Home / Romance / Love Or Hate / Kabanata 1

Share

Kabanata 1

Author: Anna
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sold for debts. 

Maaga akong naghanda ng almusal namin at naglinis ng bahay. Hinanda ko na rin ang sasakyan para painitin ito para mamaya ay diretso alis na kami. Mag-isang linggo na matapos kaming nakapamili ng mga damit namin ni Davina at halos lahat ay parehong-pareho ang pinakuha ni papa na damit naming dalawa. Hindi na ako umimik pa at sinunod na lang ang gusto niya. Gusto kasi nito na maging magkamukha kami ng kapatid ko lalo na at medyo iisa ang mukha namin. Madalas din kaming mapagkamalan na iisang tao dahil sa pagkakahawig na mayroon kami. Yun nga lang ay magkaiba kami ng ugali.

Masayahin ang kapatid ko samantalang ako naman ay hindi. Magkasalungat ang ugali namin at ito rin ang madalas napupuna ni papa. Kung ano kasi ang ikinagiliw na Davina ay yun naman ang kinalamig ng pakikitungo ko sa iba.

Abala ako sa paglalampaso ng sahig nang biglang nagsalita si papa. Kakagising lang nito at pababa na ng hagdan. Makikita mo sa mga mata niya na kagigising lang niya galing sa pagkatulog. 

“Oh ang aga mo naman nagising, anak,” bungad na gulat ni papa at naghila ng upuan sa hapagkainan. Naglikha ito ng mahinang tunog na siyang umalingawngaw sa buong kwarto. Humikab pa ito at halata sa mukha niya ang pagod at puyat sa trabaho. 

Matipid akong ngumiti at tinigil muna ang paglalampaso at inabutan siya ng kape na nakalagay sa coffee maker mainit pa rin ito. “Kailangan po kaysa kumuha tayo ng katulong. Dagdag bayarin lang po iyon. Saka kaya ko naman po, hindi naman po gano’n kahirap ang gawain ng bahay kaya madali lang gawin,” paliwanag ko bago pa niya sabihin sa akin napinapagod ko ang sarili ko sa pagtatrabaho rito sa bahay. Lagi rin kasi niyang sinasabi iyon tuwing nadadatnan niya akong naglilinis tuwing umaga at minsan kapag wala akong trabaho at klase. Nakaugalian ko na kasing gawin ang mga ito. Mas gusto kong inaasikaso ang pamilya ko kumpara sa sarili ko. Mas inuuna ko kasi talaga ang kapakanan nila bago ako.

“Maupo kana muna at sabayan na akong kumain. Kapag nakaluwag na tayo ay kukuinin ko ulit ang manang Minerva mo,” utos niya nang abutin ang kape na ginawa ko sa kanya. Humigop ito ng kape sa kanyang tasa at saka ibinaba sa lamesa pagkatapos.

Si Manang Minerva ay ang dating majordomo namin kaso simula nang makuha ang bahay at lahat ng ari-arian na meron si papa, ni isang gamit ay walang natira sa amin. Ang lahat ng mga ito ay kinuha ng bangko. Kaya naman pati ang mga dating maraming katulong ay pinaalis dahil hindi na sila mapasuweldo ni papa at tinanggal na lang ang mga ito. Malungkot ang mga itsura nila noong malaman nilang aalisin na sila sa trabaho. Karamihan kasi sa kanila ay dito lang umaasa at ang ilan ay matagal na rin nagtatrabaho sa amin.

“Tapusin ko lang po itong nilalampaso ko. Sa sala na lang naman po ang kailangan lampasuhin,” sagot ko at tinuloy ang paglalampaso sa sala. Hindi naman gano’n kalaki ang bahay namin. Maliit lang siya na two story. Makikita mo mismo ang tatlong kwarto sa itaas kasama ang banyo. Hindi ito gano’n kahirap linisan dahil sakto lang naman ang laki.

Matapos kong maglampaso sa sala ay nilagay ko ito sa tamang lalagyan at sinabayan na si papa kumain. Nagluto lang ako ng sinangag na kanin, pritong itlog, corn beef, bacon, at toasted bread. Ito ang karaniwan naming kinakain sa umaga. 

Habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ni papa kaya tumigil siya sa pagkain. “Tumatawag ang Tito Sandro mo, tungkol siguro ito sa paghahatian namin na pera. Sagutin ko lang ito at kumain ka lang diyan. ‘Wag na kung ano-ano ang nililinis mo,” habilin niya bago ito lumayo papuntang kusina at doon sinagot ang tawag. Hindi na ako nakasagot pa rito dahil nagmamadali na itong sagutin ang tawag.

Tahimik lang akong kumain. Hindi nagpapagising si Davina kasi galing shooting at may training class pa ito sa pag-arte kaya kailangan niyang makabawi at makapagpahinga. Hindi ako galit o naiingit, sa buhay na ito wala akong karapatan mainggit o magalit kung bakit mas pabor lahat sa kanya. Mas importante siya kaysa kay papa at maging kay mama kompara sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo, ayos na rin ako sa ganito. Maswerte pa nga ako dahil may pamilya ako at hindi mag-isa sa buhay.

As long as I can see them happy. I’m fine with that. I am willing to sacrifice everything for them, even if it includes my happiness and freedom. It’s fine. I’m used to it. It’s nothing new. 

For them, I am only shadow of Davina and dad. I needed to take mom’s responsibility after she died from a car crash for saving me. I have to devote myself to my family as a payment of what I did. I am the reason why my mom has died and I think I deserve all these. I am fine if no one recognizes me as I am. I’m as good as dead. One more thing, it is not that hard to hide my identity. I am used to it since my mom always beats me whenever I disobeyed her. Because of all those suffering and pain, it doesn’t hurt that much anymore. I guess I am a bit numb and just good at hiding my real emotions. Since Davina has a weak heart, I need to protect her, our father included. My feelings don't matter anymore. What’s important is that I keep them safe.

Napalingon ako kay papa nang malalim itong nagbuntong hininga. Mukhang hindi magandang balita ang sinabi sa kanya ni Tito Sandro. Siya ay kapatid ni mama na ngayon ay nakatira sa New Zealand. Matagal na ito naninirahan doon. Matapos ang pagkamatay ng kapatid niya ay nagpasya na siyang mangibang bansa upang doon manirahan kasama ang pamilya nito. 

“May problema po ba?” I asked my father who looked stressed out.

Umiling siya. “Pauwi ang Tito Sandro rito sa Pilipinas at mamaya na ang dating niya. Pupuntahan ko siya tungkol sa pera. Kaso…” nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya sa akin o hindi.

“Okay lang ba na sabihin niyo sa akin? Baka po makatulong ako at kung pera lang din po ang usapan, magdodoble kayod na lang po ako at maghahanap ulit ng panibago pang trabaho. Para naman kahit papaano ay mabawasan ang bayarin dito sa bahay,” usad ko dito habang tinitingnan ko siya.

“Hindi. Ayokong gawin mo ‘yon. Alam kong walang-wala na tayo at baon pa rin tayo sa utang hanggang ngayon at natatakot akong malaman ng kapatid mo ang tungkol dito—”

“Ano ang hindi ko dapat malaman, pa? Are you trying to hide something from me?" Davina butts in. She is walking down the stairs while wearing her pair of SpongeBob pajamas. Sleep is evident in her eyes.

Nagulat sa kanya si papa nang mabilis kaya naman mabilis niya itong nilingon dahil sa biglang pagsulpot nito na walang pasabi. Ito pa naman ang iniiwasan namin.

“Wala. Pinag-uusapan namin ang ibibigay namin na sorpresa at dahil narinig mo, hindi na ito sorpresa. Bakit ba kasi hindi ka man lang naglikha ng ingay o nagpasabi?” palusot ko habang kalmado ang aking boses. Kailangan namin itago sa kanya ang sitwasyon namin ngayon kung 'di mas malaking problema ang mangyayari. 

“Anong hindi? I even called your name to ask for my dress na gagamitin ko for the awarding. Dad told me he already gave the money to you para sa gagamitin ko," paliwanag nito habang naglalakad papalapit sa amin.

Napatingin ako kay papa na tahimik lang sa inuupuan niya. Kinulit niya 'ata ulit ito kaya napilitang magsinungaling si papa. Napabuntong hininga na lamang ako at saka humigop ng kape bago sumagot.

“Meron na. Kukunin ko na lang mamaya sa shop na pinag-reserbahan ko.” Kahit ang totoo ay wala pa. Sa katunayan ay wala rin akong pera pambili nito. Humigit kumulang na aabot ng libo ang gown na gusto niya at hindi ko alam kung saan kukuha ng ganyang kalaking halaga. 

Naghila ito ng upuan sa tabi ni papa. Pang-apatan ang mesa. Matapos umupo ay saka ito nagsalita. “If you’re thinking of a gift to give me as a way of congratulating me, I actually want the latest version of IPhone. My current phone is already out of trend, dad.” Nagsimula nitong lambingin si papa tungkol sa gusto niyang matanggap. Sapilitan na ngumiti si papa sa kanya at tumango. “Alright, I’ll buy you one tomorrow.” Dahil sa sinabi ni papa umiwalas ang mukha ni Davina. 

“Yes! You are really the best dad in the world! Alright. I’m taking shower na, I’m already late for my class. Twinnie, don’t forget my dress. I need that by tomorrow. Thank you! Muah! Saranghe!” paglalambing nito at h*****k muna kay papa at sa akin bago ito tumakbo paitaas para maligo. Hindi ako umimik alam ni papa hindi siya titigilan nito hanggat hindi ito pumapayag.

Hindi na nagsalita si papa at matamlay na nagpatuloy kumain. Sigurado kung wala ako sa harapan niya ay ‘di na siya kakain. Kahit alam kong baon kami sa utang ay pumayag na lamang siya sa lahat ng gusto ng kapatid ko. Nakagawian na niya kasi talaga ang humingi kay papa noong mayaman pa kami. Kahit wala ay papayag siya sa kung ano hiling ni Davina. 

Pagkaalis namin ng bahay ay nag-uusap sila ni Davina at papa tungkol sa achievement na natatanggap niya. Pati na rin ang tungkol sa mga bagong projects na offer sa kanya. Samantalang ako ay tahimik lang na nakaupo sa likod. Hindi kasi ako katulad ni Davina na maraming kayang ipagyabang. Isa pa ay masyado akong abala upang itaguyod at alagaan sila. Minsan nga ay pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya na ito. Sanay na rin ako dahil hindi naman ito bago sa akin. 

Nang makarating sa Unibersidad ay dinagsa lahat ng mag-aaral si Davina. Kagaya ng nakagawian ay iniwan ko na siya roon na lagi kong ginagawa tuwing na-eexpose ito sa mga tao lalo na sa mga tumatangkilik sa kanya. Madami itong fan at talaga namang hinahangaan ng maraming tao.

Mabilis lumipas ang oras at natapos na ang klase ko. Kaya pumunta agad ako sa part time ko kung saan nagtatrabaho ako bilang taga bigay ng pagkain sa mga kustomer. Hindi lang din isa ang part time ko kung ‘di tatlo. Sa convenience store at restaurant ang iba. Sa katunayan ay nakakabagsak ito ng katawan. Madalas akong umuuwing pagod at minsan pa nga ay inaabot ng madaling araw. Pero hindi ko na 'yon iniinda dahil mas mahalaga ang pamilya ko.

Sinubukan kong bumale pero dahil nagawa ko na ito noong nakaraan ay hindi ako binigyan. Isa pa ay hindi rin daw ako regular kaya mahirap mangbale ulit. Dumeretso naman ako sa pangalawa kong trabaho na tagahugas sa isang restaurant. Pinakain muna ako ng may-ari. Matagal na ako sa kanya at alam niyang lagi akong nalilipasan ng gutom— sinubukan ko rin manghiram kaso 1500 lang ang pinahiram nito. Sa isa ko namang trabaho ay wala rin akong nakuha. Umuwi akong balisa dahil kulang ang aking pera para sa gown ni Davina. Wala 'atang akong mabibili sa halagang ito.

Madaling araw na noong nakauwi ako at tanging isang libo at limang daan ang nauwi ko. Nadatnan ko si Davina na nasa labas at nakaupong naghihintay. Tinanong ko siya kung bakit siya nasa labas at bakit wala man lang ilaw sa bahay. Ang sabi nito ay naputulan daw kami ng kuryente at sabay-sabay daw dumating ang mga bayarin na kailangan bayaran. Nakasimangot ito. 

“Baka nakalimutan lang siguro ni papa ang magbayad. Alam mo naman ang tumatanda, makakalimutin,” ito ang tanging sinabi ko sa kanya bago siya pinasok sa bahay. Sinabi ko rin sa kanya na ako na lang ang maghihintay kay papa. Nagsindi rin ako ng kandila sa bahay at nang lingunin ko si Davina para tanungin kung kumain na ito ay nakatulog na siya sa sopa. Lumapit ako dito at kinumutan ko na lang siya at lumabas para hintayin si papa. 

Nilalamok na ako at halos makatulog na noong dumating si papa. Pasado alas tres y medya na ng madaling araw nang makauwi siya galing trabaho. Kanina ko pa gustong magpahinga ngunit kailangan kong maghintay dahil nag-aalala din ako para sa kanya. Kadalasan kasi ay hindi naman ito inaabot ng ganitong oras. 

Sinalubong ko siya subalit halos manghina ang mga tuhod ko nang makita ang kalagayan niya. 

Halos madurog ang aking puso nang bumaba si papa ng sasakyan na pagewang-gewang na tila ba nagpalunod ito sa alak. Suot pa rin niya ang kanyang business attire na ngayon ay nakusot na. Hindi rin maayos ang itim na kurbata niya. At maging ang puting polo na gamit nito sa pang-loob ay hindi nakabutones ng maayos. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura nito.

Mukha siyang wasak na wasak sa kalagayan nito. “Pa…” Naiiyak na tawag ko sa pangalan niya. Nanubig ang mga mata ko dahil sa sobrang kirot ng puso ko noong makitang ganito ang kalagayan niya. Siya ang taong kinukuhaan ko ng lakas at hindi ko maatim na makita siya sa ganitong sitwasyon. 

Noong huling kita ko sa kanya na ganito siya ay noong oras na iniwan na kami ni mama. Noong binalita kay papa na patay na si mama ay natulala ito at maya-maya lamang ay napahagulgol. Pareho kaming na aksidente at ako lang ang nabuhay sa car crash na nangyari. Hinarang niya ang katawan niya para lang iligtas ako. 

Tumulo ang aking mga luha  na matagal ko nang pinipigilan tumulo. Maski no’ng namatay si mama ay hindi ako umiyak dahil ayokong magmukhang mahina.

Ayokong maging marupok sa harapan nila ni papa. Dahil kanino sila kakapit kung lahat kami ay pinanghihinaan ng loob sa pagkamatay ni mama? Isa pa ay kahit hindi nila sabihin sa akin, alam ko rin na ako ang sinisisi nila sa nangyaring pagkamatay niya. Ito ang dahilan kung bakit nangako ako na itutuon ko lang ang buong atensyon ko sa kanila— ako ang tatapos sa naiwan ni mama. Gagawin ko ang lahat para lamang protektahan sila.

Wala rin akong pakialam kung sabihin nila akong walang puso, na hindi man lang umiyak noong namatay siya pero…  Nasasaktan din ako, nasusugatan kasi… Tao rin naman akong kagaya nila. Ang kaibahan nga lang ay mas pinipili kong itago ang lahat.

Pero sa nakikita ko ngayon, hindi na kinaya ng puso ko ang lahat-lahat. Sa pangalawang pagkakataon, nakita ko na naman si papa na wala sa sarili, umiiyak, nag-iinom na para bang wala nang bukas. Na para bang wala siyang mga anak na nag-alala sa kanya. Lugmok na lugmok na ito sa problema at siguradong hindi niya alam kung paano babangon pa.

Masakit. Sobrang sakit na makita ang magulang mo sa ganitong sitwasyon at wala kang magawa para tulungan siya. Nasa gilid ka lamang habang pinagmamasdan siyang magdusa.

Napaupo si Papa sa sahig at napasandal sa sasakyan habang hawak nito ang bote ng whisky. Ang mga luha sa mga mata niya’y patuloy sa pagdagsa na para bang ayaw nitong huminto sa pagtulo. Napakagat na lamang ako sa aking labi upang subukang pigilan ang umiyak.

Lalapitan ko sana siya ngunit sinigawan ako nito. “Huwag kang lalapit. Iwan mo ko! Ayoko kitang makita!!”

Nanlambot ang mga tuhod ko’t nanginig ako sa takot. Takot na baka may gawin si papa sa sarili niya at takot na parang kinasusuklaman niya ako. Alam ko ang rason pero ayokong tanggapin ito. Parang may bumura sa aking lalamunan at dahil dito ay napalunok ako. Hindi rin ako makagalaw mula sa aking kinatatayuan at tila na estatwa sa aking tinatayuan. 

Pinunasan ko ang mga luha sa aking kaliwang pisngi at lumunok ulit para ayusin ang boses ko. “Pa, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ‘yo pero—“ pinutol niya ko at galit niya akong tinapunan ng tingin. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang tinataboy ako.

“Hindi kita kailangan! Umalis kana!! Sa tuwing nakikita kita ay naaalala ko lang ang mama mo na namatay dahil sa ‘yo! Ayaw kitang makita! Ni hindi ko gusto na pareho tayo ng hinihingaan na lugar! Leave!” bulalas nito na siyang nagpasakit sa aking puso.

Damang-dama mo ang galit, takot, pangungulila, pagod at kawalan ng pag-asa dahil sa mga pinapakita niya. Napangiti ako ng mapait sa mga binitawan niyang mga salita. Sa wakas ay nasabi niya na rin ang matagal niya nang tinatago sa dibdib nito. Kaso isinawalang bahala ko ‘yon kahit pa dinudurog ako dahil sa mga binitawan niyang salita at pilit na inintindi siya. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi niya at tanggap ko na ang mga iyon. Pero iba pala talaga ang sakit kapag narinig mo na mismo mula sa kanyang bibig.

“Pa… Huwag ka naman ganyan. ‘Wag—” Natigilan ako noong binato niya sa akin ang hawak niyang bote ng alak sa bandang paanan ko. Buong lakas ko ‘yon hinarap at hindi nagpakita ng takot.

“Ano ba ang hindi mo maintindihan, huh?!!” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig at kumuha ng suporta sa sasakyan upang makatayo ito ng tuwid bago niya ako hinarap. “Sinabi kong hindi ko kailangan ng tulong mo. Gaano ba kahirap intindihan ‘yon?!”  galit na saad niya habang umiiyak ito. Malakas ang hagulgol nito at inilalabas ang lahat ng kanyang sama ng loob.

“Pa, ikaw na lang ang mayro’n kami ni Davina… Hindi kita kayang pabayaan na lang. Kahit anong pagtataboy mo sa akin, hindi kita susukuan. Kahit— kasuklaman mo ako, tatanggapin ko,” pumiyok ang boses ko sa huling salitang binitawan ko. Para akong sinaksak ng kutsilyo sa puso ko sa katotohanan na kinasusuklaman ako nito. Kahit sabihin kong tanggap ko ang lahat ay sobrang sakit pa rin sa loob ko. Ngunit kailangan kong maging malakas para sa kanila.

Napasabunot siya sa buhok at napaupo ulit ito sa sahig at napahagulgol. “Hindi ko na alam, Anna. Sukong-suko na ako. Hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko,” napakahinang bulong niya kaya lumapit ako sa kanya at pinantayan siya. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng aking luha habang pinagmamasdan siya.

Hinimas ko ang likod ni papa upang pakalmahin siya pero marahas niya itong tinanggal. “Alam mo bang sa tuwing nakikita kita, pakiramdam ko ay napakawalang kuwenta kong ama. Dahil— hindi ko man lang magawang magalit sa ‘yo at maipaghiganti ang pagkamatay ng mama mo.” Muli ay parang tinusok ang aking puso.

Bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. “I-I’m sorry, pa. I’m really sorry. Kung ako na lang sana yung nawala siguro—”

“No. It’s not your fault. It’s my fault. Naging pabaya ako, hindi sana mamatay ang mama mo kung nando’n ako. Hindi sana tayo maghihirap at magkakaganito. I’m so damn useless," saad nito at saka hinalamusan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay. 

Umiling ako. “Hindi po ‘yan totoo.”

Sinuntok niya ang sasakyan na siyang naglikha ng ingay sa paligid, “Hindi mo ba makita, Anna?!” pabalang na hiyaw niya na may halong galit. “Nang dahil sa akin, sa pagtitiwala ko sa tao ay Nabaon tayo sa utang! Nakuha ang bahay at lupa maging ang lahat ng ari-arian natin at napapunta tayo sa putanginang probinsyang ‘to!!” padamdam niya at napahawak ito sa ulo at hindi na natigil sa pag-iyak. Napapikit ako sa mga sinabi niya ngunit kinontrol ko ang aking sarili.

“Pa, hindi mo kasalanan na nagtiwala ka sa tao. Saka wala naman mali kung dito tayo sa probinsya nakatira. Hindi rin mahalaga sa amin ang bahay at lupa o anumang kayaman na yan dahil ikaw ang kailangan namin ni Davina, Pa! Ikaw!” pagkakatwiran ko, “Bakit ba hindi mo rin maintindihan ‘yon, Pa?!” hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at binuhos ko na rin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na niya nakikita ang halaga niya. Ang akala niya 'ata ay pera lang ang makakapagpasaya sa amin ni Davina. Hindi niya naiintindihan na mas kailangan namin siya bilang ama. Kapag nawala siya ay hindi ko na alam kung saan pa kami pupulutin.

Tuloy-tuloy na umiling si papa. “Napakainutil ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman ako. Ipinagkatiwala ko ang pera sa taong akala ko ay mabuting tao. Akala ko ay hindi na ako sasablay muli kagaya noong tumaya ako pero nagkamali ako.”

Niyakap ko si papa patagilid upang subukang pakalmahin ito. “Ayos lang, pa. Ayos lang. Naiintindihan ko. Alam ko… Walang-wala tayong pera ngayon pero, pa.. Isang bagay lang ang alam kong hindi mawawala sa ‘yo at iyon ay ako at si Ate. Ano man ang mangyari ay sama-sama tayong lalaban. Hindi ka nag-iisa, papa. Kahit pudpurin ko ang sarili ko para sa pamilyang ito ay ayos lang sa akin. Basta ang mahalaga ay maging ayos ka at si Ate. Kaya naman ‘wag mong sabihin na inutil ka kasi ikaw ang nagsisilbing lakas namin ng kapatid ko. Kapag wala ka, wala na ring saysay ang buhay namin. Mahal na mahal na mahal na mahal ka namin, pa," pag-aalo ko habang hinihimas ang likod niya. Suminghot ako at mahigpit siyang niyakap para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Nandito ako para sa kanya, upang bigyan siya ng lakas ng loob kung napanghihinaan siya. Kung kinakailangan ay ako ang magsilbing gabay at ilaw niya sa madilim na mundo.

“Hindi…” umiling-iling siya at sinubukan niya akong itulak palayo ngunit mas hinigpitan ko pa ang yakap. Hindi ko siya bibitawan hangga’t hindi niya naiintindihan ang sitwasyon.

Hindi ako bibitaw. Wala na si mama at ayoko nang may mawala ulit sa pamilyang ito. Kahit mag-isa lang akong lalaban, hindi ako susuko at haharapin ko ito kahit sa kabila nito ay ikakadurog ko. Wala na akong pakialam kung maubos man ako, ang mahalaga ay mapanatili kong maayos ang pamilyang ito.

“Let go of me, Anna.” Papa said in a weak tone. His voice is raspy from all the crying and presence of alcohol.

“No, pa, I will never let you go. I will hold you like this until you realize what I am saying, until you feel well. Don’t do this to us, papa. Davina needs you. Just think about Davina. She’ll be upset if she sees you weeping like this. What do you think she will feel?!” I asked him while tears were streaming down my face as I embraced him. I can feel his body shaking due to his intense crying.

“I said let go of me!” he yelled and tried to free himself from my arms.

“No!” I stubbornly shouted.

“Don’t make me feel even more guilty. Just let go,” he firmly said. 

I shook my head and hugged him even more. But to my surprise, Papa held my arms in full force and pushed me away from him. The action made me stumble on the ground. I feel something stab me in my ankle but I just ignore it. That is nothing compared to the pain of seeing my father being in this situation.

He grabbed something at the back of his suit which took my breath away. I gasped as I covered my mouth. “P-p-pa…” I called out his name while my body began to shake. I feel terrified. I don’t know what he is planning but I am certain it is the worst.

My jaw dropped when he pointed the gun towards his temple and held the gun tightly. His tears begin to fall from his eyes down to his cheeks. My eyes widened at what I was seeing. I didn't think it would lead to something like this.

I was never scared in my entire life. Even though my mom died in a car crash, I didn’t feel anything. I just felt empty, that’s all. But now.. I felt like.. Something is about to come out inside of my heart. My mouth is widely open as I cover it with both of my hands. This is my greatest nightmare. I am wishing this is all just a dream but no. This is happening in real life.

“I’m stupid! You don’t deserve me as your father!” he said horribly while tears kept going. I am still rooted in my place, not clearly knowing what to do anymore.

Pinilit kong tumayo at sinubukan siyang lapitan. Ngunit muli akong napatigil noong mabilis niyang tinutok sa akin ang kalibre 45 na pistol. 

“Leave!” Mabilis akong umiling sa kanya at sinubukan siyang pakalmahin. Itinaas ko ang mga kamay ko bilang senyales na wag siyang gumawa ng kahit na ano na ikakasakit niya. “Pa, ibaba mo ‘yang baril mo. Magagawan pa natin ito ng paraan, pa!” pakiusap ko ngunit masyadong matigas ang ulo niya para makinig. Wala talaga ito sa sarili at langong-lango sa alak kaya naman hindi makapag-isip ng mabuti.

Pumikit si papa at umiling-iling bago muling tinutok ang baril sa sintido niya. Dahil dito ay kinain na naman ako ng kaba at takot na baka iputok niya ito. Hindi ko kakayanin kung winakasan niya ang sariling buhay sa harapan ko. Ayokong muling makakita ng isang miyembro ng pamilya na unti-unti sinusundo ni kamatayan.

“I’ll take care of everything and save us from our debt.  I promise, Pa… J-just put the gun down and let’s talk. Okay, Pa?” I pleaded with him. I tried to save him as much as I could. I can’t lose him.

He hopelessly spared me a glance before he finally put down the gun on the ground. After seeing him surrender, I run as fast as I can to abruptly get the weapon and throw it away from him, from us. I did it to avoid any harm.

I immediately embrace him to give him comfort. I felt so relieved that he finally listened to me and finally surrendered the gun. I am truly terrified that he will end his life. I never showed this side of mine to anyone except for this man. I can’t afford to lose my father. He is one of my greatest treasures. If I lose him, I will surely lose Davina too and there will be nothing left for me to hold on to.

How can I continue living if there aren’t enough reasons for me to live? My life only revolves around the two of them and they serve as my happiness.

“I promise I’ll do everything to put everything back to normal, to how it was used to be before. So, you don’t have to worry, Pa. Everything will be fine. All will be well.” I muttered to my father. I made sure that my voice was full of hope so that I could reassure him.

It seems to comfort my father. Finally, Papa hugged me back and cried on my shoulder. His tensed shoulders finally relaxed as he buried his face in my neck. “Thank you, Anak. Thank you so much. You will always be my best daughter apart from Davina. I will always love you. Please always remember that, sweetie,” Papa said softly while caressing my hair. We stayed like that for several minutes until he fell asleep on my shoulder because of too much alcohol. I breathed a sigh and released all the tension.

Mahigpit kong niyakap si papa habang umiiyak. Binigyan ko rin siya ng halik sa ulo bago nagdesisyon na buhatin siya papasok sa kuwarto niya. Buti na lang ay may lakas pa ako kahit papano dahil medyo may kabigatan ito. Inihiga ko siya sa kanyang kama at iniwan saglit upang kumuha ng bimpo at tubig. Binasa ko ang bimpo at saka nagsimulang punasan si papa. Habang ginagawa ko iyon ay bigla itong nagsalita, “Bakit mo kami iniwan, Davaika? Alam mo ba kung gaano ako naghihirap ngayon dahil sa pag-iwan mo?” lasing na giit niya habang tulog at may tumulong luha sa gilid ng mata. Kumirot ang aking puso dahil sa aking narinig.

Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi bago ko tinapos ang pagpupunas sa kanya. Niligpit ko na ang bimpo at tubig at pagkatapos ay nagdiretsyo sa kwarto ko. Padapa akong napahiga sa aking kama at binuhos ang matagal ko nang gustong ilabas na emosyon na kanina ko pa tinatago. Impit akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman. Sinusubukan kong huwag makagawa ng ingay dahil baka magising pa ang dalawa.

It’s my fault why everyone is currently suffering. I am the reason why my mother died. It is me who should be dead instead of her. This is all my fault. I am a failure. I really apologize, Papa. I know it is such a huge weight on your shoulder to make a living just to support us while fighting alone. I’m really sorry. I’ll do everything for you to not hate me.

With so much pain in my heart, I tried to rest my mind. I feel so exhausted from what just happened. My eyes started to feel heavy and I drifted to sleep.

I woke up with a stiff-neck and I received a message from my father. He also said that I need to take a rest. He also apologized for all the things he did and said last night. He’s just too drunk which made him do harsh things. He also said that he will be the one to accompany Davina on her awarding.

I spent my entire day searching for a job but unfortunately, whenever they heard my name, they would reject or ignore me. 

Gabi na noong makauwi sila Davina. Nabilihan na din siya ni papa ang gusto niyang iPhone. Kinabukasan din ay nagpunta kami sa Hello Kitty Water Park dito sa Cebu upang mag celebrate para sa mga natanggap na award ng kapatid ko. Hindi ako mahilig mag-picture kaya naman sila na lamang kinuhanan ko ng mga litrato. Matapos nito ay nag aya na din silang kumain. 

We are busy eating at a seafood restaurant outside the park. My sister is wearing a casual off shoulder floral maxi dress and she looked like a normal person. Unfortunately, a certain fan recognized her and asked for a picture together. This caught everyone’s attention and several people made their way towards us. Reporters and some paparazzi also started following us. We decided to hide and stay in an exclusive hotel located near the park. Later then, Papa ordered us to exchange clothes to trick the media and her fans. My father also asked for help from Ms. Forteza, Davina’s manager, to further avoid the crisis.

“Ms. Forteza, ikaw na ang bahala sa anak ko. Magkita na lang tayo sa sinabi kong lokasyon kung saan tayo magkikita. Hintayin niyo ako ro’n at ‘wag na ‘wag mong hahayaang makalabas ng sasakyan si Davina,” habilin niya saka ako nilingon ni papa. “Tara na, Anna. Wala na tayong oras,” anito at kinuha ang kamay ko at hinila na palabas ng unit at sumakay sa elevator. 

Litong-lito man ay nagpahila na lang ako kay papa. Pagkarating namin sa ground floor ay mga ilaw ng kamera at mga fan ni ate ang siyang bumulagta sa amin. Madalas ay ganito kami upang maiwasan na mapahamak ang kapatid ko. Nagpapanggap akong siya upang makatakas sa mga media.

Nagsilapit sa amin ang mga reporters. Nagsimula silang magtanong tungkol sa mga ginagawa ako at maging ang tungkol sa mga awards na nakamit ni ate kagabi. Hindi lang doon natapos ang lahat dahil may iba pa silang tinanong.

Yumuko lang ako at hindi tumugon sa kanila. Mas siniksik ko pa ang sarili ko kay papa para hindi mahiwalay sa kanya. Ayokong-ayoko talaga sa ganito at saka baka makahalata rin sila na hindi ako si Davina.

Si Papa naman ay todo protekta sa akin laban sa mga fans at reporters. Nakaakbay si Papa sa akin at kinakausap ang mga taong pilit na lumalapit sa akin para kuhaan ako ng litrato. Halos maipit ako at si papa ngunit kahit gano’n ay hindi nagpatalo ang aking ama. Pilit niya pa rin akong nilabas sa hotel ng ligtas, may mga guwardiya na rin para protektahan ako.

Nakahinga ako ng maluwag noong makalabas na kami. Nakalayo na din kami sa maraming tao at mga reporters. Naglalakad na kami patungo sa aming kotse nang biglang may tumigil na BMW at tatlong iba pang sasakyan sa harapan namin. Napakunot ako ng noo at nagtataka kung sino sila. Tinted ang mga sasakyan at hindi mo makikita kung sino ang sakay.

Parang… Nakita ko na ang BMW na ‘to sa school namin. Bumaba ang mga sakay ng sasakyan at bumungad ang mga lalaking nakasuot ng itim. Matipuno ang pangangatawan nila at nakasuot pa ng salamin. Para silang mga private bodyguard sa tindig at galaw nila. 

Nalilito akong inilibot ang aking tingin sa paligid. Para bang nakaplano na ang lahat at hinihintay na lang ako. 

“Remember this, Anna. You must use the best of your ability to survive but you must be cautious of your actions. Don’t let them know anything about the truth. When it’s time, I’ll come and get you,” makahulugang bulong ni Papa. Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya dahil ni isa ay wala akong naintindihan.

Pinagbuksan ako ng pinto ng lalaki sa tingin ko’y pinuno nila dahil kumpara sa iba ay kakaiba ang aura ng lalaking ito. “Please,” malumanay ang boses ng lalaki nang magsalita siya upang sabihan akong pumasok sa loob ng sasakyan. 

Nilingon ko si papa. “Get in.” Ngiti ni papa bago niya ako hinalikan sa noo. Niyakap niya rin ako na para bang ito na ang huling beses na yayakapin niya ako. “Papa loves you, Anna. Take care,” bulong niya sa tainga ko bago siya humiwalay ng yakap sa akin at naglakad na palayo. Nakatingin lamang ako sa kanya habang litong-lito pa rin sa lahat ng nangyayari. Ni isang paliwanag ay wala siyang binigay sa akin.

Ito ang dahilan kaya naman bigla akong kinain ng kaba at takot na mahiwalay sa kanya. Susundan ko na sana si papa kaso ay hinawakan ako ng dalawang men in black para pigilan kaya sinigawan ko si Papa. “Pa!!!” Lumabo ang aking mga mata dahil sa luha. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ito galing pero sobra akong nasasaktan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Tinalikuran ako ni papa at iniwan. 

Para bang… 

“Papa!!!” muling sigaw ko nang hindi ako nilingon man lang ni papa. Tumulo na ang mga luha ko sa aking magkabilang pisngi. “Papa!!! ‘Wag mo akong iwan!!” pagmamakaawa ko na at hindi ko na mapigilan mapaiyak. Tuloy-tuloy ang buhos ng aking mga luha mula sa aking mata.

Nagpumiglas ako para makawala sa dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko ngunit mas diniinan nila ang pagkahawak dito. Masakit ang hawak nila at sa tingin ko ay magpapasa ito “Bitawan niyo ko! Sasama ako sa papa ko. Papa!!!” Pagwawala ko ngunit ni isa sa kanila ay hindi man lang naawa o nakinig man lang sa akin. Hinayaan lang nila akong magpumiglas ngunit hindi nila ako binibitawan.

Matalim ko silang nilingon na dalawa. “Sabi ko bitawan niyo ako! Hindi ako sasama sa inyo, ano ba!?” bulyaw ko sa kanilang dalawa pero wala man lang silang reaksyon at mas humigpit ang hawak nila sa magkabila’ng braso. 

Lalaban na sana ako para takasan sila subalit… 

“Ms. Davina, please get in the car,” the man who opened the car door spoke up. I glance at him while my eyes are full with tears. “Saan pupunta si papa? Bakit hindi ko siya kasama? Bakit—” he cut me off. “I don’t have the right to explain to you. All I can say is that you will serve as the payment for your father’s debt to my boss. So please, don’t make things hard for us. Get in the car. I promise to not use any harsh force when not needed,“ he said in a low baritone voice. His voice is calm yet it is somehow pleading for me to just follow him.

Tila ba nabingi ako dahil sa mga sinabi niya. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga salitang binitawan niya. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya.

Sa mga oras na ito ay para bang tumigil ang mundo ko, kasama na ang paghinga at pagtibok ng puso ko. Para akong kinuhaan ng kaluluwa at ‘di alam kung ano ang dapat kong reaksyon o kung kailangan ko ba pa bang magbigay ng reaksyon? 

Pero isa lang ang alam ko… 

Sobrang sakit… 

Sobrang kirot… 

Para akong unti-unting pinapatay ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Ang mga luha ko’y sunod-sunod ang pagpatak. Tila ba sobrang sagana ng mata ko sa tubig kaya naman walang katapusan ang pag-agos ng mga ito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Pakiramdam ko ay sobrang nanghihina ako sa mga oras na ito.

Ang mga masasayang alaala ko’y unti-unting naglalaho. 

Yung galit na pilit kong tinatanggal sa sistema ko’y unting-unting namumuo. 

Yung dating kalmado’y unting-unting napapalitan ng pamamanhid. 

Tila ba para akong pinagkaitan na mabuhay ng normal. 

Unti-unti…

Nawawalan ako ng mga emosyon bilang isang tao. 

Tinulungan nila akong makapasok sa loob ng sasakyan. Inalalayan nila ako habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Matapos nito ay isa isa silang nagsibalikan sa kanilang sariling mga sasakyan at nilisan ang lugar na ito. Ito ang lugar kung saan pinatay ang puso ko ng mga taong akala ko ay hindi ako sasaktan at iiwan. Ang akala ko ay mananatili sila kahit na ano pa man ang mangyari.

At ang pinakamasakit pa no’n, 

Yung ginawa kong mundo’y na dapat hindi naman ay ibinayad ako na walang pag-aalinlangan. Ni hindi man lang pinag-isipan ang mangyayari sa akin maging kung ano ang mararamdaman ko. 

Akala ko okay lang ang lahat. Na kahit anong gawin nila ay hindi ako magagalit o magtatanim ng sama ng loob dahil mahal ko sila at pamilya ko sila. Itinuring ko sila bilang ang pinaka-importanteng kayamanan ko sa mundo.

Sila ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa buhay. Ginagawa ko rin ang lahat para matulungan sila pero hindi ko akalain na darating sa puntong…

Kailangan akong ibayad dahil sa… 

Utang. 

Related chapters

  • Love Or Hate   Kabanata 2

    Mr. Black Tulala kong pinagmamasdan ang mga sasakyan na nagsisiksikan para lang mapabilis ang kanilang biyahe upang makauwi ng maaga sa kani-kanilang pamilya. Dumadaan lamang ang kanilang mga imahe sa aking mata. Napangiti ako ng mapakla. Pamilya? Ano nga ba ang ibig sabihin ng pamilya? Pamilya na kung ituring ka ay para ka lang hangin? O pamilya na dapat respetuhin mo kahit ilang beses ka nilang saktan at pinakitaan ka na para bang hindi ka parte nito? O baka pamilya na mahal ka lang kung kailangan ka nila at kapag wala ka nang ha

  • Love Or Hate   Kabanata 3

    PagtakasAnim na oras ang nakalipas.Mariin na pumikit si Denver nang tawagin siya ng kanyang anak na si Anna, umaasang lingunin siya nito pero buong lakas niya 'yung nilabanan na huwag maging mahina. Maaari man masama ang gagawin niya pero maiintindihan din siya ng anak niya balang araw. Rinig narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng bunso nitong anak sinisigaw ang pangalan niya.Ito na lang ang sa tingin niya ang paraan para pare-pareho silang mabuhay.Kung sa iba mali ang desisyon niya pero bilang padre de pamilya kailangan niya ng mamili para sa ikakabuti nilang tatlo.Malakas si Anna sa lahat ng bagay, 'di siya mar

  • Love Or Hate   Kabanata 3.2

    Hinawakan siya ni Denver sa magkabilang kamay niya. "Maraming salamat, tatanawin ko itong malaking utang na loob ito sa 'yo," malambing ang tono ng pananalita niya bago niya niyakap ang ginang rason upang mamula ang mga pisngi ng ginang.Matagal na siyang may gusto sa matanda noong nag-aaral pa lang siya subalit hindi niya magawang sabihin sapagkat natatakot ito na hindi sila pareho ng nararamdaman. Kuntento na siya na tulungan ang matanda sa malayo na 'di humihingi ng kapalit. At maliit lang na bagay ang ginawa niyang pag tulong dahil itinuturing na rin niyang totoong anak si Davina 'di lang bilang kaibigan, at pinakamalapit sa puso niya.Anak siya ng taong tinitibok ng kanyang puso. Kaya masaya siya na pagsilbihan ang mga ito kahit pa hindi masuklian ang pagmamahal niya sa matanda.

