Kabanata 87“Arya…”"Jam, mauna ka na muna sa sasakyan. Susunod na lang ako sa'yo,” malamig na sambit ni Arya. Rinig na rinig niya ang pagtangis ng kaniyang dating asawa."Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Jett.Tumango si Arya. "I just need to talk to him…privately. I hope you won't mind. Don't worry, I'm fine. I'll be fine." Hinawakan niya ang kamay ni Jett."Call me when something happens. Call me when you need me.” Tinapunan ni Jett nang masamang tingin si Damon. Nakayuko pa rin ito habang nakaupo sa tiles at tuloy sa pag-iyak.“I will," Arya assured.Nag-aalangan man, iniwan ni Jett si Arya. May tiwala naman siya rito pero hindi pa rin mawala ang kaniyang pag-aalala.Marahang hinarap ni Arya si Damon. She cleared her throat. “Speak," matipid niyang pahayag.Huminto sa pag-iyak si Damon. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at saka inayos ang kaniyang hitsura. Mabilis siyang tumayo. Naglalakad na siya palapit kay Arya nang bigla itong nagsalita.“Stop right there. Don’t come
Kabanata 88 Maingat na ibinaba ni Jett si Arya sa kama nito. Dinala niya ito sa bagong condo unit nito na hindi kalayuan sa unit niya. Nang malaman niya kasing nag-acquired ng unit si Arya sa Thompson’s Residences ay agad-agad din siyang bumili ng unit mula sa mga Thompson. Mabuti na lang at madali niyang nakita ang keycard sa bag nito bago pa man siya magmaneho palayo sa presinto kung saan nila dinalaw si Damon. Kinumutan ni Jett si Arya. Tulog na tulog pa rin ito. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan. Napapalunok siya habang pinagmamasdan ang natutulog na si Arya. “She's still a goddess even when she's asleep," Jett whispered. Mapait siyang napangiti. Maingat niyang idinampi ang kanan niyang kamay sa mukha ni Arya. “Babe…” Mabilis na inalis ni Jett ang kaniyang kamay nang biglang gumalaw si Arya. Akala niya ay magigising na ito pero muli itong bumalik sa pagkahimbing. Napangiti siya. "You still send shivers over my body, Arya Armani. I still get nervous whenever you're around…whe
Kabanata 89 “Make a new invitation and send it to all the guests. I want all the elites to be present tomorrow night. Change the venue and make everything almost perfect. Also, call the press and make a formal announcement,” Jett ordered as he maneuvered his car. [“Okay, Sir Jett. I will do all of it A.S.A.P. Before I forget, am I going to send a new invitation to the Waltons? How about Don Armani?"] “Don Armani, yes. For the Waltons, I will personally invite them but a soft copy of the invitation will do. Send it to their email once you're done. They don't need to have an invitation because they are the stars of that night.” Ngumiti nang nakakaloko si Jett bago niya iniharurot ang sasakyan. Patungo siya ngayon sa mansyon ng mga Walton. "Oo nga pala. Nagpa-follow up pa ba si Denver Walton regarding sa pinakamalaki nating project bidding sa taong ito?” ["Wait po. I'm going to check it first.”] "Okay.” Napatingin si Jett sa mapa sa screen. "Malapit na ako sa mansyon nila.” ["Sir, h
Kabanata 90 “Lianne, did you send it already?” Jett asked as he entered his office. "Yes, sir. I already did. In fact, may reply na po agad ang mga Walton. Sure na po ang attendance nila tomorrow night because Denver won the bidding of our project in L.A. They also want to meet you in person para raw po makapagpasalamat sila,” mabilis na tugon ni Lianne. Hinubad ni Jett ang kaniyang coat bago umupo sa kaniyang trono. Napatawa siya nang mahina. “At talaga palang paniwalang-paniwala sila na ibibigay ko sa kanila ang biggest project natin sa L.A. Hindi ba sila nahihiya sa kanilang mga sarili? Denver submitted a trash. Mas magaling pa ngang gumawa ng business proposal ang pamangkin kong si Yael sa kaniya!” Muli siyang natawa. "Masyado nga pala talagang mataas ang tingin nila sa mga sarili nila. Well, excited na akong makita ang mga hitsura nila kapag nalaman nilang hindi talaga sila ang nanalo sa bidding. At mas lalo akong nasasabik sa magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang ako ang
