Kabanata 12.11Tumawa nang malakas si Greta. “Bakit gan’yan ang mga hitsura niyo? Naniniwala ba kayong isang Armani si Arya? Kahit yata sa panaginip ay napakalabong mangyari no’n! Isa pa, si Senyorita Mariz lamang ang natatanging tagapagmana ng mga Armani. Isa lang siyang hamak na hampaslupa!” tapang-tapangang turan niya. Ang totoo, maging siya ay natakot din nang tinawag ni Detective Larry si Arya na Senyorita Armani. Bumalik sa ala-ala niya ang nangyari noon sa mansyon. Nakasakay si Arya sa loob ng Rolls Royce at iginagalang din ito ng driver. Sa kabila ng kaba at takot na kaniyang nararamdaman ay pinilit niyang kumbinsihin hindi lamang ang kaniyang sarili kung hindi pati na rin ang mga Walton na isang pagkakamali lang ang lahat.“T-Tama si l-love. S-She can’t be an A-Armani. She’s just an em-employee under A-Armani G-Group,” Damon stuttered while shaking his head.Lumakas ang loob ni Divina sa mga narinig niya kaya nagsalita na rin siya kahit nanginginig ang kaniyang mga tuhod. “Ar
Kabanata 12.12“Ikaw si Mr. Gray?” wala sa sariling tanong ni Damon.“Babe, kindly call me using my full name.” Jett held Arya’s hand.Arya smiled. “Jett Jamison Gray, what are you doing here?”Nawalan ng balanse si Greta sa kaniyang narinig. “Hindi maaari,” bulong niya. Tumawa siya nang mahina. “Nagpapanggap lang siya. Hindi magkakagusto ang isang bilyonaryo sa isang hampaslupa,” kumbinsi niya sa kaniyang sarili.“Oh, bakit parang nakakita kayo ng multo?” Hinalíkan ni Jett ang kamay ni Arya. “Hindi ba kayo makapaniwala na magiging kasintahan ko ang babaeng inaalipusta at tina-tapak-tapakan niyo?”Napahawak si Divina sa kaniyang noo. Biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Agad naman siyang nasalo ni Denver. “Darling!” Taranta niyang kinuha ang pamaypay nito sa bag at hinanginan ito. Inalalayan sila ng mga tauhan nila papunta sa may bench.Tumigas ang mukha ni Damon. Nais niyang suntukin si Jett pero hindi niya magawa dahil nakaposas siya. Mayamaya ay tumawa siya nang malakas.“Dete
Kabanata 13.1Habang nasa interrogation room si Damon ay agad namang sinugod ni Divina si Arya.“Animal kang babae ka! Inuutusan kitang iatras ang kaso laban kina Damon at Greta!” Nilingon ni Divina si Jett. “Paano mo inakit ang anak ni Don Vandolf ha?”“Darling, tama na. Hindi mo gugustuhing makalaban ang mga Gray. Makinig ka sa akin! Gusto mo bang mawala lahat ng pinaghirapan natin?” Pinisil ni Denver ang braso ni Divina.“Bitiwan mo ako! Ano pa bang mawawala sa atin? Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang mga kapalpakang ginawa mo sa mga international companies natin?” Namimilog ang mga mata ni Divina habang nakatingin sa kaniyang asawa. “Wala ka talagang kwenta! Sana hindi na lang ako nagpakasal sa’yo! Sana kay Rupert na la–” Napahawak siya sa kaniyang mga pisngi nang bigyan siya ng mag-asawang sampal ng kaniyang asawa.Dinur0 ni Denver si Divina. Nangangatal ang kaniyang kamay habang nakaturo ito sa mukha nito. “Kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang padre de pamilya ng pamilyang
Kabanata 13.2“Arya, are you sure about your moves?” Jett asked as he sipped some milktea.“One month is enough to execute all my plans. First, we just need to seize their family assets para hindi sila makapag-piyansa. Second, we need someone to keep an eye on their actions inside the cell. Lastly, we need to process the divorce papers before I announce who I really am.” May hawak na mga papel si Arya. Isa-isa niya iyong pinapasadahan ng basa.“Ako na ang bahala sa assets ni Greta. Fortunately, marami siyang under the table transactions. My private investigator also found out that she has some slush funds overseas.” Itinaas ni Jett ang kaniyang mga paa sa table habang umiinom ng milktea.“Do you think makikialam si Vice Governor sa isyu ng anak niya?” Kinuha ni Arya ang kaniyang laptop at nagsimulang mag-navigate sa mga files niya roon.“I don’t think so. Iilan lang ang nakakaalam tungkol sa anak niya sa labas. Ang hula ko pa ay malaki ang tsansang itakwil niya si Greta dahil sa nangy
Kabanata 13.3“P’wede ba Divina, stop walking back and forth. Naliliyo na ako sa’yo,” reklamo ni Denver. Nakauwi na sila sa kanilang mansyon. Hindi pa rin mawala ang galit niya sa kaniyang asawa pero kaya niya itong isantabi dahil may mas mabigat silang kinakaharap na problema sa ngayon.“The nerve of that woman! She’s an introvert and she’s weak! How did she manage to do all of these shiTs?” Divina massaged her forehead.“Ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na halos kasing yaman ng mga Armani eh. Paanong hindi lalakas ang loob mo? Maraming tao talaga ang nababago ng pera at isa na si Arya roon. Sa tingin ko, hindi talaga siya kasing hinhin at kasing hina ng inaakala natin. Look at her now. She transformed into a sophisticated and elegant woman. Mas lalong lumitaw ang ganda ni—”“STOP COMPLIMENTING THAT BiTCH!” Divina yelled.Itinaas ni Denver ang dalawa niyang mga kamay, tanda ng pagsuko sa kaniyang asawa.Kumunot ang noo ni Divina. “I knew it! Simula nang mawala ang babaeng ‘yo
Kabanata 13.4“Detective, p’wede ba akong humingi ng pabor?” tanong ni Damon habang naglalakad sila patungo sa BJMP transport vehicles.“Ano ‘yon, Mr. Walton?” tugon ni Detective Larry.“P’wede mo ba akong ilagay sa presinto kung saan naroroon si Dr. Santos?” Huminto saglit sa paglalakad si Damon at tumingin nang direkta sa mga mata ni Detective Larry. “Pakiusap,” aniya.“Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi ako sigurado kung papayag ang nakatataas sa hiling mo pero susubukan ko.” Nagulat si Detective Larry nang biglang hinawakan ni Damon ang kaniyang dalawang kamay.“Tatanawin kong utang na loob kung mapagbibigyan mo ako sa hiling ko, detective. Wala na akong malaking halaga ng salapi pero kapag nakalabas na ako ng kulungan matapos ang isang buwan, sisiguraduhin kong makakabawi ako sa’yo. Mawawalan ng saysay ang lahat ng mga ginagawa ko kung hindi mo ako madadala kung nasaan si Dr. Santos.” Bakas na bakas ang sinseridad sa mga mata ni Damon.“Si Dr. Santos ba ‘yong nakulong dahil sa m
Kabanata 13.5“Damon Walton, may bisita ka!”Agad na pinalabas ng mga jail guards si Damon nang marinig nila ang sigaw ng kanilang warden.Puro pasa ang mukha ni Damon. Napagtulungan kasi siya ng mga kasama niya sa loob nang malaman ng mga ito ang dahilan kung bakit siya nakulong. Lambot na lambot siya habang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya. Dumudugo pa ang kaniyang labi habang kinakaladkad siya ng mga jail guards. Mabilis niya iyong pinahid. Nawala ang pananakit ng katawan niya nang makita niya kung sino ang bisita niya.“Digger?”“Finally, na meet ko rin ang isa sa highest payor at top depositor ng bangko ko. Kumusta?” Si Daven Verrano Costello also known as “DC” and “Digger” ay isang malupit at walang-awang boss ng mob o mafia. Ang kaniyang pagkakakilanlan ay lingid sa nakararami. Bilang lamang sa mga daliri ang mga taong nakakaalam tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao at isa na roon si Damon.Umupo si Damon sa kabilang upuan. Nakaharap siya kay Daven. “May pr
Kabanata 13.6“Babe, it’s been a long time since we go shopping together. Free ka ba ngayon?” Kinamot ni Jett ang kaniyang ilong at marahang nag-angat ng tingin kay Arya. Halos masamid siya nang mahuli niyang nakatingin na ito sa kaniya.Hinaplos ni Arya ang likod ni Jett. Kumakain kasi ito ng takoyaki habang lumalaklak ng paborito nitong milktea. “Ayos ka lang ba?”Ngumibit si Jett. “Kanina mo pa ba akong pinagmamasdan?”“Napatingin lang ako sa’yo. Mukha ka kasing hindi kumain magdamag,” natatawang tugon ni Arya. “Sunod-sunod ba naman ang pagsubo. Dahan-dahan kasi.”Ngumisi si Jett. “Sabagay, mas masarap nga kapag dahan-dahan ang pagsubo.”Tumaas ang isang sulok ng labi ni Arya. “Bastos ka talaga!”“Hindi ako bastos. Sadyang kulay berde lang talaga ang utak mo.” Tumawa si Jett. Muli siyang uminom ng milktea. Nang aalisin na ni Arya ang kamay nito sa kaniyang likod ay agad niya itong hinawakan. “Arya…”Nailang bigla si Arya sa mga titig at paghawak ni Jett sa kamay niya. “Ba-Bakit?”“