ANYA
Speaking of Gellan ang Devil na ‘yon, siguradong madadag-dagan ang kaaway ko dahil sa kaniya. Kaaway ko na nga ang tatay n’ya pati ba naman siya.
Hindi ko talaga makasusundo ang mga Montefalco kahit kailan.
Naamoy ko mula sa hagdan ang niluluto ni Sue sa kusina kaya do’n na ako dumiretso.
"Ano ‘yan?" tanong ko at umupo sa dinning table.
"As usual itlog at hotdog," umay na sagot n’ya.
Na naman?
"Isang linggo na nating ulam ‘yan, baka magka-cancer na ako sa’yo," reklamo ko.
"E anong gusto mong gawin ko? Limliman at hintaying maging manok ‘tong supply mo ng itlog? My gosh wala namang ibang laman ang ref mo kung ‘di ito lang," reklamo rin niya.
"Try mo kayang mag-grocery minsan, baka may makain na tayong matino,"
"And why ko naman gagawin ‘yon? Am I your maid?"
"Sino bang nakikitira? Ako ba, hindi ba ikaw." Tumayo ako at kumuha ng tinapay at palaman. Baka tubuan na ako ng kati-kati sa katawan dahil sa itlog.
"Excuse me, hindi ako nakikitira mas malaki pa nga ang bahay ko sa’yo," nagmamalaki niyang sabi.
"Oh e bakit ‘di ka na lang kaya umuwi, gusto mong tawagan ko na si Tita ngayon?" Bumalik ako sa upuan at dito na kumain.
"Anya naman e, sige na nga ako na ang mag-grogrocery," nakabusangot niyang sabi.
Paano kasi ayaw niyang umuwi sa kanila, hinahanap na nga siya ni Tita Sunny sa akin. Nangako raw kasi siya kilala Mama na sasamahan niya ako kaya ‘yan nandito siya sa bahay.
"Ipamigay mo na kaya ‘yang mga itlog diyan, kung bakit kasi tinanggap mo pa ‘yan." Inilapag n’ya sa lamesa ang mga niluto n’ya.
Hindi na ako nakasagot dahil nag-pop up sa screen ng cellphone ko ang mukha ni Chief Zam. Naalala ko naman kung anong ginawa ko kagabi, siguradong pagagalitan lang ako nito.
"Ikaw na ang sumagot." Inilagay ko sa harap ni Sue ang nag-riring na cellphone ko.
"Ayaw ko nga baka pati ako mapagalitan." Binalik n’ya sa akin ang phone ko pero pinindot n’ya na ang answer button.
“Bwiset ka talaga," gigil na bulong ko. Tinawanan lang niya ako saka nagsimula ng kumain.
"Hello De Chavez," wika ni Chief.
Binalik ko ang tingin ko sa cellphone bago nagsalita.
"Yes Chief si Anya ‘to," sagot ko.
"Alam ko, ikaw nga ang tinawagan ko hindi ba," sa boses niya pa lang halata na ang pagkainis n’ya.
"Bakit kayo tumawag?" lakas loob kong tanong.
"Alam mo naman kung bakit nagtatanong ka pa!"
Lumayo ako sa cellphone dahil sa lakas ng boses n’ya.
"Ikaw na bata ka, ‘di ba at nag-usap na tayo? Sasabihin mo sa akin kung magpupunta ka sa casino. Oh ngayon, anong ginawa mo ro’n De Chavez?" galit na tanong niya.
Napahawak na lang ako sa noo ko. Lalo lang siyang magagalit kapag nalaman n’ya.
"Nanood lang kami ni Sue, Chief," kunyari’y kalmado kong sagot."Kung ganoon ano ‘tong sinabi ni Sue na nakipag-away ka raw sa anak ng senate president at sa anak ni George? Really, of all people na pwedeng mong labanan si Gellan pa talaga? Gusto mo ba talaga ng mahirap na mission De Chavez?" ngayon ay sumisigaw na siya.
Sinamaan ko naman nang tingin si Sue.
"What?" tanong niya."Sinabi mo ‘yong kagabi?" inis kong tanong.
"E sa nagtanong siya e." Nag-peace sign pa siya.
Sinabi ko na nga ba, dapat talaga hindi ko na lang siya sinama.
"H’wag mong sisihin si Sue na bata ka, tandaan mo kapag inulit mo pa ito ng hindi nagpapaalam bibigyan kita ng suspension," sabi pa niya.
"Yes Chief, hindi na mauulit," sagot ko.
"Talagang hindi na dapat, anyway may trabaho ka ngayon. Ikaw si Keo at Von ang assigned na magpunta sa bahay nitong Aliseo Dominguez siya ang taong tinutukoy ni Aji last meeting," wika niya sa galit pa rin na tono.
Bigla akong nabuhayan ng loob.
"Ngayon na po ba?" tanong ko."Of course ngayon na, kumilos ka na nga!" huling sigaw niya bago nag-end call.
Mabibingi ako sa kasisigaw n’ya. Bakit ba lagi na lang siyang high blood.
Agad akong nagbihis pagkatapos kumain. Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin habang tinitingnan ang sarili. Naka-black kangaroo pocket jacket ako with matching black leather pants at sneakers. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay.
"Hoy bruha," tawag ni Sue mula sa kwarto niya habang nakadungaw sa bintana, kaya tiningala ko siya.
"Oh ano ba? Aalis na ako," saad ko.
"Tumawag ka kapag kailangan n’yo ng tulong ah, at saka iwasan mo muna ang makipag-way dadalaw tayo kanila Tito at Tita sa susunod na araw. Baka pagalitan ka nila kapag nakita ka nilang may sugat," sabi n’ya.
Oo nga pala, nakalimutan ko na. Siguradong pagagalitan ako ni Mama sinabi pa naman n’ya na tumigil na ako sa pakikipag-away. Ayaw kong malaman nilang hindi ko sila sinunod, at saka iba naman na ang dahilan ng pakikipaglaban ko ngayon para rin naman ‘to sa kanila.
Binigyan ko ng thumbs up si Sue bago sumakay sa kotse. Tinawagan ko na rin si Von kanina para tanungin kung saan kami magkikita. Doon na ako dumiretso sa lugar na sinabi niya, lumiko ako palabas sa sementadong daan at mabatong daan ang sumalubong sa akin.
Puro puno ang paligid at huni ng ibon lang ang maririnig. Mukhang liblib na liblib ang bahay no’ng Aliseo. Binigyan ako ng kopya ni Keo ng identification nito, mahigit 50 years old na siya at walang pamilya, hindi rin ganoon kadami ang nakuhang information sa kaniya.
Huminto ako sa tabi ng dalawang kotse. Sasakyan ito no’ng dalawa, pero bakit walang tao?
Bago ako bumaba nagmasid muna ako sa paligid. Kinuha ko ang handgun ko sa passenger seat at inilagay sa bulsa ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko nakita sila Von.
Nasaan ba sila? Baka naman nauna na sila sa bahay ni Aliseo. Pero wala namang bahay dito.
Bumaba na ako sa kotse at nagsuot ng mask at cap, sinilip ko ang kotse ni Von at Keo pero parehas itong walang tao. Nasaan ba sila?
Umikot ako saglit at nagpalinga-linga baka sakaling makita ko sila pero hindi ko sila nakita. Nagdesisyon akong bumalik sa kotse nila, may napansin akong pulang stain sa pinto ng kotse ni Keo. Hinawakan ko ito at malapitang tiningnan.
"Dugo," sambit ko.
Mabilis akong tumingin sa lupa, nakita ko ang mga patak ng dugo dito. Mukhang nagkaroon ng gulo dahil bakas sa lupa ang magugulong shoe prints.
