Tila nahiya si Sammy sa punto na iiyak na siya. Sinabi niya ng nakakaawa na tono, “Pakiusap, pagbigyan niyo ako, sir. Wala akong alam. Marami akong pinagdaanan sa nakalipas na mga taon. Pakiusap, tulungan niyo ako. Magbabayad ako ng kahit anong halaga.”Sa totoo lang, hindi niya kaya ang career niya na puro kabiguan, kamalasan, at ang laging pagbagsak niya habang naglalakad. Ang pagbabayad niya ang pinakamaliit na magagawa niya.May nakilala na siyang isang tao na tila makapangyarihan, kaya hindi siya susuko. Gagawin niya ang lahat para makumbinsi si Wilbur na tumulong sa kanya.Tumingin si Wilbur kay Sammy at sinabi niya ng mabagal, “Pasensya na, pero hindi ako tumutulong sa mga taong malamig ang pakikitungo sa akin. Umalis ka na.”Agad na nataranta si Sammy dahil gusto siyang paalisin ni Wilbur.Lumuhod siya sa harap ni Wilbur at umiyak siya. Sinabi niya, “Pakiusap, tulungan niyo ako, sir. Naging sobra ang kamalasan ko. Mababaliw na ako sa pagpapahirap na ito.”Hindi niya kaya
“Bye.” Hindi nilabas ni Wilbur ang Marrow Cleansing Pill. Nagdesisyon siya na maghintay hanggang sa sumapit ang gabi.…May isang middle-aged na lalaki na may dalang isang case ang nasa Zealand Airport. Sumakay siya sa eroplano na papunta sa Seechertown Airport ng nagmamadali.Naghintay siya ng buong hapon at sa huli ay dumating siya sa Seechertown Airport. Pagkatapos, umalis siya ng airport at balisang naghintay ng isang taxi.May isang mas batang lalaki na tumingin sa suitcase ng middle-aged na lalaki at ngumiti siya.Ang mas batang lalaki ay naglakad papunta sa middle-aged na lalaki at binangga niya ito. Ang lalaki at ang suitcase niya ay bumagsak sa sahig.Sa sandaling yun, ang mas batang lalaki ay binuksan ang suitcase ng may pambihirang bulis. Nilabas niya ang isang kahoy na kahon mula sa suitcase at kaswal nitong pinalit ang isang piraso ng tile na tinanggal niya sa sahig, pagkatapos ay sinara niya ang suitcase.Ang middle-aged na lalaki ay nasa sahig pa rin pagkatapos ng
Akala nila Matt at Gerard ay hindi ito gusto ni Wilbur base sa reaksyon nito. Mabilis na sinabi ni Matt, “Sir, hahanap po kami ng isa pa na magugustuhan niyo kung ayaw niyo po ito.”Ngumiti si Wilbur at sinabi niya, “Hindi yun. Gusto ko ito, pero paano niyo ito nakuha?”“Uhm… Isang tao po na nagtatrabaho sa amin ang nagpadala nito sa amin. Hindi po namin alam ang mga detalye,” Ang sagot ni Gerard.Tumango si Wilbur at sinabi niya, “Tatanggapin ko ito, pero magtanong kayo kung paano nakuha ang item na ito. Hanapin niyo ang may ari ng item na ito.”“Okay po, sir. Mag iimbestiga po agad kami kapag bumalik kami.” Hindi nila alam kung bakit gusto malaman ni Wilbur, ngunit mag iimbestiga sila dahil sinabi ni Wilbur.“May kailangan pa kayo?” Ang tanong ni Wilbur.Tumingin sina Matt at Gerard sa isa’t isa. Sinabi ni Gerard, “Heto po kasi, sir. Simula noong huling pangyayari, kami po at ang mga katulad namin sa Seechertown ay gumawa ng isang Cultivators Association. Ang layunin po ng asso
Gayunpaman, may kasiguraduhan sa sinabi ni Sammy, “Hindi ako nagsisinungaling sayo. Hindi ako maniniwala kung hindi ko ito mismong nakita.”Biglang nagring ang phone niya. Napansin niya na ito ay mula sa isang number na hindi niya kilala, at wala siya sa mood, kaya hinagis niya ang phone sa tabi.Mabilis na tinanong ni Dom, “Paano kung mga awtoridad ang tumawag? Baka nahanap na nila ang jade statue. Bilisan mo at sagutin mo ito.”Biglang may napagtanto si Sammy at mabilis niyan sinagot ang clal.“Sammy?”“Sir?”“Pumunta ka sa Sealake Island. Nagdesisyon ako na tulungan ka.”“Talaga? Salamat po, sir! Pupunta na po ako dyan.”Ibinaba ni Sammy ang phone. Umiyak siya ng masaya at sinabi niya, “Pumayag siya sna tumulong sa akin!”Mabilis na sinabi ni Dom, “Tara na pala. Hindi dapat natin siya hayaan na maghintay.”Nakita ni Dom na naging malas ang kapatid niya nitong nakaraang mga taon at naawa siya sa kapatid niya.Gayunpaman, wala siyang magawa. Naging masaya talaga siya para k
Mabilis na sinabi ni Dom, “Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa inyo. Gusto ko lang siguraduhin dahil importante ito.”“Wag kang mag alala. Naiintindihan ko kung bakit ka nagiging maingat. Tutal, mahal ang jade statue. Dinala mo ba ang necklace?” Ang tanong ni Wilbur ng nakangiti.Mabilis na nilabas ni Sammy ang necklace mula sa purse niya at pinasa niya ito kay Wilbur. Hindi niya na sinuot ang necklace simula noong kinumpirma ni Wilbur na may problema ito.Gusto niya itong itapon, ngunit naisip niya na magiging mahirap kung kailangan niya ang necklace para sirain ang sumpa, kaya itinabi niya ito ng malayo sa kanya.Kinuha ni Wilbur ang necklace at nilagay niya ang spirit energy niya sa red ruby pendant.Ang sumpa ay agad na lumaban gamit ang negative energy. Gayunpaman, agad itong natalo ni Wilbur dahil sa malakas niyang spirit energy.Noong mawala ang sumpa gamit ang spirit energy niya, may nakita rin siya sa kanyang isip.Nakita niya ang isang babae na may suot na pulang da
Nagsalita ulit sa phone si Beverly makalipas ang ilang minuto.“Hello, Deacon Penn. Ang taong hinahanap niyo, si Moose Chet, nasa penthouse suit siya sa room number 8888, sa Caesar Hotel sa Joland City nitong nakaraang araw, at hindi pa siya nag check out.”“Sige, pupuntahan ko siya. Sabihan mo ako kung umalis siya.”“Okay, sir. Sinama ko na rin ang taong ito sa surveillance area natin. Basta’t makita siya ng camera, agad itong irereport sa akin, at isesend ko ang impormasyon sa phone niyo. Magsesend na ako ng litrato ng taong ito para sa confirmation niyo.”Agad na natanggap ni Wilbur ang litrato na may kasamang pangalan, edad, lahi, at iba pang detalye ng impormasyon tungkol kay Moose Chet.Tumingin siya dito ng namamangha at sinagot niya, “Salamat, Beverly.”“Parte lang ng trabaho ko.”“Bye.”“Umaasa ulit ako na makausap kayo. Goodbye, Deacon Penn.”Ibinaba ni Wilbur ang phone at muli siyang namangha sa kapangyarihan ng Department of Paranormal Research and Defense.Umilin
“Sir, ito ay dahil sa lalaking ito. Hindi niya alam ang patakaran.” May taong tumuro kay Wilbur.Tumingin si Moose kay Wilbur at malamig ang pakikitungo niya. Tinanong niya, “Gusto mo ng tulong ko ng hindi sumusunod sa patakaran?”“Pwede ko bang itanong kung ano ang ginagawa mo?” Ang tanong ni Wilbur ng nakangiti.May taong nagsalita bago pa sumagot si Moose. “Tinutulungan niya kami na umunlad. Hindi ako makapaniwala na walang hiya ka para istorbohin siya. Bubugbugin kita kahit na pagbigyan ka niya.”“Talaga? Paano siya tumutulong na umunlad ang mga tao?” Ang tanong ni Wilbur.“May pambihirang kakayahan siya at may kakayahan siyang malaman ang mga tadhana. Dapat kang humingi agad ng tawad sa kanya,” Ang galit na sinabi ng isa pang tao.Tumawa si Wilbur at sinabi niya ng mabagal, “Hindi niya kailangan kumita ng pera mula sa mga masamang paraan kung may kakayahan talaga siya. Mga tanga kayo.”Agad na nagkagulo dahil dito. May ilang mga tao na lumapit kay Wilbur at tumuro sila ng n
Ang mga tricks ni Moose ay kaya magawa ng kahit sinong cultivator, ngunit ang gamitin ito para kumita ng pera ay hindi pa nakita ni Wilbur noon.Magastos ang cultivation, ngunit walang kahit sinong cultivator ang walang hiya para umabot sa ganitong punto. Paano niya ipapakita ang mukha niya sa ibang mga cultivator kapag natuklasan nila ito?Walang hiya talaga si Moose.Sinabi ni Moose sa mahinang boses, “Depende na ito kung kaya mo tumulong sa iba. Wag kang kumilos ng basta basta at isugal ang sarili mong buhay.”“Baka nga mamatay ako, pero siguradong hindi mo ito kaya.”Inaral ni Wilbur ang tungkol kay Moose. Si Moose ay isang beginner Aura level cultivator lang. Paano siya magiging makapangyarihan?Galit na galit si Moose. Sumigaw siya, “Walang hiya ka!”Nilabas niya ang isang clay jar mula sa shoulder bag na dala niya habang nagsasalita siya. Nilagyan niya ito ng kanyang spirit energy. May isang matangkad na itim na mist ang lumabas sa clay jar sa isang iglap at tinakpan nito
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf