Ivy "GOODBYE CLASS! Wag nyong kalilimutan ang mga assignments nyo ha." Bilin ko sa mga estudyante ko. "Yes ma'am!" Sabay sabay naman na sabi nila. "Ok go na, ingat sa pag uwi." Maayos na silang pumila para lumabas ng classroom. Naiwan naman ang mga cleaners. Niligpit ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay tumulong na rin ako sa paglilinis para mabilis matapos at ng sabay sabay na kaming makauwi. Siniguro kong wala ng naiwan sa loob ng classroom bago ko ni-lock ang pinto. Nagpaalam na sa akin ang mga estudyante kong cleaners na mauuna na sila. "Ma'am Ivy!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Tumatakbong palapit sa akin si Jana bitbit ang mga libro at sukbit sukbit ang bag. Nakangiting nagmano sya sa akin. "Wala ka ng naiwan sa room nyo?" Tanong ko sa kanya. "Wala na po." Umiling na sagot. "Ok, tara na." Aya ko sa kanya. Grade 5 na si Jana at lagi ko syang sinasabay sa pag uwi. Malapit lang naman kasi ang bahay nya sa amin. Apo sya ni manang Sol kaya hindi na sya iba sa akin. P
Jethro Natividad NAPANGISI AKO ng makita si Jana na nagdidilig ng halaman habang kinakausap nya ang mga ito. Parang ewan lang. Mabuti na lang cute syang negrita. Dahan dahan akong lumapit sa likuran nya at ginulat sya. "Boo!" Sigaw ko sa likuran nya sabay kiliti sa kanyang tagiliran. "Ay!" Gulat na tili nya at pumaling ang hawak na hose. Agad akong lumayo sa kanya bago ako mabasa. Tawa ako ng tawa ng makitang basang basa ang harapan ng damit nya. Agad nyang pinatay ang hose at masamang tumingin sa akin. Habang ako ay hindi magkamayaw sa pagtawa. Namumula sa inis ang kayumanggi nyang mukha. "Ang sama mo talaga sir Jethro, isusumbong ko kayo sa mommy nyo." Banta nya sa akin sabay walk out at dumiretso palabas ng gate. Malamang ay uuwi sa kanila para magpalit ng tuyong damit. Malapit lang naman ang bahay nya. Isang tawid lang ng kalsada. Natatawa pa ring hinahatid ko sya ng tanaw. Patawid na sya ng kalsada. Apo sya ng katiwala namin na si manang Sol. Paslit pa lang sya lagi ng nabu
Jeremy Natividad HINAGIS KO ang upos ng sigarilyo sa semento at tinapakan. Binuga ko ang usok pataas. Bored kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko na hawak hawak sa magkabilaang braso nila Emon at Nat. Matalim ang tingin nya sa akin pero mababakas ang takot sa kislap ng kanyang mata pati ang panginginig ng kanyang labi Napangisi ako. Wala pa nga akong ginagawa nanginginig na. "Ano? Banat na kung babanat ka!" Singhal nya sa akin. Mas lalo lang akong napangisi, ang dalawa naman ay tumawa lang at binatukan sya. "Kahapon ang tapang tapang mong maghamon ha. Ngayon parang maiihi ka na sa takot." Komento ni Nat. "Tsk! Hindi ako natatakot sa inyo. Baka kayo ang natatakot dahil pagtutulungan nyo pa akong tatlo." Matapang na sabi ng lalaki sabay dura sa semento at ngisi. Tumawa naman kaming tatlo. Mabuti na lang ay nasa tagong lugar kami. Nandito kami sa lumang talyer kung saan maraming mga nakaimbak na kinakalawang na bakal. Ang iba ay mga parte ng mga sasakyan. "Ang tapang mo bo
