Share

Love Me Angel [Filipino]
Love Me Angel [Filipino]
Author: Lhiamaya

Chapter 1

Author: Lhiamaya
last update Last Updated: 2022-10-21 16:37:47

Ivy

Napaigtad ako ng marinig ko ang pabalibag na pagsara ng pinto sa sala kasunod nun ang malulutong na palitan ng mura nila tiyang Linda at tiyong Oca.

"Nag aaway na naman sila." Sabi ng sampung taong gulang kong pinsan na babae.

"Wag mo na silang pansinin Lileth. Kumain ka lang ng kumain para makapasok ka na sa school." Sabi ko at sinandukan pa sya ng sinangag. Si Kiko naman naman na pitong taong gulang ay sinaway ko sa paglalaro ng pagkain.

Hindi na bago sa akin ang pag aaway nila tiyong at tiyang sa umaga. Wala yatang raw na hindi sila nag aaway. At ang lagi nilang pinag aawayan ay pera.

Mabilisan na lang din akong kumain para makapag ligpit na. Kailangan ko agahang pumunta sa tindahan dahil late ako kahapon. Baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene.

"Ate tapos na ako." Sabi ni Kiko. Ubos na ang laman ng plato nya.

"O sige na, maghugas ka na ng kamay sa lababo."

Tumalima naman sya. Sumunod na rin sa kanya si Lileth na tapos na ring kumain. Inayos ko muna ang mga suot nilang uniporme. Si Lileth ay tinalian ko ang buhok at si Kiko naman ay pinulbusan ko at nilagyan ng bimpo sa likod.

"Hayan! Ang linis at ang bango nyo nang tingnan." Nakangiting sabi ko. Para ko na rin kasi silang nakababatang kapatid.

"Salamat ate. Pasok na po kami." Paalam nila sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Bumalik naman ako sa kusina para magligpit at maghugas ng pinggan. Sila tiyong at tiyang ay nagtatalo pa rin.

Tapos na ako sa paghuhugas at nagpunas ng kamay ng pumasok sa kusina si tiyong Oca kasunod si tiyang Linda.

"Ivy ipagtimpla mo nga ako ng kape!" Utos ni tiyong Oca.

"Ikaw na ang magtimpla at papasok pa sa tindahan yan." Sabat naman ni tiyang Linda.

Hindi na nagsalita si tiyong Oca at padabog na kumuha ng tasa.

"Papasok ka na ba?" Nakapamewang na baling sa akin ni tiyang habang nakataas pa ang kilay nya.

"Opo tiyang. Kailangan ko pong agahan dahil baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene, late na kasi akong pumasok kahapon eh."

"Aba'y kasalanan mo naman dahil tanghali ka na nagising."

Hindi naman ako tinanghali ng gising kahapon. Masayado na ngang maaga ang alas kwatro dahil pinaglaba pa nya ako. Nagluto pa ako ng agahan at inasikaso pa sila Lileth at Kiko.

Hindi na lang ako sumagot at baka batukan nya ako.

"Di ba sahod mo na mamaya? Iintrega mo sa akin dahil magbabayad tayo ng kuryente at baka maputulan na naman tayo." Dagdag pa nya.

"Po?"

"Aba'y nabingi ka na. Ang sabi ko iintrega mo sa akin ang sahod mo dahil magbabayad tayo ng kuryente." Ulit nya.

Magpoprotesta sana ako pero matalim na ang tingin nya sa akin. Tumango na lang ako. Wala namang mangyayari kung aangal pa ako. Bukod sa sasapukin nya ako ay male-late pa ako sa pagpasok.

Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.

Sukbit sukbit ang luma kong shoulder bag ay mabilis na akong naglakad. May oras pa naman ako para maglakad at hindi malate sa tinakdang oras ng pasok ko. Kailangan ko kasing magtipid. Siguradong simot ang sahod ko mamaya at walang matitira sa akin. Mabuti nga at libre ang pananghalian at meryenda sa tindahan. 

Napabuntong hininga ako kapag naiisip ang sitwasyon ko. Siguro kung hindi namatay si mama ay nag aaral pa rin ako hanggang ngayon. Kabilin bilinan nya sa akin bago sya malagutan ng hininga na magtapos ako sa pag aaral. Kaya nga nag iwan sya ng malaking halaga sa bangko para sa pag aaral ko. Dati kasing teller sa isang bangko sa Manila si mama. Nang magkasakit sya ay pumunta kami dito sa bayan ng Santa Martina. Grade 5 pa lang ako noon. Pero ang perang iniwan ni mama sa bangko para sa pag aaral ko sya sinaid lahat ni tiyang. Mabuti ba kung ginamit nya sa mga pangangailangan sa bahay pero hindi, ginamit nila ni tiyong pambayad nila sa utang sa sugal at sabong. Wala naman akong magagawa dahil katakut takot na sumbat ang aabutin ko. At kapag lalo pa syang nainis ay pagbubuhatan pa ako ng kamay. Wala naman akong kilalang ibang kamag anak. Ang kilala ko lang ay si tiyang Linda na kapatid ni mama kay lola na ang pakilala nya sa akin noong una ay mabait. Mabait naman talaga kapag may pera ka. Ang lola ko naman na nanay ni mama ay matanda na at nakatira sya sa bukid dahil may mga pananim sya doon. Tanging sya lang ang mabait sa akin. Wala naman akong ama. Dahil pinanganak akong walang ama. Wala naman kinukwento si mama. Pero ayon sa naririnig kong usapan nila tiyang Linda at tiyong Oca dati ay taga dito lang daw dati sa bayan na to ang nakabuntis sa mama ko. Gusto ko man syang hanapin ay wala naman akong magawa. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya. Hindi rin naman alam ni tiyang Linda. Dahil kung alam nya daw kung ano ang pangalan at kung saan nakatira ay pupuntahan nya para hingan ng sustento.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kapag nakikita ko ang mga dati kong kaklase na pumapasok sa school. Second year college na sana ako ngayon sa kursong Educ. Kaya nga ako nagtityagang magtrabaho sa tindahan ng prutasan ni Ka Ene para makapag ipon. Mag na-nineteen na rin ako sa isang buwan. Ang bilis talaga ng panahon.

Humugot ako ng malalim na hininga ng matanaw ko na ang malaking tindahan ng mga sari saring prutas na pinapasukan ko. Sa paligid ay mayroon ding mga nagtitinda ng kung ano ano. Nasa bungad kasi ng palengke ang tindahan ng mga prutas.

"Good morning po Ka Ene!" Nakangiting bati ko sa matandang babae na amo ko.

Ngumiti naman sya sa akin. Mabait naman talaga sya may pagka masungit lang minsan.

"Aba nandito na pala ang pinaka magandang tindera sa bayan ng Santa Martina. Mabuti naman napaaga ka. Akala ko late ka na naman eh."

"Maaga po kasi akong natapos sa mga gawain sa bahay." Ani ko at nilapag na ang bag sa ilalim ng desk na patungan ng kilohan at nagsisilbi na ring kaha.

"Kuh! Yan talagang tiyahin mo, wala namang ginagawa kundi magsugal lang bakit hindi na lang sya ang gumawa ng mga gawaing bahay. Hanggang ngayong may asawa na tamad pa rin. Malayong malayo talaga sa mama mo noon." Aniya. Kilala nya kasi ang mama ko noong nabubuhay pa.

Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot pa dahil hahaba lang ang litanya nya.

Sinamahan ko na si Tina sa pagsasalansan ng mga prutas. Si Cristy naman o Christian na isang binabaeng kasamahan ko rin ay abala sa pag aasikaso sa isang customer. Bale tatlo kaming tindera dito. Malakas kasi itong tindahan ni Ka Ene.

"Buti hindi ka late. Inalila ka na naman ng bruha mong tiyahin no?" Wika ni Tina. Kapit bahay ko sya at kaibigan ko na rin kaya alam nya ang nangyayari sa bahay namin at kung paano ako tratuhin ni tiyang.

Bumuntong hininga ako. "Sanay na ako dun."

Umiling iling na lang sya.

Ilang sandali pa ay dumagsa na ang mga mamimili kaya bihira na lang kami umupo. Ganito ang araw araw ko dito sa tindahan. Nag e-enjoy naman ako dahil mababait ang mga kasama ko pati na rin ang mga mamimili. Minsan nga lang hindi maiiwasan ang sobra sobra kung tumawad. Sa halos magda dalawang taon ko na dito ay gamay na gamay ko na ang ginagawa. Nakakapagod dahil sampung oras ang trabaho ko pero masaya naman.

"Pili na po kayo mga suki! Matamis pa at bagong pitas!" Masiglang tawag ko sa mga mamimili.

"Kalahating kilong ubas nga yung seedles." Anang isang nanay na may bitbit na bata. Agad ko syang kiniluhan ng seedless na ubas.

"150 po madam." Nakangiting sabi ko at inabot ang supot sa kanya at kinuha ang 200 peso na bayad nya para suklian.

May iba pang namimili na ini-estima nila Tina at Christy. Pati na rin si Ka Ene ay nagbebenta na rin. Dumadami pa ang namimili para ipasalubong sa kanina kanilang mahal sa buhay. Uwian na rin kasi ng mga nagtatrabho. Meron pang magarang pick up na sasakyan ang nasa harap at bumibili din.

"Mukhang magsasara tayo ngayon na maganda ang benta ah. Sana bukas ay ganito din." Masayang wika ni Ka Ene.

Humupa na ang maraming namimili bagama't merong paisa isa na lang.

"Paking shet! Nakita mo ba yung isang customer kanina na bumili ng dalawang hinog na papaya bakla? Ang gwapo! Nakaka wet! Parang gusto ko ngang papaya ko na lang ang ibigay ko sa kanya eh." Parang kinikiliting kinikilig pa na sabi ni Tina.

"Gaga! Wala kang papaya! Dalandan yang sayo. At saka hindi sya sa'yo nakatingin no! Kay Ivy kaya!" Pairap na sabi ni Cristy.

Nilingon ko naman silang dalawa at natatawa na lang sa pabirong sakitan nila.

"Panira ka talagang bakling ka! Inggit ka lang sa akin eh!" Ani Tina na sinasabunutan na si Christy.

"At bakit ako maiinggit sayo? May nilamang ka? Aray!"

"Itigil nyo nga yan! Malamog nyo pa ang mga prutas dyan!" Awat sa kanila ni Ka Ene.

Naghiwalay naman sila at nag ambahan na lang at irap. Tinawanan ko lang sila.

Pagsara ng tindahan ay tinawag na kami ni Ka Ene para sa sweldo namin. Napabuntong hininga ako ng mahawakan ko na ang sahod ko. Kagat labing nag ipit ako ng 500 at siniksik sa loob ng bag ko na may secret pocket. Alam ko naman kasing walang matitira sa sahod ko mamaya. Sana nga lang ay hindi na hanapin ni tiyang ang 500.

Sabay sabay na kaming naglakad sa terminal para sumakay ng tricycle. Isang baranggay lang naman kaming tatlo uuwi. Hindi ko na rin kasi kayang maglakad dahil pagod na rin ang mga binti ko sa katatayo at isa pa gabi na rin. Delikado maglakad baka may makasalubong pa akong bastos na lasing.

Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay dinig ko na ang mga boses ni tiyang Linda at tiyong Oca. Nag aaway pa rin sila.

Dahan dahan akong pumasok at nagmano sa kanila. Walang sali salita na nilahad ni tiyang ang palad. Dinukot ko naman ang pera sa bulsa ko at nilagay sa palad nya.

"Kumain ka na roon Ivy, may natira pang ulam dyan." Sabi ni tiyang.

"Opo." Sagot ko. Lihim na lang akong napailing. Tinirhan nila ako ng ulam ngayon dahil sahod ko. Kadalasan kasi hindi nila ako tinitirhan ng ulam, kung susuwertihen matitirhan na lang ako ng sabaw.

Habang kumakain ay hindi pa rin sila tapos sa bangayan.

"Eh pa'no na ang gagawin natin ngayon nyan? Kapag hindi natin sya nabayaran agad ay siguradong bugbog na naman ang aabutin ko." Ani tiyong Oca.

"Ikaw kasi eh! Ang tanga tanga mo! Pinatalo mo lang yung pera. O pa'no na talaga ngayon yan!" Tungayaw naman ni tiyang Linda.

"Kung magsalita ka ah parang hindi ka rin nakinabang sa inutang ko. Asan na nga pala ang pera? Baka may natira ka pa dyan? Itataya ko uli sa sabong para dumoble."

"Wala na. Natalo ako kanina ng dalawang libo. Yung isang libo binili ko ng ulam natin."

"Anak ng! Bente mil ang binigay ko sayo kahapon ah! Ubos na?" Inis na turan ni tiyong Oca.

"Natalo nga ako sa majong at tong its di ba? Hindi ako sinuwerte eh!"

"Ikaw rin pala tatanga tanga eh! O anong gagawin natin ngayon? Isang linggo lang ang binigay na palugit ni Ka Tano at kapag hindi ako nakapag bayad ay siguradong bugbog ang aabutin ko sa tauhan nya! Naiintindihan mo ba?!"

"Naiintindihan ko wag mo kong sigawan gago!" Sikmat ni tiyang Linda kay tiyong Oca.

Ilang saglit silang tumahimik at parang nagpapakiramadam.

Mula dito sa kusina ay kita ang sala kung saan sila nag tatalo. Napapailing na lang ako habang kumakain. Kita mo? Nagkapera pala sila pero hindi man lang nagawang bayaran ang kuryente at sahod ko pa ang nakompromiso. At duda din akong ibayad nga ni tiyang sa kuryente ang sahod ko.

Nag angat ako ng tingin sa kanila at nahuli kong mataman nakatingin sa akin si tiyong Oca. Kakaiba ang tingin nya. Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi pa sya. Parang bigla akong kinilabutan sa tingin nya na yun.

"Mukhang alam ko na kung paano tayo makakabayad Linda."

*****

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Delaney Prince
Here I Am Author :-)
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 2

    Jeizhiro"Jeizhiro!" Nilingon ko si Mayor Rodolfo ang mayor ng bayan ng San Agustin. Ang bagong employer ko. Nakangiti syang lumapit sa akin."Pauwi ka na ba?" "Yes mayor, may kailangan pa ho kayo?" Magalang kong tanong. "Wala naman. Magpapasalamat lang ako sa'yo sa ginawa mo kanina. Salamat at tinulungan mo si Yñigo na masukol si Don Abel. Ligtas ang inaanak ko ng dahil sa tulong mo." Aniya at tinapik ang balikat ko. Ngumisi naman ako. "Wala ho yun mayor, at isa pa kahit wala naman ho ang tulong ko ay makakaligtas pa rin ang inaanak nyo. Mahusay ding bumaril eh." Tumawa naman sya. "Gayunpaman salamat pa rin. Malaki ang naitulong mo." Tumango na lang ako at ngumiti. "Teka, ayaw mo bang maghapunan muna bago umuwi?" Alok nya. "Hindi na ho mayor, may dadaanan din ho kasi ako." Tanggi ko. Tiningnan ko ang oras sa silver wrist watch ko. Mag a-alas singko na ng hapon."O sige, mag iingat ka na lang. Kita na lang tayo sa Monday." Muli nya akong tinapik sa balikat. Sumakay na ako sa

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 3

    Ivy "O muntikan ka na namang ma-late." Bungad sa akin ni Christy pagdating ko ng tindahan. Si Ka Ene naman ay nasa kabilang tindahan at nakikipag chikahan sa may ari din. "Pasensya na, naglaba kasi ako eh." Hinging paumanhin ko at nilagay na ang bag sa pinag lalagyan ko. Tinali ko muna ang alon alon kong buhok para hindi ako masyadong mainitan. "Bakit kasi nagtitiyaga ka dyan sa tiyang mo. Kung ako sa'yo nilayasan ko na sila matagal na." Singit ni Tina na nagsasalansan na ng mga prutas. Lumapit na ako sa kanya at tumulong. "Saan naman ako pupunta kung lalayas ako? Kay lola? Eh di mahahanap din nila ako." Sagot ko. Bumuntong hininga sya at namaywang na parang namroblema sa sitwasyon ko. "Eh kung mag asawa ka na lang kaya." Binalingan ko sya at tiningnan kung seryoso sa sinasabi. "Wala pa sa isip ko yan. Ang bata ko pa no. Mag aaral pa ako." "Puwes isa isip mo na. Dahil yun lang ang tanging paraan para makalayas ka na sa poder ng tiyahin at tiyuhin mong mga sugarol at abusado.

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 4

    Ivy Mas lalo pang kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng pumasok na ang tricycle na lulan namin sa bayan ng Consolascion. Ito ang sentro ng kalakaran sa probinsya ng Kalinaw. Maraming mga establishment at puntahan talaga ng mga tao. Pero talamak ang krimen at ilegal na gawain. Sa unang baranggay pa nga lang ay hilera na ang mga beer house at damadagundong ang tugtog sa speakers na nasa labas at nakatapat sa kalsada. Pero ayun na rin sa mga chismis na naririnig ko ay hindi lamang simpleng inuman ang nagaganap sa loob ng beer house. Talamak din ang bentahan ng laman. Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ng pumasok ang lulan naming tricycle sa gilid ng isang beer house. Sa likod nito ay may malaking lumang bahay. "T-Tiyang a-ano pong gagawin natin dito?" Kinakabahang sabi ko. "Basta! Malalaman mo mamaya! Umayos ka nga dyan para kang natataeng hindi maintindihan." Asik nya sa akin. "T-Tiyang umuwi na po tayo.." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Hindi ka ba titigil? Gusto mong masaktan?"

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 5

    Ivy Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan.. Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon. Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo! Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas. Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa k

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 6

    JeizhiroHindi ko pa nauubos ang isang bote ng beer ng may lumapit na namang isang babae sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang pakay nila. Ang alam ko mahigpit na itong pinagbabawal sa mga ganitong lugar. Tinaboy ko na kanina ang isa. Ang pakay ko talaga sa lugar na to ay inom at hindi kasama ang babae. Babalik na ako sa San Agustin bukas at hindi ko alam kung kelan ako pwedeng mag off ulit. Tinaboy ko muli ang babae at tinuon na lang ang pansin sa pag inom ng beer. Sinilip ko ang oras sa wrist watch. Pasado alas diez na pala ng gabi. Tinungga ko ang laman ng bote ng beer at nag iwan ng pera sa lamesa at tumayo. Kinolekta naman ito ng nagserve sa aking waitress. Diretso na akong lumabas ng beerhouse at dinukot ang susi ng raptor ko sa bulsa. Medyo maalinsangan ang gabi. Pagbukas ko pa lang ng driver seat ay may nararamdaman na akong kakaiba. Umupo ako at sinarado ang pinto sabay dukot ng baril sa loob ng leather jacket habang hindi inaalis ang mata sa rare

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 7

    Ivy Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag inat ako sa higaan. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang malaking elesing umiikot at barnis na kahoy na kisame. Iba naman ito sa kisameng namulatan ko kahapon. Wala na ako sa impyernong bahay na yun na pugad ng mga demonyo. Nakatakas ako. Tinulungan ako ng isang gwapong mama. Napangiti ako at bumangon. Suot ko pa rin ang t-shirt ni sir Jeiz na mukhang bestida ko na dahil sa laki. Pagkatapos nya akong pakainin kagabi ay dinala nya ako dito sa isang kwarto sa second floor. Ito daw muna ang pansamantalang tulugan ko habang nandito ako. Sinuklay ko ng daliri ang buhok at niligpit na ang higaan. Naging komportable ang pagtulog ko kagabi. May kalakihan ang kwarto. Halos kasing laki na nga ng bahay ni tiyang Linda. Malaki ang kama at malambot. May sarili pang banyo. Kahoy ang dingding at sahig na may barnis. Halatang hindi basta bastang kahoy lang ang mga ginamit dito. Malamig din dahil may aircon bukod sa

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 8

    Jeizhiro Nang matapos ang emergency meeting na pinatawag ni mayor Rodolfo ay nagpaalam akong aalis muli. "Jeiz may problema ba iho?" Nag aalalang tanong ng butihing mayor. "Wala naman ho mayor. May kailangan lang ho talaga akong asikasuhin sa bahay. Pagkatapos din ho ay babalik din ako agad." "Ayos lang iho, asikasuhin mo muna ang kailangan mong asikasuhin. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Aniya at tinapik pa ako sa balikat. "Salamat ho mayor." Pagkatapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa raptor ko at nilisan ang lugar. May sabik akong nararamdaman na muling makita ang dalaga. Umalis ako kanina na tulog pa sya. Bigla kasing nagpatawag ng emergency meeting si mayor para sa mga tauhan. Sasamahan ko kasing magpa blotter si Ivy sa presinto. Kung balak nyang kasuhan ang tiyahin at tiyuhin nya ay tutulungan ko sya. At hanggang maaari ay ayoko muna syang pabalikin sa bahay ng tiyahin nila dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa susunod. Napahigpit ang haw

    Last Updated : 2022-10-21
  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 9

    Third POV"Ay jusko Oca!" Napatili si Linda ng sumadsad ang asawa sa lamesita ng suntukin ito ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano na sumugod sa bahay. Agad nya itong dinaluhan. Putok ang labi nito. Pinahid nito ng likod ng palad ang labi.Binalingan nya ang mga tauhan ni Ka Tano. "Ano bang problema nyo at bigla na lang kayong susugod dito sa bahay ko at sinuntok nyo pa ang asawa ko." Sikmat nya sa mga ito. Mabuti na lang at wala sa bahay ang mga anak. Maagang pumasok sa eskwela."At kayo pa talaga ang matapang ha." Nilingon nya ang nagsalita sa may pinto. Si Ka Tano na bagong pasok at may nakaipit na sigarilyo sa labi nito. Hinithit nito ang sigarilyo at binuga ang usok habang matalim ang tingin sa kanilang mag asawa. "Ka Tano, a-anong problema?" Tanong ni Oca kay Ka Tano na bagong dating. "Problema ko?" Ulit ni Ka Tano at pinitik ang upos ng sigarilyo sa sahig ng bahay at tinapakan. Napalunok naman silang mag asawa at nilukob na ng takot at kaba. Kilala nila ang matanda. Ano kaya an

    Last Updated : 2022-10-21

Latest chapter

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter 4

    Jeremy Natividad HINAGIS KO ang upos ng sigarilyo sa semento at tinapakan. Binuga ko ang usok pataas. Bored kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko na hawak hawak sa magkabilaang braso nila Emon at Nat. Matalim ang tingin nya sa akin pero mababakas ang takot sa kislap ng kanyang mata pati ang panginginig ng kanyang labi Napangisi ako. Wala pa nga akong ginagawa nanginginig na. "Ano? Banat na kung babanat ka!" Singhal nya sa akin. Mas lalo lang akong napangisi, ang dalawa naman ay tumawa lang at binatukan sya. "Kahapon ang tapang tapang mong maghamon ha. Ngayon parang maiihi ka na sa takot." Komento ni Nat. "Tsk! Hindi ako natatakot sa inyo. Baka kayo ang natatakot dahil pagtutulungan nyo pa akong tatlo." Matapang na sabi ng lalaki sabay dura sa semento at ngisi. Tumawa naman kaming tatlo. Mabuti na lang ay nasa tagong lugar kami. Nandito kami sa lumang talyer kung saan maraming mga nakaimbak na kinakalawang na bakal. Ang iba ay mga parte ng mga sasakyan. "Ang tapang mo bo

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter 3

    Jethro Natividad NAPANGISI AKO ng makita si Jana na nagdidilig ng halaman habang kinakausap nya ang mga ito. Parang ewan lang. Mabuti na lang cute syang negrita. Dahan dahan akong lumapit sa likuran nya at ginulat sya. "Boo!" Sigaw ko sa likuran nya sabay kiliti sa kanyang tagiliran. "Ay!" Gulat na tili nya at pumaling ang hawak na hose. Agad akong lumayo sa kanya bago ako mabasa. Tawa ako ng tawa ng makitang basang basa ang harapan ng damit nya. Agad nyang pinatay ang hose at masamang tumingin sa akin. Habang ako ay hindi magkamayaw sa pagtawa. Namumula sa inis ang kayumanggi nyang mukha. "Ang sama mo talaga sir Jethro, isusumbong ko kayo sa mommy nyo." Banta nya sa akin sabay walk out at dumiretso palabas ng gate. Malamang ay uuwi sa kanila para magpalit ng tuyong damit. Malapit lang naman ang bahay nya. Isang tawid lang ng kalsada. Natatawa pa ring hinahatid ko sya ng tanaw. Patawid na sya ng kalsada. Apo sya ng katiwala namin na si manang Sol. Paslit pa lang sya lagi ng nabu

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter 2

    Ivy "GOODBYE CLASS! Wag nyong kalilimutan ang mga assignments nyo ha." Bilin ko sa mga estudyante ko. "Yes ma'am!" Sabay sabay naman na sabi nila. "Ok go na, ingat sa pag uwi." Maayos na silang pumila para lumabas ng classroom. Naiwan naman ang mga cleaners. Niligpit ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay tumulong na rin ako sa paglilinis para mabilis matapos at ng sabay sabay na kaming makauwi. Siniguro kong wala ng naiwan sa loob ng classroom bago ko ni-lock ang pinto. Nagpaalam na sa akin ang mga estudyante kong cleaners na mauuna na sila. "Ma'am Ivy!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Tumatakbong palapit sa akin si Jana bitbit ang mga libro at sukbit sukbit ang bag. Nakangiting nagmano sya sa akin. "Wala ka ng naiwan sa room nyo?" Tanong ko sa kanya. "Wala na po." Umiling na sagot. "Ok, tara na." Aya ko sa kanya. Grade 5 na si Jana at lagi ko syang sinasabay sa pag uwi. Malapit lang naman kasi ang bahay nya sa amin. Apo sya ni manang Sol kaya hindi na sya iba sa akin. P

  • Love Me Angel [Filipino]   Special Chapter

    Ivy "Jethro anak." Tawag ko sa mag aapat na taong gulang kong anak na lalaki. "Dito po ako garden mommy!" Sigaw ng maliit na boses ng lalaki. Napangiti naman ako at pinuntahan sya sa garden. Naabutan ko syang nakaiskwat sa bermuda grass at may hawak na tingting at tila may kung anong kinukutingting sa damuhan. Nakalapag sa damuhan ang plastic na laruan nyang baril barilan. "Anong ginagawa mo dyan?" Nakangiting tanong ko. "Laro ako worm mommy." Aniya at nakabungisngis pang tinaas ang tingting na hawak na may nakasabit na bulate. "Ay dirty yan anak! Wag mong paglaruan." Saway ko sa kanya at hinawakan ang maliit nyang kamay. Kinuha ko ang tingting na may nakasabit na bulate at tinapon. Itinayo ko sya at pinagpagan ang shorts nya. "Hindi ka dapat naglalaro ng worm anak, dirty yun eh." Pangaral ko sa kanya. Kinapa ko ang likod nya. Medyo basa na dahil sa pawis. "Promise mo sa akin di ka na maglalaro ng worm." "Opo mommy." Nakangiting sabi nya. Di ko naman mapigilang pasilin ang ma

  • Love Me Angel [Filipino]   END

    Warning 🔞Jeizhiro "Ohh Jeiz ahh!" Parang musika sa tenga ko ang bawat ungol ni Ivy. Mas lalo pa akong nagiinit at ginaganahan. Hinalikan ko sya habang mabilis na umuulos sa loob nya. Madiin at sagad ang bawat baon ko. Humahabol pa ang katawan nya sa tuwing huhugutin ko. Mayamaya ay nanigas na ang katawan nya at sumikip ang kalooban nya na syang kinaungol ko. Nang matapos sya ay pinagpalit ko ang posisyon namin. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko. "Move babe.." Malambing kong utos sa kanya at humawak sa dalawang hita niya. Humawak sya sa braso ko at nagumpisa ng gumalaw. Mabagal sa una hanggang sa bumilis na. "Ohh shit angel.. mmm faster babe!" Ungol ko at mahigpit na humawak sa balakang nya. "Nghh J-Jeiz! Hmph! Hmph! Hmph!" Napapamura ako at napapakagat labi sa sarap. Ito ang paborito kong posisyon naming dalawa. Ibang sarap ang hatid sa akin kapag sya ang nasa ibabaw at gumagalaw. Nakakaakit pa ang hitsura nya habang senswal na gumagalaw. Hinawi ko ang alon alon nyang buho