Nag-aalala ako sa dalawa, baka kung ano na ang nangyari sa kanila. Agad kong sinundan ang mga marka ng dugo sa daan, hanggang sa makarating ako sa damuhan. Hinawi ko lahat ng mga naglalakihang dahon sa dinaraanan ko.
Nagtago ako sa isang puno no’ng may makita akong maliit na barong-barong. Ito na kaya ‘yong bahay ni Aliseo? Kanino kayang dugo ang nagkalat sa daan?
Para masagot lahat ng tanong ko ay dahan-dahan akong nagtungo sa gilid ng bahay. Dahil gawa ito sa kahoy nakahanap ako ng maliit na butas para makasilip.
"Sabihin n’yo kung sino kayo?" sigaw noong nakatalikod na lalaki, siya siguro si Aliseo. Nakita ko sa harapan niya sila Von at Keo na kapwa nakatali sa upuan. Anak ng paano sila nahuli?
"Kailangan naming ng tulong mo Aliseo. Bigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa Black University," rinig kong sabi ni Von.
"Kung gano’n kasamahan kayo no’ng babae? Sinabi ko na, hindi ako makikipag-usap," sabi nito.
Kailangan kong makagawa ng paraan para mailabas ‘yong dalawa doon.
"Handa kaming magbigay ng proteksyon sa’yo kapag nakipagtulungan ka sa amin," lintanya ni Keo.
Umikot ako sa kabilang bahagi ng bahay para maghanap ng entrance point. Sakto namang may nakabukas na bintana.
"Ginawa na ‘yan ng gobyerno dati pero hindi naman nila nagawang protektahan ang pamilya ko," sagot pa nito.
Kung ganoon pinatay ang pamilya niya, siguradong si George ang may gawa no’n. Umakyat na ako sa bintana, sinigurado kong naging tahimik ang pagkilos ko. Pagpasok ko sa loob, saka ko lang napansin na nasa kwarto pala ako.
Paano naman ako lalabas ngayon dito?
Noong naghahanap ako ng puwedeng labasan nabangga ko ang isang picture frame.
Malas!
"Sinong nandiyan?" sigaw ni Aliseo. Agad bumakas ang pinto kaya wala akong choice kung ‘di sipain siya palabas ng kwarto.
"Anya?" kapwa gulat si Von at Keo no’ng makita ako.
"Hi boys, mukhang kailangan n’yo ng kaunting tulong ah," sambit ko.
"Mga bwiset, umalis na kayo sa bahay ko!" muling sigaw ng lalaki, tangka niyang abutin ang itak na hawak n’ya kanina pero naunahan ko na siya. Hinampas ko siya ng baril sa batok kaya nawalan siya ng malay.
"Paano mo kami nahanap?" tanong ni Von. Nagpunta na ako sa puwesto nila at sinimulang kalagan sila.
"May nakita akong mga patak ng dugo kaya sinundan ko," sagot ko.
"Mukhang sa akin galing ‘yon," saad ni Keo at pinakita ang sugat n’ya sa braso. Mukhang hindi naman ito ganoon kalala.
"Ano bang nangyari, bakit kayo nahuli n’yan? Dalawa na nga kayo," tanong ko. Binuhat nila si Aliseo at ini-upo sa bangko.
"Bigla na lang niya kaming sinugod mahabang kwento," sagot ni Von.
Mahabang kwento o ayaw niya lang ikwento.
"Bakit ninyo kasi ako iniwan, dapat sinabay n’yo na lang ako," reklamo ko.
"Si Chief ang nagsabing hayaan ka mag-isa total pasaway ka naman daw." Tinali ni Von sa upuan si Aliseo.
Tsk paano pala kung naligaw ako? Ako pa ang tanga gano’n.
Matapos niyang itali ang lalaki nagising na ‘to.
"Ano ‘to? Pakawalan niyo ako rito." Nagpupumiglas siya sa upuan."Kung makikipagtulungan ka sa amin pakakawalan ka namin," sagot ni Keo.
"Sinabi ko na ‘di ba, wala akong maitutulong sa inyo. Pinapahamak lamang ninyo ang buhay niyo," saad niya.
"Pinatay n’ya ang pamilya mo hindi ba? Hindi mo ba gustong mabigyan sila ng hustisya. Kapag tinulungan mo kami tutulungan ka rin naming ipakulong kung sino man ang pumatay sa pamilya mo," wika ko.
Napatingin siya sa akin.
"Pero huli na ang lahat." Yumuko siyang bigla.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Keo.
"Nahanap na nila ako, nakita na nila kung saan ako nagtatago. Umalis na lang kayo rito baka madamay pa kayo," sambit niya.
"Kung sasama ka sa amin gagawin namin ang lahat para iligtas ka," saad ni Von.
"K-Kaya niyo ba talagang gawin ‘yan?"
Sa itsura niya, mukhang natatakot din siya sa mangyayari sa kaniya. Lahat naman ay matatakot lalo na at alam mong malapit ka ng mamatay.
Tumango kami sa kaniya.
"S-Sige isama niyo ako, i-ilayo n’yo ako sa kanila," sambit nito.Nagtinginan kaming tatlo, kakalagan na sana ni Von si Aliseo pero sunod-sunod na putok ng baril ang umalingaw-ngaw na nagpayuko sa amin. Ang sunod na pangyayari ay nakita namin ang duguang katawan ni Aliseo na may tama ng mga baril.
Bwiset na!
"Sniper!" Hinila ako no’ng dalawa padapa sa sahig.
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin, halos puro butas na rin ang dingding ng bahay.
Kinuha ko ang baril ko at saka gumapang patungo sa may pinto.
"Anya bumalik ka nga ritong pasaway na bata ka!" tawag ni Von pero hindi ko siya pinakinggan.
"Kailangan nating mahuli ang taong ‘yon, baka malaman natin sa kaniya kung sino ang nagpapapatay kay Aliseo," sambit ko.
Noong tumigil ang pagbaril tumayo ako at lumabas. Nakita kong may lalaking bumaba sa puno. Nang makita ako nito agad siyang tumakbo kaya naman hinabol ko siya at pinagbabaril pero huli na ako. Mabilis siyang nakalayo, nakasakay na siya sa motor niya at mabilis itong pinaandar.
Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa hingal.
Sino naman kaya ang taong ‘yon? Si George kaya ang nasa likod nito? Alam kaya n’ya na may pupunta kay Aliseo para kumuha ng impormasyon?
Noong araw na ‘yon ay binalita namin sa HQ ang nangyari. Nagulat ang lahat sa naging resulta ng plano, hindi namin inaasahang may mamamatay.
ANYA"Dad what happened?" Napatayo si Krixx matapos naming pumasok nila Von sa office room ng task force E111."Oh God hon, are you okay?" Naglakad agad si Aji papunta kay Keo. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala sa asawa. Lalo na at nakita nilang puno ng dugo ang braso nito, balot na rin ng dugo ang tela na tinali sa sugat niya upang pigilan ang pagdugo nito."Don't worry I'm okay, hindi naman ito ganoon kalalim hon," sagot ni Keo.Napatingin naman ako sa long table kung saan naka-upo sila Sue at Chief, seryoso silang nakatingin kay Keo."Sigurado ka ba?" tanong pa ni Aji. Hawak niya ang braso ni Keo at pinatungan ng bagong tela.
