ANYA
“Anya De Chavez, itaas mo ang dalawa mong kamay at huwag kang kikilos nang masama!” may autoridad na sigaw ng isang lalaking naka-unipormeng pang pulis, medyo kakaiba nga lang ito dahil kulay gray ang uniform nila. Mukhang may katandaan na rin ito dahil sa mga puti n’yang buhok.
Sinunod ko siya dahil sa gulat at pagkatakot. Maayos akong naupo sa sofa at tinaas ang magkabila kong kamay. Nalintikan na! Paanong natunton nila ako? Kilala na ba ako ng mga pulis? Isa na ba akong wanted? Bakit hindi ko man lang alam? BAKIT!
Parang may nagrarambulan sa tiyan ko dahil sa nararamdaman kong kaba. Nakatitig lang ako sa lalaking nagsalita, nakatutok din ang mga baril ng dalawa n’yang kasama sa akin kaya wala akong magawa. Hindi ako makakilos para makatakas.
“Ikaw si Anya De Chavez, hindi ba?” tanong ng kaninang pulis.
Tumango ako sa kaniya, sinubukan kong tanggalin ang takot sa mukha ko gano’n din ang kunot ng aking noo pero hindi ko kaya. Ito ang isa pinaka kinatatakutan ng mga kriminal, ang matunton ng mga pulis.
“A-Anong kailangan n’yo sa akin?” I stuttered.
Ngumisi ang pulis na kanina pa nagsasalita. Nakakapang-inis ang ngising ‘yon, tila iniinsulto ako nito.
“Malalaman mo rin kapag sumama ka na sa amin,” kalmado pero may autoridad na sagot nito.
“Paano kung hindi ako sumama?” lakas loob na tanong ko. Papatayin kaya nila ako? Lalo akong kinabahan sa naisip ko, gusto ko pang makasama sila Mama at Papa.
“It doesn’t matter kung sasama ka voluntarily, we can drag you anytime.” Sinenyasan n’ya bigla ang dalawa n’yang kasama.
“Kakaladkarin namin siya Chief?” tanong ng isa sa mga kasama n’yang pulis. Palagay ko ay nasa mid-40's na ito.
“Bahala kayo kung anong gusto n’yong paraan para madala siya sa HQ. Kapag hindi siya sumama barilin n’yo!” Winasiwas pa nito ang baril n’ya.
What the hell? Akala ko ba ay kailangan nila ako tapos ipababaril n’ya lang pala ako.
“Teka! Anong gagawin n’yo sa akin? Saan n’yo ako dadalhin? Kung ikukulong n’yo ako bakit hindi n’yo na lang ako iposas sasama naman ako nang maayos!” argumento ko sa kanila.
“Hindi kami nandito para hulihin at ikulong ka. May kailangan kami sa’yo kaya sumama ka na lang,” sambit muli nitong Chief nila bago lumabas ng bahay.
Lumapit na sa akin ang dalawa n’yang kasama, may dalang puting panyo ang isa habang posas at blindfold naman ang hawak ng isa. Nag-umpisa ng tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba.
Umurong ako sa sofa habang palapit sila hanggang sa marating ko ang dulo nito. Sandali kong nakalimutan ang lahat ng fighting techniques na alam ko, sa ngayon hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Para bang hinayaan lang ng katawan ko na sumama ako sa kanila. Ito na ba ‘yon? Ito na ba ang magiging kabayaran sa lahat ng kasalanan ko?
“Ano ba talagang gagawin n’yo sa akin? Totorture-in n’yo ba ako o papatayin?” tanong ko sa dalawang pulis.
“Just cooperate Ms. De Chavez, huwag kang mag-alala hindi ka naman namin sasaktan,” sagot ng isa na may hawak na puting panyo.
Siguradong pampatulog ‘yon, at hindi ako nagkamali nang maamoy ko ito ay nahilo at umikot ang paningin ko. Nakaramdam ako ng antok at unti-unting pagsara ng talukap ng aking mga mata. Naramdaman ko rin ang posas sa aking mga kamay at ang biglang pag-angat ko. Kung bakit kasi hindi ko man lang sila namalayan pag-uwi ko ng bahay. Kagagaling ko lang sa arena dahil sa isang laban, marahil pagod ako kaya hindi ko namalayang may nakapasok na pala sa bahay ko.
Sana palayain nila ako kapag nakuha na nila ang kailangan nila sa akin, gusto ko pa na makita sila Mama at Papa pagkalaya nila.
*-*-*-*-*-*-*
“Nasaan ako?” iyan ang unang lumabas sa bibig ko ng magising ako sa loob ng madilim na kwarto. May nakatapat na bombilya ng ilaw sa ulo ko habang nasa tapat ng mahabang lamesa. Madilim na sa dulo nito kaya hindi ko na makita kung anong meron do’n. Nakaupo ako sa isang silya at balot ng lubid ang kamay at kalahati ng katawan ko.
Halatang ayaw nila akong makatakas dahil sa itsura ko ngayon. Pero sigurado akong kilala na nila ang buong pagkatao ko, ang tanong lang ay kung anong kailangan nila sa akin.
“Nasa headquarters ka ng isang secret government organization, ang National Criminal Chasers (NCC),” sagot ng pamilyar na boses. NCC? May secret agents din pala ang Pilipinas? At bakit hindi ko man lang alam iyon? At ano naman ang trabaho nila? Anong kailangan nila sa akin? Sobrang dami kong tanong, ang gulo-gulo ng utak ko ngayon.
“Ano namang kailangan n’yo sa akin? Ang sabi n’yo hindi n’yo ako ikukulong pero bakit?” naguguluhan kong tanong.
“Simple lang ang sagot Ms. De Chavez. Let’s go straight to the point, we want you to be our criminal undercover agent, for what? To bring down the Black University, ang nag-iisang criminal school sa buong bansa,” diretsong sagot nito.
What? Gusto nila akong gawing agent? Are they out of their minds? Isa akong kriminal for Pete’s sake! Gusto nilang kalabanin ko ng harap-harapan ang mga kapwa ko kriminal? That’s absurd!
“Alam kong naguguluhan ka dahil sa mga narinig mo, so let me explain kung ano ba ang NCC. Ang NCC, isa kaming sekretong organisasyon na binuo ng presidente para humawak ng ilang delikadong kaso. Iilan lang ang nakakaalam ng existence ng grupo namin, kami ang may hawak sa kaso ng mga most wanted at mga delikadong kriminal at syndicate sa bansa. At bakit kasama ang BU sa trabaho namin? Dahil isa itong ilegal na institusyon, at puro kriminal ang nasa loob nito. At higit sa lahat, ang nagtayo ng BU ay isa sa mga most dangerous criminals sa Pilipinas,” paliwanag n’ya.
Nakatingin lang ako sa madilim na dulo ng lamesa kung saan galing ang boses. Hindi ko pa rin nakikita kung sino ang nagsasalita bagamat nakita ko na siya kanina lang. Hindi rin ako sigurado kung mag-isa lang siya o kung may nakatutok na bang baril sa ulo ko.
Pero ano naman ang kinalaman ko do’n? Hindi naman ako nag-aaral sa BU.
“Sorry pero mali yata kayo ng taong kinuha para maging agent n’yo at isa pa sa legal na university ako nag-aaral at hindi sa BU. Isa lang akong professional killer at wala akong balak tumulong sa inyo,” pagtanggi ko sa kaniya.
“Bakit ka tumatanggi, natatakot ka ba?” tanong n’ya.
“Hindi ako natatakot, sadyang kilala ko ang isa sa mga tinutukoy n’yo, siya si George Montefalco hindi ba? Delikado siyang tao, may tauhan siya kahit saan o baka nga sa grupo n’yo meron na rin,” sagot ko.
Ang taong ‘yon? Sa sobrang katakaman n’ya sa kapangyarihan, may mga tao na siyang nasaktan. Hindi ko pa rin siya napatatawad dahil sa ginawa niya sa mga magulang ko.
“Kung hindi mo kami tutulungan na hulihin at ipakulong ang mga kriminal na nandoon, ilang buwan lang mula ngayon ay sasabog na silang lahat,” sambit n’ya na ikinagulat ko.
“Pasasabugin n’yo ang BU kasama ng mga kriminal doon? Pero mga bata pa ang mga nag-aaral do’n hindi lang sila basta kriminal. May mga pangarap din sa buhay ang mga estudyante na ‘yon katulad ng ibang natural na bata,” buwelta ko sa kanya.
“Iyan din ang pinaglaban ko sa presidente kaya ka nandito ngayon, ano sa tingin mo? Anong desisyon mo?” tanong n’ya.
Naaawa man ako para sa mga estudyante sa Black University pero ayaw kong pumasok sa isang malaking gulo. Nasa panganib na nga ang buhay ko ngayon dahil kay George idadagdag ko pa ba ‘tong panibagong problema na siya rin naman ang makababangga ko.
“I still don’t want to be your agent,” may diin kong sagot.
“Is that so? Paano kung mag-offer ako ng isang deal? What do you think?” interesanteng tanong n’ya.
Tumaas ang kilay ko. A deal, seriously? Gano'n ba nila ako kagustong maging agent. Kahit anong bagay o pera pa ‘yan hindi nila ako magagawang mapapayag.
“A deal? I’m not interested,” pagtanggi kong muli.
“Kilala mo naman siguro sina Ava at Victor De Chavez hindi ba?” ang sinabi n’yang ‘yon ang nakakuha ng pansin ko. Kumunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng mga magulang ko.
“Anong kinalaman ng mga magulang ko rito?” inis na tanong ko.
“Sila ang tinutukoy kong deal, Anya. Balita ko habang buhay na pagkakakulong ang sentensiya sa kanila. What if I’ll give them a parole para makalaya? And I will help you to prove na hindi sila ang pumatay kay Bree Anna Montefalco. Ano sa tingin mo? Gusto mo pa naman siguro silang makasama right?” saad niya.
Iyon ang deal n’ya? Gagawin n’ya ba talaga iyon? Kung totoo nga ‘yan, makakasama ko na sila Mama at Papa. Mapapatuyan ng hindi sila ang pumatay kay Tita Bree, okay lang naman sa akin kung nakulong sila dahil sa mga krimen na nagawa nila. Tanggap nila ang mga kasalanang ‘yon. Inamin nila lahat ng mga pagpatay na ginawa nila maliban sa murder case ni Tita Bree dahil hindi naman talaga sila ang pumatay sa kaniya.
“Napag-isipan mo na ba?”
Teka nagmamadali ba sila? Wala man lang bang palugit? Or take your time to decide?
“Ngayon ko na ba kailangang sumagot? Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna ang offer n’yo?” I asked.
“Yes you can Ms. De Chavez, pag-isipan mo ng mabuti, but while you’re deciding you’ll stay here,” tugon n’ya. What stay here? E wala nga man lang kama rito.
Dumaan ang ilang minuto, hindi siya nagsalita marahil binibigyan n’ya ako ng oras upang mag-isip.
“So what’s your decision?” I bite my lip.
I can’t make a decision sa ganitong sitwasyon. Hindi ako makapag-isip ng maayos, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko kung ano ba ang mangyayari o magiging epekto ng desisyon ko sa buhay ko. Kapag tinanggap ko ang offer I’ll be their criminal undercover agent at may chance na makalaya sila Mama at Papa sa kulungan. Maliligtas ko ang mga buhay ng BU students, pero kung anong mangyayari sa akin kapag tumanggi ako ay hindi ko alam.
“What if I say no, anong gagawin n’yo sa akin?” buong tapang kong tanong.
“If you say no then sa kulungan na ang bagsak mo. Hindi naman namin maaaring pakawalan na lang ang isang delikadong kriminal na katulad mo if we already have you right?” deretsong sagot nito.
Nag-iwas ako nang tingin dahil sa sinabi n’ya.
“Listen to me Ms. De Chavez, isipin mo na lang na through this makakalaya na ang parents mo at ito na ang pagkakataon mo para magbago. Although I’m not guaranteeing you na hindi ka makukulong after ng case at operation na ‘to pero mapabababa ko ang parusa mo,” ani n’ya.
Hindi ko naman naisip na makatatakas ako sa lahat ng krimen na ginawa ko, na hindi kailan man ako makukulong. Actually, I’m looking forward sa idea na ‘yon. Alam kong may kabayaran ang mga ginawa ko at baka ito na ‘yon?
“Sigurado ka bang tutupad ka sa deal?” tanong ko habang nakaharap parin sa dilim.
“Of course, as long as gagawin mo ang trabaho mo. Then we will not have any problems about fulfilling my deal,” sagot n’ya.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko lang ‘to gagawin para sa sarili ko, pero para kay Mama at Papa at sa mga buhay na masasayang sa parating na bombing sa BU. Kriminal man sila, they still don’t deserve to die, what they deserve is second chances.
At ang second chance ko? Baka ito na ‘yon, inaalok na sa akin ang pangalawang tiyansa ko para mabuhay ng legal at maayos and I will grab this opportunity for my owns sake.
“I’m accepting your deal, I’m now your agent. Pero may isa akong kondisyon,” sagot ko.
“What condition?”
“I want you to recruit someone I know, she’s studying in BU,”
After kong sabihin ‘yon ay nagbukas lahat ng ilaw.
“Interesting,” sambit no’ng chief nila habang nakangisi.
ANYAI parked my car in front of a café, its been two days since pumunta ako dito pero hindi para magkape kung ‘di para magtrabaho.“Bibili muna akong coffee para sa lahat, mauna ka na sa loob Anya.” Nilingon ko siya at tinanguan kaya nauna na siyang bumaba sa kotse. She is Sue Yana De Chavez my cousin and my best friend. Magkasama na kami bata pa lang, we are exposed and raised in the kind of world na masasabing iba kung para sa karaniwan. Since bata pa lang kami tinuruan na kami kung paano maging kriminal, to make it short pinalaki kami para maging ganito.Sumunod na ako kay Sue sa loob, napansin kong maraming customers sa loob. Natural lang ‘yon dahil maaga pa naman.“Good morning Ms. Anya welcome to Café de Casa!” the guard greeted me. He opened the door for me kaya namang nginitian ko ito at tinanguan. Dumeretso ako sa loob patungo sa isang pinto, may nakalagay pang “
ANYAPagkatapos ipakita ni Aji ang ilang stolen photos ni George ay sinabi na n’ya ang mga importanteng impormasyon na kailangan naming malaman. Simula sa ilang personal na impormasyon hanggang sa mga illegal na ginagawa n’ya.Sa totoo lang, alam ko na ang lahat ng iyon. Wala namang maitatago si George sa akin pagdating sa personal niyang buhay at kahit sa ilegal na negosyo n’ya. Kung titingnan, ako ang perfect witness para sa halos kalahati ng kasalanan niya."Talaga pa lang napakasama niya. Hindi sapat ang habang buhay na pagkakakulong sa lahat ng ginawa n’yang krimen," komento ni Keo.I agree."Pasalamat pa kamo siya dahil wala ng death penalty, kung ako ang magdedesisyon iyon ang gusto kong makuha niyang parusa," sambit ni Von.Pero wala rin namang kuwenta kung mamamatay siya pagkatapos litisin, baka maaga pa sila
ANYA Hininto ko sa tapat ng Casino de Vara ang kotse ko, ito ang pinakasikat na casino sa lugar ng Cavite. Kung titingnan isa lang itong normal na pasugalan na nasa tuktok ng kanilang katanyagan pero higit pa sa pasugalan ang mayroon sa ilalim nito. "Bakit ba nandito tayo?" tanong ni Sue. Nakabusangot siyang bumaba sa kotse na agad ko namang sinundan. "Dahil dito." Iwinagayway ko sa kaniya ang invitation card na galing sa UFightA. Kulay itim ito at naka-imprenta rin ang logo nila na may pulang buwan at dalawang sword ang nakabaon dito. Ang UFightA o underground fighting arena ay sikat sa mga kriminal, dahil dito maaari silang kumita sa pamamagitan ng pakikipaglaban. Natanggap ko ang invitation kahapon lang, hindi na ako nagulat kung sino ang nag-invite sa akin sa laban. "Ano ‘yan? Hindi ba at nag-usap na tayo, wala ng lalaban sa arena
GELLANI woke up in Casino de Vara's clinic at naalala ko lahat ng nangyari sa loob ng ring kanina and it's disgusting. Sa tuwing maiisip ko pa lang na pinatumba ako ng isang babae sa harap ng maraming tao gusto ko na siyang ipa-torture.Inikot-ikot ko ang ulo ko habang nasa leeg ang kanang kamay ko. Sumakit ang katawan ko dahil sa babaeng ‘yon. Kapag talaga nakita ko siya ulit patay siya sa akin."Okay ka lang ba kuya?" tanong ni Vivien, she's my stepsister but we're on the same age. Naka-upo siya ngayon sa sofa na katabi ng pinto habang yung dalawa naman ay nasa clinic bed na katabi ng higaan ko."I'm not okay, pinahiya ako ng babaeng ‘yon. Ipinahiya niya sa maraming tao ang isang Gellan Montefalco, ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Na mahina ang anak ni George? tsk hindi n’ya yata kilala kung sino ako." Hinagis ko sa pader ang hawak kong mansanas."Hindi n’ya alam kung anong kaya kong gawin sa kaniya," dagdag ko."Halata namang kilala ka n’ya, tinawag ka niya sa buo mong p
ANYAPagkatapos ng laban kagabi ay umuwi rin kami agad ni Sue. Wala naman akong naging sugat matapos ang laban, sa ngayon alam kong nag-iinit na ang ulo ni Crimson sa akin. Kasalanan naman nila ni Gellan kung ano ang nangyari sa kanila.Speaking of Gellan ang Devil na ‘yon, siguradong madadag-dagan ang kaaway ko dahil sa kaniya. Kaaway ko na nga ang tatay n’ya pati ba naman siya.Hindi ko talaga makasusundo ang mga Montefalco kahit kailan.Naamoy ko mula sa hagdan ang niluluto ni Sue sa kusina kaya do’n na ako dumiretso."Ano ‘yan?" tanong ko at umupo sa dinning table."As usual itlog at hotdog," umay na sagot n’ya.Na naman?
ANYA"Dad what happened?" Napatayo si Krixx matapos naming pumasok nila Von sa office room ng task force E111."Oh God hon, are you okay?" Naglakad agad si Aji papunta kay Keo. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala sa asawa. Lalo na at nakita nilang puno ng dugo ang braso nito, balot na rin ng dugo ang tela na tinali sa sugat niya upang pigilan ang pagdugo nito."Don't worry I'm okay, hindi naman ito ganoon kalalim hon," sagot ni Keo.Napatingin naman ako sa long table kung saan naka-upo sila Sue at Chief, seryoso silang nakatingin kay Keo."Sigurado ka ba?" tanong pa ni Aji. Hawak niya ang braso ni Keo at pinatungan ng bagong tela.
GELLANShit!Agad kong tinakip sa mukha ko ang braso ko, natanggal no’ng isang babae ang mask ko. Hindi nila ako puwedeng makilala, mabilis akong tumalikod at hinubad ang damit ko.Ito ang tinakip ko sa mukha ko dahil hindi sapat ang dilim sa bahay para maitago ang mukha ko dahil sa ilaw mula flashlight madali lang niya akong makikilala. Binalik ko ang tingin sa babae, nakahiga pa rin siya hanggang ngayon dahil doon sa pagbaliktad ko sa kaniya kanina.Nakatingin din siya sa akin she maybe trying to figure out kung makikilala niya ako. May mga nakatakip din sa mukha nila, kaya hindi ko makilala kung sino sila.Ang dalawa niyang kasama ay parehas din na nakahiga sa sahig. Sino ba kasi sila? Sa naaalala ko, siya ang baba
ANYA“Hey.” Kumaway sa akin si Krixx pagpasok n’ya sa pinto ng Café de Casa.I just gave him a nod, ang akala ko magkasama sila ni Sue ngayon mukhang may mag-aaway na naman mamaya. Dumaan muna siya sa counter para mag-order bago pumunta sa puwesto ko.“Puwedeng umupo?”“Oo naman,”Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng kape at slice ng chocolate cake na dala n’ya.“Favorite mo raw ‘yang espresso sabi ni Fhin,”Tiningnan ko naman ‘yong kape na bigay n’ya, may puso pa itong design.“Thank you dito, ililibre kita
KABANATA 22ANYANagsimula sa storytelling ang urgent meeting namin, they wanted me to tell them the whole story from pagkidnap sa akin ni Gellan hanggang sa pagkikita naming ni George. Halos makalimutan ko na nga ang mahalagang opportunity na inoffer niya sa akin kanina dahil sa frustration ko dahil sa nangyari. I’ve been worried the whole time sa kung anong gagawin niyang hakbang now that he saw me, so I forget about what he says.At iyon nga ang ibinahagi ko sa kanila ngayon."George wanted me to work with him for the second time and I think it would be a good opportunity sa mission natin na bumalik ako sa kaniya ulit," "What?""No, you can't,""You better not see him for the meantime, Anya,""We told you we don't sacrifice one's life para lang sa mission,"“That’s too dangerous Anya,”Ayan ang mga hinaing nila and I know that they understand kung anong gusto kong iparating. I sighed seeing their frustrated faces."What's with your reactions? Isn’t this a good opportunity for the
GELLAN Malakas na tugtog at hiyawan ang tanging maririnig sa bar ng Casino de Vara. Sa kabila ng maingay at magulong mga taong nagsasayawan sa paligid hindi nito magawang istorbohin ang isip ko na abala sa sa kakaisip sa Anya na iyon. Especially sa nangyari sa mansion kanina. “Kaya pala ang lakas ng loob niyang lumaban sa akin because she knows Dad.” Ginalaw ko ang shot glass ko nang paikot habang nakatitig dito. “Kahit ano pang koneksyon niya kay Dad sisiguraduhin kong makukuha niya pa rin ang rightful punishment that she deserves.” I tighten the grip in the wine glass as if I was throttling Anya to death. “Look who’s talking to himself, did losing makes you crazy?” Lam grabbed my wine at tinungga iyon. Pinanood ko siyang ubusin ang wine. Saan naman kaya siya nakakuha ng lakas ng loob para gawin ‘yan sa harapan ko. “Balita ko suspended ka sa arena. Alam mo bilib talaga ako kay Anya, biruin mo natalo ka niya. She must be really something. Actually, pinag-iisipan ko ng inbitahan
GEORGEI sipped my red wine devouring it until the last drop.“I can’t believe that she’s still alive!” I exclaimed.“Anong gagawin natin sa kaniya Boss?” my right-hand Dos asked.“Kakausapin ko muna si Black, siguradong magugulat siya kapag nalaman niya.” I dialed her number.Noong mag-ring ito ay sinenyasan ko ang tauhan ko na lumabas na agad naman nitong ginawa. She’ll be shocked once malaman niya na buhay pa rin si Evil. Ilang taon na namin siyang paulit-ulit pinagtangkaan na patayin pero lagi siyang nakaliligtas.“Yes, what is it?” she answered with her cold voice. I can also hear her accent noong sumagot siya.I picked up a dart and throw it into the dartboard before I reply.“Evil is alive,”I hear a shattered glass sound to the line.“Fuck that woman! Bakit ba hindi natin siya mapatay-patay. Saan mo nalaman na buhay pa siya?” there’s annoyance in her tone.“Gellan brings her here. Ang akala ko ay simpleng babae lang ang nakaaway niya sa UFightA that’s why I told him na parusah
ANYAHinila ako ni Gellan palabas ng kotse habang suot-suot ko pa rin itong mabahong black na tela sa ulo ko. I wonder kung ilan na ang nakapagsuot nito at kung buhay pa ba sila.Bigla akong napaluhod sa daan noong matisod ako sa matigas na bagay na nadaanan ko.“Seriously? Lampa ka ba o tanga?” inis niya akong hinila patayo.“Tss. Baka kasi may nakikita ako? Malay ko ba kung may bato sa daan,” inis ko rin na sagot.Maka-tanga e siya nga itong tanga, alam namang wala akong makita nagtatanong pa.“Tumahimik ka na lang puwede? Ang dami mong reklamo.” Lalo niyang binilisan ang paghila sa akin.Bwiset talaga.Narinig kong bumukas ang pinto.“Magandang umaga, Sir Gellan!” bati ng pamilyar na boses ng lalaki. Si Dos ba ‘yon? Iyong kanang-kamay ni George.“Where’s Dad?”Nakinig akong mabuti habang hinihila niya ako papasok ng bahay nila nang pag-usapan nila si George.“Nasa opisina siya ngayon. Maari ko bang itanong kung sino ‘yang babaeng kasama mo?” tanong nito na mukhang sumasabay sa pagl
KEO We are still in the middle of our meeting, ang plano sa pagkuha ng list ay pag-uusapan pagbalik nila Anya at Sue. Besides binigay ko na sa kanila ang ilang information about Yvon ang school registrar ng BU, malamang binibisita na nila ang kanilang target.Napag-usapan na rin kanina ang pagtuloy ng surveillance sa mga allies at kay George. Kailangan muna namin silang bantayan until may chance na kaming makuha para makalapit sa kanila, ilang araw pa lang naman noong magsimula kami pero inaamin kong medyo mabagal ang usad namin. Pero sa bilang ng mga impormasyon na nakuha namin ni Aji sa kabila ng mabagal na pag-usad pagdating sa surveillance mukhang bibigyan kami nito ng kasiguraduhan na we’re heading in the right way.“Von, ikaw na ang bahala kay George. Dapat may makuha na tayo sa kaniya, we need to know kung anong dahilan niya kung bakit niya tinayo ang BU. I’m sure there’s a greedy reason why he founded it, hindi niya iyon itatayo just to protect and provide educational institu
ANYA Nang makarating kami sa room kaunti pa lang ang mga estudyante, masyado pa yatang maaga dapat pala nakipagsampalan pa ako kay Crimson ng makita niya ang hinahanap niya. Nakakainis talaga ang babaeng ‘yon, ang aga-aga niyang manampal at maghamon ng away. Pasalamat siya hindi ko siya pinatulan ng tuluyan.Naisip ko rin kung may sense nga ba ‘yong ginawa ko kahapon o mas ginawa ko lang complicated ang plano naming mapalapit kay Gellan. Baka nga tama si Sue na hanggang seatmates lang kami. Pero ano pa ang magagawa ko? Nandito na ako sa situation na bunga ng ginawa ko. Bahala na nga.“Mamayang lunch na lang tayo mag-usap,” sabi ko kay Sue.Naghiwalay na kami nang tumango siya. Dumiretso kami sa kaniya-kaniya naming silya. Wala pa ang mga katabi ko sa upuan si Vivien lang at Tristan ang narito at sobra kung makatingin sa akin.“Bakit?” tanong ko nang makaupo sa silya ko. Nasa harapan ko ang upuan nila kaya nakalingon sila sa akin.“Kumakalat na sa private group chat ng university iton
SUE“Do you think nasa kaniya ang list?” tanong ko kay Anya.Nakatayo kami sa hagdan malapit sa registrar office, tanaw na tanaw namin si Yvon ang aming school registrar. Marami na kaming nalaman tungkol sa kaniya dahil sa background check na ginawa ni Keo, he sends the file a while ago kaya pumunta na agad kami rito to check her up.We’re standing here for almost 30 minutes at wala kaming napansin na tao sa opisina bukod sa kaniya, she’s just peacefully doing her job. Sabi rin ni Keo wala naman silang nakikitang tao na pumapasok do’n aside from her. Ginagamit nila ang spy cameras para bantayan siya simula noong paghinalaan ni Anya ang school registrar, which is the day of installment ng cameras, gano’n ka-agap ang taskforce namin.“Hindi ako sigurado kung nasa kaniya ang list, hindi lang naman siya ang suspected employee natin na posibleng may hawak ng list. But she’ll be the first target,” sagot ni Anya.Maraming school employees ang puwedeng magtago noon, there’s a possibility na h
VON“Anong balita Aji, mga ally ba talaga ni George ‘yong tatlong ‘yon?” tanong ko. Nasa tapat lang siya ng table ko habang busy sa pagbuklat ng mga files sa lamesa ni Keo pero hindi man lang niya ako sinagot.“Aji kinakausap kita, sumagot ka naman sayang ‘yong laway mo,”Bigla akong nag-freeze no’ng tingnan n’ya ‘ko ng masama. Bakit ba ganito ang mga babae, ang aga-aga ang susungit. Paano kaya nakakayanan ni Keo ang ugali ng asawa n’ya.“H’wag mong guluhin ang asawa ko Von, maghanap ka ng sarili mong asawa nang may kausap ka naman,”At nang-iingit na naman siya. Wala talagang magawang matino.“Hoy Keo may mahal na akong ibang babae, mas maganda at cool pa kaysa kay Aji. Alam mo kung nagseselos ka naiintindihan ko naman, ‘di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa’yo.” Iniwas ko naman ang binti ko nang sipain n’ya ako.“Oh teka nagbibiro lang ako,” sambit ko sabay tawa. Napaka bilis niya talagang mapikon.“Tss, alam nating hindi biro ‘yong una mong sinabi. Mag-move on ka na sa kani
ANYANaging maayos ang practice game ng soccer team kahapon, wala naman kaming na-encounter na gulo ni Sue mula kay Gellan. Hindi ko nga lang maitatanggi na sobrang sama ng aura n’ya kahapon, feeling ko nga kung pinatulan ko pa ang mga matalim n’yang tingin during the soccer game sisipain n’ya ulit ang bola papunta sa mukha ko.Napapaisip tuloy ako kung anong binabalak ni Gellan ngayong araw against sa akin, sa ilang araw na magkaaway kami alam kong nangangati na siyang gumanti. Pero bago ko siya problemahin uunahin ko muna ang pagbisita ko ngayon kila Mama at Papa.Halos ilang minuto na rin kaming nasa biyahe ni Sue patungo sa Cavite Divisional Jail kung saan nakakulong ang mga magulang ko, maaga pa naman kaya hindi kami mahuhuli sa klase. At kahit hindi pa visiting hours ngayon dahil maaga pa maaari na kaming bumisita ni Sue dahil kinausap na ni Von ang namamahal sa kulungan.“Hindi ba natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa mission at NCC?” tanong ni Sue. Abala siya sa pagmamaneho