Home / All / Lost and Found Love / Chapter 5 : WOMENS GEN.

Share

Chapter 5 : WOMENS GEN.

Author: M.F. Ocmer
last update Last Updated: 2021-07-21 09:10:17

Araw ng linggo. Napagisipan ko sanang maglakad-lakad pagkatapos kong malabhan ang mga uniporme at ibang mga marurumi kong damit kanina dahil day-off ko naman ngayon. Kahapon rin naman ngunit naubos ang oras ko sa kakabasa ng libro at paggawa ng assignments, dagdag pa na nakatulog ako ng bandang dapit hapon at paggising ko ay gabi na.

Ngunit heto ako, nag-aayos ng sarili dahil nakikisuyo si Angel na ihatid ko siya sa foundation nila dahil sa isang special event. Siyempre sino ba naman ang makakatanggi kapag ang isang Angelica Esprerro na ang humingi ng pabor. Gusto rin kasi raw niyang makita ko ang foundation nila.

Paglabas ko at pagtungo sa kanilang main sala ay nandoon na nga siya at naghihintay. Nakasuot ng hanggang tuhod na gold dress na napakasakto ang hapit sa kaniyang katawan. Ilang segundo rin akong napatitig sa kaniya at hindi mapigilang mapahanga sa kaniyang ganda.

Naramdaman kong medyo nailang siya kaya nag iwas ako ng tingin. I let out a  forced cough to break the awkward silence.

"Let's go," pinauna ko na siyang lumabas at tahimik lang akong naglakad sa likuran niya.

WELCOME to Women's Generation 2nd Founding Anniversary, basa ko sa napakalaking tarpaulin na nakabalandra sa mismong entrada ng covered court ng Brgy. Pandacan.  Bukod sa mga busy'ng staff na agad mong makikilala dahil sa suot nilang polo shirt na kulay violet na may maliit na bilog sa bandang kanang dibdib, ay ang mga taong halatang mayayaman batay sa mga suot nilang designer clothes at mamahaling alahas. Mga bisita marahil ang mga ito, mga kaibigan nina Ma'am Vina at Sir Leon.

Hindi ko mawari bakit may kakaiba akong nararamdaman kapag napapatingin ako sa mga staff. Parang may pamilyar sa kanila.

Hindi nagtagal nang pumasok kami ay nagsimula ang opening ng program. It started with a prayer, then opening remarks from the founder, none other than Mrs. Vina Astria-Esprerro.

Habang nagsasalita siya, tungkol sa mga pinagdaanan ng organisasyon, paano sila nagsimula at hanggang ngayon na patuloy pa rin sila sa serbisyo, ay eto ako,  nanonood sa mga staff na busy sa paghahakot ng mga karton na hindi ko alam anong laman.

Sa labas naman kung saan may mahabang mesa ang nakapuwesto ay tanaw ko ang iba na abala rin sa paghahanda ng mga pagkain. Para sa mga bisita at para sa mga residente dito, na na inimbitahan nila para sa feeding program.

Base sa naobserbahan ko, dahil hindi naman ako nakinig mabuti sa mga speakers na nagsalita akanina sa stage, ang Women's Generation ay ang main organization ng foundation. Binubuo ito ng mga kababaihan na ang pangunahing layunin ay suportahan ang mga kapwa kababaihan sa iba't ibang aspeto.

Meron silang mga livelihood programs na naglalayong makatulong sa mga kababaihang gustong kumita ng pera. Meron din silang mga motivational programs, para sa mental at emotional health.

Lahat ng iyan, nalaman ko lamang sa pag-oobserba ko dito.

Pagkatapos ng opening program ay proceed na sa main goal ng special event na ito. Ang pagtulong sa kapwa.

Hindi nakapagtataka kung bakit maraming mamamayan ang nagmamahal at humahanga sa pamilya Esprerro mula sa iba't ibang lugar dahil sa kabutihang taglay nila.

Hindi lang sila busy sa pagpaparami ng kayamanan kundi naglalaan talaga sila ng pagod at oras sa pagbabahagi ng kanilang blessings.

Nangunguna si Ma'am Vina sa harapan sa pagbibigay ng pagkain sa mga taong nakapila na sa harap ng mahabang mesa. Sa tabi niya ay ang kaniyang supportive na asawa, si Sir Leon, na umabsent pa talaga sa opisina upang suportahan ang asawa niya sa araw na ito. Nasa kabilang side na niya rin siyempre, ang unica hija, si Angel.

Of course ang importanteng bisita ay may nakalaang eksklusibong lamesa na para sa kanila na ngayo'y pinagsisilbihan na ng mga staff sa pamamagitan ng pag-serve ng pagkain at inumin.

Habang ako ay pasimpleng lumapit sa likuran ni Ma'am Angel para magtanong kung ano ba ang maitutulong ko. Simula kasi ng dumating ako dito nang ihatid siya ay panay pag-oobserba lang ang ginagawa ko dahil hindi ko naman alam ang gagawin.

Sinabihan nga niya ako kanina na puwede na akong bumalik ng mansyon para makapagpahinga ngunit pinili kong manatili muna rito.

Ngayo'y nakaramdam naman ako ng hiya dahil ako lang yata ang hindi abala ngayon. Maski mga amo ko nga ay busy at nangunguna sa pagasikaso sa mga gawain.

"Excuse me, Angel," marahan ko siyang kinulbit mula sa likuran, "may maitutulong ba ako?" napaharap siya sa akin matapos iabot sa isang ginang ang pagkaing naka-packed.

"It's okay, Theo. Malapit na namang matapos. Nakakahiya sayo, dapat ay day-off mo ngayon. Hintayin mo na lang ako sa saglit at maglu-lunch na rin tayo."

"Pero nakakahiya naman, Angel. Baka pagod ka na, pwede naman akong tumulong para mabilis matapos."

Napalingon kami sa likod ng may dumating na van.

Agad nagsilapitan ang ilang staff na isa-isang inabutan ng mga karton na kanilang hinakot papunta rito sa court.

"Hmn, okay, if you insist, pero pwede hindi dito? Pakitulong na lang doon sa kakarating na van sa paghakot ng karton. Mas kailangan nila roon. Okay lang ba?"

"Oo naman. Sige, tulungan ko lang sila." Lumapit ako sa van at agad akong inabutan ng lalake sa loob ng isang karton na hindi naman kabigatan. Nang tinanong ko ang isang babaeng kasama ko sa paghahakot ay mga damit at konting kagamitang pangbahay lang daw ang laman nito na ipamimigay sa mga residente.

Mga ilang hakutan rin ang nagawa ko bago naubos ang laman ng van. Bahagyang hinihingal muna akong umupo ako sa isang upuan na nakita ko malapit sa isa sa mga poste nitong covered court. Nakatingin lang ako habang sinarado na ang van at paandarin ng driver ang makina. Ipa-park siguro ng maayos dahil nakaharang ito sa daraanan.

Pag atras ng sasakyan at pagliko nito ay bumalandra sa paningin ko ang kabilang side nito kung saan may napakalaking bilog ang makikitang naka-imprenta dito. Kulay gold ang gilid at sa loob ay 'tila silhouette ng babae sa tabi ng kulay gold pa 'rin na may halong purple na letrang W at G. Sa ibaba ay nakasulat ang Women's Generation. Ang logo ng organisasyon.

Doon lang sumagi sa isip ko kung bakit 'tila may pamilyar akong nararamdaman tuwing naoaptingin sa uniporme ng mga staff. Bukod nakaimprenta rin sa kanang bahagi ng dibdib ang nasabing logo, ay sigurado akong nakita ko na rin ito noon.

Dalawang taon ang nakalipas.

Related chapters

  • Lost and Found Love   Chapter 6 : YACHT

    Medyo magulo ang madadatnan pagpasok ng classroom ng fourth year-Rizal.Ito'y dahil tapos na ang klase, at ako bilang isa sa mga estudyante dito ay wala na kaming importanteng dapat atupagin bukod sa pag-eensayo para sa darating na pagtatapos.Since hindi pa dumarating ang adviser naming si Mrs. Agustin, ay makikitang kaniya-kaniyang trip ang aking mga kaklase sa apat na sulok ng classroom na ito.Mayroong kumakain ng mga tsitsirya sa isang gilid, meron ding talagang ang baong pananghalian na ang nilalantakan. Nakakatawa lang dahil ang aga aga pa naman. Siguro hindi 'to nag-almusal kanina.Naroon din sa isang sulok ang ilang kababaihan, na tahimik na nakaupo at may kaniya-kaniyang librong hawak. Isa na roon si Marie na talaga namang napakahilig magbasa ng libro. Walang araw ang makikita

    Last Updated : 2021-09-28
  • Lost and Found Love   Chapter 7 : CONVERSATION

    "Sige brad, una na 'ko sa inyo," pagpapaalam ko kina Maki at Luke, ang mga bagong kaibigan ko dito sa Colton University. Kagagaling namin sa malapit na cafe kung saan ay pinag-usapan namin ang gagawin sa isang activity na magkaka-grupo kami.Nakita kong pinuntahan nila ang kani-kanilang sasakyan at pinaharurot palabas ng gate.Buti na lang ay allowed na makalabas ng campus ang mga estudyante kapag may vacant time. Dalawang oras pa bago ang susunod kong subject kaya napagdesisyunan kong bumalik muna sa mansyon dahil kailangan ko ring kunin ang isang libro kong naiwan na kakailanganin ko mamaya.Nagpaalam ako kay Angel nang makasalubong ko siya sa may corridor kanina at siyempre, kasama ang bestfriend niyang si Anna. Pumayag naman ito at sinabing wala namang prob

    Last Updated : 2022-02-19
  • Lost and Found Love   Chapter 1 : MOVING ON

    "CONGRATULATIONS in advance..." narinig kong sabi niya kapagkuwa'y naramdaman kong inihilig niya ang kaniyang ulo sa aking balikat kasunod ng pag-upo niya sa tabi ko.Nakaupo kami sa isa sa mga upuang kahoy sa labas ng aming bahay. Hinawakan ko ang malambot niyang kamay."Ako dapat ang nagsasabi niyan sa 'yo..." Then I heard her giggle."You're silly. Of course, we both deserve it, we all deserve it. Finally! High school is over. Only four years left to college, and," she paused, then made me face her, "you know what that means?" she continued with raised eyebrows and a tea

    Last Updated : 2021-07-21
  • Lost and Found Love   Chapter 2 : MOTIVATION

    I MUST say that this was where and when it all begun.It started with me entering the high iron gates which painted an alternate of two colors – violet and gold. Two colors that represented elegance, and most of all – power.Hindi ko pa man nararating ang mansion dahil naglalakad pa lamang ako sa mahabang driveway patungo rito ay kita ko na kung gaano ito kalaki.Yes, I grew up most of my teenage life on the countryside but I was not ignorant with this kind of thing. I'm not clueless before I got myself here about how rich and powerful this clan was.Panting a bit, I reached the entrance of the mansion. Like the gates, the exterior also had the color that represented the highest class location in society

    Last Updated : 2021-07-21
  • Lost and Found Love   Chapter 3 : ANGEL

    "WHAT'S your motivation in life?"Napakunot ang noo ko. Napaka out-of-nowhere naman na tanong."Anong nakain mo? Ba't bigla bigla ganiyan ang tanong mo? May sakit ka ba?" tanong ko sa kadarating lang na si Marie na prente ng nakahiga sa sofa habang nagpi-pindot sa remote ng TV at naghahanap ng channel.Kasalukuyan akong busy at nagsasagot ng mga assignment ko. Tapos na sana ito kagabi kung hindi lang ako medyo nahirapan. 'Di kagaya ng isa riyan, walang kahirap hirap lang na sinagutan ito kagabi.Nakita kong napasimangot siya. "Hindi mo pa ba nababasa sa assignment? Isa kaya 'yan sa mga tanong na dapat nating sagutin."

    Last Updated : 2021-07-21
  • Lost and Found Love   Chapter 4 : FIRST DAY

    Colton University.Gamit ang magkahalong kulay ng pinturang asul at puti ay nakapinta ng pagkalaki-laki ang mga letra ng pangalan ng paaralang ito sa pinakaunang building na madadatnan mo pagkapasok ng mataas na gate. Nang iparada ko minamanehong sasakyan sa nakalaang parking lot, mapapansin din ang dami ng sasakyan na nakahilera dito. Mayayaman ba naman ang mga nag-aaral dito.Inaasahan ko na kung gaano kalaki ang paaralang ito dahil unang-una siyempre, dito nag-aaral ang isang Angelica Esprerro. Kaya isang napakalaking prebilihiyo na rin sa akin ang pagtatrabaho sa kanila dahil mararanasan ko ang makapag-aral sa ganito ka prestihiyosong paaralan. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko ito sasayangin dahil ito ang hagdan ko sa pagtupad ng aking mga naudlot na pangarap.Pagkababa

    Last Updated : 2021-07-21

Latest chapter

  • Lost and Found Love   Chapter 5 : WOMENS GEN.

    Araw ng linggo. Napagisipan ko sanang maglakad-lakad pagkatapos kong malabhan ang mga uniporme at ibang mga marurumi kong damit kanina dahil day-off ko naman ngayon. Kahapon rin naman ngunit naubos ang oras ko sa kakabasa ng libro at paggawa ng assignments, dagdag pa na nakatulog ako ng bandang dapit hapon at paggising ko ay gabi na.Ngunit heto ako, nag-aayos ng sarili dahil nakikisuyo si Angel na ihatid ko siya sa foundation nila dahil sa isang special event. Siyempre sino ba naman ang makakatanggi kapag ang isang Angelica Esprerro na ang humingi ng pabor. Gusto rin kasi raw niyang makita ko ang foundation nila.Paglabas ko at pagtungo sa kanilang main sala ay nandoon na nga siya at naghihintay. Nakasuot ng hanggang tuhod na gold dress na napakasakto ang hapit sa kaniyang katawan. Ilang segundo rin akong napatitig sa kaniya at hind

  • Lost and Found Love   Chapter 4 : FIRST DAY

    Colton University.Gamit ang magkahalong kulay ng pinturang asul at puti ay nakapinta ng pagkalaki-laki ang mga letra ng pangalan ng paaralang ito sa pinakaunang building na madadatnan mo pagkapasok ng mataas na gate. Nang iparada ko minamanehong sasakyan sa nakalaang parking lot, mapapansin din ang dami ng sasakyan na nakahilera dito. Mayayaman ba naman ang mga nag-aaral dito.Inaasahan ko na kung gaano kalaki ang paaralang ito dahil unang-una siyempre, dito nag-aaral ang isang Angelica Esprerro. Kaya isang napakalaking prebilihiyo na rin sa akin ang pagtatrabaho sa kanila dahil mararanasan ko ang makapag-aral sa ganito ka prestihiyosong paaralan. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko ito sasayangin dahil ito ang hagdan ko sa pagtupad ng aking mga naudlot na pangarap.Pagkababa

  • Lost and Found Love   Chapter 3 : ANGEL

    "WHAT'S your motivation in life?"Napakunot ang noo ko. Napaka out-of-nowhere naman na tanong."Anong nakain mo? Ba't bigla bigla ganiyan ang tanong mo? May sakit ka ba?" tanong ko sa kadarating lang na si Marie na prente ng nakahiga sa sofa habang nagpi-pindot sa remote ng TV at naghahanap ng channel.Kasalukuyan akong busy at nagsasagot ng mga assignment ko. Tapos na sana ito kagabi kung hindi lang ako medyo nahirapan. 'Di kagaya ng isa riyan, walang kahirap hirap lang na sinagutan ito kagabi.Nakita kong napasimangot siya. "Hindi mo pa ba nababasa sa assignment? Isa kaya 'yan sa mga tanong na dapat nating sagutin."

  • Lost and Found Love   Chapter 2 : MOTIVATION

    I MUST say that this was where and when it all begun.It started with me entering the high iron gates which painted an alternate of two colors – violet and gold. Two colors that represented elegance, and most of all – power.Hindi ko pa man nararating ang mansion dahil naglalakad pa lamang ako sa mahabang driveway patungo rito ay kita ko na kung gaano ito kalaki.Yes, I grew up most of my teenage life on the countryside but I was not ignorant with this kind of thing. I'm not clueless before I got myself here about how rich and powerful this clan was.Panting a bit, I reached the entrance of the mansion. Like the gates, the exterior also had the color that represented the highest class location in society

  • Lost and Found Love   Chapter 1 : MOVING ON

    "CONGRATULATIONS in advance..." narinig kong sabi niya kapagkuwa'y naramdaman kong inihilig niya ang kaniyang ulo sa aking balikat kasunod ng pag-upo niya sa tabi ko.Nakaupo kami sa isa sa mga upuang kahoy sa labas ng aming bahay. Hinawakan ko ang malambot niyang kamay."Ako dapat ang nagsasabi niyan sa 'yo..." Then I heard her giggle."You're silly. Of course, we both deserve it, we all deserve it. Finally! High school is over. Only four years left to college, and," she paused, then made me face her, "you know what that means?" she continued with raised eyebrows and a tea

DMCA.com Protection Status