  • Love Or Hate   Kabanata 3.3

    "What?!!! 6 billion??? That's huge, dad. How can you owe them like that! It's not just a million but a billion, dad!" she said unbelievably while her eyes widened."I know, sweetie. But what can I do? Malaki ang utang ko sa bangko at 'di lang 'yon dahil marami pa akong pinagkakautangan," kanyang paliwanag.She already knew this will happen but hindi niya ito pinansin because she thought her dad can handle this and hinihintay na rin sila ang magsabi sa kanila. That’s why she always asked her dad’s money para mismo sa bibig niya marining ito since she’s just waiting them to tell her about their financial problem yet mas gusto nila siyang itago sa dilim. That made more look like selfish buying and asking money for them. Her chest tightened and nakaramdam na sobrang kirot at sakit dito.

  • Love Or Hate   Kabanata 3.4

    She took a deep breathe multiple times in silent para makuha ng energy si Davina para 'di marinig ng dad and calmed herself down. Bumalik sa normal ang paghinga nito. This is how her doctor taught her kapag may problema sa paghinga. Para 'di siya mahimatay.Nang kalma ang sarili, pumikit siya at kumuha ng lakas bago hinarap muli ang dad nito. "Let’s go back dad. Balikan natin si Anna, hindi ko hahayaan na gawin mo siyang pangbayad sa utang mo. Tao si Anna, hindi siya bagay na pwede mong ibigay kung kailan mo gusto, dad. Anak mo siya at kapatid ko siya!" mariin nitong anyaya.Datapuwat hindi siya pinakinggan ng ama at mas binilisan pa nito ang pagmamaneho patungo sa airport para lisanin ang Pilipinas.Galit niyang nilingon ang dad niya, "dad!!" S

  • Love Or Hate   Kabanata 4

    Hamon. Nagising ako sa dalawang taong nag-uusap. Gising na ang diwa ko ngunit 'di ko pa rin nagagawang imulat ang mga mata upang makinig sa usapan nila. "Ano gusto mong gawin natin sa babaeng ito?" tanong ng kulugo. "She's nothing, so why should I keep her?" walang gana niyang tugon ng lalaking kulang sa aruga. Psh. Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga 'yang kulugo ng kanang kamay mo na 'di makita kung ano ang pinagkaiba namin ni Davina? But, I can't stop but to be amused to him (Black) he can distinguish who is who. "Paano naman yung totoong Davina?" sunod

  • Love Or Hate   Kabanata 4

    Napatigil siya nang tawagin ko ang huling pangalan nito. Alam ko maaaring magalit ito dahil wala ako ni isa sa kanila narinig na tinawag siya ng gano'n pero 'di ako papayag na patayin ako nang 'di man lang lumalaban. He deadly glared at me. "Did you just...call me by my last name?" he asked unimaginably. "Binalik ko lang kung paano mo tawagin ang mga tauhan mo." Hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis ito sa akin dahil sa pagtagis ng mga bagang niya. "You think I wouldn't dare to kill you because you look like the woman that I wanted?" kalmado ang boses niya ngunit mapanganib. "Hindi mo ako pwedeng patayin,” mariin kong saad. Nakasalubong ang mga

  • Love Or Hate   Kabanata 5

    Alaala."Dito ka titira," wika ng Kulugo nang buksan ang isa sa mga tauhan niya nakasuot ng men in black ang pinto ng bago kung tirahan.Pansin ko lang lahat ng nagtatrabaho kay Tanda, mas bagay sa kanya. Dahil talagang matanda na siya pero... Tss.Paano rin kasi mas lalo siyang tumatanda kapag nagsusungit.Thou not that old like my papa. It's just fun calling him that way. Wait—why am I thinking about that old man? Hah!Na una siyang pumasok sa loob ng bahay ng aking titirahan. Pero parang hindi naman ito bahay para itong bahay ng isang preso dahil gawa sa yero ang ginamit nila para itayo ang aking kulungan. Daig ko pa ang kri

Latest chapter

  • Love Or Hate   Kabanata 31.2

    P R E S E N T T I M E. "That’s how my life became. It’s because of me. That’s why I don’t blame Dad and Davina for leaving me behind. And I won’t blame you either if you use me against them." I spoke with warmth when I recalled the past while staring at the blue ocean. The place is already quiet since our yacht is turned off, the waves have calmed, and the air is so refreshing. I could stay here all day admiring the scenery. "How did you overcome all that kind of suffering? It must be hard for you to endure all of that. I don't understand why the child always pays for the parent's wrongdoings. I thought I was the only one who was having a hard time growing up, but no. It was actually okay since I'm a man, but you... do you want to live with me instead?" Mabilis akong napatingin sa kanya ng biglang niyang itanong yun sa akin. Ito lang napakahabang sinabi at sa tuwing magsasalita ito ay lagi akong iniiwanan ng surpresa sa mga binibitawan niyang mga salita. "Hindi ba nakatira na ako

  • Love Or Hate   Kabanata 31

    THE BEGINNING OF ROMANCE: Be My Real Wife. Tahimik kong pinagmamasdan ang karagatan at maya-maya lang ay doon na nagsimulang lumabas ang mga dolphin at parang isdang tumatalon sa tubig. Hindi ko na malayan na tinabihan pala ako ni Kaito dahil masyadong lang ako nakatutok sa panonood ng mga dolphin. Nandito kami sa labas ng yate nakaupo sa lapag sa pinakadulo ng nguso ng yate. A glass of orange juice was offered while a glass of wine was held in his hand. I was about to reach for the wine glass when he stretched his hand away from me. “Be good. Drink this now, and later you'll take vitamins after we eat." On rare occasions, his voice is as tranquil as the ocean. Wala na akong nagawa kung ‘di tanggapin na lang ito at binalik ang atensyon sa dagat. Wala nang mga dolphin ang tumatalon at tahimik na ang karagatan wala rin gaanong alon kaya payapa, nakapatay din ang makina ng yateng sinasakyan namin at sa ‘di kalayuan mga speedboat ng taohan niya ang nakabantay sa amin sa malayo. Nasa gi

  • Love Or Hate   Kabanata 30

    VACATION. Naalingpungatan ako ng gising at marahan kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kesame. Napahawak ako sa aking ulo ng maramdam kong kumirot ito pero sumalubong ang aking kilay nang may makitang dextrose na nakakabit sa likod ng aking kanang palad. “You’re awake now?” malamig ang boses nito habang nakadekwatrong nakaupo sa may biranda na humihigop ng kape. Nakasuot pa rin ito ng kanyang karaniwang sinusuot sa trabaho ang tinanggal niya lang ay ang blazer at kurbata. Seryoso ang mukha niyang humihigop ng kape na nakatingin sa akin samantala ako ay tinitigan ko lamang siya babalik. Iniisip kung paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat? At kung paano ako makakatakas sa kanya? "Did you plan to shoot yourself just for the sake of the deal?" "Yes," I answered directly. There’s no use lying to him. In the end, the truth will reveal itself, and knowing him, he has many ways to find the truth, whether I’m telling the truth or not. I know I have a lo

