Share

Kabanata 311

Author: Blue Silver
Agad na nataranta si Gibby. “Hindi niyo po ito pwedeng gawin, Mr. Shoreson!”

“Kalokohan. Gusto kong mamatay ang tatlong ito, kahit anuman ang mangyari. Walang hiya sila para saktan ang isang taong tulad ko, mga walang hiya kayo!”

Tumingin ng galit si Lee kay Wilbur, naghanda na siyang iputok ang baril.

Namutla si Sammy at ang iba. Hindi tulad ni Darlene, ang tatay ni Lee ay isang government official. Baliw si Lee at mas may kakayahan siya na magdala sa kanila ng malaking gulo.

Hindi natatakot si Wilbur na tumitig sa baril, ngunit takit sina Sammy at ang iba.

Sa sandaling yun, tumawa si Wilbur. Hinawakan niya ang bulsa niya, nilabas niya ang kanyang lisensya, at pinakita niya ito kay Lee. “Ako si Wilbur Penn, Department of paranormal Research and Defense. May official na utos ako mula sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Wag mo isipin na ipagpatuloy ang balak mong gawin.”

Huminto si Lee, tumingin siya sa lisensya. Makalipas ang ilang sandali, sumigaw siya, “Kalokohan! Hindi
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 312

    Matagal nang kinamumuhian ni Gibby si Lee, ngunit ang kapangyarihan ni Lee ay rason para hindi maging protektado si Lee sa Cendonville.Ngayon at nakatanggap si Gibby ng mga utos mula sa province officials, kahit ang isang taong tulad ni Lee ay walang magagawa.Si Lee at ang tatay niya ay may mga mataas na posisyon lang sa Cedonville, ngunit walang kwenta sila sa Gravonia Province, paano pa ang sa harap ng department na tulad ng kay Wilbur.Naisip ni Gibby na si Lee at ang pamilya nito ay tapos na pagkatapos galitin ang isang tao na tulad ni Wilbur, kaya hindi siya nagdalawang isip na lumaban kay Lee.Ngumisi ng malamig si Gibby, “Posasan siya! Isang salita mula sayo at papatahimikin kita.”Ang mga pulis ay kumilos na agad, at si Lee ay nabigla sa biglang ginawa nila. Sa sobrang pagkabigla niya ay natahimik siya, hindi man lang siya nagsalita.Ang mga tauhan ni Lee ay pinosasan at hinuli din, pareho silang namutla at nanginig mula ulo hanggang paa. Sanay silang masunod ang gusto

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 313

    Mukhang hindi pa naiintindihan ni Lee ang sitwasyon. Nagwawala siya, sumisigaw ng malakas na parang isang mabangis na aso kay Gibby at nakatingin siya ng malupit kay Wilbur.Suminghal si Gibby, hindi niya pinansin si Lee. Tumawa ng mahina si Wilbur, umupo siya sa harap ni Lee sa mesa.“Tsk, tsk. Kung ako sayo, mag iisip ako ng paraan para makaalis dito ng walang sentensya sa halip na sumigaw na parang isang asong ulol,” Ang pang aasar ni Wilbur.Kinagat ni Lee ang ngipin niya. “Wala kayong magagawa sa akin. Ang tatay ko ang state governor. Kailangan mo akong palayain, kung hindi ay hindi ka makakatakas dito ng buhay!”“Mukhang walang magbabago sa isip mo.” Tumingin si Wilbur kay Gibby. “Kasabwat si Lee Shoreson na sirain ang investigation ng Department of Paranormal Research and Defense. Ang hinala ko ay parte rin ang tatay niya dito. Arestuhin siya at tumawag kayo ng taong mula sa Municipal Commission for Discipline Inspection para gumawa ng inspection sa kanila at tingnan kung ma

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 314

    Ang province ay paparusahan silang pareho sa pag abala sa investigation ng Department of Paranormal Research and Defense.Bukod pa dito, si Gibby ay may magagamit din na impormasyon laban sa dalawa.…Sina Wilbur, Sammy, at Dom ay bumalik na sa Seechertown pagkatapos ng isang buong gabi ng pagmamaneho.Lagpas alas diyes na ng umaga nang dumating sila sa Sealake Island, kung saan sinabi ni Wilbur kay Sammy at sa kapatid nito na magpahinga bago nagsimula si Wilbur sa pagbura ng sumpa ni Sammy.Gayunpaman, hindi na makapaghintay pa si Sammy, at walang magawa si Wilbur kundi ang sumuko sa pagmamakaawa ng magkapatid.Dinala ni Wilbur sina Sammy at Dom sa kwarto niya. Umupo siya sa sofa bago niya sinabi, “Napag isipan niyo na ba ito? Kailangan kong pumasok sa kaluluwa mo gamit ang spirit energy ko kung sisirain ko ang sumpa. Ang lahat ng mga sikreto at alaala mo ay mabubunyag sa akin. Sigurado ka na ba talaga dito?”“Sigurado ako. Wala akong kailangan itago. Sana lang ay mabura niyo a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 315

    Tinaas ni Wilbur ang mga kilay niya baog siya tumawa ng malakas. Iniisip niya kung paano niya ilalayo ang fog mula sa spirit flame ni Sammy nang biglang niresolba ng problema ang sarili nito para sa kanya.Tumitig siya sa papalapit na fog at may dalawang silver spark na lumabas mula sa mga mata niya.Lumipad ang mga spark, nabura ang gray fog sa loob ng ilang sandali. Wala nang bakas na naiwan.Wala na ang fog, at pati na rin ang sumpa. Tapos na ang trabaho ni Wilbur ngayon.Ang spirit ang pinaka misteryosong parte ng katawan ng isang tao, ngunit ito rin ang pinaka maselan at komplikado. Ito ang rason kung bakit maingat talaga si Wilbur habang ginagawa ito.Sa totoo lang, pinapasalamatan niya ang sumpa dahil mabilis niya itong nasira.Ang sumpa ay agresibo at umaatake ito sa lahat ng mga tao na lumapit.Gayunpaman, ang atake ng sumpa ay wala lang para sa isang tao na tulad ni Wilbur.Nang masira ang sumpa ni Sammy, mabagal na lumabas si Wilbur mula sa kaluluwa ni Sammy habang b

