna. From the day you save me on that night and up to now, for knowing my real father. It never came across my mind that I would know my father someday since my mom told me that I never had a father. The only thing she told me is th
Cebu. NAKAUPO akong nakatingin kay Gutierrez at masinsinan niya akong tinitingnan habang salubong ang mga kilay nito. Nandito kami sa isang pribadong kwarto at malaya mong makikita ang kaganapan sa okasyon kung saan naghihintay si Kaito kasama ang buong pamilya niya sa mangyayari sa pag-uusapan namin, kung mapapayag ko ba siya o hindi. Komportable itong nakaupo sa katad na sopa habang nakedekwatrong upo, nakapatong ang isang kamay sa mahabang mesa na pumapagitan sa amin habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak na alak. “If you are here to make a deal with me to be your husband's business partner, my answer will never change. And ask your husband, where did he get the thickness of his face after threatening my wife to kill me?” he snorted. My forehead knitted. “Kaito threatened your wife just only to kill?” I asked back as I laughed at him. “Of what grounds? Business? Don’t make me laugh. Kaito never threatened anyone, it was a lame tactic. Do you think Kaito will be the CEO
Nakita ni Anna na kompleto rin ang pamilya ni Kaito subalit ni minsan ay hindi siya tinuunan ng atensyon ng mga ito. Wala rin itong narinig sa kanila nang maging matagumpay ang kaniyang nakaraang transaksyon. Sa pag-uugali pa lang, mukhang hindi masiyadong magkalapit ang loob ni Kaito sa pamilya niya. Kaya naisip ni Anna na hindi na nakakapagtaka kung bakit napakasungit at seryoso nito lalo na sa negosyo. Nakikita rin ni Anna kung gaano rin siya kalamig dati, kung hindi niya lang nakilala itong si Kaito ay malamang hanggang ngayon ay walang magbabago sa ugali niya. Napasinghap si Anna nang maramdaman niyang pinalupot ng kaniyang asa-asawahan ang kamay nito sa kaniyang bisig kaya muntik pa itong mabikaukan dahil nagkataon pang umiinom ito ng tubig sa isang glass wine, habang siya'y alak ang tinitira. Nagpaalam din kasi ito kanina na pupuntahan niya ang ama nito para makisosyo sa mga nandito kaya halos hindi inaasahan ni Anna ang paglagay ng kamay niya sa bewang nito.“He’s here, let’