  • Love Or Hate   Kabanata 30.2

    I’m done dressing up. My belongings are also present, as is my makeup kit, which contains everything I require. It seems like the old man planned it beforehand after I looked around where we were staying. I also put on light makeup to make me appear normal because I look like a corpse with my pale face since I got shot. Kaya habang hinihintay si Tanda na dumating ay nagpasya muna ako na lumabas ng kwartong tinutuluyan namin at halos magulat ako na private villa pala ang lugar na ito. May mga trabahente akong nadaanan at lahat sila'y pare-pareho ang tawag sa akin ay Mrs. Tsukasa. Nang magtanong ako sa isang lalaking nagbabawas sa may garden kanina kung saan lugar ito sabi Boracay daw. Napangiwi ako. Ano kaya ang binabalak ng matandang ‘yon? Bigla akong napatakip sa bibig at nanlaki ang mga mata nang maalala ang sinabi niga. “Huwag mong sabihin na totohanin niya ang sinabi niya?!” kausap ko sarili ko. “Hindi naman sana! Ang pangit mag-aral na malaki ang tiyan!” napatampal ako sa noo

  • Love Or Hate   Kabanata 29.4

    MABIBIGAT ANG TALUKAP NG MATA KO, subalit nagawa ko pa ring magising sa kabila ng tama ng bala sa aking tiyan. Ramdam ko ang bilis ng patakbo ng ambulansyang sinasakyan namin. “Stay with us, Anna,” I heard Lazaro calmed me while holding where I got shot. Nanghihina na ang pandinig ko, maski buong sistema ko ay malapit nang sumuko na kapag bumigay ako ay baka hindi na ako magising pa. Halos wala na akong maintindihan sa nangyayari pero rinig ko pa rin ang mga kapulisan, marahil pinalilibutan ang buong Cebu ng mga pulis para lang mahuli kami. Akala ko no'ng tumigil ang sasakyan ay nakarating na kami sa destinasyon namin ngunit mali ako dahil pinara kami para sa inspeksyon at maski ambulansya ay ‘di nila pinalampas. “Anong mero'n, boss? May malubha kaming pasyente na kailangan ng agarang operasyon,” paliwanag ng drayber ng ambulansya. “Inspeksyon lang sir, pakibuksan lang ang pinto sa likod. Makipag-cooperate muna tayo, sir,” tugon ng pulis. Marahan akong tinapik ni Lazaro kaya tin

  • Love Or Hate   Kabanata 29.3

    MAKALIPAS NG MGA ILANG MINUTO ay nakarating na rin kami sa wakas sa kaya naman nagsihandaan na ang mga tao para sa pagbaba at pagkuha ng kanilang mga kagamitan, at dahil ang bagahe naman ay nasa baba ng barko ay halos bag lang namin ang dala-dala naming tatlo. [ Anna, the white van is already there to pick you up. They are one of my men so you don’t have to worry—] Hindi niya naituloy ang sasabihin nito nang magulantang ang lahat ng nandirito sa barkong sinasakyan namin nang marinig ang lakas ng ingay ng serena na ang ibig sabihin lang no’n ay maraming pulis ang nandito na nagroronda.[ Kasu! I knew it. This is going to happen but why in Hades they knew about this transaction?! Rodriguez! Immediately investigate this matter, faster!] I heard Kaito cursed. “Shit! What will we do?” I heard Mickey uttered nervously. “Putangina! Mukhang natunugan tayo, kapatid,” bulong din ni Ethan. Halos hindi lang sila ang kinakabahan sa mga kapulisan na pumapaligid ng buong lugar. “Check niyo lahat

  • Love Or Hate   Kabanata 29.2

    PINAGMAMASDAN ko ang malawak na karagatan dito sa barkong aming sinasakyan, malakas ang hampas ng hangin sa akin kaya naman nililipad ang buhok ko maski ang suot kong paldang uniporme habang sa pangtaas naman ay pinatungan ko rin ng itim na jacket upang maibsan ang lamig. Nang biglang may kamay ang lumapat sa balikat ko. “The information you gave me, was it true?” mababa ang tono ng boses nito kumpara sa sigla niya tuwing kausap ako. Tumango lang ako sa kaniya nang ‘di inaalis ang paningin sa magandang tanawin dito sa barko kung saan papuntang Cebu. Narinig ko ang malalim nitong hininga at tinanggal ang kamay sa balikat ko saka sinandal din nito ang mga siko sa rehas ng barko na nagsisilbing panangga upang hindi kami mahulog. “You really are something, Anna. From the day you save me on that night and up to now, for knowing my real father. It never came across my mind that I would know my father someday since my mom told me that I never had a father. The only thing she told me is th

  • Love Or Hate   Kabanata 29

    Cebu. NAKAUPO akong nakatingin kay Gutierrez at masinsinan niya akong tinitingnan habang salubong ang mga kilay nito. Nandito kami sa isang pribadong kwarto at malaya mong makikita ang kaganapan sa okasyon kung saan naghihintay si Kaito kasama ang buong pamilya niya sa mangyayari sa pag-uusapan namin, kung mapapayag ko ba siya o hindi. Komportable itong nakaupo sa katad na sopa habang nakedekwatrong upo, nakapatong ang isang kamay sa mahabang mesa na pumapagitan sa amin habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak na alak. “If you are here to make a deal with me to be your husband's business partner, my answer will never change. And ask your husband, where did he get the thickness of his face after threatening my wife to kill me?” he snorted. My forehead knitted. “Kaito threatened your wife just only to kill?” I asked back as I laughed at him. “Of what grounds? Business? Don’t make me laugh. Kaito never threatened anyone, it was a lame tactic. Do you think Kaito will be the CEO

  • Love Or Hate   Kabanata 28.3

    Nakita ni Anna na kompleto rin ang pamilya ni Kaito subalit ni minsan ay hindi siya tinuunan ng atensyon ng mga ito. Wala rin itong narinig sa kanila nang maging matagumpay ang kaniyang nakaraang transaksyon. Sa pag-uugali pa lang, mukhang hindi masiyadong magkalapit ang loob ni Kaito sa pamilya niya. Kaya naisip ni Anna na hindi na nakakapagtaka kung bakit napakasungit at seryoso nito lalo na sa negosyo. Nakikita rin ni Anna kung gaano rin siya kalamig dati, kung hindi niya lang nakilala itong si Kaito ay malamang hanggang ngayon ay walang magbabago sa ugali niya. Napasinghap si Anna nang maramdaman niyang pinalupot ng kaniyang asa-asawahan ang kamay nito sa kaniyang bisig kaya muntik pa itong mabikaukan dahil nagkataon pang umiinom ito ng tubig sa isang glass wine, habang siya'y alak ang tinitira. Nagpaalam din kasi ito kanina na pupuntahan niya ang ama nito para makisosyo sa mga nandito kaya halos hindi inaasahan ni Anna ang paglagay ng kamay niya sa bewang nito.“He’s here, let’

DMCA.com Protection Status