Sa oras na umalis sina Sammy at Dom, magpapahinga na sana si Wilbur nang magring ang phone niya. Nakita niya na ito ay isang call mula kay Nancy at mabilis niya itong sinagot.“Hello, Nancy! Kamusta ka na?”“Ayos lang ako, Wilbur. Alam ko na isa kang busy na lalaki, pero may pagtitipon bukas ng gabi kasama ang lahat ng mga classmate mo. Pupunta ka ba?”“Pass muna ako ngayon.” Nawalan ng interes si Wilbur sa mga pagtitipon na ito dahil sa nangyari noong nakaraan.Nagbuntonga hininga si Nancy. “Sa totoo lang, ayaw ko ring pumunta.”“Wag ka na palang pumunta!”“Alam ko, pero pinapahirapan ako ng lahat dahil dito. Sinasabi nila na mayabang ako ngayon at may promotion ako sa trabaho, hindi maganda sa pakiramdam na tanggihan sila.”Huminga ng malalim si Wilbur. Minsan ay ang mga ganitong bagay ay hindi na kontrolado ng mga tao.“Kung ganun, mukhang pupunta na rin ako.”“I… Iiniisip ko kung gusto mo sumama kasama ko?” Ang tanong ni Nancy ng may mahinang tono.Gusto tumanggi ni Wilbu
Mabilis na nag drive si Wilbur papunta sa Noir Nightclub, pumasok siya sa room 888.Mabilis na yumuko si Matt nang makita niya si Wilbur. “Sir, ito po ang lalaki!”Tumuro siya sa lalaki. Tumingin si Wilbur at nakita niya ang isang lalaki na mukhang nasa kanyang twenties. Medyo gwapo siya, ang karamihan sa buhok niya ay tumatakip sa mukha niya.Pagkatapos ay nakita ni Wilbur si Gerard sa pinto at mabilis niya itong tinulungang tumayo. Ginamit niya rin ang spirit energy niya papunta kay Gerard ubang maging maayos ang kondisyon nito.Galit na tumingin sa baba si Gerard. “Sir, napahiya po namin ang pangalan niyo.”Walang sinabi si Wilbur. Tumingin siya sa mga gambler bago napunta ang tingin niya sa lalaki. “Ano ang dapat kong itawag sayo?”“Skyler White, King of Thieves,” Ang sabi ng lalaki, humithit siya sa sigarilyo niya.Malamig na sumagot si Wilbur. “King of Thieves, huh? Malaking pangalan ang meron ka.”“Syempre.” Hindi mapagkumbaba si Skyler ng kahit konti.Dumilim ang ekspr
Si Jerome mismo ay nagalit din. “Paano kayo magbabayad?”May pangalan si Jerome sa industriya, at ang dalawang gambler ay hindi siya pwedeng awayin. Kasama na si Skyler, Matt, at ang iba, ang dalawang gambler ay agad na sinabi, “Susunod kami sa mga patakaran at magbabayad kami ng tatlong beses ng pinanalo namin.”“Ayos lang ba ito sa inyo, sir?” Tumingin si Jerome kay Skyler.Sumagot ng walang pakialam si Skyler, “Syempre.”Ang dalawang gambler ay agad na nagbayad kay Skyler, humingi ulit sila ng tawad kay Skyler.Sinabi ni Wilbur, “So, tapos na ba ang problema tungkol sa pandaraya, Skyler White?”“Tapos na.”Tumango si Wilbur. “Kung ganun, paano naman ang pagnanakaw mo sa teritoryo ko at sa pag atake sa iba nang mahuli ka na?”Kasalanan ng mga gambler ang pandaraya, at nararapat silang magbayad para doon.Ngunit nang matapos na ito, kailangan harapin ang tungkol sa pagnanakaw.Tumawa si Skyler. “Yun lang ang trabaho ko. Bukod pa dito, nagnanakaw ako sa mga mayaman na tao. Pa
Ang Splitmove ay isang technique na ginagamit ng isang cultivator para kumilos ng maikling distansya sa loob ng isang sandali, maganda ang technique na ito.Ito ang tipo ng technique na kahit ang isang Sanctuary level cultivator ay maaaring hindi kayang imaster.Gayunpaman, tumingin na si Wilbur sa impormasyon tungkol kay Skyler bago pa ito. Isang beginner Ambience level cultivator lang siya. May sariling mga sikreto siguro siya para imaster ang Splitmove sa ganitong level.Kahit si Skyler ay nabigla din.Siya ay isang master ng Splitmove at hindi pa siya natalo dati.Gayunpaman, ang lalaking nasa harap niya ay sinangga ang atake niya gamit lang ang pagkaway, at inatake pa ni Wilbur si Skyler sa sandaling yun. Paano nalaman ni Wilbur kung saan pupunta si Skyler?Hindi maintindihan ni Skyler ang sitwasyon.Syempre, naiintindihan ito ni Wilbur. Kapag napupunta sa isang laban si Wilbur, ginagamit niya ang spirit energy para gumawa ng isang invisible sensor na may one-meter radius s
