"AUNTIE LEVI, escort po ang trabaho ko dito?"
Nagsusumamo ang titig ko kay Auntie. Dahil sa gulat ay hinila ko siya papasok ng restroom para kumpirmahin ang mga narinig ko. Sana'y mali lang ako ng pagka-karinig. Hindi magagawa sa akin ito ni auntie!
Nagulat ako nang umirap sa akin si Auntie Levi. Nagpameywang ito at bumuntong hininga, tila ba nakukulitan sa akin.
"Okay, I got it! Kung ayaw mong maging escort, then I am fine with it. Entertainer ka na lang, okay? Maki-kitable ka sa mga customers natin at aaliwin mo sila. Ayos na ba 'yon sa'yo, Elle?" wika niya sa para bang bagot pa ang tono ng boses.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni ng aking auntie. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.
Hindi ko kailanman inisip na ganitong trabaho ang ibibigay sa akin ng tiyahin ko!
Napailing ako. Hindi iyon ayos! Hindi ako magiging bayarang babae... Hindi ko kayang sikmurain ang gano'ng trabaho.
Tumaas ang kilay ni Auntie. Halatang hindi nagustuhan ang pag-iling ko. Nangingilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan siya, nagsusumano na itigil na ito.
"H-hindi ko po kayang gawin ang ganyang trabaho, Auntie. Bakit ngayon niyo lang po—"
"Kung gano'n ay paano mo babayaran ang utang ninyo sa akin? Hindi biro ang isang daang libo Elle, ha! Huwag mo akong artehan ng ganyan! Entertainer ka na nga lang, e!"
Napalunok ako, saglit na naisip ang perang pinahiram niya na siguradong ginamit na ng tatay. Mabilis din ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Iniisip ko kung paano mababayaran ang perang iyon nang hindi nagtatrabaho sa ganitong lugar...
"Alalahanin mo, bagong salta ka lang dito. Mahirap maghanap ng trabaho sa Maynila, Elle! Iyong iba nga riyan ay tapos na ng kolehiyo pero walang mahanap na trabaho! Mataas ang standards ng mga businesses dito. Tingin mo ba tatanggap sila ng undergraduate na gaya mo, ha?"
Kumirot ang dibdib ko sa huling sinabi ni Auntie Levi. Pakiramdam ko ay saglit na natapakan ang pagkatao ko.
Oo nga, hindi pa pala ako tapos ng kolehiyo. Baguhan at wala pang diplomang hawak.
Pumatak ang mga luha ko. Nararamdaman ko ang takot sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Hati ang isip ko sa pagtatrabaho nang marangal at pagbabayad ng utang kay Auntie sa mabilis na paraan...
Nag-igting ang panga ni Auntie. Pumikit ito at nagpakawala ng isang malutong na mura. Huminga ito nang malalim at pagkatapos ay dumilat para matingnan ako na may halong inis.
"Huwag kang mapili sa trabaho, Elle! Wala ka namang maipagmamalaki sa akin para umarte ng ganyan! Akala ko ba kahit anong trabaho ay ayos lang sa'yo? Prove it!"
Napayuko ako. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Hindi talaga ako makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.
Sa ganito ba bumabagsak ang mga katulad kong walang alam at hindi nakapagtapos ng pag-aaral?
Nararamdaman din ba ng mga nagtatrabaho rito ang ganitong pakiramdam? Na para bang ang liit kong tao at hanggang dito lang ako. Na ito lang ang pwedeng mundo para sa akin?
"Maganda ka nga, oo! Pero hindi iyan dahilan para mag-inarte! Huwag kang choosy dahil wala ka pa namang ibubuga, okay?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nag-angat ako ng tingin kay Auntie at nakita ko ang pagkairita niya sa akin.
"P-pangako niyo po na kapag bayad na kami sa utang namin, hahayaan niyo po akong umalis sa lugar na 'to..." saad ko sa mahinang boses, walang magawa dahil aminado akong tama siya.
Wala ka pang binatbat, Elle... Lahat naman ay gagawin mo para sa pamilya, 'di ba?
Sumilay ang ngisi sa labi ni Auntie Levi. Hinaplos niya ang buhok ko at bahagyang tumango.
"Don't worry, Elle. You can do whatever you want once your debt is fully paid. Sisiguraduhin ko ring maayos ang lagay mo rito sa bar. Mga professionals at mayayamang lalaki naman ang mga nagpupunta dito. Hindi ka mababastos pwera na lang kung escort ka..."
"Ayaw ko pong maging escort. Payag na po ako sa g-gusto niyo pero entertainer lang po, Auntie..." napipilitan kong sabi dahil wala naman akong ibang solusyon para maiwasan ang pagtatrabaho dito.
"Very good, Elle! I know you're a smart woman. I'll make sure to take care of you while you're here. Mag-ayos ka na at ipapakilala kita sa mga customers mo," aniya at lumabas na ng restroom.
Nanginig ang ibabang labi ko nang mawala sa paningin ko si Auntie. Nag-iinit ang mga dulo ng mata ko pero tanging pag-aangat ng tingin na lamang ang nagawa ko.
Kapit sa patalim, Elle. Ito na nga yata iyon.
Ilang beses akong huminga nang malalim at hinagilap ang lakas ng loob sa aking dibdib. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin ako ng restroom para puntahan si Auntie.
"Huwag mo akong ipapahiya," aniya nang hatakin ako sa isang VIP table kung saan puro halos kaedad ng tatay ang naroon.
Pinakilala ako ni Auntie sa kanila bilang Calys. Mukha namang mababait ang apat na lalaki kaya lang ay hindi ko pa ring maiwasang mag-alala.
Pilit akong pinaupo ni Auntie sa tabi ng isang lalaki. Nakipagtawanan siya sa mga parukyano at pagkatapos ay iniwan na rin ako.
"Oh, Calys. Subukan mo 'to!" anang katabi ko at ibinigay sa akin ang isang bote ng beer.
Lumunok ako nang hawakan nito ang balikat ako. Bahagya akong napaatras sa kinauupuan ko at yumuko na lamang. Takot at nerbyos, hindi ko alam kung alin doon ang mas nangibabaw...
Kapit sa patalim, Elle. Kapit nang mahigpit...
"Huwag kang matakot sa amin, hija. We're just having a good time here. Wala kaming gagawing masama sa iyo," saad pa ng isang lalaki at pagkatapos ay nagsitawanan silang apat.
Ni hindi ko malaman kung paano ko natagalan na samahan sila sa table na 'yon. Halos tatlong oras akong nakaupo roon habang pinapakinggan ang kasiyahan nila. Puro tungkol sa negosyo at may halong kalokohan pagdating sa mga babae ang pinag-uusapan nila. Pagkakaintindi ko ay dalawa sa kanila ang may kabit nang hindi alam ng mga asawa nila.
Naisip ko tuloy ang tatay ko. Kung sa Maynila ba kami nakatira ay magiging ganito rin kaya siya kapilyo? Aastang binata at mangangaliwa kahit na kasal na at may mga anak? Ganito ba ang takbo ng isip ng karamihan sa mga lalaking taga-Maynila?
Inikot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang mga iba naming customers sa ibang mga table. Lahat sila ay halatang mayayaman... Mayayaman man ay tila ba may bahong tinatago.
"Calys, galawin mo naman ang inumin mo. Taga saan ka pala? Mukhang bago ka rito." Kuryosong wika ng isang lalaki na nakaupo sa couch na katabi ng kinauupuan ko.
"B-Bagong salta lang po ako rito..." tanging sagot ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bote ng beer na nasa aking mga kamay.
"Galing probinsya ka ba?" tanong ng lalaking katabi ko.
Marahan akong tumango at pinili na lamang yumuko.
"Kaya naman pala ganyan ang kilos mo. Hindi ka pa sanay sa trabaho, ano? Hindi bale at kapag nakatikim ka ng masarap na putahe ay mag-iiba ang pananaw mo sa trabaho mo..." makahulugang sabi ng isa pa nilang kasama.
Nagtawanan sila. Ako naman ay napapikit na lamang. Sana ay matapos na ang gabing 'to... Sana ay matapos na ang pag-upo ko rito dahil ayaw ko nang makinig sa mga sinasabi ng mga customers na 'to.
Nakahinga lamang ako nang tumawag sila ng waiter at nanghingi ng bill. Ilang saglit lang din ay hinatid na sa table namin ang bill nila. Katabi ko ang nagbayad at pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
Nagulat na lamang ako nang lagyan niya ng pera ang kamay ko. Napaangat ako ng tingin sa matanda. Ngumisi ito at halatang lasing na lasing na.
"Iyan, hija. Dahil first time mo, may tip ka!" aniya dahilan para tumawa ang mga kasama niya.
Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Nagpaalam sila sa akin at pagkatapos ay umalis na.
Napasinghap ako't kumurap ng ilang beses. Binasa ko ang aking ibabang labi bago tingnan ang perang nasa kamay ko.
Tatlong libo.
Nag-iinit ang mga mata ko habang nakatitig sa maduming pera na nasa kamay ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi at dahan-dahang tumayo. Doon ko lang napagtanto ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa nerbyos.
Elle, tatagan mo. Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Kailangan kong mabayaran ang perang nahiram kay Auntie para makaalis ako sa lugar na 'to.
Maduming pera rin bilang kabayaran sa maduming perang pinautang niya. Maduming pera na galing sa maduming trabaho... Sumisikip man ang dibdib ko ay kailangan kong tanggapin na ito muna ang magiging mundo ko. Para sa pamilya...
Nang makaahon sa nararamdaman ay dumiretso ako sa restroom. Hindi ko napigilan ang pag-iyak ngunit ilang minuto lamang din ay naghilamos na ako ng mukha. Tiningnan ko ang sarili ko mula sa salamin.
Hindi ito ang Elle na kilala ko... Isang katotohanang naghatid ng libu-libong sakit sa dibdib ko. Kaya lang ay wala pa akong magagawa sa ngayon.
Wala pa akong laban lalo na't hawak ako sa leeg ni Auntie Levi. Kinuyom ko ang mga kamay ko.
"Kailangan kong kumita nang malaki..." bulong ko sa sarili.
°°°°
"KUMUSTA naman ang mga customers mo kagabi, Elle?" kuryosong tanong sa akin ni Auntie nang makauwi kami sa apartment.
Papasok na sana ako sa kwarto kaya lang ay nakakahiya naman na hindi ko sagutin si auntie. Oo, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin na ganitong trabaho pala ang ibibigay niya sa akin. Masakit din ang mga salitang binitiwan niya ngunit hindi ako makakalaban dahil wala akong maipagmamalaki sa harapan niya. Heto nga at nakikitira pa ako sa kanya.
Narinig ko ang pagkilos niya sa kusina. May mga pinamili siyang groceries bago kami umuwi dahil ipagluluto niya raw ako.
Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa hamba kung nasaan ang kusina. Sumandal ako roon at pinanood ang pag-aayos niya ng mga gulay sa counter top.
"Masaya naman po sila, auntie. Binigyan po nila ako ng tip," tugon ko sa mahinang boses.
"Hindi na ako magtataka roon! Sa ganda at sexy mo ba naman, aba'y kahit hindi mo sila kausapin at maupo lang sa table nila ay matutuwa talaga sila!" ani auntie. Bumaling ito sa akin at ngumisi. "Paano pa kaya kung makikisalamuha ka sa kanila nang husto? Kailangan mong maging friendly sa mga customers mo para mas malaki ang i-tip nila sa ‘yo!"
"P-paano ko po gagawin. . .” Hindi ko alam kung tama ba ang pagtatanong ko pero kung makikinabang ako sa payo ni auntie Levi at kikita ng malaki sa mabilisang paraan ay sisikmurain ko na lamang. "P-paano po magkaroon ng malaking tip?"
"Maging friendly ka lang, Elle. Sakyan mo ang mga sinasabi nila at makitawa ka kapag nagtatawanan sila. Matuto kang makibagay. Kung pilyo ang mga customers mo, maging pilya ka rin. Kung hinahawakan ka sa katawan, hawakan mo rin!"
Naeskandalo ang isip ko sa huli niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo.
"P-po? H-Hindi ko po yata kaya 'yong huli, auntie. . ."
Umirap si Auntie at pagkatapos ay humarap sa lababo para hugasan ang mga gulay.
"Magpapahawak ka lang naman, hindi magpapagalaw, okay? Parte 'yan ng pagiging entertainer mo, Elle. Kaya matuto ka na ngayon palang kung gusto mong makaipon agad," aniya sa malditang tono pero agad ding bumuntong-hininga.
Nilingon niya ako. Nagulat pa ako nang makita ang pamilyar na pakikisimpatya sa mga mata niya— ang mga matang katulad ng kay nanay.
"Look, I am sorry if I lied to you but this is the only way I can help your family, Elle. Ayaw ko ring nakikitang nahihirapan ang kapatid ko sa mga nangyayari kaya kung pwede lang na tatagan mo ang loob mo, please do it.”
Suminghap ako nang maalala ang nanay pati ang mga pagluha nito bago ko lisanin ang Sta. Barbara. Ayaw kong masayang ang mga luha niya nang dahil lang sa pagiging mahina ko.
Lumunok ako at tumango. Nakita ko ang malungkot na ngiti sa labi ni auntie. Bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay hindi naman niya talaga gusto 'tong ginagawa niya sa akin.
"Tatandaan ko po ang mga sinabi niyo. Susubukan ko pong ayusin ang trabaho ko para makakuha nang malalaking tip," saad ko, determinado.
"That's right, Elle. Sige, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."
"Salamat po, auntie. . ." wika ko at saka lamang dumiretso sa aking kwarto.
Sinarado ko ang pinto at huminga nang malalim. Ilang segundo akong nakasandal sa pinto at sinasaisip ang mga payo ng aking tiyahin. Susubukan kong maging friendly simula mamayang gabi.
Tama, Elle.
Lumapit ako sa kama at naupo sa gilid nito. Binuksan ko ang drawer ng side table sa gilid ng kama at nilagay doon ang tatlong libong tip sa akin ng customers ko.
"Galingan mo mamaya, Elle." saad ko sa aking sarili.
°°°°
SUMAPIT ang panibagong gabi. Hinatid ulit ni auntie sa kwarto ko ang susuotin kong damit sa trabaho. Isang kulay maroon na v-neck glittery dress at may mahahabang sleeves iyon at sinamahan pa ni niya ng mga kwintas na bumagay sa kulay ng dress.
Sinuot ko iyon pagkatapos kong maligo. Halos lamigin ang dibdib ko dahil hanggang itaas ng tiyan ang V-neck na hiwa ng dress. Kahit na hindi kalakihan ang hinaharap ko ay bumagay pa rin sa akin ang suot ko. Kinabit ko rin ang mga kwintas sa leeg ko at saka kinulot ang aking buhok. Patapos na ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi nang pasukin ni auntie ang kwarto ko.
"Oh, my gosh!" bulalas niya at mabilis na lumapit sa akin. Inikutan pa niya ako ng tingin habang nakabuka ang bibig.
"Auntie?"
"Ang ganda mo talaga, Elle! Iisang dugo lang talaga ang dumadaloy sa atin!" masaya niyang wika at pagkatapos ay hinawakan ako sa mga balikat. "For sure your customers will drool once they see you. Baka mag-request pang gawin kang escort at—"
"Entertainer lang po ang gusto ko, auntie Levi. . ."
Ngumuso ito. "Alright! If you say so, my pamangkin! Basta, ha? 'Yong mga tinuro ko sa 'yo! We need money!"
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
°°°°
PUMASOK kami ni auntie Levi sa pamilyar na bar. Pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo agad ang sumalubong sa ilong ko habang naglalakad kami papuntang counter. Buhay na buhay ang buong paligid. May mga senswal na musikang pinapatugtog at may mga sumasayaw sa stage para aliwin ang mga parukyanong customers.
Nakasunod lamang ako kay auntie hanggang sa makapasok kami sa isang silid kung saan may mga empleyadong kagaya ko. Iyon nga lang ay iba ang suot nila kaysa sa akin. Mas lantad ang katawan sa see-through na mga damit para siguro mas malaki ang kitain nila.
"Dito ka muna, Elle. Titingnan ko pa kung saan kita pwedeng ilagay. Huwag kang aalis dito. Babalik ako." ani Auntie na tinanguhan ko lamang.
Lumabas siya at naiwan ako sa silid kasama ang mga empleyadong hindi ko kilala. Sumandal lamang ako sa gilid ng pinto at pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay. Kagat ko ang labi ko habang sinasapuso ang mga turo ni auntie.
Maging friendly, Elle. Makibagay, makitawa at magpahawak. Ni hindi ko alam kung kaya ko ang huli. Pero wala namang masama kung susubukan ko.
Magtitiis kahit mahirap. Kakapit sa patalim nang panandalian, hanggang kaya ko nang umalis sa ganitong trabaho.
Maya-maya pa ay bumalik na si auntie at hinatak ako papunta sa second floor. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan ang mga customers na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung bakit malaswa ang pagkakatingin nila sa akin. Awtomatikong dumako ang kaliwang braso ko sa aking dibdib para takpan ang dapat takpan.
Pumasok kami ni auntie sa isang VIP room. Lumunok ako at dahan-dahang nag-angat ng tingin para tingnan ang mga pagsisilbihan ko ngayong gabi.
Limang lalaki.
Limang binatang lalaki ang naroon sa table. Mas tumindi ang kaba sa dibdib ko ngayong halos kaedaran ko lamang ang mga customers ko!
Tiningnan ko sila isa-isa. Mukha namang mabait ang tatlong lalaki na nasa kanang couch. Ang isa pa nilang kasama ay nasa kaliwang couch at pilyong nakangisi sa akin.
Tumingin ako sa pinakagitnang couch kung saan ang isang lalaki ay matamang nakatitig sa akin, habang ang mga braso ay maangas na nakasandal sa sandalan ng couch, ang mga paa ay aroganteng nakade-kuatro. Ni hindi ako makahinga sa paninitig niya sa akin kaya mabilis akong napayuko.
"Oh, boys! We have Calys here. Siya ang entertainer niyo for this night. You know the rules. Hindi siya escort kaya hindi siya pwedeng ilabas sa bar na 'to." pahayag ni auntie.
"That's bad. I think I want to fuck her, Levi. What if I pay a big amount?" anang isang lalaki na lubos kong kinagulat.
Nag-angat ako ng tingin at napagtantong ang lalaki sa kaliwang couch ang nagsalita. Halos manginig ang laman ko nang magtama ang mga mata namin.
"I'm very sorry, Lance. Entertainer lang si Calys dito," mariing sagot ni auntie.
"Well, that's bullshit!" wika ng lalaki na tinawag ni auntie na Lance.
"Calm your tits, Lance. Tinatakot mo si Calys." wika ng isang lalaki na may hanggang balikat na buhok mula sa kanang couch, ang nakagitna sa dalawa pa nilang kaibigan.
"Brett is right. Just go and get a whore outside if you really want to have a good fuck. Calys seems innocent." tumawa ang katabing lalaki sa kaliwa no'ng lalaking nagngangalang Brett.
"Oh, nagkakaintindihan ba tayo rito?" Kinuha ni auntie Levi ang mga atensyon nila.
"Crystal clear, Levi." saad ng lalaki na nasa gitnang couch.
Halos mabitin ang paghinga ko nang ngumiti ito sa akin. Nilaro nito ang hawak na shot glass at saka sinimsiman 'yon. Sa bawat paggalaw ng lalamunan niya ay napapalunok ako.
Hindi ko maitatanggi. Siya ang pinaka-makisig sa lahat. Malapad at perpekto ang mga kilay, bahagyang singkit ang mga mata, matangos ang ilong, matikas na panga at may aroganteng ngiti ang mapupulang labi.
"That's good, Mr. Zendejas. Maiwan ko na kayo." ani auntie at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng silid.
Umawang ang labi ko nang lingunin ko ang pinto kung saan lumabas si auntie. Ang lakas ng tibok ng puso ko at tila ba hindi na ako makakagalaw mula sa kinatatayuan ko.
"Sa akin siya." wika ng pamilyar na boses noong Lance.
"Gago, umayos ka nga! Entertainer nga kasi siya, 'di ba?"
"I don't give a fuck. What I want, I get!" mayabang na wika no’ng Lance.
Kinagat ko ang labi ko. Ni hindi ko na magawang lingunin pa sila lalo na at hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig no'ng Lance.
"That’s not going to happen. What if I want her too?" wika ng lalaki sa pinakagitnang couch. Dahan-dahan ko itong nilingon. May mapaglarong ngiti sa labi nito habang diretsong nakatingin sa akin. "Come here, Elle Calys. Sit beside me. . ."
"What the fuck, Zendejas?" bulalas no'ng Lance samantalang nagtawanan naman ang tatlong lalaki sa kabilang couch.
"Nasaan na ba ang kapatid nito? He's late!" anang Brett.
Umawang ang labi ko habang nalulunod sa mga mata no'ng lalaki. Lumunok ako at binalingan pa ng tingin 'yong Lance.
"You don't need to worry about Lance. He's not going to touch you as long as I'm here.” sabi niya pa dahilan para manginig ang mga tuhod ko. “Habang nandito ako, akin ka.”
RAMDAM ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang patuloy na pinagmamasdan ng lalaking makisig na nakaupo sa gitnang couch.May kung anong dayuhang emosyon akong nararamdaman sa paninitig niya sa akin. Umawang ang aking labi at maingat na suminghap."Ang sabi ko ay akin siya. Ako ang nauna sa kanya, Zendejas. . ." giit ng lalaking nagngangalang Lance.Naiinis nitong tinitigan ang lalaking tinawag niya sa apelyidong Zendejas, pero hindi siya pinapansin ng lalaki. Diretso at mataman lamang itong nakatingin sa akin."Come here, Elle Calys," aniya sa malalim ngunit mahinahon na boses. Ni hindi man lang pinansin ang lalaki sa kabilang couch."Don't be afraid of Lance, sweetheart. Wala namang bayag 'yan kapag narito ang pinuno namin," saad naman no'ng Brett, pagkatapos ay humalakhak."Fuck you, Lagdameo! Just fuck you!" gigil na mura no'ng Lance.Tumawa lamang ang tatlong lalaki sa kanang couch.Lumunok ako, nagdadalawang-isip sa gustong mangyari no'ng Zendejas. Para akong nalulunod sa mabilis
"ANO ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw mo na magpa-table pagkatapos mo roon sa VIP room ng grupo nina Lance? May ginawa ba sila sa 'yo?" Kahit hindi ko tingnan si auntie, alam kong nakakunot ang noo nitong nakamasid sa akin. Pumasok kami sa apartment at agad ko namang hinubad ang suot kong stilleto heels. Kita ko ang kaunting paltos sa aking mga paa dahil hindi pa rin sanay ang mga ito sa pagsusuot ng gano'ng sapatos. Huminga ako nang malalim at minasahe ang aking sintido. Nahihilo pa rin ako dala ng dalawang bote ng beer na naubos ko kagabi. Gayunpaman, nasa wisyo pa rin naman ako para hindi makalimutan ang lahat. Klarong-klaro sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. . . Ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking 'yon. "Hoy, Elle. Kinakausap kita!" inis na tawag sa akin ni auntie nang tahimik akong dumiretso sa sala. "Pasensya na po kayo, auntie. Nalasing na ako sa unang customers ko kaya hindi ko na kayang maupo sa ibang table. Malaki naman ang tip na nakuha ko. Babawi na
HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi. Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya. "Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal. "Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter. "Sige, salamat." Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo hab
PANIBAGONG gabi ang lakas-loob kong hinarap. Suot ang kulay silver na sequin bodycon dress at stilleto heels ay naglakad ako papasok ng bar. Tila ba nagsisimula na akong masanay sa pamilyar na amoy ng usok, alak at sex sa mismong lugar na 'to. Dumiretso ako sa counter at nakita ro'n si Bart. Binati ko siya at nginitian. "Para sa 'yo 'to dahil matapang ka," ani Bart at binigyan ako ng cocktail drink. "Nasaan pala ang tiyahin mo?" "Mali-late lang daw siya at masama ang lagay ng puson," sagot ko at ngumisi nang maalala kung paanong mag-tantrums si auntie Levi dahil sa kanyang dysmenorrhea. "Gano'n ba? E, sinong mag-aasikaso sa 'yo niyan?" "Ako na raw muna ang bahala kung saan ako magti-table." Ininom ko ang cocktail drink na binigay niya sa akin. "Syempre kung sino ang mukhang may pera, do'n ako tatabi." "Mag-iingat ka at baka mabastos ka na naman." paalala pa ni Bart. "Salamat, Bart." Iniikot ko ang tingin sa paligid ko— simula sa stage kung saan may mga nagsasayaw na mg
NAKARATING kami sa isang marangyang hotel. Nakaawang ang labi ko habang naglalakad kami papuntang front desk. Hindi ko maiwasang hindi iikot ang paningin ko sa lugar na 'to. Halos lahat yata ng bagay na narito ay mamahalin, lalo na ang malaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng ceiling. Tila ba libu-libong diamante ang nakakabit doon at kumikislap nang pagkaganda-ganda. "Elle, come with me." utos ng pamilyar na boses. Lilingunin ko sana siya kaya lang ay nahawakan na niya ako sa aking beywang. Nakalitaw ang likod ko sa suot na dress kaya naman ramdam ko ang init ng kanyang palad sa aking balat. Lumunok ako at hindi na lamang inintindi ang naramdaman. Teka nga. Bakit nga ba kami narito? Gustuhin ko mang magtanong ay parang walang boses ang lalamunan ko. Sumabay na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob no'n kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga
NARAMDAMAN ko ang bigat niya sa ibabaw ko. Maiinit ang mga halik niya sa akin at sa bawat paglalapat ng mga labi namin ay mas lalong nabubuhay ang sensasyong unti-unting kumakain sa ulirat ko. Nagpatuloy ang kamay niya sa marahang pagmasahe sa akin sa ibaba. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong dumaing sa tuwing gagawi ang mga daliri niya sa pinakasentro ng pribadong parte ng katawan ko, tila ba inaasar pa ako... tila ba pinaparusahan pa ako... Bumaba ang labi niya sa aking leeg. Awtomatikong napadako ang mga kamay ko sa kanyang malambot na buhok. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang dinadama ang bawat pagsipsip niya sa aking balat. Bumaba pa iyon, hanggang sa gitna ng aking dibdib. Ni hindi ko na rin namamalayan na unti-unti niyang binaba ang strap ng suot kong dress. Natanto ko na lang na halos hubad na ako nang maramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng aking dibdib. Init at pagkahiya. Hindi ko na alam kung ano sa dalawa ang uunahin ko. Bumaba ang tingin ko sa kanyang g
Elle’s Point of View RAMDAM ko ang hapdi sa gitna ng mga hita ko nang magising ako. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pagod at parang lutang din ang kaisipan ko. Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa side table na nasa gilid ko habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Tila ba ngayon lang sumiksik sa utak ko ang katotohanang pinagkaloob ko ang sarili ko sa kanya nang gano'n gano'n lang. Ni hindi ko nagawang manlaban at halatang ginusto pa ang nangyari... Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo mula roon. Nag-iinit ang mga mata ko habang iniisip na naging mahina na naman ako pagdating sa kanya... sa hindi malamang kadahilanan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa nagawa. Alam kong mali iyon at labag sa prinsipyo't aral na nakagisnan ko... Alam kong malaking kasalanan 'yon sa mata ng dakilang Ama. Suminghap ako at hindi na napigilan ang maiyak nang tahimik habang nakahiga sa malambot na kama. Maiinit ang bawat luhang nag
ILANG oras lang din ay sumikat na ang araw. Umuwi si Auntie Levi pasado alas nuebe na ng umaga. Nilagay ko ang pinagkainan ko ng almusal sa lababo at pagkatapos ay sinalubong siya. "Auntie!" tawag ko sa kanya nang makita itong naghuhubad ng sandals pagkapasok palang ng pinto. Binaling nito ang tingin sa akin. Namumula ang mga pisngi nito at namumungay ang mga mata. Naamoy ko ang alak sa kanya at base sa ngisi siya sa akin, hindi makakailang lasing ito at wala sa sarili. "Nandito na pala ang pinakamaganda kong pamangkin!" bulalas niya. Nagulat ako nang mabilis itong yumakap sa akin. Ilang beses niyang hinalikan ang mga pisngi ko at para bang tuwang-tuwa na makita ako. "Auntie, bakit naman po kayo naglasing?" nag-aalala kong tanong sa kanya at inalalayan siya para makatayo nang maayos. "Because I'm happy!" Bumungisngis ito. "Alam mo ang dami ko talagang natatanggap na swerte sa buhay simula nang dumating ka rito, Elle! Ikaw na yata ang lucky charm ko, e. Yayaman ako nang bon
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M