I woke up in Casino de Vara's clinic at naalala ko lahat ng nangyari sa loob ng ring kanina and it's disgusting. Sa tuwing maiisip ko pa lang na pinatumba ako ng isang babae sa harap ng maraming tao gusto ko na siyang ipa-torture.
Inikot-ikot ko ang ulo ko habang nasa leeg ang kanang kamay ko. Sumakit ang katawan ko dahil sa babaeng ‘yon. Kapag talaga nakita ko siya ulit patay siya sa akin.
"Okay ka lang ba kuya?" tanong ni Vivien, she's my stepsister but we're on the same age. Naka-upo siya ngayon sa sofa na katabi ng pinto habang yung dalawa naman ay nasa clinic bed na katabi ng higaan ko.
"I'm not okay, pinahiya ako ng babaeng ‘yon. Ipinahiya niya sa maraming tao ang isang Gellan Montefalco, ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Na mahina ang anak ni George? tsk hindi n’ya yata kilala kung sino ako." Hinagis ko sa pader ang hawak kong mansanas.
"Hindi n’ya alam kung anong kaya kong gawin sa kaniya," dagdag ko.
"Halata namang kilala ka n’ya, tinawag ka niya sa buo mong pangalan. Alam niyang ikaw si Devil at isa kang Montefalco," saad ni Tristan.
"So you mean hindi siya natatakot sa akin gano’n ba?" Bumangon ako sa pagkakahiga dahil sa inis.
"Maybe or maybe not, alam naman n’ya siguro ang kakayahan ng pamilya mo. Kaya n’yo siyang parusahan but still kinalaban ka pa rin n’ya," dagdag niya pa.
"Talaga pa lang matapang siya ah, tingnan natin ang tapang niya kapag nahanap ko siya. I'll make sure na bibigyan ko siya ng torture na hindi niya makalilimutan." I smirked.
"Stop your nonsense plan kuya, hindi ka naman kasi belong sa away nakikisali ka. Tapos kapag nasaktan ka magagalit ka, mukha kang tanga alam mo ‘yon?" saad ni Viv.
"What did you say? Pinagtatanggol ko lang naman ang girlfriend ko against her. Siya itong masama, binali niya ang braso ni Harvey tapos sinaktan niya pa si Crimson at ipinahiya niya pa ako,"
inis na sabi ko.
Quota na ang babaeng ‘yon ah. Masasaktan na talaga sa akin ‘yon.
"And I'm sure pinagtatanggol lang din ni Evil ang sarili niya kuya. Sino namang mag-aakala na magdadala ng baril si Crimson sa laban,"
"At Gellan pre, kasalanan mo kung bakit ka napahiya," dugtong ni Allen.
"Ah so kinakampihan n’yo pa siya. Have you forgotten kung anong ginawa niya?" buwelta ko.
"Hindi namin siya kinakampihan, ang sa amin lang don't blame her sa humiliation na nangyari sa inyo because first of all si Crimson ang nag-invite sa kaniya sa laban at ikaw nakialam ka sa away nilang dalawa," depensa ni Tristan.
"So technically, mali kayo ng taong kinalaban. Siguradong may dahilan din siya kung bakit n’ya ginawa ‘yon kay Harvey," dagdag ni Vivien.
"At ano naman kaya ang nonsense na dahilan n’ya?" inis kong tanong.
"Kilala mo si Harvey, marami siyang kalokohan lalo na pagdating sa babae," sagot pa ng kapatid ko.
"Okay fine, bakit ba ninyo siya pinagtatanggol? Mas maniniwala pa kayo sa kaniya kaysa kay Harvey? Sinabi na nga niya ‘di ba si Evil ang nauna," yamot na sabi ko.
Bagay nga sa kaniya ang codename na Evil, sobra n’yang sama.
"And you think maniniwala kami ro’n? My goodness kuya, I know him masama ang budhi no’n,"
"Then kinakampihan n’yo nga siya,"
"Hindi nga bro, basta sa side kami ng tama," saad ni Allen.
"At paano n’yo naman nalaman na tama ang Evil na ‘yon? E mukha ngang masamang tao talaga ‘yon,"
"Masamang tao ka rin naman, wala kayong pinagkaiba," sabi ni Tristan.
"Hindi kami magkatulad, isa siyang mababang uri ng kriminal," inis na buwelta ko.
Pero tumawa lang silang tatlo.
"Anong tinatawa-tawa n’yo diyan?" Pinagtuturo ko sila."Wala ka talagang idea kung sino ang kaharap mo sa ring kanina ano Gellan?" tanong ni Tristan. Nang-iinsulto ba siya? Ano naman ang akala n’ya kilala ko lahat ng tao?
"What are you trying to say?"
Totoo namang hindi ko kilala ang babae na ‘yon. Ngayon na lang ulit ako bumalik dito sa Cavite. Malay ko ba kung sino siya, mga magaganda at sexy na babae lang ang kilala ko ang mga gano’ng babae na katulad n’ya hindi ko pagkaka-abalahang kilalanin.
"Si Evil, siya ang most well known killer sa buong bansa. At hindi siya low class na kriminal bro, hindi siya basta-bastang killer lang. At hindi ka maniniwala kung sino-sino na ang mga pinatay n’ya," paliwanag ni Allen.
"Also, siya ang Queen ng underground fighting arena. Kung ikaw ang hari sa Manila siya ang reyna dito sa Cavite," dagdag ni Viv.
Impossible, siya ang Evil na hinahangaan ng mga tao dito?
"Are you kidding me? I didn't expect na mababa na ang standard ng UFightA para piliin siyang queen," sabi ko.
"For your information kuya, iyong Evil na minamaliit mo ngayon ay pinatumba ka kanina. If you could only see your face habang nakabulagta sa ring." Tumawa siya ng malakas.
"Tumigil ka nga sinuwerte lang siya, at saka puwede ba tigilan mo na ang pagtatanggol sa kaniya," buwelta ko.
"Tanggapin mo na lang kuya na mayroon pang mas magaling sa’yo at si Evil ‘yon," mapangasar na sabi ni Viv.
"Shut up!"
Hindi na siya umimik ulit at nagtuon na lang ng pansin sa cellphone n’ya. Kapatid ko s’ya, alam n’yang nagagalit na ako. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala ng patutunguhan ang usapan. Ginala ko na lang ang paningin ko sa buong kwarto ng biglang naalala ko si Crimson.
Shit ‘yong girlfriend ko!
"Si Crimson nasaan siya? Is she okay?" tanong ko sa kanila.
"She's alright bro don't worry," sagot ni Tristan.
"Of course she's okay, ang mga masasamang damo matagal mamamatay." Nakatawang dagdag ni Vivien.
Here we go again.
"Stop it Viv, she's my girlfriend,"
"Who cares? Kayo ba guys do you care?" tanong niya sa dalawa pa naming kasama.
"No comment," sagot ni Allen habang si Tristan ay hindi sumagot.
Hindi ko na lang sila pinansin. Alam ko namang ayaw nila kay Crimson but she's trying her best para mapalapit sa mga kaibigan at kapatid ko.
*tok* *tok*
Napatingin kaming lahat sa pinto.
"Babe it's me Crimson," tawag ni Crimson kaya sinenyasan ko si Viv na buksan ang pinto.
"Hindi ba puwedeng sa labas na lang siya?" Inis siyang tumayo at binuksan ang pinto. Pagbukas ay agad lumapit sa akin si Crimson.
"Oh my gosh babe." Bigla niya akong niyakap.
"Anong nangyari sa’yo? Are you alright, may ginawa ba siya sa’yo tell me?" worried na tanong niya.
Nginitian ko lang siya saka ko inabot ang dalawang kamay niya. Nag-aalala talaga siya.
"Babe I'm fine h’wag ka ng mag-alala, ako dapat ang nagtatanong n’yan sa’yo. May sugat ka ba or something? Sabihin mo lang at ako ang bahala sa babaeng ‘yon," saad ko.
"Okay lang ako kaunting galos lang ‘to, why did you do that kasi? Bakit ka pa pumasok at inaway si Evil. Look what happened to you tuloy." Nakasimangot niya akong hinampas sa braso.
"Why not? Gusto ko lang turuan ng leksiyon ang babaeng ‘yon dahil sa ginawa n’ya sa’yo at sa kuya mo,"
Kung hindi lang talaga nakahanap ng butas sa akin ang Evil na ‘yon baka siya ang nakahiga ngayon sa clinic bed.
"I know babe, thank you for doing that,"
"No need to say thank you, mahal kita kaya ko ‘yon ginawa. If you want lalabanan ko siya," mungkahi ko.
"No!" singhal n’ya.
"You can't do that kuya, I'm sure UFightA will suspend you dahil sa pakikialam mo sa laban ng iba. Which mean hindi ka puwedeng lumaban for at least a week," sabi ni Viv.
What?
"Hindi nila puwedeng gawin ‘yon sa isang Montefalco," reklamo ko.
"Alam mong pantay-pantay ang mga kriminal kapag nasa arena sila. Hindi ka nila bibigyan ng pabor kahit anak ka pa ng Asia's syndicate president," dagdag ni Tristan.
What the hell!
"Kasalanan ‘to ng Evil na ‘yon!" singhal ko.
"Of course siya ang may kasalanan, nakakainis talaga siya. Pagbabayarin ko ang Anya na ‘yon sa susunod na magkita kami. Kakalbuhin ko talaga siya!" kitang-kita sa mukha ni Crimson ang matinding galit.
"You know her?" biglang tanong ni Viv.
"Tinawag mo siyang Anya, iyon ba ang real name niya?" dagdag ni Allen.
Tiningnan ko naman si Crimson.
"Of course I know her, classmates kami before ako lumipat sa Black University. At matagal na kaming magka-away ng babaeng ‘yon," sagot niya."At ngayon madadag-dagan pa ang kaaway n’ya. I don't really like her, masyado siyang mayabang," inis kong sabi.
"You're right, palibhasa wala siyang class," sambit ni Crimson.
Curse that woman! Ipagdasal n’yang hindi na kami magkita ulit dahil hindi ko talaga palalampasin ang ginawa n’ya sa akin at sa girlfriend ko.
Nanatili kami ng isa pang oras sa clinic before we decided na umuwi na lang. Nagpunta lang naman talaga kami sa casino para sa laban ni Crimson.
KRIXXENN
"Chief, umalis sila ng bahay kaninang 9 pm," sabi ko pagkasagot n’ya ng telepono.
"Nasaan sila ngayon?"
"Sinundan ko sila at dito sila pumunta sa Casino de Vara,"
"What? Sinabihan ko na ang magpinsan na ‘yan na sabihin sa akin kapag pupunta sila sa lugar na ‘yan!" sumigaw na siya sa galit.
Kung bakit ba kasi sila nagpunta rito.
"Anong gagawin ko chief?" tanong ko.
"Wala kang gagawin, hindi ka maaaring pumasok sa loob masyadong delikado," sagot niya.
"Pero Chief baka may dahilan sila kaya sila nandito,"
"Sigurado akong may laban si Anya sa loob. Matigas talaga ang ulo ng batang ‘yon, hintayin mo lang sila diyan," tugon n’ya.
Pero iba ang pakiramdam ko, gusto kong sumunod doon sa loob. Gusto kong siguraduhin na ayos nga lang talaga sila ni Anya.
"Chief kaya kong pumasok sa loob," sabi ko ng may kompiyansa.
"I said no, delikado kung ikaw lang mag-isa do you understand?"
"Pero baka may mangyari sa kanila," pagpilit ko pa.
"Tandaan mong puno ng mga kriminal ang loob ng casino, hindi ka maaaring pumasok ng walang kahit ano,"
"Pero Chie–,"
"No buts Krixxenn or else ibibigay ko sa iba ang assignment mo," sabi n’ya bago nag-end call.
I sighed, anong gagawin ko ngayon?
Tumingin ako sa ng bintana ng kotse. Nakita ko ang mga taong pumapasok at lumalabas sa loob ng casino pero wala akong nakitang Anya at Sue sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumasok do’n sa loob at i-check si Anya. Alam kong kaya n’ya ang sarili n’ya, hindi ko rin alam kung bakit ganito kabilis ang pagbabago ng nararamdaman ko sa kaniya. Wala pa kaming isang buwang magkakilala, pero ganito na.
Siguro dahil iba siya sa ibang mga babae na naka-fling ko na. Madalas kasi madali lang akong magustuhan ng mga babae dahil sweet ako, gwapo at may sense of humor kung minsan. Pero siya iba siya, she doesn't like me at napaka challenging no’n para sa akin.
Iba ang dating niya sa akin she's the type na cool at kayang makipag-away sa kahit ilang lalaki pero maganda pa rin, parang anghel. Kung minsan wala sa itsura n’ya na kaya n’yang bumali ng buto ng mga kaaway, para siyang inosenteng babae at gusto kong protektahan siya sa mga sandaling ‘yon.
Napa-iling na lang ako sa mga naisip ko. Impossible, hindi ko siya gusto masyadong mabilis at maaga para mag-conclude.
Sa palagay ko hinahangaan ko lang siya, wala ng higit pa ro’n. Wala ng higit pa dapat do’n Krixxenn. Isa pa nangako akong hindi na ako magmamahal ng babae ulit. Tama na ang fling-fling lang, ayaw ko na sa commitments.
Pero natutuwa ako kapag kausap ko siya, madalas nga lang siyang masungit at pilosopo lalo na kapag gumagawa ako ng moves para mapalapit sa kaniya.
I saw my self na nakangiti mag-isa. Nababaliw ka na Krixx, isa ‘tong kahibangan.
Napatingin akong bigla sa bintana noong may dumaang pamilyar na kotse.
"Oh shit," bulalas ko ng mapansin kong nakaalis na sila Anya. Pinaandar ko agad ang makina at mabilis na nag-drive.
Patay ako kay Chief kapag nawala sila sa paningin ko.
ANYAPagkatapos ng laban kagabi ay umuwi rin kami agad ni Sue. Wala naman akong naging sugat matapos ang laban, sa ngayon alam kong nag-iinit na ang ulo ni Crimson sa akin. Kasalanan naman nila ni Gellan kung ano ang nangyari sa kanila.Speaking of Gellan ang Devil na ‘yon, siguradong madadag-dagan ang kaaway ko dahil sa kaniya. Kaaway ko na nga ang tatay n’ya pati ba naman siya.Hindi ko talaga makasusundo ang mga Montefalco kahit kailan.Naamoy ko mula sa hagdan ang niluluto ni Sue sa kusina kaya do’n na ako dumiretso."Ano ‘yan?" tanong ko at umupo sa dinning table."As usual itlog at hotdog," umay na sagot n’ya.Na naman?
ANYA"Dad what happened?" Napatayo si Krixx matapos naming pumasok nila Von sa office room ng task force E111."Oh God hon, are you okay?" Naglakad agad si Aji papunta kay Keo. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala sa asawa. Lalo na at nakita nilang puno ng dugo ang braso nito, balot na rin ng dugo ang tela na tinali sa sugat niya upang pigilan ang pagdugo nito."Don't worry I'm okay, hindi naman ito ganoon kalalim hon," sagot ni Keo.Napatingin naman ako sa long table kung saan naka-upo sila Sue at Chief, seryoso silang nakatingin kay Keo."Sigurado ka ba?" tanong pa ni Aji. Hawak niya ang braso ni Keo at pinatungan ng bagong tela.
GELLANShit!Agad kong tinakip sa mukha ko ang braso ko, natanggal no’ng isang babae ang mask ko. Hindi nila ako puwedeng makilala, mabilis akong tumalikod at hinubad ang damit ko.Ito ang tinakip ko sa mukha ko dahil hindi sapat ang dilim sa bahay para maitago ang mukha ko dahil sa ilaw mula flashlight madali lang niya akong makikilala. Binalik ko ang tingin sa babae, nakahiga pa rin siya hanggang ngayon dahil doon sa pagbaliktad ko sa kaniya kanina.Nakatingin din siya sa akin she maybe trying to figure out kung makikilala niya ako. May mga nakatakip din sa mukha nila, kaya hindi ko makilala kung sino sila.Ang dalawa niyang kasama ay parehas din na nakahiga sa sahig. Sino ba kasi sila? Sa naaalala ko, siya ang baba
ANYA“Hey.” Kumaway sa akin si Krixx pagpasok n’ya sa pinto ng Café de Casa.I just gave him a nod, ang akala ko magkasama sila ni Sue ngayon mukhang may mag-aaway na naman mamaya. Dumaan muna siya sa counter para mag-order bago pumunta sa puwesto ko.“Puwedeng umupo?”“Oo naman,”Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng kape at slice ng chocolate cake na dala n’ya.“Favorite mo raw ‘yang espresso sabi ni Fhin,”Tiningnan ko naman ‘yong kape na bigay n’ya, may puso pa itong design.“Thank you dito, ililibre kita
ANYA Nagpatuloy ang meeting sa office room ng task force no’ng bumalik sila Von at Keo galing sa aming bomb expert. Iniwan na nila ‘yon doon dahil may mas mahalaga pa kaming kailangan pag-usapan.Hindi lang tungkol sa pagkamatay ni Aliseo ang meeting ngayong araw, naghahanda na rin kami para sa pagbubukas ng klase ng Black University. Dito na mag-uumpisa ang tunay na laro sa pagitan ng NCC at ni George.“So as a continuation sa ating meeting.” Naupo na si Chief sa silya sa harapan.“Sa ngayon si Aji muna ang bahala sa journal at sa pag-asikaso sa bangkay ni Aliseo. Wala na tayong nahanap na kamag-anak o kahit kaibigan na maaaring maghatid sa kaniya sa huling hantungan,” pahayag n’ya.Marahil pinatay
ANYA Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Gabi na rin nang maka-uwi kami ni Sue galing sa HQ dahil marami pang binilin at sinabi si Chief. Katulad na lang ng mission namin, sinabi n’yang mahalaga na magtagumpay kami at makuha ang list para mahuli lahat ngkriminal sa university. Dahil kung hindi lahat sila ay mamamatay ilang buwan na lang mula ngayon, pasasabugin ng gobyerno ang university kasama ang mga kriminal dito. Iyon ay napagkasunduan na pero humingi ng pabor si Chief sa presidente. Kapag nagawa n’yang arestuhin lahat ng kriminal sa BU ihihinto ng presidente ang bombing. Sa totoo lang nakaramdam ako ng pressure dahil sobrang daming buhay ang nakasalalay sa amin ni Sue. Ayaw ko naman silang mamatay malaking konsensiya ‘yon.
ANYA“Ano ba bitiwan n’yo sabi ako!” Hinihila ko ang magkabilang braso ko mula sa dalawang lalaki sa tabi ko.Nakatayo kami ngayon sa gitna ng field dahil dito ako binaba ni Gellan. Pagkatapos n’ya akong ihulog sa damuhan tinawag n’ya ang dalawa n’yang kasama at pinahawakan ako para hindi ako makatakas.Marami ng estudyante ang nakapalibot sa amin, mga bystander na nakiki-tsismis. Alam na siguro nila ang gulo sa pagitan namin ni Gellan. Hindi ko rin alam kung anong binabalak niya, halatang galit na galit pa rin siya dahil doon sa nangyari sa arena.No’ng makita n’ya ako kanina parang gusto na n’ya akong saktan.
AJI Maaga pa lang hinintay ko na sa lab n’ya si Gabriel. Ang sabi n’ya kasi nakuha na n’ya ang black journal sa bomb kahapon. Kailangan at gusto ko na rin kasing mabasa ang nasa loob ng journal na ‘yon. Interesado akong malaman kung anong nilalaman no’n, umaasa ako na makatutulong ang journal sa mission ng taskforce. “Oh Aji ang aga mo naman,” wika ni Gabriel pagkakita n’ya sa akin. “Kailangan alam mo naman si Chief,” biro ko. Tumawa lang siya at nagtungo sa table n’ya. “I know kaya ko nga inuna itong bomb na ibinigay n’yo dahil baka si Chief ang sumabog.” Binuksan n’ya ang isa sa mga drawer niya at may kinuha. Pagkatapos ay inabot na n’ya sa akin ang journal at isang maliit
KABANATA 22ANYANagsimula sa storytelling ang urgent meeting namin, they wanted me to tell them the whole story from pagkidnap sa akin ni Gellan hanggang sa pagkikita naming ni George. Halos makalimutan ko na nga ang mahalagang opportunity na inoffer niya sa akin kanina dahil sa frustration ko dahil sa nangyari. I’ve been worried the whole time sa kung anong gagawin niyang hakbang now that he saw me, so I forget about what he says.At iyon nga ang ibinahagi ko sa kanila ngayon."George wanted me to work with him for the second time and I think it would be a good opportunity sa mission natin na bumalik ako sa kaniya ulit," "What?""No, you can't,""You better not see him for the meantime, Anya,""We told you we don't sacrifice one's life para lang sa mission,"“That’s too dangerous Anya,”Ayan ang mga hinaing nila and I know that they understand kung anong gusto kong iparating. I sighed seeing their frustrated faces."What's with your reactions? Isn’t this a good opportunity for the
GELLAN Malakas na tugtog at hiyawan ang tanging maririnig sa bar ng Casino de Vara. Sa kabila ng maingay at magulong mga taong nagsasayawan sa paligid hindi nito magawang istorbohin ang isip ko na abala sa sa kakaisip sa Anya na iyon. Especially sa nangyari sa mansion kanina. “Kaya pala ang lakas ng loob niyang lumaban sa akin because she knows Dad.” Ginalaw ko ang shot glass ko nang paikot habang nakatitig dito. “Kahit ano pang koneksyon niya kay Dad sisiguraduhin kong makukuha niya pa rin ang rightful punishment that she deserves.” I tighten the grip in the wine glass as if I was throttling Anya to death. “Look who’s talking to himself, did losing makes you crazy?” Lam grabbed my wine at tinungga iyon. Pinanood ko siyang ubusin ang wine. Saan naman kaya siya nakakuha ng lakas ng loob para gawin ‘yan sa harapan ko. “Balita ko suspended ka sa arena. Alam mo bilib talaga ako kay Anya, biruin mo natalo ka niya. She must be really something. Actually, pinag-iisipan ko ng inbitahan
GEORGEI sipped my red wine devouring it until the last drop.“I can’t believe that she’s still alive!” I exclaimed.“Anong gagawin natin sa kaniya Boss?” my right-hand Dos asked.“Kakausapin ko muna si Black, siguradong magugulat siya kapag nalaman niya.” I dialed her number.Noong mag-ring ito ay sinenyasan ko ang tauhan ko na lumabas na agad naman nitong ginawa. She’ll be shocked once malaman niya na buhay pa rin si Evil. Ilang taon na namin siyang paulit-ulit pinagtangkaan na patayin pero lagi siyang nakaliligtas.“Yes, what is it?” she answered with her cold voice. I can also hear her accent noong sumagot siya.I picked up a dart and throw it into the dartboard before I reply.“Evil is alive,”I hear a shattered glass sound to the line.“Fuck that woman! Bakit ba hindi natin siya mapatay-patay. Saan mo nalaman na buhay pa siya?” there’s annoyance in her tone.“Gellan brings her here. Ang akala ko ay simpleng babae lang ang nakaaway niya sa UFightA that’s why I told him na parusah
ANYAHinila ako ni Gellan palabas ng kotse habang suot-suot ko pa rin itong mabahong black na tela sa ulo ko. I wonder kung ilan na ang nakapagsuot nito at kung buhay pa ba sila.Bigla akong napaluhod sa daan noong matisod ako sa matigas na bagay na nadaanan ko.“Seriously? Lampa ka ba o tanga?” inis niya akong hinila patayo.“Tss. Baka kasi may nakikita ako? Malay ko ba kung may bato sa daan,” inis ko rin na sagot.Maka-tanga e siya nga itong tanga, alam namang wala akong makita nagtatanong pa.“Tumahimik ka na lang puwede? Ang dami mong reklamo.” Lalo niyang binilisan ang paghila sa akin.Bwiset talaga.Narinig kong bumukas ang pinto.“Magandang umaga, Sir Gellan!” bati ng pamilyar na boses ng lalaki. Si Dos ba ‘yon? Iyong kanang-kamay ni George.“Where’s Dad?”Nakinig akong mabuti habang hinihila niya ako papasok ng bahay nila nang pag-usapan nila si George.“Nasa opisina siya ngayon. Maari ko bang itanong kung sino ‘yang babaeng kasama mo?” tanong nito na mukhang sumasabay sa pagl
KEO We are still in the middle of our meeting, ang plano sa pagkuha ng list ay pag-uusapan pagbalik nila Anya at Sue. Besides binigay ko na sa kanila ang ilang information about Yvon ang school registrar ng BU, malamang binibisita na nila ang kanilang target.Napag-usapan na rin kanina ang pagtuloy ng surveillance sa mga allies at kay George. Kailangan muna namin silang bantayan until may chance na kaming makuha para makalapit sa kanila, ilang araw pa lang naman noong magsimula kami pero inaamin kong medyo mabagal ang usad namin. Pero sa bilang ng mga impormasyon na nakuha namin ni Aji sa kabila ng mabagal na pag-usad pagdating sa surveillance mukhang bibigyan kami nito ng kasiguraduhan na we’re heading in the right way.“Von, ikaw na ang bahala kay George. Dapat may makuha na tayo sa kaniya, we need to know kung anong dahilan niya kung bakit niya tinayo ang BU. I’m sure there’s a greedy reason why he founded it, hindi niya iyon itatayo just to protect and provide educational institu
ANYA Nang makarating kami sa room kaunti pa lang ang mga estudyante, masyado pa yatang maaga dapat pala nakipagsampalan pa ako kay Crimson ng makita niya ang hinahanap niya. Nakakainis talaga ang babaeng ‘yon, ang aga-aga niyang manampal at maghamon ng away. Pasalamat siya hindi ko siya pinatulan ng tuluyan.Naisip ko rin kung may sense nga ba ‘yong ginawa ko kahapon o mas ginawa ko lang complicated ang plano naming mapalapit kay Gellan. Baka nga tama si Sue na hanggang seatmates lang kami. Pero ano pa ang magagawa ko? Nandito na ako sa situation na bunga ng ginawa ko. Bahala na nga.“Mamayang lunch na lang tayo mag-usap,” sabi ko kay Sue.Naghiwalay na kami nang tumango siya. Dumiretso kami sa kaniya-kaniya naming silya. Wala pa ang mga katabi ko sa upuan si Vivien lang at Tristan ang narito at sobra kung makatingin sa akin.“Bakit?” tanong ko nang makaupo sa silya ko. Nasa harapan ko ang upuan nila kaya nakalingon sila sa akin.“Kumakalat na sa private group chat ng university iton
SUE“Do you think nasa kaniya ang list?” tanong ko kay Anya.Nakatayo kami sa hagdan malapit sa registrar office, tanaw na tanaw namin si Yvon ang aming school registrar. Marami na kaming nalaman tungkol sa kaniya dahil sa background check na ginawa ni Keo, he sends the file a while ago kaya pumunta na agad kami rito to check her up.We’re standing here for almost 30 minutes at wala kaming napansin na tao sa opisina bukod sa kaniya, she’s just peacefully doing her job. Sabi rin ni Keo wala naman silang nakikitang tao na pumapasok do’n aside from her. Ginagamit nila ang spy cameras para bantayan siya simula noong paghinalaan ni Anya ang school registrar, which is the day of installment ng cameras, gano’n ka-agap ang taskforce namin.“Hindi ako sigurado kung nasa kaniya ang list, hindi lang naman siya ang suspected employee natin na posibleng may hawak ng list. But she’ll be the first target,” sagot ni Anya.Maraming school employees ang puwedeng magtago noon, there’s a possibility na h
VON“Anong balita Aji, mga ally ba talaga ni George ‘yong tatlong ‘yon?” tanong ko. Nasa tapat lang siya ng table ko habang busy sa pagbuklat ng mga files sa lamesa ni Keo pero hindi man lang niya ako sinagot.“Aji kinakausap kita, sumagot ka naman sayang ‘yong laway mo,”Bigla akong nag-freeze no’ng tingnan n’ya ‘ko ng masama. Bakit ba ganito ang mga babae, ang aga-aga ang susungit. Paano kaya nakakayanan ni Keo ang ugali ng asawa n’ya.“H’wag mong guluhin ang asawa ko Von, maghanap ka ng sarili mong asawa nang may kausap ka naman,”At nang-iingit na naman siya. Wala talagang magawang matino.“Hoy Keo may mahal na akong ibang babae, mas maganda at cool pa kaysa kay Aji. Alam mo kung nagseselos ka naiintindihan ko naman, ‘di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa’yo.” Iniwas ko naman ang binti ko nang sipain n’ya ako.“Oh teka nagbibiro lang ako,” sambit ko sabay tawa. Napaka bilis niya talagang mapikon.“Tss, alam nating hindi biro ‘yong una mong sinabi. Mag-move on ka na sa kani
ANYANaging maayos ang practice game ng soccer team kahapon, wala naman kaming na-encounter na gulo ni Sue mula kay Gellan. Hindi ko nga lang maitatanggi na sobrang sama ng aura n’ya kahapon, feeling ko nga kung pinatulan ko pa ang mga matalim n’yang tingin during the soccer game sisipain n’ya ulit ang bola papunta sa mukha ko.Napapaisip tuloy ako kung anong binabalak ni Gellan ngayong araw against sa akin, sa ilang araw na magkaaway kami alam kong nangangati na siyang gumanti. Pero bago ko siya problemahin uunahin ko muna ang pagbisita ko ngayon kila Mama at Papa.Halos ilang minuto na rin kaming nasa biyahe ni Sue patungo sa Cavite Divisional Jail kung saan nakakulong ang mga magulang ko, maaga pa naman kaya hindi kami mahuhuli sa klase. At kahit hindi pa visiting hours ngayon dahil maaga pa maaari na kaming bumisita ni Sue dahil kinausap na ni Von ang namamahal sa kulungan.“Hindi ba natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa mission at NCC?” tanong ni Sue. Abala siya sa pagmamaneho