Kabanata 40 “Peste talaga ang babaeng impaktang ‘yon. Wala na ngang saysay ang naka-print sa mga papel, wala pang laman itong USB. Bwisit!” Itinapon ni Greta ang USB sa basurahan. Inayos niya ang kaniyang buhok at huminga nang malalim. Biglang may kumatok sa pinto ng opisina ni Greta. “Come in,” inis na sambit ni Greta. Mas lalo siyang nainis nang makita niya ang mukha ng head ng sales and marketing department na si Ms. Park. “Bakit ka nandito?” tanong niya habang abala na sa pagtitipa sa kaniyang laptop. “Ma’am may problema po tayo,” bungad ni Ms. Park. Nag-angat ng tingin si Greta. “Is this about our recent project?” Tumango si Ms. Park. “What about it?” Ini-shutdown muna ni Greta ang kaniyang laptop. “Eh kasi ma’am bigla na lang pong nag-pull out ang mga big investors natin nang mabalitaan nilang hindi na itutuloy ng mga Gray ang pag-iinvest sa project. Mismong secretary po ni Mr. Gray po ang tumawag kani—” Napatayo si Greta. Hinampas niya nang malakas ang mesa habang nanli
Kabanata 41 “Mga wala talaga kayong silbi! Paano kayo natakasan ng isang babae? Ang dami-dami niyo, nag-iisa lang siya! Ginagawa niyo ba talaga ang trabaho niyo?” sigaw ni Damon sa kaniyang mga tauhan. “Pasensya na po, boss,” ani ng isang tauhan habang nagkakamot ng kaniyang ulo. “Pasensya. Pasensya. Ilang beses ko nang naririnig ang salitang ‘yan buhat sa inyo! Paano ba kayo magta-tanda?” Nagpipigil ng inis si Damon habang halinhinan niyang tinitingnan ang kaniyang mga tauhan. “Boss, hindi po nag-iisa si Dra. Santos. May mga lalaki pong biglang tumulong sa kaniya. Hindi po namin nakilala dahil nakasuot po silang lahat ng itim na maskara,” ulat ng isa pang tauhan. “May tumulong sa kaniya?” bulong ni Damon. “Napaka walang kuwenta ng palusot niyong ‘yan! Sa tingin niyo maniniwala ako sa inyo? Humahanap lang kayo ng butas para hindi ako magalit!” “Boss, hindi po kami nagsisinungaling. Ang totoo po niyang mayroong pare-parehong tattoo ang mga lalaking nakasuot ng itim na maskara.” “
Kabanata 42 “Babe, sigurado ka bang darating ang bug0k mong ex-husband? Kanina pa tayo rito. Mag-date na lang kaya tayo? What do you think?” Humigop ng milktea si Jett. “You can stop calling me like that. Wala pa naman si Damon dito.” Kumuha si Arya ng isa pang milktea sa cooler. “You want more?” Ngumiti si Jett. “Sapat na sa akin ang isa pero dahil inalok mo ulit ako, sige. Hindi ko ‘yan ta-tanggihan.” Kinuha niya ang milktea buhat sa kamay ni Arya, dahilan para magkahawak ang kanilang mga kamay. “Nakakamiss ‘yong highschool life natin ‘no?” Inalis ni Arya ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni Jett. “Medyo nakakamiss nga lalo na ‘yong mga extra curricular activities like camping, ou–” “Mas namiss kita kumpara sa mga bagay na ‘yan,” seryosong turan ni Jett. Napatawa si Arya. “Huwag mo nga akong mabola-bola, Jam. Alam ko namang isa kang cassanova at ni isang babae eh wala kang sineryoso. Jack told me na hanggang ngayon eh kung sino-sino ang inaaya mong lumabas.” “Hindi naman ako
Kabanata 43 Malapit na si Damon sa site nang biglang tumunog ang cell phone niya. Pinatay ng caller ang tawag dahil hindi niya iyon sinagot at nagpatuloy siya sa pag-da-drive. Matapos ang dalawang minuto ay tumunog na naman ang kaniyang cell phone. “Who the fuCk is calling me? I’m driving!” Damon yelled while he focused on the road. The call ended because again, he ignored it. Sa pangatlong pagkakataon, muli na namang tumunog ang cell phone niya. “Fuck!” Napilitan si Damon na itabi sa kalsada ang kaniyang big bike. Galit na galit niyang sinagot ang tawag. “May mamamatay ba? Bakit ka tawag nang tawag?” gigil na gigil na tanong niya. Tiningnan niya ang kaniyang rolex watch. Dalawang minuto na lang at mag-te-ten minutes na siya sa kalsada. [“Boss, confirmed. Nagpakasal po kayo sa isang huwad. Wala pong Arya Villanueva na naka-registered sa lugar kung saan ipinanganak si Aiven.”] “B0b0! Alam ko na ‘yan! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na alamin mo ang totoong pagkatao ni Arya? Kung sin
Kabanata 44 “Arya.” “Tumayo ka na. Late ka na nga, lampa ka pa. Paki-linis ng kaluluwa mo, ibig kong sabihin, ng damit mo. Nakakahiya sa major investor ng project natin kung haharap kang madungis sa kaniya. Okay?” Nginitian ni Arya si Damon. “Major investor? Te-Teka. Si Don Fridman ang major investor ng venture na ito, hindi ba?” nagtatakang tanong ni Damon. Dahan-dahan siyang tumayo. Halata pa rin sa mukha niya na masakit ang kaniyang katawan. Umaktong gulat na gulat si Arya. “Hindi ba naulit sa’yo ng mama mo? Anyway, sumunod ka na lang sa loob. Kung may spare clothes kang dala, please, magpalit ka muna. Paki-bilisan ha? Ang dami ng minutong nasayang.” Tumalikod na siya sa ex-husband niya at naglakad na patungo sa gusali. “Ibig sabihin, hindi ko ma-so-solo si Arya ngayong araw?” dismayadong sambit ni Damon. Naalala niya ang lalaking tumawag ng babe sa kaniyang dating asawa kanina habang magkausap sila sa cell phone. “Hindi maaari.” Umiling siya. Tinanaw niya ang building kung saa
Kabanata 45 “Ma’am Greta, may bisit—” “Good morning, hija!” Sinagi ni Divina ang secretary ni Greta at tuloy-tuloy na pumasok sa opisina nito. Malapad ang ngiti niya habang nakadipa ang kaniyang mga kamay. Hinihintay niyang tumayo mula sa pagkakaupo ang kaniyang bagong ma-manugangin. “Tita, what brought you here?” Greta plastered a fake smile. Namomroblema na nga siya dahil kay Mr. Gray at sa iba pang investors na nag-pull out sa kaniyang i-lau-launch na project, tapos may bumisita pa sa kaniyang hindi niya inaasahan. Kailangan na naman niyang magsuot ng maskara para makipag-plastikan sa kaniyang soon to be mother-in-law. Sumimangot si Divina. Ibinaba na niya ang kaniyang mga kamay. ‘Mukhang minasama ni tita ang tanong ko ah o nagtatampo siya dahil hindi ko agad siya sinalubong at niyakap? Damn! I have no time for this kind of shiT!’ Ngumiti si Greta. “Tita, bakit bigla ka yatang nalungkot?” tanong niya. “I told you to call me, mama , not tita. You also looked disappointed when y
Kabanata 46 “Dionne!” Mas lalong binilisan ni Dionne ang paglalakad. “Dionne, saglit lang!” Huminga nang malalim si Dionne. Nakayuko siya habang humahakbang nang malalaki. “Ano na naman bang kailangan sa akin ng lalaking ‘yon? Naiirita na ako sa kaniya. Kanina pa niya akong sinusundan,” aniya. Nagulat siya nang makita niya ang pamilyar na sapatos na ‘yon. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang balikat. “Dionne, bakit mo ba ako iniiwasan?” hinihingal na tanong ni Aiven. “Bitiwan mo nga ako. Kailangan ko nang pumunta sa room ko.” Nag-iba ng direksyon si Dionne pero naharangan siya ulit ni Aiven. “Let’s talk, Dionne. Please.” Pumungay ang mga mata ni Aiven. “We’re talking already. Ano bang pakay mo? Kahapon mo pa akong pine-peste eh.” Tumingala si Dionne kay Aiven. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa mga mata nito. “Ang pakay ko? I just want us to become friends. May pinagsamahan naman tayo noon, ‘di ba? Huwag mo naman akong
Kabanata 47 Halinhinang tiningnan ni Arya sina Damon at Jett. Halos sampung minuto na ring nagtititigan nang masama ang dalawa. Tumikhim siya pero wala pa ring kibo ang mga ito. Iwinagayway niya ang kaniyang mga kamay sa pagitan ng dalawa pero wala pa ring pagbabago. “May balak ba kayong magtrabaho o magtititigan na lang kayo buong maghapon?” inis na tanong ni Arya. Mukhang wala silang matatapos sa araw na ito. Damon crossed his arms. “On your knees.” He signaled Jett to kneel. Jett smirked. “Why would I?” Naguguluhan na si Arya sa nangyayari. Ang kaso, kahit anong sabihin niya, hindi siya pinapansin ng dalawa. Tumayo bigla si Damon. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin. “My body aches because of what you did!” Tumawa nang marahan si Jett. “Hindi ko na kasalanan kung MAHINA ka.” He tilted his head in the opposite direction. “Sandali nga. Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa? We’re here for business! Para kayong mga bata.” Nasapo ni Arya ang kaniyang noo. “Binugbog ako ng lal
Kabanata 88 Maingat na ibinaba ni Jett si Arya sa kama nito. Dinala niya ito sa bagong condo unit nito na hindi kalayuan sa unit niya. Nang malaman niya kasing nag-acquired ng unit si Arya sa Thompson’s Residences ay agad-agad din siyang bumili ng unit mula sa mga Thompson. Mabuti na lang at madali niyang nakita ang keycard sa bag nito bago pa man siya magmaneho palayo sa presinto kung saan nila dinalaw si Damon. Kinumutan ni Jett si Arya. Tulog na tulog pa rin ito. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan. Napapalunok siya habang pinagmamasdan ang natutulog na si Arya. “She's still a goddess even when she's asleep," Jett whispered. Mapait siyang napangiti. Maingat niyang idinampi ang kanan niyang kamay sa mukha ni Arya. “Babe…” Mabilis na inalis ni Jett ang kaniyang kamay nang biglang gumalaw si Arya. Akala niya ay magigising na ito pero muli itong bumalik sa pagkahimbing. Napangiti siya. "You still send shivers over my body, Arya Armani. I still get nervous whenever you're around…whe
Kabanata 87“Arya…”"Jam, mauna ka na muna sa sasakyan. Susunod na lang ako sa'yo,” malamig na sambit ni Arya. Rinig na rinig niya ang pagtangis ng kaniyang dating asawa."Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Jett.Tumango si Arya. "I just need to talk to him…privately. I hope you won't mind. Don't worry, I'm fine. I'll be fine." Hinawakan niya ang kamay ni Jett."Call me when something happens. Call me when you need me.” Tinapunan ni Jett nang masamang tingin si Damon. Nakayuko pa rin ito habang nakaupo sa tiles at tuloy sa pag-iyak.“I will," Arya assured.Nag-aalangan man, iniwan ni Jett si Arya. May tiwala naman siya rito pero hindi pa rin mawala ang kaniyang pag-aalala.Marahang hinarap ni Arya si Damon. She cleared her throat. “Speak," matipid niyang pahayag.Huminto sa pag-iyak si Damon. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at saka inayos ang kaniyang hitsura. Mabilis siyang tumayo. Naglalakad na siya palapit kay Arya nang bigla itong nagsalita.“Stop right there. Don’t come
Kabanata 86 “Babe, tinawagan ko na ang mga contacts ko sa press. May nakabuntot na rin akong mga tauhan kay Dr. Santos. Sigurado akong hindi magtatagal at lalabas din sa lungga niya si Dra. Santos,” ani Jam habang naglalakad palapit kay Arya. “Maraming salamat, babe…ibig kong sabihin, J-Jam…” Napakagat sa kaniyang labi si Arya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Saglit namang napahinto si Jett sa paglalakad. Hinawakan niya ang kaniyang mga pisngi na parang isang batang nagpapa-cute para mabilhan ng kendi. Nag-init kasi ang mga iyon nang tawagin siyang babe ni Arya. “Jam, sasama ka pa ba?” tanong ni Arya habang nakatingin sa nakahintong si Jett. Mabilis namang tumakbo si Jett para habulin si Arya. “Saan ba tayo pupunta? Hindi ba’t si Damon ang isa sa pakay natin dito bukod kay Dr. Santos?” kunot-noong tanong niya. “Kay Damon nga tayo pupunta. Nakabukod na siya ng kulungan. Nasa VVIP room na siya,” walang emosyong tugon ni Arya. “Ay, oo nga pala! Sorry, I forgot.” Nang makara
Kabanata 85 Lilingon na sana si Arya nang biglang tumawag sa kaniyang cell phone si Aiven. Sinagot niya iyon at saka nagpatuloy sa paglalakad. Pumalakpak si Divina sa sobrang tuwa dahil nagkamali ang kaniyang kutob na isa nga talagang Armani si Arya. “HA! Sinasabi ko na nga ba. Hindi siya totoong Armani. Makaalis na nga at makabisita kay Senyorita Mariz.” Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan nang sunod-sunod na bumusina si Denver. “Babe, sigurado ka bang palalayain mo na si Damon? Akala ko ba isang buwa—” Napakamot sa kaniyang ulo si Jett nang sumenyas si Arya. Humingi ito ng kaunting minuto para kausapin muna si Aiven. “Anong balita? Namataan niyo na ba si Dr. Santos?” kunot-noong tanong ni Arya habang binabaybay ang daan patungo sa presinto. [“Negative pa. Oo nga pala, ate, nagawa ko na ang ipinapagawa mo kanina. Ipinarinig ko na sa mga Walton na isa kang Armani.”] Ngumiti si Arya. “I almost forgot. Kaya naman pala tinawag ako bigla ni
Kabanata 84 “Ate Arya…” Arya smiled at Dionne. “Kumusta ka na?” “Sa tingin mo, kumusta na ang anak ko? Malamang malungkot ‘yang si Dionne dahil IPINAKULONG mo ang kuya niya!” pagsingit ni Divina. “Mawalang galang na. Kayo ba si Dionne?” Mapang-asar na nginitian ni Arya si Divina. “HA! Nakahanap ka lang ng bagong mahuhuthutan, tumaas na agad ang ihi mo! Hoy, Arya, ayusin mo ang pananalita mo. Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa’yo!” Pinandilatan ni Divina si Arya. Arya crossed her arms as she released louder laughter. “Bagong mahuhuthutan? Kailan ko ba pinerahan ang anak niyo? Kailan ko ba kayo ginatasan? Wala kasi akong matandaan. Isa pa, huwag niyong gamitin ang edad niyo para irespeto kayo ng taong kaharap niyo. Bago ka humingi ng respeto sa akin, tanungin mo muna ang sarili mo kung ka respe-respeto ka ba!” “Ate Arya…” Hindi makapaniwala si Dionne sa kaniyang mga narinig. Ibang Arya na ang kanilang kaharap. Hindi na ito ang dating Arya na pumapayag na api-apihin
Kabanata 83 Pinapaypayan ni Dionne si Divina nang bigla itong magkaroon ng malay. Halos bente minuto rin itong nakahiga sa kandungan niya. “Mama okay ka na ba? Bakit ka nawalan ng malay kanina? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong niya habang inaalalayang tumayo ang kaniyang ina. Hinilot ni Divina ang kaniyang noo. “Nawalan ako ng malay?” Tumango si Dionne. “Divina, pinag-alala mo kami!” turan ni Denver habang nakapamewang sa harap ng kaniyang mag-ina. Agad na tumayo si Divina. Inalalayan pa rin siya ng kaniyang anak. “Mama, huwag mo munang piliting tumayo kung hindi mo pa kaya. Baka matumba ka!” ani Dionne. “Nasaan ang hampas lupang si Aiven? May kailangan akong itanong sa kaniya!” Halos maputol na ang leeg ni Divina sa kahahanap kay Aiven sa paligid. “Nasa loob sila ng presinto. Siguro sa mga oras na ito ay kinakausap na nila si Damon. Ano ba ang kailangan mong itanong sa kaniya at gan'yan ka kabalisa?” kunot-noong tanong ni Denver. “T0nta! Nakalimutan mo na
HI EVERYONE! I WAS AND I AM BUSY PREPARING FOR MY UPCOMING WEDDING KAYA NAPAHINTO PO ANG UPDATES KO. PLEASE UNDERSTAND IF I CAN'T UPDATE ONE NIGHT LOVE (TAGALOG) BOOK 3 AND LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN. I'LL BE BACK ON SEPTEMBER 1ST. THANK YOU FOR YOUR KIND UNDERSTANDING. GOD BLESS PO. IF I WILL HAVE SOME FREE TIME TO WRITE, I WILL UPDATE ANY OF THESE TWO STORIES. THE BILLIONAIRE'S DESTINED LOVE WILL BE HAVING DAILY UPDATE SINCE I ALREADY WROTE SOME DRAFTS LAST LAST WEEK PA KAYA HUWAG PONG MAGTATAKA IF MA-A-UPDATE KO PO 'YONG NEW STORY KO TAPOS ITONG DALAWANG ON GOING GRAY SERIES AY HINDI. BAWAT LAMAN PO NG CHAPTERS NG GRAY SERIES AY LUBOS KONG PINAG-IISIPAN. ONE CHAPTER TOOK ME ONE AND HALF HOUR, MINSAN PO UMAABOT PA NG THREE HOURS BAGO KO PO MAISULAT. I APPRECIATE SOME OF YOU WHO UNDERSTAND MY CONDITION - CURRENTLY FIVE MONTHS PREGNANT WHILE PREPARING FOR MY WEDDING TO BE HELD THIS AUGUST. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MALAWAK NA PANG-UNAWA. NAGMAMAHAL, DOCKY
Kabanata 82 “Arya, ano bang balak mo? Bakit mo inutusan si Aiven na pumunta ng presinto? Totoo bang doon mismo sa kulungan ni Damon naroroon si Dr. Santos?” Bitbit ni Jett ang mga pinamiling damit ni Arya. Naglalakad sila ngayon papunta sa kanilang sasakyan. “May binayaran akong tao para magmanman kay Damon. Hindi ko akalaing tutulungan siya ng kaibigan niyang si Digger para makatakas sa masikip at magulong buhay sa kulungan,” natatawang sabi ni Arya. Kumunot ang noo ni Jett. “Digger? Ang mabangis na si Costello? Bakit naman niya tinulungan ang isang demonyong tulad ni Damon?” “Because they are friends? I don't know. Ang mas ipinagtataka ko ngayon ay kung bakit pinapahanap niya ang asawa ng doktor na nag-asikaso sa akin noon. Hindi kaya…” Napahinto sa paglalakad si Arya. “Hindi kaya ano?” tanong ni Jett. “Imposible. Never mind. Baka nagkataon lang ang lahat,” ani Arya. Pinagbuksan ni Jett ng pinto ng sasakyan si Arya bago niya inilagay ang mga dala niyang paperbags sa lik
Kabanata 81 Papunta na sa kanilang sasakyan sina Divina at Denver nang makita nila si Aiven. Kasa-kasama nito ang ilan sa mga pamilyar na mukha, mga tauhan ni Don Fridman. “Anong ginagawa ng hampaslupang kapatid ni Arya rito?” tanong ni Divina habang nagtatago sa likod ni Denver. “Malamang, bibisitahin ang anak natin. Titingnan siguro nila ang kalagayan ni Damon para iulat kay Arya,” tugon ni Denver. “Nagtago ka nga sa likod ko. Makikita rin naman nila ako, eh ‘di wala rin,” naiiling na turan niya. Hinampas ni Divina sa balikat si Denver. “Halika, lumapit tayo ng kaunti sa kanila. Mukhang may pinag-uusapan silang importante eh.” Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang kaniyang bunsong anak na si Dionne. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong b****o kay Aiven. “Dionne, anong ibig sabihin nito?” mariing sabi niya. Maging ang mukha ni Denver ay hindi na rin maipinta. Itinulak ni Divina si Denver habang nakatago pa rin sa likod nito. “Dahan-dahan. Magtago ka kaagad sa