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 316

    Sa oras na umalis sina Sammy at Dom, magpapahinga na sana si Wilbur nang magring ang phone niya. Nakita niya na ito ay isang call mula kay Nancy at mabilis niya itong sinagot.“Hello, Nancy! Kamusta ka na?”“Ayos lang ako, Wilbur. Alam ko na isa kang busy na lalaki, pero may pagtitipon bukas ng gabi kasama ang lahat ng mga classmate mo. Pupunta ka ba?”“Pass muna ako ngayon.” Nawalan ng interes si Wilbur sa mga pagtitipon na ito dahil sa nangyari noong nakaraan.Nagbuntonga hininga si Nancy. “Sa totoo lang, ayaw ko ring pumunta.”“Wag ka na palang pumunta!”“Alam ko, pero pinapahirapan ako ng lahat dahil dito. Sinasabi nila na mayabang ako ngayon at may promotion ako sa trabaho, hindi maganda sa pakiramdam na tanggihan sila.”Huminga ng malalim si Wilbur. Minsan ay ang mga ganitong bagay ay hindi na kontrolado ng mga tao.“Kung ganun, mukhang pupunta na rin ako.”“I… Iiniisip ko kung gusto mo sumama kasama ko?” Ang tanong ni Nancy ng may mahinang tono.Gusto tumanggi ni Wilbu

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 317

    Mabilis na nag drive si Wilbur papunta sa Noir Nightclub, pumasok siya sa room 888.Mabilis na yumuko si Matt nang makita niya si Wilbur. “Sir, ito po ang lalaki!”Tumuro siya sa lalaki. Tumingin si Wilbur at nakita niya ang isang lalaki na mukhang nasa kanyang twenties. Medyo gwapo siya, ang karamihan sa buhok niya ay tumatakip sa mukha niya.Pagkatapos ay nakita ni Wilbur si Gerard sa pinto at mabilis niya itong tinulungang tumayo. Ginamit niya rin ang spirit energy niya papunta kay Gerard ubang maging maayos ang kondisyon nito.Galit na tumingin sa baba si Gerard. “Sir, napahiya po namin ang pangalan niyo.”Walang sinabi si Wilbur. Tumingin siya sa mga gambler bago napunta ang tingin niya sa lalaki. “Ano ang dapat kong itawag sayo?”“Skyler White, King of Thieves,” Ang sabi ng lalaki, humithit siya sa sigarilyo niya.Malamig na sumagot si Wilbur. “King of Thieves, huh? Malaking pangalan ang meron ka.”“Syempre.” Hindi mapagkumbaba si Skyler ng kahit konti.Dumilim ang ekspr

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 318

    Si Jerome mismo ay nagalit din. “Paano kayo magbabayad?”May pangalan si Jerome sa industriya, at ang dalawang gambler ay hindi siya pwedeng awayin. Kasama na si Skyler, Matt, at ang iba, ang dalawang gambler ay agad na sinabi, “Susunod kami sa mga patakaran at magbabayad kami ng tatlong beses ng pinanalo namin.”“Ayos lang ba ito sa inyo, sir?” Tumingin si Jerome kay Skyler.Sumagot ng walang pakialam si Skyler, “Syempre.”Ang dalawang gambler ay agad na nagbayad kay Skyler, humingi ulit sila ng tawad kay Skyler.Sinabi ni Wilbur, “So, tapos na ba ang problema tungkol sa pandaraya, Skyler White?”“Tapos na.”Tumango si Wilbur. “Kung ganun, paano naman ang pagnanakaw mo sa teritoryo ko at sa pag atake sa iba nang mahuli ka na?”Kasalanan ng mga gambler ang pandaraya, at nararapat silang magbayad para doon.Ngunit nang matapos na ito, kailangan harapin ang tungkol sa pagnanakaw.Tumawa si Skyler. “Yun lang ang trabaho ko. Bukod pa dito, nagnanakaw ako sa mga mayaman na tao. Pa

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 319

    Ang Splitmove ay isang technique na ginagamit ng isang cultivator para kumilos ng maikling distansya sa loob ng isang sandali, maganda ang technique na ito.Ito ang tipo ng technique na kahit ang isang Sanctuary level cultivator ay maaaring hindi kayang imaster.Gayunpaman, tumingin na si Wilbur sa impormasyon tungkol kay Skyler bago pa ito. Isang beginner Ambience level cultivator lang siya. May sariling mga sikreto siguro siya para imaster ang Splitmove sa ganitong level.Kahit si Skyler ay nabigla din.Siya ay isang master ng Splitmove at hindi pa siya natalo dati.Gayunpaman, ang lalaking nasa harap niya ay sinangga ang atake niya gamit lang ang pagkaway, at inatake pa ni Wilbur si Skyler sa sandaling yun. Paano nalaman ni Wilbur kung saan pupunta si Skyler?Hindi maintindihan ni Skyler ang sitwasyon.Syempre, naiintindihan ito ni Wilbur. Kapag napupunta sa isang laban si Wilbur, ginagamit niya ang spirit energy para gumawa ng isang invisible sensor na may one-meter radius s

Pinakabagong kabanata

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 433

    Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 432

    Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 431

    ‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status