May malakas na tunog ng pagbagsak sa kwarto habang pakiramdam ni Skyler na ang buong katawan niya ay bumaliktad. Ang spirit energy sa katawan niya ay lumabas ng walang kontrol.Masasabi na natalo ni Wilbur si Skyler.Ang mga gambler ay tumitig sa kanila ng gulat.May nakakatakot na kapangyarihan si Skyler, ngunit mas higit pa ang lalaking ito. Natalo niya si Skyler sa isang atake lang, at walang kahit sino sa kanila ang naintindihan kung paano ito nagawa ng lalaking ito.Sina Matt at Gerard ay gumaan ang loob nang makita na natalo si Skyler, at tumingin sila sa mga gambler at sa may ari ng club. “Sabihin niyo sa kahit sino ang nangyari ngayong gabi, at malalagot kayo sa amin.”Hindi makapagsalita ang may ari ng club, mabilis siyang umalis habang ang mga gambler ay tumakbo palabas ng club.Nag drive si Jerome pauwi. Anuman ang nangyari sa club ay hindi niya na kontrolado. Ayos lang sa kanya ang kahit ano basta’t hindi siya nadamay sa nakakatakot na labang ito.Sa sandaling yun, l
Ang isang cultivator ay madalas na walang pakialam sa pera, ngunit mahalaga sa kanila ang mga ancient treasure. Mas mahirap itong mahanap kumpara sa pera.Ang mga cultivation method, mga weapon, pills, at antidotes. Ang ganitong mga bagay ay mas mahalaga para sa isang cultivator.Tumaas ang kilay ni Wilbur. Sino ang mag aakala na may ganitong bagay na makukuha siya sa pananakot sa lalaking ito?Tumahimik ng ilang sandali si Wilbur bago niya sinabi, “Sige. Nakikinig ako.”Nang mapansin ang interes ni Wilbur, mabagal na gumapang palapit si Skyler at nagkaroon siya ng misteryosong ekspresyon. “May nakita ko ang mga ancient ruins na ito noong pumunta ako sa Jarlinville, pero silyado ito ng isang makapangyarihang spell. Natatakot ako na mapunta ako sa gulo, kaya hindi ako pumasok. Pero, sigurado ako na magagawa mo ito dahil makapangyarihan ka! Base sa spell na gamit para isilyado ito, sigurado ako na may magandang nakatago doon.”“Heh. Hindi ka pumasok, o hindi mo kayang pumasok?” Ang
Syempre, imposible na makumbinsi si Faye.Humalukipkip si Faye, tumingin siya sa kisame.Sa huli ay nilabas ni Wilbur ang Marrow Cleansing Pill, kinaway niay ito sa harap ni Faye. “Tingnan mo, may regalo ako para sayo.”“Ano yun?” Naging interesado si Faye, at tumingin siya sa pill.Sinabi ni Wilbur, “Ito ang Marrow Cleansing Pill. Kinuha ko ito para sayo. Kapag ininom mo ito, ipapasok ko ang spirit energy sa katawan mo at makakapag simula ka nang mag cultivate bilang isang cultivator.”“Talaga?” Tuwang tuwa si Faye.Simula noong nasaksihan ni Faye ang kakayahan ni Wilbur, nagpantasya na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng kapangyarihan na tulad ng kay Wilbur.Ngunit alam niya na kahit kailan ay hindi siya magkakaroon ng ganitong pagkakataon.Gayunpaman, nang makita na naging mga cultivator sina Faron at Elsa, nainis ulit siya.Hindi galit si Faye dahil tinulungan ni Wilbur si Sammy. Alam ni Faye na kahit kailan ay hindi niya makokontrol si Wilbur, at masaya na siya n
Tumawa si Faron. “Isang kakaibang eksena ang nakita ko.”“Oo nga, Ms. Yves. Nagbigay ka ba ng kunsinte mo dito? Kung hindi, pwede ko tawagin ang mga awtoridad para dito,” Ang seryosong sinabi ni Elsa.Dumilim ang ekspresyon ni Wilbur. “Nagpapatuloy pa rin kayo.”Tinakpan ni Faye ang katawan niya gamit nag shirt ni Faron at namula ang mukha niya. “Kayo talaga, tama na. Maliligo na ako.” Tumayo siya at umalis ng mabilis.Suminghal si Elsa. “Oo, kailangan niya talaga maligo.”“Hindi na masama, pre! Pagod ka siguro,” Sumingit si Faron.Tumingin ng masama si Wilbur sa kanila. “Ginamit ko ang Marrow Cleansing Pill para padaanin ang spirit energy kay Faye. Ano ba ang pinapahiwatig niyong dalawa?”“Ah, wala. Naisip lang namin na bisitahin ka namin dahil maraming araw ka naming hindi nakita. Hindi namin inaasahan na makita ang isang… intense na pangyayari,” Tumawa si Elsa.Namutla ang ekspresyon ni Wilbur. “May kailangan ba kayo? Umalis na kayo kung wala.”“Hindi, wala kaming kailangan
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf