Ang higanteng zombie ay nagwang pakapalin ang ere sa pagitan ng mga palan nito mual sa mga atake kanina, may malakas na kapangyarihan ito.Ang kahit sinong tao ay mahihirapan harapin ang ganitong pressure, at ang kahit anong pagkakamali nila ay magreresulta ng pagkamatay nila.Ang atake na ito ay sapat na para bumawi sa laki at bagal ng kilos ng higanteng zombie.Sa sandaling yun, habang ang mga palad niya ay malapit na kay Wilbur, tila walang kahit sino ang makakaligtas sa ganitong atake.Nawala ang thunder cleaver sa hawak ni Wilbur. Tinaas niya ang mga palad niya, sinubukan niyang isangga ang nakakatakot na atake ng higante.Ang mga palad ay nagdikit na rin, at si Wilbur ay nasa gitna nito.Si Sammy at ang iba ay natakot ng sobra, pumikit sila at nawalan ng pag asa. Naisip nila kung ano ang gagawin sa kanila ng witch.Sa sandaling yun, tumawa ng nakakakilabot si Darlene habang lumapit siya ng mabagal gamit ang tungkod niya papunta sa higanteng zombie. “Kahit kailan ay hindi m
Samantala, si Wilbur naman ay mahinahon habang nilagay niay sa itaas ng balikat niya ang thunder cleaver at sinabi niya kay Darlene, “May iba ka pa bang ilalabas, old witch? Ikaw na ang haharapin ko kapag sumagot ka ng wala na.”Kinagat ni Darlene ang ngipin niya. “Bakit mo ako balak patayin?”“Gumawa ka ng mga zombie at naglagay ng mga sumpa sa mga tao, kasama na ang mga estudyante mo. Hindi ba’t sapat na rason na ito?” Ang sagot ni Wilbur.Sinabi ni Darlene, “Inutusan ko lang sila na magdala ng mga bangkay sa akin, hindi ko sila inutusan na pumatay ng mga tao! Bukod pa dito, hindi ba’t dapat nila akong bayaran dahil tinuruan ko sila ng cultivation?”“Dapat ka nilang bayaran bilang mga estudyante mo, pero hindi dahil tinakot mo sila. Ang witchcraft na ginagamit mo ay puno ng kasamaan. Kailangan mo lang ng mga bangkay ngayon, pero baka kailangan mo ng mga buhay na tao kapag mas naging makapangyarihan ka na!” Ang malamig na sinabi ni Wilbur.Walang masabi si Darlene. Tama si Wilbur
Kasabay nito, ginamit niya ang natitirang energy niya para itutok ang tungkod niya kay Wilbur.Ang gray fog sa tungkod niya ay naging isang ghostly shadow, nakalabas ang mga pangil nito habang sumugod ito kay Wilbur.Ang village ay tila napapalibutan ng aura ng kamatayan habang lumabas ang multo, ang lahat ng mga halaman ay natuyo at namatay.Si Wilbur, ang target ng Soul Massacre, ang sumasalo sa karamihan ng aura na ito.Naiintindihan niya na na magiging mahirap para sa kanya na harapin ang Soul Massacre kahit na doblehin niya ang kapangyarihan niya.Tutal, ang witch na ito na may Sanctuary level powers ay sinasakripisyo ang sarili niyang spirit at buhay para gamitin ang pinakamalakas na spell nito. Hindi magiging sapat ang lakas lang para talunin ito.Tumitig sina Dom at Sammy sa village habang naging impyerno sa mundo ito, ang mga kaluluwa nila ay nanginginig sa takot.Maputla din sa takot si Moose. Alam niya na ang master niya ay may makapangyarihan na spell na kayang pumat
“Pasensya na. Personal kang isinumpa ng matandang babae, kaya ang sumpa ay hindi pa nabubura,” Ang sabi ni Wilbur.Naging takot ang ekspresyon ni Sammy. “Anop po pala ang dapat kong gawin?”“Wag kang matakot. May ideya ako. Medyo magiging problemado lang ito,” Ang sabi ni Wilbur.Huminahon si Sammy nang marinig niya na may paraan para makalaya siya. Tutal, si Wilbur ay may sapat na kapangyarihan upang magtiwala si Sammy sa mga salita niya.Kumunot ng konti ang noo ni Dom. Nabalitaan niya mula kay Wilbur na ang sumpa ay pwedeng masira ng pwersahan.Ngunit ang pagpasok sa kaluluwa ni Sammy ay maaaring makasakit sa kanya at maaaring maging mapanganib pa ito sa kanya.Ngunit patay na si Darlene, at wala na silang ibang paraan.Sina Sammy, Dom, at Moose ay tumingin sa lupa na puno ng mga katawan. Kinilabutan sila.Pinatay ni Wilbur ang apat o limang daang mga zombie, pati na rin ang higanteng zombie kanina. Nagawa pa ni Wilbur na protektahan ang sarili mula sa nakamamatay na spell n
Agad na nataranta si Gibby. “Hindi niyo po ito pwedeng gawin, Mr. Shoreson!”“Kalokohan. Gusto kong mamatay ang tatlong ito, kahit anuman ang mangyari. Walang hiya sila para saktan ang isang taong tulad ko, mga walang hiya kayo!”Tumingin ng galit si Lee kay Wilbur, naghanda na siyang iputok ang baril.Namutla si Sammy at ang iba. Hindi tulad ni Darlene, ang tatay ni Lee ay isang government official. Baliw si Lee at mas may kakayahan siya na magdala sa kanila ng malaking gulo.Hindi natatakot si Wilbur na tumitig sa baril, ngunit takit sina Sammy at ang iba.Sa sandaling yun, tumawa si Wilbur. Hinawakan niya ang bulsa niya, nilabas niya ang kanyang lisensya, at pinakita niya ito kay Lee. “Ako si Wilbur Penn, Department of paranormal Research and Defense. May official na utos ako mula sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Wag mo isipin na ipagpatuloy ang balak mong gawin.”Huminto si Lee, tumingin siya sa lisensya. Makalipas ang ilang sandali, sumigaw siya, “Kalokohan! Hindi
Matagal nang kinamumuhian ni Gibby si Lee, ngunit ang kapangyarihan ni Lee ay rason para hindi maging protektado si Lee sa Cendonville.Ngayon at nakatanggap si Gibby ng mga utos mula sa province officials, kahit ang isang taong tulad ni Lee ay walang magagawa.Si Lee at ang tatay niya ay may mga mataas na posisyon lang sa Cedonville, ngunit walang kwenta sila sa Gravonia Province, paano pa ang sa harap ng department na tulad ng kay Wilbur.Naisip ni Gibby na si Lee at ang pamilya nito ay tapos na pagkatapos galitin ang isang tao na tulad ni Wilbur, kaya hindi siya nagdalawang isip na lumaban kay Lee.Ngumisi ng malamig si Gibby, “Posasan siya! Isang salita mula sayo at papatahimikin kita.”Ang mga pulis ay kumilos na agad, at si Lee ay nabigla sa biglang ginawa nila. Sa sobrang pagkabigla niya ay natahimik siya, hindi man lang siya nagsalita.Ang mga tauhan ni Lee ay pinosasan at hinuli din, pareho silang namutla at nanginig mula ulo hanggang paa. Sanay silang masunod ang gusto
Mukhang hindi pa naiintindihan ni Lee ang sitwasyon. Nagwawala siya, sumisigaw ng malakas na parang isang mabangis na aso kay Gibby at nakatingin siya ng malupit kay Wilbur.Suminghal si Gibby, hindi niya pinansin si Lee. Tumawa ng mahina si Wilbur, umupo siya sa harap ni Lee sa mesa.“Tsk, tsk. Kung ako sayo, mag iisip ako ng paraan para makaalis dito ng walang sentensya sa halip na sumigaw na parang isang asong ulol,” Ang pang aasar ni Wilbur.Kinagat ni Lee ang ngipin niya. “Wala kayong magagawa sa akin. Ang tatay ko ang state governor. Kailangan mo akong palayain, kung hindi ay hindi ka makakatakas dito ng buhay!”“Mukhang walang magbabago sa isip mo.” Tumingin si Wilbur kay Gibby. “Kasabwat si Lee Shoreson na sirain ang investigation ng Department of Paranormal Research and Defense. Ang hinala ko ay parte rin ang tatay niya dito. Arestuhin siya at tumawag kayo ng taong mula sa Municipal Commission for Discipline Inspection para gumawa ng inspection sa kanila at tingnan kung ma
Ang province ay paparusahan silang pareho sa pag abala sa investigation ng Department of Paranormal Research and Defense.Bukod pa dito, si Gibby ay may magagamit din na impormasyon laban sa dalawa.…Sina Wilbur, Sammy, at Dom ay bumalik na sa Seechertown pagkatapos ng isang buong gabi ng pagmamaneho.Lagpas alas diyes na ng umaga nang dumating sila sa Sealake Island, kung saan sinabi ni Wilbur kay Sammy at sa kapatid nito na magpahinga bago nagsimula si Wilbur sa pagbura ng sumpa ni Sammy.Gayunpaman, hindi na makapaghintay pa si Sammy, at walang magawa si Wilbur kundi ang sumuko sa pagmamakaawa ng magkapatid.Dinala ni Wilbur sina Sammy at Dom sa kwarto niya. Umupo siya sa sofa bago niya sinabi, “Napag isipan niyo na ba ito? Kailangan kong pumasok sa kaluluwa mo gamit ang spirit energy ko kung sisirain ko ang sumpa. Ang lahat ng mga sikreto at alaala mo ay mabubunyag sa akin. Sigurado ka na ba talaga dito?”“Sigurado ako. Wala akong kailangan itago. Sana lang ay mabura niyo a
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf