Share

Chapter 59

Author: Rhan Jang
last update Huling Na-update: 2023-05-22 23:33:49

Sandra's POV

TILA binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan nang marinig ang sinabing iyon ng isa sa mga bodyguard ni Lucas. Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso at balutin ng kaba ang buo kong sistema.

"P-Paano nangyari 'yon? Akala ko ba ay mahigpit ang pagbabantay nyo sa kanya?" sunod-sunod kong sabi habang nanginginig ang aking labi.

"M-Ma'am, mahigpit po ang aming pagbabantay. Pero isang kwarto ang pinasok ni Sir Lucas at inutusan niya kaming maghintay sa labas," paliwanag niya.

Nanlambot ang aking tuhod, dahilan upang mawalan ako ng balanse. Mabuti na lang at katabi ko si Jennie at agad niya akong nahawakan sa balikat.

"S-Sandy!" nag-aalalang wika ni Jennie.

Hinawakan ko ang aking ulo habang nakasandal kay Jennie.

"S-Sabihin mo, ano pa ang nangyari?" muli kong tanong.

"Naghintay kami sa labas ng kwarto na 'yon tulad ng sinabi niya, ngunit nang mapansin naming matagal siyang lumabas, agad kaming pumasok sa loob dahil maging kami ay kinabahan," muli niyang wika. "Sa pa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
No bayan, trina and gab tandem lng yan mga must hahaha
goodnovel comment avatar
Marra Regodon
miss a bukas po ulit thank you
goodnovel comment avatar
Cecil De Guia Deluta
pa unlock please..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Living With The Billionaire   Chapter 60

    Sandra's POVMALAMBOT ang kamang hinihigaan ko. Naaamoy ko ang paligid at sa mga oras na ito, sigurado ako na nasa loob ako ng ospital. Marahan kong binuksan ang talukap ng aking mata. Sa pagbukas nito, malabo pa ang aking paningin ngunit unti-unti itong lumilinaw hanggang sa tuluyan kong makita sina nanay at ang doktor na ngayon ay nakatingin sa akin. Nababakas ang pag-aalala sa mukha ni nanay at tatat."Anak, ayos ka na ba?" agad na tanong ni nanay."O-Opo, nay, okay na ako."Marahan kong ginalaw ang aking katawan, saka umupo. Inalalayan naman ako ni nanay sa pagsandal ng aking likod sa headboard ng kama na kinahihigaan ko."Nahimatay ka kanina sa dressing room, anak. Agad ka naming sinugod dito sa ospital," muling saad ni nanay.Kumunot ang aking noo nang maalalang hinimatay ako. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang dahilan kung bakit ako hinimatay."Nay, si Lucas? L-Ligtas ba siya? Nasaan siya?" hysterical ko.Hinawakan ni nanay ang aking balikat at pilit ak

    Huling Na-update : 2023-05-24
  • Living With The Billionaire   Chapter 61

    Sandra's POVMULING hinawakan ng mga pulis ang aking braso, saka ako inalalayang tumayo at isinama palabas ng caution fence. Hindi na rin ako nakapagsalita pa at tanging pagtulala na lang ang aking nagawa.Nakaupo ako sa isang upuan na nandoon habang si Jennie naman ay patuloy sa paghaplos sa aking balikat."Sandy, tibayan mo ang loob mo. Siguradong buhay pa si Lucas. 'Wag kang mawawalan ng pag-asa," sunod-sunod na sambit ni Jennie sa akin. Pinalalakas niya ang loob ko na halos nais nang sumuko.Tumango ako at tumingin sa kanya."Tama ka, Jennie. Buhay si Lucas, nararamdaman ko 'yon."Mahigpit akong niyakap ni Jennie at nang maramdaman ko ito, hindi ko maiwasang hindi maluha."May katawan!"Agad kaming napalingon nang marinig ang malakas na sigaw ng search and rescue na nandoon. Mabilis akong napatayo at nakaramdam ng kaba nang malaman na nakakita sila ng katawan ng isang tao. Ihahakbang ko sana ang aking mga paa at tatakbong muli ngunit agad akong pinigilan ni Jennie."Let's wait, Sa

    Huling Na-update : 2023-05-25
  • Living With The Billionaire   Chapter 62

    Sandra's POVMADILIM na ang palingid, nanatili pa rin akong nakatayo sa lugar kung saan huling nakita ang naaksidenteng kotse ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nahahanap ng mga taong inatasan ko.Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang araw na iyon. Matagal ang hinintay ng kanyang abugado upang magdesisyong ibigay kay Levi ang wil and testament ni Lucas na noon pa nito hinanda. Hindi ko akalain na mararamdaman ni Lucas na mangyayari ang bagay na ito sa kanya, sa mismong araw ng kasal pa. Sana pala, noong nakita kong ginagawa niya ang wil and testament na ito, pinigilan ko siya, baka sakaling hindi ito natuloy.Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang maramdaman ko ang paggapang ng luha sa aking pisngi. Agad ko itong pinahiran saka muling pinigilan ang paghikbi."Sandy, let's go. Mahamog na rito at malapit nang lumalim ang gabi. Baka mahirapan tayong makabalik," sunod-sunod na paalala sa 'kin ni Gab habang naghihintay sa kotse.Mabuti na lang ay nandito pa rin ang lala

    Huling Na-update : 2023-07-02
  • Living With The Billionaire   Chapter 63

    Sandra's POV"Bingi ka ba? Hindi mo ba ko naririnig? Ang sabi ko, get out!"Nais ko mang igalaw ang aking katawan at mahigpit na yakapin si Lucas ay hindi ko magawa. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan na may tulalang mata.Pilit kong binuksan ang nanginginig kong labi upang makapag bitiw ng salita."L-Lucas, ako to si Sandy," pagpapakilala ko sabay sa paglagaslas ng maaalat na luha sa aking mata.Nanatiling nangninisik ang mga mata niya at tila hindi talaga niya ako nakikilala."Sorry, I don't know you," pagpupumilit niya. "Nurse! Nurse!"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang pagtatawag ni Lucas ng nurse. Agad namang pumasok ang isang nurse sa silid kung nasaan kami."Sir, tinawag nyo po ako?" saad ng nurse."Paalisin mo ang babaeng ito. Hindi ko siya pinayagan na pumasok sa kwarto ko pero basta na lang siyang pumasok dito," sunod-sunod na saad ni Lucas.Maya-maya lang, muli kaming napatingin sa pinto nang makita ang pagpasok ng mga pulis at bodyguard ni Lucas. Nababakas

    Huling Na-update : 2023-07-06
  • Living With The Billionaire   Chapter 64

    Sandy's POVLumipas na ang dalawang gabing nandito si Lucas sa mansion, ngunit tila wala pa rin ang nagbago sa pagitan naming dalawa. Halos hindi niya ako kinakausap at hindi rin sumasabay sa pagkain. Nais kong maalala niya ako ngunit tila ayaw niya. Pakiramdam ko ay hindi niya ako nais maalala.Nang gabing iyon, nagdesisyon akong magdala ng pagkain sa silid ni Lucas. Gusto ko siyang makausap nang masinsinan at kung ano ba ang plano niya sa aming dalawa."Salamat po, manang," saad ko matapos kunin ang tray ng pagkain na pinahanda ko sa kasambahay.Binuhat ko ito at lumakad patungo sa silid ni Lucas. Pilit kong ningiti ang aking labi upang sa oras na makita ako ni Lucas, mapapangiti rin siya. Ngunit hindi ko akalain na ako ay magugulat sa mga bagay na maririnig ko mula sa kanyang silid.Nang makarating ako sa pinto ng silid ni Lucas, akmang kakatok na ako rito ngunit agad akong napahinto nang marinig ang tinig ng isang babae na nagmumula sa loob ng silid na ito."Lucas, alam kong hindi

    Huling Na-update : 2023-08-19
  • Living With The Billionaire   Chapter 65

    Sandra's POVNakataas ang kilay ni Lucas. Nababakas sa kanyang mukha na tila naiinis sa kanyang nakikita. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko ito. Imbes na kaba ay naligayahan ako sa aking nakita."Lucas, mabuti naman at pumunta ka rito sa opisina," nakangiti kong saad.Marahan namang tumayo si Gab mula sa pagkakaupo at nagpamulsa. Ngumiti siya at tumingin sa direksyon ni Lucas."Welcome back, Sir Lucas," aniya sabay sa paglahad ng kanyang kamay.Kunot-noong tiningnan ni Lucas ang nakalahad na kamay ni Gab, saka muling tumaas ang kabilang kilay. Dahil sa ginawang ito ni Lucas, binawi na lang ni Gab ang kamay niyang iyon at muling binalik sa loob ng kanyang bulsa.Sinimulang ihakbang ni Lucas ang kanyang mga paa. Nang gawin niya iyon, napako ang ngiti sa aking mga labi habang nakikita kong papalapit siya sa akin. Ngunit maya-maya lang, unti-unting bumagsak ang mga nakangiting labi sa aking mukha nang dumapo ang tingin ko sa pintuan.Nakita ko si Abby

    Huling Na-update : 2023-09-18
  • Living With The Billionaire   Chapter 66

    Sandra's POVKUMUNOT ang aking noo nang maramdaman ang isang maliit na katawan sa aking tabi. Mula sa malalim na pagkakatulog, dahan-dahan kong binuksan ang mabigat na talukap ng aking mata. Pilit kong inaninag kung sino ang taong nasa tabi ko, saka unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang natutulog na si Levi.Hindi pa man nakalilipas ang ilang minuto, dahan-dahang minulat ni Levi ang kanyang mga mata."Good morning, Levi," pagbati ko sa aking anak habang nababakas ang ngiti sa labi."Good morning, mommy," tugon naman niya."Dito ka ba natulog kagabi?" tanong ko."Hindi po. Nagising ako dahil sa bad dreams at pumunta ako rito, saka natulog sa tabi nyo," aniya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nadadalas na rin kasing nananaginip si Levi nang hindi maganda. Naaawa na rin ako sa anak ko at kung minsan, gusto ko na ring manatili muna siya sa parents ko. Sa tingin ko, hindi na kinakaya ng murang isipan ni Levi ang mga nangyayari ngayon sa mansion at isa it

    Huling Na-update : 2023-12-20
  • Living With The Billionaire   Chapter 67

    Trina's POV'GAMIT ang aking palad, marahan kong sinuklay ang buhok ni Lucas na ngayon ay nakahiga sa kama. Nasa kanyang bibig ang oxygen na tumutulong upang siya ay makahinga nang maayos. Ang totoo, kinakabahan ako sa nangyaring ito. Alam kong planado ko ang mga bagay-bagay, ngunit hindi ko akalain na ganito kalala ang mangyayari. Hindi naaayon sa plano ang muntik na niyang pagkamatay."Good news po, Ma'am Trina. Stable na ang lagay ni Sir Lucas. Naging malakas nga lang ang pagtama ng kanyang ulo sa kotse kaya hanggang ngayon, wala pa rin syang malay," paliwanag sa akin ng doktor.Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa isang maliit na upuan katabi ng higaan ni Lucas, saka ako tumingin sa doktor at humarap sa kanya."Ano ang posibleng mangyari sa oras na nagising siya?"Umiling siya at tila problemado. Nababakas sa mukha ng doktor ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa bagay na kanyang sasabihin. Sinimulan niyang ilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa, at bago siya magsimulang magsal

    Huling Na-update : 2023-12-28

Pinakabagong kabanata

  • Living With The Billionaire   Final Chapter

    Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas

  • Living With The Billionaire    Chapter 85

    Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal

  • Living With The Billionaire   Chapter 84

    Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita

  • Living With The Billionaire   Chapter 83

    Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"

  • Living With The Billionaire   Chapter 82

    Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a

  • Living With The Billionaire   Chapter 81

    Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c

  • Living With The Billionaire   Chapter 80

    Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na

  • Living With The Billionaire   Chapter 79

    Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h

  • Living With The Billionaire   Chapter 78

    Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status