GELLANShit!Agad kong tinakip sa mukha ko ang braso ko, natanggal no’ng isang babae ang mask ko. Hindi nila ako puwedeng makilala, mabilis akong tumalikod at hinubad ang damit ko.Ito ang tinakip ko sa mukha ko dahil hindi sapat ang dilim sa bahay para maitago ang mukha ko dahil sa ilaw mula flashlight madali lang niya akong makikilala. Binalik ko ang tingin sa babae, nakahiga pa rin siya hanggang ngayon dahil doon sa pagbaliktad ko sa kaniya kanina.Nakatingin din siya sa akin she maybe trying to figure out kung makikilala niya ako. May mga nakatakip din sa mukha nila, kaya hindi ko makilala kung sino sila.Ang dalawa niyang kasama ay parehas din na nakahiga sa sahig. Sino ba kasi sila? Sa naaalala ko, siya ang baba
ANYA“Hey.” Kumaway sa akin si Krixx pagpasok n’ya sa pinto ng Café de Casa.I just gave him a nod, ang akala ko magkasama sila ni Sue ngayon mukhang may mag-aaway na naman mamaya. Dumaan muna siya sa counter para mag-order bago pumunta sa puwesto ko.“Puwedeng umupo?”“Oo naman,”Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng kape at slice ng chocolate cake na dala n’ya.“Favorite mo raw ‘yang espresso sabi ni Fhin,”Tiningnan ko naman ‘yong kape na bigay n’ya, may puso pa itong design.“Thank you dito, ililibre kita
ANYA Nagpatuloy ang meeting sa office room ng task force no’ng bumalik sila Von at Keo galing sa aming bomb expert. Iniwan na nila ‘yon doon dahil may mas mahalaga pa kaming kailangan pag-usapan.Hindi lang tungkol sa pagkamatay ni Aliseo ang meeting ngayong araw, naghahanda na rin kami para sa pagbubukas ng klase ng Black University. Dito na mag-uumpisa ang tunay na laro sa pagitan ng NCC at ni George.“So as a continuation sa ating meeting.” Naupo na si Chief sa silya sa harapan.“Sa ngayon si Aji muna ang bahala sa journal at sa pag-asikaso sa bangkay ni Aliseo. Wala na tayong nahanap na kamag-anak o kahit kaibigan na maaaring maghatid sa kaniya sa huling hantungan,” pahayag n’ya.Marahil pinatay
ANYA Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Gabi na rin nang maka-uwi kami ni Sue galing sa HQ dahil marami pang binilin at sinabi si Chief. Katulad na lang ng mission namin, sinabi n’yang mahalaga na magtagumpay kami at makuha ang list para mahuli lahat ngkriminal sa university. Dahil kung hindi lahat sila ay mamamatay ilang buwan na lang mula ngayon, pasasabugin ng gobyerno ang university kasama ang mga kriminal dito. Iyon ay napagkasunduan na pero humingi ng pabor si Chief sa presidente. Kapag nagawa n’yang arestuhin lahat ng kriminal sa BU ihihinto ng presidente ang bombing. Sa totoo lang nakaramdam ako ng pressure dahil sobrang daming buhay ang nakasalalay sa amin ni Sue. Ayaw ko naman silang mamatay malaking konsensiya ‘yon.
ANYA“Ano ba bitiwan n’yo sabi ako!” Hinihila ko ang magkabilang braso ko mula sa dalawang lalaki sa tabi ko.Nakatayo kami ngayon sa gitna ng field dahil dito ako binaba ni Gellan. Pagkatapos n’ya akong ihulog sa damuhan tinawag n’ya ang dalawa n’yang kasama at pinahawakan ako para hindi ako makatakas.Marami ng estudyante ang nakapalibot sa amin, mga bystander na nakiki-tsismis. Alam na siguro nila ang gulo sa pagitan namin ni Gellan. Hindi ko rin alam kung anong binabalak niya, halatang galit na galit pa rin siya dahil doon sa nangyari sa arena.No’ng makita n’ya ako kanina parang gusto na n’ya akong saktan.
AJI Maaga pa lang hinintay ko na sa lab n’ya si Gabriel. Ang sabi n’ya kasi nakuha na n’ya ang black journal sa bomb kahapon. Kailangan at gusto ko na rin kasing mabasa ang nasa loob ng journal na ‘yon. Interesado akong malaman kung anong nilalaman no’n, umaasa ako na makatutulong ang journal sa mission ng taskforce. “Oh Aji ang aga mo naman,” wika ni Gabriel pagkakita n’ya sa akin. “Kailangan alam mo naman si Chief,” biro ko. Tumawa lang siya at nagtungo sa table n’ya. “I know kaya ko nga inuna itong bomb na ibinigay n’yo dahil baka si Chief ang sumabog.” Binuksan n’ya ang isa sa mga drawer niya at may kinuha. Pagkatapos ay inabot na n’ya sa akin ang journal at isang maliit
ANYA “Ano ba kasing nangyari? Look what happened to you.” Kunot noo si Krixxen habang nilalagyan ng ointment ang ilang gasgas na natamo ko mula sa gulo kanina. “Wala lang ‘yan," sambit ko. “Hindi lang ‘to wala lang, sumosobra na yata ‘yang Gellan na ‘yan.” “Kasalanan ko naman,” “No of course not.” Lumingon siya sa akin. “She’s right Krixxenn it's her fault, hindi makatutulong kung magdadahilan pa siya,” komento ni Von na nasa tabi ko rin. “Sabihin n’yo nga sa amin kung anong nangyari kanina? Sa totoo lang nag-alala kaming lahat sa inyo kahit si Aji ay hindi malaman ang gagawin,” saad n’ya ulit. Narito kaming ap
KABANATA 22ANYANagsimula sa storytelling ang urgent meeting namin, they wanted me to tell them the whole story from pagkidnap sa akin ni Gellan hanggang sa pagkikita naming ni George. Halos makalimutan ko na nga ang mahalagang opportunity na inoffer niya sa akin kanina dahil sa frustration ko dahil sa nangyari. I’ve been worried the whole time sa kung anong gagawin niyang hakbang now that he saw me, so I forget about what he says.At iyon nga ang ibinahagi ko sa kanila ngayon."George wanted me to work with him for the second time and I think it would be a good opportunity sa mission natin na bumalik ako sa kaniya ulit," "What?""No, you can't,""You better not see him for the meantime, Anya,""We told you we don't sacrifice one's life para lang sa mission,"“That’s too dangerous Anya,”Ayan ang mga hinaing nila and I know that they understand kung anong gusto kong iparating. I sighed seeing their frustrated faces."What's with your reactions? Isn’t this a good opportunity for the
GELLAN Malakas na tugtog at hiyawan ang tanging maririnig sa bar ng Casino de Vara. Sa kabila ng maingay at magulong mga taong nagsasayawan sa paligid hindi nito magawang istorbohin ang isip ko na abala sa sa kakaisip sa Anya na iyon. Especially sa nangyari sa mansion kanina. “Kaya pala ang lakas ng loob niyang lumaban sa akin because she knows Dad.” Ginalaw ko ang shot glass ko nang paikot habang nakatitig dito. “Kahit ano pang koneksyon niya kay Dad sisiguraduhin kong makukuha niya pa rin ang rightful punishment that she deserves.” I tighten the grip in the wine glass as if I was throttling Anya to death. “Look who’s talking to himself, did losing makes you crazy?” Lam grabbed my wine at tinungga iyon. Pinanood ko siyang ubusin ang wine. Saan naman kaya siya nakakuha ng lakas ng loob para gawin ‘yan sa harapan ko. “Balita ko suspended ka sa arena. Alam mo bilib talaga ako kay Anya, biruin mo natalo ka niya. She must be really something. Actually, pinag-iisipan ko ng inbitahan
GEORGEI sipped my red wine devouring it until the last drop.“I can’t believe that she’s still alive!” I exclaimed.“Anong gagawin natin sa kaniya Boss?” my right-hand Dos asked.“Kakausapin ko muna si Black, siguradong magugulat siya kapag nalaman niya.” I dialed her number.Noong mag-ring ito ay sinenyasan ko ang tauhan ko na lumabas na agad naman nitong ginawa. She’ll be shocked once malaman niya na buhay pa rin si Evil. Ilang taon na namin siyang paulit-ulit pinagtangkaan na patayin pero lagi siyang nakaliligtas.“Yes, what is it?” she answered with her cold voice. I can also hear her accent noong sumagot siya.I picked up a dart and throw it into the dartboard before I reply.“Evil is alive,”I hear a shattered glass sound to the line.“Fuck that woman! Bakit ba hindi natin siya mapatay-patay. Saan mo nalaman na buhay pa siya?” there’s annoyance in her tone.“Gellan brings her here. Ang akala ko ay simpleng babae lang ang nakaaway niya sa UFightA that’s why I told him na parusah
ANYAHinila ako ni Gellan palabas ng kotse habang suot-suot ko pa rin itong mabahong black na tela sa ulo ko. I wonder kung ilan na ang nakapagsuot nito at kung buhay pa ba sila.Bigla akong napaluhod sa daan noong matisod ako sa matigas na bagay na nadaanan ko.“Seriously? Lampa ka ba o tanga?” inis niya akong hinila patayo.“Tss. Baka kasi may nakikita ako? Malay ko ba kung may bato sa daan,” inis ko rin na sagot.Maka-tanga e siya nga itong tanga, alam namang wala akong makita nagtatanong pa.“Tumahimik ka na lang puwede? Ang dami mong reklamo.” Lalo niyang binilisan ang paghila sa akin.Bwiset talaga.Narinig kong bumukas ang pinto.“Magandang umaga, Sir Gellan!” bati ng pamilyar na boses ng lalaki. Si Dos ba ‘yon? Iyong kanang-kamay ni George.“Where’s Dad?”Nakinig akong mabuti habang hinihila niya ako papasok ng bahay nila nang pag-usapan nila si George.“Nasa opisina siya ngayon. Maari ko bang itanong kung sino ‘yang babaeng kasama mo?” tanong nito na mukhang sumasabay sa pagl
KEO We are still in the middle of our meeting, ang plano sa pagkuha ng list ay pag-uusapan pagbalik nila Anya at Sue. Besides binigay ko na sa kanila ang ilang information about Yvon ang school registrar ng BU, malamang binibisita na nila ang kanilang target.Napag-usapan na rin kanina ang pagtuloy ng surveillance sa mga allies at kay George. Kailangan muna namin silang bantayan until may chance na kaming makuha para makalapit sa kanila, ilang araw pa lang naman noong magsimula kami pero inaamin kong medyo mabagal ang usad namin. Pero sa bilang ng mga impormasyon na nakuha namin ni Aji sa kabila ng mabagal na pag-usad pagdating sa surveillance mukhang bibigyan kami nito ng kasiguraduhan na we’re heading in the right way.“Von, ikaw na ang bahala kay George. Dapat may makuha na tayo sa kaniya, we need to know kung anong dahilan niya kung bakit niya tinayo ang BU. I’m sure there’s a greedy reason why he founded it, hindi niya iyon itatayo just to protect and provide educational institu
ANYA Nang makarating kami sa room kaunti pa lang ang mga estudyante, masyado pa yatang maaga dapat pala nakipagsampalan pa ako kay Crimson ng makita niya ang hinahanap niya. Nakakainis talaga ang babaeng ‘yon, ang aga-aga niyang manampal at maghamon ng away. Pasalamat siya hindi ko siya pinatulan ng tuluyan.Naisip ko rin kung may sense nga ba ‘yong ginawa ko kahapon o mas ginawa ko lang complicated ang plano naming mapalapit kay Gellan. Baka nga tama si Sue na hanggang seatmates lang kami. Pero ano pa ang magagawa ko? Nandito na ako sa situation na bunga ng ginawa ko. Bahala na nga.“Mamayang lunch na lang tayo mag-usap,” sabi ko kay Sue.Naghiwalay na kami nang tumango siya. Dumiretso kami sa kaniya-kaniya naming silya. Wala pa ang mga katabi ko sa upuan si Vivien lang at Tristan ang narito at sobra kung makatingin sa akin.“Bakit?” tanong ko nang makaupo sa silya ko. Nasa harapan ko ang upuan nila kaya nakalingon sila sa akin.“Kumakalat na sa private group chat ng university iton
SUE“Do you think nasa kaniya ang list?” tanong ko kay Anya.Nakatayo kami sa hagdan malapit sa registrar office, tanaw na tanaw namin si Yvon ang aming school registrar. Marami na kaming nalaman tungkol sa kaniya dahil sa background check na ginawa ni Keo, he sends the file a while ago kaya pumunta na agad kami rito to check her up.We’re standing here for almost 30 minutes at wala kaming napansin na tao sa opisina bukod sa kaniya, she’s just peacefully doing her job. Sabi rin ni Keo wala naman silang nakikitang tao na pumapasok do’n aside from her. Ginagamit nila ang spy cameras para bantayan siya simula noong paghinalaan ni Anya ang school registrar, which is the day of installment ng cameras, gano’n ka-agap ang taskforce namin.“Hindi ako sigurado kung nasa kaniya ang list, hindi lang naman siya ang suspected employee natin na posibleng may hawak ng list. But she’ll be the first target,” sagot ni Anya.Maraming school employees ang puwedeng magtago noon, there’s a possibility na h
VON“Anong balita Aji, mga ally ba talaga ni George ‘yong tatlong ‘yon?” tanong ko. Nasa tapat lang siya ng table ko habang busy sa pagbuklat ng mga files sa lamesa ni Keo pero hindi man lang niya ako sinagot.“Aji kinakausap kita, sumagot ka naman sayang ‘yong laway mo,”Bigla akong nag-freeze no’ng tingnan n’ya ‘ko ng masama. Bakit ba ganito ang mga babae, ang aga-aga ang susungit. Paano kaya nakakayanan ni Keo ang ugali ng asawa n’ya.“H’wag mong guluhin ang asawa ko Von, maghanap ka ng sarili mong asawa nang may kausap ka naman,”At nang-iingit na naman siya. Wala talagang magawang matino.“Hoy Keo may mahal na akong ibang babae, mas maganda at cool pa kaysa kay Aji. Alam mo kung nagseselos ka naiintindihan ko naman, ‘di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa’yo.” Iniwas ko naman ang binti ko nang sipain n’ya ako.“Oh teka nagbibiro lang ako,” sambit ko sabay tawa. Napaka bilis niya talagang mapikon.“Tss, alam nating hindi biro ‘yong una mong sinabi. Mag-move on ka na sa kani
ANYANaging maayos ang practice game ng soccer team kahapon, wala naman kaming na-encounter na gulo ni Sue mula kay Gellan. Hindi ko nga lang maitatanggi na sobrang sama ng aura n’ya kahapon, feeling ko nga kung pinatulan ko pa ang mga matalim n’yang tingin during the soccer game sisipain n’ya ulit ang bola papunta sa mukha ko.Napapaisip tuloy ako kung anong binabalak ni Gellan ngayong araw against sa akin, sa ilang araw na magkaaway kami alam kong nangangati na siyang gumanti. Pero bago ko siya problemahin uunahin ko muna ang pagbisita ko ngayon kila Mama at Papa.Halos ilang minuto na rin kaming nasa biyahe ni Sue patungo sa Cavite Divisional Jail kung saan nakakulong ang mga magulang ko, maaga pa naman kaya hindi kami mahuhuli sa klase. At kahit hindi pa visiting hours ngayon dahil maaga pa maaari na kaming bumisita ni Sue dahil kinausap na ni Von ang namamahal sa kulungan.“Hindi ba natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa mission at NCC?” tanong ni Sue. Abala siya sa pagmamaneho