MATAAS ang sikat nang araw kinabukasan. Tapos na ang matinding bagyong humagupit sa baryo ng Sta. Barbara. Bumangon ako at pinagmasdan ang kwarto namin ni Lyka. May iilang tulo pa sa bubong dahil sa bagyo pero hindi tulad ng ibang bahay, heto't nakatayo pa din ang amin.
Tulog pa si Lyka nang balingan ko ito ng tingin. Mugto ang mga mata dahil sa takot na hindi na makakapag-aral. Bumuntong hininga ako at natulala na lamang sa pader.
Anong gagawin ko?
Nasira ang buong palayan dahil sa hagupit ng bagyo kahapon. Ang dapat na perang kikitain sa pag-aani ay nawala ng isang iglap. Ang pinuhunan namin ay nawala na rin. Iyon dapat ang gagamiting pang-enroll ni Lyka sa susunod na buwan.
May naipon ako pero hindi iyon sasapat. Kailangan kong makahanap ng pagkakakitaan para mabawi ang nawala sa aming pamilya.
Nang bumaba ako sa unang palapag ng bahay ay nakita ko ang walang ganang mga mukha nina nanay at tatay. Nakaupo sila sa hapag, hindi man lang ginagalaw ang tinimplang kape doon.
Nang makababa ng hagdan ay agad akong dumiretso sa may bintana kung saan kita ang malawak at nasira naming palayan.
"Mag-aani na sana sa susunod na linggo. Hindi na nakapaghintay ang bagyong iyon," mapait na sabi ni nanay.
Nilingon ko sa hapag ang mga magulang ko. Nararamdam ko ang pagkadismaya nila. Ako rin naman ay nalulungkot at nahihirapan sa nangyari. Natatakot din ako na baka hindi makapag-enroll si Lyka nang dahil dito.
"Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, e..." dismayadong wika ni tatay. Bumuntong hininga ito at umiling, "Ilang beses akong nanalangin na palipasin ang tag-ani, na saka na bumagyo kapag tapos na at nai-angkat na ang lahat ng palay, pero wala..."
"Pagsubok lang ito, Faustus. Manumbalik ka sa pagsamba para madinig ang mga panalangin mo," si nanay.
Ako naman ngayon ang bumuntong hininga. Bumalik ang tingin ko sa tanawin galing sa bintana. Naaawa ako sa dinanas ng palayan namin. Ang tagal ng pag-aalaga nila tatay sa mga pananim pero nasira lang ang lahat ng iyon sa loob lamang ng isang araw.
Naririnig ko ang pagtatalo nina nanay at tatay patungkol sa pagiging aktibo sa pagsamba. Sabi ni nanay ay pinarusahan daw ang tatay dahil nanlalamig sa pagpunta ng sambahan. Marami pa silang naging pagtatalo na hindi ko na pinansin.
Ang gusto ko na lang na mangyari ay makahanap ng paraan para kumita ng malaking pera. Kaya naman nang pumasok ako sa flower shop nang araw din na iyon ay agad kong kinausap si aling Jen.
"Ang hirap niyan, Elle. Hindi lang kayo ang nawalan ng kabuhayan. Gustuhin man kitang hanapan pa ng isang trabaho ay kita mo naman kung anong sinapit ng baryo dahil sa bagyo. Lahat ng mga shops at mga tindahan ay nawalan din," lintanya ni aling Jen habang binabasura ang mga nasirang bulaklak sa labas ng shop.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Alam ko naman iyon. Nakikita ko ang paligid ng baryo Sta. Barbara...
Ang dating makulay na baryo ay pinuno ng putik at nagbagsakang mga puno't halaman. Ang dating mga matataas na shops at mga tindahan ay may mga sira sa bubong at nabagsakan ng mga malalaking sanga. Pati ang mga dating makukulay na bulaklak sa dangwa ay nabahidan ng putik habang nakakalat sa kalsada...
Halos sa agrikultura din nakasentro ang kabuhayan ng mga taong narito. Mga bukirin, kopras at mga manggahan. Lahat ay nasira sa isang iglap.
"Heto nga't namomroblema rin ako. Dahil sa bagyo ay wala tayong makukuhang mga bulaklak sa supplier natin," pagpapatuloy ni aling Jen.
"Kailangan ko po talagang magsikap aling Jen. Ayaw kong huminto sa pag-aaral si Lyka. Mas lalong mapapatagal ang pagbabalik ko sa kolehiyo kapag gano'n."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Bumuntong hininga ito at nagpameywang habang hawak ang walis tingting sa kanang kamay.
"Sabi ko naman sa iyo, mas maganda kung luluwas ka ng Maynila at doon magtatrabaho. Baka triple pa ng sahod mo rito ang makuha mo do'n. Masipag ka namang bata, Elle. Imposibleng walang tatanggap sa'yo. Isa pa, tingnan mo 'yong kaibigan mong si Fatima, maganda ang buhay do'n sa Maynila. Pati ang tiyahin mo ay mas napabuti do'n."
Napaisip ako sa sinabi ni aling Jen. Oo nga, tama siya. Maganda ang mga buhay nina Fatima at auntie Levi sa Maynila. Kapag nakikita ko sila sa F******k ay magaganda ang suot at elegante ang mga pustura.
Kaya lang ay isipin ko palang na aalis ako at iiwan ang pamilya ko ay nilalamig ako sa takot. Para akong ibong pakakawalan sa hawla. May naghihintay na mas malaking mundo na hindi ko pa nakita kahit kailan.
"Ayaw ko pong iwan sina tatay..."
Sinundan ko si aling Jen nang pumasok ito sa shop. Umupo ito sa counter at sinuot ang salamin sa mata. Pinagmasdan niya ako, halatang nakikisimpatya sa akin.
"Elle, minsan talaga ay kailangan nating magsakripisyo para sa pamilya. Alam ko namang natatakot ka dahil dito sa Sta. Barbara ka na nagkaisip. Ito na ang mundo mo. Kaya lang ay hindi pwedeng matapos ang buhay mo sa baryong ito. Pag-isipan mong mabuti, hija. Hindi ko talaga alam kung saan ka ipapasok na trabaho. Sa Maynila ang marami," aniya.
Tumango ako. "Salamat aling Jen. Pag-iisipan ko po nang maayos. Kakausapin ko din sina tatay," wika ko.
"Sana ay ayos lang sina Anna at Faustus."
Tipid akong ngumiti. Ang totoo ay hindi sila maayos. Narindi na lang ako sa patuloy na pagsisi ni Tatay sa dakilang Ama. Hindi raw nito tinanggap ang mga panalangin niya kaya nasira ang kabuhayan namin.
"Magiging maayos din po sila. Kakausapin ko po si auntie Levi gamit ang F******k mamaya. Baka sakaling makahingi kami ng tulong..." saad ko sa nanghihinang tono.
"Pag-isipan mong mabuti, Elle. Malaki ka na. Labanan mo ang takot at lungkot..." pangaral pa sa akin ni aling Jen.
"Salamat po ulit, aling Jen."
Buong araw kaming tumunganga sa shop. Hindi na nakapagtataka. Sa nangyari ba namang pagsalanta ng bagyo ay magiging abala ang lahat ng tao sa Sta. Barbara para ayusin ang lahat ng mga nasira nito.
Hindi rin maalis sa isip ko ang mga payo sa akin ni aling Jen.
Talaga bang ang pagtatrabaho sa Maynila ang kailangan kong gawin? Paano kung mas mahirap pala roon?
Naisip ko ang kaibigan kong si Fatima. Matagal na siyang nagtatrabaho sa Maynila. Ang sabi ng mga magulang niya ay mahirap daw sa umpisa pero nasanay na rin ang kaibigan ko roon. Dalawang taon na siyang hindi nakakabisita sa Sta. Barbara. Kung mahirap ang buhay doon ay dapat matagal na siyang umuwi sa baryo, hindi ba?
°°°°
ANG PAGLUWAS sa Maynila ang nasa isip ko hanggang sa makauwi ako nang bahay. Nakasandal ako sa hamba ng pinto habang pinagmamasdan ang nasira naming palayan at ang nagkukulay kahel na kalangitan. Papalubog na ito, nagpapahiwatig ng isa na namang pagtatapos ng araw.
"Ate, paano kaya kung magtrabaho na rin ako?" suhestiyon ni Lyka habang nagsasaing.
Dahil maliit lang ang bahay namin, nakikita ko agad ang galaw niya sa kusina kahit pa nandito ako sa may pinto. Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti, umaasa.
"Menor de edad ka pa, Lyka. Pag-aaral dapat ang atupagin mo."
Sinalang niya sa kalan ang kaldero at pagkatapos ay naupo sa hapag. Nangalumbaba ito at sumimangot.
"E, baka nga hindi ako makapag-aral gaya mo, ate Elle. Narinig ko ang usapan nina tatay at nanay kanina. Wala na tayong pagkukuhaan ng pera pang tuition fee..."
Kinuyom ko ang palad ko. Hindi pwedeng huminto sa pag-aaral ang kapatid ko. Kapag huminto siya, madadagdagan lang ang taon na hihintayin ko para makabalik sa kolehiyo. Gustung gusto ko na din makapag-aral at makapagtapos...
"Sana naman tulungan tayo ni Lola Ferra," ani Lyka.
Bumaling ako sa kanya. Yumuko ito at ngumuso. Mapait akong ngumiti. Kahit kailan naman ay hindi tumulong sa pamilya namin si Lola Ferra.
Katwiran niya ay bakit naman tutulungan ang bastardang anak ng kanyang yumaong asawa. Sinubukan na ni nanay na kausapin ang asawa ni Lolo noon pero mas matigas pa ito sa bato.
"Lola ka diyan, e hindi naman natin kadugo iyon..." wika ko.
"E, tinatawag siyang mama ni nanay. Ibig sabihin, tanggap siya ni nanay na pangalawang ina, ate Elle." katwiran pa ni Lyka.
Huminga ako ng malalim. Wala si Ferra Carreon sa mga naisip kong solusyon dahil hindi naman siya makakatulong.
"Tagal naman nina tatay. Tingin mo nakahingi kaya sila ng tulong kay Mayor?" dagdag pa nito.
"Hindi ko alam, Lyka. Sana..."
Ang sabi ng kapatid ko ay nagpunta raw sa munisipyo ang mga magulang namin para humingi ng tulong pang-kapital sa pag-papaayos ng palayan namin. Maraming nagsasabi na mabuti ang Mayor at matulungin sa mga tao sa baryo. Kung tama nga ang mga sabi-sabi, sana'y makatulong nga siya kina tatay.
Pinanghawakan ko iyon. Ilang beses akong nagpakapositibo. Baka nga naman makatulong si Mayor... Kung makakakuha ng kapital ay pwede kaming magsimula ulit. Magdo-doble trabaho na lang ako sa flower shop at gagamitin ang ipon ko para sa pang-enroll ni Lyka.
Nga lang, taliwas sa mga iniisip ko ang nangyari. Umuwing luhaan ang mga magulang ko nang gabing iyon. Wala silang napala ni singko.
"Sabi ng Mayor ay tutulong naman siya. Kaya lang ay hindi pa sa ngayon dahil marami ring nasira sa ibang baryo na kailangang ayusin. May lingap naman daw tayong matatanggap..." ani nanay.
Dismayado lang na umiling si tatay. Mula sa pagkakaupo sa hapag ay tumayo ako, dahilan para mag-angat sila ng tingin sa akin.
"Hihingi po ako ng tulong kay auntie Levi. Kung papayag kayo, luluwas po ako ng Maynila para makapagtrabaho. Mag-iipon po ako ng perang pang-asikaso ng palayan..." lakas loob kong sabi pagkatapos ng isang daang beses na pag-iisip kung tama nga ang payo ni aling Jen.
Ito na lang siguro ang tanging paraan para makaahon kami sa nangyari. Kailangan kong magtrabaho ng doble... triple... at kung kailangang lumuwas ako ng Maynila, gagawin ko.
Naluha si nanay sa naging pahayag ko. Ang tatay naman ay yumuko lamang. Huminga ako nang malalim at pinilit na ngumiti kay nanay.
"Gusto kong tumulong. Hayaan niyo po ako sa pagluwas. Ako'ng bahala sa kabuhayan natin at sa pag-aaral ni Lyka," sabi ko sa nagsusumamong boses.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa Maynila pero handa naman akong makipagsapalaran. Kung para sa pamilya ay kaya kong labanan ang takot pati ang pangungulila.
Sa huli ay pumayag ang mga magulang ko. Nang gabing iyon ay kinausap ko si auntie Levi sa cellphone. Habang natutulog ang kapatid ko ay humingi na ako ng tulong sa aming malayong tiyahin.
"Ofcourse, Elle! I can definitely help! Matagal ko na ngang sinasabi kay Anna na paluwasin ka dito sa Maynila pero ayaw naman ng nanay mo! Sayang ang opportunity! Mas gaganda ang buhay ninyo kapag nag-work ka rito!" ani auntie Levi sa kabilang linya.
Humakbang ako palapit sa bintana. Tanaw ang maliwanag at bilog na buwan. Isang sulyap ang ginawa ko sa aking kapatid bago magsalita.
"Auntie, makakapasok po ba ako agad ng trabaho kung luluwas ako sa linggo? Kailangan po kasi talaga namin ng pera ngayon..."
Tumawa si auntie, tila ba sobrang positibo at may alam na agad na paraan.
"Elle dear, I can help with your family's finances. Kung gusto mo, ako muna ang sasagot sa pang kapital ng tatay mo. Ipapasok kita sa trabaho ko. Kakaltasan na lang kita ng kaunti tuwing sahod para hindi mabigat iyong pagbabayad mo. Sounds like a plan?"
Lumaki ang mga mata ko sa magandang suhestiyon ni auntie. Kahit hindi niya ako nakikita ay napatango ako.
"Auntie! Salamat po!" Hindi ko maitago ang saya. "Ayos lang po sa akin ang gano'ng set up. Maraming salamat po talaga, auntie!"
"Wala iyon, Elle! Sa akin ka na lang din tumira. Kahit anong trabaho naman ay kaya mo, hindi ba?"
"Opo, auntie! Kahit ano po!"
Tumawa ito. "Then, good! I'll see you on Sunday. Kakausapin ko ang nanay mo. Magpapadala ako ng pera kapag nakapag-usap na kami kung magkano ang kailangan ninyo."
Nang matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay para bang nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay nasagot ang lahat ng panalangin ko...
Makakapag-aral na si Lyka at magpapahiram si auntie ng perang kakailanganin para sa palayan...
Tama, Elle.
Tama ang desisyon mo...
TANAW ko ang malawak naming palayan mula sa burol na kinatatayuan ko. Bakas pa rin ang naiwang pinsala ng bagyo ngunit alam kong sa loob lang ng ilang buwan ay magiging sagana ulit ang kabuhayan namin.Bumaling ako sa bahay namin. Nakatayo ito sa dulo ng palayan. Ang dalawang palapag at katamtamang pagkakabuo ng bahay ay sapat na sa aming apat. Wala mang magarbong disenyo at mga eleganteng kagamitan ay alam kong mahal ko ang tahanang iyon.Malungkot akong ngumiti. Mamimiss ko ang buong lugar na ito. Sa unang pagkakataon ng buhay ko, mawawalay ako sa tahanan ko. Suminghap ako at pinilit patatagin ang aking kalooban.Umihip ang mabining hangin sa aking tuwid na buhok. Inayos ko ang mga buhok ko at pinirmi ang ilan sa gilid ng aking tainga."Ate!"Mula sa bahay ay lumabas si Lyka kasunod ang mga magulang namin. May dala ang nanay na isang bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Naisip ko tuloy kung may naiwan ba akong gamit kaya tiningnan ko ang hawak kong maleta.Patakbong inakyat ni L
"AUNTIE LEVI, escort po ang trabaho ko dito?"Nagsusumamo ang titig ko kay Auntie. Dahil sa gulat ay hinila ko siya papasok ng restroom para kumpirmahin ang mga narinig ko. Sana'y mali lang ako ng pagka-karinig. Hindi magagawa sa akin ito ni auntie!Nagulat ako nang umirap sa akin si Auntie Levi. Nagpameywang ito at bumuntong hininga, tila ba nakukulitan sa akin."Okay, I got it! Kung ayaw mong maging escort, then I am fine with it. Entertainer ka na lang, okay? Maki-kitable ka sa mga customers natin at aaliwin mo sila. Ayos na ba 'yon sa'yo, Elle?" wika niya sa para bang bagot pa ang tono ng boses.Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni ng aking auntie. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ko kailanman inisip na ganitong trabaho ang ibibigay sa akin ng tiyahin ko!Napailing ako. Hindi iyon ayos! Hindi ako magiging bayarang babae... Hindi ko kayang sikmurain ang gano'ng trabaho.Tumaas ang kilay ni Auntie. Halatang hindi nagustuhan ang pag-iling ko. Nangingilid ang mga lu
RAMDAM ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang patuloy na pinagmamasdan ng lalaking makisig na nakaupo sa gitnang couch.May kung anong dayuhang emosyon akong nararamdaman sa paninitig niya sa akin. Umawang ang aking labi at maingat na suminghap."Ang sabi ko ay akin siya. Ako ang nauna sa kanya, Zendejas. . ." giit ng lalaking nagngangalang Lance.Naiinis nitong tinitigan ang lalaking tinawag niya sa apelyidong Zendejas, pero hindi siya pinapansin ng lalaki. Diretso at mataman lamang itong nakatingin sa akin."Come here, Elle Calys," aniya sa malalim ngunit mahinahon na boses. Ni hindi man lang pinansin ang lalaki sa kabilang couch."Don't be afraid of Lance, sweetheart. Wala namang bayag 'yan kapag narito ang pinuno namin," saad naman no'ng Brett, pagkatapos ay humalakhak."Fuck you, Lagdameo! Just fuck you!" gigil na mura no'ng Lance.Tumawa lamang ang tatlong lalaki sa kanang couch.Lumunok ako, nagdadalawang-isip sa gustong mangyari no'ng Zendejas. Para akong nalulunod sa mabilis
