Share

Chapter 3

Author: Rome
last update Last Updated: 2023-11-23 06:52:41

TANAW ko ang malawak naming palayan mula sa burol na kinatatayuan ko. Bakas pa rin ang naiwang pinsala ng bagyo ngunit alam kong sa loob lang ng ilang buwan ay magiging sagana ulit ang kabuhayan namin.

Bumaling ako sa bahay namin. Nakatayo ito sa dulo ng palayan. Ang dalawang palapag at katamtamang pagkakabuo ng bahay ay sapat na sa aming apat. Wala mang magarbong disenyo at mga eleganteng kagamitan ay alam kong mahal ko ang tahanang iyon.

Malungkot akong ngumiti. Mamimiss ko ang buong lugar na ito. Sa unang pagkakataon ng buhay ko, mawawalay ako sa tahanan ko. Suminghap ako at pinilit patatagin ang aking kalooban.

Umihip ang mabining hangin sa aking tuwid na buhok. Inayos ko ang mga buhok ko at pinirmi ang ilan sa gilid ng aking tainga.

"Ate!"

Mula sa bahay ay lumabas si Lyka kasunod ang mga magulang namin. May dala ang nanay na isang bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Naisip ko tuloy kung may naiwan ba akong gamit kaya tiningnan ko ang hawak kong maleta.

Patakbong inakyat ni Lyka ang burol kung nasaan ako. Samantalang mabagal naman ang paglalakad ng nanay at tatay palapit sa akin.

"Ate!" hingal na tawag sa akin ni Lyka.

"Bakit ka ba tumatakbo, ha?"

Tumitig ang kapatid ko sa akin. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata habang nagsisimulang manginig ang labi. Lumambot ang puso ko sa ekspresyon ng mukha niya.

"Aalis ka na talaga? Ngayon ko lang nalaman... S-sa Maynila ka na magtatrabaho?"

Tipid akong ngumiti. "Oo, Lyka. Kailangan mong makapag-aral. Babayaran din natin si auntie Levi sa perang pinahiram niya kay tatay."

Tinupad ni auntie Levi ang pangako niya. Kinabukasan pagkatapos naming mag-usap sa cellphone ay tinawagan niya ang nanay. Noong hapon din na 'yon ay nagpadala siya ng perang gagamitin para sa pag-aayos ng lahat ng pinsala na nangyari sa palayan. Pati ang pang-enroll ni Lyka ay sinagot niya kaya naman kailangan kong mabayaran ang utang na 'yon.

"Kailan ka uuwi, ate Elle?" nanginig ang boses ng kapatid ko. Hindi na niya napigilan ang pag-iyak.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang ulo kanyang buhok. "Basta kapag madami na tayong naipon at bayad na ang utang kay auntie. Uuwi ako rito sa birthday mo..."

Humagulgol si Lyka. Wala na akong nagawa nang yumakap siya sa akin. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Hinalikan ko ang kanyang ulo at niyakap siya nang mahigpit.

Mamimiss ko ang kapatid kong 'to... Bumaling ang tingin ko kina nanay at tatay na nakalapit na sa amin. Gaya ko ay namuo din ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ni nanay. Si tatay naman ay malungkot ang mukha habang nakatingin sa aming magkapatid.

"Nay, i-text ninyo ako araw araw. Gusto ko i-update ninyo ako sa pag-aayos ng palayan pati sa pag-aaral ni Lyka. Kung may kailangan siya sa school, i-text niyo lang sa akin, ha?" saad ko kay nanay.

Tumango ito. "S-sige, anak... P-pinagbalot kita ng mga gamot. Binilhan din kita ng iilang mga bestida..."

Inabot niya sa akin ang dalang bag. Tumulo ang luha ko dahil doon. Hindi ko yata kakayanin ang desisyong ito. Ngayon palang ay nanghihina na ako...

"Alagaan mo ang sarili mo, Elle... Mangako ka sa akin..." mahina at malungkot na boses ni nanay.

"Promise po... Aalagaan ko ang sarili ko..." wika ko at pinunasan ang mga luhang kumalat sa aking pisngi.

Bumitaw sa akin si Lyka pagkatapos ay si nanay naman ang humalik at yumakap sa akin. Ginantihan ko iyon ng mas mahigpit na yakap. Humikbi si nanay sa balikat ko.

"Mahal na mahal kita, anak..." aniya na lubos na nagpalambot ng kalooban ko.

"Nay..." sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko. "Mahal na mahal ko po kayo..."

Ang matatag na si tatay ay nakitaan ko rin ng luha sa mga mata. Siya ang huling yumakap sa akin. Pinikit ko ang mga basa kong mata at dinama ang yakap ni tatay. Pinangako ko sa sarili ko na babaunin ko ang katatagang katulad ng s kanya.

"Mag-iingat ka, anak... Salamat sa lahat ng sakripisyo mo... Pasensiya na... Ako dapat ang nagtataguyod sa pamilya natin... P-patawad kung hanggang dito lang ang kakayanan ng tatay..."

Pakiramdam ko ay nawasak ako sa huling sinabi ni tatay. Nanginig ang labi ko at umiling habang yakap siya.

Hindi iyon totoo, tatay. Ginawa mo ang lahat... Sapat na iyon... Ako naman...

"Tay, mahal kita... Wala pong mali sa'yo... Pamilya tayo... Dapat lang na magtulungan..." tanging nasabi ko.

Mahirap man ay nagawa kong magpaalam sa pamilya ko. Walang patid ang pag-iyak ko habang nilalakad ang terminal sa dulo ng baryo.

Malungkot ang hapon na iyon para sa akin. Sa huling pagkakataon ay dumaan ako sa dangwa. Huminto ako sa flower shop ni aling Jen at nagpaalam din sa kanya.

Halos kabisaduhin ko ang bawat sulok ng baryo. Ang mga mukha ng mga taong pinakamamahal ko. Nasa memorya ko ang maamong ngiti ng nanay, ang madalas na simangot na mukha ng tatay, ang pilyang pagtawa ni Lyka. Pati ang palayan, ang bahay namin, ang burol... Lahat ng ito ay babaunin ko sa aking puso.

Gabi na nang makarating ako ng airport. Sa huling pagkakataon, bago ako sumakay ng eroplano ay nilingon ko ang pinanggalingan ko.

Ayos lang ito, Elle. Sa tamang panahon ay makakabalik ka ng Iloilo. Babalik ka ulit sa Sta. Barbara, dala dala ang tagumpay na bunga ng pagsisikap mo...

Abot langit ang takot ko nang lumipad ang eroplano. Takot na napalitan ng pagkamangha sa maraming ulap at maliwanag na buwan. Dahil doon ay naibsan kahit papaano ang lungkot ko.

°°°°

NANG makatapak sa NAIA ay kabado akong naglakad palabas ng airport. Hila hila ang maleta at iilang bag ay hinanap ko si auntie Levi na sabi'y maghihintay sa pagdating ko.

"Elle! Oh my God!" bulalas ng pamilyar na boses.

Nilingon ko ang boses na iyon at nakita ang napakagandang si auntie Levi. Ang kanyang buhok ay tuwid hanggang balikat. Ang balat sa mukha ay tila hindi man lang tumanda. Magkamukha sila ni nanay. May pagkasingkit ang mga mata, maliit ngunit matangos ang ilong, depinang cheek bones at manipis na labi. Ang ganda niya pagmasdan sa isang black leather jacket at fitted pants.

"Auntie!"

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Iba pa rin talaga kapag may kasamang pamilya sa bagong mundong gagalawan ko.

Bumungisngis si auntie. Kumalas ito sa akin at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Ang laki mo na, Elle! Sinasabi ko na nga ba't lalaki kang maganda kagaya namin ng nanay mo! Bagay ka sa trabahong ibibigay ko sa'yo!" wika niya sa natutuwang boses.

Ngumiti ako. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag.

Tingnan mo, Elle. May nag-aabang na agad na trabaho sa'yo dito. Ang iba ngang naluwas ay nahihirapan samantalang ikaw, hinihintay na agad ng trabaho.

"Auntie, maraming salamat po sa tulong mo... Utang na loob po namin sa inyo ang lahat," sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad at hinaplos ang pisngi ko.

"Ayos lang, Elle. You only have to work under my authority and you will be fine here..." aniya.

Tumango ako. "Opo, Auntie. Babayaran ko po ang pinahiram niyo..."

Humalakhak siya. "Oh, don't worry about it. Kaya mo akong bayaran sa loob lang ng isang linggo. Believe me, mabilis ang kitaan ng pera sa trabahong naghihintay sa'yo..."

Umahon ang pag-asa sa puso ko dahil sa sinabi ni auntie. Kung tama nga ang sinabi niya, ibig sabihin ay makakaipon ako ng higit sa akala ko sa loob lang ng isa o dalawang buwan!

At kung makakaipon ako ng malaki sa loob ng panahong iyon, pwede ako bumalik agad ng Sta. Barbara!

"Talaga po, Auntie?"

Tumango siya. "Ofcourse!"

Parang gusto kong tumalon sa tuwa. Niyakap ko ulit si auntie Levi habang nangingilid ang mga luha ko.

Para kang ewan, Elle! Kakaluwas mo palang ay nangangarap ka na agad makauwi!

Pero bakit ba? Nasa Sta. Barbara ang puso ko!

Dinala ako ni auntie Levi sa tinutuluyan niyang apartment pagkatapos naming kumain sa isang restaurant. Ang sabi niya ay malapit lang daw ito sa pinagtatrabahuhan niya kung saan ako magsisimula ng trabaho.

Hindi tulad ng bahay namin sa baryo, ang kay auntie Levi ay mas moderno. Madaming magagandang gamit at mabango ang amoy. Kung ang pader ng bahay namin ay purong hollow blocks, ang kanya naman ay mas pulido at may modernong disenyo. Malaki ang apartment. May sala, kusina, hapag, dalawang banyo at dalawang kwarto.

"Doon ang kwarto mo," sabay turo ni auntie sa kanang pinto sa gilid ng isang banyo. "I know you're tired. Magpahinga ka na. Bukas pa ng gabi ang start mo sa trabaho."

Nagulat ako doon. "Pang gabi po tayo?"

Pinagmasdan ko kung paano bumunot ng kaha ng sigarilyo si Auntie at kumuha doon ng isang stick. Sinindihan niya iyon habang nasa bibig.

"Oo, pang gabi ang trabaho natin, Elle. Mas maraming pera kapag gabi," aniya at ngumiti. Bumuga ito ng usok at naupo sa sofa sa sala.

"Thank you po auntie sa trabahong iyon. Magpapahinga na po ako," wika ko at dumiretso na sa aking silid.

Hindi ako nakatulog agad nang gabing iyon. Namimiss ko ang pamilya ko. Sinubukan kong magmessage kay Lyka sa F******k. Kaya lang ay hindi naman siya online.

Madami akong naisip habang nakahiga sa malambot na kama. Inisip ko na magtitipid ako para lang makaipon ng malaking pera sa lalong madaling panahon. Gusto ko rin na kapag bumalik ako sa Sta. Barbara ay magpapasalubong ako ng madaming bagong damit o sapatos para kay nanay. Bibilhan ko din ng bagong bota at mga gamit sa palayan ang tatay. Gusto ko ding bumili ng regalo kay Lyka na pwede kong ibigay sa graduation day niya.

Naisip ko ang sinabi ni auntie... Na malaki ang sahod sa trabahong ibibigay niya sa akin.

Ganito ba talaga sa Maynila? Mabilis ang pera? O dahil may kamag anak akong nag-back up sa akin kaya napadali ang buhay ko?

Siguro nga ay malaki ang pasahod sa mga trabaho dito sa Maynila. Naisip ko ang naglalakihang mga building na nadaanan namin sa byahe. Parang abot na nila ang langit at buwan.

Sa gano'n kaya nagtatrabaho si auntie? Parang nakakatakot naman yata kung magtatrabaho ang isang tulad ko sa gano'ng kalaking kumpanya!

°°°°

MABILIS ang bawat oras kinabukasan. Napagtanto ko na lang na alas siete na ng gabi at hindi ko pa alam ang gagawin ko.

Sabi ni auntie ay maligo ako't maglagay ng make up sa mukha kaya iyon ang ginawa ko. Nakaharap ako sa salamin habang nakatapis ng tuwalya. Tuyo na ang tuwid kong buhok dahil sa blower na ginamit ko.

Marunong akong maglagay ng kolorete sa mukha. Mayroon din namang mga make up sa Sta. Barbara pero mas magaganda nga lang ang nasa Maynila.

Pinamilian ko ang mga make up na nasa harapan ko. Naglagay ako ng kakaunting blush on sa aking pisngi kahit na natural na kulay rosas na ang mga iyon. Dinampian ko ng pulang lipstick ang aking labi at naglagay din ng kaunting eyeshadow.

Pumasok si auntie sa kwarto na may dalang damit at sandals. Mula sa salamin ay nakita ko ang ngiti niya sa akin. Nilingon ko siya, naging kuryoso sa dala niyang damit.

"Wear this, Elle."

Lumapit ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang kulay pulang spaghetti strap dress. Animo'y silk ang tela nito pero hindi naman ganoong kanipis.

"Ito po ang susuotin ko sa trabaho?" nagtataka kong tanong.

Hindi ba dapat medyo pormal dahil unang gabi ko sa trabaho?

"Oo. Kailangan iyan para malaki ang kitain mo!" Sabi niya at ngumiti ng makahulugan sa akin.

"O-okay, auntie..."

Sinunod ko si auntie Levi. Nang lumabas siya ng kwarto ay sinuot ko ang dress at sandals na dala niya. Halos lamigin ang katawan ko sa kakarampot na dress na suot. Ni hindi rin ako makatayo nang maayos dahil first time kong magsuot ng may takong na sandals.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bumagay sa morena kong balat at medyo payat na katawan ang pulang dress. Hindi ko alam kung mamamangha o magtataka ako sa repleksyon ko sa salamin.

Pati si auntie ay nakaayos na din nang lumabas ako ng kwarto. Pinagmasdan niya ako at nagtaas ng kilay nang mapansin ang suot kong itim na jacket.

"M-medyo malamig po kasi, auntie..." katwiran ko kahit wala naman siyang sinasabi.

"Hmm, that's fine, Elle. Tanggalin mo na lang mamaya, okay?"

Nag-aalinlangan man ay tumango pa rin ako. Sinundan ko siya nang lumabas siya ng apartment. Pinanood ko kung paano niya ni-lock ang pinto habang nag-iisip kung anong trabaho kaya ang ibibigay niya sa akin.

NASAGOT ang tanong ko nang makarating kami sa isang lugar kung saan pagpasok pa lang ay amoy ko na agad ang alak at sigarilyo. Madilim ang paligid, may maingay na tugtog at magarbong strube lights lang ang tanging nagiging ilaw ng lugar.

"Sumunod ka sa akin, Elle."

Kabado kong sinundan si auntie. Sa disenyo at mga bagay pa lang na nakikita ko, pati sa mga mukha ng mga narito, ay halatang pangmayaman na ang lugar na ito.

Noong una ay akala ko restaurant lang at siguro'y pwede ang sigarilyo at alak pero nang madaanan ang pinakasentro ng lugar ay naeskandalo na ang mga mata ko sa nakikita.

May stage kung saan may mga babaeng halos wala ng mga saplot ang sumasayaw. Ang mga lalaking customers ay halatang tuwang tuwa sa mga babaeng iyon...

Bawat table ay may mga babaeng katulad ko ang damit...

Awtomatiko akong kinabahan lalo na nang iikot ko ang mga mata ko. Hindi lang ako ang may suot ng ganoong dress... B-bakit?

"Oh, Levi! Late ka na naman!"

Napalingon ako sa lalaking nilapitan ni auntie Levi. Isang matandang lalaki na may hawak na beer sa kanyang kamay.

"Huwag ka ng magalit, boss! Syempre, ni-ready ko pa ang pamangkin ko!" masayang sabi ni auntie sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong ibig sabihin nito? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito. Tumingin ako kay auntie Levi. Nagbabaka sakaling ililigtas niya ako sa kabang nararamdaman ko.

Ngumiti sa akin si auntie at pagkatapos ay bumaling sa matandang lalaki na ngayo'y nakatingin na sa akin.

Tila kinilabutan ako nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Boss, ito nga pala ang pamangkin ko. Her name is Elle. Siya ang bagong pasok kong escort sa bar," pahayag ni auntie Levi na lubos kong kinagulat.

Escort? Hindi pwede...

Related chapters

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 4

    "AUNTIE LEVI, escort po ang trabaho ko dito?"Nagsusumamo ang titig ko kay Auntie. Dahil sa gulat ay hinila ko siya papasok ng restroom para kumpirmahin ang mga narinig ko. Sana'y mali lang ako ng pagka-karinig. Hindi magagawa sa akin ito ni auntie!Nagulat ako nang umirap sa akin si Auntie Levi. Nagpameywang ito at bumuntong hininga, tila ba nakukulitan sa akin."Okay, I got it! Kung ayaw mong maging escort, then I am fine with it. Entertainer ka na lang, okay? Maki-kitable ka sa mga customers natin at aaliwin mo sila. Ayos na ba 'yon sa'yo, Elle?" wika niya sa para bang bagot pa ang tono ng boses.Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni ng aking auntie. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ko kailanman inisip na ganitong trabaho ang ibibigay sa akin ng tiyahin ko!Napailing ako. Hindi iyon ayos! Hindi ako magiging bayarang babae... Hindi ko kayang sikmurain ang gano'ng trabaho.Tumaas ang kilay ni Auntie. Halatang hindi nagustuhan ang pag-iling ko. Nangingilid ang mga lu

    Last Updated : 2023-11-23
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 5

    RAMDAM ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang patuloy na pinagmamasdan ng lalaking makisig na nakaupo sa gitnang couch.May kung anong dayuhang emosyon akong nararamdaman sa paninitig niya sa akin. Umawang ang aking labi at maingat na suminghap."Ang sabi ko ay akin siya. Ako ang nauna sa kanya, Zendejas. . ." giit ng lalaking nagngangalang Lance.Naiinis nitong tinitigan ang lalaking tinawag niya sa apelyidong Zendejas, pero hindi siya pinapansin ng lalaki. Diretso at mataman lamang itong nakatingin sa akin."Come here, Elle Calys," aniya sa malalim ngunit mahinahon na boses. Ni hindi man lang pinansin ang lalaki sa kabilang couch."Don't be afraid of Lance, sweetheart. Wala namang bayag 'yan kapag narito ang pinuno namin," saad naman no'ng Brett, pagkatapos ay humalakhak."Fuck you, Lagdameo! Just fuck you!" gigil na mura no'ng Lance.Tumawa lamang ang tatlong lalaki sa kanang couch.Lumunok ako, nagdadalawang-isip sa gustong mangyari no'ng Zendejas. Para akong nalulunod sa mabilis

    Last Updated : 2023-11-23
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 6

    "ANO ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw mo na magpa-table pagkatapos mo roon sa VIP room ng grupo nina Lance? May ginawa ba sila sa 'yo?" Kahit hindi ko tingnan si auntie, alam kong nakakunot ang noo nitong nakamasid sa akin. Pumasok kami sa apartment at agad ko namang hinubad ang suot kong stilleto heels. Kita ko ang kaunting paltos sa aking mga paa dahil hindi pa rin sanay ang mga ito sa pagsusuot ng gano'ng sapatos. Huminga ako nang malalim at minasahe ang aking sintido. Nahihilo pa rin ako dala ng dalawang bote ng beer na naubos ko kagabi. Gayunpaman, nasa wisyo pa rin naman ako para hindi makalimutan ang lahat. Klarong-klaro sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. . . Ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking 'yon. "Hoy, Elle. Kinakausap kita!" inis na tawag sa akin ni auntie nang tahimik akong dumiretso sa sala. "Pasensya na po kayo, auntie. Nalasing na ako sa unang customers ko kaya hindi ko na kayang maupo sa ibang table. Malaki naman ang tip na nakuha ko. Babawi na

    Last Updated : 2024-04-16
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 7

    HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi. Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya. "Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal. "Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter. "Sige, salamat." Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo hab

    Last Updated : 2024-04-16
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 8

    PANIBAGONG gabi ang lakas-loob kong hinarap. Suot ang kulay silver na sequin bodycon dress at stilleto heels ay naglakad ako papasok ng bar. Tila ba nagsisimula na akong masanay sa pamilyar na amoy ng usok, alak at sex sa mismong lugar na 'to. Dumiretso ako sa counter at nakita ro'n si Bart. Binati ko siya at nginitian. "Para sa 'yo 'to dahil matapang ka," ani Bart at binigyan ako ng cocktail drink. "Nasaan pala ang tiyahin mo?" "Mali-late lang daw siya at masama ang lagay ng puson," sagot ko at ngumisi nang maalala kung paanong mag-tantrums si auntie Levi dahil sa kanyang dysmenorrhea. "Gano'n ba? E, sinong mag-aasikaso sa 'yo niyan?" "Ako na raw muna ang bahala kung saan ako magti-table." Ininom ko ang cocktail drink na binigay niya sa akin. "Syempre kung sino ang mukhang may pera, do'n ako tatabi." "Mag-iingat ka at baka mabastos ka na naman." paalala pa ni Bart. "Salamat, Bart." Iniikot ko ang tingin sa paligid ko— simula sa stage kung saan may mga nagsasayaw na mg

    Last Updated : 2024-04-16
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 9

    NAKARATING kami sa isang marangyang hotel. Nakaawang ang labi ko habang naglalakad kami papuntang front desk. Hindi ko maiwasang hindi iikot ang paningin ko sa lugar na 'to. Halos lahat yata ng bagay na narito ay mamahalin, lalo na ang malaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng ceiling. Tila ba libu-libong diamante ang nakakabit doon at kumikislap nang pagkaganda-ganda. "Elle, come with me." utos ng pamilyar na boses. Lilingunin ko sana siya kaya lang ay nahawakan na niya ako sa aking beywang. Nakalitaw ang likod ko sa suot na dress kaya naman ramdam ko ang init ng kanyang palad sa aking balat. Lumunok ako at hindi na lamang inintindi ang naramdaman. Teka nga. Bakit nga ba kami narito? Gustuhin ko mang magtanong ay parang walang boses ang lalamunan ko. Sumabay na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob no'n kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga

    Last Updated : 2024-04-16
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 10

    NARAMDAMAN ko ang bigat niya sa ibabaw ko. Maiinit ang mga halik niya sa akin at sa bawat paglalapat ng mga labi namin ay mas lalong nabubuhay ang sensasyong unti-unting kumakain sa ulirat ko. Nagpatuloy ang kamay niya sa marahang pagmasahe sa akin sa ibaba. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong dumaing sa tuwing gagawi ang mga daliri niya sa pinakasentro ng pribadong parte ng katawan ko, tila ba inaasar pa ako... tila ba pinaparusahan pa ako... Bumaba ang labi niya sa aking leeg. Awtomatikong napadako ang mga kamay ko sa kanyang malambot na buhok. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang dinadama ang bawat pagsipsip niya sa aking balat. Bumaba pa iyon, hanggang sa gitna ng aking dibdib. Ni hindi ko na rin namamalayan na unti-unti niyang binaba ang strap ng suot kong dress. Natanto ko na lang na halos hubad na ako nang maramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng aking dibdib. Init at pagkahiya. Hindi ko na alam kung ano sa dalawa ang uunahin ko. Bumaba ang tingin ko sa kanyang g

    Last Updated : 2024-08-06
  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 11

    Elle’s Point of View RAMDAM ko ang hapdi sa gitna ng mga hita ko nang magising ako. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pagod at parang lutang din ang kaisipan ko. Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa side table na nasa gilid ko habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Tila ba ngayon lang sumiksik sa utak ko ang katotohanang pinagkaloob ko ang sarili ko sa kanya nang gano'n gano'n lang. Ni hindi ko nagawang manlaban at halatang ginusto pa ang nangyari... Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo mula roon. Nag-iinit ang mga mata ko habang iniisip na naging mahina na naman ako pagdating sa kanya... sa hindi malamang kadahilanan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa nagawa. Alam kong mali iyon at labag sa prinsipyo't aral na nakagisnan ko... Alam kong malaking kasalanan 'yon sa mata ng dakilang Ama. Suminghap ako at hindi na napigilan ang maiyak nang tahimik habang nakahiga sa malambot na kama. Maiinit ang bawat luhang nag

    Last Updated : 2024-08-06

Latest chapter

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 69

    HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 68

    “OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 67

    ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 66

    “MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 65

    KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 64

    PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 63

    PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 62

    HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 61

    PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M

DMCA.com Protection Status