Pagdating ni Juancho sa bahay nila, hindi niya naabutan si Pan at Zahara. Nagulat siya nang makita si Felicity na umiiyak.“Anong nangyari?” kunot noong tanong niya.“Juancho, sorry…” Umiiyak na saad ni Fel. “Hindi ko sinasadya.”Nagtaka si Juancho pero agad na pumasok sa isipan niya si Pan.Agad siyang tumakbo papunta sa itaas ng kwarto at hindi na niya naabutan si Pan at Zahara doon.Bigla siyang kinabahan. Nagmamadali siyang bumaba ulit at mabilis niyang hinablot ang kamay ni Felicity.“What did you do? Nasaan si Pan at Zahara?”“N-Nalaman na niyang si ma’am Leila ang asawa ni sir Symon.”Agad na humigpit ang paghawak ni Juancho sa braso niya. “What? Sinabi mo sa kaniya?”Umiling si Felicity. “Narinig niya kaming nag-uusap ni ma’am Leila. Hindi ko naman alam na naiwan siya sa bahay. Akala ko ay kasama mo siyang lumabas.”Tinulak ni Juancho si Felicity kaya napaupo ito sa sahig. “Binalaan na kita na huwag kang manggulo. Tignan mo ang ginawa mo!”Agad na umalis si Juancho para puntah
Pagdating ni Juancho sa bahay ni Lorciano, si Marie ang nakasalubong niya. Palabas ito ng gate at mukhang may lakad.“Kuya!” Bulalas ni Marie na tuwang tuwa at hindi makapaniwala na nasa bahay niya ang kuya Juancho niya.“Bakit ka nandito kuya?”“May lakad ka ba? Where’s your father?”“W-Wala po dito kuya. B-Bakit po?”“Kailangan ko siyang makausap, Marie. May sinasabi kasi siya tungkol sa anak ko.”Naging seryoso ang mukha ni Marie. “Ano pong sinabi ni dad tungkol kay Zahara, kuya? May ginawa na naman po ba ulit si dad kay ate Pan? Siniraan ba ni dad si ate Pan?”“Ulit?” kunot noong tanong ni Juancho.“Hindi niya po ba nasabi sayo kuya? Matapos ng operation ni Zahara, nong nakakalabas na sila ng bahay, nakasalubong namin si ate Pan sa simbahan. Pinagbantaan po siya ni dad kaya galit na galit na sumugod si papa Symon sa kaniya at sinira ang sasakyan niya.”Kumunot ang noo ni Juancho dahil hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun.Wala siyang narinig na may ganoong nangyari.“I haven
Ang ina ni Logan na si Arielle Marquis Seco ay nag-iwan ng isang diary na nasa pangangalaga ng kaniyang kapatid na si Aaron.Arielle was the diseased wife of Lorciano. Aaron found her diary and kept for life. Akala niya ay iyon ang tamang gawin para sa ikabubuti ni Logan.Malayo si Logan sa pamilyang Marquis, dahil iyon sa ayaw ng ama niya na atupagin niya ang ibang bagay maliban sa pagiging tagapagmana ng Gamesoft.And Aaron thought na gusto ni Logan ang buhay niya ngayon kung saan si Lorciano ang kinikilala niyang ama.Pero matapos niyang marinig na sinusuway na ni Logan si Lorciano, doon niya napagtanto na maaaring nasasakal na si Logan sa buhay niya.Kaya niya napagdesisyunan na sasabihin na niya ang totoo. Na ipagtatapat niya kung ano ang nabasa niya sa diary ng kapatid. Matapos niyang ibigay kay Logan ang diary, the satisfaction on his face was evident na nagawa na niya ang mga bagay na dapat niyang gawin bago pa matapos ang oras niya.He smiled habang patuloy na umaagos ang dug
Nanatili si Logan sa condo ni Juancho, habang siya ay binalikan si Pan sa bahay nito.Inalis na niya sa isipan niya na si Zahara ay hindi niya anak. Kung hindi niya nakausap si Marie ay baka nga naniwala na siya agad at baka maging isa pa yun sa mitya para mag-away sila ni Pan.Pagdating ni Juancho sa bahay ni lola Susana, nagulat siya nang makita niya ito kasama ni Zahara na pasakay ng taxi.Mugto pa rin ang mata ni Pan pero nagmamadali itong umalis.“Saan sila pupunta?”Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam bakit pero kinabahan siya.Nagmamadali siyang bumalik ng sasakyan niya para sundan ang dalawa.Habang nagmamaneho siya, tumawag ang dad niya na agad niyang sinagot.“Juancho? Nasaan ka? Nalaman na ni Pan ang lahat.” Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Symon. “Tumawag si Leila at sinabi na alam ni Pan ang katotohanan. W-Wala sila sa bahay, dinala niya ang apo ko. Galit ba siya sa akin? Can I go there to explain?”“Huwag na… I’ll handle this. Oras makita ka niya pa, baka e mas lalo
YAKAP YAKAP NI PAN si Zahara habang nakatingin sila sa katawan ni Aaron na ngayon ay tinatabunan na ng tela.Nawalan si Aaron ng hininga habang yakap-yakap si Zahara.“Ms. Pan,” napatingin si Pan sa tumawag sa kaniya.“Ako si Gael, ang assistant ni sir Aaron.”Gaya niya, namamaga rin ang mata ni Gael. “Maraming hinabilin sa akin si sir Aaron tungkol sa inyo. Sabi niya huwag ko raw pabayaan ang anak niya at ikaw.”Ngumiti si Pan. “Bakit pati ako? Si Zahara lang naman ang kailangan niyang alalahanin.”“Maniwala po kayo Ms. Pan, pinapahalagahan po kayo ni sir dahil tumatanaw siya sa inyo ng utang na loob.”“Hindi pa rin ako makapaniwala na may taong kagaya niya. Hindi ko alam kung tanga ba siya o mabait lang talaga.” “Ganoon nga po talaga si sir, Ms. Pan. Kalahating mabait, kalahating tanga. Pero kahit na ganoon siya, malaki ang respeto ko sa kaniya.”Pinunasan ni Pan ang luha sa mata niya at tumingin kay Zahara na nakatulog na dahil sa walang humpay na pag-iyak.“Ms. Pan, marami pong a
“Anong nangyari?” kunot noong tanong ni Symon matapos dalhin ni Dom at Ark si Juancho sa bahay niya.“N-Nag-away po sila ni Pan, t-tito.”“I-Is it because of me?” medyo kinakabahan na sabi ni Symon. Hindi pa niya alam ang lahat.Umiling si Dom. “N-Nalaman po ni Juancho na iba p-pala ang ama ni Zahara.”Kumunot ang noo ni Symon. “What do you mean?” Agad na ipinaliwanag ni Ark ang lahat ng nangyari doon sa bar. At halos hindi mailarawan ang itsura ni Symon pagkatapos.Mahal niya si Zahara and knowing na wala siyang bakas ng dugo sa bata, parang nablanko ang utak niya.Bigla niyang naalala ang pangalan ni Pan sa waiting list na gustong magpa-appoint sa kaniya.Biglang nag-align lahat at ngayon, pati siya ay galit na galit na.Dahil nauunawaan na niya lahat….“Kung ganoon, niloko niya ang anak ko. Pinaako niya kay Juancho si Zahara para mapalapit sa akin. Grabe, hindi ako makapaniwala na napaikot kami ng babaeng yun!” Nanggigil na sabi ni Symon.Agad na nagring ang phone niya at nakita ni
Matapos ang ilang araw, nakauwi si Leila ng bansa at agad na dumiretso kay Pan.Pagpasok niya sa bahay ni lola Susana, nakita niyang karga karga ni Pan si Zahara.“Anong nangyari sa apo ko?” “B-Bakit nandito kayo?” gulat na tanong ni Pan.“May pinagdadaanan ang anak ko. Ayoko ng maulit yung nangyari noon na wala ako no'ng kailangan mo.”Nagulat si Pan sa narinig. Tumingin siya kay Zahara na may lagnat.Mula ng pumunta si Symon sa kanila, nagkakasakit na muli si Zahara.Alam niyang dahil iyon sa labis na kalungkutan na ang papa at lolo na kinilala nito ay pinagtatabuyan na siya.“L-Lolo…” Ang paulit-ulit na pagbanggit ni Zahara.Nag-alala si Pan. Ilang araw ng hinahanap ng anak niya si Symon at Juancho, at wala siyang maisagot dito.Mula doon sa bar, hindi na sila nagkita pa ni Juancho muli.“Anak, hinahanap ni Zahara si Symon. Papuntahin natin siya dito. Kawawa ang bata.”“Papuntahin?” si lola Susana ang sumagot. “Alam mo ba kung paano pinagtabuyan ng asawa mo si Zahara?”Nagulat si L
(8 months ago)Matapos malaman ni Gidette na buntis siya, sobrang saya niya no’ng araw na yun. Wala siyang ibang ginusto kun’di ang mapasakaniya si Logan.She’s rejoicing at halos tumalon pa siya sa tuwa dahil positive ang resulta ng pregnancy test. “Ano ka ngayon, Pan! Akin na si Logan!” Aniya.Pero ang kasiyahang iyon ay agad na napawi nang marinig niya na gustong ipakasal ni Lorciano si Logan kay Lara—ang kapatid ni Ark.“No. Hindi pwede. Magkaka-baby na kami ni Logan. Dapat ako ang maging asawa niya.” Ang sabi niya sa sarili niya.Agad siyang umalis sa bahay nila para puntahan si Lorciano sa kumpanya nito. She’s desperate para maikasal siya kay Logan.Kaya gagamitin niya ang anak niya para mapapayag si Lorciano sa gusto niya.Pagdating niya sa Gamesoft, tuloy tuloy siyang nagtungo sa office ni Lorciano at nagulat siya nang pagpasok niya doon ay naabutan niyang may ginagalaw itong babae sa table nito.Iyong babae ay umiiyak habang may takip ang bibig na panyo, nakatingin ito sa kani
6 years later…..“Sino ka?” tanong ni lola Susana kay Juancho nang pumasok ito ng bahay niya.“Lola, ako ito, yung paborito mong apo…”“Apo? Wala akong natatandaan na apo na gaya mo. Hindi kaya ay isa kang magnanakaw?”Lola Susana’s case is getting worse day by day dahil sa labis na katandaan nito. Nanlalabo na nga ang paningin niya at nakakalimutan na rin niya ang ibang bagay-bagay.“May apo ka la at iyon ay si Juancho.”“Sino? Wano?”“Juancho po…” nakangiting sabi ni Juancho. “Dito ka muna la ah, dalhin ko lang sa kusina itong binili ko.” At nagtungo siya sa kusina kung saan ay naabutan niya doon si Leila na nagluluto.“Para ka talagang dad mo.” Sabi ni Leila dahil kanina lang, si Symon ang huminto sa bahay para dalawin siya.“Pareho kaming pogi, tita?”Natawa si Leila at napailing.Nagkabalikan naman si Leila at Symon sa loob ng anim na taon pero hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil kailangan alagaan ni Leila si lola Susana.Kaya si Symon nalang ang palaging bumibisita sa kani
Ilang buwan na ang nakalipas, si Juancho ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap niya kay Pan.He stopped accepting client dahil mas priority niyang mahanap. Pero kahit na anong gawin niya, wala pa rin siyang lead na nakukuha.He doesn’t know what to do anymore. Umaasa na lang siya na papanigan siya ng swerte.Ngayon, hawak-hawak niya ang isang supot na naglalaman ng prutas. Papunta siya sa bahay ng mga Salvi para kaniyang mabisita si lola Susana.Nang makarating siya, agad niyang kinatok ang pinto nito at ngumiti ng malapad.“Oh Juancho, narito ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala? Wala nga akong sasabihin sayo tungkol sa apo ko.”Ngumiti si Juancho, inaasahan niya na ito. “Ikaw po ang ipinunta ko dito, la. Kailangan niyo pong alagaan ang katawan niyo lalo’t wala na kayong kasama kaya binilhan ko po kayo ng prutas.”Pinagsingkitan siya ni lola Susana ng mata. “Naku hijo, hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Masiyado na akong matanda para maloko mo sa iyong matatamis na salita.”Ngu
Nakahinga ng maluwag si Logan. At tumingin siya kay Sara.“Pwede mo bang papuntahin si Pan dito?”Tumango si Sara ng walang pag-alinlangan. “Yan ba ang una mong planong gawin para sa paghihiganti mo sa dad mo?”“Oo at kailangan ko munang magpahinga.” Saad ni Logan at pumikit ng humapdi na naman ang sugat niya sa likuran.“At saka ko hahanapin ang anak ko.” Dagdag niya.“Logan, paano kung wala na ang bata?”“Hahanapin ko pa rin siya, Sara. Right now, hindi ko na alam anong dapat kong maramdaman. Kung iiyak ba ako, magagalit, o ano.”Nakagat ni Sara ang labi niya. Naaawa siya kay Logan. Gusto niya itong tulungan sa abot ng makakaya niya.“Paano mo mapapabagsak ang dad mo?”“Kailangan ko ng pera.” Diretsang sabi ni Logan sa kaniya. “Kailangan ko ng pera para makagawa ako ng sarili kong gaming app na itatapat ko sa Gamesoft. Tatalunin ko si dad at sisiguraduhin kong tatalikuran siya ng tao hanggang sa bumagsak siya sa lupa.”Naroon ang determinasyon sa mukha niya.“Paano mo yun gagawin? Sa
When things are getting chaotic, akala ni Lorciano ay nalusutan na niya lahat.Pero iyon ang pagkakamali niya. Kalat sa internet ngayon ang pagsulpot ng isang hindi kilalang lalaki na nagtatago sa likod ng maskara na siyang nagsiwalat na si Lorciano ang dahilan ng pagkamatay ni Gidette.A baseless claims na pinaulanan ng mga tao at media. Kahit ang pamilya ni Gidette ay naintriga.Kaya dinumog ng press ang bahay ni Lorciano dahilan kung bakit yung attention niya ay napokus sa paglilinis sa nadungisan niyang pangalan.“GUMAWA KAYO NG PARAAN! HANAPIN NIYO ANG LALAKING NAKAMASKARA!” Sigaw niya nang puntahan siya ng mga tauhan niya sa kaniyang opisina.Hindi siya makalabas dahil kahit siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.“Sinong inutil ang lalaking yun?” halos nagpupuyos na siya sa tindi ng galit.Si Marie, ay napapikit. Nasa likod siya ng pinto ng office ng dad niya sa bahay nila.Grounded siya dahil pinatakas niya ang kuya Logan niya.Ngayon, natatakot siya at nananalangin na sana ay
“P-Pan,” ang nasabi ni Juancho nang makita niyang gising na si Pan.Gusto niya itong hawakan pero natatakot siyang itulak siya nito palayo.“I told you na hindi kita mapapatawad kung may nangyari sa anak ko, hindi ba?” Natigilan si Juancho at tumulo na naman ang luha niya.“I’m s-sorry, baby… I’m sorry…”Lumuhod na siya sa harapan ni Pan. “I’m really sorry…”“Sorry?” natawa si Pan. Wala ng kabuhay-buhay ang mukha niya. “Hindi ko kailangan ng sorry mo Juancho.”Halos dumapa na si Juancho sa sahig, hindi alam ano pang sasabihin maliban sa sorry. Umiiyak lang siya, umaasang kahit konti, kayang maibalik ng sorry niya ang lahat ng sakit na naidulot niya.“Patawarin mo ‘ko. Patawad sa lahat.” Humagolgol na saad niya.Alam niya kasing huli na siya. Sa mga tingin ni Pan sa kaniya, alam niyang huling huli na.“Kung gusto mong patawarin kita, ibalik mo sa akin ang anak ko.” Napatingin si Juancho kay Pan. Nanlaki ang mata niya.“P-Pan-"“KUNG GUSTO MONG PATAWARIN KITA, IBALIK MO SA AKIN SI ZA
“ZAHARAAAAAA!!!!” Sigaw ni Pan.Umakyat na siya, tila walang pakialam kung madamay siya sa sunog.Ang nasa isipan na lang niya ay mailigtas niya ang anak niya.Pero bago siya makalayo, nahila na siya ni Leon palayo sa gate.“Pan, delikado!” Nag-aalalang sabi ni Leon.Nanlaki ang mata ni Pan.“BITAWAN MO ‘KO LEON! NASA LOOB PA ANG ANAK KO!” Sigaw ni Pan sa kaniya na sinubukang magpumiglas..Tumingin sila sa bintana. Naroon pa si Zahara, umiiyak at sumisigaw ng tulong.Takot na takot na siya at gusto ng umalis. Hindi siya makaalis dahil masiyadong mataas ang bahay.Her weak and frail body na kagagaling lang ng operasyon couldn’t stand it kung tatalon siya.Mamamatay rin siya kaagad.“MAMA!!! TITOOOOO!!! TULUNGAN NIYO AKO DITO!!! MAMAAAAA!!”“LEON BITAW!” Umiiyak na pagmamakaawa ni Pan.Pumikit si Leon, maski siya ay hindi alam anong gagawin. Malaki ang sunog sa bahay, galing sa ibaba, paakyat sa itaas. Kung bibitawan niya si Pan, alam niyang mapapahamak ito.“MAMA!!!! MAMAAAAAAA… HELP M
Magkasama si Juancho, Leila at Symon sa pagtugis sa ex-convict na nagdakip kay Zahara. Ito ay walang iba kun’di si Larry.Nakastand-by na ang mga pulis, nag-aabang na makalabas si Larry sa bahay niya.No’ng lumabas siya, agad itong tumakbo nang mapansin niya ang mga pulis kaya hinabol siya.Sirena ng mga sasakyan ng pulis ang maririnig sa kalsada at sina Juancho ay nakasunod sa likod.Wala ng ibang namutawi sa mukha niya kun’di galit sa mga kumuha kay Zahara at galit sa sarili niya na inuna niya ang sariling emotion kesa ang piliing magpakumbaba at pakinggan si Pan.Pagdating nina Juancho sa lugar kung saan huminto ang mga sasakyan ng pulis, agad agad silang bumaba.Nakita nilang hawak na ng mga kapulisan si Larry. Sa tindi ng galit ni Juancho, agad siyang tumakbo palapit sa ex-convict at agad niya itong sinuntok.“HAYOP KA! NASAAN ANG ANAK KO?!!!! NASAAN SI ZAHARA?”Hindi nakapagsalita ang lalaki dahil hindi siya tinatantanan ni Juancho ng suntok kaya ang mga pulis ay ginawa ang laha
Sa bahay kung saan dinala si Gidette noon, doon dinala ng mga tauhan ni Lorciano si Zahara.Patuloy at walang humpay na umiiyak ang bata habang nakakulong sa isang madilim na kwarto.Nang pumasok si Lorciano sa kwartong iyon, agad niyang nakita si Zahara na nakatingin sa labas ng bintana at umiiyak.“Sino po kayo? P-Pakawalan niyo po ako dito please… Gusto ko na pong umuwi kay mama.”Tumawa si Lorciano. Nagngingitngit ang kalooban niya habang nakatingin sa anak ni Pan.Lumapit siya dito. “Gusto mo ng umuwi?” tanong ni Lorciano.“Opo…” humihikbing sagot ni Zahara.“Oh ito…” Malakas na sampal ang binigay ni Lorciano sa bata kaya mas lalong umiyak si Zahara lalo’t parang nabali ang leeg niya sa lakas ng sampal na iyon.“PAPA!!!! MAMA!!!!” Humihinging tulong na sigaw ng bata.Hindi pa nakontento si Lorciano, kinuha pa niya ang buhok ni Zahara at hinila paitaas para mapatingin ito sa kaniya.Napangisi siya ng makitang dumugo ang labi ng bata at namaga agad ang pisngi.Simpal pa niya ito ng
Nang makasakay si Pan at Leila ng sasakyan, agad na nahimatay si Pan.“Manong bilis!” Natatarantang sabi ni Leila at kinakabahan para sa anak niya.Humawak ito sa tiyan ni Pan at tahimik na nanalangin at kinakausap ang apo niya na huwag siyang bumitaw.“Hello our baby angel. Huwag ka bumitaw anak kasi hindi kakayanin ng mama mo kung pati ikaw mawala. Love na love ka namin at excited kaming makita ka. So please, stay with us sweetheart… please.. please..”Tumingin ang driver kay Leila at nakita niya itong kinakausap ang tiyan no’ng anak nito na nahimatay.“Please… Lord, huwag ang baby… Hindi kakayanin ng anak ko kung dalawa sa anak niya ang mapahamak.” Lumuluhang pakiusap ni Leila.Nagpatuloy pa siya sa pakikipag-usap sa apo niya. Sinasabihan niya ito na humihingi ng sorry si mama niya sa kaniya at mahal na mahal nila ito.Kahit ano, gagawin niya just to save the baby.Alam niya kung gaano ka-stress si Pan ngayon and she’s so damn afraid na maapektuhan ang dinadala nito.And this is the