Ivy Napaigtad ako ng marinig ko ang pabalibag na pagsara ng pinto sa sala kasunod nun ang malulutong na palitan ng mura nila tiyang Linda at tiyong Oca. "Nag aaway na naman sila." Sabi ng sampung taong gulang kong pinsan na babae. "Wag mo na silang pansinin Lileth. Kumain ka lang ng kumain para makapasok ka na sa school." Sabi ko at sinandukan pa sya ng sinangag. Si Kiko naman naman na pitong taong gulang ay sinaway ko sa paglalaro ng pagkain.Hindi na bago sa akin ang pag aaway nila tiyong at tiyang sa umaga. Wala yatang raw na hindi sila nag aaway. At ang lagi nilang pinag aawayan ay pera. Mabilisan na lang din akong kumain para makapag ligpit na. Kailangan ko agahang pumunta sa tindahan dahil late ako kahapon. Baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene. "Ate tapos na ako." Sabi ni Kiko. Ubos na ang laman ng plato nya. "O sige na, maghugas ka na ng kamay sa lababo." Tumalima naman sya. Sumunod na rin sa kanya si Lileth na tapos na ring kumain. Inayos ko muna ang mga suot nilang un
Jeizhiro"Jeizhiro!" Nilingon ko si Mayor Rodolfo ang mayor ng bayan ng San Agustin. Ang bagong employer ko. Nakangiti syang lumapit sa akin."Pauwi ka na ba?" "Yes mayor, may kailangan pa ho kayo?" Magalang kong tanong. "Wala naman. Magpapasalamat lang ako sa'yo sa ginawa mo kanina. Salamat at tinulungan mo si Yñigo na masukol si Don Abel. Ligtas ang inaanak ko ng dahil sa tulong mo." Aniya at tinapik ang balikat ko. Ngumisi naman ako. "Wala ho yun mayor, at isa pa kahit wala naman ho ang tulong ko ay makakaligtas pa rin ang inaanak nyo. Mahusay ding bumaril eh." Tumawa naman sya. "Gayunpaman salamat pa rin. Malaki ang naitulong mo." Tumango na lang ako at ngumiti. "Teka, ayaw mo bang maghapunan muna bago umuwi?" Alok nya. "Hindi na ho mayor, may dadaanan din ho kasi ako." Tanggi ko. Tiningnan ko ang oras sa silver wrist watch ko. Mag a-alas singko na ng hapon."O sige, mag iingat ka na lang. Kita na lang tayo sa Monday." Muli nya akong tinapik sa balikat. Sumakay na ako sa
Ivy "O muntikan ka na namang ma-late." Bungad sa akin ni Christy pagdating ko ng tindahan. Si Ka Ene naman ay nasa kabilang tindahan at nakikipag chikahan sa may ari din. "Pasensya na, naglaba kasi ako eh." Hinging paumanhin ko at nilagay na ang bag sa pinag lalagyan ko. Tinali ko muna ang alon alon kong buhok para hindi ako masyadong mainitan. "Bakit kasi nagtitiyaga ka dyan sa tiyang mo. Kung ako sa'yo nilayasan ko na sila matagal na." Singit ni Tina na nagsasalansan na ng mga prutas. Lumapit na ako sa kanya at tumulong. "Saan naman ako pupunta kung lalayas ako? Kay lola? Eh di mahahanap din nila ako." Sagot ko. Bumuntong hininga sya at namaywang na parang namroblema sa sitwasyon ko. "Eh kung mag asawa ka na lang kaya." Binalingan ko sya at tiningnan kung seryoso sa sinasabi. "Wala pa sa isip ko yan. Ang bata ko pa no. Mag aaral pa ako." "Puwes isa isip mo na. Dahil yun lang ang tanging paraan para makalayas ka na sa poder ng tiyahin at tiyuhin mong mga sugarol at abusado.
Ivy Mas lalo pang kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng pumasok na ang tricycle na lulan namin sa bayan ng Consolascion. Ito ang sentro ng kalakaran sa probinsya ng Kalinaw. Maraming mga establishment at puntahan talaga ng mga tao. Pero talamak ang krimen at ilegal na gawain. Sa unang baranggay pa nga lang ay hilera na ang mga beer house at damadagundong ang tugtog sa speakers na nasa labas at nakatapat sa kalsada. Pero ayun na rin sa mga chismis na naririnig ko ay hindi lamang simpleng inuman ang nagaganap sa loob ng beer house. Talamak din ang bentahan ng laman. Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ng pumasok ang lulan naming tricycle sa gilid ng isang beer house. Sa likod nito ay may malaking lumang bahay. "T-Tiyang a-ano pong gagawin natin dito?" Kinakabahang sabi ko. "Basta! Malalaman mo mamaya! Umayos ka nga dyan para kang natataeng hindi maintindihan." Asik nya sa akin. "T-Tiyang umuwi na po tayo.." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Hindi ka ba titigil? Gusto mong masaktan?"
Ivy Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan.. Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon. Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo! Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas. Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa k
Jeremy Natividad HINAGIS KO ang upos ng sigarilyo sa semento at tinapakan. Binuga ko ang usok pataas. Bored kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko na hawak hawak sa magkabilaang braso nila Emon at Nat. Matalim ang tingin nya sa akin pero mababakas ang takot sa kislap ng kanyang mata pati ang panginginig ng kanyang labi Napangisi ako. Wala pa nga akong ginagawa nanginginig na. "Ano? Banat na kung babanat ka!" Singhal nya sa akin. Mas lalo lang akong napangisi, ang dalawa naman ay tumawa lang at binatukan sya. "Kahapon ang tapang tapang mong maghamon ha. Ngayon parang maiihi ka na sa takot." Komento ni Nat. "Tsk! Hindi ako natatakot sa inyo. Baka kayo ang natatakot dahil pagtutulungan nyo pa akong tatlo." Matapang na sabi ng lalaki sabay dura sa semento at ngisi. Tumawa naman kaming tatlo. Mabuti na lang ay nasa tagong lugar kami. Nandito kami sa lumang talyer kung saan maraming mga nakaimbak na kinakalawang na bakal. Ang iba ay mga parte ng mga sasakyan. "Ang tapang mo bo
Jethro Natividad NAPANGISI AKO ng makita si Jana na nagdidilig ng halaman habang kinakausap nya ang mga ito. Parang ewan lang. Mabuti na lang cute syang negrita. Dahan dahan akong lumapit sa likuran nya at ginulat sya. "Boo!" Sigaw ko sa likuran nya sabay kiliti sa kanyang tagiliran. "Ay!" Gulat na tili nya at pumaling ang hawak na hose. Agad akong lumayo sa kanya bago ako mabasa. Tawa ako ng tawa ng makitang basang basa ang harapan ng damit nya. Agad nyang pinatay ang hose at masamang tumingin sa akin. Habang ako ay hindi magkamayaw sa pagtawa. Namumula sa inis ang kayumanggi nyang mukha. "Ang sama mo talaga sir Jethro, isusumbong ko kayo sa mommy nyo." Banta nya sa akin sabay walk out at dumiretso palabas ng gate. Malamang ay uuwi sa kanila para magpalit ng tuyong damit. Malapit lang naman ang bahay nya. Isang tawid lang ng kalsada. Natatawa pa ring hinahatid ko sya ng tanaw. Patawid na sya ng kalsada. Apo sya ng katiwala namin na si manang Sol. Paslit pa lang sya lagi ng nabu
Ivy "GOODBYE CLASS! Wag nyong kalilimutan ang mga assignments nyo ha." Bilin ko sa mga estudyante ko. "Yes ma'am!" Sabay sabay naman na sabi nila. "Ok go na, ingat sa pag uwi." Maayos na silang pumila para lumabas ng classroom. Naiwan naman ang mga cleaners. Niligpit ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay tumulong na rin ako sa paglilinis para mabilis matapos at ng sabay sabay na kaming makauwi. Siniguro kong wala ng naiwan sa loob ng classroom bago ko ni-lock ang pinto. Nagpaalam na sa akin ang mga estudyante kong cleaners na mauuna na sila. "Ma'am Ivy!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Tumatakbong palapit sa akin si Jana bitbit ang mga libro at sukbit sukbit ang bag. Nakangiting nagmano sya sa akin. "Wala ka ng naiwan sa room nyo?" Tanong ko sa kanya. "Wala na po." Umiling na sagot. "Ok, tara na." Aya ko sa kanya. Grade 5 na si Jana at lagi ko syang sinasabay sa pag uwi. Malapit lang naman kasi ang bahay nya sa amin. Apo sya ni manang Sol kaya hindi na sya iba sa akin. P
Ivy "Jethro anak." Tawag ko sa mag aapat na taong gulang kong anak na lalaki. "Dito po ako garden mommy!" Sigaw ng maliit na boses ng lalaki. Napangiti naman ako at pinuntahan sya sa garden. Naabutan ko syang nakaiskwat sa bermuda grass at may hawak na tingting at tila may kung anong kinukutingting sa damuhan. Nakalapag sa damuhan ang plastic na laruan nyang baril barilan. "Anong ginagawa mo dyan?" Nakangiting tanong ko. "Laro ako worm mommy." Aniya at nakabungisngis pang tinaas ang tingting na hawak na may nakasabit na bulate. "Ay dirty yan anak! Wag mong paglaruan." Saway ko sa kanya at hinawakan ang maliit nyang kamay. Kinuha ko ang tingting na may nakasabit na bulate at tinapon. Itinayo ko sya at pinagpagan ang shorts nya. "Hindi ka dapat naglalaro ng worm anak, dirty yun eh." Pangaral ko sa kanya. Kinapa ko ang likod nya. Medyo basa na dahil sa pawis. "Promise mo sa akin di ka na maglalaro ng worm." "Opo mommy." Nakangiting sabi nya. Di ko naman mapigilang pasilin ang ma
Warning 🔞Jeizhiro "Ohh Jeiz ahh!" Parang musika sa tenga ko ang bawat ungol ni Ivy. Mas lalo pa akong nagiinit at ginaganahan. Hinalikan ko sya habang mabilis na umuulos sa loob nya. Madiin at sagad ang bawat baon ko. Humahabol pa ang katawan nya sa tuwing huhugutin ko. Mayamaya ay nanigas na ang katawan nya at sumikip ang kalooban nya na syang kinaungol ko. Nang matapos sya ay pinagpalit ko ang posisyon namin. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko. "Move babe.." Malambing kong utos sa kanya at humawak sa dalawang hita niya. Humawak sya sa braso ko at nagumpisa ng gumalaw. Mabagal sa una hanggang sa bumilis na. "Ohh shit angel.. mmm faster babe!" Ungol ko at mahigpit na humawak sa balakang nya. "Nghh J-Jeiz! Hmph! Hmph! Hmph!" Napapamura ako at napapakagat labi sa sarap. Ito ang paborito kong posisyon naming dalawa. Ibang sarap ang hatid sa akin kapag sya ang nasa ibabaw at gumagalaw. Nakakaakit pa ang hitsura nya habang senswal na gumagalaw. Hinawi ko ang alon alon nyang buho
IvyParang nagdilim ang paningin ko ng maabutan ko ang hindi kaaya ayang tagpo na yun. Halos nakalambitin ang secretary ni papa na si Mariz sa batok ni Jeiz at nakalapat ang labi sa panga nito. "Jeiz!" Galit na sigaw ko sa pangalan ng asawa ko. Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ako at itinulak si Mariz. Napasalampak ang babae sa sahig. "Babe.." Matalim ko syang tiningnan at si Mariz. Parang may kamaong sumasakal sa puso ko. "It's not what you think angel." Napapalunok na sabi nya. Humakbang sya palapit sa akin pero niyakap sya sa bewang ng nakatayo ng si Mariz. "Ano ba Mariz! Bitiwan mo nga ako!" Binaklas nya ang mga braso ni Mariz pero bumabalik lang ito.Hindi na ako nakatiis at lumapit sa kanilang dalawa. Tinulak ko si Mariz para mahiwalay kay Jeiz. "Bitiwan mo ang asawa ko." Singhal ko sa kanya. Nang mahiwalay sya ay hinila ko si Jeiz at hinarang ang katawan sa kanya. Mukhang nakainom sya dahil naaamoy ko ang alak sa hininga nya. "Ivy." Tawag sa akin ni J
Ivy Mahigit isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng pangloloob ng takas sa bilangguan na tauhan ni Ka Tano. Takot na takot talaga ako ng panahon na yun. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking yun. Akala ko magagaya na ako sa mga napapanood ko sa balita na bangkay na lang natagpuan ng mga mahal nila sa buhay. Wala na akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak at magdasal. At salamat talaga at dininig ng Diyos ang dasal ko. Dumating si Jeiz at iniligtas ako. Mabuti na lang talaga at walang masamang nangyari sa amin ni manang Sol. Nahuli din naman agad ang suspek. Ang takot ko noon ay agad ding napalis nang sabihin ni Jeiz na mahal nya ako. Hindi nga ako nakapagsalita eh. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko noon. At hanggang ngayon ay parang naririnig ko pang sinasambit nya yun. Kaya minsan para akong bulating inasinan sa kilig. Nang malaman ni papa ang nangyari ay agad syang napasugod sa bahay. Sobrang nag alala sya sa akin. Galit na galit din sya dun sa susp
JeizhiroKalalabas ko lang ng bangko ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng cellphone. Hindi karaniwan na tumatawag ito ng ganitong oras. Maliban na lang kung emergency. Pinindot ko ang screen at tinapat sa tenga ang cellphone. "Hello pare.""Nasaan ka pare?" "Kalalabas ko lang ng bangko, may problema ba?" Tinungo ko na ang raptor ko at sumakay. Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Nakatakas ang isang tauhan ni Ka Tano." "Ano? Pa'no nangyari yun?" "Ililipat na sya sa kapitolyo kaninang umaga nang biglang nang agaw ng baril. Nagpaulan sya ng bala sa labas ng presinto kanina bago tumakas." Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Parang may mali. Kinutuban ako."Shit! Si Ivy!" Bulalas ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Lorenzo at agad na pinatay ang cellphone sabay hagis sa passenger seat. Binuhay ko ang makina at inatras palabas ng parkin
Ivy "Kuya Jeiz!" Sigaw ni Kiko na lumabas ng bahay ni lola at patakbong lumapit sa amin. Yumakap muna sya sa akin bago hinarap si Jeiz na ginulo ang buhok nya. "Mukhang namiss mo ko ah!" Natatawang sabi ni Jeiz. "Opo! Namiss ko kayo ni ate. Kanina ko pa nga kayo hinihintay eh." Masiglang sabi ni Kiko. "Huu! Pero mukhang si Jeiz lang ang namiss mo." Kunwaring nagtatampong sabi ko. "Hindi ah! Namiss rin po kaya kita ate." Nanghahaba ang ngusong sabi nya. "Talaga? O baka naman yung pasalubong namin ang namiss mo." Sabi ko. "Syempre kasama na rin po yun." Malawak ang ngiting sabi nya. Natawa naman si Jeiz at inabot sa kanya ang pinangakong pasalubong na ice cream. "O hati kayo ng ate mo ha." "Opo! Salamat po kuya Jeiz. Da best ka talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Kiko. "Sus! Nambola ka pa." Ginulo ulit ni Jeiz ang buhok nya. Ako naman ay natatawa na lang. "Tara na po sa loob, may bisita po si lola." Aya ni Kiko at nagpatiuna na pabalik sa loob ng bahay bitbit ang plastic ng galon