Kabanata 91“Ma’am Arya, mabuti po at dumating na kayo." Malalaki ang mga hakbang ni Arya habang binabaybay niya ang daan patungo sa kaniyang opisina. "Nando’n pa ba sila?” tanong niya sa isa sa mga mata niya sa loob ng kaniyang kumpanya.“Opo, ma’am. Pinag-aalis po nila ang mga gamit niyo sa mesa. Maging ang kaisa-isang litrato niyo kasama ang inyong mga magulang."Napahinto si Arya sa paglalakad. Nilingon niya ang kaniyang empleyado. “Tama ba ang narinig ko? Pinakialaman nila ang family photo namin?" Bakas na bakas na ang matinding galit sa kaniyang mukha.Marahang tumango ang babaeng empleyado.Mariing ikinuyom ni Arya ang kaniyang mga kamay.“May mga bagong hired din pong mga staffs na nag-resign dahil po sa ipinakitang kamalditahan ni Miss Mariz."Kasabay ng pagkunot ng noo ni Arya ang pagtaas ng dalawang kilay niya. ‘What happened to Mariz? She's not that kind of person. Ang kasama niya bang babae ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nagbago? Hindi ko maintindih
Kabanata 92“Panindigan mo kami ng anak mo, Xavier!”"Hindi ako naniniwalang anak ko ang dinadala mo. Walang nangyari sa atin, Marissa!”Tumawa nang malakas si Marissa. “Walang nangyari? We woke up nakéd next to each other. Anong ginawa natin no’ng gabing ‘yon, Xavier? Nagpatintero? Nag jack en poy?" sarkastikong sambit niya.Umiling si Xavier. “Hindi kita gusto at mas lalong hindi kita mahal kaya imposible ang sinasabi mong pinatulan kita. I don't even remember anything! Sigurado akong ni set-up mo lang ako. Alam naman ng lahat kung gaano ka kabaliw sa akin, Marissa.”Muling umalingawngaw ang mga tawa ni Marissa sa silid. “Fúck you, Xavier! Magaling ka lang pumatong sa ibabaw pero duwag ka! Magaling ka lang sa pagpapasok niyang alaga mo sa lagusan ng may lagusan! Natatakot ka ba kaya ayaw mong aminin sa sarili mo na nagkamali ka? Natatakot kang itakwil ka ng mga Armani at pulutin sa kalsada? Natatakot kang mawala sa iyo ang karangyaan, limpak-limpak na salapi at kasikatan dahil nabun
Kabanata 93Sabay-sabay na napatingin sa direksyon ng pintuan sina Arya, Mariz at Marissa nang sinira ito ng isa sa mga securities ng mga Armani.“Senyorita, ayos lang po ba kayo?" tanong ng tauhan sabay tut0k ng mga bariL na hawak niya kina Mariz at Marissa.“Yes, I'm fine." Sumenyas si Arya para ibaba ng security ang baril na hawak nito. “Mariz, get out of my chair. Will you?" nakangiti niyang tanong.Umikot ang mga mata ni Mariz. Inalis niya ang kaniyang mga paa sa mesa at saka tumayo. Naglakad siya palapit kay Arya at nang nasa tapat na siya nito ay sinagi niya ang balikat nito. “Enjoyin mo na ang mga natitirang araw mo bilang nag-iisang apo ng matandang Armani, bilang isang spoiled brat. Whether you like it or not, we will become sisters.”Arya smirked. "Talaga lang ha? Mukhang kailangan mo nang mag-impake ng mga gamit mo, Mariz. Sayang. Sinayang mo ang respeto at pagmamahal na binigay namin sa'yo ni lolo. Sayang at nagpabulag ka sa kasinungalingan at kasibaan ng iyong ina. Kung
