Kabanata 12.9“Senyorita, sigurado po ba kayong maglalakad na lang kayo papunta sa station? Malapit na po eh. Ihatid na po namin kayo,” sabi ng driver.“Dito na po ako, ‘tay. Sanay na naman po akong maglakad at saka, tulad nga po ng sabi niyo, malapit na naman.” Pinahid ni Arya ang kaniyang lipstick at inalis ang mga mamahaling makeup na naka-apply sa mukha niya. “Mariz, hintayin niyo na pala ako rito. Sasabay na ako papunta sa company. Hindi rin naman ako magtatagal.”Ngumiti si Mariz. “Masusunod po, senyorita. Ingat po kayo.”Arya smiled. “Thank you.”Palabas pa lamang si Arya ng sasakyan nang makita niya sina Mr. and Mrs. Walton. Halos madapa ang mga ito sa pagmamadali.“Sayang. Hindi pa napasubsob,” natatawang bulong ni Arya. Bigla siyang nakaramdam ng gutom kaya luminga-linga muna siya sa paligid para maghanap ng makakainan. Napangiti siya nang magkita siya ng isang karinderya. Sinenyasan niya si Mariz na ibaba muna ang bintana ng sasakyan. “Nagugutom ba kayo? Tara, kain muna tay
Kabanata 12.10“Detective Larry, ikaw pala ang may hawak sa kaso ng anak ko,” nakangiting bati ni Denver. Agad niyang inilahad ang kaniyang isang kamay para makipag-kamay rito.“Ako nga, Mr. Denver Walton. Nakabalik ka na pala ng bansa.” Nakipag-kamay si Detective Larry kay Denver at nginitian din ito.“Kinailangan kong bumalik ng Pilipinas. Marami na akong nakakaligtaang mga pangyayari at okasyon lalong-lalo na sa aking pamilya. Mabuti naman kung ikaw ang hahawak ng kaso ng anak ko. Available ka ba mamaya? Gusto sana kitang anyayahang magkape. Alam mo na, bilang isang kaibigan.” Inakbayan ni Denver si Detective Larry at pinagpagan ang uniporme nito sa bandang balikat nito.“Pasensya na, Mr. Walton. Kailangan kong matapos ang imbestigasyon sa iyong anak at sa…” Tinitigan ni Detective Larry si Greta. Sirang-sira na ang makeup nito. Naglamutak na sa mukha nito ang eyeliner at face powder. “Kaniyang kabit,” pagpapatuloy niya.“With all due respect, detective. I AM NOT A MISTRESS,” mariin
Kabanata 12.11Tumawa nang malakas si Greta. “Bakit gan’yan ang mga hitsura niyo? Naniniwala ba kayong isang Armani si Arya? Kahit yata sa panaginip ay napakalabong mangyari no’n! Isa pa, si Senyorita Mariz lamang ang natatanging tagapagmana ng mga Armani. Isa lang siyang hamak na hampaslupa!” tapang-tapangang turan niya. Ang totoo, maging siya ay natakot din nang tinawag ni Detective Larry si Arya na Senyorita Armani. Bumalik sa ala-ala niya ang nangyari noon sa mansyon. Nakasakay si Arya sa loob ng Rolls Royce at iginagalang din ito ng driver. Sa kabila ng kaba at takot na kaniyang nararamdaman ay pinilit niyang kumbinsihin hindi lamang ang kaniyang sarili kung hindi pati na rin ang mga Walton na isang pagkakamali lang ang lahat.“T-Tama si l-love. S-She can’t be an A-Armani. She’s just an em-employee under A-Armani G-Group,” Damon stuttered while shaking his head.Lumakas ang loob ni Divina sa mga narinig niya kaya nagsalita na rin siya kahit nanginginig ang kaniyang mga tuhod. “Ar
Kabanata 12.12“Ikaw si Mr. Gray?” wala sa sariling tanong ni Damon.“Babe, kindly call me using my full name.” Jett held Arya’s hand.Arya smiled. “Jett Jamison Gray, what are you doing here?”Nawalan ng balanse si Greta sa kaniyang narinig. “Hindi maaari,” bulong niya. Tumawa siya nang mahina. “Nagpapanggap lang siya. Hindi magkakagusto ang isang bilyonaryo sa isang hampaslupa,” kumbinsi niya sa kaniyang sarili.“Oh, bakit parang nakakita kayo ng multo?” Hinalíkan ni Jett ang kamay ni Arya. “Hindi ba kayo makapaniwala na magiging kasintahan ko ang babaeng inaalipusta at tina-tapak-tapakan niyo?”Napahawak si Divina sa kaniyang noo. Biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Agad naman siyang nasalo ni Denver. “Darling!” Taranta niyang kinuha ang pamaypay nito sa bag at hinanginan ito. Inalalayan sila ng mga tauhan nila papunta sa may bench.Tumigas ang mukha ni Damon. Nais niyang suntukin si Jett pero hindi niya magawa dahil nakaposas siya. Mayamaya ay tumawa siya nang malakas.“Dete
Kabanata 13.1Habang nasa interrogation room si Damon ay agad namang sinugod ni Divina si Arya.“Animal kang babae ka! Inuutusan kitang iatras ang kaso laban kina Damon at Greta!” Nilingon ni Divina si Jett. “Paano mo inakit ang anak ni Don Vandolf ha?”“Darling, tama na. Hindi mo gugustuhing makalaban ang mga Gray. Makinig ka sa akin! Gusto mo bang mawala lahat ng pinaghirapan natin?” Pinisil ni Denver ang braso ni Divina.“Bitiwan mo ako! Ano pa bang mawawala sa atin? Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang mga kapalpakang ginawa mo sa mga international companies natin?” Namimilog ang mga mata ni Divina habang nakatingin sa kaniyang asawa. “Wala ka talagang kwenta! Sana hindi na lang ako nagpakasal sa’yo! Sana kay Rupert na la–” Napahawak siya sa kaniyang mga pisngi nang bigyan siya ng mag-asawang sampal ng kaniyang asawa.Dinur0 ni Denver si Divina. Nangangatal ang kaniyang kamay habang nakaturo ito sa mukha nito. “Kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang padre de pamilya ng pamilyang
Kabanata 13.2“Arya, are you sure about your moves?” Jett asked as he sipped some milktea.“One month is enough to execute all my plans. First, we just need to seize their family assets para hindi sila makapag-piyansa. Second, we need someone to keep an eye on their actions inside the cell. Lastly, we need to process the divorce papers before I announce who I really am.” May hawak na mga papel si Arya. Isa-isa niya iyong pinapasadahan ng basa.“Ako na ang bahala sa assets ni Greta. Fortunately, marami siyang under the table transactions. My private investigator also found out that she has some slush funds overseas.” Itinaas ni Jett ang kaniyang mga paa sa table habang umiinom ng milktea.“Do you think makikialam si Vice Governor sa isyu ng anak niya?” Kinuha ni Arya ang kaniyang laptop at nagsimulang mag-navigate sa mga files niya roon.“I don’t think so. Iilan lang ang nakakaalam tungkol sa anak niya sa labas. Ang hula ko pa ay malaki ang tsansang itakwil niya si Greta dahil sa nangy
Kabanata 13.3“P’wede ba Divina, stop walking back and forth. Naliliyo na ako sa’yo,” reklamo ni Denver. Nakauwi na sila sa kanilang mansyon. Hindi pa rin mawala ang galit niya sa kaniyang asawa pero kaya niya itong isantabi dahil may mas mabigat silang kinakaharap na problema sa ngayon.“The nerve of that woman! She’s an introvert and she’s weak! How did she manage to do all of these shiTs?” Divina massaged her forehead.“Ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na halos kasing yaman ng mga Armani eh. Paanong hindi lalakas ang loob mo? Maraming tao talaga ang nababago ng pera at isa na si Arya roon. Sa tingin ko, hindi talaga siya kasing hinhin at kasing hina ng inaakala natin. Look at her now. She transformed into a sophisticated and elegant woman. Mas lalong lumitaw ang ganda ni—”“STOP COMPLIMENTING THAT BiTCH!” Divina yelled.Itinaas ni Denver ang dalawa niyang mga kamay, tanda ng pagsuko sa kaniyang asawa.Kumunot ang noo ni Divina. “I knew it! Simula nang mawala ang babaeng ‘yo
Kabanata 13.4“Detective, p’wede ba akong humingi ng pabor?” tanong ni Damon habang naglalakad sila patungo sa BJMP transport vehicles.“Ano ‘yon, Mr. Walton?” tugon ni Detective Larry.“P’wede mo ba akong ilagay sa presinto kung saan naroroon si Dr. Santos?” Huminto saglit sa paglalakad si Damon at tumingin nang direkta sa mga mata ni Detective Larry. “Pakiusap,” aniya.“Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi ako sigurado kung papayag ang nakatataas sa hiling mo pero susubukan ko.” Nagulat si Detective Larry nang biglang hinawakan ni Damon ang kaniyang dalawang kamay.“Tatanawin kong utang na loob kung mapagbibigyan mo ako sa hiling ko, detective. Wala na akong malaking halaga ng salapi pero kapag nakalabas na ako ng kulungan matapos ang isang buwan, sisiguraduhin kong makakabawi ako sa’yo. Mawawalan ng saysay ang lahat ng mga ginagawa ko kung hindi mo ako madadala kung nasaan si Dr. Santos.” Bakas na bakas ang sinseridad sa mga mata ni Damon.“Si Dr. Santos ba ‘yong nakulong dahil sa m