Naging seryoso ang ekspresyon ni Wilbur. Tinanong niya ng malamig, “Anong sinabi mo?”Mabilis na sinabi ni Moose, “Sir, hindi sa ayaw ko itong gawin. Tinuro ng mentor ko sa akin ang sumpa, pero hindi niya itinuro sa akin kung paano sirain ito.”‘Lintik. Ang mentor niya ang may alam nito?’Nabigla din si Wilbur. Mukhang kailangan niya hanapin ang mentor ni Moose.Ang mga taong nakapila ay tumingin ng takot kay Wilbur sa sandaling ito. Takot na takot sila, na para bang takot sila na matamaan ng kidlat mula sa kawalan. Paano nagawa ng isang tao na kontrolin ang kidlat? Tao ba siya? Halatang isa siyang diyos!Ang Mr. Moose Chet na hinangaan nila ng sobra ay natalo lang ng isang atake, at umamin din ito ng pagkatalo. Naisip nila kung paano nila pinagsalitaan ng masama si Wilbur kanina at nanginginig sila sa takot. Natatakot sila na hindi sila hayaan ni Wilbur.Tumingin si Wilbur kay Moose at sinabi niya, “Sabihin mo sa kanila. Marunong ka ba magbigay ng pag unlad?”Huminga ng malalim
Tumango si Wilbur. Magkapatid sila, kaya ordinaryo lang ito.Nag check in sila sa kanilang mga hotel room. Sina Dom at Sammy ay pagod, kaya natulog agad sila.Nagsimula si Wilbur na mag meditate habang nakahiga sa kama.Mukhang balisa si Moose sa loob ng kanyang kwarto. Gusto niyang tumakas, ngunit naisip niya ang lightning bolt, kaya hindi niya ito ginawa.‘Kapag tumakbo ako at nahuli niya ako, mamamatay ako, hindi ba?’Pinag isipan ito ni Moose at kinagat niya ang ngipin niya. Inisip niya, ‘Baka hindi na ito masamang bagay.’ Naisip niya, at nagsimula na rin siyang matulog.…Sa sumunod na umaga, nagising si Wilbur at naligo siya. Sina Dom at Sammy ay pumasok sa kwarto niya pagkatapos nila kumatok. Masunurin din na pumunta si Moose.Tumingin si Wilbur kay Moose at tinanong niya, “Masunurin ka rin pala, no?”“Hindi ako gagawa ng mali sa harap niyo,” Ang sabi ni Moose ng nakakaawa na tono.Tumawa si Wilbur at sinabi niya, “Mabuti. Hindi na kita aabalahin kapag dinala mo ako sa
Nagalit si Dom sa mga salitang yun.Ang pamilya Shandon ay mataas ang reputasyon sa Zealand at hindi pa sila napahiya ng ganito noon.Gayunpaman, alam niya na ang mga taong tulad ng lalaking ito ay hindi dapat awayin, dahil malaki ang local na impluwensya nila at mas makapangyarihan ito kaysa sa iba sa lugar na ito.Huminga ng malalim si Dom at pinigilan niya ang galit niya. “Ano ang dapat kong itawag sayo?”“Ang pangalan ko ay Lee Shoreson. Pwede ka magtanong sa iba ng tungkol sa akin kung may problema ka sa akin.” Tumawa ng malakas si Lee.Sumagot si Dom, “Mr. Shoreson, ang pamilya Shandon ay malaking pangalan din sa Zealand. Sisiguraduhin ko na magbigay sayo ng malaking regalo kapag tapos na kami. Bakit hindi na lang ito ang gawin natin?”Tumawa ng malamig si lee. “Mukha bang kailangan ko ang mga regalo mo? Pati, ito ang Cendonville. Wag ka na mag abala na banggitin ang Zealand. Tulad ng sinabi ko, mananatili si Sammy at umalis na kayong lahat. Kapag nagpatuloy kayong lumaban
Tumahimik si Wilbur.Natakot si Sammy sa mga salitang yun, at tumingin siya kay Wilbur. “Sir, medyo natatakot ako. Kayo ay…”“Wag kang mag alala. Iniisip ko lang kung kailangan ko siyang paslangin o hindi. Sa tingin mo ba talaga ay hindi ko matatalo ang mentor niya?” Alam ni Wilbur kung ano ang pinag aalala ni Sammy.Namula ang mukha ni Sammy sa pagiging awkward at kinagat niya ang labi niya. “Hindi yun ang ibig kong sabihin.”“Sinasabi ko lang na walang dapat ipag alala. Kaya ko naman ito,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Tila nakapag desisyon na si Moose, lumingon siya kay Wilbur. “Sir, kung kaya niyo po talagang talunin ang mentor ko… Pwede niyo rin po bang sirain ang sumpa ko? Hindi ko na po ito kaya.”Tumingin si Wilbur kay Moose. “Pwede ko itong gawin, pero kapag nangako ka lang na magbabago ka na at magiging mabuti.”“Pagsisilbihan ko po kayo ng buong buhay ko kapag kaya niyo pong kumbinsihin ang mentor ko na sirain ang sumpa!”“Magiging katatawanan ako kapag tinanggap k
“Moose, nagdadala ka ba ng mga buhay na sakripisyo ngayon dito?” Tumingala ang matandang babae, pinakita ang mukha na tila walang kulay at buhay. Natakot si Sammy. Takot na takot talaga siya.Nanginig si Moose mula ulo hanggang paa, yumuko siya sa matandang babae. “Master, ang mga taong ito po ay tinakot ako. Wala po akong magagawa.”Ibinaba ni Wilbur si Sammy, hinayaan niya na si Dom ang sumuporta kay Sammy habang tumawa siya. “Isa kang taksil!”Namula ang mukha ni Moose, hindi na siya nagsalita pa.Lumingon si Wilbur para tumingin sa matandang babae. “Ikaw ba si Darlene Chancelot?”“Ako nga. Mukhang takot sayo si Moose. Kahanga-hanga ka, iho,” Ang sabi ni Darlene.Nabigla sina Dom at Sammy. Walang kahit sino sa kanila ang inaasahan na ang mentor ni Moose ay ang matandang babae na ito.Ang matandang babae na ito ay mukhang malapit nang mamatay, ngunit sa huli ay isa siyang cultivator, ang uri na kailangan ng maraming bangkay upang magsanay ng kanyang cultivation.Walang kahit
Tumawa si Darlene. “Ilan kaya sa kanila sa tingin mo ang kaya mong kalabanin?”Nilabas niya ang kanyang cane, at may daan daang mga katawan na sumugod kay Wilbur na may pwersa na sapat upang lamangan siya.Sumigaw sa gulat si Sammy, at namutla ang mukha ni Dom. Hindi rin alam ni Moose kung ano ang gagawin niya.Si Wilbur ay bumuo ng maraming mga seal gamit ang isang kamay papunta sa kanilang direksyon, at may barrier na lumabas sa kanila na humarang sa mga mamamayan ng village.Hinawakan niya ang thunder cleaver at inatake niya ang mga zombie na ito.Nang patayin ang isa sa mga zombie kanina, may naintindihan si Wilbur.Gusto ni Darlene ang lahat ng mga bangkay upang gawin na mga zombie ang mga ito.Ang lahat ng nasa village na ito ay isang zombie.Ang mga zombie na ito ay parang karaniwang mga tao lang, ngunit hindi na sila buhay at nasa ilalim na sila ng kontrol ni Darlene.Ang mga zombie na ito ay hindi lang mas malakas sa isang karaniwang tao, may malaking halaga pa ng las
Konti lang ang mga Sanctuary level cultivator sa mundo!Habang iniisip ito, mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Darlene.Sa gitna ng makapal na nakakalason na fog, kalmadong hinampas ni Wilbur ang cleaver niya habang ang patalim nito ay sumabog ng may makapangyarihang spirit energy, napapaslang ang bawat zombie sa bawat hampas.Hindi siya nagbigay ng atensyon sa nakakalason na fog, patuloy lang siya sa pamamaslang.Habang nag patuloy ang laban, ang ekspresyon ni Darlene ay mabagal na nagbabago.Pinaslang na ang karamihan sa mga zombie, ngunit tila hindi pa bumabagal ang kilos ni Wilbur. Tila hindi siya nalason o nanghihina.Medyo nalilito si Darlene. Kahit ang isnag Ambience level cultivator ay hindi kakayanin ang pinagsamang mga atake ng ganito karaming zombie, paano pa ang dagdag na panganib ng nakakalason na fog.Tumingala si Wilbur habang ang ere ay puno ng fog. Napansin niya na konti na lang ang mga zombie na natitira. Ngumisi siya, at ang katawan ng Dragon’s Crystal ay
Ang higanteng zombie ay naglabas ng nakakatakot na spirit energy, at ang green fog ay pumalibot dito habang sumigaw ito ng napakalakas.Dahil dito, si Sammy, na siyang nasa loob ng barrier, ay umiyak agad sa takot. Nanginig ang mga binti ni Dom habang mahigpit ang hawak niya sa kapatid niya upang manatili silang nakatayo.Maputla din ang mukha ni Dom. Klaro na wala pa siyang nakita na ganitong nakakatakot na bagay noon.Naging seryoso na ang ekspresyon ni Wilbur ngayon. Minaliit niya talaga ang matandang witch na ito. Ang matandang ito ay kasing lakas ng isang intermediate Sanctuary level cultivator.Mahalaga na malaman na ang pagbuo ng isang higanteng zombie na may ganitong laki ay kailangan ng napakalaking halaga ng spirit energy, at ang kahit sinong mas mababa sa Sanctuary level ay hindi ito magagawa.Sa sandaling yun, malalim ang paghinga ni Darlene habang galit niyang sinabi, “Mamamatay ka, iho. Hindi mo matatalo ang higanteng zombie ko.”Klaro mula sa tingin ni Darlene na a