"Sure ka ba na wala kang escort?" tanong ni Joshua habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. "Bakit? May problema ba kung wala akong escort? Required ba na dapat may escort ako? Wala naman akong nabasa sa invitation na kailangan may kasama ako," nakataas ang isang kilay na tanong ko.“Grabe siya! Isa lang naman ang tanong ko ang dami mo ng kuda. Tama ba na sagutin ng tanong ang isang tanong? Girl, simpleng meron at wala lang naman ang sagot!” mataray na tugon niya saka nilagay ang dalawang kamay sa bewang. Napabuntonghininga lang ako dahil bigla ako may naalala.“Nakakaloka ka Bakla! Ang alam ko ilang days lang ang dalaw ng babae pero ikaw parang araw-araw meron,” umiiling na dagdag pa niya at napaismid lang ako.“Hindi ko kailangan ng escort!” mariin na tugon ko pagkalipas ng ilang sandali.“Let me correct your answer, Dear. Hindi mo kailangan o may hinihintay ka?” makahulugan na tanong niya at huminga ako nang malalim saka umiwas ng tingin.After ng encounter namin ni Mark sa
“Sino naman siya?” nagtataka na tanong ni Danica bago humalik sa pisngi ko.Hindi ako tumugon dahil hindi ko maalis ang tingin ko kay Mark at sa babaeng parang talangka na nakadikit sa kanya mula pa kanina. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa pinaglamayan ang babaeng ito. Ang mas nagpakulo pa ng dugo ko ang reaksyon ni Mark dahil kitang-kita sa mukha niya na enjoy na enjoy siya. Gusto ko siyang lapitan at punitin ang labi niya para hindi na siya makangiti. Nagkasalubong ang tingin namin kanina pero parang hindi niya ako kilala. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya at naguguluhan ako. Ayaw kong ipahalatang naiinis ako at nagagalit pero hindi ko mapigilan para akong bulkan na any moment ay sasabog na. Kung kanina ay excited ako pumunta sa event na ito dahil makikita ko si Mark pero ngayon gusto ko na lang umuwi at magpakalasing.“Siya na ang magiging representative ng Mystique,” sagot ni Joshua.Napatingin ako sa kay Joshua dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol
“The food was great and I love the place. Thank you sa dinner at sa paghatid,” sabi ko pagdating namin sa may pinto ng Condominium ko.Dumalo kami sa opening ng Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan ni David. Dapat ay susunduin ako ni Joshua pero nagkaroon siya ng emergency. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya ako mismo sa pinto ng unit ko. Pang-limang beses na namin lumabas ni David mula noong nagkakilala kami tatlong linggo na ang nakaraan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan komportable at nag-enjoy ako na kasama siya. Noong una niya ako imbitahan lumabas nagdalawang-isip talaga ako kung tatanggapin ko ba pero sa pamimilit ni Joshua ay pumayag ako hanggang sa nasundan pa. Iba naman ang opinyon ni Danica para sa kanya dapat ko muna kausapin ng masinsinan si Mark. Maniniwala siya na may mas malalim pang dahilan kung bakit biglang nagbago si Mark. Gusto ko nga sana sundin si Danica pero sa pinapakita ni Mark lalo lang ako naiinis. May part din kasi na kaya ako pumayag na lumabas
“Alam mo Mark imbes nagpapakalasing ka diyan bakit hindi mo na lang harapin ang problema mo. Sabihin mo sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, mga plano mo at lahat-lahat. Walang patutunguhan kung tinatago mo sa kanya para protektahan siya kung in the end naman mawawala siya sa iyo,” payo ni Melmar at inubos ko ang laman ng baso ko.“I can't afford to lose her but I don't want her to get hurt. This is the only way I can protect her,” tugon ko bago ko sinalinan ulit ng alak ang baso ko.Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Queensley habang kausap si David. Matagal ko ng kilala si David at alam ko kung paano siya sa mga kababaihan. Pinigilan ko lang ang sarili ko na sugurin at suntukin ang binata dahil hindi ko nagustuhan kung paano niya tingnan si Queensley. “So hahayaan mo na lang si David mapalapit kay Queensley? Ano ba kasi ang kinakatakutan mo Mark? Hindi ba mas magiging madali ang lahat kung sasabihin mo sa kanya ang lahat?” tanong ni Melmar at tiningnan
“I want you Mark!” “I want to be with you now,”Wala na akong pakialam kung anong iniisip niya. Wala na rin akong pakialam kung mukha ba akong nagmamakaawa o desperada sa mga oras na ito. Sapat na sa akin marinig na mahal niya ako dahil pareho lang kami ng nararamdaman. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na malaman at marinig kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya. Ang makasama ko siya ngayon ang tanging gusto ko. Ayokong palampasin ang pagkakataon na ito na makasama siya. Sa mga nakalipas na buwan ang gulo-gulo ng sitwasyon namin at umabot na ako sa puntong tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba talaga kami. Kapag gusto ko na siya kalimutan bigla naman mag-cross ang landas namin at kapag pakiramdam ko okay na kami bigla naman siya hindi nagpaparamdam o kaya naman iiwasan niya ako. Ayokong pakinggan ang sinisigaw ng isip ko at gusto ko sundin ang sinasabi ng puso ko. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan at ramdam kong nagpipigil lang siya.“Queensley,” paos a
Naalimpungatan ako at napatingin sa orasan nakasabit sa dingding. Three o'clock pa lang ng umaga kaya madilim pa ang paligid. Nabaling ang pansin ko sa katabi ko na kasalukuyang nakatalikod sa akin. Nakaunan ang ulo niya sa braso ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ilang oras pa lang ang lumipas mula ng may nangyari sa amin kaya naman sariwa pa ang lahat sa alaala ko. Pinasok ko sa comforter ang isang kamay ko at hinaplos ko ang bewang niya saka marahang pinisil. Narinig ko ang pag-ungol niya at paggalaw ng katawan niya. Nakaramdam ako ng pangingitin nang magkiskisan ang katawan namin kaya napalunok ako. Alam kong kailangan pa niya matulog at magpahinga pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maangkin ulit siya. Ipinikit ko ang mga mata ko habang inaamoy ang buhok niya. Hinalikan ko siya sa batok bago ko siniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ako naman ang napaungol ng mas isiksik pa niya ang katawan papalapit sa akin. Mula sa bewang niya naglakbay ang kamay ko paakyat hanggang sa d
Hindi ko mapigilan mapangiti habang binasa ang message ni Mark. Ilang araw pa lang ang lumipas mula ng may nangyari sa amin at wala ako nararamdaman na pagsisisi o panghihinayang. Hindi ako napilitan dahil buong puso ko ibinigay ang sarili ko sa kanya. Nangako ako noon sa sarili ko na ibibigay ko lang ang sarili ko sa tanong makakasama ko habangbuhay. Alam kong hindi ako dapat nagpadala pero hindi ko na maibabalik ang mga nangyari. Nag-alala ako ng hindi ko siya nakita paggising ko pero nawala rin ng nabasa ko ang note na iniwan niya. Na touch naman ako dahil pinagluto pa niya ako ng almusal bago siya umalis. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan nararamdaman ko habang binabalikan ko ang mga nangyari sa amin. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong alam na namin kung ano ba ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Pakiramdam ko nga mas naging malapit pa kami sa isa't isa.“Ako lang ba ang nakakapansin?” narinig ko na tanong ni Michelle ang stylist ko. “Ano naman ang napansin mo Mitch buko
“Hindi ka ba sasama sa amin?” nagtataka na tanong ni Joshua pagpasok niya sa kwarto ko.Habang kumakain ng lunch kanina nagkayayaan na lumabas para mag-unwind. May usapan kami ni Mark na magkikita ngayon pero dahil hindi ko pa nasabi sa mga kaibigan ko ang tungkol sa amin kaya kailangan ko muna mag dahilan. Hindi naman sa gusto ko magsinungaling o maglihim sa kanila pero gusto ko muna malaman ang opinyon ni Mark. Ngayon lang kami magkikita dahil naging sobrang busy niya pero lagi naman kami magkausap. Masaya ako kapag magkausap kami pero gustong-gusto ko siya makasama. Araw-araw niya ako pinapadalhan ng bulaklak at mga regalo na buong akala ng mga kaibigan ko galing kay David.“Kayo na lang muna Bakla gusto ko magpahinga. Ang dami nating schedule this week at medyo napagod ako,” sagot ko habang nakaupo sa kama ko. Totoo rin naman na gusto ko magpahinga. Sunod-sunod kasi ang naging schedule namin dahil maglalabas ng campaign ang kumpanya para sa bagong collection. “Ganoon ba? Sabagay
“Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
“Sorry Queen wala akong nagawa para pigilan siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na namin nagawa na iwasan siya,” sabi ni Eugene pagpasok ko ng gate at nginitian ko siya. “Okay lang iyon wala ka naman kasalanan at saka wala naman tayong magagawa kasi nangyari na siya,” sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na kami papasok ng bahay at napansin kong marami na ang nagbago mula sa labas hanggang sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bawat sulok na makita ko ay may memories akong naaalala. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako tumira kaya naman iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na makita ulit si Jack pero at the same time ay may nararamdaman akong hiya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kinakahiya si Queennie dahil nagbago ang buhay ko dahil sa kanya pero ang part na hinayaan ko mahulog ako kay Mark. Kung sana lang ay mas nalaman ko ng maaga ang intensyon niya ay hindi na sana kami umabot sa ganito. “Nasaa
“Nasaan na kaya sila?” tanong ko at napatingin ako nakasabit na wall clock.Nagpaalam sina Nanay Salud na may asikasuhin lang siya sa bayan pero ilang oras na ang lumipas wala pa sila. Nag-message na ako kay Eugene pero hindi pa naman siya nag-reply. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagluluto ng ulam para sa mga bata. May in-charge naman sa kusina pero mula noong dumating ako Isa na ito sa naging libangan ko kasi hindi na ako sanay ng walang ginagawa. “Ibang-iba ka na talaga ngayon Queen dati hindi ka mahilig magluto pero ngayon para ka ng ekspert at ang sarap pa ng luto mo,” sabi ni Danica pagkatapos niya tikman ang niluto ko na menudo.“Pinag-aralan ko talaga lahat ng gawaing bahay mula sa paglalaba hanggang sa pagluluto. Mas na appreciate ko lahat ng ginagawa ninyo na pagaasikaso sa akin noon dahil hindi siya madali lalo na at napakapasaway ko. Salamat sa walang sawang pag-aasikaso ninyo sa akin at hindi ninyo ako iniwan. Nagpapasalamat talaga ako kay Aling Chato kasi mati
“Pwede naman kami mag-taxi na lang ni Marose papuntang ospital. Alam kong sobrang busy mo ngayon. Okay lang ba talaga na Ikaw ang mag-drive?” tanong ni Papa pag-upo ko sa hapag kainan. Ngayon kasi ang follow up check-up ni Papa at nagkataon naman na nagkaroon ng emergency ang driver namin. May mga kailangan ako asikasuhin sa office ngayon pero tinawagan ko na si Justin kagabi pa para ayusin ang schedule ko. Nang maaksidente si Papa doon ko na realize na maikli lang ang buhay at kailangan ko pahalagahan ang bawat oras na kasama ko siya. Noon galit na galit ko sa kanya dahil wala siyang oras sa amin ngayon lubos ko na siya naiintindihan. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon kaya babawi ako sa kanya ngayon. Mula rin ng makita ko ulit si Queensley ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan ko na makasama siya dahil sa kanya lang ako magiging masaya. Mamaya ay makakausap ko na ang private investigator at mula doon ay saka ako mag-isip ng way para mapalapit ulit sa kanya.