Kabanata 94 “Finally! We caught this jérk!" Jackson yelled while smiling. He sat on the couch as he stared at Jett. “What's up, Jett? Abalang-abala ka yata lately at hindi ka namin maabutan ni kuya rito sa opisina mo? Si Arya pa rin ba?” mapang-asar na bungad ni Jacob. Umupo siya sa couch, sa tabi ni Jackson at saka itinaas ang kaniyang paa sa mesa matapos niyang alisin ang kaniyang medyas. Huminto sa pagtitipa si Jett at saka bumuntong hininga. “Anong kailangan niyo sa akin? Balita ko nga ay nakailang balik na kayo rito eh.” Kumunot bigla ang noo niya nang mabasa niya ang nasa monitor ng kaniyang laptop. "Do we need some reasons to visit you?" nakataas ang kilay na tanong ni Jackson. Lumun0k siya ng isang beses. “Wala akong makulit at madaldal na makasamang manood ng basketball. Ang bored kasama nina Set.” “Oo nga. Walang maingay sa mansyon. Kinukumusta ka rin ni papa. Dalawin mo raw siya habang humihinga pa siya. Huwag ka raw dadalaw kapag utas na siya. Oh ‘di ba? Loko-loko
Kabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na pawis ni Denver mula sa kaniyang
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar
Kabanata 107“Ladies and gentlemen, may I have your attention please…”"Balae, lumapit ka na kay Don Fridman at sabihin mong tulungan niya tayong makawala sa mga lalaking ito! Ang anak mo, kanina pa siyang sinasaktan ni Arya! Baliw na yata ang isang ‘yon! Baka kung ano pang gawin niya sa mamanugangin ko!” nahihintakutang sabi ni Denver.Napapalibutan pa rin ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang mga Walton at si Marissa habang patuloy naman si Arya sa pagpapakanta kay Mariz!"Don Armani saw us earlier. He knows about this commotion and yet, he did nothing but climb up the stage. Now, he's holding a microphone and making an announcement without even batting an eye on Mariz. Something’s not right,” Damon murmured."Ano bang ibinubulong-bulong mo riyan, Damon? Patumbahin mo na ang mga lalaking ito at iligtas mo ang fiancee mo sa kamay ng baliw mong ex-wife!” malakas na utos ni Marissa."Tama si kuya. May hindi tama sa nangyayari rito. Imposibleng hayaan lang ni Don Fridman na sakta
Kabanata 106“Did you see, Jam?" tanong ni Arya kay Aiven.Umiling si Aiven.“The party is about to start. Wala pa siya. He didn't even call or text me about his whereabouts. Ano kayang nangyari sa kaniya? Even his brothers aren't around. I only saw Don Vandolf and his sisters-in-law. Sana naman walang masamang nangyari sa kanila,” nag-aalalang sambit ni Arya."Hindi pa rin bumabalik si Damon, ate. Sinundan namin siya ni Dionne kaso bigla na lamang siyang nawala. Sinundan din namin sina Mariz at Marissa but we also lost them. I'm sorry, ate,” nakayukong turan ni Aiven. Bakas ang panghihinayang at lungkot sa boses niya.Tinapik ni Arya ang balikat ni Aiven. "It's okay. I'm sure they will arrive later. Hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito lalo na malapit nang ma bankrupt ang mga Walton.” Natigilan siya sa pagsasalita nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven. "Wait, did you say, you also saw Mariz and Marissa?”Tumango si Aiven. "Hindi ko ba naulit sa'yo, ate? Sinundan ko si Dam
Kabanata 105“That mor0n! He wasted our time!" inis na sambit ni Mariz habang bumababa sa kaniyang sasakyan."Relax. Marami pa namang pagkakataon para magkita at magkausap kayo.” Pagkababa ni Marissa sa sasakyan ay tiningala niya ang lumang gusali. "Mukhang wala namang naging problema buhat nang umalis tayo." “Let's go," Mariz said.Papasok na sana ng tuluyan ang mag-ina sa loob nang bigla silang nakarinig ng busina ng sasakyan. Kapwa sila napalingon sa kanilang likuran.Kumunot ang noo ni Mariz. “Are you expecting some visitors, mama?"Umiling si Marissa. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan.“Damon?" magkasabay na sambit nina Mariz at Marissa.Lumingon muna si Damon sa paligid. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kaniya ay saka siya nagtatakbo palapit sa mag-ina.“Senyorita Armani!"Nagkatinginan sina Mariz at Marissa.“Bakit hindi ka sumipot kanina at saka paano mo kami nasundan dito?" nagtatakang tanong ni Mariz.“Nasundan kasi ako nina Dionne at Aive–”"Kasama ni Dionne
Kabanata 104“Senyorita?"‘This idi0t still thinks that I am Arya pero sabagay, I will become an Armani later. Everybody will bow to me once they learn that I am a real Armani, that I am also the daughter of Xavier Armani!’ Mariz thought.“Senyorita, bakit niyo po katagpo ang kuya ko?" pag-uulit ni Dionne.Mabilis na umaksyon si Marissa. Para sa kaniya, hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman ni Dionne ang tungkol sa kaniyang apo. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinim@s-him@s. “Hija, your brother insisted this meeting for business,” pagyayabang ni Marissa. Nilingon niya ang kotse ni Dionne. "Are you with him?”Mabilis na umiling si Dionne."Sad. Did he ask you to meet us instead?” Marissa asked again.Muling umiling si Dionne."I see.” Kunwaring tumingin si Marissa sa suot niyang Patek watch. "Our time is precious. I guess, your brother missed a golden opportunity. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi na kami interesado sa business proposal niya. He wasted our time.”Tinitig
Kabanata 103“Nasa’n na ba siya? Hindi ako p'wedeng magtagal dito. Baka maisahan ni Jett ang mga tauhan ko," ani Mariz habang palinga-linga sa paligid.“Sigurado ka bang sisipot ang lalaking ‘yon? Kailan mo pala pauuwiin ng Monte Rocca ang anak mo? He needs to see him." Naglagay muna ng sunblock si Marissa habang nakaupo sa harap ng kotse.“Kapag maayos na ang lahat, saka ko muling pababalikin ang anak ko rito sa Monte Rocca. Naghihikahos ang mga Walton. Wala akong mahihita sa kanila," may pag-irap na sabi ni Mariz.“Boba! Eh bakit kikitain mo pa si Damon? Wala rin namang pera ang isang ‘yon!" Tumaas ang isang sulok ng nguso ni Marissa. Ngayon naman ay naglalagay na siya ng dark red lipstick.“I need him. Wala man siyang pera, alam kong mahal pa siya ni Arya kaya magagamit ko pa rin siya laban sa kapatid ko,” mabilis na sagot ni Mariz.Tumaas ang dalawang kilay ni Marissa. ‘Sasabihin ko na ba sa kaniya na hindi talaga sila magkapatid ng Arya na ‘yon? Na gagamitin ko lang siya para mak
Kabanata 102 “Pakawalan niyo ako rito! Mga duwag ba kayo? Sa halip na nakikipaglaban kayo ng patas ay itinali niyo ako rito! Bakit? Takot ba kayong mapatay ko kayong lahat, HA?!" gigil na sigaw ni Jett habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kaniya. “Anong tingin mo sa amin, uto-uto? Tumahimik ka nga riyan at baka hindi ako makapagpigil! Isara mo ‘yang bibig mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ng isang tauhan. Ngumisi si Jett sabay dura sa sahig. "Ang sabihin niyo, mga duwag kayo. Pati matandang babae ay pinapatulan niyo.” Napatingin siya kay Dra. Santos na nakagapos din tulad niya. “Tumahimik ka sabi!" "Paano kung ayoko?” nang-aasar na sambit ni Jett. Magpapaputok na sana ng baril ang isang tauhan nang pigilan siya ng mga kasamahan niya. “Ikalma mo ang sarili mo. Utos nina ma’am na huwag nating papatayin ang isang ‘yan. Kailangan pa nating mahuli ang mga kasamahan niya. Kailangan nina ma’am ng malaking pera. Fifty million kada ulo ang hihingin nila sa matandang G