Share

Chapter 6

Author: Rome
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

  "ANO ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw mo na magpa-table pagkatapos mo roon sa VIP room ng grupo nina Lance? May ginawa ba sila sa 'yo?"

  Kahit hindi ko tingnan si auntie, alam kong nakakunot ang noo nitong nakamasid sa akin. Pumasok kami sa apartment at agad ko namang hinubad ang suot kong stilleto heels. Kita ko ang kaunting paltos sa aking mga paa dahil hindi pa rin sanay ang mga ito sa pagsusuot ng gano'ng sapatos.

  Huminga ako nang malalim at minasahe ang aking sintido. Nahihilo pa rin ako dala ng dalawang bote ng beer na naubos ko kagabi. Gayunpaman, nasa wisyo pa rin naman ako para hindi makalimutan ang lahat.

  Klarong-klaro sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. . . Ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking 'yon.

  "Hoy, Elle. Kinakausap kita!" inis na tawag sa akin ni auntie nang tahimik akong dumiretso sa sala.

  "Pasensya na po kayo, auntie. Nalasing na ako sa unang customers ko kaya hindi ko na kayang maupo sa ibang table. Malaki naman ang tip na nakuha ko. Babawi na lang po ako mamaya," tugon ko nang hindi man lang siya nililingon. Bitbit ang sandals sa aking kamay ay naglakad ako papuntang kwarto.

  "Aba! Malaki talagang magbigay ng tip ang grupo ni Lance! Mabuti naman at nasasanay ka na sa linya ng trabaho mo!" Bakas ang saya sa boses ni auntie. Para bang kilalang-kilala niya ang mga lalaking 'yon at madalas talaga silang nasa bar para mag-inuman at siguro'y mambabae para maaliw.

  Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni auntie dahil masyado na akong pagod para makipag-usap pa sa kanya. Nagpaalam akong magpapahinga na saka dumiretso sa aking silid. Sinarado ko ang pinto pagkapasok at walang kalakas-lakas na umupo sa gilid ng kama.

  Natulala na lamang ako sa kawalan. Ilang segundo pa ay bumalik sa alaala ko ang nangyari sa pagitan namin ng Zendejas na 'yon. Pumikit ako at lumunok ng husto.

  Mali 'yon, Elle. . . Bakit ka nagpaubaya? Bakit hindi ka tumanggi gayong nasa wisyo ka naman para maiwasan 'yon?

  Ang mga tanong na 'yon ang mas lalong nagpagulo sa sistema ko. Ni hindi ko mahagilap ang tamang sagot. Ang alam ko lamang ay naging mahina ako.

  Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha at huminga nang malalim. Nagsisisi ako sa nangyari ngunit hindi maialis sa isip ang mukha ng lalaking 'yon!

  "Elle, huwag mo nang uulitin 'yon. . . Ang tanga mo para hindi tanggihan ang lalaking 'yon. . ." sabi ko sa sarili ko.

  Sa totoo lang ay ang bigat ng kalooban ko. Kasalanan na ngang kinalimutan ko ang prinsipyo at dignidad ko para kumita ng pera sa mabilisang paraan, heto at nagdagdag pa ako ng panibagong kasalanan.

  Oo nga at hindi naman niya talaga ako ginalaw pero ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa ko ang makipag-make out sa isang lalaking ni hindi ko naman kilala. Unang beses ko 'yon at hindi ko rin alam kung anong uri ng demonyo ang bumulong sa akin para magpaubaya na lang nang gano'ng kadali.

  Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Bumaba ang tingin ko sa dala kong bag. Binuksan ko ang loob no'n at saka nakita ang perang binigay niya sa akin bilang tip sa serbisyo ko.

  Bumuntong hininga na lamang ako at nanghihinang binilang ang pera.

  Kwarenta mil.

  Sarkastiko akong ngumiti at tinitigan ang mga pera sa aking kamay.

