Share

Kabanata 6

Penulis: LaAiraMae
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-12 08:14:57

Sa pagkagat ng dilim ay baon ko ang lahat ng hinanakit at sama ng loob. Tulala akong nakaupo sa aking katre habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod.

Nawalan ng halaga ang aking buhay simula ng mangyari ang aksidente. Galit silang lahat sa akin, tanggap ko iyon. Pero hindi ko matanggap na pinutulan na rin nila ako ng karapatan para sa sarili ko.

Binuksan ko ang bintana sa tabi ng aking katre. Agad na bumungad sa akin ang malamyos na hangin na para bang may binubulong. Ang buhay ko ay para na ring kadiliman, kagaya nito ay wala akong makitang kinabukasan para sa akin. Hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ko pagsisisihan ang nangyari?

Lord, hiniling kong parusahan mo ako para mapatawad nila ako pero bakit hindi nila matanggap ang pagkakamali ko? Hindi ko naman ginusto ang nangyari.

Wala ako sa sarili nang dahan-dahan akong umapak sa sahig na semento. Ramdam ko ang gaspang nito sa aking yapak. Binuksan ko ang pintuan at agad akong sinalubong at niyakap ng lamig. Lalo akong naakit sa kanyang bulong at tuluyang lumabas patungo sa sunog na bahay namin. Inikot ko ang aking paningin at naaaninag ko ang mga lubid na nakasabit sa may bubungan.

Umapak ako sa kahoy na nakapatong sa gitna. Hinawakan ko ang lubid at dahan-dahang itinali iyon at inilagay sa aking leeg.

Sana mapatawad niyo ako!

Bago ako mawalan ng malay ay tumama sa akin ang sinag ng flashlight.

Akala ko ay magiging malaya na ako. Akala ko ay makakatakas na ako at kakalimutan na lang nila ang nangyari.

Mali pala ako dahil pagmulat ng aking mata ay agad na bumungad sa akin ang galit na mukha ni nanay. Wala akong nakitang pag-aalala kundi galit.

"Nay!" sambit ko at muling humagulgol.

Nakaalalay siya sa aking katawan habang nakahiga sa malamig na semento. Sa tabi niya si tatay na nakatunghay sa akin at ang iba pa naming kamag-anak.

"Sana hinayaan mo na lang akong mamatay...Gusto ko nang mamatay nay, araw araw akong inuusig ng konsensiya ko dahil sa nagawa ko,” sumbong ko sa kanya sap ag-asang mapatawad niya ako.

"Hindi ka pwedeng mamatay, mabubuhay ka at sisisihin mo ang sarili mo. Hindi kami nagagalit sa'yo dahil nakagawa ka ng kasalanan, gusto namin ng tatay mo na maging matatag ka at itama mo ang pagkakamali mo.” Mas lalo akong umiyak dahil sa sinabi ni nanay.

"Patawad nay!"

Buong araw na sumagi sa isipan ko ang sinabi ni nanay. Hindi ko mawari kung nag-aalala ba siya sa akin o gusto niya lang mabuhay ako para maramdaman ko ang parusa ng nagawa kong kasalanan.

Patawarin niyo ako!

Kinabukasan ay sumama ako kay tatay sa bukid. Kailangan kong tumulong sa kanya kaysa daw magmukmok ako at maisipan ko na namang magpakamatay. Ito raw ang parusa nila sa akin, ang magtrabaho sa bukid.

Oo inaamin kong duwag ako dahil sinubukan kong takasan ang kahihiyang ginawa ko. Siguro ay hindi iyon ang parusang dapat na harapin ko.

Kinahapunan ay sinama ulit ako ni tatay para maghatid ng uling. Isang sako ang buhat ko sa balikat at nahihiya pa ako dahil madadaanan namin ang paaralan na pinapasukan ko at saktong uwian na. Nag-iisang High School lamang ito sa buong isla kaya't medyo malaki laki rin ang populasyon ng mga estudyante.

"O, ba't ka tumigil?” tanong ni nanay na nakasunod sa aking likuran habang pasan ang dalawang sako. Nauna na si tatay sa amin dahil mas marami ang kanyang dala.

Ayokong sabihin kay nanay na nahihiya akong dumaaan at makisabay sa mga estudyanteng palabas. Mas lalo pang dumami ang mga estudyante at hindi na kami nakaalis ni nanay dahil makipot ang daanan at may dumadaan din sa pwesto namin.

Nakatingin ang ibang mga estudyante sa akin, gumilid lang ako at hindi pinansin iyon.

Sampung minuto yata kaming nakaupo roon ni nanay sa gilid habang inaantay na maubos ang mga estudyante dahil mahirap makisabay sa mga naghaharutan.

"Charlotte?" Napalingon ako nang marinig ang tawag ng aking adviser.

"Good afternoon maam!" Nahihiya ko pang bati sa kanya at tumayo.

"Kumusta ka na?" Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata

"Okay lang maam," malungkot akong ngumiti.

Alam ng lahat na ganito ang trabaho namin kaya't sana'y na ako pero minsan ay hindi ko maiwasang atakihin ng hiya. Naiinggit ako sa ibang mga kaedad ko na hindi nakakaranas ng ganitong hirap.

Isang buwan na kaming di nagkikita at alam kong narinig niya ang nangyari kaya't hindi ko alam kung paano siya harapin lalo pa't ganito ang sitwasyon ko. Kung sana ay nakapagtapos si nanay at tatay sa pag-aaral ay hindi sana ganito ang buhay namin. Pero hindi ko sila masisisi kung ganito lang ang buhay na kaya nilang ibigay.

“Magandang hapon nay!” bati niya kay nanay

"Magandang hapon din maam!” mahinang tugon ni nanay.

"Titigil na ba talaga si Charlotte? Pwede naman siyang humabol sa mga test nay, sayang naman at dalawang buwan na lang magtatapos na siya ng High School. Sayang talaga kapag tumigil siya,” pangungumbinsi ni maam kay nanay. Sinulyapan ko si nanay at hinintay ang kanyang sagot

Sa loob-looban ko ay laking pasalamat ko na kusang binuksan ni Maam ang ganitong usapin sa aking nanay dahil iyon naman talaga ang gusto ko. Alam kong nagdesisyon na siyang patigilin ako pero sana ay bigyan niya ako ng pagkakataon.

"Sige maam" iyon lang ang sagot ni nanay at nagpaalam na rin si Maam Flores. Lalo akong pinanghinaan dahil sa kanyang sagot.

Hindi ko pinansin si nanay hanggang sa makauwi kami ng bahay.

Kinagabihan ay nakita ko siya sa balkonahe kaya't lumapit ako sa kanya. Naramdaman niya ang aking paglapit dahil lumingon siya sa akin.

"Si Leila nay wala kayong balita?” Sinubukan kong buksan ang usapan tungkol sa nawawala kong kapatid.

Nagtataka rin ako kung ano nang nangyari kay Leila. Noong una ay galit ako sa kanya dahil hindi siya nagpakita pero nangingibabaw pa rin sa akin ang pagiging kapatid. Isang buwan na ang lumipas at hindi ko maiwasang mag-isip na may masamang nangyari sa kanya.

"Huwag mo nang hanapin ang wala,” nagulat ako sa kanyang sinabi.

Alam kong may malasakit siya sa amin pero hindi ko alam kung bakit wala silang ginagawang aksiyon para alamin kung anong nangyari kay Leila.

"Nay gusto kong mag-aral ulit,"

Ilang segundong dumaan ang katahimikan bago niya ako tinipunan nang matalim na tingin. Alam ko na agad ang iniisip niya.

"Aayusin ko na po nay, iiwasan ko na si Sander," kahit masakit gusto ko pang idagdag. "Payagan niyo lang ako ni nanay na mag-aral ulit. Pagdating ko sa hapon ay tutulong ako sa inyo sa bukid," pinilit ko pa siyang kumbinsihin.

Kahit naiinggit ako sa mga kaklase ko ay gagawin ko ang lahat para mapatunayan kay nanay at tatay na hindi sila nagkamali sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon.

Gagawin ko ito para makapagtrabaho at para makaalis ako dito sa bukid. Hahanapin ko si Leila at babawi ako kay Celestine.

Ang dami ko pang nais sabihin kay nanay. Gusto kong sabihin sa kanya na nais ko silang iahon sa hirap ngunit sa huli ay pinili kong manahimik. Sino ba naman ako? Hindi naman ako ang paboritong anak, pero minsan hindi ko maiwasang mag-isip kung anak ba talaga ako ni nanay.

Siguro nga hanggat wala akong napapatunayan sa kanila ay hindi nila ako pagkakatiwalaan.

Kinagat ko ang aking labi. Pinigil ang hikbi.

Huwag kang mag-alala nay, balang araw ay makikita mo... papatunayan ko sa inyo!

Bab terkait

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 7

    "Cha," tulala akong nakasandal sa bintana nang tinawag ako ni Rita. Tumabi silang dalawa ni Andra sa akin sa pag-upo. Pagbaling ko sa kanya ay iniabot niya ang mga notes niya sa akin. Nakausap ko si Maam Flores at ang iba ko pang subject teacher at bibigyan nila ako ng time para makapag review sa special test bukas. Sa hina ng utak ko ay sigurado akong hindi ko rin maipapasa iyon. Buti at nandito si Rita at binigyan ako ng pointers para daw di ako mahirapan. Kanina pagpasok ko pa lang sa gate ng school namin ay agad na nakatingin ang mga estudyante sa akin na para bang di kapani-paniwala na bumalik ulit ako sa pag-aaral. Mabuti na nga lang at nakuha ko ang loob ni nanay at pumayag pa siya sa akin. "Cha.. galinga mo ahh, para ma perfect mo ang exam,” pasaring ni Arnold sa akin. Gusto ko mang mag-pokus pero kung ganito ka-epal ang mga kaklase ko ay wala na talagang pag-asa. "Wag niyong isrtorbohin si Cha, seryoso pa naman yan,” dagdag pa ni Edison. Napapailing na lang ako. Walang m

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-11
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 8

    Dire-diretso kong tinahak ang mapunong daan papunta sa amin. Malapit nang dumilim kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Hindi dilim ang kinakatakutan ko kundi ang galit ni nanay at tatay sa akin. Bantay-sarado na nila ako dahil sa nangyari. Natigil ako sa aking paglalakad at napahiyaw nang may humablot sa akin papasok sa mapunong bahagi. Bigla akong binundol nang kaba ngunit agad ding napawi sa aking nakita. Nanlalaki ang mata ko nang harapin ako ni Sander. Ang akala ko ay masamang tao na ang humablot sa akin. Agad akong pumiglas sa kanyang hawak. Ramdam ko ang tusok ng mga mga maliliit na sanga at talahib sa aking balat. "Ano ba! Ba’t bigla-bigla ka na lang nanghihila? Nakakagulat ka naman akala ko kung sino na,” nandidilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib. Inis na inis ako dahil sa paghila niya sa akin. "Cha naman eh, huwag mo na kasi akong iwan.” Hindi na ako nagpumiglas nang hinawakan niya ako. Inaamin kong gusto ko ang pakiramdam ng kanyan

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-16
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 9

    Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras. Narinig ko ang pagtawag ni Andra. "Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin. Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagboboyfriend naming magkakapatid. "Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya. Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda. "Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school. Hindi ako sumagot kay An

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-18
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 10

    Ilang segundo akong nakapikit. Tahimik na ang paligid at tanging ang ihip ng mahinahong hangin ang aking naririnig. Dahan-dahan kong pinahid ang butil ng luha sa aking pisngi. Hinugot ko ang aking hininga saka lumingon. Wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko naramdaman ang kanyang pag-alis. Iniisip ko pa lang pero hindi ko kayang tuluyan na niya akong sukuan. Pilit kong iwinaksi sa isipan ang nangyari. Kailangan ko nang umuwi. Mabigat ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Dire-diretso akong naglakad nang may masalubong akong lalaking tumatakbo. Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya nagkabanggan kaming dalawa. "Ahh!" Naibulalas ko dahil sa pagkabigla. Napangiwi ako sa sakit nang pareho kaming natumba. Gumulong kaming parehas at ramdam ko agad ang hapdi ng aking siko at paa. Iniinda ko pa ang sakit nang bumangon siya at pupung

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-19
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 11

    Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon. Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton. "Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit. Tiningnan ko ang kuko kung natamaan buti na lamang at hindi natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala. Hindi k

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-20
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 12

    Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako. "Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito. "Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra. "Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte," Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita. "Balita ko

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-21
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 13

    Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-22
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 14

    Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-23

Bab terbaru

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 29

    Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 28

    Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 27

    Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 26

    Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 25

    Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 24

    Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 23

    Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 22

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 21

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin

DMCA.com Protection Status