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 39

    IvyParang nagdilim ang paningin ko ng maabutan ko ang hindi kaaya ayang tagpo na yun. Halos nakalambitin ang secretary ni papa na si Mariz sa batok ni Jeiz at nakalapat ang labi sa panga nito. "Jeiz!" Galit na sigaw ko sa pangalan ng asawa ko. Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ako at itinulak si Mariz. Napasalampak ang babae sa sahig. "Babe.." Matalim ko syang tiningnan at si Mariz. Parang may kamaong sumasakal sa puso ko. "It's not what you think angel." Napapalunok na sabi nya. Humakbang sya palapit sa akin pero niyakap sya sa bewang ng nakatayo ng si Mariz. "Ano ba Mariz! Bitiwan mo nga ako!" Binaklas nya ang mga braso ni Mariz pero bumabalik lang ito.Hindi na ako nakatiis at lumapit sa kanilang dalawa. Tinulak ko si Mariz para mahiwalay kay Jeiz. "Bitiwan mo ang asawa ko." Singhal ko sa kanya. Nang mahiwalay sya ay hinila ko si Jeiz at hinarang ang katawan sa kanya. Mukhang nakainom sya dahil naaamoy ko ang alak sa hininga nya. "Ivy." Tawag sa akin ni J

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 38

    Ivy Mahigit isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng pangloloob ng takas sa bilangguan na tauhan ni Ka Tano. Takot na takot talaga ako ng panahon na yun. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking yun. Akala ko magagaya na ako sa mga napapanood ko sa balita na bangkay na lang natagpuan ng mga mahal nila sa buhay. Wala na akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak at magdasal. At salamat talaga at dininig ng Diyos ang dasal ko. Dumating si Jeiz at iniligtas ako. Mabuti na lang talaga at walang masamang nangyari sa amin ni manang Sol. Nahuli din naman agad ang suspek. Ang takot ko noon ay agad ding napalis nang sabihin ni Jeiz na mahal nya ako. Hindi nga ako nakapagsalita eh. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko noon. At hanggang ngayon ay parang naririnig ko pang sinasambit nya yun. Kaya minsan para akong bulating inasinan sa kilig. Nang malaman ni papa ang nangyari ay agad syang napasugod sa bahay. Sobrang nag alala sya sa akin. Galit na galit din sya dun sa susp

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 37

    JeizhiroKalalabas ko lang ng bangko ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng cellphone. Hindi karaniwan na tumatawag ito ng ganitong oras. Maliban na lang kung emergency. Pinindot ko ang screen at tinapat sa tenga ang cellphone. "Hello pare.""Nasaan ka pare?" "Kalalabas ko lang ng bangko, may problema ba?" Tinungo ko na ang raptor ko at sumakay. Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Nakatakas ang isang tauhan ni Ka Tano." "Ano? Pa'no nangyari yun?" "Ililipat na sya sa kapitolyo kaninang umaga nang biglang nang agaw ng baril. Nagpaulan sya ng bala sa labas ng presinto kanina bago tumakas." Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Parang may mali. Kinutuban ako."Shit! Si Ivy!" Bulalas ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Lorenzo at agad na pinatay ang cellphone sabay hagis sa passenger seat. Binuhay ko ang makina at inatras palabas ng parkin

  • Love Me Angel [Filipino]   Chapter 36

    Ivy "Kuya Jeiz!" Sigaw ni Kiko na lumabas ng bahay ni lola at patakbong lumapit sa amin. Yumakap muna sya sa akin bago hinarap si Jeiz na ginulo ang buhok nya. "Mukhang namiss mo ko ah!" Natatawang sabi ni Jeiz. "Opo! Namiss ko kayo ni ate. Kanina ko pa nga kayo hinihintay eh." Masiglang sabi ni Kiko. "Huu! Pero mukhang si Jeiz lang ang namiss mo." Kunwaring nagtatampong sabi ko. "Hindi ah! Namiss rin po kaya kita ate." Nanghahaba ang ngusong sabi nya. "Talaga? O baka naman yung pasalubong namin ang namiss mo." Sabi ko. "Syempre kasama na rin po yun." Malawak ang ngiting sabi nya. Natawa naman si Jeiz at inabot sa kanya ang pinangakong pasalubong na ice cream. "O hati kayo ng ate mo ha." "Opo! Salamat po kuya Jeiz. Da best ka talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Kiko. "Sus! Nambola ka pa." Ginulo ulit ni Jeiz ang buhok nya. Ako naman ay natatawa na lang. "Tara na po sa loob, may bisita po si lola." Aya ni Kiko at nagpatiuna na pabalik sa loob ng bahay bitbit ang plastic ng galon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status