"ANO ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw mo na magpa-table pagkatapos mo roon sa VIP room ng grupo nina Lance? May ginawa ba sila sa 'yo?" Kahit hindi ko tingnan si auntie, alam kong nakakunot ang noo nitong nakamasid sa akin. Pumasok kami sa apartment at agad ko namang hinubad ang suot kong stilleto heels. Kita ko ang kaunting paltos sa aking mga paa dahil hindi pa rin sanay ang mga ito sa pagsusuot ng gano'ng sapatos. Huminga ako nang malalim at minasahe ang aking sintido. Nahihilo pa rin ako dala ng dalawang bote ng beer na naubos ko kagabi. Gayunpaman, nasa wisyo pa rin naman ako para hindi makalimutan ang lahat. Klarong-klaro sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. . . Ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking 'yon. "Hoy, Elle. Kinakausap kita!" inis na tawag sa akin ni auntie nang tahimik akong dumiretso sa sala. "Pasensya na po kayo, auntie. Nalasing na ako sa unang customers ko kaya hindi ko na kayang maupo sa ibang table. Malaki naman ang tip na nakuha ko. Babawi na
HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi. Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya. "Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal. "Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter. "Sige, salamat." Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo hab
PANIBAGONG gabi ang lakas-loob kong hinarap. Suot ang kulay silver na sequin bodycon dress at stilleto heels ay naglakad ako papasok ng bar. Tila ba nagsisimula na akong masanay sa pamilyar na amoy ng usok, alak at sex sa mismong lugar na 'to. Dumiretso ako sa counter at nakita ro'n si Bart. Binati ko siya at nginitian. "Para sa 'yo 'to dahil matapang ka," ani Bart at binigyan ako ng cocktail drink. "Nasaan pala ang tiyahin mo?" "Mali-late lang daw siya at masama ang lagay ng puson," sagot ko at ngumisi nang maalala kung paanong mag-tantrums si auntie Levi dahil sa kanyang dysmenorrhea. "Gano'n ba? E, sinong mag-aasikaso sa 'yo niyan?" "Ako na raw muna ang bahala kung saan ako magti-table." Ininom ko ang cocktail drink na binigay niya sa akin. "Syempre kung sino ang mukhang may pera, do'n ako tatabi." "Mag-iingat ka at baka mabastos ka na naman." paalala pa ni Bart. "Salamat, Bart." Iniikot ko ang tingin sa paligid ko— simula sa stage kung saan may mga nagsasayaw na mg
NAKARATING kami sa isang marangyang hotel. Nakaawang ang labi ko habang naglalakad kami papuntang front desk. Hindi ko maiwasang hindi iikot ang paningin ko sa lugar na 'to. Halos lahat yata ng bagay na narito ay mamahalin, lalo na ang malaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng ceiling. Tila ba libu-libong diamante ang nakakabit doon at kumikislap nang pagkaganda-ganda. "Elle, come with me." utos ng pamilyar na boses. Lilingunin ko sana siya kaya lang ay nahawakan na niya ako sa aking beywang. Nakalitaw ang likod ko sa suot na dress kaya naman ramdam ko ang init ng kanyang palad sa aking balat. Lumunok ako at hindi na lamang inintindi ang naramdaman. Teka nga. Bakit nga ba kami narito? Gustuhin ko mang magtanong ay parang walang boses ang lalamunan ko. Sumabay na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob no'n kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga
NARAMDAMAN ko ang bigat niya sa ibabaw ko. Maiinit ang mga halik niya sa akin at sa bawat paglalapat ng mga labi namin ay mas lalong nabubuhay ang sensasyong unti-unting kumakain sa ulirat ko. Nagpatuloy ang kamay niya sa marahang pagmasahe sa akin sa ibaba. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong dumaing sa tuwing gagawi ang mga daliri niya sa pinakasentro ng pribadong parte ng katawan ko, tila ba inaasar pa ako... tila ba pinaparusahan pa ako... Bumaba ang labi niya sa aking leeg. Awtomatikong napadako ang mga kamay ko sa kanyang malambot na buhok. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang dinadama ang bawat pagsipsip niya sa aking balat. Bumaba pa iyon, hanggang sa gitna ng aking dibdib. Ni hindi ko na rin namamalayan na unti-unti niyang binaba ang strap ng suot kong dress. Natanto ko na lang na halos hubad na ako nang maramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng aking dibdib. Init at pagkahiya. Hindi ko na alam kung ano sa dalawa ang uunahin ko. Bumaba ang tingin ko sa kanyang g
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M