  Ganito ba talaga? Mabilis ang pera sa pagkapit sa patalim? Ni hindi ako nahirapan na kumita nang ganito kalaki. . . Hinayaan ko lamang siyang halikan ako, hawakan at saglit na gamitin. . . Nakakatawa kung iisipin. Ako na rin itong nasarapan sa ginawa niya. . . Sa huli, ako pa 'tong swerte at nagkapera ng malaki.

  Nanginig ang mga laman ko. Pinikit ko ang aking mga mata at mariing tinikom ang bibig.

  Oo nga at mas madali ang pera kapag gano'n pero huwag mo nang uulitin, Elle. Hindi ka isang puta.

  Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago idilat ang mga mata. Binuksan ko ang cabinet sa gilid ng kama. Naroon pa rin ang tatlong libo na kinita ko no'ng unang gabi ko sa trabaho. Nilagay ko roon ang kinita kong kwarenta mil at saka nagpasyang maligo para linisin ang katawan ko.

  Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko.

  Sagad sa dumi dahil kumapit sa nakakasukang trabaho. . .

  °°°°

  SUMAPIT ang panibagong gabi. Kagaya ng mga naunang gabi, hinatid ulit ni auntie Levi sa kwarto ang susuotin ko para sa trabaho. Ngayon naman ay isang itim na spaghetti strap dress ang pinasuot niya sa akin. May mga bagong gintong kwintas at porselas din siyang binigay sa akin na bumagay din sa damit.

  Inayos ko ang sarili ko at piniling itali ang buhok. Naglagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha at nang makuntento ay nagsuot na ng stilleto heels.

  Nang matapos sa pag-aayos ay tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Para akong nalulunod at natutulala dahil hindi ko na makilala ang babaeng nasa salamin. Kumpara sa Elle na taga Sta. Barbara, ang Elle na nakikita ko ngayon ay mas kakaiba. . . Bagay na hindi ko masikmura.

  Mariin akong pumikit nang maalala ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. . .

  Bakit ba hindi ko maalis ang lalaking 'yon sa isip ko?

  Umiling na lamang ako at sa huli ay dinampot ang bag sa kama para makaalis na kami ni auntie.

  "Tumawag sa akin ang nanay mo. Tulog ka yata nang tumawag siya sa 'yo kaya sa akin nangumusta," sambit ni Auntie habang naglalakad kami papuntang terminal ng taxi.

  Ramdam ko ang tingin sa akin ng bawat lalaking makakasalubong namin. Hindi ko nagustuhan 'yon kaya naman yumuko na lamang ako.

  "T-Talaga po? Ano pong sabi niyo kay nanay?" tanong ko, may bahid ng pag-aalala ang boses ko.

  Alam ko namang tumawag sa akin si nanay kaninang tanghali at masakit man, sinadya kong hindi iyon sagutin dahil natatakot ako na kapag nagtanong siya tungkol sa trabaho ko ay baka bumagsak na lang ang mga luha ko. Natatakot ako na baaka masabi ko ang totoo. Hindi ko naman kayang maglihim kay nanay at alam din niya kung nagsisinungaling ako.

  Ayaw kong mahuli. Hangga't maaari, ililihim ko 'tong trabahong pinasukan ko para makaipon ng pera.

  "Of course, I said you were doing fine. Sinabi ko sa kanya na magaling ka sa trabaho at nasasanay na sa kalakaran dito sa Maynila," tugon ni Auntie at saka kumindat pa sa akin. "Huwag kang mag-alala, Elle. Hindi ko naman sinabi ss nanay mo na entertainer ka sa bar. Ang sabi sa kanya ay nagtatrabaho ka bilang waitress."

  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na pinagtakpan ako ni auntie Levi pero wala naman akong magagawa sa ngayon. Siya lang ang pwedeng tumulong sa akin at totoo naman ang sinabi niyang mabilis ang pera sa bar. . . Tumango na lamang ako at sinundan siya nang sumakay ito sa naparang taxi.

  Isa lang ang nasa isip ko habang nasa byahe. Iyon ay ang makaipon ng pera at makatakas sa maduming trabahong pinasukan ko.

  Suminghap ako nang maalala ang nangyari sa amin no'ng lalaki kagabi pero agad ko ring tinigil ang pag-alala sa kung paano niya ako hinalikan at hinawakan. Bakit ba panay ang sagi niya sa isip ko?

  Umiling na lamang ako.

  °°°°

  PAGKARATING sa bar ay dumiretso kami ni auntie Levi sa counter. May isang lalaking bartender ang naro'n at kinakausap si auntie. Pinanood ko lamang sila habang naghihintay. Parang kinikilig na bata ang tiyahin ko sa kausap. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

  Ang totoo niyan ay dalaga pa si auntie. Kumpara kay nanay na maagang nagpakasal kay tatay, si Levitia Carreon naman ay nanatiling dalaga kahit lagpas kwarenta na ang edad. Maganda siya at may nakakaakit na katawan. Hindi ko alam kung wala lang talagang nanliligaw sa kanya o sadyang ayaw niyang mag-commit sa isang relasyon. Umiling na lamang ako.

  "Elle, try this!" tawag niya sa akin at iniabot ang isang shot glass na may lamang kulay asul na alak. Tinanggap ko naman 'yon.

  May munting apoy ang alak kaya napakunot ang noo ko. Narinig ko naman ang pagtawa nina auntie pati no'ng lalaking bartender.

  "Hipan po muna saka mo inumin!"

  "Safe po ba 'to?" nag-aalala kong tanong.

  "My goodness, Elle! Safe 'yan at masarap!" kumindat pa si auntie sa akin.

  Huminga ako nang malalim at ginawa na lamang ang gusto ng tiyahin ko. Hinipan ko muna ito para mawala ang apoy at nang mawala ay inamoy ko naman ang ito. Masyadong matapang dahilan para mapalunok ako.

  Dahil na rin sa pangungulit ni nila ay ininom ko na ang alak ng tuluyan. Napahawak ako sa lalamunan ko at napaawang ang labi.

  Pakiramdam ko ay nasusunog ang lalamunan ko sa init na hatid ng alak. Napakatapang no'n at sobrang pait! Mabilis na bumaba ang kakaibang init hanggang sa aking tiyan.

  Tumawa sina auntie at ang bartender samantalang hindi ko naman maintindihan ang pakiramdam ng katawan ko. Bigla akong nag-init at pinagpawisan dahil sa alak na 'yon!

  "How is it, my pamangkin? Ang sarap, 'no?" Humagikhik pa si auntie Levi.

  Umiling na lamang ako at nag-iwas ng tingin. Dumako ang mga mata ko sa paligid. Mukhang kaunti lang ang customers namin ngayon. Tiningnan ko isa-isa ang bawat mesa sa bandang gitna pero wala akong pamilyar na mukha na nakita.

  Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit ko ba hinahanap ang lalaking 'yon? Dapat nga ay magpasalamat ako na wala siya rito!

  Napatingin ako sa itaas kung saan ang second floor. May mga customers na nakasandal sa railings at mga nagsasayaw pero wala pa rin akong nakitang pamilyar na mukha.

  Napapikit ako at hinilot ang aking sintido.

  Para kang tanga, Elle.

  "Elle, chill ka lang muna, ha? Wala pa tayong big time customers kaya hintay ka lang diyan," sambit pa ni auntie Levi kaya bumaling ako sa kanya. "Hoy, Bart! Bigyan mo pa nga ng alak 'tong pamangkin ko. Para mas lumakas ang loob!"

  "Sure, Levi. Ikaw pa ba ang pahihindian ko?" matamis na tugon no'ng bartender.

  Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero halatang may gusto 'yong lalaki sa tiyahin kong pasaway.

  Naupo na lang ako sa isa sa mga upuan sa counter at tinanggap ulit ang alak na binigay sa akin. Oo nga at hindi masarap ang lasa no'n at masakit sa tiyan pero tama si auntie na kailangan ko nito para lumakas ang loob ko.

  Baka sakaling kapag nalasing ako ay kumapal na rin ang mukha ko. Mas makapal ang mukha, mas malaking pera.

  Ininom ko ang pangalawang alak. Para hindi ako mabugnot ay nakipagkwentuhan na lang ako kina auntie at sa bartender na nag-ngangalang Bart. Magkaibigan pala sila. Si Bart ang nagpasok sa tiyahin ko rito sa bar. Matagal na rin silang nagtatrabaho rito at dahil malaki ang kitaan, kahit na may mga ipon na ay hindi nila magawang umalis.

  Naisip ko kung matutulad ako kay auntie. Gugustuhin ko rin bang manatili sa trabahong 'to para makaahon sa hirap? Kakalimutan ko ba ang dangal para sa pag-asenso ng buhay?

  Mapait akong ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko alam. Ayaw ko na lang magsalita dahil baka hindi ko rin mapanindigan kagaya nang kung paano ko binasura ang prinsipyo ko para lang sa pera.

  Binigyan ulit ako ni Bart ng alak na ininom ko rin agad. Parang nasasanay na ang tiyan at panlasa ko sa alak dahil unti-unti ko nang nagugustuhan 'yon.

  "Oh, baka nalalasing ka na, Elle. Hindi ka pa nagsisimula." ani Bart.

  Nawala saglit si auntie Levi. Nagpaalam dahil kakausapin daw niya ang boss sa bar na 'to.

  "Hindi, 'no. . ." tugon ko at nginitian siya.

  Siguro dala na rin ng alak kaya naman ay ramdam ko ang pagkagaan ng isip at katawan ko. Para akong lumulutang sa era. May kakaibang init din akong nararamdaman sa aking katawan dahilan para magpaypay ako gamit ang aking kamay.

  "Sure ka ba? Parang lasing ka na 'ata!"

  "Hindi nga. . ." naiinis kong sagot at tumayo para ipakita sa kanya na hindi ako lasing.

  Bahagya akong nawalan ng balanse pero agad din namang nakabawi. Natawa ako at inilingan si Bart.

  "Hindi nga ako lasing!" giit ko.

  "Wala naman akong sinasabi, Elle." Tumawa pa ito.

  Ngumuso ako at tiningnan siyang mabuti. May pilyong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Para bang tuwang-tuwa pa siya sa nakikita.

  "May gusto ka sa tiyahin ko, 'di ba? Ligawan mo na at baka tumanda siyang dalaga," saad ko at humagikgik. "Diyan ka muna. Magbabanyo lang ako."

  "Hoy! Mag-ingat ka!" agap niya nang bumangga ako sa isang silya.

  "Ssshhh!" tinapat ko ang daliri ko sa aking labi para patahimikin siya. Ngumiti pa ako bago maglakad papuntang restroom.

  Tumingala ako sa kisameng nababalot ng neon lights. Hindi mawala-wala ang ngiti ko dahil para akong lumulutang sa ere.

  Kumapit ako sa pader habang naglalakad. May mga bumabati sa aking lalaki na galing din sa restroom kaya lang ay hindi ko na sila magawang batiin pabalik dahil masyado na akong lutang.

  Pumasok ako sa restroom na para sa mga babae at ginawa roon ang dapat. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at nagtagal sa pagtitig sa sarili sa salamin.

  "Ang ganda ko sa damit na 'to. . ." puri ko sa sarili ko at saka bumungisngis.

  Yumuko ako at nagpatuloy sa pagbungisngis hanggang sa manginig na lamang ang mga balikat ko nang tuluyang tumulo ang mga luha ko.

  Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Para na akong baliw dahil magkasabay na saya dahil sa alak at lungkot dahil sa pagka-miss sa pamilya ang kumakain sa akin.

  Umiyak ako at inalala ang musmos na mukha ni Lyka. . . at ang masasayang ngiti nina nanay at tatay.

  "Nay. . ." Humikbi ako nang mas nanaig ang sakit sa dibdib ko. "Nay. . ."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thankyou more power
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 7

    HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi. Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya. "Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal. "Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter. "Sige, salamat." Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo hab

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 8

    PANIBAGONG gabi ang lakas-loob kong hinarap. Suot ang kulay silver na sequin bodycon dress at stilleto heels ay naglakad ako papasok ng bar. Tila ba nagsisimula na akong masanay sa pamilyar na amoy ng usok, alak at sex sa mismong lugar na 'to. Dumiretso ako sa counter at nakita ro'n si Bart. Binati ko siya at nginitian. "Para sa 'yo 'to dahil matapang ka," ani Bart at binigyan ako ng cocktail drink. "Nasaan pala ang tiyahin mo?" "Mali-late lang daw siya at masama ang lagay ng puson," sagot ko at ngumisi nang maalala kung paanong mag-tantrums si auntie Levi dahil sa kanyang dysmenorrhea. "Gano'n ba? E, sinong mag-aasikaso sa 'yo niyan?" "Ako na raw muna ang bahala kung saan ako magti-table." Ininom ko ang cocktail drink na binigay niya sa akin. "Syempre kung sino ang mukhang may pera, do'n ako tatabi." "Mag-iingat ka at baka mabastos ka na naman." paalala pa ni Bart. "Salamat, Bart." Iniikot ko ang tingin sa paligid ko— simula sa stage kung saan may mga nagsasayaw na mg

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 9

    NAKARATING kami sa isang marangyang hotel. Nakaawang ang labi ko habang naglalakad kami papuntang front desk. Hindi ko maiwasang hindi iikot ang paningin ko sa lugar na 'to. Halos lahat yata ng bagay na narito ay mamahalin, lalo na ang malaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng ceiling. Tila ba libu-libong diamante ang nakakabit doon at kumikislap nang pagkaganda-ganda. "Elle, come with me." utos ng pamilyar na boses. Lilingunin ko sana siya kaya lang ay nahawakan na niya ako sa aking beywang. Nakalitaw ang likod ko sa suot na dress kaya naman ramdam ko ang init ng kanyang palad sa aking balat. Lumunok ako at hindi na lamang inintindi ang naramdaman. Teka nga. Bakit nga ba kami narito? Gustuhin ko mang magtanong ay parang walang boses ang lalamunan ko. Sumabay na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob no'n kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 10

    NARAMDAMAN ko ang bigat niya sa ibabaw ko. Maiinit ang mga halik niya sa akin at sa bawat paglalapat ng mga labi namin ay mas lalong nabubuhay ang sensasyong unti-unting kumakain sa ulirat ko. Nagpatuloy ang kamay niya sa marahang pagmasahe sa akin sa ibaba. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong dumaing sa tuwing gagawi ang mga daliri niya sa pinakasentro ng pribadong parte ng katawan ko, tila ba inaasar pa ako... tila ba pinaparusahan pa ako... Bumaba ang labi niya sa aking leeg. Awtomatikong napadako ang mga kamay ko sa kanyang malambot na buhok. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang dinadama ang bawat pagsipsip niya sa aking balat. Bumaba pa iyon, hanggang sa gitna ng aking dibdib. Ni hindi ko na rin namamalayan na unti-unti niyang binaba ang strap ng suot kong dress. Natanto ko na lang na halos hubad na ako nang maramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng aking dibdib. Init at pagkahiya. Hindi ko na alam kung ano sa dalawa ang uunahin ko. Bumaba ang tingin ko sa kanyang g

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 11

    Elle’s Point of View RAMDAM ko ang hapdi sa gitna ng mga hita ko nang magising ako. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pagod at parang lutang din ang kaisipan ko. Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa side table na nasa gilid ko habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Tila ba ngayon lang sumiksik sa utak ko ang katotohanang pinagkaloob ko ang sarili ko sa kanya nang gano'n gano'n lang. Ni hindi ko nagawang manlaban at halatang ginusto pa ang nangyari... Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo mula roon. Nag-iinit ang mga mata ko habang iniisip na naging mahina na naman ako pagdating sa kanya... sa hindi malamang kadahilanan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa nagawa. Alam kong mali iyon at labag sa prinsipyo't aral na nakagisnan ko... Alam kong malaking kasalanan 'yon sa mata ng dakilang Ama. Suminghap ako at hindi na napigilan ang maiyak nang tahimik habang nakahiga sa malambot na kama. Maiinit ang bawat luhang nag

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 12

    ILANG oras lang din ay sumikat na ang araw. Umuwi si Auntie Levi pasado alas nuebe na ng umaga. Nilagay ko ang pinagkainan ko ng almusal sa lababo at pagkatapos ay sinalubong siya. "Auntie!" tawag ko sa kanya nang makita itong naghuhubad ng sandals pagkapasok palang ng pinto. Binaling nito ang tingin sa akin. Namumula ang mga pisngi nito at namumungay ang mga mata. Naamoy ko ang alak sa kanya at base sa ngisi siya sa akin, hindi makakailang lasing ito at wala sa sarili. "Nandito na pala ang pinakamaganda kong pamangkin!" bulalas niya. Nagulat ako nang mabilis itong yumakap sa akin. Ilang beses niyang hinalikan ang mga pisngi ko at para bang tuwang-tuwa na makita ako. "Auntie, bakit naman po kayo naglasing?" nag-aalala kong tanong sa kanya at inalalayan siya para makatayo nang maayos. "Because I'm happy!" Bumungisngis ito. "Alam mo ang dami ko talagang natatanggap na swerte sa buhay simula nang dumating ka rito, Elle! Ikaw na yata ang lucky charm ko, e. Yayaman ako nang bon

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 13

    "KILALA mo ba 'yong Zendejas?" "Ah, 'yong lalaki na kasama mo kagabi?" Tumango ako at kuryoso siyang tinitigan. Mukhang may alam si Bart dahil matagal na siyang nagtatrabaho rito at gusto kong makakuha ng kahit na anong impormasyon tungkol sa lalaking ‘yon. "Isa siya sa mga mayayamang kliyente ng boss natin, Elle. Isang hiling niya lang ay binibigay agad ng boss at ni Levi. Pati ang mga kaibigan niya, gano'n din. Alam mo naman ang nagagawa ng pera." aniya. "Kung gano'n ay madalas siya rito?" Umiling si Bart at ngumiti. "Minsan lang siya magpunta rito, Elle. Mas madalas ang mga kaibigan niya rito. Nitong mga nakaraang gabi ko lang siya napansin na panay ang dalaw kaya naisip ko na baka may dinadalaw..." makahulugan nitong sabi kaya napakunot ang noo ko. "Nagbabayad ba siya para sa escort, Bart?" kuryoso kong tanong. "Sino ba namang lalaki ang aayaw sa masarap na putahe, Elle? Ang alam ko ay oo," sagot ni Bart at saka nagkibit-balikat. Parang may bumara sa lalamunan ko n

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 14

    NAGUGULUHAN ang isip ko habang nakatingin sa mga mata niya. Tila ba walang awa ang mga 'yon at handang-handa sa isang matinding laro; Isang laro na hindi ko alam kung paano kokontrolin dahil wala akong maliit na ideya kung paano 'yon lalaruin. Para siyang bugtong na hindi ko maintindihan. Parang kahapon lang ay matino at seryoso siya habang kinakausap ako pero ibang-iba ang emosyong pinapakita niya sa akin ngayon. Hindi pamilyar ang ugaling pinapakita niya kaya hindi ko maiwasang magtaka. Mapaglaro at mapaghamon... bagay na hindi ko kayang tagalan. "Are you scared of me, Calys?" nanunuya niyang tanong sa akin habang magkalapit pa rin ang mga mukha namin. Nanginginig ang kalamnan ko sa pinapakita niyang ugali. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin kaya marahas ko siyang tinulak palayo. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang galit siyang pinakatitigan. Ni hindi man lang siya nagulat o kung ano. Animo'y mas natuwa pa siya sa nangyayari dahil lumapad ang ngisi sa kanyang m

Latest chapter

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 69

    HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 68

    “OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 67

    ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 66

    “MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 65

    KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 64

    PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 63

    PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 62

    HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa

  • Love Game With The Billionaire Twins   Chapter 61

    PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M

DMCA.com Protection Status